You may click to DOWNLOAD THEN SAVE the FULL TEXT Tagalog version now....

Shua-oleym (Kapayapaan) sa inyo, ol Shuam YAOHUSHUA hol-MEHUSHKHAY!

Nagpapasalamat kami sa YAOHU UL, ang ating Maykapal, dahil sa inyong pakikipag-ugnayan sa amin at nasisiyahan kami sa inyong pagiging tapat sa inyong pag-aaral ng Banal na Kasulatan at ibayong pagsasaliksik ukol sa Kanya, sa pag-gagabay sa inyo palagian ng 'RUKHA-YAOHUSHUA' at sa Pangalan ng Molkhiul YAOHUSHUA, ang iisa na totoong Messias at Tagapagligtas!

Bilang karagdagang kaalaman, inyong unawain at bulay-bulayin ang mga sumusunod na paghahayag ng kaliwanagan, sa aming paniniwala na ang 'RUKHA-YAOHUSHUA' ang Siyang palagiang nagtuturo at nagdadala sa inyo tungo sa ganap na katotohanan, dahil sa yaman ng biyaya, habag at pag-ibig sa inyo ng YAOHU UL, ang iisang totoong Maykapal, ang Banal ng Israel:

Q. Bakit maling tawagin ang Maykapal na 'Yahweh'?
A. Hindi ito tutugma sa ibang mga katibayan sa Kasulatan. Isa pa, ang tawag sa mga Judio ay 'Yaohudim' at sila ang bansang tinawag sa Kaniyang Pangalan. Kung ang Pangalan ng tunay na Maykapal ay 'Yahweh' - dapat sana'y tawaging 'Yahwedim' ang mga Judio. Kaya nga 'Judio' sa Tagalog, at hindi 'Wehdio.' Kaya ang talagang tama at tumpak at iisang Pangalan ng ating Maykapal na nasa langit ay 'YAOHU.' Kaya nga mga Judio ang tawag sa kanila dahil sa 'YAO-HUDIO' at hindi 'Yah-wehdio.' Maliwanag na maliwanag!

Ang kalipunan ng mga tao na kabilang sa bayang hinirang ng YAOHU UL, na Maykapal, sa salitang Hebreo, ang tawag nila sa kanilang kalipunan ay maliwanag na magpapahayag ng iisa at totoong Pangalan ng Maykapal, kapag inalis ninoman mula sa kanyang isipan ang mga maling aral, kinagisnan, at mga maling akala. Madaling tuklasin ang totoong Pangalan at kung Sino ang totoong Maykapal ang nasa likuran ng pinakadakilang Pangalang: YAOHU. Ang tamang paraan ng pagbigkas sa Pangalang ito ay 'YAO-HOO' na ang pantig ay nasa unang kataga.

Q. Bakit hindi 'Yahshua' o 'Yehshua'?
A. Ang kahulugan sa wikang sinaunang Hebreo ng mga katagang 'az' o 'ez' ay kambing. Kaya't kapag tinawag ninoman ang mga pangalang 'yahshua' o 'yehshua,' ang tooong tinatawag niya ay 'ang kambing na tagapagligtas.' At alam naman ninyo sa Banal na Kasulatan, ang tinutukoy na kambing ay si ha-satan, na lumilinlang sa maraming tao. Ang katotohanang ito ay madaling mapatunayan kapag inyong sinuri at sinaliksik ang anomang Hebrew-Chaldee Dictionary o kaya'y anomang mahusay na Bible Concordance. Tingnan ninyo sa Concordance ang salitang tinutukoy sa bilang 5796.

Dapat din ninyong malaman na, sa larangan ng di-nakikitang espiritwal, ang pagkakasulat o spelling ng mga pangalan ay hindi mahalaga, kundi ang tunog ng lumalabas sa bibig na sinasambit kapag binibigkas ninoman. Ang nagkakabisa ay kung ano ang ating sinasabi, binibigkas, tinatawag at binabanggit at kung kaninong espiritu tumutukoy ang mga salitang ito, kahit ano pa ang spelling mga ito. Dahil sa ang tawag sa kambing sa antigong Hebreo ay 'az' at 'eyz' - ang kambing pa rin ang tutukuyin kahit na isulat pa ng 'aazz,' 'ahz,' 'aiza' o kaya'y 'eyza,' lalo na kung nananalangin sa mga di-nakikitang mga espiritu!

Alamin din ninyo na ang mga salitang 'deus,' 'diyos,' 'theos,' at 'zeus' ay lahat tumutukoy sa iisang di-nakikitang espiritu, kahit ano pa ang spelling basta't magkahalintulad na mga tunog ang lumalabas sa bibig at ang mga ito'y tumutukoy sa iisang masamang espiritu. Si 'zeus' ang masamang espiritu ng mga sakuna ng kalikasan tulad ng bagyo, lindol, daluyong nga malalaking baha, lahar, mga kidlat na pumupuksa, atbp. Sinomang tumawag sa kanya ay para na ring humihiling nga mga sakunang nabanggit.

Tandaan ninyo, kapag dalawa o higit pang mga salita ay binigkas at halos walang pagkakaiba ang posisyon o kinalalagyan ng dila sa ngala-ngala at labi kapag binibigkas ang mga ito, magkatulad ang mga salitang iyon, kung ang pag-uusapan ay ang pagtawag sa mga nilalang sa di-nakikitang larangang espiritwal! Halimbawa, kapag may tumawag sa pangalan ni satanas, siya ay tutugon, kahit na ang spelling pa ng binabasa mo ay 'zeytan,' 'z-tahn' o 'zheytan.' Samakatuwid kapag tinawag ninoman ang pangalang 'yahshua' o kaya'y 'yehshua,' laking kaluguran ng kambing na tutugon bilang iyong huwad na tagapagligtas! Ito ang katuparan ng kanyang layunin: ang manlinlang ng mga walang muwang upang siya'y gawaing kanilang kunwa'y tagapagligtas at manunubos. Si ha-satan ang pinakatusong mapagpanggap at mapagkunwari!

Samakatuwid, talagang malaking pagkakamali ang tawagin ang totoong Messias na 'yahshua' o kaya'y 'yehshua' - dahil hindi Siya ang tinutukoy ng mga pangalang ito kundi si ha-satan!

Ang tama at totoong Pangalan ng Messias ay: YAOHUSHUA (binibigkas ng 'yao-hoo-shua'). Ang payak na kahulugan ng totoo at iisang Pangalang ito ay, ANG KAPANGYARIHAN NG YAOHU UL NA MAGLIGTAS! Ang totoong Pangalang ito ng Messias ay ang totoo ring nagdadala at nagpapakita ng Pangalan ng Maykapal, ng Ama, na walang iba kundi ang YAOHU UL!

Ito ang iisang orihinal na Pangalan ng totoong Messias - YAOHUSHUA!

Q. Tama bang gamitin ang titulong 'El Shaddai'?
A. Hindi! Ito ay mali. Isang madaling pagsisiyasat sa anomang Encyclopedia o Dictionary kaya upang alamin kung sino ang tinutukoy ng pangalang 'El' ang magpapatunay sa inyo na ang luma nang pangalang ito ay tumutukoy sa dati'y sikat na rebulto o huwad na maykapal ng mga taga Phoenicia at Babilonia. Si 'El' ay ang paganong rebulto na naghihikayat sa kanyang mga mananamba tungo sa kahalayan, kalibugan, pagtataksil, pakikipagtalik sa malapit na kamag-anak at imoralidad. Ang salita namang 'Shaddai' ay tumutukoy sa mga masasamang espiritung nambibihag o mapambihag (seducing spirits) sa larangan ng kadiliman.

Ang pagbanggit sa mga salitang ito ay nagpapakilos ng mga masasamang espiritu na may kinalaman sa iba't-ibang uri ng kahalayan, imoralidad, at iba pang tulad nito, na bumibihag sa maraming walang-malay tungo sa pagkakaalipin sa paganong pagsamba sa mga huwad na maykapal. Maski na ang mga mangkukulam at mga manggagaway ay alam ang katotohanang ito, at madalas pa nga nilang ginagamit ang mga salitang ito sa kanilang pang-eengkanto, faith healing at pagsamba sa mga demonyo.

Kaya't ang mga naglalaganap ng pagsamba sa mga paganong espiritung si 'El' at si 'Shaddai' ay ang mga pinunong engkantador na tinutukoy sa aklat ng Pahayag (Apokalipsis) sa Banal na Kasulatan, na mga parurusahan sa lawa ng kumukulong asupre magpasawalang-hanggan. Karimarimarim ang sasapitin ng mga nadaya ng mga masasamang espiritung ito. Kaya mag-iingat kayo, huwag kayong padadaya kailanman kay 'El Shaddai!'

Palagian muna ninyong sisiyasatin! Maiiwasan ninyo ang mga bitag, mga pakana at mga di-halatang panlilinlang ni ha-satan, ang kaaway. Huwag kayong basta na lang sumasabay o nakikiayon kaya sa marami. Maluwag at madali ang daan patungo sa kamatayan at MARAMI ang tumatahak doon! Kahit na ang mga ibon ay sinisiyasat muna ang bawat butil bago nila lunukin, at tiyak namang higit pa kayong marunong kaysa mga ibon. Magpakarunong kayo sa piling ng Molkhiul YAOHUSHUA! Siya ang katotohanan, ang ilaw at ang iisang daan patungo sa buhay na walang-hanggan!

Ang tamang titulo ng orihinal na Maykapal na ang ating YAOHU UL, batay sa antigong Hebreo, ay 'UL SHUAODAI' - na nangangahulugang 'ang Pinaka-Makapangyarihan at Pinaka-Mapagbiyaya na Higit pa sa Sapat' - walang iba kundi ang YAOHU UL, ang Banal ng Israel!

Tandaan ninyo na manipis lamang na hibla ang pagitan ng katotohanan at ng huwad o palsipikado. Wala kayong makikitang palsipikadong salaping papel na buong tatlong piso dahil walang tatlong pisong totoong salaping papel!

