You may click to DOWNLOAD THEN SAVE the FULL TEXT Tagalog version now....

Shua-oléym (Kapayapaan) sa inyo sa Ngalan ni Molkhiúl YAOHÚSHUA hol-MEHUSHKHÁY, ang nag-iisang totoo at orihinal na Messias, Tagapagligtas and Pinuno!

Dito ibinibigay sa inyo ang mga paliwanag at ang mga paghahayag na maraming katotohanan ukol sa wagas ng Ngalan ng tutoong Maykapal, at ang tunay na Messias, Tagapagligtas at Hari ng mga hari. Sa pagbabasa nito, inyo po lamang buksan ang inyong isipan at iwaksi ang anomang mga maling akala noong nakaraan, upang ang katotohanan mula sa Banal na Kasulatan ay makapasok sa inyong puso't isipan ngayon.

Kami'y naniniwala na ang 'RÚKHA-YAOHÚSHUA' ang Siyang magbibigay liwanag at magtuturo sa inyo ng lahat ng ito, sa biyaya ni YÁOHU UL sa inyo upang Siya'y inyong lubusang makilala at pagpasakupan. 'Ol Shúam' Gaúl YAOHÚSHUA hol-MEHUSHKHÁY, am-nám!

Q.Bakit hindi 'Yahweh' ang totoong ngalan ng Maykapal?

A.Hindi ito tutugma sa ibang mga katibayan sa Kasulatan. Isa pa, ang tawag sa mga Judio ay 'Yaohúdim' at sila ang bansang tinawag sa Kaniyang Ngalan. Kung ang Ngalan ng tunay na Maykapal ay 'Yahweh,' dapat sana'y tawaging 'Yahwedim' ang mga Judio. Kaya nga po Judio sa Tagalog, at hindi 'Wehdio.' Kaya ang talagang tama at tumpak at iisang Ngalan ng ating Maykapal na nasa langit ay 'YÁOHU.' Kaya nga mga Judio ang tawag sa kanila dahil sa 'YAO-HUDIO' at hindi 'Yah-wehdio.' Maliwanag na maliwanag po!

Q.Bakit hindi 'Jehovah'?

A.Kung talagang ito nga ang tutoong Ngalan ng Maykapal, dapat na ang itawag sa Messias ay 'Jehoshua.' Dahil nga sa ang Anak ng Maykapal ay isinugo na lakip ang Ngalan ng Ama. Subalit walang letrang 'J' sa salitang Hebreo! Kaya hindi maaaring iyan ang wagas at tutoong Ngalan ng Maykapal. Kung talagang 'Jehovah,' sa gayon ang ngalan ng mga propeta sa Kasulatan ay dapat palitan na rin sa ganitong paraan:

Isaiasay magigingIsajeh
Zacariasay magigingZecarajeh
Sofoniasay magigingSofonjeh
Yaokhanamay magigingJehkanam

Hindi lamang ito katawa-tawa para sa mga Judio kundi imposible pa rin dahil nga sa ang mga salitang iyan ay napaka-imposible sa salitang Hebreo. Uulitin ko pong muli: ang dahilan ay walang letrang 'J' sa panlangit na salita o wikang Hebreo!

Ang salitang 'jehovah' ay isang inimbentong ngalan lamang. Ito ay gawa lamang ng tao. Ang apat na letra sa orihinal na Hebreong Banal na Kasulatan ay pabaliktad na nilagyan ng mga 'vowels' ng salitang 'adonay' (ngalan ng isang paganong idolo noong sinauna) kaya't nabuo ang inimbentong ngalang ito. Ngunit hindi talaga ito ang Ngalan ng Maykapal! Ang magandang halimbawa na ginawang pag-iimbento ng ngalang 'jehovah' ay halimbawang ang salitang 'portugal' tapos kukunin ang mga 'vowels' ng salitang 'florida' at ihahalili ng pabaliktad sa mga 'consonants' nito, ang kalalabasan ay panibagong inimbentong salitang: 'partigol'!

Katawa-tawa talaga ngunit ganoon talaga ang katawa-tawang paraan ng paghahalili sa totoong Ngalan ng Maykapal. Marami talaga ang napaniwala sa malaking dayang ito at marami rin ang napasamba. Kaawa-awa talaga. Ang totoong kahulugan ng salitang 'yehova' sa sinaunang Hebreo ay kapuksaan, kawalan at kapierdehan! Wala kasing letrang 'j' sa lenguaheng Hebreo. Kaya't ang totoong Ngalan ng Maykapal ay 'YÁOHU' at hindi ang gisadong ngalang: 'jehovah.' Maliwanag po!

Ang wikang Hebreo ang salitang ibinigay ng ating Maykapal sa mga unang nilalang na tao sa Hardin ng Eden, ang likas na salita ng tao! Orihinal ang sinaunang Hebreo, ang malinis, puro at walang bahid na wika, at ito ang kauna-unahang salita ng tao! Kaya nga ang tunay at pinakatumpak na Ngalan ng ating Maykapal ay 'YÁOHU' (binibigkas ng: YAO-HOO).

Ang ibang maaaring pagbigkas ukol sa 'Tetragramma' (o ang apat na letrang Hebreo na bumubuo sa Ngalan ng ating Maykapal sa Biblia Hebraica) ay hindi na dapat pang pag-usapan, dahil malayong-malayo na sa totoo, at hayag na mali.

Q.Bakit hindi 'Yashua' o 'Yeshua'

A.Ang kahulugan po sa wikang Hebreo ng mga katagang 'az' o 'ez' ay kambing. Kaya't kapag inyong tinawagan ang ngalang 'yashua' o 'yeshua,' ang tutuo pong kahulugan ay 'ang kambing na tagapagligtas.' At alam naman po ninyo sa Banal na Kasulatan, ang tinutukoy na kambing ay si satanas, na lumilinlang sa sangkatauhan.

Madali itong mapatunayan sa pamamagitan ng pagsisiyasat ng mga Hebrew-Chaldee Lexicons at mga Concordances kung tawagin sa Ingles. Hanapin lamang ang Concordance number 5796 sa Hebrew-Chaldee Dictionary o ano pa mang mainam na Concordance. Inyo ring malalaman sa pagpapatuloy na araling ito na ang spelling ng mga ngalan ng mga espiritwal na nilalang ay hindi makabuluhan. Ang mahalaga ay kung anong mga tinig ang lumalabas at tinatawag o sinasambit ng ating mga bibig, at kung kaninong di-nakikitang espiritu tumutukoy ang mga ngalang sinasambit, ano pa man ang spelling ng mga ito sa pagkakasulat. Dahil sa ang tawag sa kambing sa sinaunang Hebreo ay 'az' at 'eyz,' tinutukoy pa rin ninoman ang masamang espiritu ng kambing sa di-nakikitang larangang espiritwal kahit na ang gamitin pa niyang iba't-ibang spelling ay: 'ahz' o kaya'y 'ehyz' 'aaazz' o kaya'y 'ace,' lalo na't kung nananalangin sa mga di-nakikitang espiritu!

Pansinin ninyo na ang mga salitang: 'deus' 'diyos' 'theos' at 'zeus' ay mga salitang pawang tumutukoy lahat sa iisang di-nakikitang espiritu sa larangang espiritwal, kahit ano pa ang iba't-ibang spelling ang gamitin ay hindi na mahalaga, dahil nga sa ang mga tunog at mga katinig na lumalabas at sinasambit ng bibig ay magkakatulad rin.

Tandaan po ninyo ang katotohanang ito pagdating sa mga paksa na ukol sa di-nakikitang larangang espiritwal: kapag ang dalawa o higit pang mga salita ay sa pagbigkas ay halos walang pagbabago ang posisyon o kinalalagyan ng dila sa labi at ngala-ngala ng bibig, ang mga salitang ito ay magkakatulad ang kahulugan at tutukuying espiritu sa larangang espiritwal! Halimbawa, kapag sinambit ninoman ang ngalan sa di-nakikitang kaaway na si satanas, siya ay tutugon kahit na ang gamitin mo pang spelling ay: 'zatanas' 'sathanas' o 'sadanas.'

Samakatuwid, sinomang tumawag sa ngalang 'yahshua' o 'yehshua' ay ang matandang kambing na mapagpanggap ang talagang kaniyang makakaugnay at tutugon dahil kaniya ngang walang-malay na tinatawag ang kambing na kunwa'y tagapagligtas daw. Ito ang katuparan ng layunin ng kaaway, ang linlangin ang marami upang siya'y tanggapin bilang tagapagligtas, huwad na tagapagligtas, sa totoo lang.

Talagang maling tawagin ang totoong Messias na 'yahshua' o kaya'y 'yehshua.' Ang tama, orihinal at tiyak na Ngalan ng totoong Messias ay: YAOHÚSHUA (bigkasin ng: yao-hoo-shua, na ang diin ay nasa ikalawang pantig na 'hoo'). Ang Ngalang YAOHÚSHUA ay nangangahulugang: ang kapangyarihan ni YÁOHU UL na magligtas! Ang matuwid at orihinal na totoong Ngalang ito ng tunay na Messias ay dala at lakip ang Ngalan ng Amang YÁOHU UL. Ngunit kapag nagkamali't ang ginamit ay 'yahshua' o kaya'y 'yehshua' wala na ang Ngalan ng Amang YÁOHU UL, dahil lalabas na ngang ang Ngalan pala ng Ama na lakip sa Ngalan ng Anak ay ang mga katawa-tawang ngalang: 'yaso' at 'yeso.'

Tandaan: ang mga tunog at katagang 'az' at 'ez' ay tumutukoy sa matandang kambing, kaya huwag kayong padaya! Paniwalaan at tanggapin ang orihinal, totoo at tunay na Ngalan ng iisang wagas na Messias: YAOHÚSHUA! At hindi si yahshua, hindi rin si yehshua, at lalong hindi rin si ye-zeus.

YAOHÚSHUA - ang iisa, wagas, totoo, orihinal at tunay na Ngalan ng Messias!

Q.Bakit hindi na lamang 'diyos,' 'panginoon' o kaya'y 'god' ang itawag natin sa Maykapal?

A.Ang pinagkunan ng salitang 'god' ay ang salitang 'khuda' at ang 'dios' naman ay mula sa salitang 'zeus' na siyang sinaunang huwad na maykapal ng mga taga Persia at ang mga taga Babilonia at Grecia. Dahilan sa kanilang mga kaugalian at mga tradisyon, kinuha nila ang ngalan ng huwad na maykapal (o 'lo-ulhim' sa wikang Hebreo) upang gamitin bilang isang 'generic' o pangkalahatang ngalan, tulad ng paggamit sa ngalan ng isang sikat na 'brand' o tatak, at gawin itong pangkaraniwang ngalan para sa ibang kahalintulad na bagay.

Halimbawa: Tinatawag na 'chicklet' ang chewing gum o kaya ang tawag nila sa kamera ay 'kodak' o ang tawag nila sa toothpaste ay 'colgate', atbp. Ito ay maliwanag na pandaraya, na siyang napaka-mapanganib dahil ito ay patutungkol o tutukoy sa mga huwad na maykapal (o 'lo-ulhim') alam mo man o hindi!

Kaya kinakailangan na ating pagpalain, purihin, iangat at sambahin ang Kaniyang nag-iisa at tanging Ngalan - 'YÁOHU' at hindi si 'khuda.' Hindi sa kung ano ang iyong iniisip kundi sa kung ano ang sinasambit ng iyong bibig. Nagaganap ang kaligtasan sa pamamagitan ng ating pagpapahayag o pagbibigkas sa ating bibig!

Ikaw ay humaharap at tunay na nakikipag-usap sa kung sino ang tinatawag mo. Maaaring naniniwala ka na ikaw ay nakikipag-ugnayan sa iyong kaibigan subalit kung mali naman ang iyong dinayal na numero sa telepono, ibang tao ang iyong makakaugnay, at kung mahusay pa siyang magpanggap, baka nga malinlang ka na ang kausap mo'y ang kaibigan mo. Ganoon rin naman sa ating panalangin at pakikipag-usap sa ating di-nakikitang Maykapal! Mahigpit na ipinagbabawal sa Banal na Kasulatan na banggitin man lamang ang ngalan ng mga huwad na maykapal (o 'lo-ulhim' - ang tawag sa makalumang Hebreo) sa ating mga labi; unawain po ninyo ngayon ang mga nakasulat na ito sa Banal na Kasulatan:

'Pakatiyakin mong tuparin ang lahat ng mga tuntuning ito; at pakatatandaan mo, huwag mong babanggitin ang ngalan ng anomang idolo sa iyong mga labi!' - Exodo 23:13 Tanakh (Banal na Kasulatan Hebraica)

Hindi nakahihiya ang magkamali; ang nakahihiya ay manatiling nasa kadiliman matapos na makita ng tunay na liwanag. Tandaan po nating mabuti. Kapag itinakwil ang liwanag, ito ang magiging sanhi ng sukdulang pagdidilim ng inyong isipan! Kaya magsimula na kayong tumawag ngayon sa wagas, nag-iisa at tunay na Ngalan ng tutoong Maykapal - 'YÁOHU' at hindi ang 'diyos' o 'zeus.'

Q.Bakit mali pa rin tawaging 'ha-Shem' at 'Adonay' ang Maykapal tulad nga ng kinagawian ng mga kaanib sa relihiyong Judaismo?

A.Muli, ang mga ugat na salita na pinagkunan ng mga titulong ito ay nagmula sa mga paganong idolo noong unang panahon: 'ha-Shem' - mula sa ugat na ngalang 'Shemiramis' na siyang sinasambang babaeng huwad na maykapal daw noong unang panahon sa mga paganong dako sa Babilonia at Mesopotamia. Ang titulo namang 'Adonay' ay hango naman sa ugat na titulo ng idolong si 'Adonis' ng mga taga Phoenicia at Syria noong unang panahon.

Siyasatin ninyong mainam sa mga bahay aklatan. Kinakailangang makilala ninyo ng tiyak kung sino ang inyong totoong tinatawagan, sinasamba at itinuturing na Maykapal, at kung sino talaga ang tinatawag ng inyong mga bibig! Anomang iyong tawagin ay iyon ang tutugon at makikipagniig sa iyo! Si Shemiramis ang ina ni Nimrod, o Tammuz, sa mga maalamat na paganong relihiyon ng mga sinaunang lahi.

Noong sinauna sa dakong Babilonia, ang pagsamba sa araw ay pangkaraniwan sa mga kalipunan ng mga pagano. Si 'Shem-esh' naman ang idolong kumakatawan sa araw. Mahigpit na ipinagbabawal ni YÁOHU UL ang pagsamba sa araw, sa buwan, sa mga bituin, maging sa mga ibon, maging kalapati pa man sila o ano pa mang uri ng mga hayop. Ating sambahin ang Gumawa at hindi ang mga ginawa!

Hindi ba't inihula na sa Banal na Kasulatan na sa mga huling araw ay ibabatay ng karamihan ng tao ang kanilang pananalig sa mga alamat at mga kathang-isip na lamang, pati na sa mga aral ng demonyo? Mag-iingat kayo dahil si satanas ang tinatawag na 'diyos' ng sanlibutang ito! Maliwanag na nakasulat sa 2 Corinto 4:4, Banal na Kasulatan. Papaano niyang mapapasamba ang karamihan sa kanyang sarili? Sa pamamagitan lamang ng panlilinlang!

Ngunit kayo ngayo'y nasa Ilaw ng Daigdig na walang iba kundi si Molkhiúl YAOHÚSHUA (bigkasing: mol-kee-ool yao-hoo-shua, ang mga diin ay nasa mga pantig na 'ool' at 'hoo'), ang Tagapagpalaya at Messias! Ang katotohanan! At walang anomang kadiliman sa piling Niya!

Q.Bakit hindi si 'Hesus' o 'Hesukristo' ang tunay na Messias?

A.Ang mga salitang ito ay hinango mula sa saling Griego ng Bagong Tipan, na hinango rin naman mula sa orihinal na Hebreong mga Kasulatan. Ang paraang ginamit ng mga tagapagsalin ng Banal na Kasulatan mula sa Hebreo, tungo sa Griego, tungo sa Ingles at sa Tagalog, ay pinagpapalitan ang mga ngalan na nilalaman ng Banal na Kasulatan, sa kanilang pagsasalin sa iba't-ibang wika. Sa pagsasalin ng Banal na Kasulatan sa wikang Griego, ang kanilang inihalili sa orihinal na 'YAOHÚSHUA' ay 'Iesous' upang maging katanggap-tanggap sa mga Griego noong sinauna, dahil hindi na ito iba sa kanilang nakasanayang sinasambang si 'Zeus' at si 'Dionysius' - mga idolo o huwad na maykapal.

Mula naman sa salitang 'iesous' hinango ang salitang 'jesus' o 'hesus' sa Tagalog. Ito ay maling paraan dahil wala pong pahintulot ang Maykapal na baguhin ang Kanyang Ngalan at ng Kanyang Anak.

Isa pang dahilan: ang tunay na Ngalan ng ating Manunubos na - YAOHÚSHUA - ay mahirap bigkasin para sa mga Griego, kaya naisip nila na mas mabuting palitan ito upang madaling bigkasin, hindi nila naisip na kanilang pinaglalaruan ang Ngalan na sa pamamagitan Niya ay nilikha ng mga bagay na nalikha!

Ang ginawang pagpapalit ay walang kapahintulutan at ito'y tahasang pagpapalagay na sila'y tama. Sinabi ni Propeta Jeremias sa Jeremias 8:8 - 'Paano ninyong masasabing kayo ay matatalino, kahit pa sumasainyo ang mga salita ni YÁOHU UL, gayong binago na ng mga eskriba (o mga tagapanulat) ang mga ito?'

