Y A O H Ú S H U A Papaanong Makitungo sa Inyong Mga TAGAPAMUNO at sa Mga TAGASUNOD 'Ang bawat tao'y pasakop sa mga pinuno ng pamahalaan. Dahil walang pamahalaang hindi mula kay YÁOHU UL at ang mga pamahalaang umiiral ay itinatag ni YÁOHU UL.' 'Kaya nga, ang lumalaban sa pamahalaan ay lumalaban sa mga itinakda ni YÁOHU UL; at lalapatan ng parusa ang sinumang lumalaban.' 'Ang mga pinuno ay dapat katakutan ng gumagawa ng masama, ngunit walang dapat ikatakot sa kanila ang gumagawa ng mabuti. Ibig mo bang huwag matakot sa mga namumuno? Gumawa ka ng mabuti, at papupurihan ka nila.' 'Sila'y mga lingkod ni YÁOHU UL sa ikabubuti mo. Ngunit matakot ka kung gumagawa ka ng masama, dahil sila'y talagang may kapangyarihang magparusa.' 'Sila'y mga lingkod ni YÁOHU UL at magpaparusa sa mga gumagawa ng masama. Kaya nga, dapat kayong pasakop hindi lamang upang maiwasan ang poot ni YÁOHU UL kundi dahil sa iyon ang matuwid.' 'Iyan din ang dahilan kung bakit kayo nagbabayad ng buwis. Ang mga pinuno ng pamahalaan ay mga lingkod ni YÁOHU UL at sila ang namamahala sa mga bagay na ito.' 'Ibigay ninyo sa bawat isa ang nararapat sa kanya: magbayad kayo ng buwis sa kinauukulan, gumalang sa nararapat igalang at parangalan ang dapat parangalan.' - Roma 13:1-7, Banal na Kasulatan. 'Gayon din ang gawin ninyo para sa mga hari at mga may kapangyarihan upang makapamuhay tayo nang tahimik at payapa, marangal at may kabanalan. Ito ang mabuti at nakasisiya sa Molkhiul YAOHÚSHUA na ang ibig ay maligtas ang yaohod (lahat) ng tao at makaalam ng katotohanan.' 'Mga babae, pasakop kayo sa inyu-inyong asawa tulad ng pagpapasakop ninyo kay Molkhiul YAOHÚSHUA.' 'Dahil ang lalaki ang ulo ng kanyang asawa, tulad ng Molkhiul YAOHÚSHUA na Siyang Ulo ng Oholyao (kalipunan ng mananampalataya), na Kanyang katawan, at Siyang Tagapagligtas nito.' 'Kung paanong nasasakop ng Molkhiul YAOHÚSHUA ang Oholyao, gayon din naman, ang mga babae'y dapat pasakop nang lubusan sa kani-kanilang asawa.' 'Mga lalaki, ibigin ninyo ang inyu-inyong asawa, gaya ng pag-ibig ni Molkhiul YAOHÚSHUA sa Oholyao. Inihandog Niya ang Kanyang buhay para rito, upang ang Oholyao ay italaga kay YÁOHU UL matapos linisin sa pamamagitan ng tubig at ng salita. Ginawa Niya ito upang maiharap sa Kanyang sarili ang Oholyao, marilag, banal walang batik at walang anumang dungis o kulubot.' 'Dapat mahalin ng mga lalaki ang kani-kanilang asawa tulad ng sarili nilang katawan.' 'Ang lalaking nagmamahal sa kanyang asawa ay nagmamahal sa kanyang sarili.' 'Walang taong namumuhi sa sarili niyang katawan, bagkus ito'y pinakakain at inaalagaan, gaya ng ginagawa ng Molkhiul ay YAOHÚSHUA sa Oholyao.' 'Tayo'y mga bahagi ng Kanyang katawan. Dahil dito, iiwan ng lalaki ang kanyang ama't ina at magsasama sila ng kanyang asawa; at sila'y magiging isa.' 'Isang dakilang katotohanan ang inihahayag nito - ang kaugnayan ng Molkhiul YAOHÚSHUA ang tinutukoy ko. Subalit ito'y tumutukoy rin sa bawat isa sa inyo: mga lalaki, mahalin ninyo ang inyu-inyong asawa gaya ng inyong sarili; mga babae, igalang ninyo ang inyu-inyong asawa.' 'Mga anak sundin ninyo ang inyong mga magulang, alang-alang kay Molkhiul YAOHÚSHUA, dahil ito ang nararapat. 'Igalang mo ang iyong ama at ina.' 'Ito ang unang utos na may kalakip na pangako; ganito ang pangako: 'Ikaw ay giginhawa at lalawig ang iyong buhay rito sa lupa.' 'Mga magulang, huwag ninyong ibuyo sa paghihimagsik laban sa inyo ang inyong anak dahil sa malabis ninyong kahigpitan; sa halip, palakihin sila sa tuntunin at aral ni YÁOHU UL.' 'Mga alipin, sundin ninyo ang inyong mga tagapamuno dito sa lupa nang buong galang, takot at katapatan, na parang ang Molkhiul YAOHÚSHUA ang inyong pinaglilingkuran.' 'May nakakikita man o wala, ganyan ang gawin ninyo, hindi upang magbigay lugod sa mga tao kundi dahil sa kayo'y lingkod ng Molkhiul YAOHÚSHUA at kusang-loob na gumaganap ng ibig ni YÁOHU UL.' 'Maglingkod kayo nang may mabuting kalooban na parang sa Molkhiul YAOHÚSHUA kayo naglilingkod at hindi sa mga tao lamang.' 'Dahil alam ninyong gagantihin ni YÁOHU UL ang bawat mabubuting gawa ninoman, alipin man o malaya.' 'Mga tagapamuno, maging mabuti kayo sa inyong mga tagapaglinkod at huwag silang pagbantaan, dahil alam ninyong kayo'y mga tagapaglinkod rin naman ng iisang YÁOHU UL na nasa langit na hindi nagtatangi.' - Efeso 5:22-6:9, Banal na Kasulatan. 'Pasakop kayo sa mga nangangasiwa (rukhaól authorities) sa inyo. Sila'y may pananagutang magbantay sa inyo, at magbibigay-sulit sila kay YÁOHU UL ukol dito.' 'Kung sila'y susundin ninyo, magagalak sila sa pagtupad ng kanilang tungkulin. Kung hindi, sila'y mahahapis, at hindi ito makabubuti sa inyo.' - Hebreo 13:17, Banal na Kasulatan. 'Alang-alang kay YÁOHU UL, pasakop kayo sa yaohod (lahat) ng may kapangyarihan sa bayan: sa Emperador (Pangulo), ang pinakamataas na kapangyarihan, at sa mga gobernador na sugo niya upang magparusa sa mga gumagawa ng masama at magparangal sa mga gumagawa ng matuwid.' 'Dahil ibig ni YÁOHU UL na pabulaanan ng inyong tamang pamumuhay ang sinasabi ng mga hangal dahil sa kanilang kamangmangan.' 'Kayo'y malaya, subalit ang kalayaa'y huwag ninyong gagawing dahilan sa paggawa ng masama kundi mamuhay kayo bilang mga alipin ni YÁOHU UL.' 'Igalang ninyo ang yaohod (lahat) ng tao at mahalin ang mga kapatid kay Molkhiul YAOHÚSHUA. Mamuhay kayong may takot kay YÁOHU UL at may paggalang sa Pangulo.' 'Mga naglilingkod, igalang ninyo at sundin ang inyong tagapamuno, hindi lamang ang mababait kundi pati malulupit.' 'Dahil kasisiyahan ni YÁOHU UL ang nagtiis ng parusa kahit walang kasalanan, bilang pagsang-ayon sa Kanyang ibig.' 'Maipagkakapuri kaya ang magtiis ng parusa kung ito ay dahil sa paggawa ng masama? Hindi! Ngunit pagpapalain kayo ng YÁOHU UL kung kayo'y maparusahan sa paggawa ng mabuti.' 'Ang pagtitiis ng hirap ay bahagi ng pagkahirang sa inyo ng YÁOHU UL; dahil nang si Molkhiul YAOHÚSHUA ay magtiis para sa inyo, binigyan niya kayo ng halimbawang dapat tularan.' 'Hindi Siya gumawa ng anumang kasalanan, o nagsinungaling kailanman, Nang Siya'y alipustain, hindi Siya gumanti. Nang Siya'y pahirapan, hindi Siya nagbanta. Nanalig siya kay YÁOHU UL na Makatarungan.' - 1 Kepas (Pedro) 2:13-23, Banal na Kasulatan. 'At kayong mga babae, pasakop kayo sa inyu-inyong asawa. At kung hindi pa naniniwala sa salita ni YÁOHU UL ang sinuman sa kanila, mahihikayat din silang sumampalataya dahil sa inyong magandang asal. Sapat nang makita nila ang inyong mapitagang kilos at malinis na pamumuhay.' 'Ang inyong ganda'y huwag maging sa kagayakang panlabas lamang, tulad ng pag-aayos ng buhok at pagsusuot ng mga gintong hiyas at mamahaling damit. Sa halip, pagyamanin ninyo ang gandang natatago sa kaibuturan ng puso, ang gandang walang kupas na likha ng mayumi at mahinhing diwa, na lubusang mahalaga sa paningin ng YÁOHU UL. Iyan ang kagandahang pinagyaman ng mga banal na babae noong unang panahon. Sila'y nanalig kay YÁOHU UL at nagpasakop sa kanilang asawa.' 'Iyan ang halimbawang iniwan ni Sara. Sinunod niya't tinawag na 'Tagapamuno' ang asawa niyang si Abruham. Kayo rin ay mabibilang sa kanyang mga anak kung matuwid ang gawa ninyo, at wala kayong kinatatakutang anuman.' 'Kayo namang mga lalaki, pakitunguhan ninyong mabuti ang inyu-inyong asawa, dahil sila'y mahina, at tulad ninyo'y may karapatan din sa buhay na walang-hanggang kaloob sa inyo ni YÁOHU UL. Sa gayon, walang magiging sagabal sa inyong panalangin.' 'Sa wakas, magkaroon kayo ng pagkakaisa, at magtinginan kayong mabuti. Magmahalan kayo bilang magkakapatid, maging maunawain at mababang-loob.' 'Huwag ninyong gantihan ng masama ang gumagawa sa inyo ng masama. Huwag ninyong alipustain ang umaalipusta sa inyo. Sa halip, ipanalangin ninyong sila'y pagpalain yamang hinirang kayo upang tumanggap ng pagpapala ni YÁOHU UL.'- 1 Kepas (Pedro) 3:1-9, Banal na Kasulatan. 'Ipinamamanhik namin, mga kapatid, na igalang ninyo ang mga nagpapagal (rukhaól authorities) para sa inyo, ang mga pinili ng YÁOHU UL upang mamahala at magturo sa inyo. Pag-ukulan ninyo sila ng lubos na paggalang at pag-ibig, dahil sa kanilang gawain. Magsama-sama kayong mapayapa.' - 1 Tesalonica 5:12-13, Banal na Kasulatan. 'Huwag ninyong gantihin ng masama ang masama. Sikapin ninyong mamuhay nang marangal sa yaohod (lahat) ng panahon. Hangga't maaari, makisama kayong mabuti sa yaohod (lahat) ng tao.' 'Mga minamahal, huwag kayong maghiganti; ipaubaya ninyo iyon kay YÁOHU UL. Dahil nakasulat, 'Akin ang paghihiganti, Ahnee (Ako) ang gaganti, sabi ni YÁOHU UL.' Kaya, 'Kung nagugutom ang iyong kaaway, pakanin mo; kung nauuhaw, painumin mo; sa gayon, mapapahiya siya sa kanyang sarili.' 'Huwag kang padaig sa masama, kundi daigin mo ng mabuti ang masama.' - Roma 12:17-21, Banal na Kasulatan. 'Mga babae, pasakop kayo sa inyu-inyong asawa, dahil iyan ang ibig ni YÁOHU UL. Mga lalaki, ibigin ninyo ang inyu-inyong asawa, at huwag silang pagmamalupitan.' 'Mga anak, sundin ninyong lagi ang inyong mga magulang, dahil ikinasisiya iyan ni YÁOHU UL. Mga ama, huwag ninyong kagagalitan nang labis ang inyong mga anak, at baka manghina ang kanilang loob.' 'Mga tagapaglingkod, sundin ninyo sa yaohod (lahat) ng bagay ang inyong pinuno sa lupa. May nakakikita man o wala, gumawa kayo, hindi para kasiyahan ng mga tao, kundi dahil sa kayo'y tapat at may takot kay YÁOHU UL. Anuman ang inyong ginagawa, gawin ninyo nang magaan sa kalooban na waring hindi sa tao kayo naglilingkod kundi kay YÁOHU UL. 'Alam naman ninyong gagantimpalaan kayo ni YÁOHU UL; tatanggapin ninyo ang inilaan niya sa kanyang mga anak. Dahil ang YAOHÚSHUA hol-MEHUSHKHÁY si Molkhiul (Hari) na pinaglilingkuran ninyo. Ang makasalanan naman ay sisingilin Niya sa kanilang kasalanan dahil ang YÁOHU UL ay walang itinatangi.' 'Mga tagapamuno, maging mabuti kayo at makatarungan sa inyong mga tagapglingkod. Alalahanin ninyong kayo man ay may Tagapamuno na nasa langit.' - Colosas 3:18- 4:1, Banal na Kasulatan. 'Hindi maaaring maging tagasunod Ko ang sinumang umiibig sa kanyang ama at ina, asawa at mga anak, mga kapatid, at maging sa sarili niyang buhay nang higit sa Akin. Ang sinumang hindi magpasan ng sariling pasanin at sumunod sa Akin ay hindi maaaring maging tagasunod Ko.' - Lukas 14:26-27, Banal na Kasulatan. 'Ang nakikinig sa inyo'y nakikinig sa Akin, ang nagtatakwil sa inyo'y nagtatakwil sa Akin, at ang nagtatakwil sa Akin ay nagtatakwil sa nagsugo sa Akin.' 'Bumalik na tuwang-tuwa ang pitumpu't dalawa. 'Molkhiul,' sabi nila, 'kahit po ang mga demonyo ay sumusunod kapag inutusan namin, sa Ngalan ninyo.' 'Sumagot si Molkhiul YAOHÚSHUA, 'Nakita Ko ang pagkahulog ni satanas mula sa langit - parang kidlat. Binigyan Ko kayo ng kapangyarihang tumapak sa mga ahas at mga alakdan, at yumurak sa kapangyarihan ng kaaway. Walang anomang makapipinsala sa inyo. Gayunman, magalak kayo, hindi dahil sa suko sa inyo ang masasamang espiritu, kundi dahil sa nakatala sa langit ang mga ngalan ninyo.' - Lukas 10:17-21, Banal na Kasulatan. 'Ipalagay ninyong mabuti ang punongkahoy kung mabuti ang bunga nito, ipalagay naman ninyong masama ang punongkahoy kung masama ang bunga nito.' - Man-YÁOHU (Mateo) 12:33, Banal na Kasulatan. 'Lumapit kay Molkhiul YAOHÚSHUA ang asawa ni Zebedeo, kasama ang kanyang mga anak. May ibig siyang hilingin, kaya't lumuhod siya sa harapan ng Molkhiul YAOHÚSHUA.' 'Ano ang ibig mo?' tanong ng Molkhiul YAOHÚSHUA. Sumagot siya, 'Sana'y ipagkaloob ninyo sa dalawa kong anak na ito ang karapatan na makaupong katabi ninyo sa Inyong kaharian - isa sa kanan at isa sa kaliwa.' 'Hindi ninyo nalalaman ang inyong hinihingi,' sabi ng Gaúl YAOHÚSHUA sa kanila. 'Mababata ba ninyo ang hirap na babatahin Ko?' 'Opo,' tugon nila. Sinabi ng Odmorul YAOHÚSHUA, 'Ang hirap na babatahin Ko'y babatahin nga ninyo. Ngunit wala sa Akin ang pagpapasiya kung sino ang muupo sa Aking kanan at sa Aking kaliwa. Ang mga luklukang sinasabi ninyo'y para sa mga pinaghandaan ng Aking YÁOHU ABÚ (Ama).' 'Nang marinig ito ng sampung alagad, nagalit sila sa magkapatid. Kaya't pinalapit sila ng Molkhiul YAOHÚSHUA at sinabi sa kanila, 'Alam ninyo na ang mga pinuno ng mga Hentil ay naghahari sa kanila, at ang mga dinadakila ang siyang nasusunod.' 'Ngunit hindi ganyan ang dapat umiral sa inyo. Sa halip, ang sinuman sa inyo na ibig maging dakila ay dapat maging sukdulang lingkod ng yaohod.' 'At sinumang ibig maging pinuno ay dapat maging alipin ninyo, tulad ng Anak ng Tao na naparito, hindi upang paglingkuran kundi upang maglingkod at ialay ang Kanyang buhay upang matubos ang marami.' - Man-YÁOHU 20: 20-28, Banal na Kasulatan. 'Tiisin ninyo ang yaohod (lahat) bilang pagtutuwid ng isang ama, dahil ito'y nagpapakilalang kayo'y inaari ni YÁOHU UL na kanyang mga anak. Sinong anak ang hindi itinuwid ng kanyang ama? Kung ang pagtutuwid na ginagawa sa yaohod (lahat) ng anak ay di gawin sa inyo, hindi kayo tunay na anak kundi mga anak sa labas.' 'Tangi sa riyan - pinarurusahan tayo ng ating tatay sa laman, at dahil dito'y iginagalang natin sila. Hindi ba lalong nararapat na tayo'y pasakop kay YÁOHU UL na ating ABÚ (ama) sa espiritu upang mabuhay tayo?' 'Sa loob ng maikling panahon, itinutuwid tayo ng ating magulang, ayon sa inaakala nilang mabuti. Ngunit itinutuwid naman tayo ni YÁOHU UL sa ikabubuti natin upang tayo'y maging banal, tulad Niya.' 'Habang tayo'y itinutuwid hindi tayo natutuwa kundi naghihinagpis. Ngunit pagkaraan niyon, lalasap tayo ng kapayapaang bunga ng matuwid na pamumuhay.' - Hebreo 12: 7-11, Banal na Kasulatan. 'Marami ngang tao ang lumapit kay Yaokanam (Juan) upang pabinyag. 'Kayong lahi ng mga ulupong!' sabi niya sa kanila, 'Sino ang nagbabala sa inyo upang tumakas sa kaparusahang darating? Ipakilala ninyo sa pamamagitan ng inyong pamumuhay na kayo'y nagsisisi.' 'At huwag ninyong ipangahas na kayo'y anak ni Abraham. Sinasabi ko sa inyo, na mula sa mga batong ito ay makalilikha ang YÁOHU UL ng mga tunay na anak ni Abraham.' 'Ngayon pa'y nakaamba na ang palakol sa ugat ng punongkahoy; bawat punongkahoy na hindi nagkakaroon ng mabuting bunga ay pinuputol at inihahagis sa apoy.' At tinanong siya ng mga tao, 'Kung gayon, ano po ang dapat naming gawin?' 'Kung mayroon kang dalawang baro, bigyan mo ng isa ang wala. Ganyan din ang gawin ng mga may pagkain,' tugon niya. 'Dumating din ang mga publikano upang pabinyag at itinanong nila sa kanya, 'Guro, ano po ang dapat naming gawin?' Sumagot siya, 'Huwag kayong sumingil nang higit sa dapat singilin.' Tinanong din siya ng mga kawal. 'At kami, ano naman ang gagawin namin?' 'Huwag kayong manghihingi kaninuman sa pamamagitan ng pamimilit o ng pagparatang ng di totoo; makuntento kayo sa inyong sahod,' sagot niya. - Lukas 3:7-14, Banal na Kasulatan. 'Ang matalinong anak ay ligaya ng magulang, ngunit siphayo ng ina ang anak na mangmang.' - Kawikaan 10:1 'Magandang payo'y tinatanggap ng pusong may unawa, ngunit kapahamakan ang siyang wakas ng mangmang na masalita.' - Kawikaan 10:8 'Ang namumuhay nang tapat ay pinaghaharian ng kapayapaan, ngunit ang may likong landas ay malalantad balang araw.' - Kawikaan 10:9 'Ang matuwid ay mananatili sa kanyang dako, ngunit ang masama, kung saan-saan matutungo.' - Kawikaan 10:30 'Kasuklam-suklam kay YÁOHU UL ang timbangang may daya, ngunit kasiyahan naman ang timbangang tama. Kahihiyan ang laging dulot ng kapalaluan, ngunit ang kababaa'y nagbubunga ng kaalaman.' - Kawikaan 11:1-2 'Anuman ang anihin ng masama ay walang kabuluhan, ngunit ang gawang mabuti ay may biyayang taglay.' - Kawikaan 11:18 'Ang matuwid ay ginagantimpalaan na dito sa lupa, at tiyak na parurusahan ang masasama.' - Kawikaan 11:31 'Ang katuwiran ay nagpapadakila sa isang bayan ngunit ang kasalanan naman ay nagdudulot ng kahihiyan.' - Kawikaan 14:34 'Ang anak na may unawa ay kaligayahan ng isang ama, ngunit ang isang mangmang ay kadustaan ng kanyang ina.' - Kawikaan 15:20 'Kapag ang tao'y kasiya-siya kay YÁOHU UL, pati kaaway niya ay kanyang maaayos.' - Kawikaan 16:7 'Ang bibig ng hari (namumuno) ay bukal ng mga pasiyang kinasihan. Hindi siya namamali sa yaohod (lahat) niyang kahatulan.' - Kawikaan 16:10 'Ang nais ni YÁOHU UL ay tamang timbangan at sa negosyo ay ang katapatan.' - Kawikaan 16:11 'Di dapat tulutan ng isang hari (namumuno) ang gawang kasamaan pagkat ang tatag ng pamamahala ay nasa katarungan.' - Kawikaan 16:12 'Ang ibig pakinggan ng hari ay ang katotohanan at ang nagsasabi nito ay kanyang kinalulugdan.' - Kawikaan 16:13 'Sinisikap ng matalino na masiyahan ang kanyang hari, pagka nagalit ang hari, may buhay na masasawi.' - Kawikaan 16:14 'Ang kagandahang-loob ng hari ay parang ulap na makapal, may dalang ulan at taglay na buhay.' - Kawikaan 16:15 'Higit pa sa ginto ang karununga't kaalaman, mahalaga kaysa pilak ang unawang tinataglay.' - Kawikaan 16:16 'Ang landas ng matuwid ay palayo sa kasamaan, ang maingat sa paglakad ay nag-iingat sa kanyang buhay.' - Kawikaan 16:17 'Kapag masama ang iginanti sa mabuting ginawa, ang sumpa sa iyong sambahayan ay di mawawala.' - Kawikaan 17:13 'Ang humahatol sa walang kasalanan at ang umaayon sa kasamaan, sa paningin ni YÁOHU UL ay kapwa kasuklam-suklam.' - Kawikaan17:15 'Nagpapakataas ang tao hanggang hindi bumabagsak, ngunit kababaan ang daan ng buhay na sakdal dilag.' - Kawikaan 18:12 'Ituwid mo ang iyong anak habang may panahon, kung hindi'y ikaw pa ang nagtulak sa kanyang kapahamakan.' - Kawikaan 19:18 'Sinumang sumumpa sa kanyang magulang, parang ilaw na walang ningas ang wakas ng kanyang buhay.' - Kawikaan 20:20 'Huwag mong gantihin ng masama ang masama, tutulungan ka ng YÁOHU UL, sa kanya ka magtiwala.' - Kawikaan 20:22 'Ang YÁOHU UL ay napopoot sa panukat na di tama, siya ay namumuhi sa timbangang magdaraya.' - Kawikaan 20:23 'Ang haring tapat at makatarungan ay magtatagal sa kanyang luklukan.' - Kawikaan 20:28 'Hawak ni YÁOHU UL ang isip ng isang hari (namumuno) at naibabaling niya ito kung saan Niya ibigin.' - Kawikaan 21:1 'Ang pagkatakot kay YÁOHU UL at ang kapakumababaan ay nagbubunga ng yaman, buhay at karangalan.' - Kawikaan 22:4 'Ituro sa bata ang daang dapat niyang lakaran, at hanggang sa paglaki'y di niya ito malilimutan.' - Kawikaan 22:6 'Ang magiliw mangusap at may pusong dalisay pati ang hari'y magiging kaibigan.' - Kawikaan 22:11 'Likas sa mga bata ang pagiging pilyo ngunit sa pamamagitan ng palo, sila'y matututo.' - Kawikaan 22:15 'Disiplinahin mo ang bata. Ang tamang pagpalo ay hindi niya ikamamatay, manapa'y ililigtas mo ang kanyang buhay.' - Kawikaan 23:13-14 'Anak, maging matalino ka at pag-isipan mong mabuti ang iyong buhay. Huwag kang makikisama sa mga lasenggo at sa masiba sa pagkain. Pagkat sila'y masasadlak sa kahirapan, at darating ang panahong magdadamit ng basahan.' - Kawikaan 23:19-21 'Anak, igalang mo ang YÁOHU UL, gayon din ang hari (namumuno). Huwag mong susuwayin ang sinuman sa kanila pagkat bigla na lang kayong mapapahamak. Hindi ka ba natatakot sa pinsalang magagawa nila sa iyo?' 'Narito pa ang ilang mahahalagang kawikaan: 'Hindi dapat magtangi sa pagpapairal ng katarungan. Ang hukom na nagpapawalang-sala sa may kasalanan ay itinatakwil ng tao at isinusumpa ng bayan. Ang nagpaparusa sa masama ay mapapabuti at pagpapalain.' - Kawikaan 24:21-25 'Kapag ang pilak ay dalisay, may magagawa na ang panday. Kapag ang masamang tagapayo'y naalis sa paligid ng hari (namumuno), ang katarungan ang mamamalagi.' 'Huwag kang magmataas sa harap ng hari ni ihanay ang sarili sa mga taong pili. Pagkat higit na mabuting sabihin sa iyong, 'Halika rini,' kaysa hamakin ka sa harap ng marami.' - Kawikaan 25:4-7 'Higit na mabuti ang panunumbat nang hayagan kaysa ipakita mo na wala kang pagmamahal.' - Kawikaan 27:5 'Ang nag-aalaga sa punong igos ay makakakain ng bunga niyon; ang nagmamalasakit ay pararangalan naman ng kanyang tagapamuno.' - Kawikaan 27:18 'Ang bayan ay magulo kung may nag-aagawan sa kapangyarihan, ngunit kung matalino ang namumuno ang bansa ay magtatagal.' - Kawikaan 28:2 'Ang masama ay pinupuri ng masuwayin sa batas, at kalaban nila ang mga taong sa tuntunin nanghahawak. Hindi alam ng masama kung ano ang katarungan, ngunit sa mga alipin ni YÁOHU UL ay lubos itong malinaw.' - Kawikaan 28:4-5 'Ang haring walang pang-unawa ay tiyak na malupit, ang pamamahala ng tapat na hari ay lalawig.' - Kawikaan 28:16 'Ang taong ayaw magbago ay hindi maliligtas. Ang hindi makinig ng payo ay mapapahamak. Kapag matuwid ang namamahala, nagsasaya ang madla, ngunit matamlay ang bayan kung ang pinuno ay masama.' - Kawikaan 29:1-2 'Ang anak mo'y busugin sa pangaral, at pagdating ng araw, siya'y iyong karangalan.' - Kawikaan 29:17 'Kapag ang lingkod mo ay iyong pinalayaw, siya na ang mag-uutos pagdating ng araw.' - Kawikaan 29:21 'Sundin mo ang utos ng hari, at huwag padalus-dalos sa pagbibitiw ng pangako kay YÁOHU UL. Lumayo ka sa harap ng hari at huwag mong ipagpipilitan ang anumang labag sa ibig niya pagkat maaari niyang gawin ang maibigan niya. Ang utos ng hari ay di mababali at walang makatutol sa anumang gawin niya. Ang masunurin ay di mapapahamak at alam ng matalino kung ano ang dapat gawin, kung kailan, at kung paano dapat isagawa. May kanya-kanyang panahon at paraan para sa yaohod (lahat) ng bagay ngunit di natin ito ganap na nalalaman.' - Mangangaral 8:2-6 'Ni sa isip ay huwag susumpain ang iyong pinuno ni sa pag-iisa'y huwag hamakin ang mayayaman pagkat may pakpak ang balita, may tainga ang lupa.' - Mangangaral 10:20 'Kung ang pinuno mo'y magalit sa iyo, huwag kang magbibitiw sa iyong tungkulin. Pagkat maging ang malaking pagkakamali ay mapatatawad kung ipagsasawalang-kibo.' - Mangangaral 10:4 'Huwag kayong makikiisa sa karamihan, sa paggawa ng masama o sa paghadlang sa katarungan. Ngunit huwag rin ninyong kikilingan ang mahihirap dahil lang sa kanilang kalagayan.' - Exodo 23:2-3 TANONG: Ano ang ibig sabihin ng 'tagapamuno (o pinuno)' at 'tagasunod (o alipin)?' SAGOT. Pinuno - isang taong may kapamahalaan, katungkulan at kapangyarihan upang mamuno, mag-utos, magsubaybay sa kanyang mga tagasunod at siyang nangangalaga, tumutulong at nagbibigay ng kanyang makakaya para sa kapakanan ng kanyang mga tagasunod. B. Tagasunod - yaong nasa ilalim ng pangangalaga, suporta at kapamahalaan niyaong kanyang mga pinuno upang magampanan nang maayos ang kanyang mga tungkulin. TANONG: Sinu-sino ang mga tagapamuno? SAGOT: Una ay ang pamahalaan sa isang bansa. Kasama na rito ang yaohod (lahat) ng mga nasa politikal na larangan tulad ng pangulo, punong ministro, mga hukom, mga senador, mga alkalde, pinuno ng hukbong sandatahan, mga pulis at iba pa. Ang ibang bansa ay pinamumunuan ng batas militar, ang ilan naman ay dynasties, ang iba naman ay mga samahan ng relihiyon ang namumuno. Maging anumang uri ng pamamahala ang siyang nagpapatupad sa isang bansa, ang mamamayang nakatira rito ay isang lehitimong mamamayan na dapat sumunod sa kanilang ipinag-uutos at sila ay nasa ilalim ng kanilang kapangyarihan at siyang may pananagutang mangalaga at magbantay sa kanila, na siyang kasiya-siya sa paningin ni YÁOHU UL. Ikalawa ay ang mga 'rukhaól authorities' (mga namumuno sa larangan espiritwal), na kadalasan ay Oholyao - Congregation o kaya'y simbahan na kanilang inaaniban, na pinili ng mga mananampalataya upang sila ay maging kaisa rito. Ikatlo ay ang kanilang mga magulang sa laman, kung hindi pa sila nag-aasawa, we yaong lehitimong step-father o step-mother, kung ang iyong tunay na mga magulang ay namatay na. Yaong mga kinakasama ng iyong mga magulang ay hindi mo lehitimong authority kung buhay pa ang tunay mong magulang, kahit na magkahiwalay nang matagal na panahon. Tandaan po ninyo na kapag labag sa sinasabi ng Molyao-Ul yaong mga batas na gawa ng tao, kailangan po nating sundin iyong sinasabi ni YÁOHU UL kaysa sa mga batas ng tao. Isang halimbawa nito ay ang ukol sa pag-aasawa at paghihiwalay. Kinamumuhian ng YÁOHU UL ang yaohod ng uri ng paghihiwalay na pinapayagan naman ng ibang pamahalaan. Kaya sa ganitong pangyayari higit susundin at paiiralin natin ang utos ni YÁOHU UL kaysa sa batas ng tao. 'Kaya sinasabi Ko sa inyo: sinumang lalaking humiwalay sa kanyang asawa sa anumang dahilan liban sa pakikiapid, at mag-asawa sa iba, ay nangangalunya,' sabi ng Molkhiul YAOHÚSHUA. Isa pang halimbawa nang labag sa utos ni YÁOHU UL ay yaong paghahadlang ng pamahalaan sa malayang pagsasagawa ng mga pagtitipon at pagsamba ng mga mananampalataya, na kung saan kadalasang nangyayari doon sa mga bansang walang kinikilalang UL (Pinakamakapangyarihan Walang-Hanggan) o atheists, mga komunistang bansa, kahit na ipagbawal ang pagsamba kay YÁOHU UL, katungkulan pa rin ng mananampalataya na Siya ay sundin kahit na anong mangyari. Ang ikaapat ay yaong mga asawang lalaki na siyang ulo ng sambahayan, kung legal na kasal ang babae sa kanya. Kung ikaw ang nakababatang kapatid, at isang anak, ang iyong authority ay ang iyong mga magulang, mga nakatatandang kapatid na wala pang asawa. Ang ikalima ay yaong amo mo sa iyong pinagtatrabahuhan at iba pang higit nakatataas ang tungkulin kaysa sa iyo. Kasama sa larangang ito ang may-ari ng iyong inuupahang bahay (kung ikaw ay nangungupahan), mga manager, supervisor, foremen, atbp. Kung ikaw ay isa pang mag-aaral, ang authority mo naman ay ang iyong punong-guro, mga guro at professor habang ikaw ay nasa paaralan. T. Sino naman ang iyong mga tagasunod (subordinates)? S. Kung isang pinuno sa pamahalaan, halimbawa ay ang pangulo, ang kanyang kapamahalaan ay doon lamang maaaring pairalin sa bansang kanyang nasasakupan at hindi sa ibang bansa. Yaon namang gobernador, mga alkalde, mga hukom, mga pulis ay may kanya-kanya ring pook na pinamamahalaan. Kung may isang dayuhan na nakikipamayan sa isang bansa, kailangan niyang magpasakop at igalang kung ano man ang batas na umiiral sa bansang iyon, kahit pa isa lamang siyang panauhin. Hindi naman inaasahan ni YÁOHU UL na sumunod at magpasakop yaong ibang hindi naman mamamayan sa pook na saklaw ng pamamahala na iyon. Kung siya ay isinilang sa Canada, hindi ka naman pipiliting sumunod sa pangulo ng Mexico kung hindi ka naman doon nakatira. Ganoon din pagdating sa mga pinuno sa pamahalaan, mga pinagtatrabahuhan, kung hindi naman saklaw ng pinunong iyon ang pook na iyon ay hindi mo na kinakailangan pang sundin at hindi pinapayagan ni YÁOHU UL ang ganitong labag sa saklaw ng pamamahala. Ang nasasakupan naman ng isang pinuno sa samahan ng mananampalataya ay ang kanyang naka-rehistrong mga kasapi. Subalit ayon sa Molyao-Ul si Molkhiul YAOHÚSHUA mismo ang tunay na Pinuno o Ulo ng katawan (Oholyao). Marami sa mga samahan ang nagtatatag ng mga matatanda sa Oholyao o Boards of Deacons na siyang may kapamahalaang magsugo ng mga tagapagturo at tagapaglingkod. Dahil rito, ang mga kasapi ay kinakailangang magpasakop sa mga utos ng tagapagturo at mga tagapaglingkod, bilang kasangkapan noong mga matatanda sa Oholyao (Board of Deacons). Masasabing ang bawat kasapi sa isang samahan ay magkakapatid at binigyan ni YÁOHU UL ng iba't ibang regalo, sa ilalim ng pamamahala ng 'RÚKHA-YAOHÚSHUA' at ang Pinakaulo o Pinuno ay walang iba kundi si Molkhiul YAOHÚSHUA. Sa madaling salita, sa pamamagitan ng paglilingkod isinasagawa ang mga gawain sa isang Oholyao, ang sinumang nais maging dakila ay kailangang maglingkod. Sinabi ng Gaúl YAOHÚSHUA: 'Alam ninyo na ang mga pinuno ng mga Hentil ay naghahari sa kanila, at ang mga dinadakila ang siyang nasusunod. Ngunit hindi ganyan ang dapat umiral sa inyo. Sa halip, ang sinuman sa inyo na ibig maging dakila ay maging pinunong lingkod.' Kung ikaw naman ay isang lalaking magulang, nasa ilalim ng iyong pamamahala ang iyong mga anak, mga legal na inampong mga bata, mga katulong sa bahay at iba pang naninilbihan sa iyong tahanan. Hindi na niya saklaw ang mga anak ng kanyang kapitbahay. Kasama rin sa iyong subordinate ang iyong asawa (babae). Kung ikaw naman ay isang anak, ang iyong subordinates ay ang iyong nakababatang kapatid kung hindi pa sila nag-aasawa, kasama rin dito ang mga katulong ninyo sa bahay. Hindi mo subordinate iyong mga anak ng iyong kapatid o mga pamangkin; ni mga anak man ng mga kamag-anak mo o pinsan kaya dahil labas na ang mga ito sa saklaw ng iyong pamamahala. Yaon namang mga guro o punong-guro, ang kanilang mga subordinates ay yaohod (lahat) ng mga mag-aaral na pumapasok sa kanilang paaralan na nagpapasakop sa kanilang mga alituntunin, at nasa ilalim ng kanilang pangangalaga, pagdidisiplina at paggagabay, habang ang mga ito'y nasasa kanilang paaralan. Kung isang business manager, yaon namang kanyang nasasakupan ay yaong manggagawa sa kanilang pinagtatrabahuhan. Kung mga driver ng sasakyan, piloto ng eroplano o kaya'y ng barko, ang kanilang subordinates ay ang yaohod (lahat) ng kanilang mga pasahero kasama na ang iba pang kasamahan sa sasakyang iyon. Kung ikaw naman ay may-ari ng isang bahay panuluyan o mga pinapaupahang bahay, yaong mga nakikitira sa iyo o umuupa ang iyong mga subordinates, sa mga bagay lamang na ukol sa iyong paninirahan o panunuluyan doon; hindi na labas pa sa mga bagay na ito. Yaon namang mga lingkod sa pamahalaang tinagubilinan ukol sa pagkuha ng mga basura at pagpapairal ng kalinisan ang siyang mga lingkod ni YÁOHU UL sa pagpapanatili ng kalinisan at kaayusan sa kapaligiran. Sila ri'y ating mga tagapamuno, kung ukol lamang sa mga bagay na may kaugnayan sa kalinisan sa kapaligiran, ngunit hindi na ukol sa mga bagay na labas rito. Kung sa pakikipagkalakalan naman, ang pinakapinuno nila ay ang mga 'shareholders' (mga may bakas sa pamumuhunan) na siyang pumipili at naglalagay sa mga bubuo ng tinatawag na 'Board of Directors' o lupon ng mga tagapangasiwa ng isang kumpanya. Ang 'Board of Directors' naman ang nagtatalaga ng mga bubuo ng 'management team' o mga talagang kikilos sa pangangasiwa nito. Ang management team (manager, supervisor, foremen, atbp.) ay mananagot sa 'Board of Directors' at ito naman ay mananagot sa mga 'shareholders' o mga may ambag sa pamumuhunan noong kumpanya. Kung ikaw naman ay isang kasapi sa isang Internet Service Provider, inaasahan ni YÁOHU UL na susundin mo ang kanilang mga patakaran at magpapasakop sa kanilang mga alituntunin, sa mga bagay na ukol sa iyong Internet connection lamang, hindi na labis pa rito. T: Sino ang nagtatag o pasimuno ng pamahala at pangangalaga? S: Ang YÁOHU UL ang siyang nagpatupad ng ganitong sistema sa kapamahalaan ng mga pinuno at ng kanilang mga nasasakupan. Na may pangunahing layuning hubugin sa tamang pag-uugali ang kanilang mga subordinates, disiplinahin at pagsasanay sa tamang pakikitungo. Ang kabuoang layunin ay ang pagsawata sa masasamang pag-uugali ng mga subordinates; sa madaling salita ay upang masupil ang kasamaan at maisakatuparan ang kagandahang asal - dahil simula noong nagkasala ang unang tao ay nawala na sa direksiyon ang 'rukhaól' o espiritwal na pakikitungo niya sa YÁOHU UL. Nagsimula na ito simula pa noong unang paglikha sa sanlibutan. Matatandaang ibinigay ng YÁOHU UL ang yaohod (lahat) ng kapamahalaan kay Adan na siyang Pinuno at ang kanya namang makakatulong ay si Khavyao (Eva). Kapwa sila mayroong pananagutan kay YÁOHU UL na siyang Pinakamakapangyarihan sa yaohod (lahat), na siyang nagbigay kay Adan ng kapamahalaan bilang pinuno sa halamanan at ng buong daigdig, subalit nabigo ang sangkatauhan. 'Inilagay ni YÁOHU UL ang tao sa halamanan ng Eden upang ito'y pangalagaan at pagyamanin.' Sinabi Niya sa tao, 'Makakain mo ang alinmang bungangkahoy sa halamanan, maliban sa bunga ng punongkahoy na nagbibigay ng kaalaman tungkol sa mabuti at masama. Huwag na huwag mong kakanin ang bungan iyon; mamamatay ka kapag kumain ka niyon.' Matapos gawin ang yaohod (lahat) ng ito, sinabi ni YÁOHU UL, 'Hindi mainam na mag-isa ang tao; bibigyan Ko siya ng makakasama at makakatulong.' 'Kaya, lumikha Siya ng mga hayop sa parang at ibon sa himpapawid, inilapit sa tao, at ipinaubaya dito ang pagbibigay ng ngalan sa mga iyon. Kung ano ang kanyang itawag, iyon ang magiging ngalan nila. Ang tao nga ang nagbigay ng ngalan sa lahat ng ibong at mga hayop, maging maamo o mailap. Ngunit wala isa man sa mga ito ang angkop na kasama at katulong niya.' 