Marami na tayong napatunayang huwad na Tagapagligtas noong nakaraan, at marami na ring nabiktima at nalinlang nito. Kahit hanggang ngayon, marami pa ring nagpapanggap na sila raw ang totoong Tagapagligtas. Papaano malalaman ng isang tao ang kaibahan ng isang huwad sa tunay o orihinal na Tagapagligtas? Ano ang batayan upang mapatunayan niya sa kanyang sarili ang isang tunay na Tagapagligtas? Naririto ang batayan sa Molyao-Ul o Banal na Kasulatan na dapat gawing batayan ng bawat isa, sangguniin, tiyakin at patunayan sa kanyang sarili ang tungkol sa Katauhan at gawain ng totoong Tagapagligtas, na dapat isaalang-alang ng isang tao patungkol sa kanyang pananampalataya, ang tiyak at walang hanggang kaligtasan. Una sa lahat, batay sa Molyao-Ul (Banal na Kasulatan) sa wikang Hebreo ang konseptong 'messias' ay si YÁOHU UL mismo, ang ating Maykapal, na Siyang nagsugo sa Messias, isang Israelita, na Siyang magpapalaya, magliligtas sa bawat isa mula sa kapahamakan at kasamaan. Kung gayon, hindi isinama ng Molyao-Ul (Banal na Kasulatan) ang bawat taong hindi Yaohúdiy (Judio) bilang Messias. Walang pagdududa na ang Messias ay isang Yaohúdiy o Israelita, dahil maliwanag na sinasabi ng Molyao-Ul o Banal na Kasulatan. Sinomang nagpapanggap o nag-aangkin sa kaniyang sarili na siya raw ang Messias at hindi naman isang Yaohúdiy o Judio ay maituturing at masasabing isang huwad, isang pandaraya, panlilinlang, palso at peke, matapos malaman ang sinasabi sa Molyao-Ul o Banal na Kasulatan. Gayunman, maging sa mga Yaohúdim (mga Judio) ay marami pa ring nagpapanggap at nagsasabing sila raw ang tunay na Messias. Paano natin malalaman ang tunay na kaibahan ng isang tunay sa huwad? Ang 'acid test' na dapat gamitin upang maiwasan ang linlang at daya ng kaaway, si satir, ay ang pagsisiyasat sa bawat nag-aangkin sa gawain ng Messias, sa kaliwanagan ng sinasabi sa Molyao-Ul o Banal na Kasulatan at ang hula patungkol sa totoong Tagapagligtas na malapit nang dumating. Alalahanin na unang naihayag sa Molyao-Ul o Banal na Kasulatan ang orihinal na konsepto ng 'messias' kung kaya dapat ding ang Molyao-Ul (banal na kasulatan) lamang ang ating gamitin sa pagsasangguni, paglilinaw at pagpapatunay sa sinomang nag-aangkin sa siya raw ang Messias. Bukod dito, ang Molyao-Ul ni YÁOHU UL, ang ating Maykapal, ay Siya lamang tiyak na batayan para sa pananampalataya ng bawat isa, yamang ang Kanyang Molyao (Salita) ay totoo, mapagkakatiwalaan, at pang walang hanggan. (YÁOHU UL - binibigkas ng 'yao-hoo' at 'ool') Sino sa mga nag-aangkin o naghahangad sa tanggapan ng Tagapagligtas ang nakatupad sa nakahula sa Banal na Kasulatan? Sino sa kanila ang nagtataglay ng LAHAT sa mga katangiang kinakailangan sa Banal na Kasulatan? Anu-ano ang mga katangiang kailangan at ano ang mga hulang dapat isakatuparan ng Messias na nakasulat sa Banal na Kasulatan? Ang mga sumusunod ay mga detalyado at mahahalagang hulang ginawa ni YÁOHU UL mismo, sa pamamagitan ng mga propeta, at sa kabila nito ay ang katuparan. Tiyak na mapapatunayan mo sa iyong sarili na tanging si Molkhiúl YAOHÚSHUA hol-MEHUSHKHÁY lamang ang Tagapagligtas, na gumanap ng lahat ng mga inihula sa Banal na Kasulatan. Hindi 10%, hindi 40% ni hindi rin 95% ng mga inihula ay Kanyang nagawa o natupad, kundi LAHAT ng inihula ni YÁOHU UL at ni Molkhiúl YAOHÚSHUA hol-MEHUSHKHÁY! (binibigkas ng: 'yao-hoo-shua' - diin sa ikalawang pantig) Ngayon, sa pamamagitan ng inyong bukas na kaisipan na malaya na mula sa anomang religious o pagiging relihiyoso, siyasatin o suriin pong mainam ang mga sumusunod na katotohanan, hindi pagsasapalaran, kundi mga katotohanang batay sa Banal na Kasulatan tungkol sa totoong Messias:
KINAKAILANGANG ANG MESSIAS AY ISINILANG NG ISANG BABAE
KINAKAILANGANG ANG MESSIAS AY ISINILANG NG ISANG DALAGA