Kaya nga tayo'y maging tunay na matatalino at huwag paghahaluin ang ating taus-pusong pagsamba sa mga alamat ng mga Griegong huwad na maykapal (o 'lo-ulhim')! Tandaan po ninyo, ayon sa Banal na Kasulatan, na ang kaligtasan ay mula sa mga Judio at hindi mula sa mga Griego. Kaya nga ang ating sambahin ay ang tunay na Banal ng Israel - YÁOHU; at ang tunay na Messias - YAOHÚSHUA - ang ating gawaing tunay na Tagapagligtas at Pinuno ng ating buhay! Walang ibang Ngalang ibinigay sa silong ng langit na sukat ikaligtas ng tao, maliban sa Ngalang - YAOHÚSHUA! Ang kaligtasan ay hindi matatagpuan kahit kaninoman, uulitin ko pong muli, wala kahit kaninong iba pa man! Walang ibang ngalan ang ibinigay para sa ating kaligtasan maliban sa nag-iisang Ngalang - 'YAOHÚSHUA!'

'Ang Kanyang Ngalan ay tatawaging: 'YAOHÚSHUA' - dahil ililigtas Niya ang mga tao mula sa kanilang kasalanan!' - Man-YÁOHU (Mateo) 1:21, Banal na Kasulatan

Q.Tama bang gamitin ang titulong 'El Shaddai'?

A.Maling-mali! Isang madaling pagsisiyasat ukol sa ngalang ito sa mga alamat ng sinaunang Babilonia at Phoenicia ay magpapatunay sa inyo na si 'El' ay isang napakasikat na idolong pinakasasamba ng mga paganong kalipunan ng mga di nakakikilala sa totoong Maykapal. Si 'El' ang idolong nagpapalaganap ng imoralidad na sexual, pakikiapid, pagtatalik sa malalapit na magkakamag-anak (incest) at pagtataksil.

Ang salita namang 'Shaddai' ay tumutukoy sa mga 'seducing spirits' kung tawagin sa Ingles, na nangangahulugang mga masasamang espiritung nambibihag sa marami patungo sa mga imoralidad-sexual na nabanggit. Sinomang gumamit ng mga paganong titulong ito ay nagpapakilos ng mga masasamang espiritung may kaugnayan sa kahalayan, pakikiapid at karumihan. Maging ang mga mangkukulam ay bihasa sa paggamit ng mga titulong ito at madalas nga nilang ginagamit ito sa kanilang mga panggagaway, pambabarang, faith healing, pag-oorasyon, at pagsamba kay satanas.

Sa sinaunang Hebreo, ang salitang 'el' ay tumutukoy sa 'kambing.' At ang katagang 'shad' ay sintunog ng katagang 'sat' na siyang unang bahagi ng lihim na ngalan ng dragon, 'sat-ur.' Kaya ang talagang maliwanag na kahulugan ng titulong 'El Shaddai' ay 'Ang kambing na talamak sa paghihimagsik.' Huwag na kayong magtaka kung bakit napakalawak at napakadali ang landas na pinangungunahan ni 'El Shaddai' dahil talaga namang nakasulat sa Banal na Kasulatan na malawak at madali ang daan patungo sa impyerno at marami ang tumatahak doon. Nakakaawa talaga ang maraming nalilinlang ng diyablo. Nawa'y maliwanagan sila....

Palagian muna ninyong susuriin bago ninyo tatanggapin upang maiwasan ninyo ang mga patibong at mga panlalanse ng kaaway. Huwag kayong basta na lang sama ng sama sa karamihan dahil ang karamihan ay tumatahak patungo sa naglalagablab na kumukulong lawa ng asupre! Mag-ingat kayo! Kahit na mga ibon ay tinitiyak muna ang bawat mapulot bago nila lunukin, at tiyak namang higit pa kayong marunong kaysa mga ibon! Magpakarunong kayo sa piling ni Molkhiúl YAOHÚSHUA!

Ang tamang titulo ng Maykapal na YÁOHU UL, batay sa sinaunang Hebreo, ay 'UL SHUA-ODÁI' - na nangangahulugang: ang Pinakamakapangyarihang Higit Pa sa Sapat ang Pagliligtas! Haolul-YÁOHU UL Shuaodai!

'UL SHUAODAI' - binibigkas ng: 'ool shooa-oday' diin sa mga pantig 'ool' at 'day.'

Tandaan, napakanipis na hibla ang pagitan ng totoo at ng huwad o palsipikado. Maging sa pagpapalsipika ng salaping papel ay totoo rin ito. Wala kayong makikitang palsipikadong salaping papel na buong tatlong pisong papel, dahil walang ganoong totoong salaping papel. Ang palsipikador ay titiyaking ang kanyang gagawaing mga huwad na salaping papel ay kahalintulad halos ng mga totoong salaping papel at mahahalata lamang ang kaibhan sa ilalim ng masusing pagsisiyasat ng kaibhan ng mga ito.

Ganoon rin naman sa larangang espiritwal at sa pagsamba ng mga tao. Hindi maglalako si satanas ng palsipikadong maykapal daw na kakaibang-kakaiba kaysa sa totoo, kundi halos magkatulad rin at kaunting-kaunti lamang ang pagkakaiba, ngunit nandoon ang kamatayan nang sinomang madaya ng mga ito! Kaya magpaka-ingat kayo ng husto! Kayo'y nabigyan na ng babala!

Ano ang napala ninoman makamit man niya ang lahat ng kayamanan, katanyagan at kapangyarihan sa sanlibutang ito kung ang kapalit nama'y ang kanyang walang-katapusang pagdurusa sa impyerno? Ano ang napala ninoman magwagi man siya sa lahat ng uri ng pakikipagtalo't debate kung siya nama'y mahihiga at kukumutan ng mga itlog ng langaw na mala-uod?

Q.Tama bang gamitin ang titulong 'Elohim'?

A.Muli, ito'y mali, liko at kasinungalingan dahil ang salitang 'Elohim' ay ang pangmaramihang anyo ng nabanggit nang paganong titulong 'El.' Sinomang gumamit ng titulong ito ay magpapakilos at tatawag sa laksa-laksang mga demonyo na nagbubulid sa lahat ng uri ng karumihang sexual at pakikiapid. Bakit? Dahil iyon nga ang mga gawain ng mga masasamang espiritung iyon!

Ang tama at matuwid na titulong dapat gamitin sa totoo, orihinal at tunay na Maykapal ay 'ULHIM' (ool-heem, diin sa huling pantig na 'heem'). Ang maling pagkakaroon ng salitang 'elohim' sa Banal na Kasulatan ay isa nga sa mga sakunang naganap noong hinalinhan ng mga eskriba ang totoong Ngalan at mga titulo ng orihinal na Maykapal, na binanggit na nga at nagbigay babala si Propeta Jeremias (Jeremias 8:8 sa Banal na Kasulatan). Madaling siyasatin ito sa alinmang Hebrew-Chaldee Dictionary, Concordance o Encyclopedia kaya.

Q.Tama bang gamitin ang mga salitang 'Ruak ha-Qodesh' upang tukuyin at makipag-ugnay sa Banal na Espiritu ni YÁOHU UL?

A.Ito'y isang kahindik-hindik na pagkakamali, tapatan lang! Dapat tayong magpakaingat kapag ang Banal na Espiritu ng YÁOHU ULHIM ang pinag-uusapan dahil ang paglapastangan sa Banal na Espiritu ay walang kapatawaran, sa buhay na ito, ni sa kabilang buhay pa man, maliwanag na nakasulat sa Man-YÁOHU (Mateo) 12:31-32.

Sa sinaunang Hebreo, ang salitang 'ruah' ay nangangahulugang 'masama' ayon sa Hebrew-Chaldee Lexicon bilang 7455, Gesenius. Isa pa, ang salita namang 'akko' ay nangangahulugang ang 'kambing na ligaw' (wild goat), muli sa Lexicon bilang 689. Samakatuwid, kapag iyong sinambit ang mga salitang 'ruak ha-qodesh' - sa di nakikitang larangang espiritwal, ang totoong tinatawag at tinutukoy mo ay ang 'masamang kambing na ligaw' na walang iba kundi si ha-satán, o si 'satir' - ang mapagpanggap, ang dragon, ang ahas, ang manlilinlang ng sanlibutan.

Babala: Hindi lahat ng Hebrew-Chaldee Lexicon ay ganap na tama ang nilalaman. Kinakailangan pa rin ang pagsusuri sa iba pang mga aklat ukol sa sinaunang Hebreo, sa paggagabay at pagtuturo, pagliliwanag at pangunguna ng 'RÚKHA-YAOHÚSHUA.'

Ang tama at matuwid na titulo ng Banal na Espiritu ni YÁOHU UL ay: 'RÚKHA hol-HODSHÚA' (binibigkas na: roo-kha hol-hod-shooa, na ang diin ay nasa mga pantig na 'roo' 'hol' at 'shoo'). Maaari rin namang tawagin Siyang: 'RÚKHA-YAOHÚSHUA' o Espiritu ni Molkhiúl YAOHÚSHUA. Tiyakin lamang na inyong bibigkasin ng tama ang mga tamang titulong nabanggit dahil masamang nilalapastangan ang mga orihinal na Ngalan ni YÁOHU ULHIM. Sinomang lumapastangan sa orihinal na Ngalan ay tiyak na parurusahan ni YÁOHU ULHIM! Kaya't mag-iingat kayo!

Muli, maaaring iba ang iniisip mo kaysa sinasabi ng bibig mo. Isang maliwanag na halimbawa nito ay ito: Binalak mong kumain sa isang malaking hotel dahil sa nakatanggap ka ng bonus mula sa iyong pinapasukan. Umaga pa lamang ay talagang balak mo nang kumain ng paborito mong pagkain na pansit canton sa dakong iyon, dahil sa iyon ang kanilang pinakamainam na putahe. Kaya't nagtuloy ka na doon nang kinagabihan, matapos ang trabaho, at sa pag-upo mo ay nilapitan ka ng waiter upang kunin ang iyong order. Dahil sa iyong sobrang pagmamadali at dahil sa marami ka ring ibang iniisip na mga naganap sa tanggapan, sa halip na pansit canton ang nasabi mo ay walang kamalay-malay na sinabi mong 'pansit-Malabon.' Hulaan mo kung ano ang dadalhin ng waiter sa harapan mo. Tama ka. Pansit- Malabon at hindi pansit canton. Laking panghihinayang mo at sayang lahat ng iyong pagtitiyaga dahil nagkamali ka sa pagsambit ng iyong order. Kahit na sabihin mo pang hindi iyon ang iniisip mo, ang itutugon sa iyo ng waiter ay: 'kung ano po ang sinabi ninyo ay iyon ang ihahatid sa inyo!' Natural!

Ganoon rin naman sa larangang ng di-nakikitang mga espiritu. Kung kaninong tag-uri, titulo at ngalan ang tinatawag at sinasambit mo ay siya ang tutugon, makikipag-ugnay at lalapit sa iyo! Hindi ang kung sino ang iniisip mo! Maaaring talagang taus-puso ang paghahanap at pagtawag mo sa Maykapal, ngunit taus-pusong pagkakamali. Mag-iingat kayo dahil may nagtatagong mapagpanggap ang nag-aabang upang kayo'y lansihin, linlangin at dayain. Ngunit sa piling ni Molkhiúl YAOHÚSHUA, kayo'y palagiang tiyak na ligtas mula sa lahat ng mga kasinungalingan, maling pagsasalin, at mga panlilinlang ng matandang kambing. Kaya't totoong talaga na si Molkhiúl YAOHÚSHUA lamang ang iisang pag-asa sa buong daigdig!

Ayon nga sa nakasulat, 'Napupuksa ang Aking bayan dahil sa kawalan ng kaalaman,' sinabi ni YÁOHU UL sa Hosea 4:6 sa Banal na Kasulatan. Ngunit kayo ngayo'y tumanggap na ng kaalaman mula kay YÁOHU UL, kaya't malayo kayo sa kapuksaan!

'Tatawagin n'yo Siyang 'YAOHÚSHUA' dahil ililigtas Niya ang Kanyang bayan mula sa kanilang mga kasalanan!' - Man-YÁOHU (Mateo) 1:21, Banal na Kasulatan.

Q.Hindi ba't si YÁOHU UL ay ang puso naman ang tinitingnan?

A.Tama! Kaya nga nagpapakilala Siya sa iyo ngayon dahil nakikita Niya ang buong pusong pagnanais mong makilala Siyang totoo at tapat. Ang iyong Maykapal! At inaasahan Niya na makikilala mo Siya sa Kanyang Ngalan at tumawag, tunay na sumamba sa Kaniya, ang Mapanibughuing UL! Huwag kayong magkakaroon ng ibang mga idolo o huwad na maykapal (o 'lo-ulhim') liban sa Kanya!

Ipagpalagay na sa halip na 'jehovah,' ang ngalan na naging sikat, ang kanilang ipinalit sa tunay na Ngalan, ay 'saturn' at nangyaring maraming mga tao na nagsimulang manalangin sa kaniya, at tumanggap din ng mga kasagutan, sa pamamagitan ng pagtawag sa ngalang iyan, sa gayon, nangangahulugan bang si 'saturn' na ang ating maykapal? Dahilan ba sa milyun-milyon ang tumatanggap kay saturn bunga ng mga kinamulatang mga tradisyon ay magiging 'saturn' na ang Ngalan ng ating Maykapal? Never! Ang kamalasan ay kasunod rin ng inakalang nilang mga katugunan, na huwad naman, kung inyong susuriing mainam ang mga pangyayari!

Ang katotohanan ay katotohanan at walang panghalili dito, kahit na ano pa ang akalain nating maaaring pamalit dito. Ito ay hindi mananatili! At ang kasinungalingan ay kasinungalingan, ay kasinungalingan, ay kasinungalingan!

Sa katunayan, ang tunay na ngalan ni satanas o ng kaaway ay 'satir' ayon sa Hebreong Kasulatan. Sa kaalamang ito tiyak na madali mong itatakwil ang pagtawag sa ngalan ng diablong iyan! Subalit hindi ba't si YÁOHU UL ay tumitingin sa puso? Ngayon, ang katanungang iyan ay katawa-tawa sa pandinig, di ba? Kaya huwag kang maging isa sa mga biktima ng mga pandaraya, maging tunay kang matalino at gising sa katotohanan!

Kung hindi mahalaga ang ngalan para sa ating kaligtasan, ay hindi na sana ipinaalam pa ito sa mga tao sa pamamagitan ng Banal na Kasulatan, o kung hindi natin kailangan pang malaman ito para sa ating kaligtasan, bakit pa Niya ito inisip na higit na mabuting maitala ang Kanyang Ngalan ng mahigit sa anim na libong (6,000) ulit sa 'Tanakh' o 'Biblia Hebraica'?

Maaari na lamang palang tumingin sa puso ng sangkatauhan at iligtas na ang puso ng nakakiling sa Kanya, nang hindi na ipinapaalam kung sino Siya at kung ano ang Kaniyang Ngalan? Sa hindi namin kilalang Maykapal, sino ka man at nasaan ka man, iligtas n'yo po kami! Subalit Siya ay hindi nagkukubli! Siya ay nagpakilala sa sangkatauhan sa pamamagitan ng Banal na Kasulatan bilang katibayan na kung saan ang Kataas-taasang 'YÁOHU UL' ay ipinakilala ang sarili Niya at ang Kaniyang Banal, ang Kaniyang Messias!

Mantakin na lamang n'yo ito: ano kaya ang magiging reaksyon ng inyong asawa kung palagi niyang naririnig na tinatawag mo siya sa ngalan ng dati mong kasintahan, sa halip na sa tunay niyang ngalan? Hindi mo man lamang mapangahasang banggitin ang ngalan ng dati mong kasintahan sa harap ng iyong asawa o ni sa kaniyang pandinig, gagawain mo ba? Hinding hindi bilang paggalang sa iyong asawa at upang maiwasan mong masaktan o manibugho kaya siya.

Palagay nang palagian mo siyang tinatawag sa ngalan ng dati mong kasintahan, siya ay maiinis, magagalit at magseselos! Pagkatapos ang ikakatuwiran mo ay, 'subalit ikaw naman ang taong tinutukoy ang aking puso.' Iyan ay hindi paniniwalaan ng iyong asawa - dahil: 'kung ano ang laman ng puso, iyon ang bubulalas sa iyong bibig!' Sasabihin niyang: 'ano man ang lumabas sa iyong bibig ay nagpapakita kung sino ang tunay at talagang nilalaman ng iyong puso, at hindi ako! Kung talagang ako, bakit hindi mo ako tawagin sa aking ngalan? Di ba? Kaya nga ikaw ang aking asawa na tinawag sa aking ngalan! Ginamit mo nga ang aking apelyido, di ba?' Ganoon din naman kapag tayo'y nakikipag-usap sa 'YÁOHU UL' - ang Banal ng Israel!

'Sapagkat ang iyong Maykapal ang iyong magiging asawa, YÁOHU UL ang Kanyang Ngalan. Siya ang Tagapagligtas, ang Banal ng Israel, ang UL ng buong sandaigdigan.' - Isaias 54:5 Tanakh

'Huwag kayong sasamba sa ibang mga idolo o huwad na maykapal. Sapagkat si YÁOHU na inyong UL (o Maykapal), na ang Kanyang Ngalan ay 'YÁOHU-QAN-AO' ay Mapanibughuing UL.' - Exodo 34:14 Tanakh

'Kung ano ang laman ng iyong puso, ang siyang nunulas sa inyong bibig!' sabi ni Molkhiúl YAOHÚSHUA hol-MEHUSHKHÁY sa Man-YÁOHU (Mateo)12:34, Banal na Kasulatan.

Nalalaman kung ano ang nasa puso mo, sa pamamagitan ng iyong sinasabi! Tandaan po ninyo ito!