Ganoon rin sa larangang espiritwal, ang mga palsipikado ay halos katulad rin ng mga totoo o genuine, at tanging ang mainam na pagsusuri lamang ang magpapakita ng kaibhan at magsisiwalat ng kasinungalingan! Higit pa kapag sa larangan ng mga hindi nakikitang mga espiritu. Mag-iingat kayong mabuti dahil iisa lamang ang inyong kaluluwa at buhay ninyo ang nakataya dito gayundin sa kabilang buhay! Ano ang napala ninoman makamit man niya ang lahat ng kayamanan dito sa sanlibutan kung ang kapalit nama'y ang kawalan ng kanyang kaluluwa? Ano ang napala ninoman magtagumpay man siya sa lahat ng uri ng debate't pakikipagtalo kung ang kapalit naman ay walang-hanggang kaparusahan sa impyerno?

Q. Tama bang gamitin ang titulong 'Elohim'?
A. Mali pa rin. Mali na naman. Bakit? Dahil ang salitang 'Elohim' ay ang pang-maramihan ng salitang 'El' - at ipinaliwanag na nga sa unahan nito kung bakit mapanganib ang salitang ito na tumutukoy sa mga paganong rebulto noong sinauna sa Phoenicia at Babilonia.

Ang tama ay 'ULHIM' (ool-heem, pantig sa huling kataga) sa 'Archaic Hebrew' o makalumang Hebreo, hindi 'modern Hebrew' o pangkasalukuyang Hebreo na pangkaraniwang ginagamit ngayon sa Israel.

Ang maling pagkakasalin at pagbabago ng titulong ito ay ang isa sa tinutukoy ni Propeta Jeremias noong kanyang isulat sa Jeremias 8:8 sa Banal na Kasulatan:

'Papaano ninyong masasabing marurunong kayo kahit na nasasainyo pa ang Kasulatan gayong hinalinhan, pinalitan na ng mga eskriba ang nilalaman nito?'

Q. Tama bang tukuyin ang Banal na Espiritu na 'Ruach ha-Qodesh'?
A. Ito ay isang malaking pagkakamali! At delikadong pagkakamali! Dapat tayong maging napakaingat kapag ang tinutukoy ay ang Banal na Espiritu ng YAOHU UL, dahil ang paglapastangan sa Banal na Espiritu ay kasalanang walang kapatawaran, sa panahong ito maging sa kabilang buhay pa. Sinabi ito ng Molkhiul YAOHUSHUA sa Mateo 12:31-32 sa Banal na Kasulatan.

Sa sinauna, makaluma at original na Hebreo, ang ibig sabihin ng 'ruah' ay masama, makasalanan (Hebrew-Chaldee Dictionary Entry #7455, by Gesenius or Strong). Iyon namang salitang 'akko' ay nangangahulugang 'ligaw na kambing' - (Hebrew-Chaldee Dictionary Entry #689). Nangangahulugang kapag iyong binanggit ang titulong 'Ruach ha-Qodesh' - sa larangan ng di-nakikitang espiritwal, ang totoong espiritung tutukuyin ng titulong ito ay ang matandang kambing, na walang iba kundi si satur, o sa pangkaraniwan, ay si ha-satan (ang dragon, ang ulupong, ang ahas, ang manlilinlang, ang mapagpanggap).

Ang tama at matuwid na paraan ng pagtukoy at pagtawag sa Espiritu ng YAOHU UL ay: 'RUKHA HOL-HODSHUA' (bigkasin: roo-ka hol-hod-shoo-ah, pantig sa mga katagang 'roo' at 'shoo'). Maaari rin namang 'RUKHA-YAOHUSHUA.' Muli, maaaring talagang nasasaisip mo ay isang bagay ngunit iba ang sinasambit ng iyong bibig. Isang malinaw na halimbawa nito ay ito:

Sakaling ikaw'y nagpunta sa isang restawran upang kumain. Bago ka pa pumunta doon ay talagang balak mo nang umorder ng pansit-Malabon, tiyak na tiyak ang ibig mo at buong-buo ang pasya mo dahil talagang ito ang hilig mo. Ngunit dahil sa iyong pagmamadali at dahil marami ka ring ibang iniisip sa iyong utak, ang nasabi mo bilang order mo ay 'pansit canton' - nagkamali ka ng hindi mo namamalayan. Ano ngayon ang ihahatid sa iyo ng waiter sa hapag kainan, ang pansit-Malabon o pansit canton? Natural ang darating sa iyo ay pansit canton dahil sa iyon ang sinabi mo, kahit na iba ang balak mo sa isip mo! Kung ano ang sinabi mo, iyon ang darating sa iyo! Maliwanag pa sa sikat ng araw!

Higit na nga kapag ang tinatawag mo ay mga hindi-nakikitang mga espiritu! Kung sino ang tinatawag mo at tinutukoy ng bibig mo ang tutugon sa iyo, kahit na ang iniisip mo ay mga banal na espiritu pa. Maaaring talagang sa puso mo ay nais mong lumapit sa Kabanal-banalang YAOHU UL, ngunit kung ang tinatawag mo ay ang matandang ahas, dahil nga sa kakulangan ng muwang, tiyak ang lalapit sa iyo ay kung sino ang tinatawag mo, hindi ang kung sino ang iniisip mo!

Mag-iingat ka dahil mayroong batikang impostor o mapagpanggap ang nagtatago sa kadiliman na ang tanging layunin ay linlangin ang marami upang makasama niya sa lawa ng kumukulong asupre magpasawalang-hanggan. Naghahanap ng damay.... Kaya gumising ka at huwag kang padaya!

'Ang Aking bayan ay napupuksa dahil sa kawalan ng kaalaman!' sabi nga ng YAOHU UL sa Hosea 4:6 sa Banal na Kasulatan. Ngunit ngayo'y gising ka na! Alam mo na kaya't malaya ka na mula sa lahat ng pandaraya at panlilinlang ni ha-satan sa karamihan!

Nilay-nilayin ninyo ang mga salitang ito mula sa YAOHU UL, na binigkas ng Sugong si Shaul o San Pablo, sa Banal na Kasulatan:

'Ang mga bagay na ito'y nangyari dahil sa ilang bulaang kapatid na nakihalubilo sa amin upang tiktikan ang kalayaan namin kay YAOHUSHUA hol-MEHUSHKHAY, at gawin kaming mga alipin ng Kautusan. Hindi kami napailalim sa kanila kahit isang saglit, upang ang katotohanan ng Mainam na Pahatid ay manatili sa inyo.' - Galacia 2:4-5 Banal na Kasulatan.

'Kung habang pinagsisikapan nating tayo'y mapawalang-sala kay MEHUSHKHAY YAOHUSHUA ay nahahayag namang tayo'y makasalanan, nangangahulugan bang ang Molkhiul YAOHUSHUA ay nagtataguyod ng kasalanan? Hinding-hindi! Kung itatayo kong muli ang aking winasak, ako na rin ang nagpapatunay na nilalabag ko ang Kautusan. Sapagkat sa pamamagitan ng Kautusan, namatay na ako sa Kautusan upang mabuhay para sa YAOHU UL. Napako ahnee sa poste na kasama ng MEHUSHKHAY, at hindi na ako ang nabubuhay kundi ang MEHUSHKHAY, na nabubuhay sa akin.

Ang buhay na aking ibinubuhay sa Katawan ay ibinubuhay ko sa pananampalataya sa Anak ng YAOHU UL, na Siyang umibig sa akin at nagbigay ng Kanyang sarili para sa akin. Hindi ko pinawawalang halaga ang biyaya ng YAOHU UL, pagkat kung ang pagiging matuwid ay matatamo sa pamamagitan ng pagtupad ng Kautusan, samakatuwid pala'y ang Molkhiul YAOHUSHUA ay namatay ng walang kabuluhan.' - Galacia 2:17-21 Banal na Kasulatan.

'Ang lahat ng umaasa ng kaligtasan at mga biyaya ng YAOHU UL sa pamamagitan ng pagsunod sa Kautusan ay nasa ilalim ng sumpa, pagkat nasusulat, 'Sumpain ang sinumang hindi tumutupad sa LAHAT ng nasusulat sa Aklat ng Kautusan.''

Maliwanag na walang sinomang pawawalang-sala sa harapan ng YAOHU UL sa pamamagitan ng pagtupad ng Kautusan, sapagkat 'Ang matuwid ay mabubuhay sa pamamagitan ng pananampalataya. Ang Kautusan ay di nakasalalay sa pananampalataya, manapa, ang sumusunod sa hinihingi ng Kautusan ay mabubuhay sa pamamagitan nito.' Tinubos tayo ng Molkhiul YAOHUSHUA mula sa sumpa ng Kautusan sa pamamagitan ng Kanyang pagiging isang isinumpa dahil sa atin, pagkat nasusulat, 'Sumpain ang sinomang binitay sa punong kahoy.'' - Galacia 3:10-13, Banal na Kasulatan

'Pinalaya tayo ng Molkhiul YAOHUSHUA upang manatiling malaya. Magpakatatag nga kayo, at huwag nang paaalipin pang muli sa mga alituntunin ng Kautusan! Akong Apostol o Sugong si Pablo ang nagsasabi sa inyo: Kapag napatuli kayo, pinawawalang-kabuluhan ninyo ang Molkhiul YAOHUSHUA! Kinakailangang sundin niya ang buong Kautusan. Ang nagsisikap maging matuwid sa paningin ng YAOHU UL sa pamamagitan ng pagtupad sa Kautusan ay NAPAHIWALAY na mula sa Molkhiul YAOHUSHUA hol-MEHUSHKHAY at wala nang karapatan sa habag ng YAOHU UL. Ngunit umaasa kami na sa pamamagitan ng 'RUKHA-YAOHUSHUA' (Espiritu ni YAOHUSHUA) ay aariin kaming matuwid sa pamamagitan ng pananampalataya. Sa mga nakipag-isa kay YAOHUSHUA hol-MEHUSHKHAY, wala nang halaga ang pagtutuli o di pagtutuli. Ang mahalaga'y ang pananampalatayang nakikita sa gawang udyok ng pag-ibig!' - Galacia 5:1-6, Banal na Kasulatan