1. 'bethula' - ibig sabihin ay isang dalaga. (Gen. 24:16; Lev. 21:13; Deut. 22:14,23,28; Hukom 11:37; 1 Hari 1:2.) Hindi taliwas ang nasa Joel 1:8 dahil ito'y tumutukoy sa pagkamatay ng kanyang mapapangasawa, ngunit hindi pa sila kasal. 2. 'almah' - (may belo) babaeng may edad na maari nang pakasal. Ang salitang ito ang ginamit sa Isaias 7:14. Hindi ginamit ng RÚKHA hol-Haodshua sa pamamagitan ni Propeta Isaias ang salitang bethulah, dahilan ang parehong ideya ng pagiging dalaga at ng isang babaeng may edad na maaari nang pakasal ay matatagpuan sa isang salita upang tagpuin ang kasaysayan at inihulang katayuan patungkol sa pagsisilang ng isang dalaga sa Messias. Sa salitang Griego naman ang ibig sabihin ng salitang Dalaga ay: 'parthenos' - isang dalaga, maaari nang pakasal na babae, o batang ikinasal na babae, dalagang dalaga. (Mateo 1:23; 25:1,7,11; Lucas 127; Gawa 21:9; 1 Corinto 7:25,28,33; 2 Corinto 11:2)
KINAKAILANGANG ANG MESSIAS AY ANAK NG YÁOHU UL
KINAKAILANGANG ANG MESSIAS AY MULA SA ANGKAN NI ISAAC
KINAKAILANGANG ANG MESSIAS AY MULA SA ANGKAN NI YAOCAF (YÁOHU-caf)
KINAKAILANGANG ANG MESSIAS AY MULA SA LIPI NI JUDAH
KINAKAILANGANG ANG MESSIAS AY MULA SA ANGKAN NI JESSE
KINAKAILANGANG ANG MESSIAS AY MULA SA ANGKAN NI DAVID
KINAKAILANGANG ANG MESSIAS AY ISINILANG SA BETLEHEM
SA PAGSILANG, KINAKAILANGANG HANDUGAN O REGALUHAN ANG MESSIAS
SA KAMUSMUSAN O KASANGGOLAN NG MESSIAS, IPAPAPATAY ANG MGA BATANG LALAKI
KINAKAILANGANG ANG MESSIAS AY WALANG HANGGAN, ANG SIMULA AT ANG WAKAS
KINAKAILANGANG ANG MESSIAS AY TATAWAGING 'ODMAOR' (Tagapamahalang Guro)
ANG KANYANG TITULO AY KINAKAILANGANG IMMANU-UL (kasama natin ang UL)
KINAKAILANGANG ANG MESSIAS AY ISANG PROPETA
Kung kaya ang Messias ay may taglay na mga matang nakakikita at taingang nakaririnig. Hinahadlangan nito ang mga taong patuloy na nag-aangkin sa kanilang sarili na sila raw ay Messias, sang-ayon mismo kay Maimonides. Subalit mas paniniwalaan natin nang higit ang sinasabi sa Molyao-Ul o mga Salita ni YÁOHU UL, at pati mga palagay mula sa Targums at iba pang sipi na kasama rito upang magsilbing suporta. Tandaan din natin na sina Mehushúa (Moises) at Caleb ay nanatiling malulusog kahit na sila'y matanda na. Si Molkhiúl YAOHÚSHUA at si Mehushúa ay magkahawig sa ilang bagay: pareho silang himalang nailigtas noog panahon ng kanilang kasanggolan, pareho silang propeta, pareho silang tagapamagitan, pareho silang malapit kay YÁOHU UL, at higit sa lahat, pareho silang ginamit ng YÁOHU UL upang iligtas ang sangkatauhan.
ANG MESSIAS AY KINAKAILANGANG MAGING ISANG SASERDOTE
ANG MESSIAS AY KINAKAILANGANG MAGING HUKOM NG LAHAT
ANG MESSIAS AY KINAKAILANGANG MAGING ISANG HARI NG MGA HARI
KAILANGANG NANANAHAN ANG 'RÚKHA hol-HAODSHUA' SA MESSIAS
KINAKAILANGANG ANG MESSIAS AY MASIGASIG PARA SA GAWAIN NG YÁOHU UL
KAILANGANG MAUNA ANG BANAL NA MENSAHERO BAGO DUMATING ANG MESSIAS
ANG PAGLILIGTAS NG MESSIAS AY KAILANGANG MAGSIMULA SA GALILEA, ISRAEL
KINAKAILANGANG ANG MESSIAS AY MAY KAKAYAHANG GUMAWA NG MGA HIMALA
KAILANGANG ANG MESSIAS AY GUMAGAMIT NG TALINGHAGA
KAILANGANG ANG MESSIAS AY PUMASOK SA TEMPLO
SA PAGPASOK SA JERUSALEM, KAILANGANG NAKASAKAY SA ISANG BISIRONG ASNO
ANG MESSIAS ANG BATONG KATITISURAN NG MGA YAOHUDIM (Israelita)
KAILANGANG ANG MESSIAS AY ILAW SA MGA HENTIL
KAILANGANG MAMATAY ANG MESSIAS ALANG-ALANG SA MAKASALANAN AT MABUHAY NA MAG-ULI
PAGKATAPOS MABUHAY NA MAG-ULI, ANG MESSIAS AY UMAKYAT SA LANGIT
ANG MESSIAS AY LULUKLOK SA KANAN NG YÁOHU UL
Lingid sa kaalaman ng marami, si Molkhiúl YAOHÚSHUA hol-MEHUSHKHÁY ang Siyang nagligtas sa lahat, sa pamamagitan ng pag-aalay ng Kanyang buhay o pagsasakripisyo noong araw ng Paskuwa 33 C. E. Tunay na naisakatuparan ni Molkhiúl YAOHÚSHUA ang pagliligtas sa buong sangkatauhan noong pista ng Paskuwa. Narito pa ang ibang mahahalagang katuparan ng mga inuhula sa Molyao-Ul o Banal na Kasulatan.