Napakaraming mga 'panginoon' at mga 'dios' at kahit na mga 'messias' daw na inilalako sa buong mundo ng iba't-ibang mga relihiyon, para sa inyong kaalaman. SINO ang inyong kinikilalang Maykapal at Hari? At Tagapagligtas? Sino? Ano ang kanyang ngalan? Ang ngalan ay pantukoy at pag-alam kung sino ang tiyak na pinatutungkulan!

Ang isang ngalan ay siyang palagian at tamang pagkakakilanlan ng isang tao!

'YÁOHU' - ito ang Aking Ngalan magpakailan man na inyong aalalahanin at itatawag sa Akin mula ngayon at magpakailan man! - Exodo 3:15 Tanakh.

Si Molkhiúl YAOHÚSHUA ang Katotohanan! Siya ang Daan, ang Katotohanan at ang Buhay! Wala ni isa man ang makaparoroon sa Ama maliban sa Kanya! Walang ibang ngalang ibinigay sa silong ng langit na sukat nating ikaligtas! Walang ibang ngalan! Ang Ngalang YAOHÚSHUA ang Siyang tunay na Ngalan na higit sa lahat ng ngalan!

Q.Napakahalaga ba nito para sa akin?

A.Isipin na lamang natin ang mga salitang ito ni YÁOHU UL, ang Banal ng Israel, na nakasulat sa Banal na Kasulatan: 'Ang kaligtasan ay hindi matatagpuan kaninoman, dahil walang ibang ngalang ibinigay sa silong ng langit na sukat ikaligtas ng sangkatauhan.' - Mga Gawa 4:12 Banal na Kasulatan

'Itinuturo ang pagsisisi at pagpapatawad ng kasalanan sa pamamagitan ng Kaniyang Ngalan.' - Lucas 24:4 Banal na Kasulatan

'Kaya naman itinanyag Siya ni YÁOHU UL sa pinakamataas na lugar at binigyan Siya ng Ngalang higit sa lahat ng ngalan!' - Filipos 2:8 Banal na Kasulatan

'Kaya't sa pagbanggit sa Ngalang 'YAOHÚSHUA' ang lahat ng tuhod na nasa langit at dito sa lupa at sa ilalim ng lupa ay kinakailangang manikluhod at lahat ng dila ay magsasabing si YAOHÚSHUA ang Haring dapat tupdin ng lahat, sa ikaluluwalhati ni YÁOHU UL sa langit!' - Filipos 2:9-10

'Subalit ang mga ito ay naisulat o naitala upang maniwala kayo na si YAOHÚSHUA ang Messias. Ang anak ng Maykapal o 'UL' (ang Pinaka-makapangyarihan sa lahat), nang sa gayon ay magkaroon kayo ng buhay sa pamamagitan ng pagsampalataya sa Kaniyang Ngalan!' - Yaokhanam 20:31

'Ang sinomang sumampalataya ay hindi na hahatulan pa, subalit ang hindi sumampalataya ay hinatulan na, dahil hindi sila naniwala sa iisa at tanging NGALAN ng Anak ng UL.' - Yaokhanam 3:18

'YÁOHU, ito ang Aking Ngalan magpakailan pa man, ang Ngalang aalalahanin at itatawag sa Akin ng mga lahi!' - Exodo 3:15

Kaya nga ang inyong buong pagkatao, pati na sa kabilang buhay, ay nakasalalay sa kapangyarihang magligtas ng Ngalang 'YAOHÚSHUA.' Sa maniwala ka man o hindi na sisikat ang araw bukas, sisikat din iyon. Ganoon rin, sa maniwala ka o hindi na ang iyong tanging daan patungo sa walang hanggang kaligayahan ay ang nag-iisa at tanging daan - ang 'Molkhiúl YAOHÚSHUA,' ito ay totoo dahil ito ay ipinahayag na ni YÁOHU UL ng Israel na mangyayari! Ano man ang Kaniyang sabihin ay magaganap! Ano pa ang saysay ng Kaniyang kapangyarihan kung hindi rin lang susundin? At si YÁOHU UL ang Siyang pinanggagalingan ng ating hininga bawat sandali. Ipinahayag ni YÁOHU UL na walang sinomang makalalapit sa Kaniya maliban sa pamamagitan ng tangi, nag-iisang tagapamagitan sa Maykapal at sa tao - si Molkhiúl (Hari) YAOHÚSHUA hol-MEHUSHKHÁY!

Sino ang mangangahas na kalabanin ang Kaniyang panuntunan? Tiyak na tayo ay lalapit sa Maykapal sa Kaniyang paraan! Hindi sa kung ano ang ating pala-palagay na Kaniyang daan o paraan. Siya ang Pinaka-makapangyarihan at Siya ang nakasisindak, na dapat katakutan!

YÁOHU UL, ang nag-iisang Banal ng Israel! Siya lamang ang pinakamahalaga na inyong makikilala sa inyong buong buhay at sa kabilang buhay! Pinakamahalaga, pinakamamahalin, pinakadakila - si YÁOHU UL ng Israel, tunay na Maykapal!

Q.Sino si 'Gallio' at ano ang kaniyang ginawa?

A.Siya ang Romanong opisyal, konsul sa Achaia, at kung ating sisiyasating mabuti ang mga pangyayari, sinabi sa Banal na kasulatan: 'Sa gayon ang sakdal ninyo ay may kinalaman tungkol sa mga salita, sa mga ngalan at sa inyong sariling kautusan, kayu-kayo ang bahalang mag-ayos ng mga iyan, wala akong panahon sa mga bagay na ganyan.' - Mga Gawa 18:15

Kung siya ay nanatiling hindi naniniwala, hulaan ninyo kung saan niya ngayon ginugugol ang kaniyang kawalang hanggan! Subalit ang mga salita at mga ngalang kaniyang kinamuhian ay nananatiling naririto! Huwag ninyo siyang tularan! Maging mapagpakumbaba kayo at maging matalino! Paniwalaan, saligan, sampalatayanan ngayon din si Molkhiúl YAOHÚSHUA, ang tutoong Tagapagligtas ng lahat ng tao!

Q.Gaano kahalaga ang Ngalang ito sa paningin ng ating Maykapal?

A.'Ang sinomang tumawag sa Ngalan ni YÁOHU UL ay maliligtas.' - Joel 2:32 at Mga Gawa 2:21 Banal na Kasulatan

'Talikuran ninyo ang inyong mga kasalanan at magpabinyag ang bawat isa sa inyo sa Ngalan ni Molkhiúl YAOHÚSHUA hol-MEHUSHKHÁY. Upang patawarin kayo sa inyong mga kasalanan, at kayo ay tatanggap ng kaloob ng RÚKHA-YÁOHU (o Espiritu ng YÁOHU UL).' - Mga Gawa 2:43 Banal na Kasulatan

'Ang lahat ng propeta ay nagpatutuo tungkol sa Kaniya, na ang sinomang manalig sa Kaniya ay tatanggap ng kapatawaran sa kanilang kasalanan sa pamamagitan ng Kaniyang NGALAN.' - Mga Gawa 10:43 Banal na Kasulatan

'Sumulat ako sa inyo mga anak, dahil ang inyong mga kasalanan ay pinatawad na sa pamamagitan ng Kaniyang NGALAN!' - 1 Yaokhanam 1:12

'Tatawagin mong 'YAOHÚSHUA' ang Kaniyang Ngalan dahil Siya ang magliligtas sa mga tao mula sa kanilang mga kasalanan!' - Man-YÁOHU (Mateo) 1:21 Banal na Kasulatan

'Sa lahat ng tumanggap sa Kaniya, sa mga nanalig sa Kanyang Ngalan, ay binigyan ng karapatang maging anak ni YÁOHU UL.' - Yaokhanam 1:12

'Dahil sa inibig ninyo Ahnee, ang sabi ni YÁOHU UL, ililigtas Ko kayo; pangangalagaan Ko kayo dahil sa kumikilala kayo sa Aking NGALAN; tatawag sila sa Akin at Akin silang tutugunin, ililigtas Ko sila at pararangalan; bibigyan Ko sila ng mahabang buhay na magiging kasiyahan nila at ipakikita Ko sa kanila ang Aking pagliligtas!' - Mga Awit 91:14-16, Banal na Kasulatan

'Ang ating tulong o saklolo ay nasa Ngalan ni YÁOHU UL. Ang Maykapal ng langit at lupa!' - Mga Awit 124:8

'Sino ang umakyat sa kalangitan at muling bumaba? Sino ang nakapagtipon ng hangin sa Kaniyang mga palad? Sino ang nagbalot ng mga tubig sa Kaniyang kasuotan? Sino ang nagtatag ng lahat ng sulok ng daigdig? Ano ang Kanyang NGALAN at ano ang NGALAN ng Kaniyang Anak? Sabihin mo sa akin kung iyong alam.' - Kawikaan 30:4

'Magtitiwala sa Iyo ang nakababatid ng Iyong Ngalan!' - Mga Awit 9:10

'O YÁOHU, YÁOHU, napakadakila ng Iyong Ngalan sa buong daigdig!' - Mga Awit 8:1

'Sinabi ni Mehushúa kay YÁOHU UL, 'Ipalagay po Ninyo na ako ay pumunta na sa mga Israelita at sabihin sa kanila na - 'Sinugo ako sa inyo ng UL ng inyong mga ninuno,' at kanila akong tanungin, 'ano ang Kaniyang Ngalan?' Ano po ang sasabihin ko sa kanila? Sinabi ni YÁOHU UL kay Mehushúa, 'Ahnee ay si Ahnee nga!' Ito ang sasabihin mo sa mga Israelita - sinugo ka ni YÁOHU UL. Sabihin mo sa mga Israelitang sinugo ka ni 'YÁOHU' - ang UL ng inyong mga ninuno, ang UL ni Abruhám, YÁOHUtz-kaq at YÁOHU-caf ang nagsugo sa iyo. Ito ang Aking Ngalan magpakailanman. Ang Ngalang aalalahanin ng lahat ng salinlahi!' - Exodo 3:13-15 Banal na Kasulatan

Q.Kung ito nga ang tunay na katotohanan, bakit hindi ito itinuturo ng mga dalubhasa sa pag-aaral tungkol sa Maykapal (o Theology) at ibang mga batikang tagapagturo ng relihiyon?

A.Sinabi ni Molkhiúl YAOHÚSHUA hol-MEHUSHKHÁY: 'Pinupuri kita Ama, Tagapamuno ng langit at lupa, dahil inilihim Mo ang mga bagay na ito sa mga marurunong at pantas, at ipinahayag Mo sa mga maliliit na bata. Oo Ama, dahil iyon ang nakasisiya sa Iyo.' - Lucas 10:21, Banal na Kasulatan

'Ngunit pinili ni YÁOHU UL ang kamangmangan ng sanlibutan upang hiyain ang marurunong. Pinili Niya ang mahihina sa sanlibutan at mabababa - at ang mga bagay na walang halaga upang pawalang kabuluhan ang mga itinuturing na dakila, sa gayon ay walang makapagmalaki sa harap Niya.' - 1 Corinto 1:27-29, Banal na Kasulatan

At isa pa, '...Pinalitan na ng mga eskriba ang mga nakasulat' lalo na ang mga Ngalan! Tandaan po ninyo ang Jeremias 8:8 mula sa Tanakh o Banal na Kasulatan! Ang ibig sabihin po ng 'eskriba' ay iyong mga nagsasalin o nagsusulat ng sipi ng Banal na Kasulatan.

'Sinabi pa ni Molkhiúl YAOHÚSHUA: Sa aba ninyo mga dalubhasa sa relihiyon! Dahil itinago ninyo ang katotohanan mula sa mga tao! Ayaw ninyong tanggapin ang mga ito para sa inyong sarili, at hinahadlangan pa ninyo ang ibang mga ibig maniwala!' - Lucas 11:52.

Inalis, itinago, ikinubli nila ang susi ng karunungan - ang NGALAN!

'Sinabi pa ni Molkhiúl YAOHÚSHUA: Makipot at mahirap ang daan patungo sa buhay, kaya kakaunti ang nakatatagpo n'yon. Subalit maluwag ang daan at madali ang daan patungo sa kapahamakan, at marami ang dumaraan dito.' - Man-YÁOHU (Mateo) 7:13-14

Ang langit ay mapapasok lamang sa pamamagitan ng makipot na pintuan - at si Molkhiúl YAOHÚSHUA ang Pintuan ng kawan ng mga tupa. Walang sinomang makapupunta kay YÁOHU UL maliban sa pamamagitan Niya - at ito ang mga katotohanang inihayag sa Banal na Kasulatan! Uulitin pong muli, walang makalalapit sa Kataas-taasan maliban lamang sa pakikipag-ayos kay Molkhiúl YAOHÚSHUA hol-MEHUSHKHÁY. Maliwanag po ba? Am-nám! (Amen)

At gayon din, kung karaniwan na sa inyo ang ilang mga nakasaad na pangyayari sa Tanakh o Kasulatang Hebreo, siguradong alam n'yo na rin na ang karamihan ay kadalasang mali! Palagiang sa kakaunti nalulugod si YÁOHU UL! Sa kakaunti lamang! Sa retaso, sa kapirasong bahagi lamang! Kaya huwag ninyong ibabatay ang inyong walang hanggang hinaharap sa pabo-paborito, mga uso, tradisyon, kinagisnan at mga pamahiin lamang ng nakararami.

Sa Banal na Kasulatan ninyo ibatay ang inyong kaligtasan at kawalang-hanggan, upang makatiyak kayo! At sa tamang Ngalan, na atin nga ngayong itinutuwid dahil mali nga ang pagkasalin ng mga ngalan sa mga inilalakong Banal na Kasulatan sa ngayon. Ang sanlibutan ay pinamumunuan ni satir, ang mabangis na kambing! (Sa wikang Aleman, ang tawag sa 'god' ay 'gott,' na 'goat'(o kambing) naman sa Ingles.)

Pakatandaan po ninyong palagi: Makipot ang daan! Kakaunti ang nakatatagpo nito! Molkhiúl YAOHÚSHUA hol-MEHUSHKHÁY (ang Messias na taga-Nazareth) ang Kanyang wagas at original na Ngalan! Ang tunay ang pinaka-mahusay! The original is the best!

Q.Bakit ninyo pinapalitan ang Ngalan?

A.Hindi po, uulitin pong muli, hindi po binabago o pinapalitan. Sa katunayan, ay ibinabalik nga natin sa totoo at orihinal. At hindi nagbabago ang Ngalan ng Ating Maykapal at ng Messias! Ibinabalik lamang po natin sa orihinal at the best! 'Molkhiúl YAOHÚSHUA' ang orihinal at tutoong Ngalan ng Messias sa salitang Hebreo! Nang ang Banal na Kasulatan ay isalin sa salitang Griego, nakalulungkot sabihin subalit totoo, na ang Ngalan ng ating Maykapal at ang Kaniyang Messias ay isinalin din! Napakalakas na lindol ang naganap noong pangyayaring iyon. Ultimong lupa ay nagimbal sa nangyari.

Sa totoo lang, upang maging tapat sa mga orihinal sa pagsasalin ng mga kasulatan, ang tamang paraan ay kinakailangang sa paraang 'TRANSLITERATION' upang ang mga Ngalan ay maisalin ng walang labis, walang kulang o letra por letra at hindi binabago. Samakatuwid ang mga Ngalan ay kailangang isalin ng ayon sa tunog sa tunog, pantig sa pantig kapag may kinalaman sa mga tumpak o wastong ngalan lalo na ang ating Maykapal at ang Kaniyang Messias o Banal. Subalit sa kasamaang palad, hindi ganoon ang nangyari. Pati ang Ngalan ay napalitan din at ang kinalabasan ay nabago! 'Molkhiúl YAOHÚSHUA' ang Ngalang pinakamataas sa lahat ng ngalan. Kinakailangang hindi isalin sa salitang 'iesous' na kasintunog ng 'zeus' dahil dito labis na nabago ang espiritung nasa likod ng pinaka-makapangyarihang Ngalang ito!

Tandaan po nating mabuti: Ang ngalan ang kumakatawan o nagsasalarawan sa lahat ng kapangyarihan ng isang tao na nasa likod nito. Kapag binago ang mga ngalan, magbubunga ito sa pagbabago na rin ng ugali't pagkatao at ang katauhan mismo ng mga nasa likod ng ngalang ito o ang kaniyang pagkatao o ugali, pati na kaniyang tungkulin sa buhay gayon din ang espiritwal na kapangyarihan na siyang makakikilos sa bisa ng ngalang iyon. At isa pa, pinahintulutan ba ni YÁOHU UL, ang Maykapal, ang ganiyang pagbabago ng Kanyang kaisa-isa't pinaka-Banal na Ngalan?

'Ito ang Aking Ngalan magpakailanman (magpakailan pa man!) Ang Ngalang aalalahanin at itatawag sa Akin ng lahat ng salin-lahi! - Exodo 3:13-15

totoo, iba't ibang salita ay may mga ngalang magkakatapat sa pagitan ng mga ito. Halimbawa: ang ngalang 'James' sa salitang Ingles, ay 'Santiago' ang katapat sa wikang Kastila, ang 'George' naman ay 'Gorgonio' ang katapat sa wikang Pilipino, atbp. Ang mga ito ay pasimula ng mga kinaugalian at kostumbre ng mga tao, para sa kapakanan ng mga kaangkupan, upang maging madali o magaang bigkasin. Ngunit hindi dahil sa magkatapat ay magkahalintulad na rin. Magkaiba pa rin po!