'Kaya't pinatulog ni YÁOHU UL ang tao. Samantalang nahihimbing, kinuha Niya ang isang tadyang nito at pinaghilom ang laman sa tapat niyon. Ang tadyang na iyo'y ginawa niyang isang babae, at inilapit sa lalaki.' - Genesis 2:15-22 Subalit noong nalinlang ni satanas si Khavyao at kasunod na rin si Adan, siyang pasimula ng kanilang paghihimagsik laban kay YÁOHU UL na siya namang naging pasimula rin ng pagsapaw ni satanas sa kapamahalaang ibinigay sa kanya ni YÁOHU UL na pamahalaan ang sandaigdigan. 'Ang ahas ang pinakatuso sa lahat ng hayop na nilikha ng YÁOHU UL. Minsa'y tinanong nito ang babae, 'Totoo bang sinabi ni YÁOHU UL na huwag kang kakain ng anumang bungangkahoy sa halamanan?' Tumugon ang babae, 'Hindi naman! Ipinakakain sa amin ang anumang bunga sa halamanan, huwag lamang ang bunga ng puno na nasa gitna niyon. Pag kami raw ay kumain ng bunga nito o humipo man lamang sa punong iyon, mamamatay kami.' 'Hindi totoo iyan, hindi kayo mamamatay,' wika ng ahas. 'Gayon ang sabi ni YÁOHU UL, dahil alam Niyang kung kakain kayo ng bunga niyon, magkakaroon kayo ng pagkaunawa. Kayo'y magiging parang UL; malalaman ninyo ang mabuti at masama.' 'Napakaganda sa paningin ng babae ang punongkahoy at sa palagay niya'y masarap ang bunga nito. Nabuo sa isipan niya na mabuti ang maging marunong, kaya't pumitas siya ng bunga at kumain. Kumuha rin siya para sa kanyang asawa, at kumain din ito. Nagkaroon nga sila ng pagkaunawa matapos kumain. Noon nila nalamang sila'y hubad, kaya kumuha sila ng mga dahon ng igos, pinagtagni-tagni at ginawang panakip sa katawan.' 'Pagdadapit-hapon, narinig nilang naglalakad sa halamanan ang YÁOHU UL, kaya't nagtago sila sa kahuyan. Datapwat tinawag ni YÁOHU UL ang lalaki at tinanong, 'Saan ka naroon?' 'Natakot po ahnee (ahnee) nang marining ko Kayong nasa hardin; nagtago po ahnee (ahnee) dahil ahnee'y hubad,' tugon ng lalaki. 'Sinong may sabi sa iyong hubad ka?' tanong ni YÁOHU UL. 'Bakit, kumain ka ba ng bungang ipinagbabawal Ko?' 'Kasi, pinakain po ahnee ng babaing ibinigay Ninyo sa akin,' tugon ng lalaki. 'Bakit mo naman ginawa iyon?' tanong ni YÁOHU UL sa babae. 'Mangayari po'y nilinlang ahnee (ahnee) ng ahas, kaya ahnee natuksong kumain,' tugon naman niya. 'At sinabi ni YÁOHU UL sa ahas: 'Sa iyong ginawa'y may parusang dapat, na tanging ikaw lang yaong magdaranas; ikaw ay gagapang, ang hatol kong gawad, at alikabok ang pagkaing dapat. Kayo ng babae'y laging mag-aaway, binhi mo't binhi niya'y laging maglalaban. Ito ang dudurog ng ulo mong iyan, at ang sakong niya'y ikaw ang tutuklaw.' 'Sa babae nama'y ito ang salaysay: 'Sa pagbubuntis mo ay mahihirapan, lalo kung sumapit ang 'yong pagluluwal; ang lalaking ito na asawang hirang, susundin mong lagi habang nabubuhay.' Hinarap naman ni YÁOHU UL si Adan at ganito ang sinabi: 'Pagkat nakinig ka sa asawang hirang nang iyong kainin yaong bungang bawal; sa nangyaring ito, ang lupang tanima'y Aking susumpain magpakailanman, ang lupaing ito para pag-anihan pagpapawisan mo habang nabubuhay. Mga damo't tinik ang 'yong aanihin, halaman sa gubat ang iyong kakanin; upang pag-anihan ang iyong bukirin, magpakahirap ka hanggang sa malibing. Yamang sa alabok, doon ka nanggaling sa lupang alabok ay babalik ka rin.' 'Khavyao ang itinawag ni Adan sa kanyang asawa, dahil ito ang ina ng sangkatauhan. Ang mag-asawa'y binigyan ni YÁOHU UL ng mga damit na yari sa balat ng hayop. Sinabi ni YÁOHU UL: 'Katulad na Natin ngayon ang tao, dahil alam na niya ang mabuti at masama. Hindi na siya dapat tulutang kumain ng bungangkahoy ng buhay at baka hindi na siya mamatay.' Kaya, pinalayas nga siya ni YÁOHU UL at sa dakong silangan ng halamanan ng Eden ay naglagay Siya ng bantay na kerubin. Naglagay rin Siya ng espadang nagniningas upang hindi malapitan ninuman ang punongkahoy ng buhay.' - Genesis 3, Banal na Kasulatan. Maibabalik lamang muli ang buong kapamahalaang ibinigay kay Adan sa sandaling magpasakop at sumunod sa Gaúl YAOHÚSHUA - Roma 5:12-21, Banal na Kasulatan. Mapapansin rin natin na kabilang sa mga kasalanan nila Adan at Khavyao ay ang pananapaw na ginawa ni Khavyao kay Adan, at ang pakikipantay sa kanya, bagamat siya'y nilalang bilang kaagapay at katu-katulong ng lalaki. Matapos ang kabiguan ni Adan ay saka ngayon nagtatag ang sangkatauhan ng sistema sa pamamahala dahil nga sa nahiwalay sa Makapangyarihang YÁOHU UL ang sangkatauhan, ito ay hinayaan ng YÁOHU UL dahil nga sa ginawang paghihimagsik nila Adan. T: Bakit itinatag ang sangay ng kapamahalaan sa mga tagapamuno at tagasunod? S: Upang mapanatili ang kapayapaan, kaayusan, katahimikan at kaligtasan ng marami. Ang pagtatatag ng sistema patungkol sa tagapamuno at tagasunod ay matagal nang ipinatutupad ni YÁOHU UL sa Kaniyang kaharian. Dito naman sa sangkalupaan, ito ay isinasakatuparan upang masugpo ang kasamaan at kapahamakan at upang ang mapairal ay ang katahimikan, kapayapaan sa buong sangkatauhan. Si ha-satán ang kaaway ng sangkatauhan kasama na rito ang kanyang mga kampong masasamang espiritu. Ang tangi nilang layunin ay ang magnakaw, pumatay at manira sa buhay ng mga tao. Kaya, ang tanging panangga laban sa mga ito ay ang pangangalaga na inilaan ni YÁOHU UL sa bawat isa sa pamamagitan ng tinatawag na balangkas ng pamahalang 'authority-subordinate'. Madaling mauunawaan ang mga tagapamuno bilang mga payong ng pangangalaga na itinalaga upang tayo'y magtamasa ng katiwasayan sa buhay. Sila rin ang mga kasangkapan ni YÁOHU UL upang mahubog sa bawat isa ang maiinam na pag-uugali na inaasahan ni YÁOHU UL sa ating buhay bilang Kanyang mga nilikha. Sila rin ang binigyan ng kapamahalaan ni YÁOHU UL na pagpalain ang mga masunurin at parusahan naman ang mga sumusuway. At sila rin ang pinagkatiwalaan ni YÁOHU UL upang siyang mamahala sa kapakanan ng mga tagasunod. Ang mga mamamayan sa isang bansa ay pinangangalagaan laban sa pananakop ng mga dayuhan sa pamamagitan ng mga itinatag na hukbong sandatahan bilang kanilang sanggalang, sa gayon ay magtamasa ng katiwasayan at katahimikan ang buong mamamayan. Ang mga anak naman ay pinangangalagaan ng kanilang mga magulang laban sa anumang gawa ng masasamang tao, mga krimen, mga kapahamakan, kaguluhan, mga ipinagbabawal na gamot, at masasamang impluwensiya sa lipunan. Ang mga mananampalataya naman sa isang samahan ay pinangangalagaan ng kanilang 'rukhaól' (espiritwal) na tagapamuno laban sa mga maling turo, iba't-ibang uri ng gawa at panlilinlang ni ha-satán at iba pang occult at lihim na mga gawa ng kadiliman. Ang mga manggagawa naman ay pinangangalagaan naman mula sa anumang uri ng kagutuman at yaohod (lahat) ng uri ng katamaran sa pinagtatrabahuhan. Ang mamamayan naman ay pinangangalagaan ng mga alagad ng batas, sa ilalim ng pamamahala ng mga alkalde at konsehales laban sa yaohod (lahat) ng uri ng krimen. Dahil itinuturing ni YÁOHU UL na mga lingkod (ministers) ang mga pulis at iba pang maykapangyarihan sa pamahalaan, kung kaya nararapat lang nating ibigay ang ating buong pusong paggalang, lubusang pagpapasakop hindi dahil sa kapakanan nila kundi para na rin sa buong bayan. Ang buong mamamayan naman ay pinangangalagaan ng hukuman mula sa anumang uri ng pang-aabuso at pagkakait ng mga karapatang pantao. Kung walang pamahalaan, hukbong sandatahan, mga rukhaól na samahan, mga magulang, at mga namamahala sa paaralan at mga pinagtatrabahuhan, maraming mga kaguluhan, pagkalito, mga imoralidad at kasamaan ang iiral sa pamayanan dahil iisipin ng isa na tama ang kanyang palagay at iisipin naman ng isa na tama pa rin ang kanyang haka-haka. Dahil dito, ang buong sangkatauhan ay magdaranas ng hirap at pasakit kapag ganoon ang mangyayari. Kaya iyon ang dahilan kung bakit pinalalakas ni YÁOHU UL ang puwersa ng mga nanunungkulan bilang mga pinuno samantalang pinahihina naman ang mga puwersa ng kaaway. Ang layunin naman ni satanas ay ibagsak ang bawat namumuno at mga pamamahala, at palakasin ang mga mapaghimagsik at mga suwail. Ang matinong subordinate ay palagian papanig sa piling ng palagiang magpagwagi, ang YÁOHU UL. T: Papaanong makikitungo sa iyong tagapamuno? S: Nang may tamang pakikitungo at mainam na pag-uugali. MAINAM NA PAG-UUGALI Nasisiyahan ang YÁOHU UL kung ang mga tagasunod ay may mainam na pag-uugali sa kanyang mga pinuno ng parang kay Molkhiul YAOHÚSHUA nila ginagawa. 'Mga babae, pasakop kayo sa inyu-inyong asawa, dahil iyan ang ibig ni YÁOHU UL. Mga lalaki, ibigin ninyo ang inyu-inyong asawa, at huwag silang pagmamalupitan.' 'Mga anak, sundin ninyong lagi ang inyong mga magulang, dahil ikinasisiya iyan ni YÁOHU UL. Mga ama, huwag ninyong kagagalitan nang labis ang inyong mga anak, at baka manghina ang kanilang loob.' 'Mga alipin, sundin ninyo sa yaohod (lahat) ng bagay ang inyong tagapamuno sa lupa. May nakakikita man o wala, gumawa kayo, hindi para kalugdan ng mga tao kundi dahil sa kayo'y tapat at may takot kay YÁOHU UL.' 'Anuman ang inyong ginagawa, gawin ninyo nang magaan sa kalooban na waring hindi sa tao kayo naglilingkod kundi kay YÁOHU UL. Alam naman ninyong gagantimpalaan kayo ni YÁOHU UL; tatanggapin ninyo ang inilaan Niya sa Kanyang mga anak. Dahil si Molkhiul YAOHÚSHUA ang talagang Odmorul na pinaglilingkuran ninyo.' 'Ang makasalanan naman ay sisingilin Niya sa kanilang kasalanan dahil ang YÁOHU UL ay walang itinatangi.' 'Mga tagapamuno, maging mabuti kayo at makatarungan sa inyong mga alipin. Alalahanin ninyong kayo man ay may Tagapamuno (YÁOHU UL) sa langit.' - Colosas 3:18-4:1, Banal na Kasulatan. Ang isang tagasunod ay kinakailangang maging masunurin. Ang salitang 'pagsunod' ay nangangahulugang pagtugon, pagsunod, pagpapasakop at pagsasagawa ng ipinag-uutos ng iyong tagapamuno. Hindi sa pamamagitan ng malasadong pamamaraan kundi - 1. daglian 2. kumpleto 3. may buong kahusayan 4. at may kagalakan Ang antalang pagsunod ay isang uri ng pagsuway. Ang hindi kumpletong pagsunod ay isang uri rin ng pagsuway. Yaong mga sumusunod nang may kapaitan at mabigat sa kalooban ay hindi kasiya-siya sa paningin ni YÁOHU UL. Mga paglabag na itinuturing ang mga ganitong uri ng pagsunod daw. Ang yaohod ng gawain ng isang tamad at di-mapagkakatiwalaang lingkod ay maaaring patawan ni YÁOHU UL ng karapatang parusa na Siyang nakakikita ng lahat ng kanyang ginagawa araw-araw. Ang YÁOHU UL ay hindi natutulog ni hindi naiidlip; ang Kaniyang mga paningin ay nakamasid sa bawat isa sa sandaigdigan upang Kaniyang patunayan na Siya'y Makapangyarihan para sa kapakanan ng may mga pusong ganap kay YÁOHU UL. Ang isang lingkod na sumusunod nang daglian, kumpleto, may kahusayan at may kagalakan ay tiyak na tatanggap ng masagana at nag-uumapaw na mga gantimpala (at pag-angat) na mula kay YÁOHU UL. 'Hindi sa silangan, hindi sa kanluran, hindi rin sa timog o sa hilaga man darating ang pag-unlad na inaasahan. Tanging YÁOHU UL ang siyang hahatol, sa magtatagumpay o mapaparool.' - Awit 75:6-7 Subalit ang isa namang lingkod na sumusunod nang may pagsasawalang-bahala, ng may kabagalan, ng may pagpapaliban, ng hindi naman kumpleto, at may pagkamuhi ay tiyak na parurusahan ni YÁOHU UL. Kung ano man ang ginawa natin sa ating mga pinuno, pakatandaan po natin na iyon din ang gagamitin ni YÁOHU UL na panukat sa bawat ginawa ng bawat isa. Kung ano ang ginawa nating paglilingkod sa ating mga pinuno ay parang kay Molkhiul YAOHÚSHUA natin ginagawa. 'Ang poot ng hari ay parang leong umuungal ngunit ang kanyang panglingap ay parang hamog sa halaman.' - Kawikaan 19:12 'Ang anak na suwail sa magulang ay anak na masama at walang kahihiyan.' - Kawikaan 19:26 'May hatol na nakalaan sa mga mapanuya at sa mga mangmang ay may hagupit na nakahanda.' - Kawikaan 19:29 'Ang poot ng hari ay parang leong umuungal, ang gumalit sa kanya'y nanganganib ang buhay.' - Kawikaan 20:2 'Sino ang makapagsasabi na ang puso niya'y di malinis at di namuhay sa kasamaan kahit isang saglit?' - Kawikaan 20:9 'Sinumang sumumpa sa kanyang magulang parang ilaw na walang ningas ang wakas ng kanyang buhay.' - Kawikaan 20:20 Anumang uri ng paglilingkod ang ating ginagawa sa ating mga pinuno, ay katumbas rin nito ang ibibigay ni YÁOHU UL na gantimpala o kaya nama'y kaparusahan sa pamamagitan ng inyong tagapamuno dito sa lupa. Pakatandaan po natin na ang YÁOHU UL ay nasa yaohod (lahat) ng dako at nakakikita sa yaohod ng bagay at Siya ang nagpapahintulot ng bawat mga pangyayari dito sa sandaigdigan! At ito ang katotohanang magpapalaya sa inyo mula sa anumang pandaraya at kasinungalingan ng kaaway. 'Purihin Ka magpakailanman, O YÁOHU UL, Ikaw na nagtataglay ng kaalaman at kapangyarihan; Ikaw na nakapagbabago ng panahon, nagtitindig at nagbabagsak sa mga hari; Ikaw na nagkakaloob ng karunungan sa matalino, at ng kaalaman sa mga may unawa; Ikaw na naghahayag sa mga hiwaga, nakikita ng nasa kadiliman; Ikaw na nasa liwanag magpakailanman.' - Dayan-ul (Daniel 2:20-22, Banal na Kasulatan. Samantalang naglalakad sila, may taong nagsabi kay Molkhiul YAOHÚSHUA, 'Susunod po ahnee (ahnee) sa inyo kahit saan.' Sumagot si Molkhiul YAOHÚSHUA, 'May lungga ang asong-gubat at may pugad ang ibon, ngunit ang Anak ng Tao'y wala man lamang matulugan o mapagpahingahan.' Sinabi ng Molkhiul YAOHÚSHUA sa isa, 'Sumunod ka sa Akin.' Ngunit sumagot ang tao, 'Odmorul, hayaan po muna ninyo akong umuwi upang ipalibing ang aking ama.' Sinabi ng Molkhiul YAOHÚSHUA sa kanya, 'Ipaubaya mo na sa mga patay ang paglilibing ng kanilang mga patay. Ngunit ikaw humayo ka at ipahayag mo ang tungkol sa paghahari ni YÁOHU UL.' Sinabi naman ng isa, 'Susunod po ahnee sa inyo, Odmorul, ngunit magpapaalam muna ahnee sa aking mga kasambahay.' Sinabi sa kanya ni Molkhiul YAOHÚSHUA, 'Ang sinumang nag-aararo at palaging lumilingon ay hindi karapat-dapat sa paghahari ni YÁOHU UL.' - Lukas 9:57-62, Banal na Kasulatan. Naririto ang ilan sa mga halimbawa na makikitaan ng katigasan ng ulo sa mga subordinates o mga tagasunod. Ang isang tagasunod na matigas ang ulo ay magpapakita ng ganitong mga katugunan kapag sila ay nauutusan: 1.) 'Mamaya ko na lang gagawin.' - medyo may katigasan ng ulo 2.) 'Bakit hindi na lang sa iba iutos?' - matigas ang ulo 3.) 'Bakit kinakailangan pa itong gawin?' - kasintigas na ng bato 4.) 'Hindi ko iyan gagawin.' - pagsuway Alam mo na ngayon kung ano ang matatanggap nila mula sa YÁOHU UL. Halimbawa sila ay nananalangin kay YÁOHU UL para sa isang kahilingan, o kaya naman ay nais nilang humiling sa kanilang tagapamuno, mga dagdag na sahod, mga benepisyo sa social service o kaya para sa gamot at iba pa tulad ng mga housing benefit, ang katugunan nito ay sang-ayon rin sa ginawa niyang paglilingkod. Anuman ang kanyang inihasik ay siya rin namang kanyang aanihin. Subalit ang kadalasang nangyayari kapag sila ay nagsimula nang umani ng mga mapapait na bagay sila ay nagrereklamo, minsan pa nga sila ay nagdedemanda, naghihiganti at kinamumuhian ang kanyang mga tagapamuno na nagkait raw ng kanyang mga kahilingan, sa madaling salita ay nais niyang ihiwalay ang mapapait na binhi na kanyang inihasik noong nakaraan. Walang sinuman ang maaaring makapagpahiwalay sa mapait na binhing inihasik, tiyak na mapapait rin naman ang bungang kanyang aanihin. Uulitin pong muli: kung ano ang inihasik ng tao ay iyon din ang kanyang aanihin. 'Hanggang naririto't buo ang daigdig, pagtatanim, paghihintay at pag-ani, palaging sasapit; tag-araw, tag-ulan, taglamig, tag-init, ang araw at gabi'y hindi mapapatid.' - Genesis 8:22 'Kapag inuusig nila kayo sa isang bayan, tumakas kayo sa kasunod. Sinasabi Ko sa inyo: hindi pa ninyo napupuntahan ang yaohod ng bayan ng Israel ay darating na ang Anak ng Tao.' 'Walang alagad na higit kaysa kanyang guro, at walang aliping higit sa kanyang tagapamuno.' 'Masiyahan ang alagad na matulad sa kanyang guro, at ang alipin na matulad sa kanyang tagapamuno. Kung ang puno ng sambahayan ay tinawag nilang Baalzebub, lalo na na nilang aalimurain ang kanyang mga kasambahay!' - Man-YÁOHU (Mateo) 10:23-25, Banal na Kasulatan. 'Pumasok kayo sa makipot na pintuan; dahil maluwang ang pintuan at malapad ang daang patungo sa kapahamakan, at ito ang dinaraanan ng marami.' 'Ngunit makipot ang pintuan at makitid ang daang patungo sa buhay, at kakunti lang ang nakasusumpong niyon.' 'Mag-ingat kayo sa mga bulaang propeta; nagsisilapit sila sa inyo na animo'y tupa, ngunit ang toto'y mababangis na asong-gubat.' 'Makikilala ninyo sila sa kanilang mga gawa. Napipitas ba ang ubas sa puno ng dawag, o ang igos sa puno ng aroma?' 'Nagbubunga na mabuti ang bawat mabuting punongkahoy, subalit nagbubunga ng masama ang masamang punongkahoy. Hindi maaaring magbunga ng masama ang mabuting punongkahoy, ni ng mabuti ang masamang punongkahoy.' 'Ang bawat puno na di nagbubunga ng mabuti ay pinuputol at itinatapon sa apoy.' 'Kaya nga, makikilala ninyo sa kanilang mga gawa ang mga bulaang propeta.' - Man-YÁOHU 7:13-20, Banal na Kasulatan. 'Huwag ninyong linlangin ang inyong sarili; ang YÁOHU UL ay di madadaya ninuman. Kung ano ang inihasik ng tao, iyon din ang kanyang aanihin. Ang nagsisikap sa mga bagay ukol sa laman ay aani ng kamatayan. Ang nagsisikap sa mga bagay 'rukhaól' (espiritwal) ay aani ng buhay na walang hanggan. Kaya't huwag tayong magsasawa sa paggawa ng mabuti; pagdating ng takdang panahon, tayo'y mag-aani kung hindi tayo magsasawa.' - Galacia 6:7-9. 'Mawawala ang langit at lupa, ngunit ang mga salita Ko'y hindi papanaw.' - Lukas 21:33 'Dahil ang takalang ginagamit ninyo sa iba ay siya ring gagamitin ni YÁOHU UL sa inyo.' - Lukas 6:38 Tiyak na gagantimpalaan ni YÁOHU UL ng nag-uumapaw, siksik, liglig at umaapaw pa yaong mga sumusunod nang daglian, kumpleto, may kahusayan at may kagalakan sa kanilang puso! Sinumang patuloy na naglilingkod sa kanilang mga tagapamuno ng may ganitong mga katangian ay tiyak na aani ng tagumpay, kasaganaan, paglago, pag-angat, karangalan, at kayamanan sa buhay na ito! Huwag po ninyong subukan, bagkus ay isagawa! Sinumang naglilingkod nang may kahusayan sa kanilang mga tagapamuno ay siyang magtatagumpay sa buhay na ito, sila ay sasagana at ibibigay sa kanila anumang nasain ng kanilang mga puso subalit sa mga tamad, mga naiinggit, mga malasado sa trabaho ay walang matatamo. Muli po hindi maaaring ihiwalay ninuman ang mapait na binhi na kanyang inihasik. Walang sinuman ang makasasawata sa patuloy na pagsagana at pag-ani ng maiinam na bunga ng mga masusunurin at masisipag! Bakit? Dahil ang YÁOHU UL ang nagsabi na: Kung ano ang inihasik ng tao ay iyon din ang kanyang aanihin! 'Mawawala ang langit at lupa ngunit ang salita Ko'y hindi papanaw.' - Lukas 21:33 Kaya, mainam po na paniwalaan ang mga sinasabi ni YÁOHU UL at isapamuhay para na rin po sa ating kapakinabangan at doon naman sa mga di ibig maniwala ay tiyak na hindi magkakabisa sa kanyang buhay. Maniwala man o hindi ang sinuman na sisikat ang araw bukas, tiyak na sisikat ang araw bukas, dahil ang YÁOHU UL ang nagsabi nito. Maaari po ninyong ilapat at isapamuhay ang mga sinasabi ng YÁOHU UL sa Kanyang mga Molyao-Ul para po sa inyong kapakinabangan, maaari rin naman po kayong sumalungat sa Molyao-Ul at tiyak na daranas rin kayo ng kapahamakan, disgrasya, pagdurusa, sakit at iba pang kalamidad. Kung ano ang inihasik ng tao ay iyon din ang kanyang aanihin! Kaya simulan na po nating paglingkuran ang ating mga tagapamuno nang daglian, kumpleto, may kahusayan at may kagalakan! At hayaang ang masasaganang pagpapala at biyaya ang dumaloy sa inyong buhay at sa inyong sambahayan. Kaya't simulan na ring umani ng matatamis na bunga ng inyong matapat na pagtatrabaho ay paglilingkod ng may pag-ibig na parang sa Molkhiul YAOHÚSHUA ninyo ginagawa - na muling magbabalik bilang Molkhiul (Hari) ng mga hari. MGA TAMANG PAKIKITUNGO Ang mga kahanga-hanga at kapuri-puring pakikitungo kay YÁOHU UL na Kanyang inaasahan at palagiang nakapagbibigay kasiyahan sa Kanya ay ang mga sumusunod: QUIET RÚKHA - nangangahulugang wala tayong nakikita, sinasabi o kaya'y naririnig na masasama laban sa ating tagapamuno, dahil hindi naman tao ang ating pinaglilingkuran kundi si Molkhiul YAOHÚSHUA mismo, na kung saan naibigay na sa Kanya ang yaohod (lahat) ng kapamahalaan at kapangyarihan sa langit at lupa - Siya ang Punong Tagapamuno ng yaohod (lahat). Kinakailangang ipanalanging palagian ng mga tagasunod ang kanilang mga tagapamuno upang pangalagaan sa yaohod (lahat) ng gawa ng kasamaan. 'Pumapatay nang lihim ang mga pangungusap ng masama, ngunit ang salita ng matuwid ay nagliligtas ng kapwa.' - Kawikaan 12:6 'Pagkat pinalayas na sa langit ang nagpaparatang araw at gabi sa kapatiran natin.' - Pahayag 12:10 'Ang alipin ay huwag mong sisiraan sa kanyang amo, baka isumpa ka niya't pagbayarin sa ginawa mo.' - Kawikaan 30:10 Kaya kinakailangang pangalagaan ng bawat isa ang kani-kanilang mga tagapamuno laban sa anumang masasamang ulat, tsismis, paninirang-puri at iba pang mga kasiraan dahil ganoon ang mga taong marunong (wise), dahil batid nila na ang kanilang mga tagapamuno ay mga kasangkapan ni YÁOHU UL upang ang mga tagasunod ay mapangalagaan at matagpo ang kanilang mga pangangailangan. Kaya't pangalagaan ang ating mga sanggalang mula sa mga gawa ng kadiliman! Isang mahalagang mensahe mula YÁOHU UL para sa mga babaing asawa bilang pagpapakita nila ng tunay na kahulugan ng pag-ibig at katapatan sa kani-kanilang mga asawa: 'Makapagsalita man ahnee sa mga wika ng mga tao at ng mga anghel, kung wala naman ahneeng pag-ibig, para lamang akong batingaw o pompiyang na tumataginting. Kung ahnee ay may kakayahang maghayag ng salita ni YÁOHU UL at umunawa sa yaohod ng kaalaman at ng malaking pananampalataya anupat napalilipat ko ang mga bundok, ngunit wala naman akong pag-ibig, wala akong kabuluhan. Ipamigay ko man ang yaohod (lahat) kong ari-arian, at ialay ko man ang aking katawan upang sunugin, kung wala naman akong pag-ibig, walang kabuluhang maidudulot ito sa akin!' 'Ang pag-ibig ay matiyaga at magandang-loob, hindi nananaghili, nagmamapuri o nagmamataas, hindi magaspang ang pag-uugali, hindi makasarili, hindi magagalitin, o mapagtanim sa kapwa. Hindi nito ikinatutuwa ang gawang masama, ngunit ikinagagalak ang katotohanan. Ang pag-ibig ay mapagbata, mapagtiwala, puno ng pag-asa at nagtitiyaga hanggang wakas.' 'Ang tatlong ito'y nananatili: ang pananampalataya, pag-asa at pag-ibig; ngunit ang pinakadakila sa mga ito ay ang pag-ibig.' - 1 Corinto 13:1-7; 13 GRATEFULNESS - ang mga tagasunod ay kinakailangang may pusong mapagpasalamat at may utang na loob dahil ang tinatanggap niya ay higit pa sa dapat niyang tamasahin. Sa madaling salita, nananatili sa kanya ang pusong mapagpakumbaba. Samantalang ang mayabang at mangmang ay palaging nagkukumpara ng kanyang sarili sa iba at ang pinaniniwalaan niya ay kaunti lang ang kanyang natatanggap sa dapat niyang tamasahin. Kung nais ninuman na matanggap ang inaakala niyang dapat niyang tamasahin ay dapat nang mapasaapoy ng impiyerno kasama ng kanyang mga kasalanan, kasakiman, karumihan at kahalayan. Dapat ay maging mapagpasalamat ang mga tagasunod dahil ginagamit ni YÁOHU UL ang mga tagapamuno dito sa lupa upang tayo ay pangalagaan at upang tayo'y di makaranas ng kagutuman, kahirapan, kawalan ng trabaho, kapahamakan at iba pa. Sila ay mga kasangkapan ni YÁOHU UL upang tayo ay mapagpala at mapangalagaan kaya kinakailangan magkaroon tayo ng pusong mapagpasalamat at may utang na loob kay YÁOHU UL pati na sa mga tagapamuno rito sa lupa na parang sa Gaúl YAOHÚSHUA ginagawa. Pansinin ninyong mainam kung ano ang ginagawa ni YÁOHU UL sa mga taong walang pagpapasalamat. 'Nahahayag mula sa langit ang poot ni YÁOHU UL laban sa yaohod ng kalapastanganan at kasamaan ng mga taong sumisiil sa katotohanan sa pamamagitan ng kanilang kasamaan. Ang maaaring malaman tungkol kay YÁOHU UL ay maliwanag, yamang inihayag ito sa kanila ni YÁOHU UL. Mula pa nang likhain Niya ang sanlibutan, ang kalikasang di nakikita, ang Kanyang walang hanggang kapangyarihan at pagka-Maykapal ay maliwanag na inihahayag ng mga bagay na ginawa Niya. Kaya't wala na silang maidadahilan.' 'Kahit na kilala na nila ang YÁOHU UL, Siya'y di nila pinarangalan bilang UL (Maykapal) at di rin pinasalamatan man. Sa halip, naghaka-haka sila ng mga bagay na walang kabuluhan at nadimlan ang kanilang mga hangal na pag-iisip. Sila'y nagmamarunong ngunit lumitaw na hangal nang talikdan nila ang kadakilaan ni YÁOHU UL na walang kamatayan at sambahin ang mga larawan ng taong may kamatayan, ng mga ibon, ng mga hayop na may apat na paa, at ng mga nilalang na nagsisigapang.' 'Kaya hinayaan na sila ni YÁOHU UL sa kanilang maruruming pita hanggang sa magumon sila sa paggawa ng kahalayan sa isa't isa. Tinalikdan nila ang katotohanan tungkol kay YÁOHU UL at pinalitan ng kasinungalingan. Sinamba nila at pinaglingkuran ang nilalang sa halip na ang Lumalang na siyang dapat papurihan magpakailanman! Amnao.' 'Dahil dito'y hinayaan sila ni YÁOHU UL sa mahahalay na pita. Ayaw nang makipagtalik ng mga babae sa mga lalaki, sa kapwa babae na lamang sila nakikipag-ugnayan. Gayon din ang ginawa ng mga lalaki, ayaw makipagtalik sa mga babae kundi sa kapwa lalaki na rin sila nahumaling. Ang ginagawa ng mga ito'y nakahihiya, kaya't hindi nila maiiwasan ang parusa sa kanilang lisyang gawain.' 'Dahil ayaw nilang kumilala kay YÁOHU UL, hinayaan sila ni YÁOHU UL sa kanilang masamang pag-iisip at sa mga di tumpak na asal. Naging alipin sila nga yaohod ng uri ng kasamaan, kabuktutan, kasakiman, masasamang isip. Napuno sila ng pagkainggit at masasamang hangarin, nahumaling sa pagpatay, pagtatalo, at pagdaraya.' 'Sila'y masisitsit, mapanirang-puri, napopoot kay YÁOHU UL, walang pakundangan, mapagmataas, mayayabang, mapagkatha ng kasamaan, mga suwail sa magulang, mga hangal, mga taksil, mga walang puso, at di marunong lumingap sa kapwa. Nalalaman nila ang utos ni YÁOHU UL na dapat mamatay ang mga gumagawa nito. Gayunman, patuloy sila sa paggawa nito at natutuwa pang makita na ang iba'y gumagawa ng gayon.' - Roma 1:18-32, Banal na Kasulatan. Ang pagkakaroon ng pusong mapagpasalamat, may utang na loob at kinikilala ang kagandahang-loob at pagpapala ni YÁOHU UL ay mga katangiang tiyak na ginagantimpalaan Niya nang lubusan. LOYALTY - mapagkakatiwalaan, pagiging totoo at katapatan sa paglilingkod sa mga tagapamuno dito sa lupa na parang kay Molkhiul YAOHÚSHUA ginagawa. Yaong mga naglilingkod nang may buong katapatan at katotohanan ay palagiang pinagpapala, kahit na anong mangyari. Yaon namang mga taksil at di mapagkakatiwalaan ay palagiang nasusumpa, kahit ano pa ang mangyari. Sa panahon ng kasaganaan at tagumpay, ibibigay ng mga tagapamuno sa kanilang mga tapat na tagasunod ang pinakamaiinam na bagay. Kung sa panahon naman ng kanilang kawalan at pagkabigo sa buhay, tutulungan ng tagapamuno ang kanyang tapat na alipin upang siya ay patuloy na mapangalagaan, at kung siya naman ay nakaraos na, higit pang igagawad sa tapat na alipin ang Kanyang pagpalala dahil minsan na naman niyang pinatunayan ang kanyang taus pusong katapatan. Ang ibig sabihin ng katapatan ay pananatili sa panig ng aking tagapamuno lalo na sa panahon ng kanyang pangangailangan tulad ng mga tunggalian (conflicts) sa buhay. Ito'y nangangahulugan rin namang pagiging mapagkakatiwalaang sugo sa mga nagsusugo sa kanya. Sa kabaligtaran naman po, ang ibig sabihin ng pagiging di-tapat ay nagsasagawa ng pagtataksil, pakikipaglaban, pagkakanulo, paghihimagsik laban sa mga taong dapat igalang at sundin. Walang sinumang matinong tagapamuno ang tatanggap ng isang taong kilala o alam na niyang di-tapat na tagapaglingkod, kung mayroon man ay gagamitin niya lamang pang-umang sa kanyang mga kaaway pagkatapos ay saka na lang paaalisin. Sino kayang tagapamuno ang tatanggap ng isang taong napag-alaman na niyang nagtaksil sa kanyang amo noong nakaraan, matapos itong tumanggap ng sahod upang may panustos sa kanyang pamilya ay nakuha pa nitong maghimagsik laban sa kanyang mga pinuno? Ang kinabukasan ng ganitong tagasunod o subordinate, anak, o kaya'y alipin ay tiyak na nakasumpa subalit ang isang tapat at mapagkakatiwalaang alipin ay tiyak na sasagana at magtatagumpay! Alalahanin na lamang si Hudas Ish-Kerioth at ang kanyang malagim na wakas. Subalit si Yaokanam (Juan) naman ay lubos na minamahal dahil sa kanyang subok na ipinakitang katapatan sa Molkhiul YAOHÚSHUA, hanggang wakas.... Alalahanin rin po natin na halos yaohod ng malalaking kumpanya sa buong mundo ay nangangailangan ng mga taong mapagkakatiwalaan at tapat, hindi mga mapapatunayang kakayahan bagkus ay mapapatunayang kagandahang-asal, ugali, katangian, at katapatan. Minamahal nang lubos yaong mga tapat na subordinates dahil sila'y mga napakahalagang bagay na bihira na lamang matatagpuan sa ngayon. Tiyak namang tatanggap sila ng pinakamaiinam na bagay mula sa kanilang mga tagapamuno. Ngayon alam mo na ang dahilan kung bakit.... Ang Molyao-Ul (Banal na Kasulatan) ay hindi maglalaho, mangyayari at magaganap ang mga nakasulat maglaho man ang langit at lupa. 'Ang tuntunin ng matuwid ay ang katapatan, ngunit ang masama'y wawasakin ng kanyang kataksilan.' - Kawikaan 11:3 'Natatamo ng mabuti ang bunga ng kanyang kabaitan, ngunit nalalasap ng masama ang dulot ng karahasan.' - Kawikaan 13:2 'Ang mabuting pang-unawa ay umaakit ng kalooban, ngunit ang kataksilan ay naghahatid sa kapahamakan.' - Kawikaan 13:15 'May daang matuwid sa tingin ng tao, ngunit kamatayan ang dulo nito.' - Kawikaan 14:12 'Ang tusong alipin ay makakahati pa sa mamanahin ng anak ng kanyang amo kung ito'y inutil.' - Kawikaan 17:2 'Sinasabi ng bawat isa na siya ay tapat ngunit kahit kanino sa kanila'y hindi ka nakatitiyak.' - Kawikaan 20:6 'Ang masamang balak sa taong matuwid ay babalik sa liko ang pag-iisip.' - Kawikaan 21:18 'Binabantayan ni YÁOHU UL ang mga nag-iingat ng kaalaman, ngunit di Niya pinangyayari ang salita ng mga mangmang.' - Kawikaan 22:12 'Ang taong tapat ay mananagana sa pagpapala, ngunit parurusahan ang yumaya sa pandaraya.' - Kawikaan 28:20 'Ang makipagsabuwatan sa magnanakaw ay mahirap na kalagayan: pag nagsabi ng totoo, ipabibilanggo ng hukuman, ngunit parurusahan naman ni YÁOHU UL pag ang sinabi'y kasinungalingan.' - Kawikaan 29:24 REVERENCE - pagpaparangal, paggalang, pagrespeto sa mga tagapamuno. May kaibahan ang pagrespeto, paggalang at pagpaparangal na iniuukol kay YÁOHU UL at sa mga tagapamuno dito sa lupa, dahil alam nating sila ay mga kasangakapan ni YÁOHU UL upang tayo ay pangalagaan at pagpalain. Ibigay ang paggalang na nararapat sa kanila subalit ang nakahihigit ay para lamang sa YÁOHU UL. Alalahanin po natin na ang yaohod (lahat) ng kagandahang asal na ito ay dapat isagawa ng parang kay Molkhiul YAOHÚSHUA natin ginagawa at hindi para sa mga tao lamang. Ang 'RÚKHA-YAOHÚSHUA' po ang magtuturo sa bawat isa patungo sa yaohod (lahat) ng katotohanan at kung papaano natin isasagawa ang paggalang kay YÁOHU UL at sa ating mga tagapamuno dito sa lupa. Ipagpatuloy pa po natin ang pagbabasa upang marami pa po ang ating malamang mga katotohanan. Makipot ang daan patungo sa buhay at kaunti lamang ang nakasusumpong niyaon. SERVANT RÚKHA - pagiging handang maglingkod, tumulong at umalalay sa yaohod (lahat) ng oras, dahil batid nating sa Molkhiul YAOHÚSHUA natin ginagawa at hindi sa tao at sila'y ginagamit ni YÁOHU UL bilang mga kasangkapan upang tayo ay sanayin at hubugin sa magagandang pag-uugali na lubos na nakasisiya sa Kanyang paningin. Walang pinipiling oras, araw, panahon o pook at ang mga ito ay hindi makapipigil sa paglilingkod natin sa ating mga tagapamuno dito sa lupa kapag tayo ay inatasang gawain ang isang bagay. Tayo ay mapagkakatiwalaan, maaasahan, laging nasa oras, at laging handang maglingkod sa Kanya gayon din sa mga tagapamuno natin dito sa lupa. Ang kakayahan at ang talino ay maaaring pag-aralan at pagsanayan subalit higit na mahalaga ay ang pagkakaroon natin ng mga maiinam na pag-uugali na hindi mapapantayan ng alinmang kayamanan dito sa lupa. 