ANG MESSIAS AY IPINAGKANULO NG ISANG KAIBIGAN
KAILANGANG ANG MESSIAS AY IPAGBILI SA HALAGANG 30 PIRASONG PILAK
ANG KABAYARAN NG PAGKAKANULO AY INIHAGIS SA TEMPLO NG YÁOHU UL
ANG KABAYARAN NG PAGKAKANULO AY IBINAYAD SA BUKID NG MAGPAPALAYOK
ANG MESSIAS AY KAILANGANG IWANAN NG KANYANG MGA TAGASUNOD
MGA SAKSING SINUNGALING ANG NAGPARATANG SA MESSIAS
KAILANGANG ANG MESSIAS AY TAHIMIK HABANG INAAKUSAHAN
KAILANGANG ANG MESSIAS AY HINAGUPIT AT NASUGATAN
KAILANGANG ANG MESSIAS AY BINUGBOG AT NILURHAN SA MUKHA
KAILANGANG ANG MESSIAS AY KUTYAIN AT INSULTUHIN
NANGHINA ANG MESSIAS DAHIL SA PASANG POSTE
KAILANGANG ANG MGA KAMAY AT PAA NG MESSIAS AY GINAPOS
ANG MESSIAS AY BINITAY KASAMA NG MGA SALARIN
IDINALANGIN NG MESSIAS NA PATAWARIN ANG MGA MAKASALANAN SA KABILA NG KANYANG PAGDURUSA
KAILANGANG ANG MESSIAS AY ITAKWIL NG MISMONG KABABAYAN NIYA
ANG MESSIAS AY KINAMUMUHIAN NANG WALANG DAHILAN
NASAKSIHAN NG KANYANG MGA KASAMAHAN ANG KANYANG PAGKAMATAY
BAWAT MAKAKITA SA KANYA'Y UMIILING AT TATANGU-TANGO
MINAMASDAN SIYA NG MGA MANONOOD
ANG KANYANG KASUOTAN AY PINAGHATI-HATIAN AT DINAAN SA SAPALARAN
NAUHAW NG HUSTO ANG MESSIAS
SUKA AT APDO ANG PINAIINOM SA KANYA
SUMIGAW ANG MESSIAS NA BAKIT SIYA PINABAYAAN SA GITNA NG PAGDURUSA
INIHABILIN NG MESSIAS ANG KANYANG KALULUWA SA YÁOHU UL
SA KANYANG PAGKAMATAY, KAHIT ISANG BUTO AY DI MAGAGALAW O MABABALI
TIGIB NG HIRAP ANG NARANASAN NG MESSIAS
INULOS NG SIBAT ANG TAGILIRAN NG MESSIAS
NAGDILIM SA BUONG LUPAIN NOONG SIYA'Y NAMATAY
INILIBING ANG MESSIAS SA LIBINGANG PAG-AARI NG ISANG MAYAMAN
Ang mga pangyayaring ito ay totoong nangyari sa buhay ni Molkhiúl YAOHÚSHUA at hindi nagkataon lamang o kaya'y ipinlano dahil maraming pangyayari ang hindi Niya saklaw, tulad noong Kanyang pagsilang, pagkakatawang-tao, pagkakanulo sa Kanya, paraan ng Kanyang pagkamatay at ang eksaktong halagang ibinayad sa nagkanulo sa Kanya tulad ng mga inihula ng mga propeta sa Molyao-Ul o Banal na Kasulatan. Mahalaga ring pansinin ang inihula sa Daniel 9:25. Maaaring mangilan-ngilan lang sa mga pangyayari sa Molyao-Ul ang nagkataong nangyari sa ilan subalit ang lahat ng ito ay nangyari sa Gaúl YAOHÚSHUA, LAHAT ng inihula sa tamang panahon ay nangyari o nagkatotoo. Isang impostor ang nag-aangking siya raw ang Messias na hindi naman dumating sa tamang panahong itinakda na nakasaad sa mga inihula sa Molyao-Ul. Walang sinoman ang nabuhay sa buong kasaysayan ng mundo ang nakatupad maging kalahati nito. Si Molkhiúl YAOHÚSHUA hol-MEHUSHKHÁY lamang ang 100% na nakatupad ng lahat ng mga inihula sa Molyao-Ul, tanging Siya lamang, wala nang iba! Sa mga ibig maniwala walang katibayan ang kailangan, subalit doon sa mga hindi ibig maniwala at di ibig tumanggap ng katotohanan ay walang sapat na katibayan! Hindi dahil sa anumang argumento o mga puna kung kaya nabubuo ang katotohanan kundi sa pamamagitan ng kaliwanagang ibinigay ni YÁOHU UL sa bawat isa dahil sa Kaniyang mayamang habag at awa. Sa pamamagitan lamang ng Kaniyang pag-ibig, habag at awa sa patnubay ng RÚKHA-YAOHÚSHUA. Totoong si Molkhiúl YAOHÚSHUA ang nag-iisang Messias na kung saan makasisigurado ka sa iyong pananampalataya, kaligtasan, kalayaan, kapatawaran at katubusan. Siya lamang ang tanging ligtas at pangwalang hanggang batayan na dapat sampalatayanan. Sinabi ni Molkhiúl YAOHÚSHUA, 'Ahnee ang Daan, ang Katotohanan at ang Buhay; walang makapupunta sa YÁOHU ABUHÚL kundi sa pamamagitan Ko!' - Yaokhanam 14:6 Basahin natin ngayon ang ibang nasasaad sa Tanakh o Banal na Kasulatan at pansinin ang pagkamatay ni Molkhiúl YAOHÚSHUA, namatay Siya sa ikapagpapatawad ng ating mga kasalanan at ito'y nakasulat ng ilang daang taon bago Siya isinilang: Uli, Uli, bakit Mo Ahnee binayaan? Masidhi ang pagtaghoy Ko upang Ahnee ay tulungan, ngunit hindi dumarating ang saklolong hinihintay. Araw gabi'y dumaraing, tumatawag Ahnee, O Uli, hindi Ahnee mapanatag, di ka pa rin sumasagot. Ikaw yaong panuntungang tanging Banal, walang iba, dinadakila ng Yaoshorul (Israel), pinupuri sa tuwina; sa Iyo ang lahi nami'y nagtiwala at umasa, nagtiwala silang lubos, iniligtas Mo nga sila. Noong sila ay tumawag ang panganib ay nawala, lubos silang nagtiwala at di naman napahiya. Tila Ahnee ay isang uod at hindi na isang tao, kung makita'y inuuyam, nagtatawa kahit sino; bawat taong makakita'y umiiling, nanunukso, palibak na nagtatawa't sinasabi ang ganito: 'nagtiwala Siya kay YÁOHU UL ngunit hindi Siya pansin, kung talagang minamahal, bakit hindi intindihin? Noong Ahnee ay iluwal, Ikaw o YÁOHU UL ang patnubay, magmula sa pagkabata, Ahnee ay Iyong iningatan; kaya naman mula noon, sa Iyo na umaasa. Sapul noon, Ikaw na lang ang UL na kinilala.' Huwag Mo Ahneeng lilisanin, huwag Mo Ahneeng tatalikdan, dahil walang sasaklolo sa panganib na daratal. Akala mo'y mga toro, pumaligid sa kaaway, mabangis na mga hayop na balitang