Ipinapaalala sa inyo kung gaanong tiniyak at mahigpit na itinagubilin ni YÁOHU UL ang mga bagay ukol sa mga kahulugan na nakalakip sa mga ngalan. Maalala ninyo kung bakit Niya pinalitan ang mga ngalan nina Abruhám at YÁOHU-caf at kung paano Niya mahigpit na pinagbawalan na pangalanan si Yaokhanam Bautista ng ibang ngalan, tingnan ang Lucas 1:59-64, gayon din sa pagbabago ng ngalan ni Pedro. Bakit? Dahil sa ang mga ngalan ay malaki ang kahalagahan! Ito ay kumakatawan sa buong katauhan, katangian, reputasyon, kakayahan, kapangyarihan at ang kabuoan ng isang tao na tinutukoy nito!

At ang isipin na ang Ngalan ng Messias ay pinili o itinalaga ni YÁOHU UL mismo, na inihatid ng Kaniyang anghel kay Maoroam (Maria)! Sino tayo upang baguhin ang Kaniyang mga itinakda?

Mangyari nawa ang Inyong kagustuhan YÁOHU UL! Hindi ang mga kinawilihan ng mga tao lamang! Kaya nga kapag ginamit natin ang mga ngalang binago ay para na ring lumalakad ka sa kumunoy! Masisiyahan si YÁOHU UL kung ang tao mismo ang makikibagay o mag-aadjust at tatalima sa Kaniyang Ngalan at hindi sa ibang paraan. Tandaan po ninyo, Siya ang pinaka-makapangyarihan! Isa pa, paano ka makatitiyak na ikaw ay nakikipag-ugnay o nakikipag-usap kay YÁOHU UL kung ikaw ay tumatawag sa ibang mga isinaling alyas na itinatawag sa Kaniyang Ngalan, na sa isang banda ay hindi Niya pinahintulutan, at hindi naman Siya ang tinutukoy?

Ito ay tulad sa sinusubukan mong kontakin ang iyong kaibigan subalit ibang numero ang idinadayal mo sa telepono! At isang mapagpanggap ang sasagot at lilinlangin ka sa kabilang linya: ang Abril na araw ng mga panloloko ay magiging araw-araw para sa iyo, di ba? Mag-ingat ka! Ikaw'y binigyang babala na.

Tandaan po ninyo, ang tumpak na Ngalan ay hindi dapat isalin at baguhin, ang dapat ay 'transliteration.' Walang labis, walang kulang o letra por letra ang pagsasalin ng mga ngalan sa Banal na Kasulatan sa iba't ibang wika!

'Subalit kailangan nating palitan ang mga Ngalan ng Maykapal sa ngalang lokal na idolo o huwad na maykapal (o 'lo-ulhim') ng mga tao, upang madali nilang matanggap ang Banal na Kasulatan.'

Halimbawa, sa isang ilang na lugar o isla kaya sa gitna ng dagat, may kalipunan ng mga tao na nakawilihan na ang sumamba sa kanilang sinasamba na ang ngalan ay 'BEL.' Sa maling paraan ng mga tagapagsalin na umiral, sa pagsasaling gagawin upang magkaroon ng sipi ng Banal na Kasulatan ang mga taong iyon na nakasulat sa sarili nilang wika, ay ganito ang lalamanin: 'Sa pasimula, nilikha ni 'Bel' ang langit at lupa!'

Kataka-taka at malaking kahibangan ang mangyayaring ito, di po ba? Kahindik-hindik dahil malaking kasinungalingan ang maitatala. Isa pa pong magandang halimbawa ay ito: sa isa namang dako, ang nakagisnan ng sinasamba ng lipunan dito ay nagngangalang 'jee-zeus.' Kaya't kung susunding muli ang maling paraan ng mga tagapagsalin ng Banal na Kasulatan, ganito po naman ang lalamanin ng Banal na Kasulatan na isinalin sa wika ng lipunang ito: 'Si 'jee-zeus' and daan, ang buhay at ang katotohanan!' Dapat rin kayong magimbal tulad kanina. Bakit hindi? Dahil ba sa madalas nang naririnig o atin na ring nakagisnan ang kamaliang ito kaya't ating tinanggap na katotohanan na walang pagsisiyasat kung ito nga'y totoo o hindi?

Maaaring ikatwiran ng iba na magkaiba naman ang spelling kaya't hindi maaaring magkapareho. Ipagpalagay nating tama ang pangangatwirang iyan. May nagmumungkahi na pangalanan o bansagan ang iyong anak na lalaki sa ngalang 'zey-tahn' papayag ka kaya? Bakit hindi ganoong magkaiba naman ang spelling? Hindi ka kakagat, di ba? Ganoon rin naman, kahit magkaiba ang spelling, kapag ang mga tunog ng salitang lalabas sa ating mga bibig ay patutungkol sa mga huwad na Tagapagligtas, hindi natin masisikmura dahil malaking kasinungalingan, di po ba?

At isa pa, bakit hindi natin tawagin sa orihinal at totoo Niyang Ngalan na maliwanag namang inihayag sa orihinal na mga Kasulatang Hebreo, at madali namang masuri ang mga orihinal na ito, kahit sa ngayon? Ano ba ang masama sa tawagin ang Maykapal at ang Messias sa totoo nilang Ngalan? Isa pa, sino ang nagturo sa atin na dapat halinhan ang Ngalan ng Maykapal at Messias sa pagsasalin ng Banal na Kasulatan sa iba't-ibang wika? May batayan ba ang maling paraang ito sa Banal na Kasulatan? Wala po! Ito'y isang lisyang kaugalian at kinagisnan lamang ng tao. Kaugalian lamang ng mga tao, ngunit hindi kay YÁOHU UL nagmula. Kaya't dapat na nga tayong magising mula sa malaking panlilinlang na ito ng kaaway na si satir o satanas.

Ngunit milyon-milyon ang gumagawa nito? Ang kasinungalingan ba'y nagiging katotohanan batay sa dami ng mga mananampalataya nito? Kailanma'y hindi! Ang katotohanan ay katotohanan, may maniwala man rito o wala. Ang kasinungalingan naman ay kasinungalingan pa rin kahit na ang buong sandaigdigan ay mapaniwala rito. Hindi po nababatay sa dami ng mananampalataya ang katotohanan. Kung ang dami ng mananampalataya ang gagawaing batayan, lalabas na ngang panginoon si satanas dahil higit na marami ang taong masasama na palagiang tumutupad sa kanyang mga utos. Nangangahulugan bang siya na ang Maykapal dahil higit na marami ang kanyang mga napapasunod? Kailanma'y hindi!

Pagpasyahan na ninyo ngayon ang pagpanig sa katotohanan. Gagawin po ba natin? Am-nám!

Kaya nga kailangan tayong magsisi ngayon pa man, humingi tayo ng tawad kay YÁOHU UL, dahil nga sa ating mga pagsamba noong nakaraan sa mga huwad na Maykapal o 'lo-ulhim' kung tawagin sa wikang Hebreo. Sinabi ni YÁOHU UL, 'sinomang magkasala o lumabag sa Aking mga kautusan, alam man niya o hindi, ay kinakailangang parusahan.' Bakit? Dahil tungkulin nga bawat nilalang ang kilanlin, hanapin at tupdin ang kanyang Pinagmulaan, Maykapal at Manlilikha.

'Nawawasak ang Aking bayan dahil sa kakulangan ng kaalaman.' - Oseas 4:6 Tanakh o Banal na Kasulatan.

'Ang sinomang lumabag sa alinmang kautusan ni YÁOHU UL bagaman hindi Niya nalalaman ay may kasalanan pa rin siya o guilty pa rin!' - Levitico 5:17, Tanakh

Ang ibig sabihin ng 'guilty' ay isang taong nararapat parusahan.

'Ang sinomang nagkukubli ng kaniyang kasalanan ay hindi magtatagumpay o uunlad subalit ang sinomang magpahayag o magkumpisal at tumalikod sa mga ito ay tatanggap ng habag!' - Kawikaan 28:23, Tanakh

'Ngunit kung ipinapahayag natin ang ating mga kasalanan, Siya ay tapat at makatarungan na patatawarin Niya tayo sa ating mga kasalanan at lilinisin mula sa lahat ng kalikuan.' - 1 Yaokhanam 1:9

'Halikayo, magliwanagan tayo, kahit na ang mga kasalanan ninyo ay maging kasimpula ng eskarlata, iyon ay magiging kasimputi ng niyebe, kahit na ang mga iyon ay kasimpula pa ng krimson, puputing gaya ng niebe.' - Isaias 1:18

'Kung handa kayo at magiging masunurin, kakainin ninyo ang pinakamaigi sa lupain; ngunit kung lalaban kayo at maghihimagsik, malilipol kayo sa pamamagitan ng tabak (giyera), dahil ang bibig ni YÁOHU UL ang nagsalita.' - Isaias 1:19-20, Tanakh

Kaya nga magsisi na kayo! Sa pamamagitan ng pagsisisi at pananahimik ay ang ating kaligtasan! Tigilan na ninyo ang pananalangin, pagsamba at pagpuri kay 'zeus,' 'diyos,' at kay 'god.' Dahil kinapopootan ni YÁOHU UL ang lahat ng uri ng pagsamba sa huwad na maykapal (o 'lo-ulhim') na iyan! Si 'zeus' o 'diyos' po ay mga panginoon ng kidlat, bagyo, ipu-ipo o tornado, unos at iba't-iba pang mapinsalang pangyayari sa panahon.

Subalit milyun-milyon ang namihasa na sa paraang ito? Mababago ba ng marami ang katotohanan tungo sa kasinungalingan? Tandaan po ninyo, malawak ang daan patungo sa kapahamakan at marami ang tumatahak dito. Uulitin ko pong muli: marami ang dumaraan dito; subalit makipot at mahirap ang daan patungo sa buhay! Maliwanag pong nakasulat sa Banal na Kasulatan ang mga ito.

Kakaunti lamang, kakaunti lamang, kakaunti lamang! Pakatandaan po ninyong mabuti! Retaso lamang. Labi lamang.

Subalit maraming tao ang napapaniwala sa Banal na Kasulatan sa ganitong pamamaraan, marahil isipin ninyo. Maaari, subalit para kanino nadadala ang kanilang kaluluwa? Para kay 'god' 'adonis,' 'zeus,' at iba pang mga huwad na maykapal (o 'lo-ulhim')! Walang saysay ang pagsisikap ng marami sa ganitong maling paraan; malaking pag-aaksaya, maliban na nga lamang kung sila'y magsisisi at babaling sa katotohanan. Kaya't ipamalita na ninyo sa iba ang tunay na nasa likod ng lahat ng Banal na Kasulatan: si YÁOHU UL, ang tunay na hininga sa likod ng lahat ng buhay, ang tunay na Maykapal, at si Molkhiúl YAOHÚSHUA ang tunay at totoong Messias! Ipaalam rin sa marami na hindi pala si 'zeus' o si 'deus' o si 'theos' ang Maykapal. Ang mga ito pala'y mga huwad na maykapal, mga peke, na nagdudulot ng mga pinsala sa pamamagitan ng kalikasan at panahon (weather).

Ngayon nauunawaan na ninyo kung paanong naging mapanlinlang ang mga pangangatwiran na siyang pinaniniwalaan ng mga eskriba, upang matupad kung ano ang nakasulat na kanila ngang inalis ang susi ng kaalaman. Kanilang BINURA at INALIS ang original na Persona sa likod ng aklat at pinagpalagay na ang pinanggalingan ng buong aklat ay mula sa iba't ibang huwad na maykapal (o 'lo-ulhim') - maliban sa Banal ng Israel: ang YÁOHU UL!

Tingnan na lamang ninyo ang mangyayari kapag ating itinuro ang 'Tanakh' o ang Banal na Kasulatan batay lamang sa mga hilig at bisyo ng mga tao upang ito ay maging mabili o maging kasiya-siya. Hindi nabibigyang katwiran ang kahihinatnan sa pamamagitan ng maling pamamaraan!

Kaya nga pinagsisihan na natin iyan at simula ngayon, ang palagiang nating kikilanlin ng may buong katapatan ay ang tunay na pinanggagalingan ng lahat ng buhay, ang tunay at mapananaligang Persona sa likod ng aklat ng Banal na Kasulatan - si YÁOHU UL ng Israel! Purihin natin si YÁOHU UL, ang ating tunay na Maykapal! Ang tunay na Pinaka-Makapangyarihan!

Ipagpalagay natin, ng walang halong pag-amin at pagtanggap, na ang isinaling Ngalan ng ating Maykapal o ng Kaniyang Banal ay pinahintulutan nga, kung gayon ang tumpak na katapat o katugma ng Ngalang 'YAOHÚSHUA' sa salitang Ingles ay nararapat na 'Joshua' at hindi 'jesus' kung tutuusin. Kaya't talaga pong mali kahit na pagbigyan pa, mali pa rin! Suriin po nating mabuti ang mga salitang ito na mula sa Banal na Kasulatan:

'Makinig ka, YAOHÚSHUA na Punong Saserdote at kayong iba pang mga saserdote, ikaw ang larawan ng dakilang darating, hindi mo ba natatalos? Si YAOHÚSHUA ang sumasagisag sa Aking Lingkod, 'Ang Sanga' - Siya ay lalago o magsasanga mula sa Kaniyang sarili, at itatayo Niya ang templo ni YÁOHU UL. Sa Kaniya nauukol ang titulong marangal; mamamahala Siyang bilang Hari at Saserdote, ng mayroong ganap na pagkakaisa sa dalawang tungkuling ito!' - Zacarias 6:12

Ang mga salitang ito ay mula sa Kataastaasang YÁOHU UL GAVÓHA! Kung tatanggapin natin ang makataong pamamaraan ng pagsasalin ay masasalalay ang ating pagsamba at walang hanggang kaligtasan sa tulad nang nagtayo ng iyong bahay sa buhanginan! NAKAYAYANIG! PELIGROSO! DELIKADO!

Tandaan po natin, tayo ay nakikitungo sa gumawa ng langit at lupa! Isasalin ba o babaguhin ba ng tao ang mga ngalan ng presidente, mga hari, at ng ibang mataas na opisyal sa iba't ibang wika, o ito ba ay isasalin ng letra por letra, tunog por tunog, at ng walang labis, walang kulang? Transliteration, tiyak!

'Ito ang Aking Ngalan magpakailan pa man!' At 'walang ibang ngalang ibinigay tungo sa ating kaligtasan!' Nakasulat po. Kaya ating sambahin ang Maykapal sa RÚKHA (o Espiritu) at sa katotohanan, dahil sa iyan ang hinahanap ni YÁOHU UL na uri ng pagsamba. Ating purihin, sambahin, panalanginan, pasalamatang lubos at luwalhatiin ang Kaniyang NGALAN! Wala ng iba pa! Hindi ang mga gawa-gawang ngalan lamang ng tao. Mga kinatha lamang.

'YÁOHU, YÁOHU - anong dakila ang Iyong Ngalan sa buong daigdig!'

Ama namin, sumasalangit Ka, sambahin ang Ngalan Mo!

Sa kaninong ngalan nakasalalay ang iyong buong buhay? Kung ito ay iba kaysa kay Molkhiúl YAOHÚSHUA - kailangang magsisi't magbago ka na ngayon din!

Dahil sa walang ibang ngalang ibinigay sa silong ng langit na sukat ikaligtas ng tao maliban sa iisang Ngalang YAOHÚSHUA! Walang ibang ngalan! Walang ibang ngalan! Walang ibang ngalan!

Lahat ng kapangyarihan sa langit at sa lupa ay nasa likod ng Ngalang ito! Walang pagsasalin sa pinaka-kagalang-galang na Ngalan ang pinahintulutan ng Banal ng Israel, wala, kahit na ito ay dahil pa sa pangangailangan. Ang mga nilalang ay hindi kailangang ipinipilit ang kanilang mga kaugalian, hilig at mga nakagawian sa kanilang Maykapal! Si YÁOHU UL ang tunay na tanging Maylalang ng lahat kaya't huwag na po tayong lumalang ng iba pang huwad na maykapal! Si YÁOHU UL ang Maykapal, tayo ay Kaniyang mga nilalang. Huwag tayong lumikha ng ibang manlilikha! Ang baguhin ang orihinal tungo sa ibang ngalang isinalin lamang ay ang pagpapalit ng mula sa Pinaka-Makapangyarihang Ngalan tungo sa pangkaraniwan na nga lamang!

Molkhiúl YAOHÚSHUA hol-MEHUSHKHÁY ang tanging nag-iisang Anak ng ating Maykapal, ang Banal ng Israel! Kawikaan 30:4 Tanakh ang nagsabing mayroon Siyang Anak! 'YAOHÚSHUA' ang Kaniyang ANAK!

Ang anak ng isda ay isda, ang anak ng tao ay tao, ang anak ng UL ay UL!

Handugan natin ng parangal ang Kaniyang Ngalan na Siyang karapat-dapat parangalan, pakiusap lang! Mula pa noong ilang libong taong nakalipas, ay nariyan na ang mga kinaugalian at tradisyon ng mga lipi at tribo ng mga pagano na sumasamba at naglilingkod sa kapirasong larawan o mga rebulto na tinatawag sa iba't-ibang ngalan sa iba't-ibang bayan, munisipyo o barangay kaya. Iisang larawang inukit ngunit iba't-ibang ngalan, talagang gawaing pagano. Bakit, ilan ba ang Maykapal? Bakit ang dami ng mga huwad na maykapal na iyan? Huwag nating tularan ang mga lisyang gawain ng mga pagano! Huwag kayong sumang-ayon sa mga paraan at mga tradisyon ng sanlibutang ito, dahil si satanas o si 'satir' ay tinatawag na 'diyos' ng sanlibutang ito! - 2 Corinto 4:4 Banal na Kasulatan

'Bakit ninyo nilalabag ang kautusan ni YÁOHU UL dahil lamang sa inyong mga kinaugalian?' tanong ni Molkhiúl YAOHÚSHUA sa mga eskriba sa Man-YÁOHU (Mateo) 15:3, Banal na Kasulatan.