'Kung kayo'y pinapatnubayan ng 'RUKHA-YAOHUSHUA,' wala na kayo sa ilalim ng Kautusan.' - Galacia 5:18, Banal na Kasulatan

'Ang tumutupad sa buong Kautusan ngunit lumabag sa isa ay lumabag na sa lahat.' - Santiago (Yaocaf) 2:10 Bagong Tipan, Banal na Kasulatan. Ulitin natin, 'Ang tumutupad sa buong Kautusan ngunit lumabag sa isa ay lumabag na sa lahat.' - Santiago (Yaocaf) 2:10

Ang kaligtasan ay walang bayad na kaloob o regalo ng YAOHU UL dahil Siya'y mapagbiyaya, ibig sabihin, nagbibigay Siya ng mga biyaya at pagpapala sa sangkatauhan kahit na hindi karapat-dapat, kahit na walang kapalit, walang bayad. Hindi ito libre kung ito'y kailangang pagpaguran; ngunit ito (ang kaligtasan) ay libre, samakatuwid: walang bayad! Kahibangan ang tangkain ninoman na maligtas siya sa pamamagitan ng pagtupad sa mga kautusang ibinigay kay Moises. Imposible!

Tanging ang Molkhiul YAOHUSHUA lamang ang nakatupad ng lahat ng Kautusan, ni minsa'y hindi nagkasala! Tandaan, sumpain ang sinomang magtangkang maligtas sa pamamagitan ng pagtupad sa mga Kautusan ni Moises! Nasusulat na maliwanag sa Banal na Kasulatan. Mamuhay kayo sa ilalim ng walang-bayad na biyaya ng YAOHU UL, hindi sa ilalim ng Kautusan ni Moises!

Kaya nga sinasabing: ang Molkhiul YAOHUSHUA ANG DAAN, walang makaparoroon sa Ama (YAOHU UL) maliban sa pamamagitan Niya lamang, at hindi ng kung sinong iba pa. YAOHUSHUA IS THE WAY, THE ONLY WAY! Siya lamang ang daan, wala nang iba pa! Sa bundok kung saan nagbagong anyo ang Molkhiul YAOHUSHUA, nagpakita sa Kanya sina Moises (na kumakatawan sa Kautusan) at si Elias (na kumakatawan sa mga sinaunang propeta) ng Tanakh o Banal na Kasulatan. At ano ang ipinahayag ng YAOHU UL mula sa langit?

'Ito ang minamahal Kong Anak. Pakinggan ninyo Siya.' Kaya kung sakaling may pag-aalinlangan kayo sa inyong isipan kung sino ang dapat pakinggan at sundin, kung si Moises ba at ang Kautusan o ang mga sinaunang mga propeta, ang YAOHU UL, ang Kataas-taasan, ang nagsasabi sa iyo: 'Ito ang minamahal Kong Anak, pakinggan ninyo Siya!' Malinaw na ipinapakita, ng walang pag-aalinlanganan, sundin ang Molkhiul YAOHUSHUA hol-MEHUSHKHAY! Ang YAOHU UL, sa pamamagitan ni Propeta Jeremias ay nagpahayag:

'Darating ang panahon,' pahayag ng YAOHU UL, 'na Ahnee ay gagawa ng Bagong Tipan sa sambahayan ni Israel at sa sambahayan ni Judah. Hindi iyon matutulad sa tipang ginawa Ko sa kanilang mga ninuno nang hawakan Ko sila sa kamay at pangunahan paalis sa Egipto, dahil umalis sila sa Aking tipan bagaman Ako'y lumagay na Asawa nila,' pahayag ng YAOHU UL.

'Ito ang tipang gagawin Ko sa sambahayan ni Israel pagkaraan ng panahong 'yon,' pahayag ng YAOHU UL. 'Ang Kautusan Ko'y ilalagay Ko sa kanilang isipan at isusulat sa kanilang puso. Ako ay magiging Ul niya at sila'y magiging bayan Ko. Hindi kailangang turuan ng isang tao ang kanyang kapuwa, o ang kanyang kapatid na sasabihin, 'kilalanin mo ang YAOHU UL, pagkat Ako ay makikilala nilang lahat, mula sa pinakaaba hanggang sa pinakadakila,' pahayag ng YAOHU UL. 'Pagkat ipatatawad Ko ang kanilang kasamaan at hindi na aalalahanin pa ang kanilang mga kasalanan.'' - Jeremias 31:31-34, Tanakh o Hebreong Banal na Kasulatan.

Ang sabi ng Molkhiul YAOHUSHUA: 'Hindi ang isinusubo ng tao ang nakapagpaparumi sa kanya, kundi ang lumalabas sa tao ang nakapagpaparumi sa kanya.' - Marcos 7:14-23, Banal na Kasulatan.

'Nasa lunsod ako ng Jope at nananalangin nang magkaroon ako ng pangitain. Mula sa langit ay inihugos sa kinaroroonan ko ang isang tila malaking kumot na nakabitin sa apat na panulukan. Pinagmasdan ko itong mabuti at nakita ko roon ang lahat ng uri ng hayop: lumalakad at gumagapang sa lupa, pati maiilap at lumilipad sa himpapawid. At narinig ko ang isang tinig na nagsabi, 'Tumindig ka, Pedro, magpatay ka't kumain!' Subalit sinabi ko, 'hinding-hindi ko magagawa iyo, Molkhiul. Hindi ako kumakain ng anomang bagay na itinuturing na marumi o di karapat-dapat (di malinis).' Muli kong narinig ang tinig mula sa langit, 'huwag mong ituring na marumi ang mga nilinis ng YAOHU UL!' Tatlong ulit na nangyari ito at pagkatapos ay binatak na pataas sa langit ang bagay na iyon.' - Mga Gawa 10:9-16, Banal na Kasulatan.

Ang Lumang Tipan ay pakikipag-tipan ng YAOHU UL sa mga Israelita at hindi sa mga Hentil. Ang tanging daan ng mga Hentil at maging mga Judio pa man patungo sa pakikipag-tipan sa YAOHU UL ay ang Molkhiul YAOHUSHUA, at hindi sa pamamagitan ng pagsunod sa Kautusan.

Maging sa lumang tipan, ang mga Judio ay hindi naman napapawalang-sala sa pamamagitan ng pagtupad ng kautusan kundi sa pamamagitan ng paghahandog ng dugo upang matakpan ang kanilang mga kasalanan, dugong sumasagisag at kumakatawan sa dugo ng ipinangakong Messias at Tagapagligtas - Molkhiul YAOHUSHUA hol-MEHUSHKHAY. Kung walang ibinubong dugo, walang kapatawaran sa kasalanan, dahil sa ang buhay ay nasa dugo.

'Hindi ko ikinahihiya ang Mainam na Pahatid pagkat ito ang kapangyarihan ng YAOHU ULHIM sa ikaliligtas ng sinumang sumasampalataya, una sa mga Judio, saka sa mga Hentil. Pagkat sa pamamagitan ng Mainam na Pahatid inihahayag ang pagiging matuwid mula sa YAOHU ULHIM, sa pamamagitan ng pananampalataya mula simula hanggang sa wakas, tulad ng nasusulat: 'Ang matuwid ay mabubuhay sa pamamagitan ng pananampalataya.'

Mula sa langit ay inihahayag ang poot ng YAOHU ULHIM laban sa lahat ng kalapastangan at kasamaa ng mga taong sumisikil sa katotohanan sa pamamagitan ng liko nilang pamumuhay. Ang dapat malaman tungkol sa YAOHU ULHIM ay maliwanang na sa kanila pagkat inihayag na ito ng YAOHU ULHIM.

Pagkat mula pa nang likhain ang sanlibutan, ang mga hindi nakikitang katangian ng YAOHU ULHIM - ang walang-hanggang kapangyarihan at banal na kalikasan - ay maliwanang na nakita at nauunawaan mula sa mga bagay na nilikha. Kaya wala nang maidadahilan ang tao. Pagkat bagaman kilala nila ang YAOHU ULHIM, hindi nila Siya niluluwalhati bilang Maykapal ni pinasasalamatan man. Sa halip, naging masama ang kanilang pag-iisip at nadimlan ang mangmang nilang isipan. Ipinalalagay nilang sila'y matalino ngunit lumabas na mga mangmang.

Ang kaluwalhatian ng YAOHU ULHIM na walang kamatayan ay pinalitan nila ng mga larawan ng taong may kamatayan, ng mga ibon, hayop na lumalakad at mga hayop na gumagapang. Kaya hinayaan na sila ng YAOHU ULHIM sa kanilang masasamang pita hanggang sa magumon sa paggawa ng kahalayan sa isa't-isa. Ang katotohanan ukol sa YAOHU ULHIM ay pinalitan nila ng kasinungalingan. Sinamba nila at pinaglingkuran ang mga bagay na nilalang sa halip na ang Lumalang na Siyang dapat papurihan magpakailanman. Amnao.

Dahil dito, hinayaan sila ng YAOHU ULHIM sa mga nakahihiyang pita. Pinalitan ng mga babae ang natural na pakikipagtalik ng hindi natural. Iniwan din ng mga lalaki ang likas na pakikipagtalik sa mga babae, at nag-alab ang kanilang maruming pita sa isa't-isa. Nakipagtalik sila sa kapuwa nila lalaki, at tinanggap na nila ang parusang angkop sa kanilang kasamaan.