turong-Basan; parang leong naninila, walang tigil ang atungal. Parang tubig sa dibdib Ko ay naghari ang malaking pagkasindak parang pagkit ang puso Ko, natutunaw naaagnas! Itong aking lalamunan tuyong abo ang kapara, ang dila Ko'y dumidikit sa bubong ng ngala-ngala, sa alabok, halos patay na Ahnee ay iniwan. May pangkat ng mga buhong na sa Aki'y pumaligid, para Ahneeng nasa gitna niyong asong mababangis; mga kamay Ko at paa'y parang gapos na ng lubid. Ang buto ng katawan Ko, sa masid ay mabibilang, minamasdan nila Ahnee niyong tinging may pag-uyam. Pinaghati-hati nila ang damit Ko sa aking katawan, ang hinubad na tunika'y dinaan sa sapalaran. Huwag Mo akong ulilahin, huwag talikdan, YÁOHU UL o aking Tagapagligtas, bilisan Mo ang pagtulong. Huwag Mo akong babayaang sa talim ay mapahamak, at sa mga asong iyon, ang buhay Ko ay iligtas. Sagipin sa mga leon, iligtas Mo at ingatan, wala Ahneeng magagawa, sa harap ng torong-ligaw. Ang lahat ng ginawa Mo'y ihahayag Ko sa lahat, sa gitna ng kapulunga'y pupurihin kitang ganap. Purihin si YÁOHU UL ng lahat ang kanyang lingkod, Siya'y inyong dakilain, kayong angkan ni YÁOHU-caf; ikaw bayan ng Israel ay sumamba at maglingkod. Hindi Siya tumatangging tangkilikin ang mahirap, handa Siyang sumaklolo, hindi Siya umiiwas; tinutugon agad Niya yaong mga kapus-palad. Ginawa Mo'y sasambitin sa dakilang kapulungan sa harap ng masunuring mga lingkod Mong hinirang, ang handog na panata Ko ay doon Ko iaalay. Magsasawa sa pagkain yaong mga nagdarahop; aawit ng pagpupuri ang kay YÁOHU UL ay dudulog; buhay nila ay uunlad, sasagana silang lubos. Sa dakilang YÁOHU UL, ang lahat ay magbabalik, ang lahat ng mga lahi ay sasambang may pag-ibig. Ang YÁOHU UL ay UL, Hari Siya ng nilikha, maghahari sa daigdig, sa lahat ng mga bansa. Mangangayupapang lahat ang palalo't mayayabang ang lahat ng mga tao ay yuyuko sa Maykapal, ang narito sa daigdig na nilikhang mamamatay. Maging lahing susunod pa ay sasamba't maglilingkod, at mayroong mangangaral sa kanila tungkol kay YÁOHU UL. Sa lahat ng isisilang pa'y ganito ang ihahayag, 'Sa hinirang Niyang bansa ay si YÁOHU UL ang nagligtas.' - Tehilim o Awit 22, Tanakh. 'Sinong naniniwala sa aming mensahe at kanino ipinahayag ni YÁOHU UL ang Kaniyang sarili? Siya'y lumaki tulad ng isang usbong at tulad ng isang ugat mula sa tuyong lupa. Wala Siyang angking kagandahan o katangiang makatawag pansin, wala Siyang taglay na pang-akit para lapitan Siya. Siya'y itinakwil at hinamak ng mga tao, nagdanas ng sakit at hirap. Hindi man lang Siya pinapansin, para Siyang walang kabuluhan, tiniis Niya ang hirap na tayo dapat ang magbata, Siya ay binugbog dahil sa ating kasamaan, dahil sa ating mga kasalanan kaya Siya nasugatan, subalit inakala pa nating pinabayaan Siya ni YÁOHU UL subalit tayo ay nagkamit ng kapatawaran noong Siya'y binitay, tayo ay gumaling dahil sa mga sugat na tinamo Niya, sa hampas na Kaniyang tinanggap tayo ay gumaling at nagkaroon tayo ng kapayapaan ng isip. Tayong lahat ay parang mga tupang naligaw, nagkanya-kanya tayo ng lakad ngunit inibig ni YÁOHU UL na sa Kaniya ipataw ang parusang tayo ang dapat tumanggap. Siya ay binugbog at pinahirapan, ngunit di tumutol kahit kaunti man; tulad ng korderong hatid sa patayan, parang mga tupang hindi tumututol kahit na gupitan, ni hindi umimik kahit gaputok man. Siya'y hinuli at hinatulan. At sinong mangangahas na Siya'y ipagsanggalang? Dahil Siya talaga ay inihiwalay sa mga buhay; Siya ay pinatay dahil sa sala ng sangkatauhan. Siya'y inilibing kasama ng masasama at mayayaman, bagaman wala Siyang kasalanan o nagsabi man ng kasinungalingan. Subalit kagustuhan ni YÁOHU UL ang paghihirap Niya, inihandog Niya ang Kaniyang sarili upang sa pamamagitan noon ay magkaroon ng kapatawaran, dahil dito'y mabubuhay Siya nang matagal, makikita ang lahing susunod sa Kanya. At sa pamamagitan Niya'y maisasagawa ang Aking panukala. Pagkatapos ng pagdurusa, lalasap Siya ng ligaya, malalaman Niyang hindi nawalan ng kabuluhan ang Kanyang pagtitiis. Ang Aking tapat na Lingkod at lubos Kong kinalulugdan ang siyang tatanggap sa parusa ng marami at alang-alang sa Kanya sila'y Aking parurusahan. Dahil dito Siya'y Aking pararangalan, kasama ng mga dakila; dahil kusang-loob Niyang ibinigay ang sarili at nilasap ang kaparusahan ng masasama. Pinasan Niya ang mga makasalanan at idinalanging sila'y patawarin.' - Isaias 53 Tanakh o Banal na Kasulatan Paalala: Ang sinasabing 'Tapat na Lingkod' ay hindi kailanman tumutukoy sa Israel dahil hindi inako ng Israel ang kasalanan ng lahat ng tao, kundi ang kani-kanilang kasalanan lamang. Ang MEHUSHKHÁY lamang ang siyang naghandog ng Kanyang buhay upang mapatawad ang lahat ng tao. Basahing mainam - sinabi ni YÁOHU UL: 'Ang lunsod na ito at ang iyong mga kababayan ay binigyan ng 490 taon upang tigilan ang pagsalangsang, layuan ang kasamaan at pagsisihan ang kasalanan. Pangkatapos, iiral na ang katarungan at magaganap na ang kahulugan ng pangitain. Itatalaga na ang Dakong Kabanal-banalan.' 