'Huwag kayong gagawa ng anumang bagay dahil lamang sa hangad ninyong matanyag, bagkus magpakababa kayo at huwag ipalagay na kayo'y mabuti kaysa iba. Ipagmalasakit ninyo ang kapakanan ng iba, hindi lamang ang sa inyong sarili.' 'Magpakababa kayo tulad ng Molkhiul YAOHÚSHUA, na bagamat siya'y UL, hindi nagpilit na manatiling kapantay ni YÁOHU UL, bagkus hinubad Niya ang yaohod ng katangian ng pagka-UL, nagkatawang-tao at namuhay na isang alipin. Nang maging tao, Siya'y nagpakababa at naging masunurin hanggang kamatayan, oo hanggang kamatayan sa poste.' 'Kaya naman, Siya'y itinampok ni YÁOHU UL at binigyan ng Ngalang higit sa yaohod (lahat) ng ngalan. Anupat ang yahod (lahat) ng nilalang na nasa langit, nasa lupa, at nasa ilalim ng lupa ay maninikluhod at sasamba sa Shúam (Ngalang) YAOHÚSHUA. At ipapahayag ng yaohod (lahat) na ang Gaúl YAOHÚSHUA ang Molkhiul (Pinuno), sa ikararangal ni YÁOHU UL ABUHU.' - Filipos 2:3-11, Banal na Kasulatan. Kung ano ang pinuno ay gayon din ang mamamayan. Kung ang mga mamamayan sa isang bansa ay mga tamad, di-mapagkakatiwalaan, mapagsamba sa mga lo-ulhim (rebulto), at mga lasenggo, tiyak na ang kanilang ihahalal na tagapamuno ay katulad rin ng kanilang pag-uugali. O kaya naman sila na rin ang maghahalal, ibig man nila o hindi, ng isang tagapamunong maaaring makapagsawata sa masasamang bisyo ng mga tao. Ang pasya ni YÁOHU UL ukol rito ay Kanyang isinasaalang-alang ang pagkakaroon ng maiinam na pag-uugali at masugpo ang kasamaan sa katapusan lalo na ng mga kabataan at ng mga mapaghimagsik. Isa pang dapat malaman ng isang subordinate ay ang 'unspoken wishes' (mga ibig ngunit hindi sinasabi) ng kanyang authority. Maaaring subukin ng isang authority ang kanyang subordinate upang malaman ang kanyang tunay na layunin at pag-uugali o kaya'y may ibang nilalayon sa kanyang puso. Isang maliwanag na halimbawa sa Molyao-Ul ay yaong kila Uli-YÁOHU at Ulishua (Elias at Eliseo). Dumating ang oras na si Uli-YÁOHU ay kailangan nang kunin ni YÁOHU UL. Noon ay naglalakad sila ni Ulishua buhat sa Gilgal. Sinabi ni Uli-YÁOHU, 'Maiwan ka na rito at ahnee'y pinatutuloy ng YÁOHU UL sa Bethel.' Ngunit sinabi ni Ulishua, 'Naririnig ahnee ni YÁOHU UL. Hanggang buhay ka, hindi ahnee hihiwalay sa iyo.' At magkasama silang nagpunta sa Bethel. 'Sinalubong sila ng mga propeta roon at tinanong nila si Ulishua, 'Alam mo bang ang tagapagturo mo'y kukunin na ni YÁOHU UL?' 'Alam ko, kaya huwag na kayong maingay,' sagot niya. Sinabi ni Uli-YÁOHU, 'Ulishua, ipinakikiusap kong maiwan ka na rito pagkat pinatutuloy ahnee ni YÁOHU UL sa Jerico.' Ngunit sinabi niya, 'Naririnig ahnee ni YÁOHU UL. Hanggang buhay ka, hindi ahnee hihiwalay sa iyo.' At nagpatuloy silang dalawa sa Jericho. 'Pagdating doon, si Ulishua ay nilapitan ng ng pangkat ng mga propeta roon at tinanong, 'Alam mo bang ang tagapagturo mo'y kukunin na ni YÁOHU UL?' 'Alam ko. Huwag na kayong maingay,' sagot niya. Sinabi uli ni Uli-YÁOHU kay Ulishua, 'Maiwan ka na rito pagkat pinatutuloy ahnee ni YÁOHU UL sa Jordan.' Ngunit sinabi niya, 'Naririnig ahnee ni YÁOHU UL. Hanggang buhay ka, hindi ahnee hihiwalay sa iyo.' 'At nagpatuloy sila ng paglakad. Sinundan sila ng pangkat ng mga propeta at pinanood sa di kalayuan nang sila'y tumigil sa tabi ng Ilog Jordan.' 'Hinubad ni Uli-YÁOHU ang kanyang balabal at inihampas sa tubig. Nahawi ang tubig at sila'y tumawid.' 'Pagkatawid nila, sinabi ni Uli-YÁOHU, 'Sabihin mo sa akin kung ano ang ibig mong gawin ko para sa iyo bago ahnee kunin?' Sumagot si Ulishua, 'Ipinakikiusap kong ipamana ninyo sa akin ang dalawang bahagi ng inyong kapangyarihan.' Sinabi ni Uli-YÁOHU, 'Mabigat ang hinihingi mo. Gayunman, kapag nakita mo ahneeng kinuha, mangyayari ang kahilingan mo. Kapag hindi, hindi mo makakamit ang hinihingi mo.' 'Patuloy silang nag-uusap habang naglalakad. Walang anu-ano'y pumagitna sa kanila ang isang karwaheng apoy na hila ng mga kabayong apoy. Nagkahiwalay sila at si Uli-YÁOHU ay iniakyat sa langit sa pamamagitan ng ipu-ipo.' 'Ito'y kitang-kita ni Ulishua, kaya't napasigaw siya, 'Abuhee! Abuhee! Lakas at pag-asa ng Yaoshorul (Israel)!' At nawala sa paningin niya si Uli-YÁOHU.' 'Sa tindi ng kalungkutan, pinunit ni Ulishua ang kanyang damit mula itaas hanggang laylayan.' 'Dinampot niya ang nalaglag na balabal ni Uli-YÁOHU at nagbalik sa gilid ng Ilog Jordan.' 'Hinawakan niya sa isang dulo ang balabal at inihampas sa tubig sabay sabi, 'Nasaan si YÁOHU UL, ang UL ni Uli-YÁOHU?' Nahawi ang tubig at siya'y tumawid. 'Nang makita ito ng mga propetang taga-Jericho na nanonood sa di kalayuan, sinabi nila, 'Sumasakanya ang 'RÚKHA' (Espiritu) ni Uli-YÁOHU.' Siya'y sinalubong nila at buong paggalang na pinahalagahan.' - 2 Hari 2:1-15 Isa pang halimbawa sa Molyao-Ul na kung saan ipinapakita kung ano ang pakikitungo ni YÁOHU UL sa mga masuwayin ay ang mga sumusunod: Sinabi ni Samuel kay Shaul, 'Sinugo ahnee ni YÁOHU UL upang pahiran ka ng langis at italagang Hari ng Israel.' 'Pakinggan mo ang Kanyang salita: 'Pahihirapan Ko ang Amalec tulad ng ginawa niya sa Israel nang ito'y inilabas Ko sa Egipto. Lusubin mo ang Amalec at lupigin silang yaohod (lahat). Durugin mo ang yaohod (lahat) nilang ari-arian at huwag magtitira kahit isa. Patayin mo silang yaohod (lahat), babae't lalaki, mula sa pinamatanda hanggang sa batang pasusuhin. Patayin mo pati kanilang mga baka, tupa, kamelyo at asno.' 'Kaya't tinipon ni Shaul sa Telaim ang hukbo ng Israel. Nang bilangin niya'y umabot sa 200,000 ang mga kawal, bukod pa sa 10,000 buhat sa Juda. Pinangunahan niya ang mga ito, papunta sa Lunsod ng Amalec. Tumigil sila sa isang natuyong ilog na malapit doon at nagpasugo sa mga Cineo at ipinasabi niya, 'Umalis na kayo riyan. Humiwalay kayo sa mga Amalecita para hindi kayo madamay sa kanila dahil pinagpakitaan ninyo kami ng mabuti sa aming paglalakbay mula sa Egipto.' 'Pagkaalis ng mga Cineo, sinalakay nila ang mga Amalecita at nalupig ang mga ito mula sa Avila hanggang sa Sur, sa silangan ng Egipto.' 'Nilipol niya ang mga Amalecita ngunit binihag nang buhay si Haring Agag.' 'Hindi rin nila pinatay ang magagandang baka, tupa at yaohod ng matatabang hayop doon; ang pinatay lang nila ay yaohod (lahat) ng hindi pakikinabangan.' Sinabi ni YÁOHU UL kay Samuel, 'Nanghihinayang Ahnee sa pagkahirang Ko kay Shaul bilang Hari dahil tinalikdan niya Ahnee at di sinunod ang Aking mga utos.' 'Nagalit si Samuel, at magdamag na siyang nanalangin kay YÁOHU UL.' 'Kinabukasan, maaga siyang nagbangon upang makipagkita kay Shaul. Ngunit may nagsabi sa kanya na nagpunta ito sa Carmelo upang magpatayo ng sariling bantayog, at pagkatapos ay nagtuloy sa Gilgal.' 'Sumunod siya roon at nang makita siya ni Shaul ay binati siya, 'Pagpalain ka ni YÁOHU UL. Sinunod kong yaohod (lahat) ang utos niya.' Itinanong ni Samuel, 'Bakit may naririnig ahneeng iyakan ng mga tupa at atungal ng mga baka?' Sumagot si Shaul, 'Mga samsam buhat sa sa Amalec. Kinuha namin ang pinakamainam na tupa at baka upang ihandog kay YÁOHU UL. Ang walang halaga ay pinatay namin at iniwan.' Sinabi ni Samuel, 'Pakinggan mo ang sinabi sa akin ni YÁOHU UL kagabi,' 'Ano iyon?' tanong ni Shaul. Sinabi ni Samuel, 'Noong una, ikaw mismo ang nagpakilalang ikaw ay hamak. Ngayon, ikaw ang pangunahin sa Israel dahil hinirang ka ni YÁOHU UL at pinahiran ng langis upang maging Hari.' 'Inutusan ka Niyang lusubin ang masamang bayan ng Amalec at mahigpit na ipinagbiling puksain ang mga ito.' 'Bakit mo sinuway ang utos ni YÁOHU UL? Bakit mo pinag-imbutan ang mga ito? Hindi mo ba alam na ang ginawa mo'y malaking kasalanan kay YÁOHU UL?' Sumagot si Shaul, 'Sinunod ko ang YÁOHU UL. Pumunta ahnee sa pinapuntahan Niya sa akin. Binihag ko si Agag na hari ng Amalec at nilipol ang mga Amalecita. Pinili ng mga tao ang pinakamaiinam sa mga tupa at baka at hindi namin pinatay kasama ng iba, bagkus ay iniuwi namin sa Gilgal upang ihandog kay YÁOHU UL.' Sinabi ni Samuel, 'Akala mo ba'y higit na maiibigan ng YÁOHU UL ang handog at hain kaysa pagsunod sa Kanya? Ang pagsunod sa Kanya ay higit kaysa mga handog, at ang pagtalima ay higit kaysa haing taba ng tupa. Ang pagsuway sa Kanya ay kasinsama ng pangkukulam, at ang katigasan ng ulo'y tulad ng pagsamba sa lo-ulhim (mga rebulto). Pagkat sinuway mo ang YÁOHU UL, inalis ka na sa pagiging Hari ng Kanyang bayan.' Sinabi ni Shaul kay Samuel, 'Nagkasala ahnee! Sinuway ko nga ang utos ni YÁOHU UL at ang bilin mo sa akin. Natakot ahnee sa aking mga tauhan kaya sinunod ko ang ibig nila.' 'Ngayon nga'y isinasamo kong patawarin mo na at samahan mo ahneeng dumalangin kay YÁOHU UL.' Sinabi ni Samuel, 'Hindi kita masasamahan dahil sinuway mo ang utos ni YÁOHU UL. Inalis na Niya sa iyo ang pagiging Hari ng Israel.' 'Tumalikod si Samuel upang umalis, ngunit hinawakan ni Shaul ang laylayan ng damit nito at natanggal ang kapiraso.' 'Nang magkagayo'y sinabi ni Samuel, 'Sa araw na ito, tinatanggal sa iyo ng YÁOHU UL ang pagiging Hari ng Israel upang ibigay sa ibang mabuti kaysa iyo.' 'Ang dakilang YÁOHU UL ng Israel ay tapat at hindi nagbabago kailanman. Hindi Siya tulad ng tao na kailangang magsisi.' Sumagot si Shaul, 'Nagkasala nga ahnee ngunit sa pagkakataong ito ay ipinakikiusap kong ahnee'y bigyan kahit kaunting karangalan sa harapan ng matatanda at ng buong Israel. Samahan mo na ahneeng bumalik upang sumamba kay YÁOHU UL.' 'Sinamahan naman ni Samuel si Shaul at ito'y dumulog sa YÁOHU UL.' Sinabi ni Samuel, 'Dalhin dito si Agag na hari ng Amalec.' Mabigat ang mga paang humarap sa kanya si Agag at nanginginig na sinabi nito, 'Siguro nama'y hindi ninyo ahnee papatayin.' Sumagot si Samuel, 'Kung paanong pinatay mo ang marami, ikaw man ay papatayin.' At si Agag ay pinagputul-putol ni Samuel sa harap ng altar ni YÁOHU UL sa Gilgal. 'At umuwi si Samuel sa Rama, si Shaul naman ay sa Gabaa.' 'Mula noon, hindi na siya nakipagkita kay Shaul; ikinalungkot din din niya ang nangyari rito. Ang YÁOHU UL naman ay nanghinayang sa pagkahirang kay Shaul bilang Hari.' - 1 Samuel 15:1-35, Banal na Kasulatan. Ano ang sumunod na pangyayari? Sa paglilingkod natin sa ating mga tagapamuno, inaasahan ni YÁOHU UL na ang mga taglay nating talino at kakayahan ay ginagamit ng bawat isa nang may kahusayan. Yaong mga naglilingkod nang may katapatan at kasipagan ay ginagantimpalaan ng lubusan tulad ng kanilang pag-angat sa tungkulin, karagdagang sahod at iba pang mga benepisyo. Subalit doon naman sa mga naglilingkod ng hindi naman ibinubuhos ang buo nilang kakayahan o kaya'y mga tamad at mga marereklamo ay nagtatamo ng iba't ibang sumpa tulad ng pagkakaalis sa pinagtatrabahuhan, pagsuspinde sa kanya at iba pang kaparusahan. Walang sinuman ang makapandaraya sa Makapangyarihan sa yaohod (lahat) na di-nakikita, walang iba kundi ang YÁOHU UL. Inaasahan rin ni YÁOHU UL sa mga tagasunod ang pagsasagawa nila ng kanilang tungkulin na hindi lamang basta maisagawa kundi iyong nahihigtan pa nila o higit pa sa inaasahan ng iyong tagapamuno ang iyong ginagawang paglilingkod kay YÁOHU UL. Ang pagpapasan ng dalawang milya ang pinakamainam, kung nais ng bawat isa na maparangalan at magantimpalaan ni YÁOHU UL, sa pamamagitan ng mga tagapamuno dito sa lupa. 'Sinumang pinagkatiwalaan sa malaking bagay ay magsusulit rin sa malaking bagay.' 'Ipalagay nating kayo'y may aliping nag-aararo, o nagpapastol kaya ng tupa. Pagkagaling niya sa bukid, sasabihin ba ninyo sa kanya, 'Halika at nang makakain ka na'? Hindi! Sa halip ay ganito ang sinasabi inyo: 'ipaghanda mo ahnee (ahnee) ng hapunan; magbihis ka, at silbihan mo ahnee habang ahnee'y kumakain. Kumain ka pagkakain ko.' Pinasasalamatan ba ang alipin dahil sa ginawa niya ang iniutos sa kanya? 'Gayon din naman kayo; kapag nagawa na ninyo ang yaohod (lahat) ng iniutos sa inyo, sabihin ninyo, 'Kami'y mga aliping walang kabuluhan; tumupad lamang kami sa aming tungkulin.' - Lukas 17:7-9, Banal na Kasulatan. 'Kung sapilitang ipapasan sa iyo ng manlulupig ang kanyang dala nang isang kilometro, pasanin mo ito nang dalawang kilometro.' - Man-YÁOHU 5:41, Banal na Kasulatan. T: Paano kung minamaltrato ng tagapamuno ang tagasunod o kaya'y inaakusahan siya sa salang hindi naman niya ginagawa? S: 'Kung ang pinuno mo'y magalit sa iyo huwag kang magbibitiw sa iyong tungkulin. Pagkat maging ang malaking pagkakamali ay mapatatawad kung ipagsasawalang-kibo.' - Mangangaral 10:4 'Alang-alang kay YÁOHU UL, pasakop kayo sa yaohod (lahat) ng may kapangyarihan sa bayan: sa Pangulo, ang pinakamataas na kapangyarihan, at sa mga gobernador na sugo Niya upang magparusa sa mga gumagawa ng masama at magparangal sa mga gumagawa ng matuwid.' 'Dahil ibig ni YÁOHU UL na pabulaanan ng inyong tamang pamumuhay ang sinasabi ng mga hangal dahil sa kanilang kamangmangan.' 'Kayo'y malaya, subalit ang kalayaa'y huwag ninyong gagawing dahilan sa paggawa ng masama kundi mamuhay kayo bilang mga alipin ni YÁOHU UL.' 'Igalang ninyo ang yaohod (lahat) ng tao at mahalin ang mga kapatid kay YAOHÚSHUA hol-MEHUSHKHÁY. Mamuhay kayong may takot sa YÁOHU UL at may paggalang sa Pangulo.' 'Mga alipin, igalang ninyo at sundin ang inyong tagapamuno, hindi lamang ang mababait kundi pati malulupit.' 'Dahil kalulugdan ni YÁOHU UL ang nagtiis ng parusa kahit walang kasalanan, bilang pagsang-ayon sa kanyang kalooban.' 'Maipagkakapuri kaya ang magtiis ng parusa kung ito ay dahil sa paggawa ng masama? Hindi! Ngunit pagpapalain kayo ng YÁOHU UL kung kayo'y maparusahan sa paggawa ng mabuti.' 'Ang pagtitiis ng hirap ay bahagi ng pagkahirang sa inyo ng YÁOHU UL; dahil nang si YAOHÚSHUA hol-MEHUSHKHÁY ay magtiis para sa inyo, binigyan Niya kayo ng halimbawang dapat tularan.' 'Hindi Siya gumawa ng anumang kasalanan o nagsinungaling kailanman. Nang Siya'y alipustain, hindi Siya gumanti. Nang Siya'y pahirapan, hindi Siya nagbanta. Nanalig Siya kay YÁOHU UL na makatarugnan.' - 1 Kepas 2:13-23, Banal na Kasulatan. T: Papaanong makikitungo sa inyong mga tagasunod? S: Ibigay sa kanila ang Molyao-Ul (Salita) na nagkatawang-tao walang iba kundi si Molkhiul YAOHÚSHUA, kasama na ang pagpapakita ng mga maiinam na halimbawa. Ang pagiging aliping namumuno sa pamamagitan ng salita at ang pagiging huwaran upang pamahalaan ang iyong mga tagasunod - tulad ng ginawa ng Molkhiul YAOHÚSHUA noong Siya'y naririto pa sa lupa noong kanyang pinaglingkuran ang YÁOHU UL Abuhul. 'Lumapit kay Molkhiul YAOHÚSHUA ang asawa ni Zebedeo, kasama ang kanyang mga anak. May ibig siyang hilingin, kaya't lumuhod siya sa harapan ni Molkhiul YAOHÚSHUA.' 'Ano ang ibig mo?' tanong ng Molkhiul YAOHÚSHUA. Sumagot siya, 'Sana'y ipagkaloob sa dalawa kong anak na ito ang karapatan na makaupong katabi Ninyo sa Inyong kaharian - isa sa kanan at isa sa kaliwa.' 'Hindi ninyo nalalaman ang inyong hinihingi,' sabi ng Molkhiul YAOHÚSHUA sa kanila. 'Mababata ba ninyo ang hirap na babatahin Ko?' 'Opo,' tugon nila. Sinabi ng Molkhiul YAOHÚSHUA, 'Ang hirap na babatahin Ko'y babatahin nga ninyo. Ngunit wala sa Akin ang pagpapasya kung sino ang mauupo sa Aking kanan at sa Aking kaliwa. Ang mga luklukang sinasabi ninyo'y para sa mga pinaghandaan ng Aking YÁOHU ABÚ (Ama).' 'Nang marinig ito ng sampung alagad, nagalit sila sa magkapatid.' 'Kaya't pinalapit sila ni Molkhiul YAOHÚSHUA at sinabi sa kanila, 'Alam ninyo na ang mga pinuno ng mga hentil ay naghahari sa kanila, at ang mga dinadakila ang siyang nasusunod.' 'Ngunit hindi ganyan ang dapat umiral sa inyo. Sa halip, ang sinuman sa inyo na ibig maging dakila ay dapat maging lingkod.' 'At sinumang ibig maging pinuno ay dapat maging alipin ninyo, tulad ng Anak ng Tao na naparito, hindi upang paglingkuran kundi upang maglingkod at ialay ang Kanyang buhay upang matubos ang marami.' - Man-YÁOHU 20:20-28, Banal na Kasulatan. Karaniwang nangyayari na ang nahuhubog sa mga pag-uugali ng mga bata, mga trabahador at mga mamamayan ay katulad na rin ng mga halimbawang ipinakikita ng kanilang mga pinuno. Kung ang mga tagapamuno sa pamahalaan, mga magulang, mga guro, mga amo, mga may-ari ng bahay o kaya'y 'rukhaól' (espiritwal) leader ay namumuno nang tapat, masipag, at matutuwid, gayon rin naman, magiging katulad rin nila ang kanilang mga tagasunod. Subalit kung ang mga pinuno ay masasama, di-tapat, mga lasenggo, sugalero ay hindi kataka-takang maging ganoon rin ang kanilang mga tagasunod. Napakalakas ng sinasabi ng mga ginagawa ng pinuno kung kaya't hindi marinig ng mga tagasunod ang aral na kanilang ipinangangaral. Kung ang kanyang mga magulang ay maibigin sa alak, hindi maglalaon ay magiging ganoon rin ang kanyang anak paglaki. 'Ang alak ay nagpapababa sa dangal ng isang tao kaya isang kaululan ang magpakalulong dito.' - Kawikaan 20:1 'Anak, maging matalino ka at pag-isipan mong mabuti ang iyong buhay. Huwag kang makikisama sa mga lasenggo at sa masiba sa pagkain. Pagkat sila'y masasadlak sa kahirapan, at darating ang panahong magdadamit ng basahan.' - Kawikaan 23:19-21 'Sino ang may kalungkutan at may malaking panghihinayang? Sino ang may kaaway at kabalisahan? Sino ang nasusugatan nang di nalalaman? At sino ang may matang pinamumulahan? Sino pa kundi ang sugapa sa alak, at ang nagpapakalango sa bago't bagong alak! Huwag mong tutunggain ang matapang na alak kahit ito'y katakam-takam. Pagkat kinaumagahan ay daig mo pa ang tinuklaw ng ahas na makamandag. Halos hindi ka makadilat at parang matigas ang iyong dila at di ka makapag-isip na mabuti. Ang makakatulad mo'y nasa gitna ng dagat at inihahampas ng malalaking alon; pasuray-suray ka at parang nakahiga sa gilingan. Ang sasabihin mo, 'Ano sa akin kung ahnee ay mahandusay? Mabulagta man ahnee, walang kailangan. Pagbangon ko, iinom ahnee muli.' - Kawikaan 23:29-35 'Kapag ang utusan ay iyong pinalayaw, siya na ang mag-uutos pagdating ng araw.' - Kawikaan 29:21 Inilalagay ni YÁOHU UL ang mga pinuno nang sa gayon ay mapangalagaan ang mga tagasunod laban sa mga pandaraya at masasamang gawa ng kaaway na si ha-satán, at upang maging huwaran sa pagkakaroon ng tama at maiinam na pag-uugali. Kung ang mga pinuno ay masunurin kay YÁOHU UL, gayon din ang kanyang mga tagasunod sa kanya. Kung ang pinuno naman ay masuwayin, ay ganoon rin naman ang kanyang mga tagasunod. Kung ano ang inihasik niya kay YÁOHU UL ay iyon din naman ang kanyang aanihin mula sa kanyang mga tagasunod. Ang isang alipin o isang anak na mapaghimagsik laban sa kanyang mga pinuno ay hindi kailanman magiging pinuno dahil tiyak na ang aanihin niya ay pulos paghihimagsik sa ilalim ng kanyang pamamahala - nag-uumapaw, siksik at liglig ang ibibigay sa kanya ng kanyang mga tagasunod. Bakit? Dahil inaani niya lamang ang kanyang inihasik noong nakaraan. 'Ang hatol sa kasamaan ay di agad iginagawad kaya naman ang tao'y nawiwili sa paggawa ng masama. Kung sabagay, daan-daan man ang kasamaang gawin ng masama ay wala ring mawawala sa taong nabubuhay nang matuwid pagkat siya'y may takot kay YÁOHU UL. Ngunit ang kasamaan ng masama ay di makabubuti sa kanya; maaga silang mamamatay pagkat di sila natatakot kay YÁOHU UL.' - Mangangaral 8:11-13 Isa pang mainam na halimbawa ay ganito: may isang bata na lumaking mapaghimagsik at masuwayin, matigas ang ulo at puro lamang sakit ng ulo at pasakit ang kanyang idinudulot sa kanyang mga magulang. Kapag nag-asawa ang batang ito, nagkapamilya na at nagkaanak ng sarili ay ganoon rin naman ang idudulot sa kanyang pasakit tulad ng kanyang ginawa sa kanyang mga magulang noong nakaraan. Kailangan niyang anihin sa kanyang mga anak ang mapapait na binhing kanyang inihasik noong nakaraan, tiyak na kanyang lalasapin ang pait na dulot ng kanyang paghihimagsik noong nakaraan. Sa kabilang banda naman ay ganito ang mainam na halimbawa: isang tapat, masipag at mapagkakatiwalaang alipin ay gagantimpalaan balang araw at siya ay bibigyan ng tungkulin bilang isang tagapamuno, hindi mahalaga kung kailan at saan, ang tiyak ay igagawad ni YÁOHU UL ito sa anumang oras na Kanyang naisin at naaayon sa Kanyang ibig! Siya ay magiging isang mabisang namamahalang alipin dahil inaani niya mula sa kanyang mga tagasunod ang kanyang inihasik noong nakaraan. Dahil ang inihisik niya ay binhi ng katuwiran noong nakaraan kaya't tiyak na siya ay aani ng panghabang buhay na katiwasayan at mga pagpapala. Kung ang karamihan sa mga mamamayan sa isang bansa ay nagnanakaw ng kanilang mga ikapu at handog kay YÁOHU UL, hahayaan ni YÁOHU UL na magkaroon rin ng mga tagapamahalang di-tapat, magnanakaw at di mapagkakatiwalaan. Kung ano ang ginamit ng tao bilang panukat nila kay YÁOHU UL ay iyon din namang panukat ang gagamitin ni YÁOHU UL sa kanila, alam man nila ang Molyao-Ul o hindi, magaganap at magkakabisa pa rin ang Kanyang Molyao-Ul. Gayon rin naman kung ang mga mamamayan ay hindi nagbabayad ng kanilang buwis sa pamahalaan, o kaya'y dinadaya nila ang mga inirerehistro nilang mga buwis, tiyak na aanihin nila ang kanilang inihasik. Sila ay mapapasailalim sa pamahalaang mandaraya rin naman at sila ay hindi pagkakalooban ng mga paglilingkod dahil hindi nga nagbabayad ng buwis ang mga tao. Bakit? Dahil anumang kanilang ginagawa ay kay YÁOHU UL na rin nila ginagawa, igagawad lamang sa kanila ni YÁOHU UL ang nararapat nilang tanggapin, nag-umapaw, siksik, liglig at walang kayang paglagyan.... Subalit kung ang karamihan sa mga mamamayan ay may takot sa YÁOHU UL at sa Kanyang mga Molyao-Ul (Salita), hindi nagnanakaw ni hindi rin nandaraya sa kanilang mga buwis bagkus mga tapat, at nagbibigay ng kanilang suporta at tulong sa gawain ni YÁOHU UL at sa Kanyang itinatag na pamahalaan, tiyak na igagawad ni YÁOHU UL sa kanila ang mga marurunong, mapagkakatiwalaan at tapat na mga pinuno na siyang makapagbibigay sa kanila ng mga pangunahing mga serbisyo sa mamamayan. At tiyak na ang bansang ito ay sasagana. Kung hinayaan o pinabayaan ng mga magulang na palakihin ang kanilang mga anak ng naaayon sa Molyao-Ul, pababayaan rin naman sila ng kanilang mga anak kapag sila ay nagsitanda na. Anuman ang kanilang inihasik ay siya rin nilang aanihin. Subalit yaong mga magulang na nagtiyagang nagdisiplina at nagsumikap na palakihin ang kanilang mga anak nang naaayon sa Malyao-UI, ay titiyakin ni YÁOHU UL na ang kanyang mga anak ay maging pagpapala sa kanya at hindi pabaya sa hinaharap; sila ma'y paglilingkuran, aarugain ng kanilang mga anak sa panahon ng kanilang katandaan. 'Ang anak na na mangmang ay problema ng ama, ang magulang ng walang isip ay kapos sa ligaya.' - Kawikaan 17:21 'Ang hangal na anak ay problema ng kanyang ama at pabigat sa damdamin ng kanyang ina.' - Kawikaan 17:25 'Ang anak na hangal ay kasawiang-palad ng kanyang ama at tila ulang walang tigil ang bibig ng madaldal na asawa.' - Kawikaan 19:13 'Namamana sa magulang ang bahay at kayamanan ngunit buhat kay YÁOHU UL ang mabuting maybahay.' - Kawikaan 19:14 'Masarap pa ang tumira sa bubungan ng bahay kaysa loob ng bahay na ang kasama'y babaing madaldal.' - Kawikaan 21:9 'Higit na mabuti ang mag-isang manirahan sa ilang kaysa makisama sa babaing madaldal at palaaway.' - Kawikaan 21:19 'Likas sa mga bata ang pagiging pilyo ngunit sa pamamagitan ng palo, sila'y matututo.' - Kawikaan 22:15 'Disiplinahin mo ang bata. Ang tamang pagpalo ay hindi niya ikamamatay, manapa'y ililigtas mo ang kanyang buhay.' - Kawikaan 23:13-14 'Mas mabuti ang panunumbat nang hayagan kaysa ipakita mong wala kang pagmamahal. May pakinabang sa hampas ng tapat na kaibigan kaysa halik ng isang kaaway.' - Kawikaan 27:5-6 'Magbibigay ng aral ang pamalo at ang saway ngunit ang batang pinalayaw ay kahihiyan ng magulang.' - Kawikaan 29:15 'Ang anak mo'y busugin sa pangaral, at pagdating ng araw, siya'y iyong karangalan.' - Kawikaan 29:17 Kung ang mga magulang ay nakikiapid at hinahayaan nila ang iba pang uri ng karumihan at kahalayan maging ang mga ipinagbabawal na gamot, mga pagtatalo at pakikipag-away sa kanilang sambahayanan, ay huwag silang magtataka kung minsan na lamang ang kanilang anak na babae ay umuwi at nagdadalan-tao na hindi niya malaman kung sino ang may kagagawan, o kaya naman ang kanyang anak na lalaki na nagumon sa ipinagbabawal na gamot at pinaghahanap ng mga alagad ng batas dahil siya ay kasangkot sa isang krimeng naganap. Anumang maliit na bagay na pinabayaan ng mga magulang ay gagawin ng kanilang mga anak sa kalabisan balang araw. Kung ang isang trabahador ay nandaraya sa kanyang time record, o kaya'y nagnanakaw ng mga gamit sa kanilang opisina tulad halimbawa ng mga papel, mga sobre, clips at iba pang maliliit na bagay na pag-aari ng kanilang opisina, o kaya'y nagtatamad sa oras ng pagtatrabaho ay huwag mabibigla kung sa tinagal-tagal na ng paglilingkod niya sa kumpanyang iyon o pamahalaan ay kapusin ng salaping ipansusuweldo sana sa kanya, at sa anong dahilan? Bakit? Kailangang anihin ng bawat isa ang kanyang inihasik noong nakaraan. Siya ay nagnakaw kaya pagnanakawan rin siya bilang kabayaran. Hindi po pinag-uusapan kung kailan magaganap, ito po ay tiyak na mangyayari dahil ang Molyao-Ul ay hindi masisira. Walang sinuman ang maaaring makapagpahiwalay ng binhing inihasik sa bungang aanihin. 'Nalipol ang Aking bayan dahil sa kakulangan ng kaalaman.' - Oseas 4:6 Anumang uri ng pakikitungo, pag-uugali, pagtatrato at paglilingkod ang ginagawa natin sa ating mga authorities, ay aanihin rin naman natin sa ating mga subordinates, ngayon o kaya'y sa ibang panahon. Muli pong uulitin, hindi maaaring ihiwalay ang bunga sa binhing inihasik. Isang halimbawang makikitaan ng pagpapabaya sa kanyang tungkulin bilang isang magulang ay makikita sa katauhan ni Uli (Eli): 'Ang dalawang anak ni Uli ay parehong lapastangan at walang takot kay YÁOHU UL. Tuwing may maghahandog, pinapupunta nila ang kanilang mga katulong habang inilalaga ang karne. May dala silang malaking tinidor na may tatlong ngipin at tinutusok sa loob ng malaking kaldero o palayok. Yaohod ng matusok o sumama sa tinidor ay para sa saserdote. Ginagawa nila ito tuwing maghahandog sa Shiloh ang mga Israelita.' 'Hindi lamang iyon. Bago pa maihandog ang taba ng karne, nilalapitan na nila ang mga naghahandog at sinasabi, 'Hilaw na karne ang ibibigay ninyo sa saserdote. Hindi niya kukunin kapag luto na ang ibibigay ninyo. Hilaw ang ibig niya.' 'Matanda na noon si Uli. Umabot na sa kanyang kaalaman ang kasamaang ginagawa ng kanyang mga anak sa mga Israelita. Alam na rin niya ang pagsiping nila sa mga babaing naglilingkod sa pintuan ng Toldang Tipanan. Kaya, pinagsabihan niya ang mga ito, 'Mga anak, nababalitaan ko ang kasamaang ginagawa ninyo sa mga tao. Bakit ninyo ginagawa iyon? Tigilan na ninyo iyan. Masama ang balitang umaabot sa akin tungkol sa inyo. Kung ang isang tao'y magkasala sa kanyang kapwa, maaaring mamagitan sa kanila si YÁOHU UL, ngunit sino ang mamamagitn kung kay YÁOHU UL siya nagkasala?' Ngunit hindi siya pinakinggan ng kanyang mga anak dahil pinagmatigas na sila ni YÁOHU UL.' 'Minsan, si Uli ay nilapitan ng isang propeta ni YÁOHU UL. Sinabi sa kanya, 'Ganito ang ipinasasabi ni YÁOHU UL: 'Nakipag-usap Ahnee (ahnee) sa magulang mong si Aaron nang sila'y alipin pa ng Faraon, ng hari ng Egipto. Sa mga lipi ni Israel ay siya ang hinirang Kong maging saserdote. Siya ang mangangasiwa sa altar, magsusunog ng kamanyang at maglilingkod sa Akin bilang kinatawan ng Israel. At yaohod (lahat) ng handog sa Akin ng mga Israelita'y ibinibigay Ko sa kanyang sambahayan. Bakit ninyo pinag-iimbutan ang mga alay at handog sa Akin? Higit na iginagalang mo pa yata ang iyong mga anak kaysa sa Akin? Bakit mo sila pinabayaang magpasasa sa pinakapiling bahagi ng mga handog sa Akin?' 'Ipinangako Ko noon na tanging ang sambahayan mo lamang ang makalalapit sa Akin habang panahon. Ngunit hindi na ngayon. Pararangalan Ko ang nagpaparangal sa Akin, ngunit pababayaan Ko ang nagtatakwil sa Akin. Darating ang araw na papatayin o ang mga kabataan sa iyong sambahayan at sa iyong angkan. Paiigsiin Ko ang inyong buhay at maaga kayong mamamatay. Maghihirap kayo at di ninyo matitikman ang kasaganaang ibibigay Ko sa Israel. Paiigsiin Ko nga ang inyong buhay. Hindi Ko kayo aalising yaohod sa paglilingkod sa altar, ngunit ang ititira Ko'y daranas ng katakut-takot na paghihirap ng loob. Mamamatay sa tabak ang magiging bunga ng iyong sambahayan. Bilang katunayan nito, sabay na mamamatay ang mga anak mong sina Hophni at Phinkhas. Samantala, pipili Ahnee ng isang saserdoteng magiging tapat sa Akin at susunod sa yaohod (lahat) Kong ibig. Bibigyan Ko siya ng sambahayan na patuloy na maglilingkod sa Akin habang panahon sa harapan ng mga haring Aking hihirangin. Ngunit ang matitira sa iyong sambahayan ay mamamalimos sa kanya. Magmamakaawa siyang gawing katulong ng saserdote para lamang mabuhay.' Sinabi ni YÁOHU UL, 'Hindi magtatagal at may gagawin Ahnee sa Israel. Yaohod (lahat) ng makabalita nito'y paghaharian ng matinding takot. Pagdating ng araw na yaon, gagawin Ko ang yaohod (lahat) ng sinabi Ko laban sa sambahayan ni Uli. Sabihin mo sa kanya na habang panahon kong parurusahan ang kanyang lipi dahil HINAYAAN NIYA AHNEENG (Akong) LAPASTANGANIN NG KANYANG MGA ANAK. Dahil dito, isinusumpa Ko na hindi mapapawi ng anumang handog ang kalapastanganan ng sambahayan ni Uli.' - 1 Samuel 2:12-17; 22-25; 27-36; 3:11-14, Banal na Kasulatan. T: Ano ang kaibahan ng 'chain of command' at ng 'chain of advice' sa pamamagitan ng mga authorities at subordinates? S: Ang 'chain of command' ay nangangahulugang hindi nakikitang daluyan ng pamamahala na kung saan nagmumula ang mga mahahalagang utos at mga ipatutupad sa mga subordinates, mula sa pinakamataas hanggang sa pinakamababang sangay ng kapamahalaan. Ang YÁOHU UL ang Pinakamataas na Authority at sa Kanya lamang ang yaohod (lahat) ng kapangyarihan, kapamahalaan at pangangalaga, at Kanya itong ipinagkakatiwala sa mga tagapamuno na karapat-dapat bigyan ng gayong tungkulin at yaong Kanyang kinalulugdan. Ang 'chain of advice' o 'chain of counsel' naman ay nangangahulugang di nakikitang daluyan ng pamamahala na binubuo niyong may mga karapatan at tungkuling magbigay sa mga subordinates ng ilang mahahalagang payo upang sila ay ituwid at gabayan. Ang mga halimbawa nito ay ang mga lolo't lola, mga tiyo at tiya, nakatatandang kapatid na may asawa na, mga guro, mga tagapayo patungkol sa 'rukhaól' o espiritwal na mga bagay, atbp. Ang asawang babae ay isa sa mga tagapayo ng lalaki. Katungkulan ng mga subordinates na sumunod sa mga ipinag-uutos ng Pinakamataas na Authority at sa mga itinakda Niyang mga tagapamuno kung siya nama'y susuway sa mga ipinag-uutos ay magdurusa siya sa mga sumpang nakalaan sa mga masuwayin. Maaari rin namang ang mga subordinates ay makinig sa mga payo niyong nasa sangay ng chain of advice subalit hindi naman siya pinipilit na makinig sa kanilang mga payo. Ang kanilang mga ipinapayo ay makabubuti at makatutulong sa pagpapasya sa buhay. Ang isang matalinong tagasunod ay nakikinig lamang sa payo na angkop at sang-ayon sa ibig ni YÁOHU UL at sang-ayon rin naman sa Kanyang mga Molyao-Ul, na sinasang-ayunan ng 'RÚKHA-YAOHÚSHUA' - na Siyang nagdadala o umaakay sa bawat Yaohushuahee o mananampalataya patungo sa katotohanan. 'Sinasabi Ko sa inyo, ang nananalig sa Akin ay makagagawa ng mga ginagawa Ko at higit pa rito, dahil pupunta na Ahnee (ahnee) kay YÁOHU ABÚ (Ama).' 'At anumang hilingin ninyo kay YÁOHU ABÚ na ginagamit ang Aking Ngalan ay gagawin Ko, upang maparangalan ang YÁOHU ABÚ sa pamamagitan ng Anak. Gagawin Ko ang anumang hihilingin ninyo sa Ngalan Ko.' 'Kung iniibig ninyo Ahnee (ahnee), tutuparin ninyo ang Aking mga utos. Dadalangin Ahnee (ahnee) sa ABÚ at kayo'y bibigyan Niya ng isa pang Menachem (Mang-aaliw) na magiging kasama ninyo magpakailanman.' 'Ito'y ang 'RÚKHA-YAOHÚSHUA' ng Katotohanan.' 'Na hindi matanggap ng sanlibutan dahil hindi Siya nakikita ni nakikilala ng sanlibutan.' 'Ngunit nakikilala ninyo Siya, dahil Siya'y sumasainyo at nananahan sa inyo.' 'Hindi Ko kayo iiwang nangungulila; babalik Ahnee (ahnee) sa inyo.' 'Kaunting panahon na lamang at hindi na Ahnee (ahnee) makikita ng sanlibutan.' 