Bukod doon, yamang di nila ibig pahalagahan ang kaalam tungkol sa YAOHU ULHIM, sila'y hinayaan na Niya sa buktot nilang isipan upang gawain ang mga bagay na hindi dapat gawain. Napuspos sila ng lahat ng uri ng kasamaan, kalikuan, kasakiman at kabuktutan. Sila'y mainggitin, mamamatay-tao, mapaghimagsik, mandaraya, ma y masasamang isipan at masisitsit. Sila'y mapanirang-puri, namumuhi sa YAOHU ULHIM, walang pakundangan, mapagmataas. Sanay silang gumawa ng mga paraan sa paggawa ng masama, at masuwayin sa magulang. Sila'y walang budhi, taksil, walang puso at di marunong lumingap sa kapuwa.

Alam nila ang utos ng YAOHU ULHIM na ang mga gumagawa nito ay dapat patayin. Gayunman, hindi lang sila patuloy sa paggawa ng mga bagay na ito, natutuwa pa sila pag may nakita silang ibang gumagawa rin nito! Kaya wala kang maidadahilan, sino ka mang humahatol sa iba. Pagkat sa paghatol mo sa iba ay hinahatulan mo rin ang iyong sarili yamang gumagawa ka rin ng gayon.

Alam nating matuwid ang hatol ng YAOHU ULHIM sa mga taong gumagawa ng gayon. Ikaw na tao lamang ay humahatol ngunit gumagawa rin niyon, akala mo ba'y makaiiwas ka sa hatol ng YAOHU ULHIM? O binabale-wala mo ba ang kabaitan, pagpipigil at katiyagaan ng YAOHU ULHIM? Hindi mo ba alam na pinagtitiyagaan ka Niya para bigyan ng pagkakataong magsisi?

Ngunit dahil sa katigasan ng ulo mo at di pagsisisi, lalo mong pinabibigat ang parusang ipapataw sa iyo sa paghahayag ng Kanyang poot sa Araw ng Kanyang Paghatol.

Ang YAOHU ULHIM ang gaganti sa tao batay sa kanyang mga ginawa. Sa mga nagtiyaga sa paggawa ng mabuti sa paghahanap ng kapurihan, karangalan at kawalang-kamatayan, ang ipagkakaloob Niya'y buhay na walang-hanggan. Ngunit sa mga mapaghanap sa sarili, at sumunod sa kasamaan sa halip na sa katotohanan, ang ibabagsak Niya'y poot at kagalitan. Kaguluhan at kapighatian ang daranasin ng bawat gumagawa ng masama, una sa mga Judio, saka sa mga Hentil. Ngunit karangalan, kapurihan at kapayapaan sa lahat ng gumagawa ng mabuti, una sa mga Judio, saka sa mga Hentil. Pagkat ang YAOHU ULHIM ay hindi nagtatangi.

Mangyayari ito sa araw na ang mga lihim ng mga tao'y hahatulan ng YAOHU ULHIM sa pamamagitan ng Molkhiul YAOHUSHUA hol-MEHUSHKHAY, tulad ng isinasaad sa Mainam na Mensahe na ipinangangaral sa inyo.

Ang pagiging Judio ay hindi panlabas na anyo lamang, at ang tunay na pagtutuli ay hindi lang sa mga bagay na pisikal. Ang tunay na Judio ay iyong nabago at tinuli sa espiritu - hindi ng nakasulat na kautusan - ang puso't kalooban. Ang papuri sa gayong tao ay di mula sa kapuwa tao, kundi mula sa YAOHU ULHIM.

Kaya kung paanong ang kasalanan ng isang tao ay nagdulot ng kaparusahan sa lahat, ang pagiging matuwid naman ng isang Tao ay nagbunga ng kapatawaran at nagbigay ng buhay sa lahat ng tao. Pagkat kung dahil sa pagsuway ng isang tao ay marami ang naging makasalanan, sa pamamagitan naman ng pagsunod ng isang tao ay marami ang ibibilang na matuwid.

Pagkat ang kabayaran ng kasalanan ay kamatayan, ngunit ang kaloob o regalo ng YAOHU ULHIM ay buhay na walang hanggan sa Molkhiul YAOHUSHUA hol-MEHUSHKHAY. (Hango mula sa Aklat ng Roma, Banal na Kasulatan)

Sapagkat dahil sa biyaya ng YAOHU ULHIM kayo ay naligtas, sa pamamagitan ng pananampalataya - at ito'y hindi mula sa inyong sarili, ito'y regalo ng YAOHU ULHIM - hindi sa pamamagitan ng mga gawa, upang walang sinomang magmayabang - Efeso 2:8-9, Banal na Kasulatan.

Ang Liham ng Konsilyo sa Jerusalem sa mga Hentil na Sumasampalataya:

'Binabati namin kayo:

Nabalitaan namin na may ilang mga kasamahang wala namang pahintulot mula sa amin ang nagpunta riyan. Ginugulo nila kayo at binabagabag ang inyong kaisipan sa mga bagay na kanilang sinasabi. Kaya nagkaisa kaming humirang ng ilang lalaki at suguin sila sa inyo, kasama ng matatalik nating kaibigang Bernabe at Shaul. Sila ay mga taong sumusuong sa panganib dahil sa Pangalan ng ating Molkhiul YAOHUSHUA hol-MEHUSHKHAY. Kaya sinusugo namin sina Yahuda at Silas upang patunayan sa inyo ang nasasaad sa aming liham.

Minabuti ng 'RUKHA-YAOHUSHUA' at namin na huwag kayong bigyan ng anomang pasanin maliban sa mga sumusunod: Huwag kayong kakain ng anomang inihandog sa mga huwad na maykapal, huwag rin kayong kakain ng dugo, ng mga hayop na binigti, at huwag kayong makikiapid. Makabubuti ito sa inyo kung inyong susundin. Paalam sa inyo.' - Mga Gawa 15:23-29, Banal na Kasulatan.

Kaya't ano ang ating pasya na batay sa Banal na Kasulatan? Ang kaligtasan ay isang kaloob o regalong walang bayad na mula sa YAOHU ULHIM dahil sa tindi ng Kanyang pag-big, biyaya at habag sa mga nawawalang tupa. Hindi makapapasok sa langit ang isang tao dahil sa pagsunod ng Kautusan o Ten Commandments dahil ang Molkhiul YAOHUSHUA lamang ang nakasunod sa lahat ng ipinag-uutos nito, ng walang pagkakasala simula isilang hanggang ipinako. Walang sinomang pangkaraniwang tao lamang ang makatutupad sa lahat ng hinihiling ng mga Kautusan ni Moises. Ang tanging daan patungo sa Amang YAOHU UL sa langit sa pamamagitan lamang ng Molkhiul YAOHUSHUA hol-MEHUSHKHAY, na Siyang daan, katotohanan at buhay.

Tandaan: kapag nilabag mo ang anomang pinakamaliliit na utos ng Kautusan, para mo na ring nilabag ang lahat ng ito! - Santiago (Yaocaf) 2:10

Ano ang kalutasan? Sumampalataya, magpasakop at tupdin ang Molkhiul YAOHUSHUA hol-MEHUSHKHAY at tiyak na ikaw'y maliligtas! Sigurado!

Hindi ka papasok sa langit dahil sa kumakain o di ka kumakain ng kung anu-anong bagay. Hindi pagkain ang batayan ng kaligtasan, kundi kung SINO ang iyong Tagapagligtas at Pinuno! Hindi pagkain....

Q. Ganoon palang hindi bawal ang kumain ng kahit na ano, samakatuwid maaari na palang kainin ang dugo, ipis, lamok, langaw at iba pang mga nakadidiring nilalang?
A. Totoo na talagang hindi bawal kumain ng kahit na anong PAGKAIN! Ngunit ang dugo ay HINDI PAGKAIN na itinuturing sa Banal na Kasulatan. Ipinagbabawal sa Banal na Kasulatan ang pagkain ng dugo dahil sa ang dugo ay hindi pagkain (Mga Gawa 15).

Sa Pilipinas na lamang makakikita sa ngayon, at iba pang mangilan-ngilang mga tribung 'cannibal' (kumakain ng laman ng tao) sa Africa na lamang sa ngayon kung saan ay marami pa rin ang kumakain ng dugo. Ito ang isang malaking dahilan kung bakit maraming salot at kalamidad ang dinadanas ng maraming hanggang ngayo'y animo'y mga 'cannibals' pa rin - dahil nga sa pagkain ng dugo. Kaya't dagliang itigil na nga ang kasamaang ito na kinamumuhian ng YAOHU UL.

Tinawag tayo sa kalayaan, ngunit hindi kalayaan upang gumawa ng masama kundi kalayaang tumahak at lumakad sa katuwiran at kabanalan. Si Evangelista Juan ay mga balang at pulot-pukyutan ang kinakain at siya'y itinuring na isang banal na propeta ng YAOHU UL. Sinabi naman ni Emissary Shaul (Apostol Pablo) na lahat ay maaari nating gawain ngunit hindi lahat ay makabubuti. Maaari kang kumain ng uod, ipis o ano pa mang nais mo, ngunit ang tanong ay: ito ba'y makabubuti sa iyo? Sinabi pa rin na gawain ninyo ang lahat ng bagay sa ikaluluwalhati ng YAOHU UL. Ang pagkain mo ba ng mga nabanggit ay makapagbibigay luwalhati sa YAOHU UL? Ang bawat mananampalataya sa Molkhiul YAOHUSHUA ay magpasya ukol sa bagay na ito sa ganang kanyang sariling ibig at layunin, dahil ang Kaharian naman ng YAOHU UL ay hindi batay sa mga pagkain at inumin kundi batay katuwiran, katotohanan, pagiging-banal, pag-ibig at kabutihan.