'Yamang ang mga taong ito ay lumalapit sa Akin sa pamamagitan ng kanilang bibig at pinararangalan Ahnee sa pamamagitan ng kanilang mga labi, ngunit ang mga puso nila'y malayo sa Akin, at ang pagkatakot sa Akin ay batay lamang sa mga tuntuning ginawa ng mga tao, masdan mo, dahil dito, muli Akong gagawa ng mga kamangha-manghang gawa sa mga tao, isang kamangha-manghang gawa at kababalaghan; mapapawi ang karunungan ng matatalino, at ang kaalaman ng mga paham ay mawawala!' - Isaias 29:13-14, Tanakh o Banal na Kasulatan.

Huwag nating ilagay ang salita ni YÁOHU UL sa kawalang-saysay dahil lamang sa mga kaugalian at mga tradisyong kinagisnan. Ito ay kasuklam-suklam! Kahibangan, kasinungalingan at pinagmumulaan ng mga salot at pinsala sa ating pansariling pamumuhay at kabuhayan. Molkhiúl YAOHÚSHUA hol-MEHUSHKHÁY ang tunay na Ngalan! Ang tunay ang siyang pinakamahusay!

The original is the best!

Q.Bakit tayo magsasalita ng Hebreo gayong hindi naman tayo mga Judio?

A. 'Sa panahong iyon, dadalisayin Ko (YÁOHU UL) ang salita ng mga taong magbabalik sa Akin sa purong Hebreo upang sama-sama silang makatawag sa Shúam (Ngalan) ni YÁOHU Ulhím at Siya'y kanilang sambahin ng may pagkakaisa.' - Zafna-YÁOHU (Sofonias) 3:9, Banal na Kasulatang Hebreo o Biblia Hebraica.

Ngayon nakita na ninyo, ito ang palagiang layunin ni YÁOHU UL ang ating Maykapal, ang dalisayin ang dila o bibig ng Kaniyang bayang nagbabalik sa Kaniya, dahil maaala-ala ninyo na, noon pa man ang tanyag na tore ng babel na ang mga dila ng tao ay nasumpa, maliban sa orihinal o tunay na salitang Hebreo.

Hindi ninyo maiiwasan ang salitang Hebreo, kung kayo ay tunay na humahanap sa Banal ng Israel, ang inyong Maykapal: YÁOHU UL. Sa tuwing bubuksan n'yo ang iyong Tanakh o Banal na Kasulatan, kayo ay nasa dakong Hebreo! Ang sabihin man lamang na 'amen' ay salitang Hebreo na! Si YÁOHU UL ang pinagmumulaan ng ating buhay, ay nakipag-usap sa salitang Hebreo kina Adan at Eba sa paraiso. Kahit na ang mga anghel ay nakikipag-usap sa mga tao sa Banal na Kasulatan sa salitang Hebreo, ang ating Manunubos ay Hebreo, ang mga apostoles at mga propeta ay nagsasalita rin sa Hebreo! Ito ay makalangit at banal na salita! Kaya nga galit na galit si satanas (dragon) dahil sa kinamumuhin niya ang anomang bagay na banal sa ating Ama, YÁOHU UL; maski na ang laman ay laban rin dito, subalit tayo ay lumalakad sa larangang rukhal (o espiritu), dahil tayo ay mga mananampalataya na nga ng Molkhiúl YAOHÚSHUA hol-MEHUSHKHÁY.

'Samakatuwid ay hindi ka na dayuhan pa, kundi isa ng kapwa mamamayan na kasama sa bayan ni YÁOHU UL at kaanib sa sambahayan ni YÁOHU UL!' - Efeso 2:9 Banal na Kasulatan

'Ang tunay na Judio ay yaong ang puso ay nabago na sa paningin ni YÁOHU UL.... dahil si YÁOHU UL ay tumitingin sa mga nabago na ang puso at isipan!' - Roma 2:29, Banal na Kasulatan.

'Dahil dito'y lumuluhod ako sa Iyo YÁOHU UL, na Siyang pinagkukunan ng NGALAN ng lahat ng sambahayan sa langit at lupa!' - Efeso 3:14-15, Banal na Kasulatan

Kaya kung ikaw ay tunay na muling binuhay o nabago na sa larangang espiritwal ay itinuturing ka ni YÁOHU UL na tunay na Judio, at kung talagang karapat-dapat ka na sa Ama bilang kaisa sa Kaniya at sa Kaniyang lipi, kung gayon hindi ba ito ay isang napakalaking kapahintulutan, ang magsalita ng salita ng Hari? Anong pagpapala! Anong biyaya! Anong himala! Kamangha-mangha!

Huwag tayong mabalisa sa maling akalang ang Hebreo'y mahirap pag-aralan. Kung ibig ay may paraan! At isa pa, sumasainyo ang 'RÚKHA-YAOHÚSHUA' (o Espiritu ni Molkhiúl YAOHÚSHUA) na Siyang gumagabay sa inyo at nagbibigay sa inyo ng kakayahan ngayon at palagian.

Siya ang 'MENAKHEM-NU' (ang ating Tagaagapay)! Hindi naman kailangang pag-aralan ang lahat sa wikang ito kundi ang mga kapaki-pakinabang sa iyong panalangin, pagsamba at pagpupuri. Maniwala kayo, ito ay napaka-daaali!

Alisin ninyo ang mga sumasalungat sa inyong isipan bunga ng inyong laman! Gawin ito ngayon din! Ang patuloy na pagsasagawa ang pagsasanay ay nauuwi sa kaganapan! Ang pag-aaral ng Hebreo ay hindi nakalilito o magulo; ang magulo ay ang pagpapasya mo kung gagawin mo ito. Ang lahat ng bagay ay magiging madali matapos mong nang pagpasyahang isagawa. Hindi mahirap ang magbago. Ang mahirap para sa marami ay ang magpasyang magbabago na nga.

At dahil ngayo'y ating talos na ito nga ay pagnanais ng YÁOHU UL, walang makapipigil sa atin sa pagpapakita sa Kaniya kung gaano natin kamahal at kinikilala ang Kaniyang kabutihan sa pamamagitan ng paggawa ng ating sukdulan o ang ating 'the best' upang mapaluguran Siya!

'Ibigin mo si YÁOHU UL, ang iyong Maykapal, ng buong puso, ng buong kaluluwa, buong kakayahan at ng buong pag-iisip! Ito ang una at pinaka-mahalagang utos (pinaka-mahalaga).' - Man-YÁOHU (Mateo) 22:37, Banal na Kasulatan

Kaya magsimula na tayo ngayon sa pagtawag at paggamit sa tunay na Ngalan ng ating Ama at ng Messias sa Hebreo. Ito ang unang hakbang, ang lahat ng bagay ay magiging madali na sa pagsulong! Masunod ang Inyong ninanais YÁOHU UL, hindi ang sa amin!

Ang Ama: YÁOHU UL (Yao-hoo ool)

Ang Anak: YAOHÚSHUA hol-MEHUSHKHÁY (Yao-hoo-shua)

Ang Espiritu: 'RÚKHA-YÁOHU' (Roo-kha Yao-hoo)

Ito ay pagkain ng mga bata. Napakadali nito! Tandaan po ninyo: ang palagian at patuloy na tamang pagsasanay ay nauuwi sa kaganapan! Continual right practice makes perfect!

Ang pagsasalin ng di-mababagong Ngalan ng Messias na tumanyag ay batay sa pagsasalin sa wikang Griegong ngalan. Ang kaligtasan ay galing sa mga Judio, at hindi sa mga Griego, ayon sa nakasulat. Isa pa, ang pinaka-banal na Ngalan ng ating Maykapal ay hindi rin dapat isinasalin, uulitin pong muli, hindi dapat pinapalitan ang Ngalan ng Maykapal ayon sa lahi ng tao! Ito ay kinaugalian ng mga pagano at ng mga walang takot sa pagsamba sa kanilang mga 'lo-ulhim'! Hindi naman Griego ang karamihan ngunit bakit sila tumatawag sa ngalan ng isang huwad na maykapal na Griego?

Sinong nagturo sa iyo na ang Ngalan ng ating Maykapal ay dapat palitan ng ayon sa bawat bansa, o sa bawat lugar? Saan natin nakuha ang ganiyang turo? Tiyak na hindi iyan galing sa Tanakh o Banal na Kasulatan! Ito ay galing sa sanlibutan! Kaya simula ngayon ay dapat tayong magbago at magsimulang tumawag sa ating totoo at tunay na Maykapal! Am-nám! (iyan po ay 'Amen' sa puro at sinaunang Hebreo!). Ito'y napakadali!

'Sa panahong iyon, dadalisayin Ko (YÁOHU UL) ang salita ng mga taong magbabalik sa Akin sa purong Hebreo upang sama-sama silang makatawag sa Shúam (Ngalan) ni YÁOHU Ulhím at Siya'y kanilang sambahin ng may pagkakaisa.' - Zafna-YÁOHU (Sofonias) 3:9, Banal na Kasulatang Hebreo o Biblia Hebraica

Kaya ipahayag natin si YÁOHU UL, ang Banal ng Israel!

Q.Ano ang kahulugan ng 'buhay na walang hanggan?'

A. 'At ito ang paraan upang magkamit ng buhay na walang hanggan: ang personal mong makilala ang Maykapal na si YÁOHU UL, at ang Kanyang Messias na isinugo: YAOHÚSHUA! - Yaokhanam 17:3, Banal na Kasulatan

Q.Subalit hindi ba't ang Banal na Kasulatan (ang Tanakh) ay kinasihan, walang mali at hiningahan ni YÁOHU UL?

A.Ang mga orihinal, opo! Uulitin pong muli, ang mga orihinal, opo! Subalit tandaan po ninyo na ang Banal na Kasulatan na nasa inyo ngayon ay bunga na lamang ng pagsasaling ginawa lamang ng tao mula sa orihinal. Mag-ingat din kayo dahil sa ang mga taong nagsalin ng banal na kasulatan mula sa orihinal o ng ibang mga pinagkukunang kasulatan ay mayroong sariling relihiyon at kani-kanilang mga maling haka't paniniwala!

Maaaring mamangha kayo subalit ang bawat nag-aaral ng Banal na Kasulatan ay talos na ang isinaling Banal na Kasulatan ay hindi na ang tinutukoy na 'kinasihan' at 'hiningahan' ng YÁOHU UL. Ang ganitong katawagan ay nauukol lamang sa mga orihinal na kasulatan o manuskripo o authographs! Kung ang Banal na Kasulatan ang pag-uusapan, ang orihinal ay palagiang pinakamahusay! The original is the best!

Kaya anong dapat gawain? Saliksikin mo ang katotohanan, at ito ang magpapalaya sa inyo! Sinabi sa iyo ni Molkhiúl YAOHÚSHUA na, 'Patuloy na humingi, patuloy na maghanap at patuloy na kumatok' upang tayo'y bigyan, upang ating matagpuan at upang pagbuksan tayo ng pintuan! Si Molkhiúl YAOHÚSHUA hol-MEHUSHKHÁY ang Pintuan ng kawan ng mga tupa at iyan ang dapat nating gawin.

Si YÁOHU UL ay mabait sa atin na nagpakilala Siya mismo at ang Kaniyang Banal - upang maipahayag natin sa bawat isa ang tunay na katotohanan! Ito ay dahil sa kaluguran ni YÁOHU UL na ipaalam sa animo'y mga maliliit na bata! Sa Inyo YÁOHU UL, kami po ay walang sawang nagpapasalamat! Maraming salamat po, YÁOHU UL!

Q.Totoo ba na ang original na pagbigkas sa apat na letrang (Tetragramma) na Hebreong Ngalan ng Kataas-taasan sa Hebreong Kasulatan ay nawala na, nakalimutan na at wala kahit isa ang tunay na nakakaalam kung paano ito bigkasin?

A.Ayon sa tsismis, opo! Subalit ito'y ganoon lamang - tsismis at maling-haka. Isipin n'yo ngayon at nilay-nilayin ang ganitong pangyayari: hanggang ngayon, ang Kaniyang Bayan ay tinatawag pa ring 'YAOHUDIM' (YÁOHU-DIM, upang lumitaw ang Ngalan ng UL) sa kanilang sariling wika, sa wika ng mga Israelita hanggang sa ngayon. Samakatuwid tinutukoy nila ang kanilang sarili bilang mga 'YAOHUDIM.' May ilang mga Judio ang nagpapangalan hanggang ngayon sa paraang naglalarawan sa kagalang-galang na Ngalan ng Pinaka-makapangyarihan. Ilan sa mga halimbawa ay: Eliyaohu, Khanamyaohu, Netanyaohu, Yaohúkhanam, atbp.

Kahit na ang mga ngalan ng mga propeta sa Tanakh (Banal na Kasulatan) at ang ibang pang mga tao at lugar na nabanggit dito ay palagian pa ring naghahayag ng Kaniyang marangal na Ngalan!

Pagkakasalin sa Tagalog
 
Orihinal na Hebreo
IsaiasYaoshua-YÁOHU
Uli-YÁOHUUli-YÁOHU
ZacariasZochar-YÁOHU
SofoniasZafna-YÁOHU
YaokhanamYÁOHU-khanam
MateoManaim-YÁOHU
JosueYAOHÚSHUA
SantiagoYÁOHU-caf

Kaya ang katotohanan ay matagal nang nasa Hebreong Kasulatan! Ang dapat na nga lamang nating gawain ay ang humingi at bibigyan tayo ni YÁOHU UL ng karunungan! Kaya manatiling naghahanap at tayo ay makakikita! Ang mga Kasulatan na rin ang magpapatunay sa inyo ukol sa mga katotohanan ito!

Hanggang ngayon ay alam ng ilan sa mga Judio ang tumpak at tamang pagbigkas ng NGALAN, subalit wala silang lakas ng loob na ito ay banggitin sa takot na malapastangan ang kapita-pitagang Ngalan sa buong daigdig. Ito ay kanilang pamahiin lamang, dahil sa buong Tanakh o Hebreong Kasulatan, ang mga propeta ay palagiang nagbabanggit ng Ngalan ng Makapangyarihan sa kanilang pagpapahayag sa mga tao, sa makasaysayan at makatang bahagi ng mga Kasulatan ay palagiang binabanggit ang Ngalan, kaya bakit ka matatakot?

Si YÁOHU UL ang may ibig na sa pamamagitan ng Kaniyang RÚKHA (o Espiritu), ang Kaniyang Ngalan ay maitala ng higit sa anim na libong (6,000) ulit sa Tanakh, upang palagian nating maala-ala na ito ang pinakamahalagang salita sa lahat! Ang ipinagbabawal ay ang paglapastangan sa Ngalan, hindi ang tamang paggamit nito. Kung ito ay binibigkas mo ng may pagkatakot at paggalang, hindi ito kasalanan, nakuha mo na? Am-nám!

'Huwag ninyong babanggitin sa walang kabuluhan ang Ngalan ni YÁOHU UL ng Israel, dahil walang pagsalang parurusahan ni YÁOHU UL ang sinomang gagamit nito sa walang kabuluhan!' Deuteronomio 5:11 Tanakh o Banal na Kasulatan.

Ang ganitong tamang paraan ng pagbigkas ng Ngalan ay pinanatiling lihim ng Judio mula sa mga Hentil, upang maiwasan ang paglapastangan nito. Maaaring totoo, subalit tiyak at walang duda na di nawala o nakalimutan na, at siguradong alam ng marami sa kanila! Kaya ang tama at matuwid na paraan ng pagbigkas ng Tetragrammang Hebreo ay alam ng maraming Judio hanggang sa mga araw na ito!

'Dahil dito ipapaalam Ko (YÁOHU UL) ang Aking Ngalan sa Aking bayan at malalaman nila ang kapangyarihan ng Ngalang iyan, sa wakas malalaman nila na Ahnee, oo, Ahnee, ang nagsalita sa kanila!' Isaias 52:6, Tanakh

Upang maiwasang malapastangan ang Ngalan, ang ginawa ng ilang mga relihiyosong pinuno ng Israel noong sinauna ay pinalitan ito at hinalinhan ng ayon sa kanilang kinaugalian tulad ng 'ha-shem' (ang ngalan), 'adonai' (panginoon), atbp. Ngayon, nasaan ang daya? Ang mga ugat na pinanggalingan ng mga inihaliling ito ay mula sa kalapit na kapaligiran ng mga pagano, pantukoy sa kanilang mga sinaunang mga huwad na maykapal (o 'lo-ulhim')! Taus-puso at tapat, maaari, subalit taus-pusong nagkamali!

Sa totoo lang, marami ang talagang tapat na kaluluwa ang nagdurusa sa sheol sa ngayon dahil sa kakulangan ng kaalaman!

'Ang Aking bayan ay napupuksa dahil sa kakulangan ng kaalaman!' - Oseas 4:6 Tanakh

Ayon sa Kaniyang kaalaman, nakita o nalaman na si YÁOHU UL na ang Kaniyang Ngalan ay lalapastanganin ng masasamang tao, ito ang dahilan kung bakit Niya inatasan ng parusa ang sinomang lumapastangan sa Kanyang Ngalan:

'Ang sinomang lumapastangan sa Ngalan ni YÁOHU UL ay dapat patayin, babatuhin siya ng kapulungan, maging dayuhan o katutubong mamamayan. Kapag kanyang nilapastangan ang Ngalan ni YÁOHU UL, dapat siyang patayin!' - Levitico 24:16, Tanakh

Para kay YÁOHU UL na Siyang may kinalaman, ito'y sapat na pampigil sa bawat isa mula sa paggawa ng ganitong krimem o pagkakasala. Hindi na kailangan pang mag-isip ng ngalang panghalili upang idagdag sa kung ano ang palagay ni YÁOHU UL na husto o sapat na pamigil upang huwag malapastangan ang Kanyang dakilang Ngalan. Minabuti Niyang sapat na ang babala't parusa upang mapigilan ang pangkaraniwang tao. Hindi na kailangang dagdagan pa ng tao ang Kanyang mga alituntunin.