'Ngunit Ahnee'y (Ako'y) makikita ninyo, dahil mabubuhay Ahnee, at mabubuhay rin kayo.' 'Malalaman ninyo sa araw na yaon na Ahnee'y (Ako'y) sumasa-YÁOHU ABÚ, kayo'y sumasaakin, at Ahnee'y sumasainyo.' 'Ang tumatanggap sa mga utos Ko at tumutupad nito ang siyang umiibig sa Akin. Ang umiibig sa Akin ay iibigin ng Aking YÁOHU ABÚ; iibigin Ko rin siya, at Ahnee'y lubusang magpapakilala nang lubusan sa kanya....' 'Ang umiibig sa Akin ay tutupad ng Aking mga Salita; iibigin siya ng Aking YÁOHU ABÚ, at Kami'y sasakanya at mananahan sa kanya.' 'Ang hindi umiibig sa Akin ay hindi tumutupad sa Aking mga salita.' - Yaokanam (Juan) 14:12-24 'Ang akala ng mangmang ay siya lamang ang tama. Ngunit handang tumanggap ng payo ang taong may unawa.' - Kawikaan 12:15 'Ang kapalaluan ay nagbubunga ng kaguluhan, ngunit ang pakikinig sa payo'y nagdudulot ng katalinuhan.' - Kawikaan 13:10 'Dinggin mo at sundin ang payo sa iyo at pagdating ng araw, pakikinabangan mo.' - Kawikaan 19:20 T: Ano ang iba pang mga katotohanang dapat pang malaman tungkol sa mga tagapamuno at tagasunod? Sagot: 1. Sa pangkalahatang pamantayan, hindi kinakailangang pantay-pantay ang pagdadala ng authority sa kanyang mga subordinates. Tama po iyon, may mga pangyayari na kapag ang pinaiiral ng namumuno ay pantay-pantay silang yaohod (lahat), hindi maglalaon ay unti-unti na itong makasisira sa kanyang karapatang mamuno. Ang paraan po ng pamamahala na sinasabi sa Banal na Kasulatan ay ang pagpapatupad at paglalapat ng may katalinuhan sa tamang pamamaraaan ng katarungan, pagsasaalang-alang at pagkakaroon ng habag. Ang ibig sabihin ng 'katarungan' ay ang paglalapat ng suporta, paglilingkod, gantimpala, pagpapala at tulong doon sa mga masunurin, at ang paggawad naman ng kaparusahan, pagtiwalag doon sa mga sumusuway sa mga alituntunin at mga tuntunin. Isa pang dapat isaalang-alang sa paggagawad ng katarungan ay sang-ayon sa kanilang senioridad, pangkabuoang pag-uugali at pakikitungo at hindi yaong pansariling pagtatangi lamang. Kinakailangan ring maging makatarungan ang namumuno pagdating sa mga benepisyo at gantimpala ang pinag-uusapan. Halimbawa, ibabatay ang tatanggapin niyang benepisyo sang-ayon na rin sa ibinibigay sa kanilang kaaya-ayang kapaligiran, maliwanag na pook ng pinagtatrabahuhan, pantay na pagkakataon upang umunlad, lumago at umangat. Isa pang maliwanag na halimbawa ukol sa kaibahan ng pagiging pantay at ng pagiging makatarungan ay makikita sa katauhan ng isang office manager. Kung pantay ang kanyang pakikitungo sa mga subordinates ay bibigyan niya ng dagdag na sahod, pag-angat at bonus ang bawat isang empleyado sa kanyang kompanya na hindi na isinasaalang-alang ang kanilang mga tungkulin, kinalalagyan, mga gawain at pakikitungo. Bibigyan niya silang yaohod (lahat) ng pantay-pantay na gantimpala dahil siya ay pantay-pantay makitungo sa yaohod (lahat). Ano ang masamang bunga ng ganoong uri ng pamamahala sa kinalaunan? Hindi makukuntento ang mga manggagawa, lalo na yaong mga trabahador na maraming ginagawa, pati na rin doon sa mga may mabibigat at mahihirap na tungkulin at pati na yaong matagal nang nagtrabaho sa kumpanyang iyon. Ang ganitong uri ng pagpapatupad ay nanghihikayat sa mga manggagawa na magtamad at kawalan ng pagnanasang magtagumpay, umangat at magsumikap pa ng higit. Bakit? Dahil ang bawat isa ay tumatanggap ng magkakaparehong sahod, kaya bakit pa siya gagawa nang higit o bakit pa siya magtatrabaho ng labis? Kung ang isang supervisor ay tumatanggap ng karagdagang P100 buwan-buwan sa kanyang sahod kapareho ng kanilang tagapaglinis o janitor, pantay nga ang pakikitungo niya sa kanyang mga manggagawa subalit hindi naman siya makatarungan. Wala na ang hamon ng pagsusumikap at pagpupunyagi ng higit upang lalo pang mapagyaman, at mapag-inam ang kanyang tungkulin. Ang pamamaraan ng pagpapatupad ng katarungan ay upang ibigay sa bawat isa ang kita o sahod na naaayon sa kanya dahil sa kanyang pagsusumikap na makamit ang layunin o goal niya sa pagtatrabaho. Ang pamamaraan naman ng pagiging pantay ay upang ibigay sa bawat isa ang magkakaparehong sahod na hindi ibinabatay sa kanyang pagpupunyagi upang makamit ang layunin o goal. Ang tama at madaling paraan para sa isang authority ay maging pantay pagdating sa mga benepisyong ipamamahagi. Ang isang tagapaglingkod ay nagiging parehas dahil ang kanyang mga manggagawa ay tumatanggap ng mababang sahod na siyang itinatag ng batas (minimum wage), subalit nagiging makatarungan rin ang kanyang pakikitungo dahil sa kanyang pagbibigay nang higit pa sa pinakamababang sahod na kanilang tatanggapin. Lampas sa minimum wage ay batay na sa galing sa paglilingkod, nauuwi sa pagiging makatarungan ng nangangasiwa. Nagiging parehas ang pakikitungo ng isang authority kapag kanyang nilapatan ng parusa ang mga sumusuway sa mga alituntunin at nagiging makatarungan rin naman pagdating sa paglalapat ng kaukulang parusa sang-ayon na rin sa tindi ng kanyang kasong ginawa. Ang makatarungan at tamang pamamaraan sa pagbibigay ng mga benepisyo, mga karagdagang sahod o kaya'y bonus ay kailangang isaalang-alang ng isang authority kung ang kanyang mga manggagawa ay matagal na, dahil sa kanyang nakaatang na tungkulin, sa kanyang paghuhusay sa pagtatrabaho, katapatan, pakikitungo sa gawain, at iba pang maiinam na bagay. Ang isang makatarungang pamamahala ay naghihikayat ng kasipagan, katapatan, kahusayan at pagsulong sa pamamagitan ng tamang layunin na kanilang ipinatutupad na dumadaloy sa puso't isipan ng kanilang mga subordinates. Pinapawi naman ng pamamalakad ng pagiging parehas ang alinmang pagtatangi at mga manok-manok. Sa isang sambahayan, kailangang ang pakikitungo sa mga bata at iba pang miyembro ng pamilya ay magkahalong katarungan at pagiging parehas. Maski na ang YÁOHU UL ay naglaan ng dobleng bahagi para sa mga panganay na anak na lalaki dahil sila ang may pinakamalaking responsibilidad sa buhay. Ang YÁOHU UL ay makatarungan pagdating sa Kanyang pakikitungo sa Kanyang mga anak, at parehas rin naman pagdating sa paggagawad ng mga biyaya. Dapat ang ipinadadama ng mga magulang na pagmamahal sa kanilang mga anak ay parehas, tama iyon, subalit ang higit uunahin ay ang panganay na anak na lalaki bago ang mga nakababatang kapatid, upang ang mga nakatatanda ay igalang at sundin. Kinakailangan rin namang igawad ang mga benepisyo at gantimpala sa bawat anak batay sa kanilang mga pag-uugali at pakikitungo sa kanilang mga magulang pati na rin sa kanilang mga nakatatandang kapatid. Ang mga masuwayin at mapaghimagsik na mga anak ay nararapat lamang parusahan batay na rin sa tindi ng kanilang ginagawang pagsuway. Kung ang isang magulang ay parehas ang pagtingin sa yaohod (lahat) ng kanyang mga anak, naggagawad ng magkakaparehong gantimpala sa isang masunurin at sa isang masuwayin, at kung ang isang magulang naman ay pinapaboran ang yaohod (lahat) ng kanyang mga anak kahit ano pang uri ng pag-uugali mayroon ang kanyang mga anak, tiyak na ito'y hahantong sa pagkabulok at kasiraang moral ng bata. Bakit? Dahil sa parehas ang kanilang pakikitungo sa mga masuwayin, tamad, di-mapagkakatiwalaan, mapaghimagsik, matigas ang ulo sa mga masunurin, masisipag at may mainam na pag-uugali. Iyon ay 'overextended fairness.' Truth overextended is heresy. Kapag ang ranggo ng senioridad sa mga magkakapatid ay hindi binibigyang halaga, ang mga kasarian ay winawalang-halaga, at ang mga kakayahan at mga kakulangan ng bawat isa ay lubusang hindi pinahahalagahan ng mga magulang dahil parehas raw ang kanilang pagtrato sa kanilang mga anak - ito'y tiyak na mauuwi sa kaguluhan at kabulukan. At alam nating si ha-satán ang pinagmumulan ng kaguluhan. Ang di-tamang paglalapat ng pagiging parehas ay hahantong sa pagkasira ng loob at demoralisasyon sa mga subordinates. Kung saan walang katarungan ay walang kapayapaan. Tiyak na sisibol ang paghihimagsik ng mga bata laban sa kanilang mga magulang na nagpakita sa kanila ng labis na tratong parehas subalit di naman makatarungan. Ang mga magulang ay talagang buong-pusong nagmamahal sa kanilang mga anak ngunit sa maling paraan. 'Kapag umiiral ang katarungan, natutuwa ang matuwid ngunit nalulungkot ang masama at may likong pag-iisip.' - Kawikaan 21:15 Pagdating sa mga gantimpala, benepisyo at mga biyaya, ay iniaangkop lang ni YÁOHU UL ang nararapat tanggapin ng bawat isa sang-ayon na rin sa panukala ng bawat isa. Subalit naglalaan rin naman Siya ng pangkaraniwang mga biyaya na nalalasap ng bawat isa tulad ng araw, ulan at iba pa. 'Dahil ang YÁOHU UL ay mabuti sa masasama at sa mga hindi marunong tumanaw ng utang na loob. Maging mahabagin kayo gaya ng inyong YÁOHU ABÚ.' - Lukas 6:35-36 Sa pagbibigay ng mga biyaya sa mga subordiantes ay kinakailangan rin namang maging parehas, subalit kailangang pairalin ang katarungan kung maglalaan ng mga karagdagang gantimpala at mga benepisyo, nang higit sa mga pangkaraniwang biyaya o pagpapala at mga laan. 'Ang paghahari ni YÁOHU UL ay katulad nito: lumabas nang maagang-maaga ang may-ari ng ubasan upang humanap ng mga manggagawa. Nang magkasundo na sila sa upa na isang denaryo maghapon, sila'y pinapunta niya sa kanyang ubasan.' 'Lumabas siyang muli sa nang mag-iikasiyam ng umaga at nakakita ng iba pang tatayu-tayo lamang sa liwasang-bayan. Sinabi niya sa kanila, 'Pumaroon din kayo at magtrabaho sa aking ubasan, at bibigyan ko kayo ng kaukulang upa.' At pumaroon nga sila.' 'Lumabas na naman siya nang mag-iikalabindalawa ng tanghali at nang mag-iikatlo ng hapon, at gayon din ang ginawa niya.' 'Nang mag-iikalima ng hapon,, siya'y lumabas uli at nakakita pa ng mga ibang wala ring ginagawa. Sinabi niya sa kanila, 'Bakit kayo tatayu-tayo lang dito sa buong maghapon?' ' ''Wala pong magbigay sa amin ng trabaho, e!' sagot nila. At sinabi niya, 'Kung gayon, pumaroon kayo at gumawa sa aking ubasan.'' 'Pagtatakip-silim, sinabi ng may-ari ng ubasan sa kanyang katiwala, 'Tawagin mo na ang mga manggagawa at sila'y upahan, magmula sa huli hanggang sa unang nagtrabaho.' 'Ang mga nagsimula nang mag-iikalima ng hapon ay tumanggap ng tig-iisang denaryo. At nang lumapit ng mga nauna, inakala nilang tatanggap sila nang higit doon; ngunit ang bawat isa'y tumanggap din ng isang denaryo.' 'Pagkatanggap nito, nagreklamo sila sa may-ari ng ubasan. Sabi nila, 'Isang oras lang pong gumawa ang mga huling dumating, samantalang maghapon kaming nagpagal at nagtiis ng nakapapasong init ng araw. Bakit naman po ninyo pinagpare-pareho ang upa sa amin?'' 'At sinabi niya sa kanila, 'Kaibigan, hindi kita dinadaya. Hindi ba't nagkasundo tayo sa isang denaryo? Kunin mo ang ganang sa iyo, at umalis ka na. Maano kung ibig kong upahan ang nahuli nang tulad ng upa ko sa iyo? Wala ba ahneeng (akong) karapatang gawin ang aking maibigan sa ari-arian ko? O naiinggit ka lang dahil sa aking kabutihang-loob?' ' 'Kaya't ang nahuhuli ay mauuna, at ang nauuna ay mahuhuli.' - Man-YÁOHU 20:1-16, Banal na Kasulatan. Sa pamamalakad ng isang pamahalaan, kinakailangang pairalin ang katarungan sa mga mamamayan. Ang walang katarungan ay hahantong sa di pagkakontento, pagrereklamo at paghihimagsik. Kung yaong mga lumalabag sa batas ay hindi napaparusahan, at yaong mga tapat na nagbabayad ng kanilang mga buwis ay napaparusahan dahil nakikita ang ulat ukol sa kanilang mga pinansiyal na katayuan at sa halip na yaong mga hindi nagbabayad ng kanilang mga buwis (yaong mga may nakatagong dapat bayaran ng buwis) ay hindi maaaring galawin at siya pang binabalewala, habang ang yaohod (lahat) ay tumatanggap naman ng kaukulang serbisyo at mga benepisyo mula sa pamahalaan, darating ang araw na wala nang susunod sa ipinag-uutos ng gobyernong mga batas at patakaran. Bakit? Dahil pare-pareho ang trato o pakikitungo ng pamahalaan sa bawat mamamayan, at hindi naman pinaiiral ang katarungan. Dadagsa ang mga krimen, at maglalaho ang kapayapaan at katiwasayan sa buong kapuluan. Kung saan mayroong di paglalalapat ng katarungan ay naroroon rin naman ang kaguluhan. Ang tamang paraan ay ang parusahan ang mga lumalabag sa mga batas, at walang sinumang higit na makapangyarihan pa kaysa sa batas; kasama na rin dito ang paghihikayat sa mga taong maging masunurin dahil sa sila'y pinangangangalagaan mula sa anumang mga kapahamakan at kaapihan, at ang pagbibigay sa kanila ng mga karagdagang benepisyo at social services. Tiyak na uunlad at magtatagal ang pamamahala niyaong nagpapairal ng katarungan. Maigagawad ang awa sa pamamagitan ng 'pardon' kung tunay na nagsisisi sila sa kanilang mga nagawang kasalanan, at handang magbago at hindi na uulitin pang muli ang nagawang kasalanan. Hindi dapat lapatan ng awa kung hindi naman talaga tunay ang kanyang pagsisisi sa mga kasalanang kanyang nagawa. 'Ang bayan ay magulo kung may nag-aagawan sa kapangyarihan. Ngunit kung matalino ang namumuno ang bansa ay magtatagal.' - Kawikaan 28:2 'Pag matuwid ang nasa kapangyarihan, ang yaohod (lahat) ay nagdiriwang, ngunit kung mapalit ay masama, yaohod (lahat) ay nasa taguan.' - Kawikaan 28:12 'Ang haring walang pang-unawa ay tiyak na malupit, ang pamamahala ng tapat na hari ay lalawig.' - Kawikaan 28:16 'Kapag masama ang pinuno, ang yaohod (lahat) ay nagkukubli, ngunit kapag sila ay wala na ang kapalit ay mabubuti.' - Kawikaan 28:28 'Kapag matuwid ang namamahala, nagsasaya ang madla, ngunit matamlay ang bayan kung ang pinuno ay masama.' - Kawikaan 29:2 'Ang kaharian ay matatag kung ang hari'y makatarungan, ngunit ito'y mawawasak kung sa salapi siya'y gahaman.' - Kawikaan 29:4 'Kinikilala ng matuwid ang karapatan ng mahirap, ngunit ito'y bale-wala sa mga taong sukab.' - Kawikaan 29:7 'Ang buong bayan ay ginugulo ng palalo, ngunit ang galit ng mga tao'y pinapawi ng matitino.' - Kawikaan 29:8 'Ang mamamatay-tao ay namumuhi sa taong tapat, ngunit ang matuwid, sa kanila'y nag-iingat.' - Kawikaan 29:10 'Kapag nakinig ang hari sa kasinungalingan, yaohod (lahat) ng lingkod niya'y mabubuyo sa kasamaan.' - Kawikaan 29:12 'Kung ang pagtingin ng hari ay pantay-pantay, magiging matatag ang kanyang kaharian.' - Kawikaan 29:14 'Pag masama ang namamahala, naglipana ang karahasan, ngunit masasaksihan ng matuwid ang kanilang kapahamakan.' - Kawikaan 29:16 'Ang bansang walang Ul o Maykapal, ay puno ng kaguluhan, ngunit mapalad ang taong sumusunod sa Kautusan.' - Kawikaan 29:18 'Ito ang payo ng ina ni Lemuel na hari ng Massa.' 'Mayroon ahneeng sasabihin sa iyo, anak, na tugon sa aking dalangin. Huwag mong uubusin sa babae ang lakas mo at salapi, at baka mapalungi kang tulad ng ibang hari. Lemuel, di dapat sa hari ang uminom ng alak o matapang na inumin. Kadalasan pag lasing na sila'y nalilimutan na nila ang matuwid at napapabayaan ang karapatan ng mahihirap. Ang alak ay ibigay mo sa nawawalan ng pag-asa at sa mga taong dumaranas ng matinding kahirapan. Bayaan silang uminom upang malimutan ang hirap at kasawian. Ipagtanggol mo ang mga di makalaban, ipaglaban ang kanilang karapatan. Ipahayag mo nang malinaw ang katotohanan at ang katuwiran, at igawad ang katarungan sa api at mahirap.' Kawikaan 31:1-9 Hindi dapat tangkain ninuman na maging higit pang mabait kaysa kay YÁOHU UL, mismo. Totoong mahabagin nga ang YÁOHU UL subalit taglay pa rin Niya ang katangiang makatarungan. Kung ang paiiralin lamang ni YÁOHU UL ay puro habag at awa at walang katarungan, hindi Siya magiging Dalisay at HODSHUA (Banal) dahil hindi Siya makatarungan. 'Huwag kayong magpapakabuti o magpapakatalino nang labis. Bakit mo pahihirapan ang iyong sarili?' - Mangangaral 7:16 May nagsasabi na hindi raw niya maaaring paglingkuran ang Manlilikha na kakaunti lang ang taglay na pagkahabag kaysa sa kanya, isang ordinaryong tao lamang, lalo na yaong nahatulan ng kamatayan dahil sa nagawa nilang krimen. Hindi pa niya lubusang nauunawaan na bukod sa pagiging mahabagin ni YÁOHU UL, ay pinangangalagaan rin naman Niya ang iba pa Niyang katangian, at isa sa mga katangiang ito ay ang Kanyang pagiging MAKATARUNGAN. Hindi maaaring ang paiiralin lamang ni YÁOHU UL ay pulos habag nang wala namang katarungan dahil lalabas Siyang hindi dalisay at hindi banal. Mawawalan ng bisa ang pamamahala Niya bilang HODSHUA (Banal) kung hindi Siya makatarungan. Tama ngang magkasama ang katarungan at ang pagkakaroon ng habag, subalit sa isang authority bilang isang halimbawa ni YÁOHU UL, ay hindi maaaring magpairal ng habag nang walang katarungan sa pamamahala. Ang pinakamainam ay ang pagiging makatarungan at pagiging mahabagin sa mga nagsisisi. Kung mayroong magtatangkang higtan ang pagiging mahabagin ni YÁOHU UL, siya ay magiging di makatarungan sa mga matuwid at mabuti naman sa mga masasama. Isang pangkaraniwang halimbawa nito ay yaong mga magulang na higit minamahal nang higit ang kanilang inampong bata kaysa sa mga tunay nilang anak, dahil nga sa kanilang pagtatangkang higtan ang kabaitan ng tunay na Manlilikha. Sa pamilyang ito ay nauna ang kayabangan pagkatapos ay ang kanilang pagkawasak. Mayroon din namang higit kinahahabagan ng iba ang mga kriminal kaysa doon sa mga tapat at masunuring dukha. Mayroon rin namang tumutulong sa mga salarin kaysa sa mga ulilang lubos na nangangailangan ng kalinga at pangangalaga. Ito ay tinatawag na maling habag o di angkop na paglalapat ng habag at awa. Mayroon rin namang nagpapadala ng tulong sa mga samahang tumutuligsa at naghihimagsik sa kanilang pamahalaan. Anumang kanilang inihasik ay tiyak na kanilang aanihin. Ang ganitong uri ng pamahalaan ay tiyak na aani ng paghihimagsik mula sa kanyang nasasakupan. Kaya ngayon ay alam na ninyo kung bakit ganoon ang nangyayari sa ilang bansa sa buong mundo, lalo na yaong mga tumulong sa mga rebelde noong nakaraan, tiyak na aanihin rin nila ang paghihimasik sa sarili nilang bakuran. Hindi maaaring paghiwalayin ninuman ang bunga sa binhing inihasik maging ng pamahalaan at ng mga bansa. Ang walang hanggang Molyao-Ul (Salita) ay palagiang nagpapatunay na ito'y totoo kahit na may mga katanungan, may nag-aalinlangan at kahit na may humahamon pa. 'Maglalaho ang langit at ang lupa ngunit ang Molyao-Ul (Salita) Ko hindi maglalaho,' sabi ng Gaúl YAOHÚSHUA. T. Ano ngayon kung ang isa ay dumaranas ng di kanais-nais, gayong sa kanyang pagkakaalam ay wala naman siyang ginawa o inihasik ng gayon noong nakaraan? Halimbawa, mayroong isang napagbintangan na siya'y gumawa ng krimen kung kaya't napilitan siyang magdusa sa piitan. Subalit wala naman siyang inihasik nito noong nakaraan, subalit bakit ang kanyang inani ay mapait na bunga? O kaya naman, bakit ang isa ay napagbibintangan ng kanyang amo gayong wala naman siya talagang kinalaman dito? S. Ang mga sumusunod ay maaaring dahilan kung bakit nga nagkaganoon kung kaya dapat siyasating mainam at pagsisihan, kung mayroon man sa mga ito: 1. Baka naman mayroon siyang balak na gawin ang gayong uri ng krimen noong nakaraan subalit hindi naman natuloy sa pagsasagawa nito, dahil ang nakasulat ay: ang magplano ng masama ay kapareho rin ng pagsasagawa nito; 2. Baka naman sumang-ayon siya na mangyari iyon sa iba, kahit na sa mga babasahin at mga pahayagan, sa radyo o kaya'y sa napanood sa telebisyon; 3. Baka naman mayroon siyang lihim na pagnanasa na siya lamang ang nakaaalam na gawin ang gayong krimen; 4. Ang kanyang mga ninuno ay gumawa ng gayong krimen at hindi naman naparusahan; (Dapat mong ipahayag at itakwil ang mga kasalanang nagawa ng inyong mga ninuno upang maputol na ang masamang bunga nito sa buhay ninyo, sa Shúam (Ngalan) ng Odmorul YAOHÚSHUA ang Tagapagligtas! Alalahaning ang kasalanan ng mga magulang na namumuhi kay YÁOHU UL ay sisingilin Niya sa kanilang mga anak hanggang sa kanilang ika-3 at ika-4 na salinlahi. Pakibasa po sa Deuteronomio 5:9-10) 5. Baka naman natutuwa at nagagalak ka dahil sa nangyayari sa iba, maging ito ay sa panaginip, guni-guni, mismong pangyayari, sa mga balita, sa telebisyon o kaya'y sa mga pelikula. Kaya palagiang babantayan ang inyong iniisip, ang inyong sinasang-ayunan, ang inyong ninanais at pagnanasa dahil ang sumang-ayon sa isang bagay ay pakikisama o pagsasagawa ng ganoong gawain. Hindi mo dapat sasang-ayunan ni kasisiyahan ang anumang uri ng kasamaan. Ilayo mo ang iyong sarili mula sa yaohod (lahat) ng uri ng kasamaan at ang iyong kinabukasan ay tiyak na giginhawa, magiging tiwasay, tahimik, payapa, at pagpapalain! Palagiang pakatandaan rin naman na hawak ni YÁOHU UL ang isipan ng hukom. Kaya ang sinumang di-sumasang-ayon at lumaban sa kanilang mga pasya (ipagpalagay nating hindi na mapapakiusapan ang pinakamataaas na hukom) ay tiyak na aani ng masasamang binhi sa hinaharap. Sa papaanong paraan? Ang isang taong di-sumang-ayon at lumaban sa hatol ng itinalagang hukom ay gagawa rin siya ng pasya na hindi rin sasang-ayunan ng mga nasasakupan niya kahit na yaong mga walang kinalaman sa pangyayari maipahayag lamang ang matindi nilang pagtutol. Bakit? Dahil walang sinumang makapaghihiwalay ng bunga sa binhing inihasik. Sinasalungat ni YÁOHU UL ang anumang uri ng paghihimagsik laban sa Kanyang itinalagangang mga hukom at mga pinuno. Kung ikinatutuwa at sinasang-ayunan ng isang tao habang ang iba naman ay nahatulan nang DI MAKATARUNGAN dahil sa krimeng hindi naman niya ginawa, isang mapait na binhi na siya rin ang aani ng mapait na binhi, yaong mahatulan rin siya ng gayon din, maliban na lamang kung ito ay kanyang naikumpisal at pinagsisihan at nilinis na ng 'DAM' o dugo ng Mihushuayao YAOHÚSHUA hol-MEHUSHKHÁY. Hindi dapat hatulan ang sinuman upang hindi rin siya hatulan, sabi ng Mihushuayao YAOHÚSHUA. Hayaang ang umiiral na batas sa lupa at ang Molyao-Ul ni YÁOHU UL ang siyang humatol sa mga kriminal at mga makasalanan at hindi ang sinuman dahil iyon ay mahigpit na ipinag-uutos na huwag humatol ni magkondena sa sinumang tao. 'Huwag ninyong hatulan ang inyong kapwa upang hindi kayo hatulan ni YÁOHU UL,' sabi ng Mihushuayao YAOHÚSHUA. Uulitin pong muli, ang Molyao-Ul ni YÁOHU UL ay totoo at mabisa, kahit sino pa ang humamon. Maglalaho ang langit at ang lupa subalit ang Molyao-Ul ay hindi mabisa, patutunayan sa bawat isa na ito ay totoo at mangyayari, sa mabuti at sa masama mang pangyayari. 2. Huwag paghahaluin pagkatao at ang tungkuling kanyang ginagampanan. Huwag ring paghahaluin at paglalabuin ang katauhan sa katayuan na kanyang pinaiiral bilang authority maging ito ay sa pamilya, sa Oholyao, sa opisina o kaya'y kumpanyang pinagtatrabahuhan. Ang pangkaraniwang halimbawa nito ay matatagpuan sa mga ospital na kung saan ang mga pasyente ay nakikinig sa payo ng mga doktor at tinatanggap ang kanilang ibinigay na reseta, kahit na anong uri pa ng katauhan mayroon ang doktor na iyon. Maski na ang doktor na iyon ay may apat na asawa, o kaya nama'y sumpungin o kaya'y pabagu-bago ng timpla, o kaya'y pangit, maski na ano pa ang katangian niya. Bakit? Dahil sa pagiging manggagamot niya na may tungkuling tumingin sa kanila sa ospital na iyon, talagang dapat ihiwalay ang pagkatao at ang personal niyang buhay. Tama ang pakikitungo nila sa doktor dahil ginagalang siya bilang doktor na nasa tungkuling kanyang ginagampanan, at hindi nila pinaghahalo o pinaglalabo ang kanyang pagkatao sa kanyang tungkulin. Kinakailangang ang bawat isa ay sumunod sa utos maski na kamag-anak, kaibigan o kapitbahay pa nila yaong pulis, hukom, o kaya'y tagapagtanggol. Ang mga taong nasa kanilang tungkulin ay hindi na dapat pang pag-alinlanganan dahil sa taglay nilang kapamahalaan. Hindi rin dapat ihalo ang mga feelings o mga nararamdamang personal, mga ibig at di ibig, mga paunang haka-haka, mga pagtatangi, mga di-kanais-nais na mga pangyayari noong nakaraan, mga personal na paborito dahil ang mga ito ay hindi makahahadlang sa mga tungkulin at gawain ng authority na inatasang gawin ang mga nakaatang sa kanyang mga balikat. 'Anak, igalang mo ang YÁOHU UL, gayon din ang hari. Huwag mong susuwayin ang sinuman sa kanila pagkat bigla na lang kayong mapapahamak. Hindi ka ba natatakot sa pinsalang magagawa nila sa iyo? Hindi dapat magtangi sa pagpapairal ng katarungan. Ang hukom na nagpapawalang-sala sa may kasalanan ay itinatakwil ng tao at isinusumpa ng bayan. Ang nagpaparusa sa masama ay mapapabuti at pagpapalain.' - Kawikaan 24:21-25 Ang isang opisyal na naglilingkod sa mga mamamayan ay pinag-uukulan ng tiwala ng mga tao kaya't dapat niyang gawain ang kanyang tungkulin nang walang pagtatangi at di sang-ayon sa sarili niyang ibig, o kaya'y di niya naibigan, o kaya'y dahil sa kamag-anak, malapit na kaibigan o kaya'y dati niyang kaklase sa paaaralan. 'Ang haring tapat at makatarungan ay magtatagal sa kanyang luklukan.' - Kawikaan 20:28 'Hawak ni YÁOHU UL ang isip ng isang hari at naibabaaling niya ito kung saan igawi.' - Kawikaan 21:1 'Pag umiiral ang katarungan, natutuwa ang matuwid ngunit nalulungkot ang masama at may likong pag-iisip.' - Kawikaan 21:15 Ang isang makatarungang hukom ay humahatol sang-ayon sa nilalaman ng batas na angkop sa bawat pangyayari at inihihiwalay ang pansariling ibig. Kung pinahintulot halimbawa na isa sa pinakamayamang tao o kaya nama'y isa sa mga pinakamahirap na tao ang siyang akusado, ang yaohod (lahat) ng ito ay dapat ihiwalay kung talagang napatunayang siya ang may kagagawan. Isantabi dapat ang kanilang katayuan sa buhay. 'Ang pagkiling sa may sala ay hindi mainam ganoon din ang pagkakait ng katarungan.' - Kawikaan 18:5 'Ang kaharian ay matatag kung ang hari'y makatarungan, ngunit ito'y mawawasak kung sa salapi siya'y gahaman.' - Kawikaan 29:4 'Kapag nakinig ang hari sa kasinungalingan, yaohod ng lingkod niya'y mabubuyo sa kasamaan.' - Kawikaan 29:12 'Kung ang pagtingin ng hari ay pantay-pantay, magiging matatag ang kanyang kaharian.' - Kawikaan 29:14 Maging sa pamilya hindi dapat higit kinkilingan ng mga magulang ang kanilang mga anak na may magagandang kaanyuan subalit masuwayin naman kaysa sa mga wala ngang angking kagandahan subalit masunurin naman. Walang pakialam ang kaanyuan sa pagpapalaki sa mga bata sa paghuhubog ng kanilang pagkatakot sa YÁOHU UL. Ang higit na mahalaga kay YÁOHU UL ay ang pagbabago ng pag-uugali: ang bunga, at mga maiinam na katangiang nahuhubog sa kanilang mga anak. Ang tungkulin ng mga magulang ay palakihin ang mga bata nang may banal na pagkatakot, paggalang at naaayon sa Molyao-Ul ni YÁOHU UL. Hindi inatasan ang mga magulang na maging 'entertainers' o mang-aaliw ng kanilang mga anak. Ang ibinigay sa kanila ni YÁOHU UL na tungkuling ito ay lakipan ng mapagmahal na pangangalaga, pagdidisiplina, pagtutuwid, paghihikayat, suporta, patnubay, paggagabay at panustos (kasama na rito ang pagpapakita ng maiinam na halimbawa) sa kanilang mga anak, upang sila ay mapalaki bilang mga alipin ni YÁOHU UL sa Kanyang kaharian. 'Ituwid mo ang iyong anak habang may panahon kung hindi'y ikaw pa ang nagtutulak sa kanyang kapahamakan.' - Kawikaan 19:18 'Tiisin ninyo ang yaohod bilang pagtutuwid ng isang Abu (Ama), dahil ito'y nagpapakilalang kayo'y inari ni YÁOHU UL na kanyang mga anak. Sinong anak ang hindi itinuwid ng kanyang tatay? Kung ang pagtutuwid na ginagawa sa yaohod ng anak ay di gawin sa inyo, hindi kayo tunay na anak kundi mga anak sa labas.' 'Tangi sa riyan, pinarurusahan tayo ng ating tatay sa laman, at dahil dito'y ginagalang natin sila. Hindi ba lalong nararapat na tayo'y pasakop kay YÁOHU UL na ating ABÚ (Ama) sa 'rukha' (espiritu) upang mabuhay tayo?' 'Sa loob ng maikling panahon, itinutuwid tayo ng ating magulang, ayon sa inaakala nilang mabuti. Ngunit itinutuwid naman tayo ni YÁOHU UL sa ikabubuti natin upang tayo'y maging 'hodshua' (banal), tulad Niya.' 'Habang tayo'y itinutuwid hindi tayo natutuwa kundi naghihinagpis. Ngunit pagkaraan niyon, lalasap tayo ng kapayapaang bunga ng matuwid na pamumuhay' - Hebreo 12:7-11, Banal na Kasulatan. 'Ituro sa bata ang daang dapat niyang lakaran, at hanggang sa paglaki'y di niya ito malilimutan.' - Kawikaaan 22:6 'Likas sa mga bata ang pagiging pilyo ngunit sa pamamagitan ng palo, sila'y matututo.' - Kawikaan 22:15 'Disiplinahin mo ang bata. Ang tamang pagpalo ay hindi niya ikamamatay, manapa'y ililigtas mo ang kanyang buhay.' - Kawikaan 23:13-14 'Anak, maging matalino ka at pag-isipan mong mabuti ang iyong buhay. Huwag kang makikisama sa mga lasenggo at sa masiba sa pagkain. Pagkat sila'y masasadlak sa kahirapan, at darating ang panahong magdadamit ng basahan.' - Kawikaan 23:19-21 'Anak, igalang mo ang YÁOHU UL, gayon din ang hari. Huwag mong susuwayin ang sinuman sa kanila, pagkat bigla na lang kayong mapapahamak. Hindi ka ba natatakot sa pinsalang magagawa nila sa iyo?' 'Hindi dapat magtangi sa pagpapairal ng katarungan. Ang hukom na nagpapawalang-sala sa may kasalanan ay itinatakwil ng tao at isinusumpa ng bayan. Ang nagpaparusa sa masama ay mapapabuti at pagpapalain.' - Kawikaan 24:21-25 3. Katungkulan ng mga samahan ng mananampalataya at kawanggawa na tulungan ang mga dukha sa kanilang bansa. Katungkulan ng isang sambahayan na tulungan ang mga mahihirap. Hindi lamang ang pamahalaan ang may tungkuling tulungan ang mga dukha. Ang pinakatungkulin ng pamahalaan ay panatilihin ang kaayusan at pagpapairal ng batas, at katarungan pati na ang pangangalaga at pagkakaroon ng katiwasayan. Ang pagtulong sa mga dukha ay inihabilin sa mga kawanggawa at mga samahan, mga bahay-panuluyan ng mga ulila at sa sambahayan. 'Ang sinumang hindi kumakalinga sa kanyang mga kamag-anak, lalo na sa mga kasambahay ay tumatalikod sa pananampalataya at masahol pa sa mga walang pananampalataya.' - 1 Yaotom (Timoteo) 5:8 'Kung ang isang babaing balo ay may mga anak o apo, ang mga ito ang dapat kumalinga sa kanilang magulang bilang pagtanaw ng utang na loob, dahil ito ang nakasisiya kay YÁOHU UL.' - 1 Yaotom 5:4 'Ang mga magulang ang dapat mag-impok para sa mga anak, at hindi ang mga anak para sa mga magulang.' - 2 Corinto 12:14b Hindi dapat gawing sarili niyang tagapagligtas ang pamahalaan, dahil iisa lamang ang tunay na Tagapagligtas ng sangkatauhan- walang iba kundi ang Mihushuayao YAOHÚSHUA. Kapag tinangka ng isang pamahalaang maging kahalili ng tunay na Tagapagligtas, ito ay babagsak. Bakit? Dahil hindi naman Tagapagligtas ang pamahalaan; ni hindi rin nagpapagaling sa mga mamamayan. Iisa lamang ang Mihushuayao at Ro-efúl: YAOHÚSHUA hol-MEHUSHKHÁY ang Kanyang Shúam (Ngalan). Truth overextended is heresy. Mabibigo ang sinumang nagtitiwala at ginagawang sarili nilang tagapagligtas, manggagamot, tagaagapay ang pamahalaan. Magtiwala lamang sa Mihushuayao YAOHÚSHUA na Siyang mangangalaga at papatunubay sa iyo at sa iyong sambahayan dahil Siya lamang ang totoong Tagapagligtas. At Siya'y may kapangyarihang kumilos sa buhay ng iyong mga authorities sa lupa upang ipakita ang Kanyang kabuuang pangangalaga at paggagabay sa iyo at sa iyong mga mahal sa buhay. Ang Gaúl YAOHÚSHUA ang nag-iisa mong pag-asa sa mundong ibabaw! T. Bakit maraming mga tagasunod ang naghihimagsik sa kanilang mga pinuno? S. Naririto marahil ang mga paraang ginagamit ni ha-satán upang ibuyo ang mga alipin na maghimagsik laban sa kanilang mga authorities: 1. May ipinagkakait sa kanyang isang bagay na sa palagay niya ay karapat-dapat niyang tanggapin; Ang masamang suspetsang ito ay karaniwang humahantong sa walang kabuluhang paghahambing. Mahigpit na ibinabala ni YÁOHU UL na iwasan ang anumang uri ng paghahambing, dahil hindi ito nagpapakita ng dunong, kaya kaululan ang magkumpara sa iba. Ang bawat isa ay may kanya-kanyang kakayahan, abilidad, talento at mga regalo mula kay YÁOHU UL kasama na rin ang mga kahinaan. Sa kabuuan, ang bawat isa ay magkakaparehong katangian. Maaaring ang isa ay may magandang kaanyuan subalit hindi naman matalino. Maaaring ang iba naman ay medyo may katamtaman lang ang angking kaanyuan subalit matalino. May ibang tao na nagtataglay ng higit sa ganitong bagay o sa ganoong bagay, subalit ang bawat isa ay binigyan ng magkakaibang talento, regalo at mga kakaibang kakayahan. Marami ang naghihimagsik laban sa mga itinakdang tagapamahala, lalo na sa mga magulang at pamahalaan, dahil ang idinadahilan nila ay may mga bagay na ipinagkakait sa kanila, sa halip na maging magpasalamat ay nagrereklamo at nagagalit pa sila, sila yaong walang pagkakuntento sa buhay. 