Kaya't iwasan ninyo ang pakikipag-debate at pakikipagtalo dahil lamang sa mga pagkain at inumin, dahil hindi naman sumasayad ang mga iyon sa puso ng tao. Ang nagpaparumi sa tao, ayon sa Molkhiul YAOHUSHUA, ay ang pagkainggit, maruruming pag-iisip laban sa kapuwa, kalibugan, pagseselos, pagkamuhi sa kapuwa, kayabangan, pagmamataas, pakikiapid, pagsamba sa kuwarta, artista, ari-arian at diploma, at iba pang tulad nito - ang mga ito ang iwasan at huwag matuon ang pansin sa mga walang-katapusang pagtatalo ukol sa mga iba't-ibang uri ng pagkain. Muli, ang dugo ay HINDI PAGKAIN! (Basahin ang 1 Corinto Chapters 8 at 10 sa Banal na Kasulatan).

Mapapansin ninyo sa Banal na Kasulatan, sa buhay ng mga banal sa paningin ng YAOHU UL, sila'y hindi maluluho sa pagkain. Kahit na ang Molkhiul YAOHUSHUA at ang mga alagad, tinapay lamang at kaunting isda ay sapat na. Nasusulat, kung tayo'y may pagkain at daramtin ay makuntento na tayo.

Walang masamang kainin kung ito'y makabubuti sa iyo at hindi naman makatitisod sa iyong kapuwa mananampalataya. Do everything in love for YAOHU UL at pag-ibig pa rin lalo na sa iyong kapuwa mananampalataya sa Molkhiul YAOHUSHUA! Faith working itself through love....

Q. May mga ibang nagsasabing masama raw ang magpasalin ng dugo, tutoo bang salungat ang YAOHU UL sa pagpapasalin ng dugo, lalo na nga't kung may nag-aagaw buhay?
A. Ang buhay ay nasa dugo. Life is in the blood. Kaya nga kailangang maghandog ng dugo bilang pamawi ng kasalanan dahil ang kabayaran ng kasalanan ay kamatayan. Sa pagiging makatarungan ng YAOHU UL, upang hindi masira ang Kanyang kabanalan at pagiging Matuwid, ang bawat kasalanan ay dapat lapatan ng parusang kamatayan. Ngunit dahil sa Siya'y YAOHU UL rin naman ng habag, kapatawaran at pag-ibig, katanggap-tanggap pa rin sa Kanya na sa halip na ang nagkasala ay maaari siyang maghandog ng buhay ng isa niyang kahalili o kapalit (substitutionary sacrifice) at ano ang katibayan na may buhay ngang kinitil bilang kaparusahang kamatayan sa kasalanan? Ang dugo ang katibayan na mayroong namatay at nawalan ng buhay, bilang kabayaran nga. Sa ganitong paraan, napapanatili ng YAOHU UL ang Kanyang pagiging Makatarungan, Mapagpatawad, Mahabagin at Matuwid rin naman. Muli, ang buhay ay nasa dugo.

Ano ba ang pinakamahalagang utos ng YAOHU UL? Ang ibigin Siya ng buong puso, buong pag-iisip, buong kaluluwa at buong kakayahan; at ang ikalawa ay ang ibigin ang iyong kapuwa tulad ng iyong sarili. Nasusulat pa rin na wala nang hihigit pang pag-ibig kaysa ang ialay ang ating buhay para sa ating kapuwa, tulad ng pag-aalay ng Molkhiul YAOHUSHUA ng Kanyang buhay (dugo) para sa atin.

Kung mayroong nag-aagaw buhay at nangangailangan ng dugo (buhay) natural lamang, bunga ng ating pag-ibig sa ating kapuwa, na ialay natin ang ating buhay (dugo) kung kinakailangan. Ito nga ang pinakadakilang pananampalatayang may lakip na gawa na kumikilos sa diwa ng pag-ibig, una sa YAOHU UL, ikalawa ay sa ating kapuwa. Nasusukat ang pag-ibig ninoman sa YAOHU UL sa pamamagitan nang kung gaano niya iniibig ang kanyang kapuwa na nilikha ayon sa larawan ng YAOHU ULHIM. Nasusulat pa rin na:

'Huwag kang titindig ng walang ginagawa habang ang iyong kapuwa ay nag-aagaw buhay o nasa matinding panganib!' Sa Ingles: 'Do not remain idly by the blood of your brethren!'

Samakatuwid, ang ipagkait ang ating buhay (dugo) sa nangangailangan ay hindi pag-ibig sa YAOHU ULHIM at sa kapuwa na maituturing, kundi ito'y isang paglabag pa nga! Bawal bang magsalin o magpasalin ng dugo? Maliwanag na hindi, kung ginagawa tulak ng pag-ibig. Muli, ang DUGO AY HINDI PAGKAIN!

Q. Ano ang ibig sabihin ng 5757 na aming nakikita sa paglalathala ninyo ng petsa?
A. Sa kalendaryo ng mga Judio na ibinatay sa itinatag ng YAOHU ULHIM na taunang kalendaryo para sa Kanyang kalipunan sa Banal na Kasulatan, ang mga buwan at araw at taon ay batay sa pagsibol ng bagong buwan (new moon). Ang pangkaraniwang taon ay binubuo ng labing-dalawang (12) buwan, at minsan nama'y labing-tatlong (13) buwan. Iba ang siglo o ikot ng kalendaryong ito kaysa sa Gregorian calendar na pangkaraniwang ginagamit sa sanlibutan. Iba rin ang mga tawag sa bawat buwan. Ang taon sa ngayon ay 5757 na nangangahulugang 5,757 taon na ang nakalilipas simula noong si Adam at si Khavyao (Eba) ay likhain, hindi simulang likhain ang buong sangnilikha. Ibinatay ang bilang na ito sa mga nilalaman ng aklat ng Cronica sa Banal na Kasulatan na doo'y nakatala ang mga bilang ng taon ng mga ninuno at iba pang mga detalye.

Sa kalendaryo naman ng mga muslim ay batayan naman nila ay kung ilang taon na ang nakalilipas simula ng panahon ni mohammed na kanilang sinasamba.

Sa kalendaryo naman ng mga kristiyano ay kung ilang taon na simula nang pagkasilang ng Messias. May nagsasabing isinilang ang Molkhiul YAOHUSHUA noong buwan ng Abril, 4 B.C. at mayroon namang nagsasabing noong buwan ng Setyembre, 7 B.C. Ang ibig sabihin ng B.C. para sa mga taga sanlibutan ay 'Before Christ' at ang A.D. naman ay ang mga salitang latin na nangangahulugang 'anno domini' o sa taon ng kanilang puno.

Dahil sa hindi nga naniniwala ang mga Judio kay kristo, kaya hindi ginagamit ng mga Judio ang mga titik ng B.C. o kaya'y A.D. Sa halip ang ginagamit sa kalendaryong Judio ay ang mga titik ng B.C.E (Before Common Era) at C.E. (Common Era). Samakatuwid, ang taong ito ay 5757 C.E., o Common Era. Ang kahulugan ng 'Era' ay panahon.

Hindi mahalaga kung kailan tiyak na petsa ipinanganak ang Molkhiul YAOHUSHUA dahil ang Banal na Kasulatan ay hindi naman ibinigay upang maglaman ng kumpletong talambuhay ng Molkhiul YAOHUSHUA kundi upang malaman mo ang paraan patungo sa Amang YAOHU UL, at kung papaano kang maliligtas! Hindi kailangan para sa kaligtasan mo ang petsa kung kailan siya tiyak na petsang isinilang. Ang hinihingi ng Banal na Kasulatan ay ang iyong pagsisisi at pagbabalik loob sa YAOHU UL, at ang pagsampalataya't pagsunod sa Molkhiul YAOHUSHUA hol-MEHUSHKHAY upang ikaw'y maligtas, hindi ang petsa....

Q. Kayo ba'y naniniwala sa 'speaking in tongues' o pagsasalita sa iba't-ibang wika at sa 'immersion in the Rukha' o pagbibinyag sa 'RUKHA-YAOHUSHUA'?
A. Nasusulat: 'Huwag ninyong ipagbabawal ang pagsasalita sa iba't-ibang wika!' - 1 Corinto 14:39.

Nasusulat rin: 'Lahat ba'y binigyan ng kaloob na pagsasalita sa iba't-ibang wika?' Ang sagot na 'hindi' ay mababasa ninyo sa 1 Corinto 12:30 sa Banal na Kasulatan.

Nasusulat pa rin: 'Ang mga tandang ito ay lalakip sa mga sumasampalataya sa Aking Pangalan.... sila'y magsasalita ng ibang mga wika!' - Marcos 16:17

Sinabi ng Molkhiul YAOHUSHUA na sa kalipunan ng mga mananampalataya sa Kanyang Pangalan ay magkakaroon ng palatandaan at kapangyarihang pagsasalita sa ibang wika. Sinabi naman ni Emissary Shaul (Apostol Pablo) na hindi lahat sa kalipunan ng mananampalataya (Oholyao) ay mayroong ganoong kaloob o regalo mula sa 'RUKHA-YAOHUSHUA.'

Hindi tayo pipili kung alin ang tama sa dalawang talatang nabanggit dahil parehong tama ang sinasabi basta't buhat sa Banal na Kasulatan. Samakatuwid, ang ibig sabihin ng Molkhiul YAOHUSHUA ay sa kalipunan ng mga mananampalataya ay makikita ang mga palatandaang iyon. Ngunit tama pa rin si Emissary Shaul noong kanyang sabihing hindi lahat sa kalipunan ng mananampalataya ay may ganoong kaloob ng pagsasalita sa mga bagong o iba't-ibang wika. Iba't-iba nga kasi ang kaloob na ibinibigay ng 'RUKHA-YAOHUSHUA' sa bawat mananampalataya sa Oholyao (kalipunan ng mga mananampalataya) at hindi lahat ay pare-pareho ang kaloob na tinatanggap mula sa Kanya, ngunit tiyak na ang mga palatandaang binanggit naman ng Molkhiul YAOHUSHUA sa Marcos 16:17-18 ay matatagpuan sa kabuoang kalipunan ng mga mananampalataya o 'Oholyao' dahil sinabi Niyang: Ang mga tandang ito ay lalakip sa 'MGA SUMASAMPALATAYA' sa Aking Pangalan.'