'Unawain mo ito: mula sa pagkabigay ng utos na muling itindig ang Jerusalem hanggang sa pagdating ng MEHUSHKHÁY na hinirang ng YÁOHU UL ay lilipas ang apatnapu't siyam na taon. Muling itatayo ang Jerusalem. Aayusin ang mga lansangan at muog at mananatiling gayon sa loob ng 434 na taon. Ngunit ang panahong iyon ay paghaharian ng kaguluhan.' 'Pagkalipas ng 434 na taon, ang MEHUSHKHÁY ay papatayin.' 'Ang Lunsod ng Templo'y wawasakin ng hukbo ng isang makapangyarihang hari. Ang pagkawasak ay darating na parang baha at magkakaroon ng digmaan hanggang sa wakas na itinakda ni YÁOHU UL.' Ang pinunong ito ay gagawa ng isang matibay na pakikipagkasundo sa makapal na tao sa loob ng pitong taon. Pagkaraan ng tatlong taon at kalahati, pipigilin niya ang paghahandog. Itataas niya sa templo ang kalapastangang Walang Kapantay at mananatili siya roon hanggang sa ang naglagay sa kanya ay parusahan ni YÁOHU UL ayon sa itinakda sa kanya.' - Daniel 9:24-27, Tanakh o Banal na Kasulatan Paalala: Ang unang 'pito' ay katumbas ng pitong taon. Ang ibig sabihin ng 'BCE' ay 'Before Common Era.' Simula nang ibigay ni Artaxerxes kay Nehemias ang utos na muling itayo ang templo ng Jerusalem noong Nisan 1, 444 BCE (Nehemias 2:1-8) hanggang Nisan 10, 33 CE (Common Era), ang araw nang pumasok si Molkhiúl YAOHÚSHUA sa Jerusalem na sakay ng isang bisirong asno ay eksakto sa inihula ni Daniel. Sinumang nag-aangking siya raw ang Messias at hindi naman saklaw ng panahon na nabanggit sa Daniel ay isang impostor na Messias! Tiyak na tinutukoy si Molkhiúl YAOHÚSHUA sa mga hula mula sa YÁOHU UL, ang Maykapal, na nakasulat sa Tanakh o Banal na Kasulatan, siyang Tunay, Totoo, walang katulad at genuine na MEHUSHKHÁY o Messias. Walang ibang tao ang nagtataglay ng mga katangiang kailangan noong nakaraan, sa kasalukuyan at maging sa hinaharap. 'Kay Molkhiúl YAOHÚSHUA lamang matatagpuan ang kaligtasan, dahil sa silong ng langit ang Kanyang Ngalan lamang ang ibinigay ni YÁOHU UL sa ikaliligtas ng tao.' - Mga Gawa 4:12 Banal na Kasulatan 'At kung paanong itinaas ni Mehushúa ang ahas doon sa ilang gayon din naman, kailangang itaas ang MEHUSHKHÁY (Messias), upang ang sinomang sumampalataya sa Kanya ay magkakaroon ng buhay na walang hanggan. Gayon na lamang ang pag-ibig ni YÁOHU UL sa sanlibutan, kaya ibinigay Niya ang Kaniyang bugtong na Anak, upang ang sumampalataya sa Kaniya ay hindi mapahamak, kundi magkaroon ng buhay na walang hanggan. Sapagkat sinugo ni YÁOHU UL ang Kaniyang Anak, hindi upang hatulang maparusahan ang sanlibutan, kundi upang iligtas ito sa pamamagitan Niya.' 'Hindi hinatulang maparusahan ang nananampalataya sa bugtong na Anak ni YÁOHU UL ngunit hinatulan nang parusahan ang hindi nananampalataya sa Kanyang Ngalan.' 'Hinatulan sila dahil naparito sa sanlibutan ang Ilaw, ngunit inibig pa ng mga tao ang dilim kaysa liwanag, dahil masama ang kanilang gawa. Ang gumagawa ng masama ay ayaw sa Ilaw, at hindi lumalapit dito upang hindi mahayag ang kanyang mga gawa. Ngunit ang namumuhay sa katotohanan ay lumalapit sa Ilaw, sa gayon, nahahayag na ang kanyang mga ginagawa'y pagsunod kay YÁOHU UL.' - Yaokhanam 3:14-21 Ang pinakamahalagang katangian ng MEHUSHKHÁY YAOHÚSHUA na Siya nga ang tiyak at tunay na Messias ay ang Kaniyang pagiging Walang kasalanan, ang kalinisang moral at ang pagsunod sa lahat ng ipinag-uutos ni YÁOHU UL! Ang ibang impostor na Messias ay nagkakasala mula noong sila'y isilang hanggang sa kanilang kamatayan. Walang ibang namuhay nang walang sala, malinis, dalisay na pamumuhay sa lupa kundi si Molkhiúl YAOHÚSHUA hol-MEHUSHKHÁY lamang! Ito ang panghuling acid test ng Kanyang pagiging MEHUSHKHÁY o Messias. Walang anomang rebulto o impostor kaya ang nagtataglay ng ganitong napakahalagang katangian ng isang MEHUSHKHÁY. Si Molkhiúl YAOHÚSHUA lamang ang hindi nagkasala, Siya'y walang kasalanan. Siya ay ganap o perfect sa lahat ng bagay: sa pananalita, sa asal, pag-iisip, paniniwala, ugali, kalusugan, pangangatawan, karunungan, pag-ibig. Totoo na si Molkhiúl YAOHÚSHUA hol-MEHUSHKHÁY lamang ang tangi at nag-iisang MEHUSHKHÁY! Hebreo 4:15 at 7:26, Banal na Kasulatan. Higit na marami pang nakakagulat at pagsisiwalat ng katotohanan sa mga walang-bayad na babasahing YAOHÚSHUA na tiyak na makatutulong sa inyong paglago at pananampalataya sa Maykapal, YÁOHU UL, ang Hodshúa o Banal ng Israel, at ang Tagapagligtas na si YAOHÚSHUA. Tiyakin lamang na magkaroon kayo ng mga sipi nito sa lalong madaling panahon, upang makatulong sa inyong paglagong rukhaol o espirituwal at makatulong rin sa inyong kaliwanagan at pagkaunawa. Tiyak na kailangan mong malaman ang bawat nilalaman ng mga siping ito. Maaari rin po kayong lumiham upang magkamit nito