Ang daan at paraan ng tao upang tumulong sa Kataastaasan sa pangangasiwa sa Kanyang bayan ay palaging natutungo sa pagkalito. Ang nahayag na mga salita ni YÁOHU UL ay sapat na upang pangasiwaan ang Kaniyang pamahalaan ng may katarungan at katuwiran! Hindi na kailangan pa ang pagbabago ng tao. Kaya balikan natin ang paggamit ng Kaniyang original na Ngalan ng may tunay na katapatan, pitagan at ng may higit na paggalang!

Ang tunay na pangyayari na ang Tetragramma ay isinulat ng mahigit sa anim na libong (6,000) ulit sa Hebreong Kasulatan o Tanakh ay nagpapahiwatig na ang Kataastaasan - YÁOHU UL - ay nagpalagay na ito ang tama para sa babasa ng Banal na Kasulatan na palagiang tumutukoy sa Kaniya sa pamamagitan ng Kaniyang nag-iisa at tanging Ngalan, sa gayon kikilanlin Siya bilang Persona na nagpapakilala at nagpapatupad ng Banal na Kasulatan o Malyao-Ul! Ito ang Aking Ngalan magpakailan man, ang Ngalang aalalahanin at itatawag sa Akin ng lahat ng salinlahi - 'YÁOHU!'

Tulad ng regalo na walang nagbigay ay walang kabuluhan, gayon din ang Banal na Kasulatan na wala ang Personang may akda nito. Ating ibalik na muli ang May-akda, si YÁOHU UL, ibalik kung saan Siya nararapat sa Banal na Kasulatan o ng Tanakh!

Q.Ang Ngalang 'YÁOHU UL' ba ay isang 'abbreviation' o pinaikling palayaw ng Kanyang higit pang buong Ngalan?

A.Ang Ngalang 'YÁOHU' ay hindi isang daglat o pinaikli lamang. Ang 'YÁOHU' ay buong-buo at tanging Ngalan na ipinaalam! Kapag binabanggit, ito'y parang tunog ng malumanay na pag-ihip ng hangin, higit na sa ikalawang pantig ng maluwalhating Ngalang ito. Walang alinlangan dahil Siya ang nagbibigay buhay o hininga! Ang ating YÁOHU UL ay 'RÚKHA' (o Espiritu), sa Hebreo ang salitang 'RÚKHA' ay nangangahulugan ring hangin.

Sa pagbubuo ng ngalan ng karamihan sa Israelita, higit na sa mababasa sa Banal na Kasulatan, ang kaisa-isang Ngalan ni YÁOHU UL ay kadalasang dinudugtungan ng iba pang Hebreong mga salita't kataga upang mahayag ang iba't-ibang paraan ng pagbibiyaya o pagliligtas kaya ni YÁOHU UL sa Kanyang mga hinirang. Narito po ang ilang mga maiinam na halimbawa nito:

YÁOHU-khanam-si YÁOHU UL ay mapagbiyaya(Yaokhanam)
Yaoshua-YÁOHU-ang kaligtasan ay mula sa UL(Isaias)
Manaim-YÁOHU-mabait si YÁOHU UL(Mateo)
Yarmi-YÁOHU-itinataas si YÁOHU UL(Jeremias)
YAOHÚSHUA-si YÁOHU UL ang kaligtasan(Josue)

Kaya YÁOHU ang tumpak, ganap, sakdal at kumpletong Ngalan ng ating UL o Walang-Hanggang Maykapal na Pinaka-makapangyarihan!

Q.Marami bang Ngalan ang Kataastaasang Maykapal? Bakit maraming tao ang nananalangin sa iba't-ibang ngalan na napakalayo naman sa tumpak at likas na Ngalang YÁOHU UL?

A.Iisa lamang ang inihayag na Ngalan, subalit maraming titulo o taguri na ginagamit lamang o bilang pang-ugnay sa dakilang Ngalan na ito: 'YÁOHU'!

Kailangang matalos ninyo ang kaibahan ng 'ngalan' sa 'titulo.' Maraming titulo o tag-uri na ginagamit ang mga tao kapag patungkol sa Maykapal, ito ay hango sa Banal na Kasulatan, at ang iba naman ay hindi, ang iba ay mga titulong hango sa mga paganong pagsamba sa mga huwad na maykapal daw. Ang ngalan, higit pa sa larangang rukhaol o espiritwal, ay upang matiyak kung sino ang tinutukoy. Samakatuwid, ang ngalan ay para matukoy kung sino ang pinatutungkulan. A name is for proper identification! Ang titulo naman po ay mga idinaragdag na pang-uri o pantangi o kaya'y paggalang sa ngalan ng sinoman. Sa mga ngalan ay idinadagdag ang titulo o pang-uri na siyang nagpapakilala sa mga ilang katangian ng isang tao ayon sa kaniyang katungkulan, katayuang sibil, trabaho o katangian, kapamahalaan, propesyon, atbp.

Halimbawa: Ngalan: Yaokhanam dela Cruz, taguri o titulo: Mister, Arkitekto, Pangulo ng PTA, Gobernador, Doktor, Abogado, Mrs., Miss, Hari, Patrolman, atbp. Ang iba pang pangkaraniwang titulo ay: Pangulo, Senador, Mayor, Mambabatas, Barangay Chairman, atbp. Kaya iisa lang ang ngalan, subalit maraming tag-uri o titulo kung tawagin. Ang ngalan ay para pagkilanlan, ang mga titulo o pang-uri ay pampaganda o palamuti.

Katulad din niyan, ang ating Maykapal ay may iisang Ngalan: 'YÁOHU' - subalit maraming titulo o pang-uri: Ang Kataastaasan, ang Banal ng Israel, ang Manlilikha, atbp.

Kahit na sa Kaniyang Anak, iisa rin lamang ang Ngalan: 'YAOHÚSHUA'! Ang mga titulo o pang-uri ay: Molkhiúl (Hari), Nuzrothíy (ang Sanga, ang Binhi), hol-MEHUSHKHÁY (ang Pinahiran ng langis) at Hari ng mga hari, gayon din ang Prinsipe ng Kapayapaan, ang Tinapay ng Buhay, Tagapagligtas, Manunubos, atbp.

Sa Banal na Kasulatan, sinabi sa atin na purihin, sambahin, iangat, luwalhatiin at pagpalain ang Kanyang Ngalan! Mabuti ring isama ang kahit na anong titulo subalit ang 'Ngalan' ay kailangang palagiang kasama, bilang angkop at tukoy na pagkikilanlan! Ang mga titulo ay idinaragdag upang higit pang ipahayag ang mga kagalang-galang na katangian ng sinomang tinutukoy!

Maraming tao sa Kasulatan ang pinangalanang 'YAOHÚSHUA' - sino ang tinutukoy mo? Sinong 'YAOHÚSHUA?' Ang Messias o ang alalay ni Mehushúa? Kaya ginagamit natin ang 'Molkhiúl,' 'Nuzrothíy,' at ang 'MEHUSHKHÁY' bilang mga pang-angkop: upang maging tiyak kung sino talaga ang ating walang pag-aalinlangang tinutukoy. Maliwanag po ba? Am-nám!

Higit pa ba sa nagkataon lamang na ang kahalili ni Mehushúa na mababasa sa Banal na Kasulatan ay pinangalanan ring 'YAOHÚSHUA?' At ang ngalan bang ito ay ibinigay sa kaniya bilang kapalit sa dati niyang ngalang 'HOSEA'? Ito ba ay maaaring tanda upang makilala ang ipinangakong 'PROPETA' na siyang isusugo ng YÁOHU UL pagkatapos ni Mehushúa? 'YAOHÚSHUA!' Tingnan sa Bilang 13:8, Tanakh

'Magtatayo si YÁOHU UL para sa inyo ang isang Propetang tulad ko, isang Israelita; pakinggan ninyo Siya at sundin. Sapagkat noong magtipon kayo sa bundok ng Horeb ay ito ang hiningi ninyo kay YÁOHU UL. Sa paanan ng bundok sinabi ninyo na huwag ng iparinig ni YÁOHU UL, o ipakita man lamang ang nakapangingilabot na apoy, dahil mamamatay kayo.'

'Mabuti, ang sabi ni YÁOHU UL sa akin, gagawin Ko ang kanilang kahilingan. Maglalagay Ahnee para sa kanila ng isang Propeta, isang Israelitang tulad mo, sasabihin Ko sa Kaniya ang dapat Niyang sabihin, Siya ang Aking magiging Tagapagsalita, at Aking pananagutin ang sinomang hindi duminig sa Kanyang sinasabi!'

Wala nang higit pang napaka-bulag kaysa sa sinomang di-ibig makakita at nagbubulag-bulagan!

 

Original na Ngalan
 
Mga Titulong Ginamit sa Hebreong Kasulatan
 
'YÁOHU'-Manlilikha, Makapangyarihan, Ama,
Kataas-taasan, ang Banal at Tagapangalaga
ng Israel, atbp.

Original na Ngalan
 
Mga Titulong Ginamit sa Hebreong Kasulatan
 
'YAOHÚSHUA'-Messias, Guro, Manunubos, Tagapagligtas,
Hari ng mga hari, ang Sanga, Nazareno, atbp.

Original na Ngalan
 
Mga Titulong Ginamit sa Hebreong Kasulatan
 
'RÚKHA-YÁOHU'- Mang-aaliw, ang Espirito ng katotohanan,
Mahabaging Espiritu, atbp.

Pansinin na mayroong iisa lamang na pangkaraniwang ngalan sa Tatlong Persona ng ating Maykapal o 'Creator Head.' 'Binyagan n'yo sila sa Ngalan (hindi sa 'mga ngalan') ng Ama, ng Anak, at ng Espiritu Santo.' - Man-YÁOHU (Mateo) 28:19, Banal na Kasulatan

'Amang Banal, ingatan Mo sila sa kapangyarihan ng Iyong Ngalan - ang Ngalang ibinigay Mo sa Akin - upang sila'y maging isa tulad Nating iisa. Nang Ako'y kasama nila, iningatan Ko sila at pinanatiling ligtas sa pamamagitan ng NGALAN na ibinigay Mo sa Akin!' - Yaokhanam 17:11-12, Banal na Kasulatan

Isipin po ninyo at pakatandaan po ninyo: tulad Nating iisa, 'Natin' pero nagkakaisa! Tatlong Persona na lubusang nagkakaisa! Kaya nga ang ating Maykapal ay may iisang Ngalan lamang. Uulitin pong muli, iisang Ngalan lamang, maraming titulo. At ngayon alam n'yo na ang kaibhan ng titulo at ng ngalan! Napakalaking tulong nito sa inyo! Pakatatandaan po ninyo: purihin at sambahin ang Kanyang Banal na Ngalan, hindi ang mga titulo lamang. Ang ngalan ay pantukoy!

Q.Kailangan ko pa bang matuto ng Hebreo upang maligtas?

A.Gumagamit ka na nga ng salitang Hebreo sa iyong bukabularyo, nalalaman mo man o hindi. Hindi mo mauunawaan ang malalim na kahulugan ng Banal na Kasulatan hanggat hindi ka nabababad sa Hebreo. Sa sandaling buksan mo ang iyong Banal na Kasulatan o Molyao-Ul upang basahin, ikaw ay nasa dakong Hebreo!

Halimbawa ang mga salitang Hebreo na kadalasan nating nagagamit, lalo na sa mga nakakaalam ng Banal na Kasulatan ay: 'pantalon,' 'paru-paro,' 'piraso,' 'sabon,' 'amen,' 'Bethlehem,' 'Malchizedeq,' 'Zion,' 'Solomon,' 'Abruhám,' 'Lemuel,' 'Israel,' 'Jacobo,' 'halika,' 'lumakad' at maging ang salitang 'Messias' at 'Immanuel' ay mga salitang Hebreo. Lahat ng wika ng tao na sa ngayo'y umiiral ay nagmula sa Hebreo dahil ito ang ugat na lenguahe na pinagmulaan ng lahat ng wika. Ito ang kauna-unahang wika, ang wikang ibinigay ni YÁOHU UL sa sangkatauhan. Nagkaiba-iba na nga lamang matapos sila'y masumpa at magkahiwa-hiwalay ng landas sa mundo, noong pinarusahan ang ating mga ninuno sa Babilonia, sa pagtatayo nila ng Tore ni Babel.

Ang ating mga sinaunang ninuno ay nagsalita ng Hebreo, si Noe ay Hebreo ang winika, ang Messias ay nagmula sa lahi ng mga Hebreo, ganoon din ang mga apostol at mga propeta. Hindi mo maisasawalang bahala ang Hebreo at mauunawaan ang Tanakh o Banal na Kasulatan sa maliwanag na kahulugan! Makakatagpo mo ito sa isang paraan o ibang paraan. Isa pa, ang mga katibayan ay lumilitaw na nagpapatunay na ang karamihan sa mga aklat sa Bagong Tipan ay orihinal na isinulat sa Hebreo. Tama nga dahil sa karamihan ng manunulat nito ay mga Hebreo at kapag sinuri ang paraan ng pagsasalaysay sa mga nakasulat dito, makikitang Hebreo ang tatak ng orihinal na pinagmulaan ng mga ito, kung susuriing mainam ang pagkakasulat ng mga talata't pangungusap rito. Ang Ngalan ng ating Maykapal ay nasa Hebreo, ang Ngalan ng ating Tagapagligtas ay nasa Hebreo, lahat halos ng Banal na Kasulatan ay isinulat sa Hebreo.

Kaya ito ay napakahalaga sa pagiging banal at pagdadalisay sa ating espiritwal na paglago, sa ating panibagong buhay kasama ni Molkhiúl YAOHÚSHUA hol-MEHUSHKHÁY! Subalit ang matutuhang maging bihasa sa pagsasalita ng Hebreo ay HINDI kondisyon upang tumanggap ng bagong kapanganakan mula kay YÁOHU UL. Kailangang maisilang kang muli sa larangang espiritwal, at matapos ito, ikaw ay magsisimula nang maglakbay sa daigdig ng mga Hebreong tao't pananalita sa iyong palagiang pagsasaliksik ng mga nilalaman ng Banal na Kasulatan.

Para sa mga dati nang tumanggap ng mga Molyao-Ul o Salita ni YÁOHU UL, ang pag-aaral naman ng Hebreo ay bahagi ng paglagong espiritwal sa Kaniyang sambahayan, habang kayo ay binabago, mula sa kaluwalhatian tungo sa kaluwalhatian, hanggang sa kayo'y maging kawangis ng Kaniyang minamahal na Anak - si Molkhiúl YAOHÚSHUA hol-MEHUSHKHÁY, na Siyang nagsalita ng Hebreo nang Siya ay nasa daigdig na ito! Hanggang ngayon! Subalit kinakailangang maniwala ka muna sa Kanyang Ngalan, upang makatanggap ka ng kaligtasan, at ang Kanyang Ngalan ay nasa wikang Hebreo!

'Ang sinomang tumawag sa Ngalang YÁOHU ay maliligtas!' - Joel 2:32 Tanakh

'Ang kaligtasan ay hindi masusumpungan kaninoman, dahil walang ibang NGALAN sa silong ng langit ang ibinigay sa mga tao na sukat nating ikaligtas - maliban sa Ngalang: YAOHÚSHUA!' - Mga Gawa 4:12, Banal na Kasulatan

'Datapuwat ang lahat ng tumanggap sa Kanya, sa lahat ng naniwala sa Kanyang NGALAN, ay pinagkalooban Niya ng karapatang maging anak ng Kataastaasang YÁOHU UL.' - Yaokhanam 1:12, Banal na Kasulatan.

'Sa panahong iyon, dadalisayin Ko (YÁOHU UL) ang salita ng mga taong magbabalik sa Akin sa purong Hebreo upang sama-sama silang makatawag sa Shúam (Ngalan) ni YÁOHU Ulhím at Siya'y kanilang sambahin ng may pagkakaisa.' - Zafna-YÁOHU (Sofonias) 3:9, Banal na Kasulatang Hebreo o Biblia Hebraica

Dahil ito ay nakasulat, kaya dapat na ito'y maganap!

Q.Anong wika ang sinalita ni Molkhiúl YAOHÚSHUA noong Siya ay naglilingkod pa sa lupa?

A.Ipinahayag ng mga iskolar at ng mga nagsasaliksik na ang wikang ginamit Niya ay Aramaic. Katanggap-tanggap dahil sa ang Aramaic ang pinakamalapit sa puro, sinaunang Hebreo. Ang wikang Aramaic ay kaunti lamang ang kaibhan sa Archaic o antigong Hebreo, sa pagbigkas lamang, subalit ang pinagbabatayan ay pareho lamang, lalo na sa mga ugat ng katinig at sa mga pantig.

O, Molkhiúl YAOHÚSHUA, ipahintulot po Ninyo na maging katulad pa namin Kayo ng lubusan! Tulungan po Ninyo kami na makapagsalita ng Inyong wika at itulot po Ninyo na maging bihasa sa mga bagay ukol sa Judio, upang aking tunay na mapahalagahan ang puno ng olibo na kung saan ako ay naiugpong o kung saan ako ay tunay na sanga!