Sa madaling salita, lalakip daw sa kalipunan ng mga mananampalataya, dahil nga sa paggamit ng mga salitang: 'mga mananampalataya' na maramihan ang bilang - samakatuwid ay ang talagang tinutukoy na kahulugan ay ang mga mananampalataya bilang isang kalipunan o samahan o isang katawan. Hindi ibig sabihin ay sa bawat isang mananampalataya dahil sasalungat naman sa nilalaman sa 1 Corinto na mga isinulat ni Emissary Shaul. Wala pong magkasalungat na mga talata sa buong Banal na Kasulatan, kung hihingi ng liwanag, karunungan, kaalaman at unawa mula sa May-Akda ng mga ito, ang YAOHU UL sa langit, upang ganap na maunawaan ang mga katotohanang isinasaad sa mga Kasulatan.

Higit na mauunawaan kung uunawain ng ganito: Ang mga tandang ito ay lalakip sa KANILANG MGA SUMASAMPALATAYA sa Aking Pangalan. Totoo rin naman na kung nais ng ibayo pang kapangyarihan ng sinomang mananampalataya sa Molkhiul YAOHUSHUA, at kung ibig ng YAOHU UL, ay maaari ring asamin at matanggap ng mananampalataya ang 'Pagbibinyag sa 'RUKHA-YAOHUSHUA'' upang maging ibayo ang kanyang kapangyarihan sa pagpapatotoo at paglalaganap ng Mainam na Pahatid. Ang 'Pagbibinyag sa 'RUKHA-YAOHUSHUA'' ay ibinibigay sa layuning magkaroon ng kapangyarihan ang mananampalataya upang maging masilakbo at puspos ng tapang ang kanyang paglilingkod sa Molkhiul YAOHUSHUA! Upang magkamit ng kapangyarihan at kakayahan. (Mga Gawa 1)

Tinanggap na ng mga mananampalataya ang 'RUKHA-YAOHUSHUA' na mababasa sa Juan 20:22, ngunit iba pa rin ang 'Pagbibinyag sa RUKHA-YAOHUSHUA' na kanila pa ring naranasan na nakasaad naman sa Mga Gawa Chapter 1, na ibinigay bilang pampasilakbo sa kanilang pagpapatotoo at pagsasagawa ng mga pangangaral at mga himala, sa Pangalan ng Molkhiul YAOHUSHUA hol-MEHUSHKHAY!

Hindi kinakailangang magsalita sa iba't-ibang wika upang maisilang na muli ang sinoman. Ang pagsasalita sa iba't-ibang wika ay kaloob o regalo na ibinibigay ng 'RUKHA-YAOHUSHUA' matapos o habang tumatanggap ng espiritwal na pagsisilang na muli ang bagong mananampalataya. Dahil sa ang pagbibinyag na ito ay isang regalo o kaloob, hindi ito kinakailangang pagpawisan, pagpaguran o pagtrabahuhan dahil hindi na magiging regalo o kaloob kung gayon. Free gift kaya't hindi kailangang pagpaguran at paglupasayan.... Nakakamit alin mang walang-bayad na regalo sa pamamagitan lamang ng simpleng pananampalataya, pananalig, paniniwala at pansariling pag-angkin, pagtanggap ng mga ito ng may pagtitiwala sa nangako.

'Ang kaloob ay para sa inyo at sa inyong mga anak at para sa mga nasa malalayong mga bansa!' - Mga Gawa 2:38-39, Banal na Kasulatan

Ang lahat pong mga araling ito ay ibinibigay sa inyo sa diwa ng ganap na pagpapakumbaba, pag-ibig, katotohanan at katapatan -

BE HOL SHUAM YAOHUSHUA hol-MEHUSHKHAY, amnao! (Sa Pangalan ng Molkhiul YAOHUSHUA hol-MEHUSHKHAY, siya nawa....)

Naniniwala kami dahil sa mayamang awa at habag ng YAOHU UL, na ang 'RUKHA-YAOHUSHUA' ang ngayon at palagiang nagbibigay liwanag sa inyong isipan, nagtuturo, nagdadala patungo sa katotohanan, umaagapay at nagpapaala-ala ng mga Molyao-Ul na sinabi ng Molkhiul YAOHUSHUA, na siyang nagpapakilala sa bawat isa inyo sa tunay na Mesias, ang Molkhiul YAOHUSHUA at palagiang tinitiyak ng YAOHU UL na magkakabisa ang bawat salita na kanyang sinabi, kasama na rin ang gawain ng 'RUKHA-YAOHUSHUA na paggigiyagis sa inyong mga puso patungkol sa kasalanan, katwiran at kahatulan, habang tinatalian namin ang bawat isa sa inyo sa pagsunod at lubusang pagtalima sa Molkhiul YAOHUSHUA hol-MEHUSHKHAY, at ang lahat ay magsabi ng amnao!

Tandaan, ang lahat ng tuhod ay kinakailangang lumuhod sa Pangalang YAOHUSHUA at lahat ng labi ay magsasabing si YAOHUSHUA ang Odmorul ng lahat, sa ikaluluwalhati ng YAOHU UL na Makapangyarihan! At anoman ang talian namin dito sa lupa ay tatalian rin sa langit!

'Naparito ang Anak ng YAOHU UL upang wasakin ang mga gawa ng diyablo! ' - 1 Yaokanam 3:8, Banal na Kasulatan.

Kayo'y amin ngayong kinakalagan mula sa yaohod (lahat) ng uri pagkakabihag ni ha-satan at ng kanyang mga kampong mga masasamang espiritu ng pagkalito, mga masasamang espiritu ng kasinungalingan, seducing rukot ha-raot, at amin ngayong pinatitigil, pinapalayas at winawalang-bisa ang lahat ng uri ng masasamang impluwensiya, mga kasinungalingan, mga kapangyarihan at pinalalaya mula sa pagkakabihag ng mga rukot ha-raot! At tinatalian namin kayo sa lubusang pagsunod at pagtalima sa Molkhiul YAOHUSHUA ngayon at magpakailanman! Anoman ang aming kalagan dito sa lupa at kakalagan rin sa langit, anoman ang aming talian dito sa lupa ay tatalian rin sa langit!

Be hol Shuam YAOHUSHUA hol-MEHUSHKHAY, amnao!

Tandaan na ang Molkhiul YAOHUSHUA ang Siyang namatay para sa ikapagpapatawad ng inyong mga kasalanan at hindi ang anomang relihiyon. Hindi Tagapagligtas ang relihiyon. Ang Molkhiul YAOHUSHUA hol-MEHUSHKHAY lamang ang nag-iisa at ang tanging Mesias na Siyang makatutulong, makapagpapalaya, makapagpapagaling at makapagliligtas sa bawat isa.

Sapagkat ang sandata ng aming pakikibaka ay hindi ukol sa laman kundi ang mga ito'y may kapangyarihan sa pamamagitan ng YAOHU UL Gabor (Mandirigma) na gumiba ng mga kuta ng kaaway. Ating binubuwag ang bawat maling pangangatuwiran at bawat bagay na nagmamatayog laban sa karunungan ng YAOHU UL KAOKAM, at ating binibihag ang bawat pag-iisip upang ipasakop sa Molkhiul YAOHUSHUA. At ating ngayong pinagtagumpayan na si ha-satan, sa pamamagitan ng 'DAM' (dugo), at ng pananalita, at dahil sa ating sinagupa na nga si ha-satan, siya'y lumayas na mula sa lahat ng Yaohushuahim, at tayo'y higit pa sa mapagwagi!

Maraming papuri at pasasalamat sa YAOHU UL GAVOHA (Pinakamataas) na Siyang tumiyak na tayo'y palagiang nagwawagi kaisa ng Molkhiul YAOHUSHUA. Hindi natin pinapayagang nakawin sa anomang paraan ni ha-satan ang mga Salita ng YAOHU UL na ngayo'y natanim sa inyong mga puso't isipan, magpakailanman! Anomang hindi natin payagan dito sa lupa ay hindi papayagan sa langit.

Be hol Shuam YAOHUSHUA hol-MEHUSHKHAY, amnao!

PANALANGIN NG PAGSISISI
NG MAKASALANAN

Ngayon na kayo ay sumasampalataya na sa Kanyang Pangalan at tinanggap ang tunay na Mesias lakip ng mga katotohanang mula sa kanya, sabihin, bigkasin, uulitin ko pong muli, kailangang inyong bigkasin ng taus puso ang panalanging ito:

YAOHU UL, Ikaw na naninirahan sa shuaolmayao (sa langit),

Ahnee (ako) ngayo'y sumasampalataya na Ikaw ang tunay na may gawa ng lahat, ang aking Manlilikha;

Ahnee (ako) ay naniniwala na Ikaw ang Tunay na Banal ng Israel, wala ng iba pa;

Ikaw ang UL ni Abraham, Isaac at Yaocaf;

Inaamin ko na ahnee (ako) po ay nagkasala laban sa Iyo, at akin ngayong pinatatawad ang lahat ng nagkasala sa akin noong nakaraan;

Ahnee (ako) ay nagsisisi sa Inyong harapan;

Pakiusap, patawarin Mo po ahnee (ako) sa lahat ng aking mga kasalanan at linisin Mo ahnee (ako) ngayon sa pamamagitan ng 'DAM' (Dugo) ng Molkhiul YAOHUSHUA hol-MEHUSHKHAY, namatay dahil sa akin, bilang aking pansariling kahalili;

Akin ngayong ginagawa ang Molkhiul YAOHUSHUA hol-MEHUSHKHAY bilang aking iisa at pansariling Molkhiul (Tagapamuno) at 'Mi-hu-shua-yao' (Tagapagligtas);

Ahnee (ako) ay sumasampalataya na Siya'y namatay bilang kabayaran sa lahat ng aking mga kasalanan, inilibing, at muling binuhay, umakyat sa piling ng YAOHU UL, at muling magbabalik sa lalong madaling panahon upang mamuno bilang Hari ng mga hari;

Ahnee (ako) ay sumasampalataya ng may ganap na pananampalataya sa pagbabalik ng Molkhiul YAOHUSHUA hol-MEHUSHKHAY;

Nasusulat: 'Ang sinomang tumawag sa Pangalan ng YAOHU UL ay maliligtas.'