'Ang ahas ang pinakatuso sa yaohod ng hayop na nilikha ng YÁOHU UL. Minsa'y tinanong nito ang babae, 'Totoo bang sinabi ng YÁOHU UL na huwag kang kakain ng anumang bungangkahoy sa halamanan?' Tumugon ang babae, 'Hindi naman! Ipinakakain sa amin ang anumang bunga sa halamanan, huwag lamang ang bunga ng puno na nasa gitna niyon. Pag kami raw ay kumain ng bunga nito o humipo man lamang sa punong iyon, mamamatay kami.' 'Hindi totoo iyan, hindi kayo mamamatay,' wika ng ahas. 'Gayon ang sabi ng YÁOHU UL, dahil alam niyang kung kakain kayo ng bunga niyon, magkakaroon kayo ng pagkaunawa. Kayo'y magiging parang Ulhim; malalaman ninyo ang mabuti at masama.' Napakaganda sa paningin ng babae ang punongkahoy at sa palagay niya'y masarap ang bunga nito. Nabuo sa isipan niya na mabuti ang maging marunong, kaya't pumitas siya ng bunga at kumain. Kumuha rin siya para sa kanyang asawa, at kumain din ito. Nagkaroon nga sila ng pagkaunawa matapos kumain. Noon nila nalamang sila'y hubad, kaya kumuha sila ng mga dahon ng igos, pinagtagni-tagni at ginawang panakip sa katawan.' - Genesis 3:1-7 Karamihan sa mga taong naghihimagsik ay yaong mga mayayabang. Ang pukol ng kanilang pag-iisip ay doon sa mga bagay na hindi ginagawa sa kanya ng iba. Yaong hindi raw siya inaalagaan, hindi raw ibinibigay sa kanya ang nararapat niyang tanggapin, na hindi raw pantay ang trato sa kanya, na hindi raw siya tinutulungan, hindi ibinibigay ang kanyang mga pangangailangan, at mahabang listahan ng mga bagay na hindi naibibigay sa kanya. Ang kanyang listahan ay naglalaman ng mga reklamo, walang kasiyahan at mga paghihimagsik. Ang taglay na ugali ng mga mayayabang ay utang na loob ng mundo, lalo na ng kanyang mga magulang, pamilya at pamahalaan na buhayin siya. Na ang buong mundo ay titigil sa pag-ikot kapag wala siya, na siya ang pinakasentro ng mundo. Kinakailangang ang ganitong uri ng puso ay mahalinhan ng pusong mapagpasakop - isang taong may taglay na pag-uugaling itinakwil na niya ang kanyang sarili o yaong naisuko na niya ang kanyang buhay at lubos na nagtitiwala sa Makatarungang Nagpupuno sa yaohod ng pangangailangan - walang iba kundi ang YÁOHU UL, na Siyang nagbibigay sa bawat isa ng nararapat niyang tanggapin mula sa Kanya. 'Ang YÁOHU UL ay laban sa mga palalo, ngunit tumutulong sa mga mapagpakumbaba.' - Yaocaf (Santiago) 4:6; 1 Kepas (Pedro) 5:5 'Ang kaalaman ng tao, unawa o karunungan ay di makatutulong kung ang YÁOHU UL ang kalaban.' - Kawikaan 21:30 Bakit may nag-iisip na may mga bagay na ipinagkakait sa kanya? Dahil nga sa kanilang ginagawang paghahambing. Ang maghambing ay napakakitid na gawain at dito naghahanap ng katangian sa isang tao na maaari niyang ihambing ang kanyang sarili sa iba, kapag nakita niyang higit nakahihigit siya sa taong iyon, ito'y hahantong sa kanyang kayabangan, at kapag nalaman naman niyang higit nakahihigit ang taong iyon kaysa sa kanya ay hahantong naman sa kapaitan at pagseselos. Kaya isang kalokohan ang maghambing ng katangian sa ibang tao. Ikaw ngayon sa mga oras na ito ay labis na pinakamamahal at pinahahalagahan ni YÁOHU UL kung kaya nga ibinigay Niya ang Kanyang Bugtong na Anak na si YAOHÚSHUA upang ikaw ay maligtas, at kung ikaw ay magtitiwala, ikaw ay magkakamit ng buhay na walang hanggan. Ang Molyao-Ul o Salita ni YÁOHU UL ay totoo, mayroon mang naniniwala o wala dahil patutunayan ng Kanyang Salita na ito ay mabisa, totoo at tama. Kaya hindi dapat maghambing. Sa halip ay pasalamatan ang YÁOHU UL na Siyang Lumalang at nagbigay buhay sa iyo! Magalak at masiyahan anumang bagay ang ibinigay sa iyo ng YÁOHU UL bilang Kanyang kakaiba at walang katulad na nilikha.... 'Hindi ko ipapantay o ihahambing man lamang ang aking sarili sa ilang nagbubuhat ng sariling bangko. Napakahahangal nila! Sila-sila ang naglalagay ng sukatan at parisan ng kanilang sarili!' - 2 Corinto 10:12, Banal na Kasulatan. Anumang uri ng talento, kakayahan at regalo ang ibinigay sa inyo ni YÁOHU UL, gamitin ito sa paglilingkod ninyo sa Kanya at managana at magtagumpay sa Kanyang Walang Hanggang Kaharian! Kayo ay isa sa mga mahahalagang nilalang ni YÁOHU UL. Walang sinuman ang masisiyahan kung siya ay diskontento sa alinmang bagay lalo na sa yaohod ng bagay. 'Kaya, dapat na tayong masiyahan kung tayo'y may kinakain at dinaramit.' Nakasulat sa 1 Yaotom (Timoteo) 6:8 Hindi makapagpapaligaya sa isang tao ang isang milyong dolyares kapag hindi niya alam ang tunay na lihim kung papaano masiyahan sa buhay kahit na ang tinatamasa niya'y maliit o kaya'y malaki. Ang lihim na dapat malaman ay kung papaano maging mapagpasalamat (hodayul), nasisiyahan, kuntento na sa maliit na bagay, kahit pa sa malaking bagay, ang siyang susi upang magtamasa ng kaligayahan, kalusugan at kasaganaan sa piling ng YÁOHU UL sa Kanyang Kaharian na kung saan ikaw ngayon ay kaisa na! 'Ahnee lamang ang tangi mong kailangan,' sabi ni YÁOHU UL. 2. Nasaktang damdamin o emosyon - 'Siyang madaling magalit ay mangmang,' - tulad ng nakasulat. Marami ang nagkakasala at naghihimagsik kay YÁOHU UL at sinusuway pa ang Kanyang Molyao-Ul pati na ang batas ng tao dahil lamang sa damdamin at emosyon ng mga tao. Dahil na rin sa pagkainggit, pagseselos, pagkamuhi, pagkagalit, pagkainis o kaya'y sa mga pansariling hangarin, at ang iba ay natutukso ng kaaway na gumawa ng mga karahasan makasuway lamang sa kautusan ni YÁOHU UL. Marami ang naghihimagsik sa kanilang mga magulang dahil sa kanilang pagseselos at pagkainggit. Marami pa rin ang naghihimagsik sa pamahalaan dahil sila ay hindi nasisiyahan o dahil sa kanilang karukhaan. Mayroon ding naghihimagsik laban sa kanilang mga asawang lalaki dahil sa hindi mapigilang pagnanasa sa sex. Ang mga kasapi sa ibang samahan ng mananampalataya ay kadalasang naghihimagsik sa kanilang mga 'rukhaól' na tagapamuno dahil na rin sa kanilang sariling paghahangad at kapalaluan, o yaong iba naman ay kapag napagsabihan at naituwid pagdating sa pag-aasawa sa hindi niya kapwa mananampalataya at iba pang dahilan. 'At sinumang mag-asawa sa babaing hiniwalayan ay nangangalunya....' tulad ng nakasulat. 'Pasakop kayo sa mga 'rukhaól' (espiritwal) na nangangasiwa sa inyo. Sila'y may pananagutang magbantay sa inyo, at magbibigay-sulit sila kay YÁOHU UL ukol dito.' 'Kung sila'y susundin ninyo, magagaalak sila sa pagtupad ng kanilang tungkulin. Kung hindi, sila'y mahahapis, at hindi ito makabubuti sa inyo.' - Hebreo 13:17, Banal na Kasulatan. 'Ipinamamanhik namin, mga kapatid, na igalang ninyo ang mga nagpapagal para sa inyo, ang mga pinili ni YÁOHU UL upang mamahala at magturo sa inyo. Pag-ukulan ninyo sila ng lubos na paggalang at pag-ibig, dahil sa kanilang gawain. Magsama-sama kayong mapayapa.' - 1 Tesalonica 5:12-13, Banal na Kasulatan. Ang bunga ng 'RÚKHA-YAOHÚSHUA' na mahalagang dapat manaig sa ganitong mga pangyayari ay ang pagpipigil sa sarili at ang pananampalataya. Ang pigilin ang damdamin at ang kanyang emosyon at ang pagkakaroon ng buong pagtitiwala, paniniwala at pananampalataya kay YÁOHU UL na Siyang tumutulong sa mga mapagpasakop, mapagpakumbaba at Siya namang nagsasalungat sa mga palalo, mapaghimagsik at matitigas ang ulo. 'Ang taong walang pagpipigil ay tulad ng lunsod na walang tanggulan, madaling masakop ng mga kaaway.' - Kawikaan 25:28 'Hindi maikakaila ang mga gawa ng laman: pangangalunya, karima-rimarim na pamumuhay, kahalayan, pagsamba sa lo-ulhim (mga rebulto), pangkukulam, pagkapoot, pagkagalit, paninibugho, kasakiman, pagkakabaha-bahagi, pagkakampi-kampi, pagkainggit, paglalasing, walang taros na pagsasaya, at iba pang tulad nito. Binabalaan ko kayo tulad noong una: hindi tatanggapin sa kaharian ni YÁOHU UL ang gumagawa ng gayong mga bagay.' 'Subalit ang bunga ng 'RÚKHA-YAOHÚSHUA' ay pag-ibig, kagalakan, kapayapaan, katiyagaan, kabaitan, kabutihan, katapatan, kahinahunan, at pagpipigil sa sarili. Walang utos laban sa ganitong mga bagay. - Galacia 5:19-23 3. Lusts of the eyes - 'Pagkatapos ang Mihushuayao YAOHÚSHUA ay dinala ng 'RÚKHA-YAOHÚSHUA' sa ilang upang tuksuhin ng diyablo. Doon, apatnapung araw at apatnapung gabing nag-ayuno si Molkhiul YAOHÚSHUA, at Siya'y nagutom. Dumating ang manunukso at sinabi sa kanya, 'Kung Ikaw ang Anak ni YÁOHU UL, gawin Mong tinapay ang mga batong ito.' 'Ngunit sumagot ang Mihushuayao YAOHÚSHUA, 'Nakasulat, 'Hindi lamang sa tinapay nabubuhay ang tao, kundi sa bawat salitang namumutawi sa bibig ni YÁOHU UL,' ' 'Pagkatapos nito'y dinala siya ng diyablo sa taluktok ng templo sa Banal na Lunsod. 'Kung Ikaw ang Anak ni YÁOHU UL,' sabi sa kanya, 'magpatihulog ka, dahil nakasulat, 'Ipagbibilin niya sa kanyang mga anghel na ingatan Ka,' at 'Aalalayan Ka nila, upang hindi Ka matisod sa bato.' ' Sumagot ang Mihushuayao YAOHÚSHUA, 'Nakasulat din naman, huwag mong subukin ang YÁOHU UL.' 'Pagkatapos, dinala siya ng diyablo sa isang napakataas na bundok. Mula roo'y ipinatanaw sa kanya ang yaohod ng kaharian ng sanlibutan at ang kayamanan ng mga ito. At sinabi ng diyablo, 'Ibibigay ko sa Iyo ang yaohod ng ito, kung magpapatirapa Ka at sasamba sa akin.' Sumagot si Molkhiul YAOHÚSHUA, 'Lumayas ka, satanas! Dahil nakasulat, 'Ang YÁOHU UL lamang ang sasambahin mo; Siya lamang ang iyong paglilingkuran.' ' 'At iniwan Siya ng diyablo. Dumating ang mga anghel at naglingkod sa Kanya.' - Man-YÁOHU (Mateo) 4:1-11, Ang mga naggagandahan at nagkikinangang mga bayan, mga mapang-aliw na mga pook, mga mapaglilibangang pook, pasugalan tulad ng mga casinos, mga magagarang sasakyan tulad ng limousines, mga naglalakihang mga mansyon, sariling pag-aaring mga sasakyang panghimpapawid tulad ng jet, idagdag na rin dito ang mga kagandahan ng mga babae at mga matitipunong mga lalaki, na may kasama pang pag-inom ng mamahaling mga alak, at masasarap na pagkain, buhay ng mga tanyag at mayayamang tao - ang yaohod (lahat) ng ito ay ginagamit ng kaaway upang linlangin at ibuyo ang mga tao tungo sa paghihimagsik laban sa kanilang mga authorities. Dahil sa pagtataksil sa bayan sa pamamagitan ng pagkakalat ng lihim ng kanilang pamahalaan pati na sa kanilang kumpanya, mga paglaban at matinding pagtutol sa mga bilin ng kanilang mga magulang, nagtatatag ng samahang maninira sa ibang samahan, o kaya'y ang pagkakalat ng mga kahinaan ng iyong amo, ito ang kadalasan at pangkaraniwang tukso na ipinapain ng kaaway upang tuluyang ipagkanulo ng tao sa kanilang mga tagapamuno. Maraming mga pangulo ang nawala sa kanilang tungkulin, may mga haring napugutan ng ulo, mga napaalis na CEO's sa kanilang trabaho, ang mga magulang ay sinusuway ng kanyang mga anak, dahil nga sa kanilang mapaghangad na mga mata, dahil nais lasapin ng mga mapaghimagsik ang mga kalayawan sa sanlibutan. Hindi alam ng mga naghihimagsik na sila pala'y naghihimagsik dahil nga ang buong akala nila ay mapapaligaya, pagtatagumpayin, masisiyahan na sila sa mga bagay sa sanlibutan. Hindi. Tanging ang mga matutuwid lamang ang mapalad na makatatanggap ng gayong pagpapala dito sa lupa. Ang kahahantungan ng mga mapaghimagsik tulad ni Abshalom at matinding kaparusahan mula kay YÁOHU UL. Totoo ngang may panandaliang aliw yaong mga ginawang kasalanan at paghihimagsik subalit ito ay panandalian lamang, at tiyak na mapait na ani sa bandang huli. Palagiang ang pukol ng pananaw ay sa bandang huli kung ano ang kahihinatnan ng iyong ginagawa, tulad halimbawa ng mga rock stars, kung papaano na kapag sila ay namatay. Silang mga naghahangad ng mga panandaling aliw at pang-akit upang magkasala at maghimagsik, tunghayan ang kanilang mga huling hantungan at kahinatnan. Talagang matitinding pighati at pusikit na karimlan. Alalahanin po ninyo na minsan lang sa isang tao ang mamatay pagkatapos nito ay ang paghuhukom. 'Sa kabila ng yaohod ng ito, isa lamang ang aking masasabi: Matakot ka kay YÁOHU UL at sundin mo ang kanyang mga utos pagkat ito ang buong katungkulan ng tao. Yaohod ng gawin natin, hayag man o lihim, mabuti o masama ay isusulit natin kay YÁOHU UL.' - Mangangaral 12:13-14, Tanakh. 4. Kayabangan - tingin niya sa sarili ay napakahalaga, ibig niya'y siya ang palaging hinahangaan, pinupuri, at pinaparangalan ng mga tao. Bakit marami ang nagtatalo at nag-aaway-away, at ginagawa ang yaohod ng paraan mapasakanila lamang ang kapangyarihan, kapamahalaan, impluwensiya at tungkulin? Dahil sa kanilang kayabangan, lust for power and control, kasama na rito iyong ibig nilang sila iyong hinahangaan, pupurihin at pararangalan ng mga tao. Nasaan na ngayon ang mga ganitong uri ng tao, yaong mga dakilang tao sa mundong ito na itinuturing na dakila at marunong ayon sa pamantayan ng sanlibutan, at pinupuri ng mga tao? Nasaan na ngayon sila ngayon at ano ang kanilang ginagawa? Ang Molyao-Ul ang magsasabi ng katugunan: 'Sa araw na kayo'y mahango ni YÁOHU UL sa inyong mga paghihirap, pagtitiis at pagiging alipin, ganito ang pagkutya ninyong sabihin sa hari ng Babilonia: 'Bumagsak na amg malupit na hari, natapos na ang kanyang pagpapahirap. Winakasan na ni YÁOHU UL ang pamamahala ng malupit na hari na walang awang nagpahirap sa mga tao, buong lupit na naghari sa mga bansa, at umisig sa kanila nang walang likat. Natahimik din sa wakas ang daigdig, ang mga tao'y nag-aawitan sa tuwa. Magagalak ang mga sipres at mga sedro ng Libano dahil sa nangyari sa hari. Sasabihin nila: 'Buhat nang ikaw ay bumagsak, wala nang pumutol sa amin.' 'Gulung-gulo ang buong Sheol dahil sa iyo, dahil sa paghahanda sa pagsalubong sa iyo, pinupukaw niya ang mga matagal nang patay. Ang mga hari ng yaohod (lahat) ng bansa ay pinatatayo niya mula sa kanilang trono. Sasabihin sa iyo ng bawat isa: 'Ikaw pala'y nanghina ring tulad namin at sinapit mo rin ang aming sinapit!' Ikaw na pinarangalan sa tugtog ng alpa ngayo'y narito na rin sa Sheol. Ang babanigin mo'y mga uod at uod rin ang iyong kukumutin.' - Yaoshua-YÁOHU (Isaias) 14:3-11 5. Mga minimithing pansanlibutan, pansariling pagnanasa, benepisyo, achievements, goals. Marami sa mundong ito sa kasalukuyan ang gumagawa ng kahit na anong uri ng kasamaan makapanlinlang at mapaglalangan ang kanyang kapwa makamtan lang niya ang mga nakalaang benepisyo ng iba; halimbawa ay sa kumpanyang kanyang pinagtatrabahuhan, mula sa kanyang mga magulang at mula na rin sa pamahalaan, sa pamamagitan ng panlilinlang, panunuhol at pagtataksil. 'Ikaw ay nahulog mula sa langit, tala sa umaga, anak ng bukang-liwayway! Bumagsak ka rin sa lupa, ikaw na nagpasuko sa mga bansa!' 'Palagi mong sinasabi: 'Aakyat ahnee sa kalangitan sa ibabaw ng mga bituin ni YÁOHU UL itatayo ko ang aking luklukan. Uupo ahnee sa ibabaw ng bundok sa hilaga, sa dakong pulungan ng mga maykapangyarihan. Aakyat ahnee sa ibabaw ng ulap, papantayan ko ang Kataas-taasan.' 'Ngunit ano ang nangyari? Ano't nalibing ka sa kalalimang walang hanggan? Pagmamasdan ka ng mga patay at kanilang itatanong: 'Hindi ba ito ang nagpayanig sa lupa, ang nagbagsak ng mga kaharian?' - Yaoshayaohu (Isaias) 14:12-16 6. Lusts of the flesh - pagkagutom, pagkauhaw, kalibugan, pagseselos, pagkainggit, kasakiman, pangangalunya, pagsamba sa mga rebulto o lo-ulhim, kahalayan, karumihan. Ito ay namana pa sa mga ninuno, na kadalasan ring dahilan upang magkasala at maghimagsik ang mga tao laban sa mga authorities. Nang tuksuhin ng diyablo ang Gaúl YAOHÚSHUA, ginamit niya sa kanyang panunukso upang sumpain at suwayin ang YÁOHU UL ay pagkagutom at pagkauhaw. 'Gawin Mong tinapay ang batong ito....' Maging sa Hardin ng Eden ay parehong taktika rin ang ginamit ng kaaway upang linlangin at akitin si Khavyao (Eva) na maghimagsik laban kay YÁOHU UL. 'Napakaganda sa paningin ng babae ang punongkahoy at sa palagay niya'y masarap ang bunga nito....' Nasumpa ang sangkatauhan dahil sa ginawang paghihimagsik nina Adan at Khavyao (Eba) sa kanilang authority, ang YÁOHU UL. Maaalis lamang ang sumpang iyan sa sandaling magpasakop sa Mihushuayao YAOHÚSHUA. 'Ang mag-isip mangalunya ay isang taong mangmang, sinisira ang sarili, buhay niya at ngalan. Ang tangi niyang mahihita ay pahirap sa sarili, di na niya mababawi ang kanyang pagkaduwahagi.' - Kawikaan 6:32-33 'Ang pangangalunya ay parang patibong, ang mga di nagbibigay-kasiyahan kay YÁOHU UL ang nahuhulog doon.' - Kawikaan 22:14 'Nakita ko rin sa ibabaw ng lupa ang katarungan at pagiging matuwid ay nababahiran ng kasamaan. Sa loob-loob ko'y hahatulan ni YÁOHU UL ang masama at ang mabuti pagkat may itinakda siyang panahon para sa yaohod (lahat) ng bagay. Tungkol sa tao, naisip kong sila ay sinusubok ni YÁOHU UL upang ipakilalang ang tao ay tulad lamang ng mga hayop. Ang hangganan ng tao at ng hayop ay iisa, kamatayan. Iisa ang kanilang hininga. Ang tao'y wala nang kaibahan sa hayop, pare-parehong walang kabuluhan.' - Mangangaral 3:16-19, Banal na Kasulatan. 'Huwag kang magtataka kung makita mong ang maliit ay inaapi ng mga nasa kapangyarihan. Alalahanin mong ganoon din ang ginagawa ng nakatataas sa kanila at bawat pinuno ay may nakasasakop ding higit mataas na pinuno. Sa isang lupain puno ng kasaganaan, ang hari ang may pinakamainam na kalagayan.' - Mangangaral 5:8-9, Banal na Kasulatan. 7. Magdarayang timbangan - pinalalaki ang napakaliit na pagkakasala o kaya'y kahinaan at winawalang-halaga ang mga positibo at maiinam na katangian ng mga itinalagang authorities. 'Kinasusuklaman ni YÁOHU UL ang magdarayang sukatan at timbangan,' sabi nga sa nakasulat. 'Kasuklam-suklam kay YÁOHU UL ang timbangang may daya, ngunit kasiyahan naman ang timabangang tama.' - Kawikaan 11:1 'Ang magdarayang timbangan at magdarayang sukatan kay YÁOHU UL ay parehong kasuklam-suklam.' - Kawikaan 20:10 Isang pangkaraniwang halimbawa nito ay: Ibinibigay ng lalaki ang buo niyang ngalan sa kanyang mapapangasawa. Susuportohan niya ang kanyang pamilya, pangangalagaan at babantayan. Magtatrabaho siya ng mainam para lamang may panustos silang mag-anak. Siya ay tapat sa kanyang asawa at mga anak, ginagawa niya ang kanyang tungkulin na inaasahan sa kanya bilang isang responsableng ulo ng tahanan. Subalit taglay niya ang ilang mga negative na katangian tulad na lamang na siya ay pandak, mataba at walang taglay na kagandahan minsan ay nag-iiba pa ang kanyang timpla at nagpapakita ng mga hindi kanais-nais na pag-uugali sa kanilang mga kaibigan. Isa sa mga taktika ng kaaway ay palalakihin ang mga negative na katangian ni mister sa puso't isipan ng kanyang asawa at mga anak, at ipagwawalang-halaga ang mga positibo at maiinam na katangian niya upang maalis ang paggalang nila sa kanya at hindi na nila siya pakikinggan at susundin. Sila ngayon ay nasa ilalim ng di-makatarungang timbangan, magdarayang timbangan na pakana ni ha-satán. Ang tamang pananaw ay ang pagtimbang sa balanseng pamamaraan sa pamamagitan ng paggamit ng tamang timbangang higit mananaig dapat ang mga maiinam na katangian na taglay ng lalaki kaysa sa kanyang mga kahinaan at negatibong katangian. Dahil wala namang tao ang isinilang sa mundong ibabaw na ganap o walang pagkakasala. Ngunit kung ang asawang babae at ang kanyang mga anak ay nakinig sa mga kasinungalingan ng kaaway, magsisimula na silang maghimagsik laban sa kanyang asawang lalaki dahil nga ang ginamit niya ay magdarayang sukatan, sa kanilang ginawang di makatarungang paghahambing ng tatay sa ibang tao. 'Walang taong nabuhay sa daigdig na gumagawa ng mabuti at hindi nagkasala.' - Mangangaral 7:20 Ang mga subordinates ay inatasang gamitin ang tamang timbangan at sukatan sa pakikitungo nila sa kanilang mga authorities, maging sa kanilang pinagtatrabahuhan, o kaya'y sa pamahalaan, sa tahanan at sa samahan ng mga mananampalataya o Oholyao. 8. Kapaitan - pagkamuhi, pagkagalit, pagkondena na kadalasang ang dahilan ay ang paninisi sa iba kapag siya ay napatunayang nagkasala o guilty. Ang ibig sabihin ng 'guilty' ay dapat parusahan. Ang 'guilt' naman ay nangangahulugang pagkakasala at paglabag sa mga utos ni YÁOHU UL at sa mga itinalaga Niyang mga pinuno. Kapag nilabag ng isang tao ang isang utos ni YÁOHU UL o kaya ang mga tuntunin ng kanyang pinuno sa lupa, siya'y guilty o dapat parusahan. Ang kadalasang dahilan ay ang paninisi sa iba upang sa iba mabaling ang kanyang ginawang kasalanan. Sa Molyao-Ul, nang maghimagsik sina Adan at Khavyao kay YÁOHU UL, pilit na sinisi ni Adan si Khavyao, pati ang YÁOHU UL ay sinisi rin niya: 'Kasi, pinakain po ahnee ng babaing ibinigay Ninyo sa akin...' Kapag ang paninisi, pagkamuhi, pagkondena at pagkagalit ay nabaling na sa ibang tao bilang panakip sa kanyang nagawang kasalanan, magsisimula nang umusbong ang kapaitan sa kanyang puso. Kapag ang kapaitan ang namayani na sa kanyang puso, balang araw ay magiging katuld rin siya noong taong kanyang kinondena o hinatulan. Halimba: Kinokendana ng isang mapaghimagsik na anak ang kanyang mga magulang dahil biktima raw siya ng 'unjust-blance gambit.' Sinisisi niya ang kanyang tatay dahil sa wala itong pinag-aralan, ang kanya namang ina ay sinisisi niya dahil sa ito raw ay mabunganga. Napakaliit na bagay subalit pinalalaki ng karamihan sa kanilang kaisipan, na pakana ni satanas upang ang mga maiinam at positibong katangian na taglay ng kanilang mga magulang ay matakpan o isawalang halaga sa kanilang puso't isipan - sila ngayon ay biktima ni ha-satán. Bilang kaparusahan sa ginawa niyang paghihimagsik, ang mapait na ani ng kanyang paghihimagsik ay balang araw siya rin ay lalaking katulad ng mga katangiang kanyang kinokondena sa kanyang mga magulang, maging ang kanyang mapapangasawa na kanyang kinamumuhiang pag-uugali ng kanyang ina at magiging ganoon rin. Iyan ang parusang nakalaan sa kanya dahil sa paggamit niya ng magdarayang sukatan at timbangan. Mabibiktima rin siya ng kanyang mga sariling gawa sa kanyang mga magulang noong nakaraan. Nakaligtaan ng mapaghimagsik na hindi pala siya ganap, tanging ang YÁOHU ULHIM lamang ang ganap o perfect. Kung inaakala niyang siya'y ganap dapat ang kanyang mga magulang ay ganap rin. Dahil tatanggap o ibibigay sa bawat isa ang authorities na naaayon o karapat-dapat sa kanila, sang-ayon sa kanilang pakikitungo kay YÁOHU UL na Siyang nakasisiyasat ng bawat puso. Anumang hatol at kondena ang ginawa ninyo sa ibang tao ay magbubunga sa inyong buhay, ugali at pakikitungo! Pati na rin sa inyong mga mahal sa buhay, mga anak sa hinaharap. Kaya huwag nang hahatol sa kapwa, huwag maninirang-puri, magkokondena, ni sisisihin at mamumuhi sa iba dahil lamang sa sarili mong pagkakasala. Ang tanging paraan upang mawala, maalis at mapatawad ang inyong mga kasalanan ay sa pamamagitan ng pagpapahayag o pangungumpisal kay YÁOHU UL, paghingi ng tawad at pagtanggap ng pagpapatawad at ang paglilinis sa pamamagitan ng 'DAM' o dugo ng Mihushuayao YAOHÚSHUA, na siyang tanging paraan upang mapatawad ang mga kasalanang nagawa. Ang tangi at tunay na lunas sa kasalanan. Wala nang iba pa.... Sinabi ng Mihushuayao YAOHÚSHUA: 'Huwag ninyong hatulan ang inyong kapwa upang hindi rin naman kayo hatulan....' 'Kung ipapahayag natin ang ating mga kasalanan, maaasahan nating ipatatawad sa atin ni YÁOHU UL ang mga ito at lilinisin tayo sa yaohod (lahat) ng ating kasamaan dahil Siya'y matuwid.' - 1 Yaokanam (Juan) 1:9 9. Lust for money, lust for pride, lust for power and control and lust for sex. Ang mga paghahangad (lusts) na ito ang kadalasang dahilan kung bakit marami ang naghihimagsik, nagtataksil, nagkakanulo, nagtatraidor at lumalaban laban sa mga authorities. 'Ang gahaman sa salapi ay walang kasiyahan at ang haling sa kayamanan ay hindi masisiyahan sa kaunting pakinabang. Ngunit ito ma'y walang kabuluhan. Habang lumalaki ang kayamanan, dumarami ang nangangailangan at ang tanging kasiyahan ng may-ari ay ang isiping siya ay mayaman.' Mangangaral 5:10-11, Banal na Kasulatan. 'Mahilig din silang makipagtalo sa mga liko ang pag-iisip at di kumikilala sa katotohanan, mga taong nag-aakala na ang relihiyon ay paraan ng pagpapayaman.' 'Kung sabagay, malaki nga ang mapapakinabang sa relihiyon kung ang tao'y marunong masiyahan. Wala tayong dalang anuman sa sanlibutan at wala rin tayong madadala pag-alis dito. Kaya, dapat na tayong masiyahan kung tayo'y may kinakain at dinaramit.'' 'Ang mga nagnanasang yumaman sa anumang paraan ay mahuhulog sa tukso at sa bitag ng masasamang hangaring magtutulak sa kanila sa kapahamakan.' 'Dahil ang kasakiman sa salapi ay siyang ugat ng yaohod (lahat) ng kasamaan.' 'Dahil sa paghahangad na magkamal ng salapi, may mga nalayo sa pananampalataya at nasadlak sa paghihirap ng kalooban.' - 1 Yaotom (Timoteo) 6:5-10 Sinabi ng Gaúl YAOHÚSHUA sa kanyang mga alagad: 'May isang mayaman na may isang katiwala. Isinumbong sa kanya na nilulustay nito ang kanyang ari-arian.' 'Kaya't ipinatawag niya at tinanong: 'Ano ba itong naririnig ko tungkol sa iyo? Isulit mo sa akin ng buo ang pangangasiwa mo sa aking ari-arian pagkat mula ngayon ay hindi na ikaw ang katiwala ko.' 'Nawika ng katiwala sa sarili, 'Aalisin na ahnee (ako) ng aking amo sa pangangasiwa. Ano ang gagawin ko? Hindi ko kayang magbungkal ng lupa; nahihiya naman ahneeng magpalimos. Alam ko na ang aking gagawin! Maalis man ahnee (ako) sa pangangasiwa, may tatanggap din sa akin sa kanilang tahanan.' ' 'Isa-isa niya ngayong tinawag ang mga may utang sa kanyang amo. Tinanong niya ang una, 'Gaano ang utang mo sa aking amo?' Sumagot ito, 'Sandaang tapayang langis po.' 'Heto ang kasulatan ng iyong pagkakautang. Dali! Maupo ka't gawin mong limampu,' sabi ng katiwala.' 'At tinanong naman niya ang isa, 'Ikaw, gaano ang utang mo?' Sumagot ito, 'Sandaang kabang trigo po.' 'Heto ang kasulatan ng iyong pagkakautang,' wika niya. 'Isulat mo, walumpu.' ' 'Pinuri ng amo ang magdarayang katiwala dahil sa katalinuhang ipinamalas nito. Dahil ang makasanlibutan ay higit mahusay makipag-tagisan sa mundong ito kaysa sa mga matutuwid.' 'Kaya't sinasabi ko sa inyo: gamitin ninyo sa pakikipagkaibigan ang kayamanan ng sanlibutang ito. Maubos man ito'y may tatanggap naman sa inyo sa tahanang walang hanggan. Ang mapagkakatiwalaan sa maliit na bagay ay mapagkakatiwalaan din sa malaking bagay; ang magdaraya sa maliit na bagay ay magdaraya rin sa malaking bagay.' 'Kung hindi kayo mapagkakatiwalaan sa mga kayamanan ng sanlibutang ito, sino ang magtitiwala sa inyo ng tunay na kayamanan?' 'At kung hindi kayo mapagkakatiwalaan sa kayamanan ng iba, sino ang magbibigay sa inyo ng talagang para sa inyo?' 'Walang makapaglilingkod nang sabay sa dalawang pinuno. Dahil kapopootan niya ang isa at iibigin ang ikalawa, paglilingkuran nang tapat ang isa at hahamakin ang ikalawa. Hindi ninyo mapaglilingkuran nang sabay ang YÁOHU UL at ang salapi.' 'Narinig ito ng mga Pariseo at nilibak nila si Gaúl YAOHÚSHUA, dahil sakim sila sa salapi.' 'Kayo ang nagpapanggap na mga matuwid sa harapan ng mga tao, ngunit nasasaliksik ni YÁOHU UL ang inyong mga puso. Dahil ang itinuturing na mahalaga ng mga tao ay kasuklam-suklam sa paningin ni YÁOHU UL.' 'Ang Kautusan ni Mehushua (Moises) at ang sinulat ng mga propeta ay hanggang kay Yaokanam Bautista. Buhat noon, ipinangangaral ang Mainam na Pahatid tungkol sa kaharian ni YÁOHU UL, at bawat isa'y sapilitang pumapasok dito.' 'Magaan pang maparam ang langit at ang lupa kaysa mawalan ng bisa ang kaliit-liitang bahagi ng Kautusan.' 'Ang lalaking humiwalay sa kanyang asawa at mag-asawa sa iba ay nangangalunya, at ang nag-aasawa sa babaing hiniwalayan ay nangangalunya rin.' - Lukas 16:1-18, Banal na Kasulatan. 'Walang mabuting punongkahoy na namumunga ng masama, at walang masamang punongkahoy na namumunga ng mabuti. Nakikilala ang bawat punongkahoy sa pamamagitan ng kanyang bunga.' 'Dahil hindi makapipitas ng igos sa puno ng aroma, at di rin nakapipitas ng ubas sa puno ng dawag.' 'Ang mabuting tao ay nakapagdudulot ng mabuti dahil tigib ng kabutihan ang kanyang puso; ang masamang tao ay nakapagdudulot ng masama, dahil puno ng kasamaan ang kanyang puso. Sapagakat kung ano ang bukambibig siyang laman ng dibdib.' - Lukas 6:43-45, Banal na Kasulatan. 'Ang kapalalua'y humahantong sa pagkawasak at ang mapagmataas na isipan ay ibabagsak.' - Kawikaan 16:18 'Ang nais ng masama'y paghihimagsik kaya ipadadala sa kanya'y isang sugong malupit.' - Kawikaan 17:11 10. Pagtakwil sa sarili - pagtanggi o hindi pagtanggap sa mga kaanyuan, mga family background, mga pangyayari sa paligid at sa kanyang buhay. Dahil walang sinumang tao ang masasabing ganap o perpekto, ang Mihushuayao YAOHÚSHUA lamang ang nagkatawang-tao na hindi nagkasala, sa kabuoan, ang yaohod (lahat) ng tao ay may kani-kaniyang kahinaan. Kaya kahit saang pook hindi dapat asahan ng tao na ganap ang nasa kanyang paligid, maging sa Oholyao o kaya'y sa pinagtatrabahuhan. Hindi rin dapat isaalang-alang ang pook ng kinagisnan o kapaligiran man, dahil noong naghimagsik sina Adan at Khavyao, sila ay nasa ganap na pook, sa Halamanan ng Eden. May mga taong matatangkad nga subalit may kahinaan naman sa pag-iisip, mayroon ring abnormal ang ilang bahagi ng kanilang katawan, mayroon namang matalino subalit hindi naman maganda, may mga taong mahuhusay sa ibang bagay subalit iba-iba ang taglay na kulay, o ang iba naman ay may taglay na kakaibang palatandaan, mga kahinaan, mga kakulangan sa pisikal, pag-iisip, o kaya'y sa damdamin. Kapag hindi matanggap ng isang tao ang ilang bagay sa kanyang pisikal na kaanyuan, pag-iisip o kaya'y sa damdamin, nagbubunga ito ng 'conflict' (pakikipagtunggali) sa kanyang puso at mamumuhi siya sa Lumalang sa kanya, kay YÁOHU UL. At ang nakatagong pagkagalit na ito ay ipapakita niya sa pamamagitan ng masasagwang pakikitungo sa kanyang mga tagapamuno sa lupa, siya'y maghihimagsik at magmamataas laban sa kanila dahil sila'y kanyang nakikita samanlatang ang YÁOHU UL ay hindi niya nakikita. Ang pagkagalit, pagkamuhi laban kay YÁOHU UL, na Lumalang sa kanya ay madaling malalaman at makikilala dahil sila yaong may kapaitan, naghihimagsik, mga matitigas ang ulo at lumalaban sa kanilang mga magulang, mga tagapamuno, mga pinuno sa pamahalaan at sa Oholyao. Ang ugat o sanhi ay baka hindi nila matanggap ang kanilang malaking mga mata, ilong, bibig, ngipin, ang kanilang kulay, ang kanilang hibla ng buhok, ang kanilang katawan, mga binti, at iba pang bahagi ng kanilang katawan. Ginagamit ni ha-satán, ng kaaway, ng matandang dragon at ng laman ang mga pangkaraniwang maliliit na bagay sa buhay ng tao, at palalakihin o pararamihing milyong ulit sa kanilang pag-iisip upang sila'y maging malungkot, panghinaan ng loob, magalit, mainis at di masiyahan sa mga bagay na ipinagkaloob sa kanila, hindi nila alam na ito'y pulos kasinungalingan lamang. Ang di pagtanggap sa sarili matapos ang paghahambing sa iba ang pinagmumulan ng paghihimagsik. Ang tama at nararapat na pakikitungo sa mga pisikal, mental at emosyonal na pagkakaibang ito ay ang lubusang pagtanggap, pagiging kontento, may kasiyahan, may kagalakan at ang pagtanto niyang ang bawat tao ay nilalang ng pare-pareho kasama na ang kanyang pamilya, nasa paligid, mga pangyayari sa buhay, mga talento, mga kakayahan maging ang mga kahinaan at iba pa. Huwag na huwag itatakwil ang alinmang bahagi sa iyong katawan, mga kakayahan sa pag-iisip at sa emosyonal maging sa pamilya o mga pangyayari sa iyong paligid, sa halip ay tanggapin ito nang lubusan, maluwag sa puso, walang pag-aalinlangan, ng may pasasalamat kay YÁOHU UL, at pagyamanin ang mga bagay na mapagyayaman, ituon ang isip sa iyong mga kakayahan, maging ang layunin ng iyong puso ay kung papaano mo mapagbubuti at magagawa nang may kahusayan at ang pagiging kontento sa anumang bagay na ibinigay o inilaan ni YÁOHU UL sa iyo sa bawat araw. Ang bawat isa ay may taglay na mga mahahalaga, kakaibang mga kakayahan at mga talento na ipinagkatiwala ni YÁOHU UL sa bawat isa kaya't dapat itong pagyamanin ng bawat isa nang may kahusayan. Kailangang nakatuon ang iyong pag-iisip sa mga positibong talento at tanggapin nang maluwag sa iyong dibdib ang mga maliliit na negatibong bagay, dahil dapat mong matalos na ang mga bagay na ito ang magsisilbing hamon sa iyo upang lalo mo pang pagbutihin, pagyamanin tungo sa ikaiinam, ikauunlad, ikahuhusay at ikagaganda ng iyong buhay. Naririto ang isang talinghaga na dapat isaalang-alang: 'Ang paghahari ni YÁOHU UL ay maitutulad dito: May isang taong maglalakbay, kaya tinawag niya ang kanyang mga alipin at ipinagkatiwala sa kanila ang kanyang ari-arian.' 