'Sa panahong iyon, dadalisayin Ko (YÁOHU UL) ang salita ng mga taong magbabalik sa Akin sa purong Hebreo upang sama-sama silang makatawag sa Shúam (Ngalan) ni YÁOHU Ulhím at Siya'y kanilang sambahin ng may pagkakaisa.' - Zafna-YÁOHU (Sofonias) 3:9, Banal na Kasulatang Hebreo o Biblia Hebraica

Q.Hindi ba ako maibibilang na kaisa sa isang kulto kapag ako ay naniwala sa tunay o orihinal na Ngalan?

A.Kahanga-hanga! Ikaw ay nasa tamang samahan ng mga mananampalataya sa tunay na Maykapal at sa totoong Messias! Ang mga sinaunang mananampalataya ng Messias ay binansagan o minarkahan bilang kasama sa kulto o sekta ng mga Nazareno! Basahin sa Mga Gawa 24:5, Banal na Kasulatan

Kahit na ano pa mang etiketa o bansag ang itawag sa iyo ng mga tao, ang mga ito'y walang halaga. Ang mahalaga ay kung sino ang iyong tagapagligtas at manunubos, kanino nakasalalay ang buo mong buhay dito at sa kabilang buhay, sino ang iyong tunay at talagang pinupuri at sinasamba; ito ang mga napakahalagang bagay sa iyong buhay!

'At ito ang paraan upang magkamit ng buhay na walang hanggan: ang personal mong makilala ang Maykapal na si YÁOHU UL, at ang Kanyang Messias na isinugo: YAOHÚSHUA! - Yaokhanam 17:3, Banal na Kasulatan

'Sinabi Ko na sa inyo ang lahat ng ito upang huwag kayong malito o sumuray sa lahat ng mga kasinungalingang darating, palalayasin kayo sa mga sinagoga; darating ang panahon na ang sinomang pumatay sa inyo ay mag-aakalang naglilingkod siya sa Maykapal. Gagawin nila ang mga bagay na ito dahil hindi nila nakikilala ang Aking Ama o Ahnee; Oo, sinabi Ko sa inyo ito upang kung mangyari na ay magunita ninyo na binalaan Ko na kayo,' ang sabi ni Molkhiúl YAOHÚSHUA sa Yaokhanam 16:1-4.

Ang buhay ay isang pakikipagkasundo na makipagpalit o 'barter.' Ibigay mo ang iyong panahon sa pag-aaral, makakakuha ka ng titulo o diploma. Ibigay mo ang iyong kakayahan sa paglilingkod sa iyong amo, tatanggap ka ng sahod, ibibigay mo naman ang sahod upang makamit mo ang iyong pang-araw-araw na pangangailangan, atbp.

Tulad din kung ibig mong magkamit ng buhay na walang hanggan, o buhay sa langit, kinakailangang ibigay mo ang anomang kapalit, halimbawa sabihin nating, ibigay mo ang iyong kabuhayan dito sa lupa o ibigay mo ang iyong buhay. Ibigay mo ang nararapat sa kung ano ang kukunin mo. Magtanim ka muna bago umani. Ito ang pangkalahatang patakaran o alituntunin ng YÁOHU UL na umiiral saan pa man! Kaya kung ibig mong mapabilang sa katawan ng mga mananampalataya na siyang itinuturing ng Kataastaasan na Kaniyang sarili, at makaisa ng Molkhiúl YAOHÚSHUA hol-MEHUSHKHÁY, kinakailangang isuko mo ang maraming bagay sa iyong buhay!

'Ang sinomang nagkakait ng kaniyang buhay ay siyang mawawalan nito, ngunit ang sinomang maglaan ng kanyang buhay dahil sa Akin, ay siyang magkakamit nito,' sabi ni Molkhiúl YAOHÚSHUA sa Man-YÁOHU (Mateo) 10:39, Banal na Kasulatan

'Kaya hindi maaaring maging alagad Ko ang sinoman hangga't hindi muna siya nauupo at bibilangin ang lahat ng kaniyang kabuhayan at mga ari-arian - at pagkatapos ay itatakwil ang mga ito alang-alang sa Akin,' sabi ni Molkhiúl YAOHÚSHUA hol-MEHUSHKHÁY sa Lucas 14:33.

'Kaya't ang lahat ng bagay na minsan ay inisip kong napakahalaga - ay itinakwil kong lahat upang matuon ang aking tiwala at pag-asa sa Messias lamang. Oo, lahat ng bagay ay walang kabuluhan kung ihahambing sa hindi mababayarang aking nakamit - ang makilala si Molkhiúl YAOHÚSHUA, ang aking Pinuno! Isinantabi ko ang lahat ng ano pa man, ibinilang ko itong mga basura, upang kamtin ang Messias, at ang maging lubos na kaisa Niya, hindi upang maligtas dahil sa pagiging matuwid, kundi sa pamamagitan ng pagtitiwala sa Molkhiúl YAOHÚSHUA hol-MEHUSHKHÁY na iligtas ako. Ngayon ibinigay ko na ang lahat ng bagay - nakamit ko ito sa paraang tunay na makilala ang Messias at maranasan ang kapangyarihan ng Kaniyang pagkabuhay na mag-uli, at makita o malaman kung paano ang magdusa at mamatay ng dahil sa Kanya. Kaya ano man ang mangyari sa akin, ang hangad ko'y mabuhay sa bagong pamumuhay kasama ng mga nabuhay mula sa kamatayan!' sabi ni Apostol Shaúl sa Filipos 3:7-11, Banal na Kasulatan.

Q.Ano ngayon ang makakamit ng isang tao sa kanyang ipinagpalit dahil sa pagsuko ng lahat ng ito?

A.'Kaya huwag ninyong ipagmalaki ang sinoman dahil si YÁOHU UL ang nagbibigay sa inyo ng lahat ng inyong kailangan. Ibinigay Niya ang buong mundo sa inyo upang inyong magamit, at maging ang impyerno't kamatayan ay inyo nang mga alipin. Ibinigay na Niya sa inyo ang lahat ng kasalukuyan at sa hinaharap, ang lahat ay sa inyo na, at kayo ay pag-aari ng Messias, at ang Messias ay pag-aari ni YÁOHU UL,' ang sabi ni Apostol Shaúl sa 1 Corinto 3:21, Banal na Kasulatan

'Sinasabi Ko sa inyo ang katotohanan na walang nag-iwan ng ano pa man: tahanan, kapatid na lalaki, kapatid na babae, ina, ama mga anak o mga ari-arian - alang-alang sa Akin at sa paglalaganap ng Magandang Balita, na hindi ibabalik, ng maka-isang-daang ulit, tahanan, kapatid na lalaki, kapatid na babae, ina, ama, mga anak, at mga lupa - kasama nito ay mga pag-uusig. Ang lahat ng ito ay mapapasakaniya dito sa buhay na ito, at sa panahong darating magkakaroon siya ng buhay na walang hanggan!' sabi ni Molkhiúl YAOHÚSHUA sa Marcos 10:29-30.

Mahusay bang 'barter' o pakikipag-palitan? Kamangha-mangha! Tiyak na kayo'y makikipagpalit! Hinihingi ni Molkhiúl YAOHÚSHUA ang LAHAT mula sa IYO dahil ibinigay Niya ang lahat upang tubusin ka! At tiyak na gagawin Niya muli ang lahat ng Kanyang pagdurusa alang-alang sa iyo, kahit ikaw lamang ang nag-iisang tao sa daigdig upang tubusin. Ganyan ka Niya kamahal! Iniibig ka ni YÁOHU UL! Dahil sa napakahalaga mo sa Ama, YÁOHU UL! Ang ating YÁOHU UL ay pag-ibig! Tandaan po ninyo: Life is but an exchange!

Q.Ano ang ibig sabihin ng salitang Hebreo na 'Nuzrothíy'?

A.'Nuzrothíy'

'Nuzor' - Ibig sabihin 'Ang Sanga'

'Zoro' - Ibig sabihin 'Ang Binhi' kung saan nanggaling ang salitang 'zero.' Tingnan ninyo ang simbolong ginamit upang kumatawan dito, o, kung titignan mo ay buto o binhi!

'Rothíy' -Ibig sabihin ay ang 'palatandaan ng aking tagapangalaga' ang lahat ng ito ay batay sa orihinal na kahulugan ng mga sinauna, puro o walang halong mga salitang Hebreo.

'Makinig ka sa Akin, YAOHÚSHUA, na Punong Saserdote, at kayong ibang mga saserdote, ikaw ang larawan ng mga kamangha-manghang isang darating, hindi mo ba nakikita? Si YAOHÚSHUA ang sumasagisag sa Aking Lingkod - ang Sanga, na Aking isusugo!' Ang sabi ni YÁOHU UL sa Zacarias 3:8, Tanakh.

'Iputong ang korona sa ulo ni YAOHÚSHUA, ang Punong Saserdote - Ikaw ang sagisag ng Taong darating, na ang Ngalan ay 'ang Sanga' (Nuzor) - Siya ay magsasanga mula sa Kaniyang sarili ('Zoro' - seed) at itatayo Niya ang Templo ni YÁOHU UL. Sa Kaniya nauukol ang titulong maharlika. Maghahari't mamamahala Siya bilang Hari at Saserdote, ng may ganap na pagkakaisa sa dalawang tungkuling ito!' - Zacarias 6:11-13.

'Ito ang katuparan ng hula ng mga propeta: Siya ay tatawaging Nazareno (o ang Sanga)!' - Man-YÁOHU (Mateo) 2:23, Banal na Kasulatan.

'Nasubsob ako sa lupa at narinig ko ang isang tinig na nagsabi sa akin, Saulo, Saulo, bakit mo Ahnee pinag-uusig? Sino po Kayong nagsasalita sa akin, Sir? Ang tanong ko. At tumugon Siya, Ahnee si YAOHÚSHUA Nuzrothíy (na taga-Nazareth), ang iyong inuusig!'

'At walang alinlangan na si YAOHÚSHUA NUZROTHÍY (na taga-Nazareth) ay pinuspos ni YÁOHU UL ng 'RÚKHA-YAOHÚSHUA' at kapangyarihan at nagtungo sa paligid, gumawa ng mabuti at nagpagaling ng lahat ng nasasailalim ng kapangyarihan ng diablo, dahil sumasakanya si YÁOHU UL!' - Mga Gawa 10:38, Banal na Kasulatan.

Q.Ano ang ibig sabihin ng mga salitang Hebreo na 'MEHUSHKHÁY?'

A.'MEHUSHKHÁY' - sinaunang Hebreo na ang ibig sabihin ay 'Pinahiran ng langis' sa salitang Tagalog ay 'Messias'

Sa katunayan, ang tunay na ngalan ni Mehushúa ay 'Mehushúa' kaya akmang lahat! Sinabi ni YÁOHU UL na ipadadala Niya ang propeta na katulad ni Mehushúa, na Siyang dapat pakinggan at sundin, walang iba kundi si Molkhiúl (Hari) YAOHÚSHUA Nuzrothíy hol-MEHUSHKHÁY ang ipinangakong Messias, Propeta, Tagapagligtas, Hari at Hukom ng lahat!

Ngayon na kayo ay sumasampalataya na sa Kanyang Ngalan at tinanggap ang tunay na Messias lakip ng mga katotohanang mula sa Kanya, sabihin, bigkasin, uulitin ko pong muli, kailangang inyong bigkasin na taus-puso ang panalanging ito upang kayo ngayon ay tumanggap ng 'RÚKHA-YAOHÚSHUA' o ng Espirito ng Molkhiúl YAOHÚSHUA sa inyong puso, kung hindi pa ninyo naisasagawa noong nakaraan. Isagawa na po ngayon din at huwag nang ipagpaliban pa. Bigkasin na po ngayon ang mga sumusunod:

 

PANALANGIN NG PAGSISISI

YAOHU UL na sumasa-langit, ang UL ni Abruhám, YÁOHUtz-kaq at YÁOHU-caf; Akin po ngayong Kayong kinikilala, inaamin at sinasampalatayanan bilang aking nag-iisang totoong Manlilikha, Maykapal at wagas na Makapangyarihan sa yaohod; Kayo po si YÁOHU UL, ang Banal ng Israel, aking pinagmulaan;

Inaamin ko po sa Inyong harapan ngayon, na ahnee ay labis na nagkasala laban sa Inyo at ngayo'y humihingi ng kapatawaran, habag, awa at paglilinis mula sa yaohod ng aking mga nagawang kasamaan, at sa mga labis-labis na paglabag sa Inyong mga kautusan;

Hugasan po Ninyo ahnee ngayon sa pamamagitan ng banal na 'DAM' o dugo ni Molkhiúl YAOHÚSHUA hol-MEHUSHKHÁY;

Akin po ngayong ginagawa at kinikilalang nag-iisang pansarili kong Tagapamuno at Tagapagligtas ngayon at magpakailanman ang Molkhiúl YAOHÚSHUA hol-MEHUSHKHÁY, ang Inyong Messias na isinugo;

Naniniwala po ahnee na walang ibang ngalan sa silong ng langit ang Inyong ibinigay upang ikaligtas ng tao maliban sa Ngalang YAOHÚSHUA hol-MEHUSHKHÁY; at YÁOHU UL ang Inyong iisang Ngalan na aming alalahanin at itatawag sa Inyo sa lahat ng salinlahi, ayon sa mga nakasulat sa Inyong Banal na Kasulatan;

Naniniwala po ahnee na si Molkhiúl YAOHÚSHUA ay namatay bilang aking kahalili at kapalit, Siya na walang kasalanan ay hinatulang masama upang ahnee naman na makasalanan ay maituring na matuwid sa Inyong paningin, sa aking pagsampalataya sa Molkhiúl YAOHÚSHUA hol-MEHUSHKHÁY;

Naniniwala po ahnee na si Molkhiúl YAOHÚSHUA ay namatay alang-alang sa akin, inilibing, nabuhay na mag-uli, umakyat sa langit, ngayo'y nakaupo sa kanan ni YÁOHU UL, at muling magbabalik, di na maglalaon, upang maghari't hatulan ang mga makasalanan;

Naniniwala po ahnee sa muling pagkabuhay ng mga matuwid tungo sa buhay na walang hanggan sa piling Ninyo; at ang mga masasama naman ay tungo sa walang-hanggang kaparusahan;

Pakiusap, ibigay Mo po sa akin ngayon ang 'RÚKHA-YAOHÚSHUA' upang manahan sa akin, ahnee (ako) bilang Iyong bagong anak sa Inyong kaharian ng Katwiran at Kabanalan; at pakibinyagan rin po ahnee ngayon sa 'RÚKHA-YAOHÚSHUA' upang aking matamo ang buong kapuspusan ng 'RÚKHA-YAOHÚSHUA' at mga walang-bayad na regalo upang ahnee ay masilakbong makapaglingkod sa Inyo ngayon magpakailanman;

Ahnee (ako) ay sumasampalataya na Siya'y akin nang tinanggap ngayon sa aking puso, bilang Tagapamuno ng aking buhay at ahnee (ako) ay naniniwala rin na akin namang tinanggap ngayon ang Iyong habag, kapatawaran, paglilinis at kaligtasan; kasama na ang pagbibinyag sa 'RÚKHA-YAOHÚSHUA' at ang mga lakip na mga walang-bayad na regalo sa aking ikapagpapasilakbo;

Maraming pasasalamat at papuri ang aking ibinibigay sa Inyo ngayon; maraming salamat po at purihin Kayo sa Inyong iginawad na kapatawaran, paglilinis, katubusan, pagbibinyag, kagalingan at kaligtasan, ngayon magpakailanman; Nakasulat po na sinomang tumawag sa Inyong dakilang Ngalang YÁOHU UL ay maliligtas; at ito po'y aking taus-pusong pinaniniwalaan;

Ginagawa ko po ang yaohod ng ito ngayon sa Ngalan ng Molkhiúl YAOHÚSHUA hol-MEHUSHKHÁY, am-nám!

Ngayon kayo ay malaya na, malusog, masagana, pinatawad, binasbasan at pinananahanan na ng 'RÚKHA-YAOHÚSHUA' sa inyong mga puso! Purihin nati't pasalamatan si YÁOHU UL, ang Pinakadakila sa lahat!

Sa inyong panibagong buhay, simulang tupdin ang dalawang pinakamahahalagang utos ni YÁOHU ABÚ (Ama):

'Ibigin mo si YÁOHU UL ng buong puso, buong kaluluwa, buong kakayahan at buo mong pag-iisip!' at 'Ibigin mo ang iyong kapuwa tulad ng iyong pag-ibig sa iyong sarili!'

Dahil sa kayo po ay bagong mananampalataya kay Molkhiúl YAOHÚSHUA hol-MEHUSHKHÁY, kinakailangan po kayong magpabinyag sa tubig sa Kanyang Ngalan bilang pagsunod sa Kanyang utos (Mga Gawa 2:38). Makipag-ugnay lamang po sa amin ukol sa bagay na ito at sa iba pa ninyong mga lalahukang gawain sa katawan ng Molkhiúl YAOHÚSHUA hol-MEHUSHKHÁY.

Naniniwala kami na ang 'RÚKHA-YAOHÚSHUA' ang ngayon at palagiang nagbibigay sa bawat isa sa inyo ng liwanag, karunungan, kaalaman, unawa, paghahayag, katotohanan, pananalig at kapakumbabaan, at Siya rin ang palagiang nagdadala sa inyo sa buong katotohanan, nagtuturo sa inyo, umaagapay at nagpapaala-ala ng mga Salita ni Molkhiúl YAOHÚSHUA hol-MEHUSHKHÁY, kasama na rin ang gawain ng 'RÚKHA-YAOHÚSHUA' sa pag-gigiyagis sa inyong puso ukol sa kasalanan, katuwiran at kahatulan, ngayon at palagian, ayon sa yaman ng pag-ibig, habag, biyaya at pagpapala ni YÁOHU UL sa inyong lahat, sa Ngalan naman ni Molkhiúl YAOHÚSHUA hol-MEHUSHKHÁY, am-nám!