Ahnee (ako) ay naniniwala sa muling pagkabuhay ng mga matuwid para sa walang hanggang gantimpala, at ang sumpa sa masasama sa walang hanggang kapahamakan;

Pakiusap, ibigay Mo po sa akin ngayon ang 'RUKHA-YAOHUSHUA' upang manahan sa akin, ahnee (ako) bilang Iyong bagong anak sa Inyong kaharian ng Katwiran at Kabanalan; at pakibinyagan rin po ahnee ngayon sa 'RUKHA-YAOHUSHUA' upang aking matamo ang buong kapuspusan ng 'RUKHA-YAOHUSHUA' at mga walang-bayad na regalo upang ahnee ay masilakbong makapaglingkod sa Inyo ngayon magpakailanman;

Ahnee (ako) ay sumasampalataya na Siya'y akin nang tinanggap ngayon sa aking puso, bilang Tagapamuno ng aking buhay at ahnee (ako) ay naniniwala rin na akin namang tinanggap ngayon ang Iyong habag, kapatawaran, paglilinis at kaligtasan; kasama na ang pagbibinyag sa 'RUKHA-YAOHUSHUA' at ang mga lakip na mga walang-bayad na regalo sa aking ikapagpapasilakbo;

Maraming pasasalamat at papuri ang aking ibinibigay sa Inyo ngayon; maraming salamat po at purihin Kayo sa Inyong iginawad na kapatawaran, paglilinis, katubusan, pagbibinyag, kagalingan at kaligtasan, ngayon magpakailanman;

Aking ginagawa ang panalanging ito 'be hol Shuam YAOHUSHUA hol-MEHUSHKHAY' - amnao!

Ngayon kayo ay malaya na at ganap na! Ngayon, luwalhatiin natin ang YAOHU UL, magkasama nating itaas ang Kanyang PANGALAN!

Simulan mo ngayon ang iyong bagong buhay na kasama ang YAOHU ABU (Ama) sa pamamagitan ng pagsasabi sa iba tungkol sa Kanyang PAG-IBIG at sa Kanyang PANGALAN at magsimulang ibigin at tulungan ang iyong kapuwa!

'Ibigin mo ang YAOHU UL nang BUONG puso, nang BUONG kaluluwa, BUONG kakayahan at nang BUONG pag-iisip; at ibigin mo ang iyong kapuwa na tulad ng iyong pag-ibig sa iyong sarili!'

Iyan ang mga pinakamahahalagang mitzvot o mga utos!

Kaya simulan na pong ibigin ang YAOHU UL at ang inyong mga kapuwa ngayon!

'Kaya naparito ang Anak ng YAOHU UL upang wasakin ang mga gawa ng diyablo!' - 1 Yaokanam 3:8, Banal na Kasulatan.

Tandaan na ang Molkhiul YAOHUSHUA ang Siyang namatay para sa ikapagpapatawad ng iyong mga kasalanan, at hindi ang relihiyon. HINDI ka maililigtas ng relihiyon. Ang Molkhiul YAOHUSHUA hol-MEHUSHKHAY ang nag-iisang Tagapagligtas na Siyang makatutulong, makapagpapalaya, makapagpapagaling at makapagliligtas sa iyo!

Kung wala pa po kayo ng sipi o kopya ng 'Biblia Hebraica' o ng Banal na Kasulatan, ay kinakailangan po na magkaroon na kayo nito sa lalong madaling panahon upang masimulan na ninyong basahin ang Molyao-Ul! Para po sa inyong paglagong espiritwal o rukhaol. Ngayong alam na po ninyo ang katotohanan ay kayo na ang magbago noong nalaman ninyong katotohanan. Pakatandaan po ninyo na kinakailangang palagian nating pinag-aaralan ang Molyao-Ul upang marami pa ang matutuklasan ninyong mga katotohanan para sa inyong ikadadalisay, ikasasagana, ikatutuwid at ikaiinam sa pamumuhay!

Simulan na ninyong basahin ang Molyao-Ul ngayon! Palagian ring mananalangin sa YAOHU UL at gamitin ang Pangalan ng Molkhiul YAOHUSHUA hol-MEHUSHKHAY, dahil sinabi Niya na anoman ang ating hilingin sa YAOHU UL ay hingin natin sa Pangalan ng Molkhiul YAOHUSHUA hol-MEHUSHKHAY! Nakatitiyak na makatatanggap ng totoong resulta, katugunan, kapakinabangan, kalutasan at mga pagpapala! Huwag po ninyong subukan kundi isagawa ngayon at paniwalaan!

Kung mayroon po kayo o sino pa mang nasa kapaligiran ninyo ang may anomang uri ng pangangailangan, espiritwal, man o materyal, o kaya nama'y mayroon po kayong mga katanungan, maaari po kayong tumawag o lumiham sa amin. Bukas po ang aming puso't palad sa pagtulong sa inyo, bilang alipin ng Molkhiul YAOHUSHUA hol-MEHUSHKHAY kaya't huwag po kayong mahihiya dahil iniibig kayo nang lubusan ng YAOHU UL! At kayo ay iniligtas na ng Molkhiul YAOHUSHUA! Sa sandaling tanggapin ninyo ang Molkhiul YAOHUSHUA hol-MEHUSHKHAY bilang inyong Molkhiul at Mihushuayao, kayo ngayon ay nasa sa makipot na daan.

Kung nais po ninyong tumanggap ng mga walang bayad na babasahin tulad ng Bibliyang Tagalog o kaya'y bilingual Hebrew Holy Scriptures, New Covenant portion, lahat ay Hebreo, mga isinalin sa wikang Alemanya, Arabo, Portuguese, Ruso, French, Dutch, Romanian, Espanol, at iba pang wika tulad ng Ingles, ay sumulat at makipag-ugnay lang po kayo sa amin direkta at ipapadala po namin sa inyo ng libre, walang bayad.

Wala po kayong dapat bayaran, ang pamamahagi po ng walang bayad ay bahagi ng aming paglilingkod sa Molkhiul YAOHUSHUA hol-MEHUSHKHAY bilang Kanyang mga alipin upang ipakilala sa inyo Siya nang lubusan at ang Kanyang Salita o Molyao-Ul. Walang-bayad naming tinanggap mula sa YAOHU ABU ay walang-bayad rin naman po naming ibibigay sa inyo, utos sa Kanyang Banal na Kasulatan.

Totoo, tiyak at walang alinlangang ang Molkhiul YAOHUSHUA lamang ang nagpapalaya sa inyo mula sa lahat ng kasinungalingan, pandaraya, pambibihag, mga sumpa at salot na mula kay ha-satan. Ang Molkhiul YAOHUSHUA ang Liwanag ng Buhay! Pinangangalagaan ka ng Molkhiul YAOHUSHUA mula sa tatak ng halimaw. Naparito ang kaaway upang pumatay, magnakaw at manira subalit ang Molkhiul YAOHUSHUA ay naparito upang magbigay ng buhay, at higit na masaganang pamumuhay!

Nakikiisa ka na ngayon, hindi sa panibagong relihiyon, kundi sa Persona ng Molkhiul YAOHUSHUA hol-MEHUSHKHAY, na Siyang ganap na nagpalaya sa inyo mula sa kaharian ng kadiliman tungo sa Kaharian ng Kaliwanagan! Ang Molkhiul YAOHUSHUA hol-MEHUSHKHAY na ngayon ang inyong Tagapagligtas, Manunubos, Sanggalang, Tagapagbigay at Pinunong Tagabantay ng inyong kaluluwa. Sa makapangyarihan at mapagmahal na YAOHU UL ngayon amin kayong inilalagak, magpakailanman!

'Be hol-Shuam' YAOHUSHUA hol-MEHUSHKHAY, amnao!
(Sa Pangalan ni YAOHUSHUA hol-MEHUSHKHAY, siya nawa....)

Sinabi ng Molkhiul YAOHUSHUA:

'Huwag ninyong guni-gunihin na naparito Ahnee (Ako) upang magdala ng kapayapaan sa daigdig! Hindi kapayapaan, kundi tabak! Ahnee ay naparito upang paglabanin ang anak laban sa kanyang ama, ang anak na babae laban sa kanyang ina, ang manugang na babae laban sa kanyang biyenang babae - ang magiging pinakamahigpit na kaaway ng tao ay mismong ang kanyang mga kasambahay! Kung mamahalin mo ang iyong tatay o nanay nang higit kaysa sa Akin, ikaw'y hindi karapat-dapat maging Akin, o kung mamahalin mo ang iyong anak na lalaki o babae kaya ng higit kaysa iyong pag-ibig sa Akin, hindi ka karapat-dapat maging Akin.

'Kung iyong tatanggihan ang Aking ipinapapasan sa iyo at di ka sumunod sa Akin, hindi ka karapat-dapat maging Akin. Kung iyong ipagkakait sa Akin ang iyong buhay, ito'y mawawala; ngunit kung iyong isusuko ang iyong sariling buhay dahil sa Akin, maililigtas mo ito!' - Manyaohu 10:34-39, Banal na Kasulatan.

Nawa'y ang pagpapala ng YAOHU UL ay sumainyo lagi; Nawa'y ang Kanyang mukha ay laging ibaling sa inyo upang kayo'y lingapin at pangalagaan; Nawa'y kayo'y palaging puspusin ng kapayapaan, biyaya, kalusugan at walang hanggang pag-ibig at kagalakan, ngayon at magpakailanman!