ng walang bayad. Nawa'y palagian kayong biyayaan ni YÁOHU UL ng kaliwanagan, kahayagan, kaalaman, insight, discernment at pagkaunawa sa rukhaol na bagay, ayon sa Kanyang mayayamang habag, awa at pag-ibig, ngayon at magpawalang hanggan. Ang lahat ng ito ay ibinibigay sa inyo sa paggagabay at pagtuturo ng 'RÚKHA-YAOHÚSHUA' na pinaniniwalaan nating palagiang naggagabay sa atin tungo sa katotohanan, na naghayag ni Molkhiúl YAOHÚSHUA sa atin, at siyang tumutulong sa pang-araw-araw na paglakad sa larangang espirituwal patungo sa kabuoang pag-ibig at pagtitiwala kay YÁOHU UL, ang ating Maykapal. Kayong lahat ay malaya na ngayon sa anomang uri ng panlilinlang, pandaraya at gawa ng kaaway! Kayo ngayon ay nasa Liwanag - kaliwanagan ng buhay - Molkhiúl YAOHÚSHUA! 'Sa Ngalang YAOHÚSHUA, ang lahat ng tuhod ay luluhod, sa langit, sa lupa at sa ilalim ng lupa, at lahat ng dila ay magsasabing si Molkhiúl YAOHÚSHUA hol-MEHUSHKHÁY ang Pinunong dapat tupdin ng lahat, sa ikaluluwalhati ni YÁOHU UL sa langit!' Ngayon, aming kayong tinatalian sa pagsunod, pagluhod at ganap na pagpapasakop kay Molkhiúl YAOHÚSHUA hol-MEHUSHKHÁY at kinakalagan mula sa lahat ng uri ng pandaraya, pambibihag kasinungalingan at lahat ng gawa ni satir at ng kanyang masasamang espiritu, sa pamamagitan ng 'DAM' o dugo ni Molkhiúl YAOHÚSHUA hol-MEHUSHKHÁY at ng Kaniyang Ngalang - YAOHÚSHUA! You are free, you are delivered and you are whole! Tayo ay nagpapasalamat at nagpupuri kay YÁOHU UL dahil sa Kaniyang mayamang habag, awa, pag-ibig at karunungan na patuloy Niyang ibinibigay sa BAWAT isa sa atin! Si YÁOHU UL ay Pag-ibig. Ol Shúam Gaúl, Molkhiúl YAOHÚSHUA hol-MEHUSHKHÁY, am-nám oo amnám!
Naniniwala kami dahil sa mayamang awa at habag ni YÁOHU UL, na ang 'RÚKHA-YAOHÚSHUA' ang ngayon at palagiang nagbibigay liwanag sa inyong isipan, nagtuturo, nagdadala patungo sa katotohanan, umaagapay at nagpapaala-ala ng mga Molyao-Ul na sinabi ni Molkhiúl YAOHÚSHUA, na siyang nagpapakilala sa bawat isa inyo sa tunay na Messias, si Molkhiúl YAOHÚSHUA at palagiang tinitiyak ni YÁOHU UL na magkakabisa ang bawat salita na kanyang sinabi, kasama na rin ang gawain ng 'RÚKHA-YAOHÚSHUA na paggigiyagis sa inyong mga puso patungkol sa kasalanan, katwiran at kahatulan, habang tinatalian namin ang bawat isa sa inyo sa pagsunod at lubusang pagtalima kay Molkhiúl YAOHÚSHUA hol-MEHUSHKHÁY, at ang lahat ay magsabi ng am-nám! Tandaan, ang lahat ng tuhod ay kinakailangang lumuhod sa Ngalang YAOHÚSHUA at lahat ng labi ay magsasabing si YAOHÚSHUA ang Odmorul ng lahat, sa ikaluluwalhati ni YÁOHU UL na Makapangyarihan! At anoman ang talian namin dito sa lupa ay tatalian rin sa langit! 'Naparito ang Anak ni YÁOHU UL upang wasakin ang mga gawa ng diyablo! ' - 1 Yaokanam 3:8, Banal na Kasulatan. Kayo'y amin ngayong kinakalagan mula sa yaohod (lahat) ng uri pagkakabihag ni ha-satán at ng kanyang mga kampong mga masasamang espiritu ng pagkalito, mga masasamang espiritu ng kasinungalingan, seducing rukot ha-raot, at amin ngayong pinatitigil, pinapalayas at winawalang-bisa ang lahat ng uri ng masasamang impluwensiya, mga kasinungalingan, mga kapangyarihan at pinalalaya mula sa pagkakabihag ng mga rukot ha-raot! At tinatalian namin kayo sa lubusang pagsunod at pagtalima kay Molkhiúl YAOHÚSHUA ngayon at magpakailanman! Anoman ang aming kalagan dito sa lupa at kakalagan rin sa langit, anoman ang aming talian dito sa lupa ay tatalian rin sa langit! Ol Shúam Gaúl YAOHÚSHUA hol-MEHUSHKHÁY, am-nám! Tandaan na si Molkhiúl YAOHÚSHUA ang Siyang namatay para sa ikapagpapatawad ng inyong mga kasalanan at hindi ang anomang relihiyon. Hindi Tagapagligtas ang relihiyon. Si Molkhiúl YAOHÚSHUA hol-MEHUSHKHÁY lamang ang nag-iisa at ang tanging Messias na Siyang makatutulong, makapagpapalaya, makapagpapagaling at makapagliligtas sa bawat isa. Sapagkat ang sandata ng aming pakikibaka ay hindi ukol sa laman kundi ang mga ito'y may kapangyarihan sa pamamagitan ni YÁOHU UL Gabor (Mandirigma) na gumiba ng mga kuta ng kaaway. Ating binubuwag ang bawat maling pangangatuwiran at bawat bagay na nagmamatayog laban sa karunungan ni YÁOHU UL KAOKÁM, at ating binibihag ang bawat pag-iisip upang ipasakop kay Molkhiúl YAOHÚSHUA. At ating ngayong pinagtagumpayan na si ha-satán, sa pamamagitan ng 'DAM' (dugo), at ng pananalita, at dahil sa ating sinagupa na nga si ha-satán, siya'y lumayas na mula sa lahat ng Yaohúshuahim, at tayo'y higit pa sa mapagwagi! Maraming papuri at pasasalamat kay YÁOHU UL GAVÓHA (Pinakamataas) na Siyang tumiyak na tayo'y palagiang nagwawagi kaisa ni Molkhiúl YAOHÚSHUA. Hindi natin pinapayagang nakawin sa anomang paraan ni ha-satán ang mga Salita ni YÁOHU UL na ngayo'y natanim sa inyong mga puso't isipan, magpakailanman! Anomang hindi natin payagan dito sa lupa ay hindi papayagan sa langit. Ol Shúam Gaúl YAOHÚSHUA hol-MEHUSHKHÁY, am-nám!