Tandaan: hindi relihiyon ang namatay para sa inyong kaligtasan, hindi rin relihiyon ang Tagapagligtas, kundi ang iisang Walang-Hanggang Manunubos: YAOHÚSHUA hol-MEHUSHKHÁY! Hindi namin ipinakikilala sa inyo ang aming mga sari-sarili, ni ang aming Samahan man, kundi ang mga PERSONA ni YÁOHU ABÚ, Molkhiúl YAOHÚSHUA, at ang 'RÚKHA-YAOHÚSHUA' - ang Tatlong Persona sa iisang Ulong-Maykapal!

Kami nama'y mga walang-kabuluhang alipin lamang ni Molkhiúl YAOHÚSHUA, na Siyang tumubos sa amin, at ginagawa lamang namin ang nararapat naming gawain bilang paglilingkod ng pag-ibig sa Kanya. Kami'y mga dati ring mga makasalanang nakakilala, nanalig at tumanggap kay Molkhiúl YAOHÚSHUA hol-MEHUSHKHÁY! Marami ang naniniwala, ngunit ang higit na mahalaga ay ang tanggapin Siya sa puso at magpasakop sa Kanyang mga alituntunin, bilang Kanyang mga alagad o mag-aaral.

Sapagkat ang sandata ng ating pakikibaka ay hindi ukol sa laman, kundi ang mga ito'y may kapangyarihan sa pamamagitan ni YÁOHU UL GABOR (Mandirigma) na gumiba ng mga kuta ng kaaway. Ating binubuwag ang bawat maling pangangatuwiran at bawat bagay na nagmamatayog laban sa karunungan ni YÁOHU UL KAOKÁM, at ating binibihag ang bawat pag-iisip upang ipasakop kay Molkhiúl YAOHÚSHUA.

At atin ngayong pinagtagumpayan na si ha-satán, sa pamamagitan ng 'DAM' (dugo), at mga pananalita, at dahil sa ating sinagupa na nga si ha-satán, siya'y lumayas na mula sa lahat ng Yaohúshuahim, at tayo'y higit pa sa mapagwagi! Maraming papuri at pasasalamat kay YÁOHU UL GAVÓHA (Pinakamataas) na Siyang tumiyak na tayo'y palagiang nagwawagi kaisa ni Molkhiúl YAOHÚSHUA.

Hindi natin pinapayagang nakawin sa anomang paraan ni ha-satán ang mga Salita ni YÁOHU UL na ngayo'y natanim sa inyong mga puso't isipan, magpakailanman! Anomang hindi natin payagan dito sa lupa ay hindi papayagan sa langit.

Alalahanin pong dumalo sa bawat pagtitipon at mga gawain ng inyong Oholyao at ipaaalam po sa inyo kung saan at kung kailan ginaganap ang mga ito. Magsimula po kayong magbasa ng Banal na Kasulatan at mananalangin araw-araw upang magpasalamat, magbigay papuri at mangumpisal sa YÁOHU ABÚ dahil sa mga kasalanang nagagawa pa araw-araw. At mahalaga rin namang magsimulang humiling at ilagak sa YÁOHU ABÚ ang lahat ng inyong mga problema o suliranin sa buhay, sa kalutasan ng mga ito sa paraan ni YÁOHU UL. Unahin po muna ninyo ang Kaharian ni YÁOHU ABÚ at ang lahat ng iba pang bagay ay idaragdag sa inyo (Mateo 6:33).

Amin po kayo ngayong inilalagak sa tiyak na pangangalaga ng YÁOHU ABÚ, sa inyong paglago sa Kanyang Kaharian hanggang sa maging kawangis ninyo ang pag-uugali ni Molkhiúl YAOHÚSHUA hol-MEHUSHKHÁY, hanggang sa Kanyang nalalapit nang pagbabalik! Nakasulat na anoman ang aming talian dito sa lupa ay tatalian rin naman sa langit; anoman ang aming kalagan dito sa lupa ay kakalagan rin naman sa langit.

Ngayon, aming kayong tinatalian sa pagsunod, pagluhod at ganap na pagpapasakop sa Molkhiúl YAOHÚSHUA hol-MEHUSHKHÁY, magpakailanman! Amin rin kayo ngayong kinakalagan mula sa lahat ng uri ng pandaraya, pagsamba sa mga lo-ulhim (huwad na maykapal), at mula sa lahat ng uri ng pambibihag, kasinungalingan at mga gawa ni ha-satán at ng kanyang mga masasamang espirito, sa pamamagitan ng 'DAM' o dugo ni Molkhiúl YAOHÚSHUA hol-MEHUSHKHÁY, at ng Kanyang mga anghel, at ng Kanyang Ngalang - YAOHÚSHUA! You are free, you are delivered, you are whole, and you are blessed now and forever!

Kung mayroon po kayo o sino pa mang nasa kapaligiran ninyo ang may anomang uri ng pangangailangan, espiritwal man o materyal, o kaya'y kailangan ninyo ng walang bayad na babasahin, lalo na ng Banal na Kasulatang Tagalog o kaya'y Hebreo, makipag-ugnay lamang po sa amin direkta o kaya'y sa pamamagitan ng inyong mga Bokir-Shuaney o Alalay na Nangangalaga. Ipadala lamang sa amin ang kanilang mga kumpletong ngalan at tiyak na mga addresses at amin silang padadalhan ng mga walang-bayad na mga babasahing tiyak na kanilang ikasisiya, ikaliligtas at ikatitiwasay!

Narito ang inyong iba pang walang-bayad na babasahing maaaring hilingin daglian:

Q. Bakit tayo naniniwalang ang orihinal na Hebreong Banal na Kasulatan ang mga totoong Salita ng Maykapal?
Q. Ano ang kahulugan ng kapanganakang mula sa itaas o mag-uli?
Q. Bakit tayo naniniwalang si Molkhiúl YAOHÚSHUA ang totoong Messias?
Q. Ano-anong uri ng pagbibinyag ang itinagubilin upang ating isagawa?
Q. Bakit maling gamitin ang mga titulong 'El' at 'Elohim' kapag ang tinutukoy ay ang totoong Ulong-Maykapal? Sino ba talaga ang tinutukoy at tinatawag na 'El' at 'Elohim' at 'El Shaddai'?
Q. Sino ba talaga sila 'god,' 'ha-shem' at 'adonay' na tinatawag ng marami bilang kanilang 'maykapal' daw?
Q. Ang mga salita bang 'zeus' - 'diyos' - 'theos' at 'deus' ay tumutukoy sa iisang espiritong idolo sa di-nakikitang larangang espiritwal?
Q. Bakit hindi mabigyan ng mga 'atheists' (di naniniwalang mayroong Maylalang) ng tamang katugunan ang mga tanong ukol sa pinakaunang nagtulak o nagpagalaw sa buong sangnilikha, saan patungo at magwawakas ang lahat sa sansinukob, sino ang lumikha ng mga 'atoms' at mga pinakamaliliit na sangkap ng lahat ng nilikha?
Q. Ang pagpapalaglag ba ng sanggol ay itinuturing ni YÁOHU UL na 'infanticide' o pagkitil ng buhay ng sanggol?
Q. Itinuturing ba ni YÁOHU UL na pakikiapid ang pakasalan ang isang taong hiniwalayan na ng kanyang dating asawa?
Q. Bakit marami ang mahirap at marami rin naman ang mayayaman? May lihim ba sa likod ng mga kaganapang ito? O baka naman nakasalalay ang lahat sa pasya ng tatlong personang 'kuwarta-pera at salapi'? Totoo ba ang tinatawag na 'suwerte' o 'luck'?
Q. Bakit sinasamba ng maraming kabataan sa sanlibutan ang mga damo, dahon at iba pang mga damong-ligaw, sa pagiging sugapa sa mga ito?
Q. Talaga bang milyon-milyon ang tumatahak sa maluwang at madaling daan patungo sa kamatayan at kapahamakan, ngunit kakaunti lamang ang nakakikita at tumatahak sa makipot at mahirap na daan patungo sa buhay na walang hanggan?
Q. Anu-ano ang mga 'occult objects and symbols' at ano naman ang kamalasang dulot ng mga ito sa mga mayroon ng mga ito?
Q. Totoo bang ang mga pangkaraniwang sagisag na ginagamit tulad ng bituin, kidlat, bahaghari, mga hugis puso, ay mga sagisag ng kambing na si ha-satán, at ang mga ito'y gamit ng mga mangkukulam at mga engkantador?
Q. Ipinagbabawal ba talaga ni YÁOHU UL sa Banal na Kasulatan ang pagsasagawa ng 'seance' at mga pagkonsulta sa mga manghuhula, mga 'faith healers' at mga 'mediums' kasama na rin ang pakikipag-usap sa mga patay (necromancy) at paggamit ng mga 'orasyon'? Ano ang mga parusa at salot sa mga nakikiisa sa mga gawa ng kadilimang ito?

Totoo, tiyak at walang alinlangang si Molkhiúl YAOHÚSHUA lamang ang nagpapalaya sa inyo mula sa lahat ng kasinungalingan, pandaraya, pambibihag, mga sumpa at salot na mula kay ha-satán. Si Molkhiúl YAOHÚSHUA ang Liwanag ng Buhay! Pinangangalagaan ka ni Molkhiúl YAOHÚSHUA mula sa tatak ng halimaw. Si Molkhiúl YAOHÚSHUA ay naparito upang magbigay ng buhay, at higit na masaganang pamumuhay! Nakikiisa ka na ngayon, hindi sa panibagong relihiyon, kundi sa Persona ni Molkhiúl YAOHÚSHUA hol-MEHUSHKHÁY, na Siyang ganap na nagpalaya sa inyo mula sa kaharian ng kadiliman tungo sa Kaharian ng Kaliwanagan!

Si Molkhiúl YAOHÚSHUA hol-MEHUSHKHÁY na ngayon ang inyong Tagapagligtas, Manunubos, Sanggalang, Tagapagbigay at Pinunong Tagabantay ng inyong kaluluwa. Sa makapangyarihan at mapagmahal na YÁOHU ULHIM ngayon amin kayong inilalagak, magpakailanman!

Sinabi ni Molkhiúl YAOHÚSHUA:

'Huwag ninyong guni-gunihin na naparito Ahnee upang magdala ng kapayapaan sa daigdig! Hindi kapayapaan, kundi tabak! Ahnee ay naparito upang paglabanin ang anak sa kanyang ama, ang anak na babae laban sa kanyang ina, ang manugang na babae laban sa kanyang biyenang babae - ang magiging pinakamahigpit na kaaway ng tao ay mismong ang kanyang mga kasambahay!

Kung mamahalin mo ang iyong tatay o nanay nang higit kaysa sa Akin, ikaw'y hindi karapat-dapat maging Akin; o kung mamahalin mo ang iyong anak na lalaki o babae kaya ng higit kaysa iyong pag-ibig sa Akin, hindi ka karapat-dapat maging Akin. Kung iyong tatanggihan ang Aking ipinapapasan sa iyo't di ka sumunod sa Akin, hindi ka karapat-dapat maging Akin. Kung iyong ipagkakait sa Akin ang iyong buhay, ito'y mawawala; ngunit kung iyong isusuko ang iyong sariling buhay dahil sa Akin, maililigtas mo ito!' - Man-YÁOHU (Mateo) 10:34-39, Banal na Kasulatan.

Lumiham po kayo o kaya'y tumawag sa telepono, anoman po ang inyong pangangailangan, handa po kaming tumulong, bilang aming paglilingkod kay Molkhiúl YAOHÚSHUA na ating Manunubos at Sanggalang. Huwag po kayong mahihiya. Bukas po ang aming puso't palad sa pagtulong sa inyo, bilang mga alipin ng Molkhiúl YAOHÚSHUA hol-MEHUSHKHÁY sa Kanyang katawan, ang Oholyao Molkhiúl YAOHÚSHUA hol-MEHUSHKHÁY. Ipabasa rin ninyo ito sa mga nasa inyong kapaligiran sa bahay, sa gawain o saan pa man, at magpakopya nito upang maipamahagi sa marami.

Ang pinakadakilang pamana na inyong maihahabilin sa inyong mga anak ay hindi ang diploma kundi ang makilala nila ang iisa, totoo at orihinal na Maykapal, si YÁOHU UL, at ang iisa, totoo at orihinal na Messias: YAOHÚSHUA hol-MEHUSHKHÁY! Higit pa Sila kaysa lahat ng kayamanan o diploma kaya sa buong sanlibutan! Nakasulat: si YÁOHU UL ang Siyang nagbibigay ng kapangyarihan upang umunlad sa buhay sa matuwid at malinis na paraan! Si YÁOHU UL ang masasaligang katiyakan sa buhay, hindi ang salapi, mga ari-arian o diploma kaya.

Tandaan: Walang ibang ngalan ang ibinigay sa silong ng langit sa sangkatauhan upang ikaligtas kundi ang iisang Ngalang: YAOHÚSHUA!

Walang ibang ngalan....

Nawa'y ang pagpapala ni YÁOHU UL ay sumainyo lagi;

Nawa'y ang Kanyang mukha ay laging ibaling sa inyo upang kayo'y lingapin at pangalagaan;

Nawa'y kayo'y palagiang puspusin ng kapayapaan, biyaya, kalusugan at walang hanggang pag-ibig at kagalakan, ngayon at magpakailanman;

Haolul-YÁOHU UL Shua-oléym, UL Gavóha, UL Khanyao-ám!

Magkasama nating luwalhatiin si YÁOHU UL, ating itaas ang Kanyang Ngalan!

O YÁOHU, YÁOHU anong pinakamahusay ang Iyong Ngalan sa buong daigdig!

OL SHÚAM GAÚL YAOHÚSHUA hol-MEHUSHKHÁY, am-nám!
(Sa Ngalan ni YAOHÚSHUA hol-MEHUSHKHÁY, siya nawa!)

YAOHÚSHUA - ang iisang pag-asa sa buong daigdig!

Maaari po kayong humingi ng mga walang bayad na mga babasahing ito o kaya'y sa pamamagitan ng electronic text transmissions upang maipadala po sa inyo sa pamamagitan ng koreo, o kaya'y fax, sa diskette o kaya'y sa computer modems sa Internet, maging sa pamamagitan ng WWW, E-Mail o kaya'y FTP.

Gawin ninyo ngayon din!

Simulan na ninyong ipagsabi at gawing patotoo sa iba ang tungkol kay Molkhiúl YAOHÚSHUA na Siya ninyong Tagapamuno at Sanggalang!

Maaari rin po ninyo itong i-download ito, pagkatapos ay i-print, at magpakopya ng marami upang maipamahagi ninyo sa inyong mga kasambahay, kamag-anak, mga kapitbahay, mga kaibigan, mga kasamahan sa trabaho. Maaari rin ninyong ipadala sa amin ang mga ngalan at addresses ng mga inaakala ninyong nangangailangan ng tulong, kagalingan, kalayaan, kahayagan, kaalaman ukol sa mga ito at aming silang padadalhan ng mga aklat na ito nang walang bayad.

Magpatotoo sa kanila na inyo nang natagpuan, nakilala at tinanggap si Molkhiúl YAOHÚSHUA bilang inyong sariling Tagapamuno at Tagapagligtas! Ipagmalaki at ipamalita ninyo palagian sa lahat si Molkhiúl YAOHÚSHUA! Dahil sa Siya ang tunay, totoo, orihinal at nag-iisang Mihushuayao (Tagapagligtas)!

YAOHÚSHUA - ang nag-iisang pag-asa sa buong daigdig!

Tiyakin rin ninyong basahin ang iba pang walang-bayad na babasahing YAOHÚSHUA para sa inyong pagkamulat at paglagong espiritwal! Ang mga babasahing ito ay maaari ninyong makamit sa TEXT o kaya'y HTML, sa mga Pilipino versions, at ang lahat ay wala pong bayad:

Pamagat

'YAOHÚSHUA' - Ang Orihinal Messias!
'YAOHÚSHUA sa Walang-Hanggang Triune!'
'Kagulat-gulat Ngunit Totoo'
'Mga Katangian ng Messias'
'YAOHÚSHUA - Manggagamot at Tagapagpalaya'
'Walang Bayad na Regalo'
'Pakikitungo sa mga Authorities'
'YAOHÚSHUA - Mga Pagbubunyag!'

Filenames

YAO-TAG.TXT
TRI-TAG.TXT
TAGALOG.TXT
MQ-TAG.TXT
EXOR-TAG.TXT
GIFTS-TAG.TXT
BOSS-TAG.TXT
FALSETAG.TXT

 

FTP Mirror Sites:

ftp.wr.com.au/pub/yaohush
ftp.yaohushua.org/pub/yaohush
ftp.Yaohushua.org.za/pub/yaohush

 

Home Webpage:

http://www.YAOHUSHUA.org/index.html

 

E-mail Address:

Cohanul@YAOHUSHUA.ORG.IL

 

WWW Mirror Sites:

http://www.yahushua.org/index.html
http://www.yawhushua.org/index.html
http://Ohol-Yaohushua.Org/index.html
http://www.Yaohushua.org.za/index.html
http://www.yaohushua.org.uk/index.html
http://www.lava.net/ohol_yaohushua/index.html

Ang mga walang-bayad na babasahing YAOHÚSHUA ay inyo ring matatagpuan sa Internet sa mga sumusunod:

Microsoft Network (MSN) - Religious Resources Library
America Online (AOL) - Religion & Ethics Forum - Interfaith Library

Microsoft E-Mail Address:

YAOHUSHUA@email.msn.com

Post Mailing Address:

OHOL YAOHUSHUA
P. O. BOX 1482,
JERUSALEM, ISRAEL 91014

Tayo'y magbalik sa YAOHÚSHUA Home Page ngayon....