'Be hol-Shuam' YAOHUSHUA hol-MEHUSHKHAY, amnao!
(Sa Pangalan ni YAOHUSHUA hol-MEHUSHKHAY, siya nawa....)

Olkem shua-oleym....

Narito po ang inyong iba pang walang-bayad na babasahing maaaring hilingin daglian:

Q. Bakit tayo naniniwalang ang orihinal na Hebreong Banal na Kasulatan ang mga totoong Salita ng Maykapal?
Q. Ano ang kahulugan ng kapanganakang mula sa itaas o mag-uli?
Q. Bakit tayo naniniwalang ang Molkhiul YAOHUSHUA ang totoong Messias?
Q. Ano-anong uri ng pagbibinyag ang itinagubilin upang ating isagawa?
Q. Bakit maling gamitin ang mga titulong 'El' at 'Elohim' kapag ang tinutukoy ay ang totoong Ulong-Maykapal? Sino ba talaga ang tinutukoy at tinatawag na 'El' at 'Elohim' at 'El Shaddai'?
Q. Sino ba talaga sila 'god,' 'ha-shem' at 'adonay' na tinatawag ng marami bilang kanilang 'maykapal' daw?
Q. Ang mga salita bang 'zeus' - 'diyos' - 'theos' at 'deus' ay tumutukoy sa iisang espiritong idolo sa di-nakikitang larangang espiritwal?
Q. Bakit hindi mabigyan ng mga 'atheists' (di naniniwalang mayroong Maylalang) ng tamang katugunan ang mga tanong ukol sa pinakaunang nagtulak o nagpagalaw sa buong sangnilikha, saan patungo at magwawakas ang lahat sa sansinukob, sino ang lumikha ng mga 'atoms' at mga pinakamaliliit na sangkap ng lahat ng nilikha?
Q. Ang pagpapalaglag ba ng sanggol ay itinuturing ng YAOHU UL na 'infanticide' o pagkitil ng buhay ng sanggol?
Q. Itinuturing ba ng YAOHU UL na pakikiapid ang pakasalan ang isang taong hiniwalayan na ng kanyang dating asawa?
Q. Bakit marami ang mahirap at marami rin naman ang mayayaman? May lihim ba sa likod ng mga kaganapang ito? O baka naman nakasalalay ang lahat sa pasya ng tatlong personang 'kuwarta-pera at salapi'? Totoo ba ang tinatawag na 'suwerte' o 'luck'?
Q. Bakit sinasamba ng maraming kabataan sa sanlibutan ang mga damo, dahon at iba pang mga damong-ligaw, sa pagiging sugapa sa mga ito?
Q. Talaga bang milyon-milyon ang tumatahak sa maluwang at madaling daan patungo sa kamatayan at kapahamakan, ngunit kakaunti lamang ang nakakikita at tumatahak sa makipot at mahirap na daan patungo sa buhay na walang hanggan?
Q. Anu-ano ang mga 'occult objects and symbols' at ano naman ang kamalasang dulot ng mga ito sa mga mayroon ng mga ito?
Q. Totoo bang ang mga pangkaraniwang sagisag na ginagamit tulad ng bituin, kidlat, bahaghari, mga hugis puso, ay mga sagisag ng kambing na si ha-satan, at ang mga ito'y gamit ng mga mangkukulam at mga engkantador?
Q. Ipinagbabawal ba talaga ng YAOHU UL sa Banal na Kasulatan ang pagsasagawa ng 'seance' at mga pagkonsulta sa mga manghuhula, mga 'faith healers' at mga 'mediums' kasama na rin ang pakikipag-usap sa mga patay (necromancy) at paggamit ng mga 'orasyon'? Ano ang mga parusa at salot sa mga nakikiisa sa mga gawa ng kadilimang ito?

Maaari po kayong humingi ng mga walang bayad na mga babasahing ito o kaya'y sa pamamagitan ng electronic text transmissions upang maipadala po sa inyo sa pamamagitan ng koreo, o kaya'y fax, sa diskette o kaya'y sa computer modems sa Internet, maging sa pamamagitan ng WWW, E-Mail o kaya'y FTP.

Gawin ninyo ngayon din!

Simulan na ninyong ipagsabi at gawing patotoo sa iba ang tungkol sa Molkhiul YAOHUSHUA na Siya ninyong Tagapamuno at Sanggalang!

Maaari rin po ninyo itong i-download ito, pagkatapos ay i-print, at magpakopya ng marami upang maipamahagi ninyo sa inyong mga kasambahay, kamag-anak, mga kapitbahay, mga kaibigan, mga kasamahan sa trabaho. Maaari rin ninyong ipadala sa amin ang mga pangalan at addresses ng mga inaakala ninyong nangangailangan ng tulong, kagalingan, kalayaan, kahayagan, kaalaman ukol sa mga ito at aming silang padadalhan ng mga aklat na ito nang walang bayad.

Magpatotoo sa kanila na inyo nang natagpuan, nakilala at tinanggap ang Molkhiul YAOHUSHUA bilang inyong sariling Tagapamuno at Tagapagligtas! Ipagmalaki at ipamalita ninyo palagian sa lahat ang Molkhiul YAOHUSHUA! Dahil sa Siya ang tunay, totoo, orihinal at nag-iisang Mihushuayao (Tagapagligtas)!

YAOHUSHUA - ang nag-iisang pag-asa sa buong daigdig!

Tiyakin rin ninyong basahin ang iba pang walang-bayad na babasahing YAOHUSHUA para sa inyong pagkamulat at paglagong espiritwal! Ang mga babasahing ito ay maaari ninyong makamit sa TEXT o kaya'y HTML, sa mga Pilipino versions, at ang lahat ay wala pong bayad:

Pamagat

'YAOHUSHUA' - Ang Orihinal Mesias!
'YAOHUSHUA sa Walang-Hanggang Triune!'
'Kagulat-gulat Ngunit Totoo'
'Mga Katangian ng Mesias'
'YAOHUSHUA - Manggagamot at Tagapagpalaya'
'Walang Bayad na Regalo'
'Pakikitungo sa mga Authorities'
'YAOHUSHUA - Mga Pagbubunyag!'

Filenames

YAO-TAG.TXT
TRI-TAG.TXT
TAGALOG.TXT
MQ-TAG.TXT
EXOR-TAG.TXT
GIFT-TAG.TXT
BOSS-TAG.TXT
FALSTAG.TXT

 

FTP Mirror Sites:

ftp.dux.ru/pub/Yaohush
ftp.wr.com.au/pub/yaohush
ftp.yaohushua.org/pub/yaohush
ftp.Yaohushua.org.za/pub/yaohush

 

Home WWW URL:

http://www.YAOHUSHUA.org/index.html

 

E-mail Address:

Cohanul@YAOHUSHUA.ORG

 

WWW Mirror Sites:

http://www.yahushua.org/
http://Ohol-Yaohushua.Org/
http://www.Yaohushua.org.za/
http://yaohush.america.net/index.html
http://www.yaohushua.org.uk/index.html
http://www.cw.co.za/yahushua/index.html
http://www.ap.net.hk/~yauhush/Default.HTML
http://www.dux.ru/guest/Yaohush/Default.html
http://www.lava.net/ohol_yaohushua/index.html
http://www.portalinc.com/~yahushua/index.html
http://www1.webquest.com/~yahushua/index.html
http://ourworld.compuserve.com/homepages/YAOHUSHUA/index.htm

Ang mga walang-bayad na babasahing YAOHUSHUA ay inyo ring matatagpuan sa Internet sa mga sumusunod:

Microsoft Network (MSN) - Religious Resources Library
America Online (AOL) - Religion & Ethics Forum - Interfaith Library
CompuServe Religion Forum Library (6) - Interfaith Dialogue Section.
CompuServe Religion Forum Library (22) - Messianic Believers Section

CompuServe E-Mail Address:

YAOHUSHUA@CompuServe.Com

Postal Mailing Address:

OHOL YAOHUSHUA
P. O. BOX 1482,
JERUSALEM, ISRAEL 91014

Tandaan!

'Walang ibang pangalan ang ibinigay sa silong ng langit upang ikaligtas ng tao liban sa nag-iisang Pangalang: YAOHUSHUA!' - Mga Gawa 4:12, Banal na Kasulatan.

Walang ibang pangalan, walang ibang pangalan, walang ibang maliban, liban sa Pangalang: YAOHUSHUA!

Ito ay hindi 'copyrighted' na aklat. Ang mga bahagi o ang kabuoan nito ay maaaring kopyahin sa anomang paraan ng sinomang nagnanais na luwalhatiin ang Molkhiul YAOHUSHUA hol-MEHUSHKHAY.

Ang pinakadakilang pamana na inyong maipamahagi sa inyong mga anak ay hindi ang diploma kundi ang makilala nila ang iisa, totoo at orihinal na Mesias: YAOHUSHUA hol-MEHUSHKHAY! Higit pa Siya kaysa lahat ng kayamanan o diploma sa buong sanlibutan! Ibigay sa kanila ang Salita na nagkatawang tao, na Siyang namatay upang tayo'y maligtas.

Magkasama nating luwalhatiin ang YAOHU UL, ating itaas ang Kanyang Pangalan!

O YAOHU, YAOHU, anong pinakamahusay ang Iyong Pangalan sa buong daigdig!

YAOHUSHUA - ang nag-iisang pag-asa sa buong daigdig!

Ang yaohod ng ito ay ibinibigay sa inyo ngayon sa diwa ng katotohanan, pag-ibig, kapakumbabaan at taus-pusong paglilingkod sa Molkhiul YAOHUSHUA hol-MEHUSHKHAY, amnao!

Ang yaohod ng tuhod ay luluhod sa Pangalang: YAOHUSHUA!

BE HOL-SHUAM YAOHUSHUA hol-MEHUSHKHAY, amnao!

Tayo'y magbalik sa YAOHUSHUA Home Page ngayon....