Ngayon kayo ay malaya na at ganap na! Ngayon, luwalhatiin natin si YÁOHU UL, magkasama nating itaas ang Kanyang NGALAN! Simulan mo ngayon ang iyong bagong buhay na kasama si YÁOHU ABÚ (Ama) sa pamamagitan ng pagsasabi sa iba tungkol sa Kanyang PAG-IBIG at sa Kanyang NGALAN at magsimulang ibigin at tulungan ang iyong kapuwa! 'Ibigin mo ang YÁOHU UL nang BUONG puso, nang BUONG kaluluwa, BUONG kakayahan at nang BUONG pag-iisip; at ibigin mo ang iyong kapuwa na tulad ng iyong pag-ibig sa iyong sarili!' Iyan ang mga pinakamahahalagang mitzvot o mga utos! Kaya simulan na pong ibigin si YÁOHU UL at ang inyong mga kapuwa ngayon! 'Kaya naparito ang Anak ni YÁOHU UL upang wasakin ang mga gawa ng diyablo!' - 1 Yaokanam 3:8, Banal na Kasulatan. Tandaan na si Molkhiúl YAOHÚSHUA ang Siyang namatay para sa ikapagpapatawad ng iyong mga kasalanan, at hindi ang relihiyon. HINDI ka maililigtas ng relihiyon. Si Molkhiúl YAOHÚSHUA hol-MEHUSHKHÁY ang nag-iisang Tagapagligtas na Siyang makatutulong, makapagpapalaya, makapagpapagaling at makapagliligtas sa iyo! Kung wala pa po kayo ng sipi o kopya ng 'Biblia Hebraica' o ng Banal na Kasulatan, ay kinakailangan po na magkaroon na kayo nito sa lalong madaling panahon upang masimulan na ninyong basahin ang Molyao-Ul! Para po sa inyong paglagong espiritwal o rukhaol. Ngayong alam na po ninyo ang katotohanan ay kayo na ang magbago noong nalaman ninyong katotohanan. Pakatandaan po ninyo na kinakailangang palagian nating pinag-aaralan ang Molyao-Ul upang marami pa ang matutuklasan ninyong mga katotohanan para sa inyong ikadadalisay, ikasasagana, ikatutuwid at ikaiinam sa pamumuhay! Simulan na ninyong basahin ang Molyao-Ul ngayon! Palagian ring mananalangin kay YÁOHU UL at gamitin ang Ngalan ni Molkhiúl YAOHÚSHUA hol-MEHUSHKHÁY, dahil sinabi Niya na anoman ang ating hilingin kay YÁOHU UL ay hingin natin sa Ngalan ni Molkhiúl YAOHÚSHUA hol-MEHUSHKHÁY! Nakatitiyak na makatatanggap ng totoong resulta, katugunan, kapakinabangan, kalutasan at mga pagpapala! Huwag po ninyong subukan kundi isagawa ngayon at paniwalaan! Kung mayroon po kayo o sino pa mang nasa kapaligiran ninyo ang may anomang uri ng pangangailangan, espiritwal, man o materyal, o kaya nama'y mayroon po kayong mga katanungan, maaari po kayong tumawag o lumiham sa amin. Bukas po ang aming puso't palad sa pagtulong sa inyo, bilang alipin ni Molkhiúl YAOHÚSHUA hol-MEHUSHKHÁY kaya't huwag po kayong mahihiya dahil iniibig kayo nang lubusan ni YÁOHU UL! At kayo ay iniligtas na ni Molkhiúl YAOHÚSHUA! Sa sandaling tanggapin ninyo si Molkhiúl YAOHÚSHUA hol-MEHUSHKHÁY bilang inyong Molkhiúl at Mihushuayao, kayo ngayon ay nasa sa makipot na daan. Kung nais po ninyong tumanggap ng mga walang bayad na babasahin tulad ng Bibliyang Tagalog o kaya'y bilingual Hebrew Holy Scriptures, New Covenant portion, lahat ay Hebreo, mga isinalin sa wikang Alemanya, Arabo, Portuguese, Ruso, French, Dutch, Romanian, Espanol, at iba pang wika tulad ng Ingles, ay sumulat at makipag-ugnay lang po kayo sa amin direkta at ipapadala po namin sa inyo ng libre, walang bayad. Wala po kayong dapat bayaran, ang pamamahagi po ng walang bayad ay bahagi ng aming paglilingkod kay Molkhiúl YAOHÚSHUA hol-MEHUSHKHÁY bilang Kanyang mga alipin upang ipakilala sa inyo Siya nang lubusan at ang Kanyang Salita o Molyao-Ul. Walang-bayad naming tinanggap mula sa YÁOHU ABÚ ay walang-bayad rin naman po naming ibibigay sa inyo, utos sa Kanyang Banal na Kasulatan. Totoo, tiyak at walang alinlangang si Molkhiúl YAOHÚSHUA lamang ang nagpapalaya sa inyo mula sa lahat ng kasinungalingan, pandaraya, pambibihag, mga sumpa at salot na mula kay ha-satán. Si Molkhiúl YAOHÚSHUA ang Liwanag ng Buhay! Pinangangalagaan ka ni Molkhiúl YAOHÚSHUA mula sa tatak ng halimaw. Naparito ang kaaway upang pumatay, magnakaw at manira subalit si Molkhiúl YAOHÚSHUA ay naparito upang magbigay ng buhay, at higit na masaganang pamumuhay! Nakikiisa ka na ngayon, hindi sa panibagong relihiyon, kundi sa Persona ni Molkhiúl YAOHÚSHUA hol-MEHUSHKHÁY, na Siyang ganap na nagpalaya sa inyo mula sa kaharian ng kadiliman tungo sa Kaharian ng Kaliwanagan! Si Molkhiúl YAOHÚSHUA hol-MEHUSHKHÁY na ngayon ang inyong Tagapagligtas, Manunubos, Sanggalang, Tagapagbigay at Pinunong Tagabantay ng inyong kaluluwa. Sa makapangyarihan at mapagmahal na YÁOHU UL ngayon amin kayong inilalagak, magpakailanman! Ol Shúam Gaúl YAOHÚSHUA hol-MEHUSHKHÁY, am-nám!