'Binigyan niya ng salapi ang bawat isa ayon sa kanya-kanyang kakayahan: binigyan niya ang isa ng P5,000, ang isa nama'y P2,000, at ang isa pa'y P1,000.' 'Humayo agad ang tumanggap at ipinangalakal iyon. At nagtubo siya ng P5,000.' 'Gayon din naman, ang tumaggap ng P2,000 ay nagtubo ng P2,000.' 'Ngunit ang tumanggap ng P1,000 ay humukay sa lupa at itinagao ang salapi ng kanyang amo.' 'Pagkaraaan ng mahabang panahon. bumalik ang amo ng mga aliping iyon at pinag-sulit sila.' 'Lumapit ang tumanggap ng P5,000. Wika niya, 'Tagapamuno, heto po ang P5,000 na bigay ninyo sa akin. Heto pa po ang P5,000 na tinubo ko.' 'Sinabi sa kanya ng tagapamuno, 'Magaling! Tapat at mabuting alipin! Yamang naging tapat ka sa kaunting halaga, pamamahalain kita sa malaking halaga. ' 'Lumapit din ang tumanggap ng P2,000, at ang sabi, 'Tagapamuno, heto po ang ibinigay ninyong P2,000. Heto naman po ang P2,000 tinubo ko.' 'Sinabi ng kanyang tagapamuno, 'Magaling! Tapat at mabuting alipin! Naging tapat ka sa kaunting halaga kaya pamamahalain kita sa malaking halaga. Makihati ka sa aking kagalakan!' 'At lumapit naman ang tumanggap ng P1,000. 'Alam ko pong kayo'y mahigpit,' aniya. 'Gumagapas kayo sa hindi ninyo tinamnan, at nag-aani sa hindi ninyo hinasikan. Natakot po ahnee (ahnee), kaya't ibinaon ko sa lupa ang inyong salapi. Heto na po ang P1,000 ninyo.' 'Masama at tamad na alipin!' tugon ng kanyang pinuno. 'Alam mo palang gumagapas ahnee (ahnee) sa hindi ko tinamnan at nag-aani sa hindi ko hinasikan! Bakit hindi mo iyan inilagak sa bangko, di sana'y may nakuha ahneeng tubo ngayon?' 'Kunin ninyo sa kanya ang P1,000 at ibigay sa may P10,000.' 'Dahil ang mayroon ay bibigyan pa, at mananagana; ngunit ang wala, kahit ang kakaunting nasa kanya ay kukunin pa.' 'Itapon ninyo sa kadiliman sa labas ang aliping walang kabuluhan. Doo'y tatangis siya at magngangalit ang kanyang ngipin.' - Man-YÁOHU 25:14-30, Banal na Kasulatan. Ang ibig sabihin, anumang bagay ang hindi natin pinagyaman ay kukunin pa kahit kakaunti ang nasa atin subalit bibigyan ang mayroon at mananagana. Naging ninuno ng Mihushuayao YAOHÚSHUA si Rahab na isang patutot. Siya'y isinilang sa isang hamak na pook, sa isang sabsaban lamang, lumaki sa isang pook na hindi mainam ang reputasyon, sa kabila ng mga ito ay hindi pa rin Siya nagkaroon ng kapaitan at pagkamuhi sa Kanyang puso ni hindi Niya itinakwil ang YÁOHU UL na Siyang nagbigay sa Kanya ng buhay. Buong puso Siyang nagpasalamat at tinanggap Niya ng maluwag sa Kanyang dibdib ang yaohod (lahat) ng inilaan sa Kanya ni YÁOHU UL at sinunod ang Kanyang ibig. Ang buod ng kanyang buhay sa lupa ay mula sa sabsaban hanggang sa Kanyang trono na nagsisilbing halimbawa para sa atin upang tularan na dapat masiyahan sa bawat bagay na ating tinatanggap sa buhay, na palagiang sumusunod sa ibig ni YÁOHU UL na nasa langit. Walang conflicts, walang kapaitan, sa halip ay kaligayahan, kapayapaan, kasiyahan, pagiging kontento sa pamumuhay kapiling ni YÁOHU UL at sang-ayon sa Kanyang panukala para sa bawat isa - ito ang halimbawang ipinakita sa buhay ng hindi nagkasalang ating Mihushuayao YAOHÚSHUA hol-MEHUSHKHÁY. Ang yaohod (lahat) ng bagay na ibinibigay at pinapayagan ng YÁOHU UL na maganap sa buhay ng bawat isa ay sapat na para sa kanyang sariling kaligayahan, kung alam lang ng bawat isa ang susi upang makuntento at ang pagiging positive kasama na rin dito ang pagkakaroon ng utang na loob sa mga bagay na Kanyang pinangyayari at Kanyang ibinibigay sa araw-araw. Sa bawat pangyayari sa buhay ng tao, ay kinakailangang isagawa ng bawat isa ang positive na paraan, yaong pagbatid kung anong character qualities ang nais Niyang mahubog sa atin. Hindi niya dapat iisipin ang mga bagay na nangyayari kundi ang nagaganap na pagbabago sa bawat isa na mismong ang YÁOHU UL ang siyang kaagapay. 'Mapalad ang mga may malinis na puso, dahil makikita nila ang YÁOHU UL.' Nakikita ng mga may malilinis na puso ang mga kamay ng YÁOHU UL sa bawat pangyayari, na Siyang tumutulong sa pagbabago ng character o pag-uugali patungo sa kabanalan at kalinisan. Yaong mga nagtataglay ng positive na pag-iisip ay yaong maaamo, hindi sila magagalitin anuman ang mangyari, dahil batid nila na ang magalit ng walang katuturan ay isang pakana lamang ni ha-satán sa kanilang buhay. 'Mapalad ang mga mapagpakumbaba dahil tatamuhin nila ang ipinangako ni YÁOHU UL.' Ikinasisiya ni YÁOHU UL ang pagkakaiba-iba sa Kanyang mga nilikha, kaya walang sinuman ang isinilang nang pareho ang pag-uugali, lalabas na nakakaburyo. Taglay ng bawat isa ang kakaibang katangian sa paningin ni YÁOHU UL, kaya dapat mong ikasiya at ikatuwa! Ikaw ay iniibig ni YÁOHU UL, kahit ano pa ang sabihin ng iba ni isipin man. Hindi ka isinilang upang bigyan mo ng kasiyahan ang ibang tao, kundi upang papurihan, pasalamatan at sambahin ang YÁOHU UL sa iyong buong buhay! Kung ito ang layunin ng iyong puso, ikaw ang namumuhay sa tunay na buhay! Tanging ang mga matuwid at may takot kay YÁOHU UL ang makalalasap ng ganitong uri ng pamumuhay sa piling ng Mihushuayao YAOHÚSHUA. Totoong ang Mihushuayao YAOHÚSHUA lamang ang pag-asa ng buong mundo, para sa kaliligaya, ikatitiwasay, ikasasagana, ikalulusog, at may kasiyahang buhay! Si YAOHÚSHUA ang daan, ang katotohanan at ang BUHAY.... T. PAANO KUNG ANG KANYANG ASAWA AT MGA ANAK AY MASUWAYIN? S. 'Kapag ang lakad ng tao ay kasiya-siya kay YÁOHU UL, pati ang kaaway niya ay kanyang maaayos, nagiging kaibigan niya,' sabi nga sa nakasulat. Kailangang siyasating mainam ng isang authority ang kanyang puso at kanyang ginagawa sa pamamagitan ng Kanyang Salita o Molyao-Ul at kailangang niyang makipag-ayos muna sa pinakamataas na Authority, kay YÁOHU UL upang magsimula nang magkaroon ng kapayapaan at katiwasayan sa kanilang sambahayan. T. PAANO KUNG MAY 'CONFLICTS OF LOYALTY'? S. Nagkakaroon ng 'conflicts of loyalty' kapag ang dalawang namumuno ay sabay na hinahangad ang paglilingkod, katapatan at dagliang pagsunod ng isang tao. Ang paglilingkod naman ng subordinate o napasasailalim ay dapat nakalaan sa kanyang mga authorities o namumuno. Subalit kadalasan ay may mga tulak na nanggagaling mula sa mga subordinates, mga kamag-anak, mga kaibigan at mga kasamahan sa trabaho, atbp. Halimbawa: Nais ng kanyang mga magulang na makatapos muna siya ng kolehiyo, iyon ang pangunahin nilang layunin, samantalang nais ng kanyang mga 'rukhaól' leaders na gawin siyang sugo sa Australia at paglingkuran ang YÁOHU UL ng fulltime. Kapwa sila nasa tungkulin, parehong authorities niya at pareho ring hinihintay ang kanyang panahon, paglilingkod at kakayahan. Sino ang kanyang susundin? Siyang may mataas na tungkulin ang dapat niya munang sundin dahil sila ring nasa ilalim ay dapat sumunod sa pinakamataas na authority. Sa ganitong pangyayari, dapat ipaubaya ng mga magulang ang nais at ibig ng kanilang 'rukhaól' leaders dahil ang mga magulang man ay kinakailangan ring sumunod sa kanilang 'rukhaól' leaders, kung kapwa sila kasapi sa nasabing samahan, kahit ano pa iyon. Magkagayunman, ang tanging paraan na magagawa ng subordinate ay ang pananalangin at makapag-isip ng ibang pang paraan upang magkatulad niyang masunod ang kanyang mga authorities. Halimbawa, maaari naman siyang makatapos sa pamamagitan ng pag-aaral ng computer habang naisasagawa niya rin ang gawaing pangangaral ng Mainam na Pahatid sa Australia. Isa lamang po itong praktikal na halimbawa dahil kadalasan, kapag ibig na ni YÁOHU UL ang kumikilos, walang sinumang authority ang makahahadlang sa nais ipagawa ni YÁOHU UL. Kapag may mga 'conflicts of loyalty,' ito'y nangangailangan ng masusing pagte-tefaulyao o pananalangin at pag-aayuno upang malaman ang tunay na ibig ni YÁOHU UL, kung alin ang kanyang uunahin dahil kadalasan ang sumasalungat ay kinakailangan ring sumunod sa higher authorities. Kung may ipinalabas na utos ang pamahalaan na dapat parusahan, hamak-hamakin at palayasin ang yaohod (lahat) ng Judio o Yaohudim sa kani-kanilang pook, na salungat naman sa ipinag-uutos ni YÁOHU UL na ibigin ang iyong kapwa na gaya ng iyong sarili, ang dapat nilang sundin ay ang ipinag-uutos ni YÁOHU UL, at hindi ang batas na gawa ng tao (kasama na rin iyong hindi makatao). Bakit? Dahil maging ang mga tauhan sa pamahalaan ay kinakailangang sumunod sa ipinag-uutos ni YÁOHU UL. Kinakailangan rin nilang sundin ang Pinakamataas na authority, walang iba kundi ang YÁOHU UL, ang Hodshua (Banal) ng Israel. Dapat higit manaig at tupdin ang higit na nakatataas na kautusan. Atin ngayong isaalang-alang ang ilang pangyayari sa Molyao-Ul: 'At namatay si Yaosaf (Jose), ang kanyang mga kapatid at ang kanilang salinlahi.' 'Ngunit mabilis ang pagdami ng mga Israelita kaya't sila'y naging makapangyarihan at nalaganapan nila ang buong lupain' 'Lumipas ang panahon at ang Egipto'y nagkaroon ng ibang hari na walang alam tungkol kay Yaosaf (Jose).' Sinabi niya sa kanyang mga kababayan, 'Nanganganib na tayo sa mga Israelita. Sila'y patuloy na dumarami at lumalakas pa kaysa atin. Kailangang gumawa tayo ng paran para mapigil ang kanilang pagdami. Baka tayo salakayin ng ating mga kaaway at umanib pa sila sa mga ito at pagkatapos ay umalis sa ating lupain.' 'Kaya't naglagay sila ng mababagsik na tagapangasiwa upang pahirapan ang mga Israelita; ipinagawa ng Faraon sa mga ito ang mga lunsod ng Pitom at Rameses, lunsod na tinggalan ng mga pagkain at kagamitan.' 'Ngunit habang sinisikil, lalo namang dumarami at lumalaganap ang mga Israelita kaya't sila'y kinapootan at kinatakutan ng mga Egipcio. Dahil dito ang Israelita'y lalong sinikil at pinahirapan ng mga Egipcio sa paggawa ng tisa at ng iba't ibang mabibigat na gawaing bukid.' 'Isang araw, ipinatawag ng Faraon sina Sifra at Pua, ang mga hilot na nagpapaanak sa mga Hebrea, at tinagubilinan ng ganito: 'Sa pagpapaanak ninyo sa mga Hebrea, kung lalaki ang bata, patayin ninyo!' 'Ngunit dahil sa takot nila kay YÁOHU UL, hindi sinunod ng mga hilot ang utos ng hari; hindi nila pinatay ang mga sanggol na lalaki.' 'Dahil dito'y ipinatawag sila ng hari at tinanong, 'Bakit hindi ninyo pinatay ang mga sanggol na lalaking isinisilang ng mga Hebrea?' 'Mangyari po, iba ang mga Hebrea sa mga Egipcia. Madali po silang manganak kaya nakalabas na ang bata kung datnan namin,' sagot nila 'At hindi napigil ang pagdami ng mga Israelita. Ang mga hilot naman ay kinalugdan ni YÁOHU UL. Pinagkalooban niya sila ng sariling sambahayan.' - Exodo 1:6-21, Banal na Kasulatan. Nagtaka ang mga bumubuo ng Sanhedrin sa katapangang ipinakita nina Kepas at Yaokanam, lalo na nang mabatid nilang mga karaniwang tao lamang ang mga ito at hindi nag-aral. Napagkilala nilang sila'y kasamahan ni YAOHÚSHUA noong nabubuhay pa.' 'At nang makita nila ang taong pinagaling, na nakatayo sa tabi ng dalawa, wala silang masabi laban sa kanila.' 'Kaya't pinalabas muna sa Sanedrin ang mga alagad, saka sila nag-usap.' 'Ano ang gagawin natin sa mga taong ito?' tanong nila. 'Dahil hayag na sa buong Yaohushuaoleym (Jerusalem) at hindi natin maitatatwa na isang pambihirang kababalaghan ang naganap sa pamamagitan nila. Para hindi na kumalat ito, balaan natin sila na huwag nang magsalita kaninuman tungkol sa Ngalang ito.' Kaya't muling nilang pinatawag sina Kepas, at binalaan na huwag nang magsasalita o magtuturo pa tungkol kay YAOHÚSHUA. Subalit sumagot sina Kepas at Yaokanam, 'Kayo na po ang humatol kung alin ang matuwid sa paningin ni YÁOHU UL: ang sumunod sa inyo o ang sumunod kay YÁOHU UL. Hindi maaaring di namin ipahayag ang aming nakita't narinig.' 'At sila'y binalaan nang lalo pang mahigpit saka pinalaya. Wala silang makitang paraan upang maparusahan ang dalawa, dahil ang mga tao'y nagpupuri kay YÁOHU UL dahil sa nangyari. Ang lalaking pinagaling nila ay mahigit nang apatnapung taong gulang.' - Gawa 4:13-22, Banal na Kasulatan. Isa pang halimbawa ay: kahit na pinapayagan ng pamahalaan ang paghihiwalay, mga pagsusugal sa casino at ang abortion, dahil sa ang mga ito ay labag sa utos ni YÁOHU UL, kinakailangang ang susundin ng mamamayan ay ang utos ng pinakamataas, ang YÁOHU UL. Ang mga pamahalaang may tuntuning labag sa ipinag-uutos ng YÁOHU UL ay magdurusa dahil sa kanilang pagsuway subalit yaong mga pamahalaang naaayon sa ipinag-uutos ni YÁOHU UL ay pagpapalain. Pangangalagaan sila mula sa anumang terorismo, digmaan, mga kalamidad, mga taggutom, mga salot at iba pa. Ang mga ganitong pangyayari na ipinapahintulot ni YÁOHU UL ay nagsisilbing pagtutuwid sa mga tao upang muling manumbalik at mamuhay nang naaayon sa Kanyang Molyao-Ul. Sinabi ng Mihushuayao YAOHÚSHUA: 'Kapag pinahiwalay ng lalaki ang kanyang asawa, ito'y dapat niyang bigyan ng kasulatan ng paghihiwalay.' Ngunit ngayo'y sinasabi ko sa inyo: kapag pinahiwalay ng isang lalaki ang kanyang asawa nang hindi naman ito nangangalunya, at ito'y nag-asawang muli, ang lalaking iyo'y nagkasala, itinulak niya ang kanyang asawa sa pangangalunya. At sinumang mag-asawa sa babaing hiniwalayan ay nangangalunya.' - Man-YÁOHU (Mateo) 5:31-32, Banal na Kasulatan. May mga Pariseong lumapit sa Kanya at tinangkang siluin Siya sa pamamagitan ng tanong na ito: 'Naaayon ba sa Kautusan na hiwalayan ng lalaki ang kanyang asawa sa kahit anong kadahilanan?' Sumagot ang Gaúl YAOHÚSHUA, 'Hindi pa ba ninyo nababasa sa Kasulatan na sa pasimula'y nilalang sila ng Maykapal, lalaki at babae? At dahil dito, iiwan ng lalaki ang kanyang mga tatay at nanay, at magsasama sila ng kanyang asawa; at sila'y magiging isa. Kaya't hindi na sila dalawa kundi isa.' 'Ang pinagsama ni YÁOHU UL ay huwag paghiwalayin ng tao.' Tinanong Siya ng mga Pariseo, 'Bakit iniutos ni Mehushua (Moises) na bigyan ng lalaki ang kanyang asawa ng kasulatan sa paghihiwalay bago hiwalayan iyon?' Sumagot si Molkhiul YAOHÚSHUA, 'Dahil sa katigasan ng inyong ulo kaya ipinahintulot ni Mehushua na hiwalayan ninyo ang inyong asawa. Subalit hindi gayon sa pasimula.' 'Kaya sinasabi Ko sa inyo: sinumang lalaking humiwalay sa kanyang asawa sa anumang dahilan liban sa pakikiapid, at mag-asawa sa iba, ay nangangalunya. At ang mag-asawa sa babaing hiniwalayan ay nangangalunya rin.' - Man-YÁOHU 19:3-9, Banal na Kasulatan. 'Itinatanong ninyo kung bakit. Dahil alam niyang sumira kayo sa pangako ninyo sa inyong asawa na pinakasalan ninyo nang kayo'y bata pa. Siya'y naging katuwang ninyo, ngunit ngayo'y sumira kayo sa pangako ninyo sa kanya, bagamat nangako kayo sa YÁOHU UL na magiging tapat kayo. Di ba kayo pinag-isa ni YÁOHU UL sa katawan at sa 'rukha' (espiritu)? Ano ang layon niya? Upang magkaroon kayo ng mga supling na tunay na mga anak ni YÁOHU UL. Mag-ingat nga kayo- huwag magtaksil ang sinuman sa inyo sa babaing pinakasalan ninyo nang kayo'y kabataan pa.' 'Nasusuklam Ahnee (Ako) sa paghihiwalay,' sabi ni YÁOHU UL, ang UL ng Yaoshorul (Israel). 'Napopoot Ahnee sa taong malupit sa asawa. Kaya't huwag kayong magtataksil sa inyong asawa.' - Malakias 2:14-16, Tanakh. Kaya kahit na pinapayagan ng pamahalaan ang paghihiwalay sa mag-asawa, higit nakahihigit ang utos ni YÁOHU UL kaysa sa batas ng tao, lalo na tungkol sa paghihiwalay, abortion at pagsusugal. Nagkataong ang sugal ay napakasama dahil mahigpit na ipinagbabawal ni YÁOHU UL ang pag-iimbot o paghahangad sa mga ari-arian, o salapi ng iba, ito ay magdudulot ng kaguluhan, problema, kawalan sa milyung-milyong pamilya at sa kanilang mga anak. Sa mga mananalo o sa mga matatalo? Di maglalaon, walang magwawagi sa pagsusugal. Ang salapi na nagmula sa kasamaan ay hahantong sa masamang layunin at masamang libangan. Yaong salaping pinaghirapan sa pamamagitan ng tapat na pagpapagal ang hahantong sa matuwid at tamang layunin. Ang tiyak na parusang nakalaan sa mga nagsusugal ay ang mga sumusunod: 'Ibibigay ko sa iba ang kanilang mga asawa; pati bukid nila ay tatamnan ng ibang tao. Ang yaohod (lahat), dakila man o aba, ay gumagamit ng pandaraya upang yumaman. Nadadaya pati mga propeta at mga saserdote.' - Yarmi-YÁOHU (Jeremias) 8:1-10 'Ang aanihin ng matuwid ay buhay na walang hanggan, ngunit ang masama'y gumagawa ng lalo pang kasamaan.' - Kawikaan 10:16 'Ang yamang tinamo sa daya ay madaling mawawala, ngunit ang yamang pinaghirapan ay pinagpapala.' - Kawikaan 13:11 'Ganyan ang uuwian ng nabubuhay sa karahasan, sa ganyan nga magwawakas ang masamang pamumuhay.' - Kawikaan 1:9 Mayroong hindi maniniwala subalit ang Molyao-Ul (Salita) pa rin ni YÁOHU UL ang siyang mananaig at mangyayari, kahit sino pa ang makipagtalo o sumalungat dito. Magkakatotoo rin ito sa sumasang-ayon, pumapayag, at nakikisalamuha sa mga pasugalan sa mga casino. Walang sinuman ang nakahihigit kaysa kay YÁOHU UL at sa Kanyang mga kautusan, walang sinuman. Subalit papaano na kung ang mga kinikita sa mga pasugalan, tulad ng sa casino, lotto sweepstakes, bingo at iba pa ay doon napupunta sa mga ipinatatayo ng pamahalaan na mga parks, paaralan, at iba pa, sinong makapagsasabi na ito ay masama? Hintayin ang mga naka-headline na balita na ang paaralan at gusaling iyon ay pinasabog ng bomba ng mga terorista, naguho dahil sa lakas ng baha, lindol, at iba pang salot na siyang sisira sa ipinatayo ng pamahalaan na nanggaling sa mga pasugalan. At hintayin na rin ang huling paghuhukom.... Palaging alamin ang kahihinatnan ng bawat bagay at hindi iyong panandaliang aliw o ligaya sa una at tila makatutulong na bunga ng kasamaan sa kasalukuyan. Magkakatotoo rin ito sa buhay ng mga sumusuway sa Kanyang Molyao-Ul. Kung mayroon mang ibig makipagtalo ukol rito ay hindi pinapayagan at lubusang itinatakwil. Pinagbawalan ng Molkhiul YAOHÚSHUA ang kanyang mga alagad na huwag makikipagtalo na hahantong lamang sa pag-aaway at kayabangan. Tinitiyak ni YÁOHU UL na ang Kanyang mga lingkod ay namumuhay ng may kapayapaan sa piling ng 'RÚKHA-YAOHÚSHUA.' Sa sandaling may maganap na 'conflicts of loyalty,' kinakailangang ipagtanggol ng subordinate ang panig ng higit mataas na authority at sikapin niyang makipagkasundo ang nasa mababang tungkulin sa higher authority at hindi dapat ito mababaligtad, iyong nasa mababang tungkulin ang susunod hindi iyong higher authority. 'Mapalad ang mga gumagawa ng daan sa ikapagkakasundo, dahil sila'y ituturing ni YÁOHU UL na anak niya.' - Man-YÁOHU 5:9 Yaong mga taong nananatili sa gitna, na nakaupo lamang sa isang tabi at hindi nakikialam ni hindi niya ipinagtatanggol ang higher authority niya, lalo na sa panahon ng pangangailangan, ay sa totoong buhay sila iyong mga mahihigpit at nakatagong kaaway ng dalawang magkatunggali. Yaong mga nauuupo lamang sa isang tabi ang tunay na di mapagwagi matapos ang conflict. Bakit? Dahil hindi siya mapagkakatiwalaan ng dalawang panig lalo na sa panahon na kailangan siya. Kinakailangang gampanan ng isang subordinate ang pagiging peacemaker at tumayo bilang mediator o tagapamagitan nila upang makipagkasundo ang nasa mababang tungkulin sa kanyang higher authority sa pamamagitan ng pananalangin, maamo, mahinahon at may paggalang na pakikipag-usap. Ang isa pang pangkaraniwang halimbawa ay sa mga mag-asawa. Kinakailangang ang bata ay sa kanyang tatay papanig, magiging tapat at kanyang ipagtatanggol habang sinisikap niyang makipagkasundo ang kanyang nanay sa kanyang tatay sa pamamagitan ng pananalangin at pagsasabi ng Molyao-Ul na naaayon sa pangyayari. Pareho nga niya dapat itong igalang at sundin subalit dahil nga mayroong conflict higit papanigan niya ang kanyang tatay dahil higit mataas siya kaysa sa kanyang nanay. May mga angkop namang Molyao-Ul sa ganitong sitwasyon na makapagpapalaya sa kanila at magbibigay kaliwanagan sa mga pangyayari. Kung ang anak ay sa kanyang ina pumanig, hindi maglalaon ang mag-ina ay magiging mahigpit na magkaaway dahil kapwa sila naghimagsik sa kanilang higher authority, at ganitong uri ng paghihimagsik ay kinasusuklaman ni YÁOHU UL. Ang mga mapait na binhing inihasik ay magbubunga rin ng mapapait. Isang ganap na halimbawa ng tagapamagitan ay walang iba kundi si Molkhiul YAOHÚSHUA na Siyang namagitan sa naliligaw na sangkatauhan at kay YÁOHU UL, subalit Siya ay nanatiling sa panig ni YÁOHU UL, kaya kapag may nangyaring conflicts of loyalty, patuloy Niyang ipagtatanggol ang YÁOHU ABUHUL. 'Dumating ang ina at mga kapatid ni Molkhiul YAOHÚSHUA. Sila'y nasa labas ng bahay at ipinatawag Siya. Noon nama'y maraming taong nakaupo sa palibot ng Molkhiul YAOHÚSHUA, at may nagsabi sa kanya, 'Nariyan po sa labas ang Inyong ina at mga kapatid; ipinatatawag Kayo.' 'Sino ang Aking ina at mga kapatid?' ani ni Molkhiul YAOHÚSHUA. Tumingin Siya sa mga nakaupo sa palibot Niya at nagwika: 'Ito ang Aking ina at mga kapatid!' 'Dahil ang sinumang tumatalima sa ibig ni YÁOHU UL, ay siya Kong ina at mga kapatid.' - Marcos 3:31-35, Banal na Kasulatan. 'Hindi maaaring maging alagad Ko ang sinumang umiibig sa kanyang tatay at nanay, asawa at mga anak, mga kapatid, at maging sarili niyang buhay nang higit sa Akin. Ang sinumang hindi magpasan ng sariling pasanin at sumunod sa Akin ay hindi maaaring maging alagad Ko.' - Lukas 14:26-27, Banal na Kasulatan. Maaari rin itong ilapat o isagawa kapag mayroong 'conflicts of loyalty' sa pamahalaan at mga mamamayan, mga magulang at mga anak, mga tagapagturo sa mga mag-aaral, mga amo at alipin at iba pa. Kinakailangan ang palagiang pananalangin ng mga subordinates para sa pagpapatnubay at karunungan kung ano ang gagawin kapag may mga ganitong pagsubok na darating sa kanyang buhay. T. PAANO MAKAKAMTAN NG ISANG SUBORDINATE ANG KALAYAAN MULA SA KANILANG MGA AUTHORITIES? S. Sa pamamagitan ng pagpapasakop at pagsunod nang may kagalakan. Sang-ayon sa tindi ng kanyang pagpapasakop sa ilalim ng pangangalaga, pagtutuwid at pagdidisiplina sa kanya ng kanyang authority ay pareho rin ang igagawad na tindi o antas sa kanyang kalayaan. Habang tumitindi ang paghihimagsik at pagsuway sa kanilang mga utos, ay lalo naman silang magiging mahigpit at mahirap pakitunguhan ng mga subordinates. Habang binibigyang kasiyahan at patuloy na sinusunod naman niya ang kanyang authority, ay patuloy namang igagawad sa kanya ang kalayaan. Ang kalayaang nakamit dahil sa paghihimagsik, sa kabilang banda, ay magbubunga ng kapaitan, at marami pang pagdurusa at paghihirap ang naghihintay para sa mga nagtangkang lumaya sa pamamagitan ng pamumuwersa, pagtataksil, paghihimagsik, pakikibaka at pakikipaglaban. 'May daang matuwid sa tingin ng tao, ngunit kamatayan ang dulo nito.' - Kawikaan 14:12 'Huwag kayong makikiisa sa karamihan, sa paggawa ng masama o sa paghadlang sa katarungan. Ngunit huwag rin ninyong kikilingan ang mahihirap dahil lang sa kanilang kalagayan.' - Exodo 23:2,3 Saksihan ang maraming bayan sa Africa na nagtamo ng kalayaan dahil sa kanilang paghihimagsik at pakikibaka, at makikita mo rin ang mga paghihirap at pagdurusa na kanilang sinasapit ngayon. Mga civil wars, salot, iba't ibang kalamidad, coups at iba pa. Iyan ang mga mapapait na bunga ng kanilang paghihimagsik laban sa kanilang mga authorities. Sila mismo ang naging mga mahihigpit na magkakaaway dahil sila rin ang nagkaisang maghimagsik laban sa dati nilang authorities. Ang tunay na kalayaan ay kapag ang isang tao ay malayang sumusunod at naglilingkod kay YÁOHU UL, may kapayapaan, katuwiran, kaligayahan, kalusugan, at kasaganaan. Maaaring kamtin ng mga tao ang kalayaan sa pamamagitan ng dahas na mula sa mga militar, sa pamilya o kaya'y sa pamahalaang pananakop, subalit hindi sila magiging malaya sa anumang kahirapan, mga pagkakautang, mga salot, kagutuman, mga kalamidad pati na ang pag-aaway, kung dinaan naman sa pakikipaglaban, terorismo, at karahasan. Hindi maglalaon at ang Molyao-Ul ay magkakabisa at mangyayari sa kanilang buhay, darating ang panahon na aanihin nila ang kanilang inihasik. Kapag ang isang bata ay lalo pang nagiging masunurin at mapagpasakop sa kanyang mga magulang, higit lalo pa nila siyang pagkakatiwalaan at bibigyan pa ng kalayaang higit pa sa kanyang inaasahan. Kapag lalo pa itong nagiging masuwayin at mapaghimagsik, lalo namang maghihigpit ang kanyang mga magulang at ang kalayaan ay ipagbabawal. Ang patakarang mga ito ay masasaksihan, mabisa at kailangang mapatupad ang balangkas ng 'authority-subordinate' saanmang pook. T. ANO ANG IBIG SABIHIN NG 'USURPATION OF AUTHORITY' O PANANAPAW SA TUNGKULIN NG AUTHORITY? S. Ang usurpation o pananapaw ay kapag ginagawa ng isang tao ang isang bagay na hindi naman sakop ng kanyang tungkulin bilang authority, samakatwid ay ang pagsapaw at pagsasagawa sa tungkulin ng higher authority. Isang halimbawa nito ay ang pagsapaw ng isang nakatatandang kapatid sa tungkulin ng kanyang mga magulang, inuunahan niya sila sa pag-uutos sa kanyang mga nakababatang mga kapatid at nagsisimulang labagin ang kanilang patakaran sa pamamahay. Ang isa pang halimbawa ay ang paghihimagsik sa loob ng mga sasakyang panghimpapawid at pandagat. Ang pagsapaw ng isang may mababang tungkulin nang kanyang sinabihan ang iba na sundin ang kanyang ipinag-uutos sa halip na ang kapitan, ito ay tinatawag na 'mutiny.' Isa pang halimbawa ay ang pagsapaw o pakikialam ng isang opisyal ng pamahalaan sa pamamalakad ng kogreso at ng hukuman. O kaya naman ang pananapaw ng mga militar sa mga sibilyan sa pamamagitan ng pagkakaroon ng coup at itatag ito bilang lehitimong pamahalaan. Sa mga kumpanya naman, kapag nagprotesta ang mga manggagawa at ang supervisor ang pasimuno upang mag-alsa ito laban sa kumpanya at ang kanilang demand ay siya ang gawing kahalili ng manager. Sa 'rukhaól' namang samahan, kapag ang isang leader ng ladies' fellowship ay nagsimula nang akusahan ang kanyang Bokir-shua at siya na ang gumaganap ng tungkulin nito bilang Bokir-shua. Makikita ang halimbawang ito nang gawin ni Shaul ang gawain ni Samuel: 'Limampung taon si Shaul nang maging hari ng Israel at tumagal ng dalawampu't dalawang taon ang kanyang paghahari. Pumili si Shaul ng 3,000 lalaki: isinama niya sa Micmas ang 2,000 at sa kaburulan ng Betel. Ang 1,000 naman ay pinasa niya kay Jonatan sa Gabaa, sakop ng Benjamin. Ang iba'y pinauwi niya sa kani-kanilang tolda. 'Nakuha na ni Jonatan ang kampamento ng mga Pilisteo sa Gabaa at ito'y nabalita sa buong lupain ng mga Fiisteo. Ipinabalita naman ni Shaul sa buong Israel ang nangyari at tinawagan ang buong bayan na makidigma. Nang marinig ng mga Israelita na nasakop na ni Shaul ang isang kampo ng mga Filisteo at malaman nilang napopoot sa kanila ang mga ito, nagkaisa silang sumama kay Shaul sa Gilgal upang makipaglaban.' 'Nagtipun-tipon din ang mga Filisteo upang harapin ang mga Israelita. Ang karwahe nila ay 30,000 at 6,000 ang mga kawal na kabayuhan, at tila buhangin sa dagat ang dami ng mga kawal na naglalakad. At sila'y nagkampo sa Micmas, sa gawing silangan ng Bet-aven.' 'Nakita ng mga Israelita ang malaking panganib na kanilang kinasuungan dahil masusukol sila. Kaya't nagkanya-kanya silang tago sa mga kuweba, hukay, puntod, malaking bato at mga punongkahoy.' 'Ang iba nama'y tumawid sa Jordan papuntang Gad at Galaad. Naiwan si Shaul sa Gilgal at nanginginig sa takot ang mga naiwang kasama niya.' 'Pitong araw siyang naghintay roon, tulad ng sinabi sa kanya ni Samuel; ngunit hindi ito dumating. Ang mga kasama niya'y isa-isa nang umaalis, kaya nagpakuha si Shaul ng handog na susunugin at handog pangkapayapaan at sinunog ang mga ito.' 'Katatapos lamang niyang maghandog nang dumating si Samuel. Sinalubong siya ni Shaul at binati. Tinanong siya ni Samuel, 'Bakit mo ginawa iyan?' Sumagot siya, 'Ang mga kasama ko'y isa-isang umaalis, nariyan na sa Micmas ang mga Filisteo, at ikaw nama'y hindi dumating sa oras na ating usapan. Ahnee'y nangangambang lusubin kami ng mga Filisteo rito sa Gilgal na hindi pa ahnee (ako) nakapaghahandog kay YÁOHU UL, kaya napilitan ahneeng maghandog.' Sinabi sa kanya ni Samuel, 'Malaking kasalanan 'yang ginawa mo. Kung sinunod mo ang iniuutos sa iyo ni YÁOHU UL na iyong UL, ang sambahayan mo sana ang maghahari sa buong Israel habang panahon. Ngunit dahil sa ginawa mo, hindi na matutuloy iyon. Ang YÁOHU UL ay pipili ng ibang hari para sa Israel dahil hindi mo sinunod ang nga utos Niya sa iyo.'- 1 Samuel 13:1-14, Banal na Kasulatan. Nang sapawan ni Abshalom si Haring David bilang Hari ng Israel, na kung saan siya ang nagdusa, at mabilis na iginawad sa kanya ang kaparusahan mula kay YÁOHU UL, mababasa sa 2 Samuel, sa Banal na Kasulatan. Sa sambahayan naman, kung si mister ay mahina sa kanyang 'rukhaól' na katayuan at mapaghimagsik laban kay YÁOHU UL, ang isa sa kanyang mga kaparusahan ay ang kanyang misis ay magtatagumpay sa pananapaw sa kanyang tungkulin at kapangyarihan. Kaya, makikita natin na kung saan ang misis ang siyang nasusunod, siyang humahawak ng salapi, siyang nagpapasya sa mga pagdidisplina at siya rin ang nag-uutos sa buong sambahayan. Sinapawan na ng babae ang kanyang asawa. Kinamumuhian ni YÁOHU UL ang anumang uri ng pagsapaw sa tungkuling ng iba. Ang pananapaw ay kadalasang nagpapanggap na tila isang makatwirang daan upang ikaw ay magalit na kadalasang ring hahantong sa paghihimagsik laban sa mga authorities. Ang mga akusa, reklamo at pagsasabi ng mga di pagkakontento, at ang paglalagay sa tungkulin noong dating nasa mababang tungkulin kahalili noong nasa mataas na tungkuling ibinagsak sa kanyang pamamahala. Walang pag-aalinlanganang gawain nga ni ha-satán dahil siya ay naparito upang pumatay, magnakaw (ng trabaho o tungkulin) at manira ng reputasyon ng isang tao at siyang magpapatakbo sa isip ng mga subordinates. Tuklasin pang mainam ang mga taktika at 'modus operandi' nitong mga 'rukot ha-raot' (masasamang espiritu) ng pananapaw at kung papaanong pakikitunguhan ni YÁOHU UL ang mga taong gumagawa ng ganitong kasamaan. 'Sina Miriam at Aaron ay nag-usap laban kay Mehushua (Moises) tungkol sa asawa niyang taga-Cus. Ang sabi nila, 'Si Mehushua lamang ba ang kinausap ni YÁOHU UL? Hindi ba't tayo man?' 'Hindi kaila kay YÁOHU UL ang usapan nilang ito.' 'Walang anu-ano, sina Mehushua, Aaron at Miriam ay tinawag ni YÁOHU UL. Sinabi Niya, 'Magpunta kayong tatlo sa Toldang Tipanan. At nagpunta nga sila.' 'Si YÁOHU UL ay bumaba sa anyo ng haliging ulap at lumagay sa pintuan ng Toldang Tipanan. Tinawag Niya sina Aaron at Miriam.' 'Paglapit nila, sinabi Niya, 'Pakinggan ninyo ito: Kung ang sinuma'y nais kong hiranging propeta, napakikita Ahnee (Ako) sa kanya sa pangitain at kinakausap Ko siya sa panaginip. Ngunit kaiba ang ginawa Ko kay Mehushua pagkat siya lamang ang lubos kong mapagtitiwalaan sa aking sambahayan. Kinausap Ko siya nang harapan at sinabi Ko sa kanya ang yaohod (lahat) sa maliwanag na paraan, hindi sa pamamagitan ng talinghaga. At siya lamang ang nakakita sa Aking anyo. Bakit kayo nag-uusap laban sa kanya? ' 'Pagkasabi niyon, galit na umalis ang YÁOHU UL.' 'Nang mawala na ang ulap sa ibabaw ng Toldang Tipanan, si Miriam ay namumuti sa ketong. Nang makita ito ni Aaron, sinabi niya kay Mehushua, 'Kapatid ko, isinasamo kong huwag mo kaming parusahan dahil sa aming kamangmangan at kasamaan. Huwag mong pabayaang matulad siya sa isang buhay na patay, parang ipinanganak nang wala ang kabiyak ng katawan.' 'Kaya, si Mehushua ay dumaing kay YÁOHU UL na pagalingin si Miriam.' 'Ngunit ang sagot ni YÁOHU UL, 'Kung siya'y hiyain ng kanyang ama, hindi ba siya magtatago ng pitong araw? Bayaan ninyo siya ng pitong araw sa labas ng kampamento.' 'Kaya si Miriam ay pitong araw na nasa labas ng kampamento. Hindi lumakad ang bansang Israel hanggang hindi nakapapasok ng kampamento si Miriam.' - Bilang 12:1-15, Banal na Kasulatan. Tuklasin naman natin ngayon kung ano ang halos inani ni Aaron: 'Naghimagsik laban kay Mehushua si Core na anak ni Izar at apo ni Coat na anak ni Levi. Kasama niya sa paghihimagsik na ito sina Datan at Abiram na mga anak ni Eliab, at si On na anak ni Pelet na pawang buhat sa lipi ni Ruben. May kasama pa silang 250 katao na pawang kilala sa bayan at mga puno ng kapulungan.' 