Sinabi ni Molkhiúl YAOHÚSHUA: 'Huwag ninyong guni-gunihin na naparito Ahnee (Ako) upang magdala ng kapayapaan sa daigdig! Hindi kapayapaan, kundi tabak! Ahnee ay naparito upang paglabanin ang anak laban sa kanyang ama, ang anak na babae laban sa kanyang ina, ang manugang na babae laban sa kanyang biyenang babae - ang magiging pinakamahigpit na kaaway ng tao ay mismong ang kanyang mga kasambahay! Kung mamahalin mo ang iyong tatay o nanay nang higit kaysa sa Akin, ikaw'y hindi karapat-dapat maging Akin, o kung mamahalin mo ang iyong anak na lalaki o babae kaya ng higit kaysa iyong pag-ibig sa Akin, hindi ka karapat-dapat maging Akin. 'Kung iyong tatanggihan ang Aking ipinapapasan sa iyo at di ka sumunod sa Akin, hindi ka karapat-dapat maging Akin. Kung iyong ipagkakait sa Akin ang iyong buhay, ito'y mawawala; ngunit kung iyong isusuko ang iyong sariling buhay dahil sa Akin, maililigtas mo ito!' - Manyaohu 10:34-39, Banal na Kasulatan. Nawa'y ang pagpapala ni YÁOHU UL ay sumainyo lagi; Nawa'y ang Kanyang mukha ay laging ibaling sa inyo upang kayo'y lingapin at pangalagaan; Nawa'y kayo'y palaging puspusin ng kapayapaan, biyaya, kalusugan at walang hanggang pag-ibig at kagalakan, ngayon at magpakailanman! Ol Shúam Gaúl YAOHÚSHUA hol-MEHUSHKHÁY, am-nám! Olkem shua-oléym....
Narito po ang inyong iba pang walang-bayad na babasahing maaaring hilingin daglian:
Maaari po kayong humingi ng mga walang bayad na mga babasahing ito o kaya'y sa pamamagitan ng electronic text transmissions upang maipadala po sa inyo sa pamamagitan ng koreo, o kaya'y fax, sa diskette o kaya'y sa computer modems sa Internet, maging sa pamamagitan ng WWW, E-Mail o kaya'y FTP. Gawin ninyo ngayon din! Simulan na ninyong ipagsabi at gawing patotoo sa iba ang tungkol kay Molkhiúl YAOHÚSHUA na Siya ninyong Tagapamuno at Sanggalang! Maaari rin po ninyo itong i-download ito, pagkatapos ay i-print, at magpakopya ng marami upang maipamahagi ninyo sa inyong mga kasambahay, kamag-anak, mga kapitbahay, mga kaibigan, mga kasamahan sa trabaho. Maaari rin ninyong ipadala sa amin ang mga ngalan at addresses ng mga inaakala ninyong nangangailangan ng tulong, kagalingan, kalayaan, kahayagan, kaalaman ukol sa mga ito at aming silang padadalhan ng mga aklat na ito nang walang bayad. Magpatotoo sa kanila na inyo nang natagpuan, nakilala at tinanggap si Molkhiúl YAOHÚSHUA bilang inyong sariling Tagapamuno at Tagapagligtas! Ipagmalaki at ipamalita ninyo palagian sa lahat si Molkhiúl YAOHÚSHUA! Dahil sa Siya ang tunay, totoo, orihinal at nag-iisang Mihushuayao (Tagapagligtas)! YAOHÚSHUA - ang nag-iisang pag-asa sa buong daigdig! Tiyakin rin ninyong basahin ang iba pang walang-bayad na babasahing YAOHÚSHUA para sa inyong pagkamulat at paglagong espiritwal! Ang mga babasahing ito ay maaari ninyong makamit sa TEXT o kaya'y HTML, sa mga Pilipino versions, at ang lahat ay wala pong bayad:
FTP Mirror Sites:
ftp.wr.com.au/pub/yaohush
Home Webpage: http://www.YAOHUSHUA.org/index.html
E-mail Address:
WWW Mirror Sites:
http://www.yahushua.org/index.html
Ang mga walang-bayad na babasahing YAOHÚSHUA ay inyo ring matatagpuan sa Internet sa mga sumusunod:
Microsoft Network (MSN) - Religious Resources Library
Post Mailing Address:
P. O. BOX 1482, JERUSALEM, ISRAEL 91014
'Walang ibang ngalan ang ibinigay sa silong ng langit upang ikaligtas ng tao liban sa nag-iisang Ngalang: YAOHÚSHUA!' - Mga Gawa 4:12, Banal na Kasulatan. Walang ibang ngalan, walang ibang ngalan, walang ibang maliban, liban sa Ngalang: YAOHÚSHUA! Ito ay hindi 'copyrighted' na aklat. Ang mga bahagi o ang kabuoan nito ay maaaring kopyahin sa anomang paraan ng sinomang nagnanais na luwalhatiin si Molkhiúl YAOHÚSHUA hol-MEHUSHKHÁY. Ang pinakadakilang pamana na inyong maipamahagi sa inyong mga anak ay hindi ang diploma kundi ang makilala nila ang iisa, totoo at orihinal na Messias: YAOHÚSHUA hol-MEHUSHKHÁY! Higit pa Siya kaysa lahat ng kayamanan o diploma sa buong sanlibutan! Ibigay sa kanila ang Salita na nagkatawang tao, na Siyang namatay upang tayo'y maligtas. Magkasama nating luwalhatiin si YÁOHU UL, ating itaas ang Kanyang Ngalan! O YÁOHU, YÁOHU, anong pinakamahusay ang Iyong Ngalan sa buong daigdig! YAOHÚSHUA - ang nag-iisang pag-asa sa buong daigdig! Ang yaohod ng ito ay ibinibigay sa inyo ngayon sa diwa ng katotohanan, pag-ibig, kapakumbabaan at taus-pusong paglilingkod kay Molkhiúl YAOHÚSHUA hol-MEHUSHKHÁY, am-nám! Ang yaohod ng tuhod ay luluhod sa Ngalang: YAOHÚSHUA! OL SHÚAM GAÚL YAOHÚSHUA hol-MEHUSHKHÁY, am-nám!
Tayo'y magbalik sa YAOHÚSHUA Home Page ngayon....
|