'Hinarap nila sina Mehushua at Aaron at sinabi, 'Sobra na 'yang ginagawa ninyo. Bakit itinataas ninyo ang inyong sarili gayong yaohod (lahat) ng nasa kalipunang ito ay banal at hindi hinihiwalayan ni YÁOHU UL' Nang marinig ito ni Mehushua, siya'y nagpatirapa sa lupa. Sinabi niya kina Core: 'Bukas ng umaga, ipakikilala sa inyo ni YÁOHU UL kung sino ang kanyang hinirang. Kung sino ang piliin Niya ay yaon ang makalalapit sa kanya. Ganito ang gawin ninyo: Kumuha kayo ng insensaryo bukas, at lagyan ninyo ng baga sa harapan ni YÁOHU UL, saka lagyan ng kamanyang. Kung sino ang banal ay siyang pipiliin ni YÁOHU UL. Kayong mga anak ni Levi ang sumosobra at nananapaw.' Sinabi pa ni Mehushua, 'Makinig kayo, mga anak ni Levi: hindi pa ba kayo nasisiyahan na kayo'y hinirang ni YÁOHU UL upang maglingkod sa kanya sa Toldang Tipanan para sa bayang Israel? Kayong mga Levita'y ibinukod na ni YÁOHU UL upang maglingkod sa harapan Niya, bakit ibig pa ninyong agawin pati ang pagiging saserdote? Dahil sa hangad ninyong iyan ay nagkakasala kayo laban kay YÁOHU UL. Sino si Aaron upang inyong paghimagsikan? Sina Datan at Abiram na anak ni Eliab ay ipinatawag ni Mehushua ngunit hindi pumunta.' Sa halip ay sinabi nila, 'Hindi pa ba sapat sa iyo na kami'y iyong inialis sa lupaing sagana na sa yaohod ng bagay upang patayin ng gutom dito sa ilang? Bakit ibig mo pang ikaw ay kilalanin naming pinuno? Hanggang ngayo'y hindi mo pa kami nadadala sa lupaing sagana sa yaohod ng bagay ni nabibigyan ng bukirin na aming pinakamana. Akala mo ba'y madadaya mo kami? Hindi kami pupunta!' Dahil dito, nagalit si Mehushua at sinabi kay YÁOHU UL, 'Huwag mong pahahalagahan ang kanilang handog. Hindi ko sila kinunan kahit isang asno ni pinagmalabisan.' Pagkatapos hinarap ni Mehushua si Core, at sinabi, 'Humarap kayo bukas kay YÁOHU UL: ikaw, ang 250 kasamahan mo, at si Aaron. Kayo ng mga kasama mo ay magdala ng tig-iisang insensaryo, at magsunog kayo ng kamanyang sa harapan ni YÁOHU UL. Magdadala rin si Aaron ng kanyang insensaryo.' Kinabukasan, nagdala nga sila ng insensaryo at kamanyang, at pumunta sa may pintuan ng Toldang Tipanan, kasama sina Mehushua at Aaron. Si Core at ang kanyang mga kasamahan ay lumagay sa harap ng Toldang Tipanan at pinalagay nila sa kanilang tapat ang buong bayan. Ang kaningningan ni YÁOHU UL napakita sa bayan. Sinabi ni YÁOHU UL kina Mehushua at Aaron. 'Lumayo kayo sa kanila para malipol Ko sila sa isang saglit.' Ngunit sina Mehushua at Aaron ay nagpatirapa. Sinabi nila, 'YÁOHU UL, aming UL na nagbibigay-buhay sa yaohod (lahat) ng tao, lilipulin Mo ba ang buong bayan dahil lamang sa kasalanan ng isang tao?' Sumagot ang YÁOHU UL: 'Sabihin ninyo sa buong bayan na lumayo sa tirahan nina Core, Datan at Abiram.' Pinuntahan nina Mehushua at Aaron sina Datan at Abiram, kasunod niya ang matatanda ng Israel. Sinabi niya sa bayan, 'Lumayo kayo sa mga taong ito na ubod ng sasama. Ni huwag ninyong sasalingin ang anumang ari-arian nila at baka kayo'y malipol na kasama nila.' Gayon nga ang ginawa nila. Sina Datan at Abiram ay nakatayo sa pintuan ng kanilang tolda, kasama ang kani-kanilang sambahayan. Sinabi ni Mehushua, 'Malalaman ninyo ngayon na sinugo ahnee (ako) ni YÁOHU UL upang gawin ang mga bagay na ito, at ito'y hindi ko sariling ibig. 'Kapag ang mga taong ito'y namatay sa sakit o sa natural na kamatayan, nangangahulugang hindi ahnee (ahnee) ang sinugo ni YÁOHU UL. Ngunit kapag bumuka ang lupa at sila'y nalulon nang buhay kasama ng yaohod ng may kaugnayan sa kanila, nangangahulugang naghimagsik sila laban kay YÁOHU UL.' Hindi pa halos natatapos ang salita ni Mehushua, bumuka ang lupa, at nilulon nang buhay sina Core pati ang kanilang mga kasambahay at ari-arian. Silang yaohod (lahat) ay nalibing nang buhay. Muling naghilom ang lupa at hindi na sila nakita ng mga Israelita. Dahil dito, nagkagulo sila sa takot. 'Lumayo kayo rito!' ang sigawan nila. 'Baka pati tayo'y lamunin ng lupa.' 'Samantala, nagpaulan ng apoy ang YÁOHU UL at tinupok ang 250 kasamahan ni Core na nagsunog ng kamanyang.' Sinabi ni YÁOHU UL kay Mehushua, 'Sabihin mo kay Eleazar na anak ni Aaron na kunin ang mga insensaryo at itapon sa malayo ang ang mga baga. Kunin ninyo pati ang mga insensaryo ng 250 namatay. Pitpitin ninyo yaon nang manipis at gawing panakip sa altar. Ang mga iyon ay sagrado pagkat inihandog sa Akin. Bayaan ninyong iyan ay maging tagapag-paalaala sa mga Israelita.' 'Kinuha nga ni Eleazar ang mga insensaryong yaon na pawang tanso, ipinapitpit nang manipis, at itinakip sa altar. Sa gayon, laging maaalaala ng mga Isrelita na ang sinumang hindi saserdote o hindi kabilang sa angkan ni Aaron ay di dapat mangahas magsunog ng kamanyang sa harapan ni YÁOHU UL. Baka maparis sila kay Core at sa mga kasamahan nito. Ang yaohod (lahat) ng ito'y ginawa ni Eleazar ayon sa iniutos ni YÁOHU UL kay Mehushua.' Kinabukasan, nag-usap-usap laban kina Mehushua at Aaron ang buong bayan. Sabi nila, 'Pinatay ninyo ang mga lingkod ni YÁOHU UL.' Sila'y nagkaisa laban kina Mehushua at Aaron ngunit nang lingunin nila ang Toldang Tipanan, nakita nilang nabalot ito ng ulap at lumitaw ang kaningningan ni YÁOHU UL, 'Lumayo kayo sa mga taong ito at lilipulin ko sila sa loob ng isang saglit.' Sina Mehushua at Aaron ay nagpatirapa sa lupa. Sinabi ni Mehushua kay Aaron, 'Madali ka! Kunin mo ang insensaryo mo at magsunog ka ng kamanyang. Pumagitna ka sa bayan at ihingi mo sila ng tawad kay YÁOHU UL pagkat kumakalat na ang salot dahil sa Kanyang poot.' Sinunod ni Aaron ang sinabi ni Mehushua at patakbo siyang nagtungo sa gitna ng kapulungan. Nang dumating siya roon, marami nang patay. Nagsunog siya agad ng kamanyang at inihingi ng tawad ang mga tao. Pumagitna siya sa mga patay at sa mga buhay, at nawala ang salot. Ang namatay sa salot na yaon ay 14,700, bukod sa mga namatay na kasama ni Core. Nang wala na ang salot, nagbalik kay Mehushua si Aaron sa may pintuan ng Toldang Tipanan. - Bilang16:1-50, Banal na Kasulatan. Ang pinakaunang nahatulang 'usurper' o mananapaw sa kapamahalaan dito sa sandaigdigan ay si ha-satán (si satir, ang kambing, ang matandang dragon). Alamin natin ngayon kung ano ang kanyang ginawa, bakit at anu-anong mga kaparusahan ang iginawad sa kanya: 'Ikaw ay larawan ng kasakdalan. Puspos ng kaalaman. Ang ganda mo'y walang kapintasan. Tulad mo'y nasa paraiso ni YÁOHU UL, sa hardin ng Eden. Nababalot ka ng iba't ibang uri ng batong mamahalin: sardiyo, topasyo at diyamanteng nagniningning, berilo, onise at haspeng walang kahambing; sapiro, esmeralda at karbungko. Ginto ang iyong enggasto. At ang pagkaukit dito ay inihanda noong una pa, nang isilang ka sa mundo.' 'Kerubin ang itinalaga kong magbabantay sa iyo. Nasa ituktok ka ng aking banal na bundok. Ang nilalakaran mo'y mga batong kumikinang.' 'Wala kang kapintasan mula pa nang isilang hanggang sa maisipan mong mamuhay sa kasamaan. Nang lumakas ang kalakal mo, natuto kang sumuway at namuhay sa kasalanan.' 'Kaya, pinagtabuyan ka mula sa Aking banal na bundok. Pinalayas ka ng kerubin sa kinatatayuan mong mga batong kumikinang.' 'Naging palalo ka dahil sa iyong kagandahan. Ginamit mo sa kasamaan ang iyong karunungan para mapatatag ang iyong katayuan. Kaya ibinagsak kita sa lupa upang maging babala sa ibang mga bansa.' 'Dahil sa masamang pamamaraan ng iyong pangangalakal, nasalaula ang Templo at nadumihan. Kaya ipinatupok kita sa apoy. Nilamon ka nga nito at nakita ng yaohod (lahat) na ikaw ay naging abo. Katapusan mo na. Yaohod (lahat) ng bansang nakakikila sa iyo ay takot na takot at baka matulad sila sa iyong sinapit.' - Kozoqiul (Ezekiel) 28:12-19 T. ANO DAPAT ANG LAYUNIN SA BUHAY NG ISANG TAO? S. Ang bawat isa ay maaaring magkaroon at desisyunan ang kanyang sariling layunin sa buhay. May nakatakdang layunin ang YÁOHU UL para sa bawat isang isinilang sa mundong ibabaw. Bago pa ito isilang, may nakalaan nang plano sa bawat isa na hahantong rin sa muling panunumbalik sa Kanya sa katapusan. Kapag sinunod at ginawa, ang bawat isa ay pagpapalain at magtatamasa nang higit masaganang buhay dito sa lupa, at magmamana naman ng buhay na walang hanggan kinalaunan. Ang layunin ni YÁOHU UL ay nakalaan sa mga masusunuring ibig sumunod sa Kanya sa buhay na walang hanggan kapiling Niya sa Kanyang Kaharian. Nakalulungkot mang sabihin na pati si ha-satán ang kaaway ay mayroon ring plano para sa bawat isa. Kapag ang kanyang plano ang sinunod ng isang tao, ang kahihinatnan nito ay kadustaan, kabulukan at kamatayan. Ang layunin ng kaaway ay ang mandaya at manlinlang upang magdusa magpawalang hanggan na kapiling niya sa nagbabagang impiyerno ang yaohod ng kanyang kampon at mga alagad. Ngayon, nasa sa tao na ang pagpili kung aling plano ang kanilang susundin upang magkatotoo sa kanilang buhay, at ang sarili niya lamang ang magdurusa o kaya'y pagpalain sang-ayon kung ano ang kanyang pinili, pinagpasyahan at inibig. Anumang pangyayari sa buhay ng tao sa kasalukuyan ay kabuoan lamang ng yaohod (lahat) ng mga pangyayaring naganap sa kanyang buhay noong nakaraan sang-ayon sa kanyang pinili at mga pagpapasya. Sa panukala ni YÁOHU UL, ang bawat isang isinilang sa daigdig ay nakalaan sa pagsunod at pagsasagawa ng Kanyang ibig, ang luwalhatiin at paglingkuran ang YÁOHU UL, dahil sa Kanya lamang nauukol ang mga ito bilang ating tunay na Maylalang ng sandaigdigan. Titiyakin ng isang marunong na tao na ang kanyang layunin sa buhay ay batay sa ibig ni YÁOHU UL. Kung iba ang kanyang tatahakin ay tiyak na sasalungat sa ibig ni YÁOHU UL. Tandaan pong mainam na dalawa lamang ang pinuno na ating pagpipiliang sundin, maaaring ang YÁOHU UL o kaya'y ang Kanyang kaaway na si satir, si ha-satán na matandang kambing. Upang makamit ang isang mapayapa at maligayang pakikipag-ugnayan kay YÁOHU UL, at upang makamit rin ang maiinam na ani sa buhay na ito, ang unang bagay at mahalagang dapat gawin ng isang subordinate ay ang pagpasyahan ukol sa tunay niyang layunin sa buhay. Kung ang layunin sa buhay ng isang subordinate ay ang sumunod at ang bigyang kasiyahan ang YÁOHU UL, asahang hindi siya daranas ng anumang 'conflicts' (tunggalian) sa kanyang mga authorities. Titiyakin ni YÁOHU UL na ang yaohod (lahat) ng kanyang authorities ay tatratuhin siya nang makatarungan at siya'y pagpapalain bukod pa sa pangangalaga, pagmamahal at pag-aaruga sa kanya nito. Subalit kung ang layunin sa buhay ng isang tao ay ang pagiging makasarili at panig pa sa kaaway, tiyak na asahan ang pagkakaroon ng kaguluhan, conflicts, pagdurusa at mapapait na ani mula sa kanyang authorities. Bakit? Dahil may conflict siya sa YÁOHU UL at tiyak na ganoon rin ang pakikitungo sa kanya ng kanyang magiging pinuno sa lupa, maging sino man sila at maging saan man sila naroroon. Kaya napakahalaga ang pagkakaroon ng 'quality decision' (mahusay na pagpapasya) kung ano ang kanyang magiging gagawaing layunin sa buhay, ngayong alam na ng bawat isa ang 'perfect will' (sakdal na ibig) ni YÁOHU UL. Ang pasyang ginagawa mo sa ngayon ay ang magiging batayan ng mga mangyayari sa iyo sa hinaharap at kinabukasan. 'Sundin ang YÁOHU UL at gawin ang Kanyang mga panukala para sa iyong buhay.....' tulad ng nakasulat sa Kanyang Molyao-Ul (Salita). T. ANO ANG NANGYAYARI SA MGA MAPAGHIMAGSIK MATAPOS NILANG LABAGIN ANG KANILANG MGA PINUNO? S. Una, daranas sila (may pagdiriwang!) kasiyahan dahil sa aliw na dulot ng kanilang kasalanan. Pagkatapos nito sila-sila mismo ay magiging mahihigpit na magkakaaway, sila-sila rin ang nagkakagalit at namumuhi sa isa't isa at magsusumikap na sirain at ibagsak ang bawat isa. Hindi maaaring ihiwalay ang mapait na binhi ng paghihimagsik na inihasik laban sa itinalagang authority. Halimbawa: Isang mag-asawa ang nagkasundo sa pagsuway sa ipinag-uutos ni YÁOHU UL, balang araw silang dalawa ay magiging mahigpit na magkaaway. Isa pang halimbawa ay: ang mga kakampi at mga 'accessories' (umalalay) sa nagawang krimen laban kay YÁOHU UL at sa pamahalaan ay magiging mga mortal na magkakaaway hindi maglalaon at hindi magtatagal ay sisikapin ng bawat isa na tapusin na ang masasamang bintang sa kanila kung kaya ang iba ay lalabas na isang 'state witness' laban sa iba pang kasamahan. Sa iba pang pook na kung saan hayagan at tahasan nilang nilalabag ang kanilang pinuno sa pamahalaan at iniaalis siya sa tungkulin, ang yaohod (lahat) ng kasama at kaisa sa kasamaang ito ay magiging mahihigpit na magkakaaway balang araw. Kung ang mga kababaihan sa isang samahan ay nagkaisang pangunahan ang kanilang mga 'rukhaól' (espiritu) na pinuno, sila'y magdurusa at magkakaroon ng conflicts sa kanilang buhay hindi magtatagal. At marami pang ibang tulad rin nito. T. ANO ANG LAYUNIN NG PAGKAKAROON NG MGA BILANGGUAN AT MGA CORRECTIONAL? S. Ito ang mga pook na kung saan isinasagawa ang pagdidisiplina at pagpaparusa para sa mga nagkasala, mga kriminal, mga mapaghimagsik, mga matitigas ang ulo at mga masasama. Ibibigay ni YÁOHU UL ang ayon sa pakikitungo at ginawa ng bawat isa. Ang mga pook na ito ang nagsisilbing Kanyang pamalo ng pagtutuwid at pagpaparusa. 'Ang masama ay pinupuri ng masuwayin sa batas, at kalaban nila ang mga taong sa tuntunin nanghahawak. Hindi alam ng masama kung ano ang katarungan, ngunit sa mga alipin ni YÁOHU UL ay lubos itong malinaw.' - Kawikaan 28:4-5 Para naman sa mga naghihimagsik laban sa mga saway ni YÁOHU UL ay mga punerarya, mga libingan at sementeryong nakalaan para sa kanila. 'Pananalig at katapata'y huwag mong tatalikdan, ikuwintas mo sa iyong leeg at itanim sa isipan. Sa gayon, sa iyo ay malulugod itong YÁOHU UL, magiging mabuti ka sa paningin ng sansinukob.' - Kawikaan 3:3-4 'Aking anak, ang saway ni YÁOHU UL ay huwag mamaliitin, kung ikaw'y itinutuwid, huwag mababagot mandin pagkat yaohod ng mahal niya'y itinutumpak ng daan, at ang anak na minamahal, sinasaway ng magulang.' - Kawikaan 3:11-12 'Ang taong may unawa ay tumatanggap ng payo. Ngunit ayaw mapaalalahanan ang matigas yaong ulo.' - Kawikaan 12:1 'Kahihiyan ang kasasadlakan ng hindi nakikinig sa saway, ngunit ang tumatanggap ng payo ay mag-aani ng karangalan.' - Kawikaan 13:18 'Ang mapagmahal na magulang ay dapat magparusa sa anak, pagkat ang supling na minamahal ay dapat ituwid ng landas.' - Kawikaan 13:24 'Ang gumawa ng masama ay tatanggap ng parusa, at tiyak na mamamatay ang ayaw ng paalaala.' - Kawikaan 15:10 'Ang nais ng masama'y paghihimagsik kaya ipadadala sa kanya'y isang sugong malupit.' - Kawikaan 17:11 'Ituwid mo ang iyong anak habang may panahon kung hindi'y ikaw pa ang nagtulak sa kanyang kapahamakan.' - Kawikaan19:18 T. ANG BAWAT ISA BA AY AUTHORITY AT SUBORDINATE RIN NAMAN? S. Ang bawat taong nabubuhay sa mundong ito ay may nasasakupan o kapamahalaan at tungkuling iniatang sa kanyang balikat, gayundin naman isa ring tagasunod o nasa ilalim ng mga nakatataas na mga pinuno, mapalalaki at mapababae, maging ang sanggol at ang mga nakatatandang kapatid saan man sila naroroon. Halos sa yaohod (lahat) ng pook ay mga tagapamunong itinatag na may kani-kaniyang patakaran, batas, panuntunan, adhikain, tuntunin at kautusan maging ito ay nasa loob ng gymnasium, ng bus, tren, mga tindahan, pasyalan, eroplano, mga bahay panuluyan, mga panederya, mga kainan at iba pa. May nakalaang payong ng pangangalaga sa bawat isa, at ito ay isang bagay na hindi nakikita, iyon lamang may mga 'rukhaól' na paningin ang makakikita nito. Kung kaya namangha ang Odmorul YAOHÚSHUA sa pananalig ng Kapitang Romano, dahil ang pananalig ay ang katiyakan ng mga bagay na hindi nakikita ng mga mata, at kanyang nabatid ang kapangyarihan ng Mihushuayao YAOHÚSHUA sa larangang espiritwal. 'Doo'y may kapitang Romano na may aliping mahal sa kanya. May sakit ang alipin nito at nasa bingit ng kamatayan.' 'Nang mabalitaan ng kapitan ang ginagawa ni Molkhiul YAOHÚSHUA, nagpasugo siya ng ilang matatanda sa mga Yaohudim (Judio) upang ipakiusap kay Gaúl YAOHÚSHUA na puntahan at pagalingin ang kanyang alipin.' Nang makita nila ang Mihushuayao YAOHÚSHUA, taimtim silang nakiusap sa kanya, 'Siya'y karapat-dapat na pagbigyan Ninyo dahil mahal niya ang ating bansa,' wika nila. 'Ipinagpatayo pa niya tayo ng isang sinagoga.' Kaya't sumama sa kanila si Molkhiul YAOHÚSHUA. Nang malapit na siya sa bahay, ipinasalubong siya ng kapitan sa kanyang mga kaibigan at ipinasabi ang ganito: 'Ginoo, huwag na po kayong magpakapagod. Hindi ahnee (ahnee) karapat-dapat na puntahan ninyo sa aking tahanan. Ni hindi rin po ahnee (ahnee) karapat-dapat humarap sa inyo. Ngunit magsalita po lamang Kayo at gagaling na ang aking alipin. Dahil ahnee'y (ako'y) isang taong nasa ilalim ng mga nakatataas na pinuno, at may nasasakupan din po ahneeng mga kawal. Kung sabihin ko sa isa, 'Humayo ka!' siya'y humahayo; at sa aking alipin, 'Gawin mo ito!' ito'y ginagawa niya.' 'Namangha si Molkhiul YAOHÚSHUA nang marinig ito, at humarap sa makapal na taong sumusunod sa kanya. Sinabi niya, 'Kahit sa Israel ay hindi Ahnee nakakita ng ganito kalaking pananalig.' 'Pagbalik sa bahay, naratnan ng mga sinugo na magaling na ang alipin.' - Lukas 7:10, Banal na Kasulatan. Kung kaya napakainam para sa isang Yaohushuahee (mananamapalataya) ang maging wise pagdating sa pakikitungo sa kani-kanilang mga authorities at mga subordinates. Kaya purihin, sambahin, luwalhatiin, parangalan at pasalamatan ang YÁOHU UL ngayon sa paghahayag Niya ng kaalamang ito! Haolul-YÁOHU! Ol Shúam (sa Ngalan) ni YAOHÚSHUA hol-MEHUSHKHÁY, am-nám! T. SINU-SINO ANG IYONG MGA AUTHORITIES? S. Ang una at ang Pinakamataas ay ang: YÁOHU UL - [ang Maykapal at Abuhul] Ang ikalawa ay si: YAOHÚSHUA - [ang Mesias at Tagapagligtas] Ang ikatlo ay ang: 'RÚKHA-YAOHÚSHUA' - [ang Mang-aaliw at Patnubay]. Ang buong hukbo sa kalangitan ay nasa ilalim ng pamamahala ng Walang Hanggang Triune. Ang ikaapat ay ang: hari ng bansa, reyna, pangulo, at ang yaohod (lahat) ng mga opisyales sa pamahalaan tulad ng punong ministro, gobernador, mga senador, mga kinatawan, mga mambabatas, mga kasapi sa parliament, mga alkalde, mga pinuno sa barangay, mga opisyales at tauhan ng pulisya at iba pang sangay ng hukbong sandatahan ng iyong pamahalaan. Ang ikalima ay ang: mga 'rukhaól' (espiritwal) na tagapamuno (tulad ng mga saserdote, apostol, propeta, ministro, diakono, cohanim, rabbis, at iba pa) sa isang samahan ng mga mananampalataya na kung saan ikaw ay kabilang at aktibong kasapi sa ilalim ng pamamahala ng iyong pinaglilingkuran. Ang sinumang hindi kabilang sa isa sa mga katulad nito ay maituturing na nasa ilalim ng pamamahala ng pangkalahatang namamayaning samahan sa kanyang bansa. Ikaanim, ay ang: iyong mga magulang (kung wala ka pang asawa). Ang iyong asawa (kung ikaw ay babae at legal na nagsasama). Ang iyong nakatatandang kapatid (kung wala pa kayong asawa) Ikapito: ang iyong amo at yaong may matataas na tungkulin sa inyong kumpanya o pinagtatrabahuhan. Ikawalo: Iba pang tao na may kapamahalaan sa iyo, bagamat limitado nga lamang, tulad ng may-ari ng iyong bahay na inuupahan, ang iyong Internet Service Providers, ang mga kumpanya ng telepono, kuryente, at tubig na kung saan ikaw ay nakikinabang at iba pa kung ang kanilang mga bagay ang pinag-uusapan. Ang iyong lolo at lola, mga tiyuhin at tiyahin, ang iyong mga kapatid na may asawa at maging ang iyong mga magulang (matapos mong mag-asawa) ay nagiging kaisa na lamang ng tinatawag na 'CHAIN OF ADVICE' (Board of Advisers) na siyang inilaan ng YÁOHU UL kapag nangangailangan ka ng payo at pagtuturo kung tama nga ang diresksiyon na iyong tatahakin upang makapagpasya ng kaaya-aya sa paningin ni YÁOHU UL at naayon sa Kanyang Salita. Dito sa 'CHAIN OF COMMAND' dumadaloy ang kapangyarihan at kapamahalaan, mula kay YÁOHU UL pababa sa pinakamababang sangay ng kapamahalaan dito sa sandaigdigan. Ang mga lehitimong kautusan na ibinigay sa subordinate na mula kay YÁOHU UL sa pamamagitan ng kanyang 'CHAIN OF COMMAND' ay kinakailangang sundin nang may kagalakan at may kahusayan. Ang gantimpala at parusa na tatamasahin ng subordinate ay batay sa kung gaano kahusay ang pagsunod na isinagawa sa mga ipinag-uutos sa kanya Samantalang ang ilang payo na mula sa 'CHAIN OF ADVICE' ay hindi naman kinakailangang sundin, kundi pagsasaalang-alang lamang sa pagpapasya nang tama at may karunungan sa buhay. 'Mapalad ang taong hindi naaakit niyong masasama, upang sundin niya ang kanilang payo't maling halimbawa.' - sabi nga sa nakasulat sa Awit 1. Subalit napakainam ang humingi ng payo mula kay YÁOHU UL mismo, sa pamamagitan ng Kanyang Molyao-Ul (Salita) na kung saan ipinapakita at binibigyang-liwanag ng 'RÚKHA-YAOHÚSHUA' ang katotohanan dahil kadalasan yaong mga kabilang 'chain of advice' ay kulang ang kaalaman ukol sa Kanyang Salita at kadalasan ring nagpapayo ng hindi tama. Hayaang ang kapayapaan ng Mihushuayao YAOHÚSHUA ang siyang mamayani sa inyong puso't isipan sakaling may dumating na ganitong mga pangyayari sa inyong buhay at hayaan ring ang Salita ni YÁOHU UL ang siyang pinakahuling may kapamahalaan pagdating sa pagpapasya at tamang pagpili sa pang-araw-araw na pamumuhay ng isang mananampalataya. Alalahanin po ninyo na ang gantimpala, mga biyaya, at pagpapala sa buhay ay ang YÁOHU UL ang nagpapasya at hindi batay sa anumang hilig lamang ng mga tao. Kung kaya, paglingkuran ng buong puso at buong katapatan ang Odmorul YAOHÚSHUA hol-MEHUSHKHÁY - palagian! Ang mga tagapamuno dito sa lupa ay mga instrumento o kasangkapan ni YÁOHU UL sa Kanyang pagdadalisay na ginagawa sa bawat puso, pag-uugali ng bawat isa, bukod pa ang paggagawad ng mga pagpapala at kaparusahan. Sila ang mga kasangkapan ni YÁOHU UL sa pagdadalisay at paghuhubog ng pag-uugali ng bawat isa. Nasa ilalim ng kapamahalaan ng isang mabagsik at may kagaspangang pag-uugali na pinuno ang isang taong matigas yaong ulo samantalang ang mga masunurin naman ay nasa ilalim ng mga maiinam na kasangkapan sa pagdadalisay. Mapapansin po ninyo na kadalasan, yaong mga rebelde sa kanilang mga magulang ay sumasanib sa mga militar o kaya'y nabibilanggo upang mapasailalim sa mahigpit na pagdidisiplina. Kanilang pinili o hindi naman inaasahang mapasailalim sa mga may kagaspangang pag-uugali na kasangkapan sa pagdadalisay upang maalis ang yaohod ng dumi at kasamaan sa kanilang puso, batid man nila o hindi. Hinahayaan ni YÁOHU UL na makapili ang bawat isa at makatanggap ng angkop sa pagdadalisay at pagbabago ng kanyang pag-uugali. Ang pagkatakot kay YÁOHU UL ay pasimula ng karunungan. Ang pagkakaraoon ng takot kay YÁOHU UL ay ang pagkamuhi sa kasamaan. Ang pagsasagawa ng kasamaan ay ang pagpuri at pagluluwalhati sa masama. 'Ang nag-iingat sa kautusan ay nag-iingat ng kanyang buhay at ang nagwawalang-halaga sa utos ay tiyak na mamamatay.' - Kawikaan 19:16 'Ang taong di ibig magbago ay hindi maliligtas. Ang hindi makinig ng payo ay mapapahamak.' - Kawikaan 29:1 'Ang poot ng hari ay parang leong umuungal ngunit ang kanyang paglingap ay parang hamog sa halaman.' - Kawikaan 19:12 'Ang anak na suwail sa magulang ay anak na masama at walang kahihiyan.' - Kawikaan 19:26 'May hatol na nakalaan sa mga mapanuya at sa mga mangmang ay may hagupit nakahanda.' - Kawikaan 19:29 'Ang poot ng hari ay parang leong umuungal, ang gumalit sa kanya'y nanganganib ang buhay.' - Kawikaan 20:2 'Sino ang makapagsasabi na ang puso niya'y malinis at di namuhay sa kasamaan kahit isang saglit?' - Kawikaan 20:9 'Sinumang sumumpa sa kanyang magulang parang ilaw na walang ningas ang wakas ng kanyang buhay.' - Kawikaan 20:20 'Ang salaping hindi pinaghirapan kung gastusin ay walang hinayang.' - Kawikaan 20:21 'Hawak ni YÁOHU UL ang isip ng isang hari at naibabaling Niya ito kung saan igawi.' - Kawikaan 21:1 'Ang paggawa ng matuwid at kaaya-aya ay higit na kasiya-siya kay YÁOHU UL kaysa sa mga handog.' - Kawikaan 21:3 'Ang magiliw mangusap at may pusong dalisay pati ang hari'y magiging kaibigan.' - Kawikaan 22:11 'Kung ikaw ay kasalo ng may mataas na katungkulan, huwag mong kalilimutan kung sino ang iyong kaharap. Kung ikaw man ay matakaw, pigilan mo ang iyong sarili. Huwag dudukwangin agad ang pagkain, baka iyon ay pain lang sa iyo. Huwag mong guluhin ang isip mo sa pagpapayaman; pag-aralan mong umiwas doon.' - Kawikaan 23:1-4 'Huwag kang makikikain sa taong kuripot, ni nanasain man ang masasarap niyang pagkain, pagkat yao'y maninikit sa iyong lalamunan. Aanyayahan ka nga niyang kumain, at uminom, ngunit hindi bukal sa kalooban. Isusuka mo rin ang yaohod ng iyong kinain at masasayang lamang ang maganda mong sasabihin.' - Kawikaan 23:6-8 'Pakinggan mo ang iyong ama na pinagkakautangan mo ng buhay, at huwag hahamakin ang iyong ina sa kanyang katandaan.' - Kawikaan 23:22 'Anak, igalang mo ang YÁOHU UL, gayon din ang hari. Huwag mong susuwayin ang sinuman sa kanila pagkat bigla na lang kayong mapapahamak. Hindi ka ba natatakot sa pinsalang magagawa nila sa iyo?' - Kawikaan 24:21-22 'Isipan ng hari'y mahirap malaman, pagkat sintaas ng langit, sinlalim karagatan.' - Kawikaan 25:3 'Ang utusang tapat ay kasiyahan ng pinaglilingkuran, tulad ng malamig na tubig sa panahon ng tag-araw.' - Kawikaan 25:13 'Ang nagnanakaw sa magulang sa dahilang hindi iyon kasalanan ay tulad na rin ng karaniwang magnanakaw.' - Kawikaaan 28:24 'Ang maibigin sa kaalaman ay nagbibigay galak sa magulang, ngunit ang nakikisama sa patutot ay nagwawaldas ng kayamanan.' - Kawikaan 29:3 T. SINO ANG NAGTATAGLAY NG PINAKAMABABANG ANTAS NG KAPAMAHALAAN SA BUONG MUNDO? S. Depende kung siya ay isang mananampalataya sa Mihushuayao YAOHÚSHUA o hindi. Kung siya ay isang mananampalataya sa Mihushuayao YAOHÚSHUA, ang buong kaharian ng kadiliman ay nasa ilalim ng kanyang kapamahalaan dahil siya ay kaisa na sa katawan ng Mihushuayao YAOHÚSHUA na kung saan naibigay na sa Kanya ang yaohod (lahat) ng kapamahalaan sa langit at sa lupa. Kung ang isa naman ay hindi mananampalataya kay Molkhiul YAOHÚSHUA, siya ay nasa ilalim ng kapamahalaan at kapangyarihan ng impiyerno, at si satanas ang kanyang amo na hindi niya nakikita. Dahil kung ano ang iniutos sa kanya ni satanas ay kanyang sinusunod, kapag sinabi niyang magpalagay ng tato sa katawan, o ang manigarilyo o kaya'y gumamit ng cocaine, makipag-inuman, makihalubilo sa gawain ng mga bakla, makipagtalik sa mga patutot, kalayawan at pornography (karumihan), at iba pa.... Nagkataon na sa kaharian ng kadiliman, ang masamang espiritu ng ikatlong kasarian ang siyang pinakamababang ranggo, maging ang mga masasamang espiritu na nasa mga kriminal, terorista, mangkukulam, mga drug addicts, nasisiraan ng bait at mga patutot ay nanlilibak at mababa ang tingin sa ganitong uri ng masasamang espiritu, na maoobserbahan maging sa mga bilangguan at mental institutions. Ang pinag-uusapan dito ay ang mga masasamang espiritu at hindi mga tao. Sa larangang 'rukhaól' o espiritwal, ang mananampalataya sa Mihushuayao YAOHÚSHUA ay nakaupo kapiling ng Mihushuayao mismo sa langit, na taglay ang kapangyarihan at kapamahalaan! Maging ang mga anghel ay kanilang hahatulan! 'Binigyan Ko kayo ng kapangyarihang tumapak sa mga ahas at mga alakdan, at yumurak sa kapangyarihan ng kaaway. Walang makapipinsala sa inyo.' sinabi ng Odmorul YAOHÚSHUA sa Lukas 10:19 Yaong mga matutuwid at may takot kay YÁOHU UL ang tunay na tagapagmana ng lupa. T. PAPAANO KUNG INUUTUSAN SIYA NG KANYANG AUTHORITY NA GUMAWA NG MASAMA AT IMMORAL? S. Kinakailangang siya ay makiusap sa magalang, mapagpakumbaba at mahinahon subalit di matitinag na pakiusap, sa paggamit ng Ngalan ng Mihushuayao YAOHÚSHUA at ng Kanyang Molyao-Ul o Salita upang magsilbing dahilan kung bakit hindi niya magagawa ang kanyang ipinag-uutos. Halimbawa ay ganito: 'Patawarin po ninyo ahnee (ako), sir, naisin ko mang paglingkuran kayo at sundin nang buong puso, ito'y hinadlangan ng aking Life-Governor YAOHÚSHUA dahil nakasulat po sa Kanyang Salita na masama pong dayain ang mga dukha at walang muwang, at hindi ko po ibig na maging mahigpit ninyong kaaway balang araw kapag sinang-ayunan nating gawin ang kasalanang ito laban sa YÁOHU UL.' Maaaring ikaw ay kanyang pagtawanan, libakin o kaya'y titigan ka ng mabalasik subalit di maglalaon, titiyakin ni YÁOHU UL na ikaw ay pagpapalain at magagantimpalaan dahil sa pagkakaroon mo ng takot sa Kanya. Ang Salita ni YÁOHU UL ay hindi magkakabulaan, ito ay magkakabisa, kahit na libakin pa ng karamihan ang Kanyang Molyao-Ul. 'Tiyak na pagpapalain ang nagsasaway sa paggawa ng kasamaan.' Isa pang katanggap-tanggap na tugon kapag ang ipinagagawa sa iyo ay karumihan, pagsuway, illegal o kaya'y salungat sa Molyao-Ul ay ang pananalangin at paghiling kay YÁOHU UL na baguhin at ibaling ang isip ng kanyang authority at giyagisin ang kanyang puso patungkol sa kasalanan, katuwiran at kahatulan at kung hindi man baguhin ay huwag nang ipagawa ang ipinag-uutos. Ipanalangin rin na sa pagkakataong ito ay bigyan ang subordinate ng karunungan at kaalaman na makapag-isip ng ibang kahalili o kalutasan, hangga't maaari ay makamtan ang kanyang layunin nang hindi sumusuway sa ipinag-uutos ni YÁOHU UL. Katulad rin ng pangyayari sa buhay ni Dayan-Ul (Daniel) sa kanyang pakikitungo sa kanyang mga authorities: 'Ngunit ipinasiya ni Dayan-Ul na huwag tikman man lamang ang pagkain at alak na bigay ng hari upang hindi siya makakain ng mga bagay na marumi ayon sa Kautusan. Kaya, ipinakiusap niya kay Aspenaz na huwag silang pakanin niyon.' 'Niloob naman ni YÁOHU UL na siya'y makalugdan at pagbigyan nito.' Ngunit sinabi niya kay Dayan-Ul, 'Natatakot lamang ahnee (ahnee) sa gagawin sa akin ng mahal na hari kapag nakita niyang higit mahina kayo kaysa ibang kasinggulang ninyo. Tiyak na ahnee'y (ako'y) papupugutan niya pagkat siya mismo ang naglaan ng pagkain ninyo araw-araw.' Dahil dito, lumapit si Dayan-Ul sa bantay na nangangalaga sa kanila. Sinabi niya, 'Subukan ninyo kami sa loob ng sampung araw. Gulay lamang at tubig ang ibigay ninyo sa amin. Pagkatapos, pagparisin ninyo kami ng mga kasinggulang naming pinakakain ninyo ng pagkaing bigay ng hari at tingnan ninyo ang magiging resulta.' 'At sinubok nga sila sa loob ng sampung araw.' 'Nang sila'y pagparisin pagkaraan ng sampung araw, nakitang higit maayos sila at malusog kaysa mga kasinggulang nilang pinakain ng pagkain ng hari.' 'Kaya, gulay at tubig na lamang ang ibinigay sa kanila sa halip na pagkain at inumin ng hari.' - Dayan-Ul 1:8-16 Makikiusap lamang ang isang subordinate kapag sa ganitong mga pangyayari: 1. Kapag ang iniuutos sa kanya ay salungat na sa 'moral laws' (batas moralidad) ni YÁOHU UL at sa Kanyang Salita; 2. Kapag ang iniutos sa kanya ay salungat sa umiiral na Kautusan ni YÁOHU UL o kaya'y batas ng pamahalaan o ng isang samahan; 3. Kapag ang ipinagagawa sa kanya ay makasisira at makapipigil sa kanyang sariling paglilingkod, tungkulin, at pananagutan sa Mihushuayao YAOHÚSHUA; 4. Kapag may mga buhay at ari-arian na nasa panganib na maaaring mawala o masira kung hindi dagliang makikiusap nang magalang, mahinahon at may pagpapakumbaba sa kanyang mga authorities. Tanging sa ganitong pagkakataon lamang maaaring makiusap ang isang subordinate at hinihikayat ni YÁOHU UL na makiusap nang magalang, may pagpapakumbaba at may kahinahunan subalit hindi matitinag na pakikiusap sa kanyang tagapamuno. O maaari rin namang makiusap ang isang subordinate sa kanyang authorities sakaling tumanggi o hindi nagbago ng kanyang ipinagagawang kasamaan at karumihan, subalit muli sa mahinahon, mapayapa, magalang ngunit hindi matitinag na paraan ng pananalita. 'Sa malumanay na salita, pusong bato'y nababagbag,' tulad ng nakasulat. 'Mas mabuting piliin ang malinis na ngalan kaysa pilak at ginto o anumang kayamanan.' - Kawikaan 22:1 'Kapag angkop sa panahon ang salitang binigkas, para itong ginto sa enggasteng pilak.' - Kawikaan 25:11 'Sa taong sumasaway sa huli'y marami ang magpapasalamat kaysa taong panay ang pagpuri kahit hindi nararapat.' - Kawikaan 28:23 'May pakinabang sa hampas ng tapat na kaibigan kaysa halik ng isang kaaway....' Kadalasan, higit mainam ang nagagawa ng pananalangin at ayuno nang sa gayo'y mabago at gawing matuwid o legal ang ipinag-uutos ng kanyang authority. Yaon lamang mga legal na utos ang kinakailangang sundin ng isang subordinate na parang kay Molkhiul YAOHÚSHUA ginagawa at sa gawaing kanyang nasasakupan lamang. Hindi na niya tungkulin ang sumunod sa utos ng kanyang immediate authority lalo na kung ito'y pansariling utos lamang at labas na sa kanyang tungkuling ginagampanan. Kadalasan rin namang nadi-discern ng isang authority kung ang kanyang subordinate ay may palihim na pang-aakit at paanyaya sa sexual at aanihin niya ang anumang kanyang inihasik. Ang pinakamainam ay ituring ang gayong tukso na isa lamang pagsubok na mula kay YÁOHU UL na kinakailangang maipasa ng isang subordinate upang makatanggap ng pag-angat o 'promotions' mula kay YÁOHU UL. Alalahanin po ninyo na ilalaan sa inyo ang authority na nababagay o naaayon rin sa inyo, batay sa mga bagay na inyong ninanais at lihim na pagnanasa ng inyong puso. 'Siyang naghahanap ng kasamaan ay makasusumpong nito....' sabi sa nakasulat. Yaong mga nasa tungkulin ay sinusubok rin ni YÁOHU UL kung kanilang papatulan o kaya'y iiwasan ang anumang tukso sa sex, at nakalaan naman ang tagumpay, pag-angat, promosyon, mga bonus at mga benepisyo kapag naipasa niya ang pagsubok ni YÁOHU UL na Siyang Pinakamakapangyarihang Puno ng mga pinuno, at Siyang sumusubok sa bawat puso ng tao. 'Tanging ang YÁOHU UL ang siyang hahatol, sa magtatagumpay o mapaparool,' tulad ng nakasulat. Maraming kalakal at mga samahang panrelihiyon ang bumabagsak at hindi nagtatagumpay dahilan sa mga pagkukunsinti, kung hindi man ay sila mismo ang nasasangkot sa anumang 'sexual immoralities' o karumihang sexual. 'Di bale nang magpagal at iba ang makinabang, at bunga ng itinanim ay di man lamang matikman.' 'Kung ahnee (ako) ay naakit ng ibang kagandahan, o sa dilim ng gabi, kahit minsan ay nag-abang, ay di baling asawa ko'y sa iba magsilbi at pagpasasaan ng ibang lalaki.' 'Ang pakikiapid ay kasamaang walang kapantay, na nararapat hatulan ayon sa Kautusan. Pagkat yao'y mapanuksong apoy na di mamamatay, at siya ang tutupok sa buo kong kabuhayan.' - Yaohav (Job) 31:8-12 Ang tapat at dalisay na pagtatagumpay ay nangagaling lamang sa mga matuwid na pananalita, pag-iisip at damdamin! Mararanasan ng masama ay yaon lamang mapanlinlang at mapandayang tagumpay, na nagdudulot ng kalungkutan at kasalanan na hahantong sa pagkalugi, kawalan, pagpapakamatay at kahihiyan. 'Ang matuwid ay mananatili sa kanyang dako, ngunit ang masama, kung saan-saan matutungo.' - Kawikaan 10:30 T. PAANONG MAKIKIUSAP NANG MAY KAHUSAYAN? S. Una sa yaohod (lahat), kinakailangang tiyaking mayroong kang tamang batayan katulad ng nabanggit kanginang halimbawa, at iyo nang lubusang inalam ang ibig ni YÁOHU UL sa pamamagitan ng pagbabasa ng Kanyang Molyao-Ul (Salita) at ang paggugugol ng panahon sa pakikipag-usap sa Kanya sa panalangin at pag-aayuno. Matapos mong mapag-alaman ang ibig ni YÁOHU UL at kapag iyon nang pinaniwalaan na ibig ni YÁOHU UL ang gagawin mong pakiusap, kinakailangang manalangin ang isang mananampalataya at makiusap ng direkta mismo kay YÁOHU UL at gawin sa Shúam (Ngalan) ng Mihushuayao (Tagapagligtas) YAOHÚSHUA. Ang gagawing pakikiusap ay kinakailangang direkta sa Pinakamataas na Authority, walang iba kundi ang YÁOHU UL sa pamamagitan ng pananalangin sa Shúam (Ngalan) ng Mihushuayao YAOHÚSHUA. 'At anumang hilingin ninyo kay YÁOHU ABÚ (Ama) sa Aking Ngalan ay gagawin Ko, upang maparangalan ang YÁOHU ABÚ (Ama) sa pamamagitan ng Anak. Gagawin Ko ang anumang hilingin ninyo sa ngalan Ko.' sabi ng Odmorul YAOHÚSHUA sa Yaokanam 14:13-14 Kinakailangan ring ipag-tefaulyao o ipanalangin ng isang subordinate na igawad sa kanya ang karunungan, kaalaman, pagiging mapamaraan at ang payo kung ano ang ibang paraan na maaari niyang imungkahi sa kanyang authority, nang sa gayon ay magbunga ng higit pang makaiinam na resulta na makaiiwas sa paggawa ng kasalanan at paglabag sa anumang umiiral na batas. Kinakailangan ring ipag-tefaulyao o ipanalangin ng isang subordinate na ang YÁOHU UL ang hayaang kumilos sa puso't isipan ng kanyang authority upang kanyang sang-ayunan ang kanyang imumungkahi. Matapos na magkaroon ng kapanatagan sa kanyang puso at sa Molyao-Ul (Salita), ngayon ay maaari na siyang makiusap nang may paggalang, pagpapakumababa sa maamo at mapanatag na paraang pakiusap sa pamamagitan ng paggamit ng mga salita at Shúam (Ngalan) ng Mihushuayao YAOHÚSHUA bilang kanyang matibay na batayan sa kanyang pakiusap, at ikalawa ay ang pagbanggit niya ng kanyang malasakit sa ngalan at sa tungkulin na kanyang pinaglilingkuran kasama na rin ang kanyang kumpanya. Halimbawa ng mga salitang maaaring gamitin sa pormal na pakiusap sa inyong authority ay ganito: 'Patawarin po ninyo ahnee (ako), sir, ibig ko pong bigyan kayo ng lugod katulad ng sa Odmorul YAOHÚSHUA ko ginagawa, subalit ito po ay hindi pinahintulutan ni YÁOHU UL dahil ito po ay labag sa Kanyang ipinag-uutos, at isa pa hindi ko po nais na isangkot ang inyong ngalan sa kapanganiban dahil lamang sa pagsasagawa ng hindi mainam na utos na ito, nang may buong paggalang at pagpapakumbaba. Kaya ngayon po ahnee (ako) ay nakikiusap sa inyo sa Ngalan ng Mihushuayao YAOHÚSHUA na hangga't maaari ay baguhin po ninyo ang inyong ipinag-uutos patungo sa bagay na kaaya-aya sa paningin ni YÁOHU UL, ang ating Maykapal at Pinakamataas na Tagapamuno. Kung inyo pong sasang-ayunan, na sa halip nito, ay kung maaari ay gawain ko ang ibang paraan na makatatanggap ng tulad ring layunin na makaiiwas sa pagkasira ng inyong ngalan, tungkulin at reputasyon? Naniniwala po ahnee (ako) na ang YÁOHU UL ang may hawak ng inyong isip at puso at siyang kumikilos sa inyong buhay upang sang-ayunan ang pakiusap kong ito nang may lubos na paggalang.' Kapag nakikiusap, kinakailangang panatilihin ng isang subordinate ang kapakumbabaan, may paggalang, at katapatan sa inyong mga authorities, at ang pakikipag-usap nang mahinahon, magalang na kinasasangkapan ng kagandahang-puso, pag-ibig, at pagmamalasakit para sa kapakanan ng iyong authority, ng kanyang ngalan at tungkulin sa inyong samahan. At palagiang pakatandaan ang malimit na paggamit ng Ngalan ng Mihushuayao YAOHÚSHUA hol-MEHUSHKHÁY. Napakahalaga rin ang pagbanggit at pagsambit ng Ngalan at Molyao-Ul (Salita) ng Mihushuayao YAOHÚSHUA upang makita ni YÁOHU UL na ang pakiusap ay isinasagawa nang may kainaman, na ginagabayan ng yaohod (lahat) ng hukbo sa kalangitan. 'Anupat ang yaohod (lahat) ng nilalang na nasa langit, nasa lupa, at nasa ilalim ng lupa ay maninikluhod at sasamba sa Kanya. At ipapahayag ng yaohod na si Odmorul YAOHÚSHUA ang UL, sa ikararangal ni YÁOHU UL GAVOHA.' - Filipos 2:9-10 Kinakailangang iwasan ng isang subordinate ang mapagmataas, mayabang at mapagmalaking pag-uugali dahil madaling mapupuna ang nilalaman ng puso sa napakaraming paraan (mga pag-uugali, pananamit, sa mukha, at ang tono ng pananalita) ng kanilang authority. At ang YÁOHU UL na nakasasaliksik ng bawat puso ng tao ang siyang sumasalungat sa palalo at nagbibigay naman ng biyaya sa mga mapagpakumbaba. Hangga't maaari ay gawing lehitimo at higit kapaki-pakinabang ang gagawing pakiusap upang madaling sang-ayunan at aprubahan ng authority dahil ito rin ay nagtataglay ng magkaparehong layunin subalit sa tama at lehitimong paraan nga lamang o kaya'y ang iaalok na kahalili ay hahalinhan ang di kaaya-ayang layunin sa isang higit pang kapaki-pakinabang at makaiinam sa reputasyon at tungkulin ng kanyang samahan sa pangkahalatan. Saka ilaan ang sapat na panahon sa pagkilos at paggigiyagis ni YÁOHU UL sa puso at isipan ng authority, kung ito man ay naantala. Kung kinakailangang ikaw ay manalangin at mag-ayuno ayon sa hinihiling ng mga pagkakataon ay iyong gawin, sang-ayon na rin sa pagtuturo at paggagabay ng 'RÚKHA-YAOHÚSHUA.' Ang aklat ukol kay Hadassah (Ester) ay maaaring kapulutan ng mga subordinates ng mga maiinam na pamamaraan kung papaanong makiusap nang tama, mahinahon at matalinong pakikiusap. Sa panahon ng paglisan ng mga Israelita sa Egipto, ang buong hukbo ng kalangitan ay nasa likod ng mga pakiusap na sinabi ni Mehushua (Moises) dahil ginamit at sinabi niya ang Ngalan at mga salita ni YÁOHU UL, at hindi sa kanyang sarili lamang nanggaling ang mga ito. Bagamat may mga pagkakataon na may mga authority na matigas ang puso at hindi alam ang tunay na ibig ni YÁOHU UL, kung kaya kinakailangang paglaanan ng paglipas ng panahon upang dumanas ng kahirapan nang sa gayon ay matutong magpasakop sa Kanyang ibig. Subalit kung sa kabila nito'y nagawa mo na ang yaohod (lahat) at napaglaanan na ng hustong panahon upang ang YÁOHU UL ang siyang kumilos sa kanyang buhay at pilit pa ring ipinagagawa sa iyo ang mga bagay na immoral, ilegal at masama, na labag sa utos ni YÁOHU UL, inaasahan naman sa pagkakataong ito na magalang, mahinahon at mapagpakumbabang umalis sa ilalim ng kanyang pangangalaga at lumipat na sa iba. Malaking gantimpala ang nakalaan doon sa mga nagpamalas ng katapatan sa Kanya at sa Kanyang Salita o Molyao-Ul sa ibang higit kaaya-ayang samahan dahil kanyang napagtagumpayan ang gayong uri ng pagsubok. 'Kung may takot ka kay YÁOHU UL, wala ka nang iba pang dapat katakutan....' 'Kung ginagantimpalaan ni YÁOHU UL ang mga matuwid dito sa lupa, paano pa kaya ang masama?' T. ANO ANG DAPAT GAWIN NG ISANG AUTHORITY UPANG MAIWASAN ANG PAGHIHIMAGSIK, PAGTATAKSIL AT PAKIKIPAGLABAN? S. Kinakailangang palagiang sinusunod ng authority ang Mihushuayao YAOHÚSHUA, lumakad nang naaayon sa Kanyang Molyao-Ul o Salita at tupdin ang Kanyang ganap na ibig habang kanyang ginagampanan ang kanyang mga tungkulin, sa kanyang pagpapasya at sa kanyang pakikitungo sa kanyang mga subordinates, alalahanin ring palagian na pananagutan niya hindi lamang sa kanyang authority dito sa lupa kundi higit sa Pinakamataas na Authority, ang YÁOHU UL. Kinakailangang pag-ingatan ng isang authority na hindi niya kukunsintihin ni sasang-ayunan ang anumang uri ng kataksilan, paghihimagsik, katigasan ng ulo, pagrereklamo at iba pang masasama, illegal, at makasalanang gawa at maling pakikitungo ng mga subordinates, at iba pang kasamahan, nang sa gayon ang kanyang paglilingkod at serbisyo ay labis na kalugdan ni YÁOHU UL at igawad sa kanya ang pag-angat at pag-asenso sa buhay. Kinakailangang iwasan rin ng isang authority ang mga nabanggit na mga paghihimagsik at masasamang pakikitungo laban sa kanyang immediate authorities dito sa lupa nang sa gayon ay hindi niya anihin ang mapapait na bunga mula sa kanyang mga subordinates. Kinakailangang gampanan ng isang authority ang pagiging 'rukhaól' (espiritwal) na authority, ipanalangin niya ang kanyang mga nasasakupan at linisin sila sa pamamagitan ng mga salita ng YÁOHU UL, ibigay at ibahagi sa kanilang buhay para sa kanilang ikatitibay, ikasisilakbo at sila'y higit pang magiging matalino at higit pang magiging masipag sa kanilang paglilingkod sa di-nakikitang Manager ng mga managers, walang iba kundi ang Mihushuayao YAOHÚSHUA. 'Mga babae, pasakop kayo sa inyu-inyong asawa, dahil iyan ang ibig ni YÁOHU UL. Mga lalaki, ibigin ninyo ang inyu-inyong asawa, at huwag silang pagmamalupitan.' 'Mga anak, sundin ninyong lagi ang inyong mga magulang, dahil ikinalulugod iyan ni YÁOHU UL. Mga ama, huwag ninyong kagagalitan nang labis ang inyong mga anak, at baka manghina ang kanilang loob.' 'Mga alipin, sundin ninyo sa yaohod (lahat) ng bagay ang inyong mga tagapamuno sa lupa. May nakakikita man o wala, gumawa kayo, hindi para kalugdan ng mga tao kundi dahil sa kayo'y tapat at may takot kay YÁOHU UL.' 'Anuman ang inyong ginagawa, gawin ninyo nang magaan sa kalooban na waring hindi sa tao kayo naglilingkod kundi kay YÁOHU UL. Alam naman ninyong gagantimpalaan kayo ni YÁOHU UL; tatanggapin ninyo ang inilaan niya sa kanyang mga anak. Dahil si Gaúl YAOHÚSHUA ang UL na pinaglilingkuran ninyo.' 'Ang makasalanan naman ay sisingilin niya sa kanilang kasalanan dahil ang YÁOHU UL ay walang pagtatangi.' 'Mga pinuno, maging mabuti kayo, at makatarungan sa inyong mga alipin. Alalahanin ninyong kayo man ay may YÁOHU UL sa langit.' - Colosas 3:18-4:1, Banal na Kasulatan. 'Alang-alang kay YÁOHU UL, pasakop kayo sa yaohod (lahat) ng may kapangyarihan sa bayan: sa pangulo, ang pinakamataas ng kapangyarihan, at sa mga gobernador na sugo niya upang magparusa sa mga gumagawa ng masama ng matuwid .' 'Dahil ibig ni YÁOHU UL na pabulaanan ng inyong tamang pamumuhay ang sinasabi ng mga hangal dahil sa kanilang kamangmangan. Kayo'y malaya, subalit ang kalayaa'y huwag ninyong gagawing dahilan sa paggawa ng masama kundi mamuhay kayo bilang mga alipin ni YÁOHU UL.' 'Igalang ninyo ang yaohod (lahat) ng tao at mahalin ang mga kapatid kay hol-MEHUSHKHÁY. Mamuhay kayong may takot kay YÁOHU UL at may paggalang sa Pangulo.' 'Mga alipin, igalang ninyo at sundin ang inyong pinuno, hindi lamang ang mababait kundi pati malulupit.' 'Dahil kalulugdan ni YÁOHU UL ang nagtiis ng parusa kahit walang kasalanan, bilang pagsang-ayon sa Kanyang ibig.' 'Maipagkakapuri kaya ang magtiis ng parusa kung ito ay dahil sa paggawa masama? Hindi! Ngunit pagpapalain kayo ng YÁOHU UL kung kayo'y maparusahan sa paggawa ng mabuti.' 'Ang pagtitiis ng hirap ay bahagi ng pagkahirang sa inyo ni YÁOHU UL; dahil nang si hol-MEHUSHKHÁY ay magtiis para sa inyo, binigyan Kiya kayo ng halimbawang dapat tularan.' 'Hindi siya gumawa ng anumang kasalanan, o nagsinungaling kailanman. Nang siya'y alipustain, hindi siya gumanti. Nang siya'y pahirapan, hindi siya nagbanta. Nanalig siya kay YÁOHU UL na makatarungan.' - 1 Pedro 2:13-23, Banal na Kasulatan. Inaasahan ni YÁOHU UL na ang bawat namumuno ay ginagamit ang Kanyang Molyao-Ul sa pagtutuwid, sa pagdidisiplina, sa pagpapasilakbo, at pagdadalisay sa kanyang mga nasasakupan. Ibinibigay ang mga babala, pagtutuwid, pagdidisiplina at pangangaral upang mapasilakbo ang kasipagan, katuwiran, pag-asenso, pag-angat, kaligayahan at tagumpay habang nilalabanan ang kasamaan, katamaran at yaohod ng uri ng kasamaan sa bahay, sa pinagtatrabahuhan o kahit sa alinmang pook. Katungkulan ng isang tagapamuno sa kanyang mga nasasakupan ang ipahayag at ipatupad ang nilalaman ng Molyao-Ul o Salita, at ang tagapamuno ang siyang mananagot nito kay YÁOHU UL, na siyang Pinakamataas na Authority pati na rin sa kanyang susunod na tagapamuno sa lupa, na ang YÁOHU UL ang siyang may hawak ng kanilang mga isipan. Kapag siya'y nabigo at hindi ipinatupad ang Kanyang mga Salita, babala, pagtutuwid at pagdidisiplina sa kanyang mga nasasakupan, ni hindi rin pinatupad ang katarungan at katuwiran bagkus ay kinunsinti pa niya ang mga kabuktutan at kasamaang ginagawa ng kanyang mga subordinates, tiyak na mapaparusahan siya ni YÁOHU UL dahil sa kanyang kinatakutan ang kanyang mga nasasakupan at pinairal ang kasamaan. Mayroon siyang kinatatakutan sa kanyang buhay, kinatatakutan niya ang kanyang mga subordinates, mayroon siyang kinatatakutan na hindi naman nakikita subalit kanyang naiisip at iba pa. Bakit? Dahil inaasahan ni YÁOHU UL na kanyang ipapatupad ang Kanyang mga Salita at ilalapat ang pagutuwid na may pagmamahal. 'Ang liwanag ng turo mo'y nagsisilbing isang tanglaw,' ayon sa nakasulat. Kung hindi sinunod ng isang tagapamuno ang utos ni YÁOHU UL, at hindi itinuwid, hindi nagbabala, hindi ipinangaral ang Kanyang Molyao-Ul o Salita, ni hindi rin nagdisiplina nang may pag-ibig ni hindi nagparusa kung kinakailangan, at siya'y naging di-makatarungan sa mga gumagawa ng matuwid, kung gayon pinairal niya'y kasamaan. May ilang tagapamuno ang kadalasang nagkakamali sa ganitong paraan dahil sa kanilang sariling panukala at kayabangan, nagtangka pa silang maging higit pang maawain kaysa kay YÁOHU UL at sa kaniyang mga tagapamuno dito sa lupa. Ang kayabangan at ang paglalapat ng maling awa ang kadalasang ugat ng pagbagsak ng karamihan sa mga namumuno, alam man nila o hindi. Ano ang mapait na bunga? Kamumuhian sila ng kanilang mga subordinates, sila'y maghihimagsik, at magtataksil laban sa kanila, dahil hindi nila isinagawa ang inaasahan sa kanilang pangangalaga sa mga nasasakupan. Inaakay nila ang kanilang mga subordinates patungo sa kasalanan sa halip na sila'y pangalagaan. Isa sa mga tiyak na kaparusahan na matatanggap ng isang masamang tagapamuno kay YÁOHU UL ay kanilang katatakutan ang kanilang mga subordinates at kanilang susundin sila sa halip na ang mga subordinates ang magkaroon ng takot at paggalang sa kanila. Mapapansin po ninyo sa napakaraming sambahayan, mga kumpanya, at ibang samahan na kung saan ang kinatatakutan ng isang tagapamuno ang kanyang nasasakupan. Alam na ninyo ngayon ang dahilan kung bakit ito nangyayari. Higit kinatatakutan ng ibang tagamuno ang kanilang mga nasasakupan sa halip na ang YÁOHU UL, at tiyak na tatamuhin nila ang parusahang dapat lang nilang tanggapin. Hindi mainam malasin na higit katatakutan ni mister si misis at ang kanyang mga anak; o kaya'y mga amo sa kanilang mga tauhan. Mga opisyales ng pamhalaan na takot sa kanilang mga nasasakupan, mga namumuno sa militar na nag-aatubiling ituwid at ilapat ang pagdidisiplina sa mga naghihimagsik, at iba pa. Tatanggapin nila ang kaparusahan mula kay YÁOHU UL, na madaling nakikita ng mga pananaw ng mga may pang-unawa sa katotohanan ng mga Molyao-Ul o Salita ni YÁOHU UL. 'Subalit malagim ang kasasapitan ng mga duwag, mga taksil, mga nagpasasa sa kasuklam-suklam na kahalayan, mga mamamatay-tao, mga mapakiapid, mga mangkukulam, mga sumasamba sa lo-ulhim, at yaohod ng sinungaling. Sila'y ibubulid sa lawa ng naglalagablab na asupre, na siyang pangalawang kamatayan.' - Pahayag 21:8 Sa kabilang banda, titiyakin naman ni YÁOHU UL na igagalang at susundin ng mga subordinates ang kanilang matutuwid na tagapamuno at ang YÁOHU UL ang magiging Patnubay, Tagapagsanggalang, at Tagapangalaga ng mga matutuwid na tagapamuno laban sa mga mapaghimagsik, taksil at di-masunuring mga subordinates, kung mayroon man. Ang pamumunong tapat at matuwid na mga tagapamuno ay lalawig, magtatamo ng katiwasayan, tagumpay, katuwiran, pagpapalain at sasagana! Ang pagkatakot sa YÁOHU UL ay ang kamuhian ang kasamaan at pasimula ng tunay na karunungan! 'Ang masama ay lubusang mapaparam at di na magbabalik, ngunit ang sambahayan ng matuwid, mananatiling nakatindig.' - Kawikaan 12:7 'Ang bahay ng masama ay mawawasak, ngunit ang tolda ng matuwid ay hindi babagsak.' - Kawikaan 14:11 'Ang gahaman sa salapi ay nauuwi sa kaguluhan, ngunit ang tumatanggi sa suhol ay mabubuhay nang matagal.' - Kawikaan 15:27 'Di dapat tulutan ng isang nangangasiwa ang gawang kasamaan pagkat ang tatag ng pamamahala ay nasa katarungan.' - Kawikaan 16:12 'Sinisikap ng matalino na masiyahan ang kanyang hari, pagka nagalit ang hari, may buhay na masasawi. Ang kagandahang-loob ng namumuno ay parang ulap na makapal, may dalang ulan at taglay na buhay.' - Kawikaan 16:14-15 'Ang marunong makinig ng payo ay mananagana at mapalad ang kay YÁOHU UL naglalagak ng tiwala.' - Kawikaan 16:20 'Ang pinong pananalita ay mahahanap ng mangmang ni ang kasinungalingan sa taong marangal.' '- Kawikaan 17:7 'Ang humahatol sa walang kasalanan at ang umaayon sa kasamaan, kay YÁOHU UL ay kapuwa kasuklam-suklam.' - Kawikaan 17:15 'Ang taong masama ay tumatanggap ng suhol upang ang daan ng katarungan ay hindi matunton.' - Kawikaan 17:23 'Ang pagpaparusa sa matuwid ay hindi mainam at di tamang pahirapan ang taong marangal.' - Kawikaan 17:26 'Ang masaganang pamumuhay ay di angkop sa isang mangmang gayon din ang alipin, di dapat manguna sa mga dugong bughaw.' - Kawikaan 19:10 'Di dapat pansinin ang taong mainit ang ulo mapayuhan mo mang minsan patuloy ding manggugulo.' - Kawikaan 19:19 'Kung ang isang ama'y namumuhay sa katuwiran mapalad ang mga anak na siya ang sinusundan.' - Kawikaan 20:7 'Sa pagluklok ng namumuno upang igawad ang kahatulan, walang matatagong anumang kasamaan.' - Kawikaan 20:8 'Malalaman ng nangangasiwang matalino ang yaohod ng gumagawa ng masama at pagdating ng araw sila'y pinarurusahan nang walang awa.' - Kawikaan 20:26 'Ang namumunong tapat at makatarungan ay magtatagal sa kanyang luklukan.' - Kawikaan 20:28 'Alam ni YÁOHU UL ang nangyayari sa loob ng bahay ng masama kaya Siya'y gumagawa ng paraan upang sila'y mapariwara.' - Kawikaan 21:12 'Ang kabayo'y naihahanda para sa digmaan ngunit buhat kay YÁOHU UL ang bawat tagumpay.' - Kawikaan 21:31 'Ang pagkatakot kay YÁOHU UL at ang kapakumbabaan ay nagbubunga ng yaman, buhay at karangalan.' - Kawikaan 22:4 'Ang naghahasik ng kasamaan ay mag-aani ng kaguluhan, at ang bunga ng ginagawa niya ay kapahamakan.' - Kawikaan 22:8 'Ang nagreregalo sa mayaman o umaapi sa mahirap para magpayaman, ay mauuwi rin sa karalitaan.' - Kawikaan 22:16 'Huwag mong samantalahin ang kahinaan ng mahihirap, ni pagmalabisan ang dukha sa harap ng hukuman pagkat ipagtatanggol sila ni YÁOHU UL, at aagawin niya ang nang-aagaw sa mga iyon.' - Kawikaan 22:22-23 'Ang karunungan ay higit na mabuti kaysa kalakasan. Ang digmaa'y naipagtatagumpay dahil sa mahusay na pamamaraan pagkat ang tagumpay ay bunga ng mahusay na plano.' - Kawikaan 24:5-6 'Pagkat siya'y makatatayo uli mabuwal man ng pitong ulit. Ngunit ang masama ay dagling nababagsak sa panahon ng kahirapan.' - Kawikaan 24:16 'Kadakilaan ni YÁOHU UL na balutin ng hiwaga ang yaohod ng bagay, at karangalan naman ng namumuno na ito'y saliksikin upang ilitaw.' - Kawikaan 25:2 'Ang pagkainis ng mangmang pagdaka ay nahahayag, ngunit ang damdamin ng matalino ay di agad mababakas.' - Kawikaan 12:16 T. SINO ANG PINAKAMATAAS NA AUTHORITY SA BUONG MUNDO? S. Ang YÁOHU UL, ang Banal o Hodshua ng Israel, siyang tunay na Maykapal, siyang ABÚ (Ama) ng yaohod (lahat) ng nagkakaisa at tagasunod ng Mihushuayao YAOHÚSHUA. T. ANO ANG ILAN SA MGA TANDA NG MGA MAPAGHIMAGSIK NA NAGBABALATKAYO O NAGPAPANGGAP LAMANG NA SA ANIMO'Y NASA KAANYUAN NG ISANG TUPA? S. Kahalintulad siya ng isang ahas, palagi niyang inilalabas masok ang kanyang dila lalo na kapag siya ay nagsasalita; kinikindat pa ang kanyang mga mata kadalasan, at ang kanyang mga mata ay sumusulyap-sulyap kung saan-saan. Nanlalaki ang kanyang mga mata, kung higit rebelde ang isang tao higit nanlalaki ang kanyang mga mata. Katulad niya si Koreh, ginagamit niya ang mga pagpaparatang, maraming reklamo, maraming mga napupuna, mga insulto bilang kanyang paraan upang malinlang ang mga tao upang maalis sa kanya ang atensiyon ng mga tao at maibaling sa mga namumuno. 'Ang anak na kumukutya sa kanyang ama at laging sumusuway sa salita ng ina, ay sa parang malalagutan ng hininga. Tutukain ng uwak ang kanilang mata at kakanin ng buwitre ang kanilang bangkay.' - Kawikaan 30:17 'Taong imbi at masama, walang tigil sa paggala upang ikalat sa iba di totoo n'yang salita. Ang mata ay ikikindat o kaya'y ipipikit, ikukumpas pa ang kamay upang ikaw ay maakit. Ngunit sa sarili ay may masamang iniisip, ang lagi niyang nais ay manggulo sa paligid. Dahil dito, kapahamakan niya'y biglang darating, sa sugat na tatamuhi'y hindi na nga siya gagaling.' - Kawikaan 6: 12-15 'Mag-ingat ka sa taong ngingiti-ngiti at kikindat-kindat pagkat tiyak na mayroon siyang masamang binabalak.' - Kawikaan 16:30 'Kaalaman ang pangarap ng taong may unawa ngunit ang isip ng mangmang ay pagala-gala.' - Kawikaan 17:24 Pakibasa po ninyo ang YAOHÚSHUA file na tungkol sa mga bulaang propeta para sa mga karagdagang kaalaman upang malaman ang detalyadong ikinikilos ng mga bulaang propeta. Napakainam basahin upang maliwanagan at maunawaang lubusan. T. ANO ANG IBIG SABIHIN NG 'CHECKS AND BALANCES'? S. Upang maiwasan ang anumang pang-aabuso at kalupitan niyaong mga nanunungkulan, nagtatag ang YÁOHU UL ng paraan upang ang isang nanunungkulan bilang isang pinuno ang siyang may pananagutan sa higit nakatataas sa kanyang tungukulin, bukod pa sa sarili niya. Ang mga hari sa bansang Israel noong unang panahon ay itinutuwid at pinagsasabihan ng mga propeta o lingkod ni YÁOHU UL. Sa panahon ngayon, ang pangulo ay inaalis sa tungkulin ng kongreso sakaling kanyang labagin ang mga sinasaad sa Saligang-Batas; maaaring mapawalang-bisa ng hukom ang batas kung ito ay hindi naaayon sa Saligang-batas, at maaari rin namang patawarin ng Pangulo yaong hintulan ng hukom. Ang yaohod ng ito ay upang maiwasan ang alinmang bagay na maaaring magdulot o maging sanhi ng pang-aabuso sa kanilang tungkulin at kapamahalaan, dahil batid ni YÁOHU UL ang kahinaan ng tao at alam niyang hindi pa ito ganap. May kapamahalaan ang pamahalaang parusahan ang mga magulang na nang-aabuso ng kanilang mga anak, at ang pamilya naman ay may kapamahalaang hindi pagboto sa mga taong hindi karapat-dapat mamuno sa pamahalaan. May kapangyarihan naman ang mga espiritwal na tagapamunong itiwalag ang mga kasapi na naghihimagsik at hindi makatuwiran, samantalang ang mga matatanda sa samahan ay mayroong kapangyarihang alisin sa tungkulin ang mga tagapagturong mapang-abuso at masama. Yaon namang mga sundalo na nakagawa ng krimen ay lilitisin muna sa hukuman samantalang kapag napatunayang siya talaga ang may sala ay maaari namang makiusap sa mataas na hukuman kung sila ay napagbintangan lamang at hindi naman sila talaga ang may kagagawan ng krimen. Sa madaling salita ang mabisang paraan upang maiwasan ang anumang pang-aabuso, kasamaan, at kawalan ng katarungan ay ang pagkakaroon ng tinatawag na 'checks and balances' sa pagitan ng mga namumuno dahil sila'y mananagot sa higit nakatataas sa kanila. T. BAKIT KAILANGANG PANG IPANALANGIN NG MGA SUBORDINATES ANG KANILANG TAGAPAMUNO? S. Dahil kapag natalian na ang tagapamuno, wala nang kapangyarihan pa si ha-satán na makakilos pa sa panunungkulan niya. Ang mga taong nanunungkulan ay ang nakikita at siyang tumatayong payong ng pangangalaga ng mga subordinates. Totoong walang ganap o perpektong authority, kundi ang nag-iisang triune ang YÁOHU ULHIM, at hindi kaagad itinatapon ng isang wise na tao ang isang payong sa gitna ng rumaragasang bagyo kapag ito ay nakita niyang may butas. Kanyang aayusin at tatagpian ang butas na iyon upang siya ay maprotektahan sa panahon ng bagyo. Ganoon rin naman, kinakailangang ipanalangin ng isang tagasunod ang kanyang mga authorities lalo na pagdating sa kanyang mga kahinaan, upang lalo pa siyang mapangalagaan sa ilalim ng kanyang panununungkulan. Habang ang isang subordinate ay ligtas at matiwasay sa ilalim ng kanyang panunungkulan, walang pagkakataon ngayon ang kaaway na magnakaw, pumatay at manira sa buhay ng subordinate. Kaya kailangang talian muna ni ha-satán ang authority, at kapag ito ay nasa ilalim na ng pamamahala ni ha-satán, ang yaohod ng tagasunod na kanyang nasasakupan ay bukas na sa anumang paninira at atake ng kaaway. Huwag nawang mangyari! YÁOHU UL forbid! Kaya napakahalaga po na ipinapanalangin ng isang subordinate ang ikatitibay at ikatatatag ng kanilang mga tagapamuno, upang mapangalagaan at mailayo sa anumang gawa ng kaaway, ang dragon. 'Gayon din ang gawin ninyo para sa mga namumuno at mga maykapangyarihan upang makapamuhay tayo nang tahimik at payapa, marangal at may kabanalan. Ito ang mabuti at nakasisiya sa Mihushuayao YAOHÚSHUA.' - 1 Yaotom (Timoteo) 2:2-3 'Minsan, pinalayas ni Molkhiul YAOHÚSHUA ang isang demonyong sanhi ng pagkapipi ng isang lalaki, at ito'y nakapagsalita na mula noon. Nanggilalas ang mga tao, ngunit may ilan sa kanila ang nagsabi, 'Si Baalzebub na prinsipe ng mga demonyo ang nagbigay sa Kanya ng kapangyarihang magpalayas ng mga demonyo.' May iba namang nais Siyang subukin, kaya't nagsabi, 'Magpakita Ka ng kababalaghang magpapakilala ng ang YÁOHU UL ang sumasaiyo.' 'Ngunit batid Niya ang kanilang iniisip, kaya't sinabi sa kanila, 'Babagsak ang bawat kahariang nahahati sa magkakalabang pangkat at mawawasak ang mga bahay roon. Kung maghihimagsik si Satanas laban sa kanyang sarili, paano mananatili ang kanyang kaharian? Sinasabi ninyong nagpapalayas Ahnee (Ako) dahil binigyan Ahnee (Ako) ni Baalzebub ng kapangyarihang ito. 'Kung Ahnee'y (Ako'y) nagpapalayas ng mga demonyo sa pamamagitan ni Baalzebub, sino naman ang nagbigay ng kapangyarihan sa inyong mga tagasunod na makagawa ng gayon? Sila na rin ang nagpapatunay na maling-mali kayo. Ngayon, kung Ahnee'y nagpapalayas ng mga demonyo sa pamamagitan ng kapangyarihan ni YÁOHU UL, nangangahulugang dumating na sa inyo ang paghahari ni YÁOHU UL.' 'Kapag ang isang taong malakas at nasasandatahan ay nagbabantay sa kanyang bahay, malayo sa panganib ang kanyang ari-arian. Ngunit kung salakayin siya at talunin ng isang taong higit na malakas, sasamsamin nito ang mga sandatang kanyang inaasahan at ipamamahagi ang ari-ariang inagaw.' 'Ang hindi panig sa Akin ay laban sa Akin, at nagkakalat ang hindi tumutulong sa Aking mga mag-ipon.' - Lukas 11:14-23, Banal na Kasulatan. Ang pagsasabi ng katotohanan ay ipinapakitang totoo, tulad na lamang na dapat munang matalian ang authority bago siya makapanira sa mga subordinates. S. MAKATWIRAN BANG LABANAN ANG AKING AUTHORITY KAPAG KANYANG IPINAGKAIT ANG AKING MGA KARAPATAN O KAYA'Y DI NILA IBINIGAY ANG NARARAPAT KONG TANGGAPIN? S. Ang ibig sabihin ng kaamuaan ay ang pagsuko ng pansariling karapatan. Kapag ang isang tao ay maamo, hindi na siya magagalit pa kahit na ang kanyang mga karapatan ay nayayapakan dahil kanya nang isinuko ang yaohod (lahat) ng kanyang pansariling karapatan kay YÁOHU UL. Ang yaohod ng kanyang inaasahang mangyari ay buong puso niyang tinatanggap ay pinasasalamatan ang YÁOHU UL, anuman ang ibigay Niya sa kanyang buhay. Iyan ang dahilan kung bakit ang mga maaamo ay masasaya bukod pa sa pinagpapala at mga itinalagang mga tagapagmana ng lupain. Batid ng isang taong maamo na ang batayan ng kanyang kaligayahan ay hindi batay sa mga bagay na kanyang natatanggap o mga bagay na nasa sa kanya ngayon, kundi dahil sa kagalakan sa piling ng 'RÚKHA-YAOHÚSHUA'- batid niyang ang yaohod ng bagay ay may kainaman sa piling ni YÁOHU UL. Sa isang taong maamo, ang pinakamahalaga ay ang nasa sa piling ng Mihushuayao YAOHÚSHUA. Maaaring ang yaohod (lahat) ng bagay sa kanyang buhay ay mawala, subalit kahit na anong mangyari, siya ay mananatili pa ring nasisiyahan, kuntento at maligaya habang ang Mihushuayao YAOHÚSHUA ay nasa sa kanyang puso at palagi niyang kasa-kasama. Isaalang-alang natin ang sinabi ni Yaohav (Job): 'Kaginhawahan lang ba ang tatanggapin mo kay YÁOHU UL at hindi pati kahirapan?' - Job 2:10 'Bagamat hindi namumunga ang punong igos at hindi rin namumunga ang puno ng ubas, kung ang pamumunga ng olibo'y mabalam at walang anihin sa mga bukirin, kahit mamatay ang ma tupa sa kulungan at daanan ng salot ang bakahan sa mga silungan, mananalig pa rin ahnee kay YÁOHU UL; ahnee'y magagalak dahil sa YÁOHU UL ng aking kaligtasan. Ang UL na ang YÁOHU UL ay aking lakas; tumatakbo ahneeng simbilis ng usa, at iniingatang ligtas kahit sa kabundukan (mga problema).' - Habkoak (Habakuk) 3:17-19 Sakaling di nais ibigay ng iyong amo ang iyong sahod, ituring mo na lamang itong iyong ibinigay. Ituring mo na lamang na binhi ng iyong kagandahang-puso na inihasik na balang araw ay aani ng higit higit pa. Isipin mo na lamang na ito ay paraan ng YÁOHU UL upang bigyan ka ng pagkakataong maghasik ng pag-ibig upang ikaw ay karapat-dapat tumanggap ng masaganang pagpapala sa hinaharap, dahil sinuklian mo ng kabutihan ang kasamaang ginawa sa iyo. Ipaubaya na lamang ito kay YÁOHU UL, dahil Kanyang sinabi: 'Pag-aralan mong magpigil sa sarili; mangmang lamang ang nagtatanim ng galit.' - Mangangaral 7:9 'Huwag ninyong gantihin ng masama ang masama. Sikapin ninyong mamuhay nang marangal sa yaohod (lahat) ng panahon. Hangga't maaari, makisama kayong mabuti sa yaohod (lahat) ng tao.' 'Mga minamahal, huwag kayong maghiganti; ipaubaya ninyo iyon kay YÁOHU UL. Dahil nakasulat, 'Akin ang paghihiganti, Ahnee ang gaganti, sabi ni YÁOHU UL. Kaya, 'Kung nagugutom ang iyong kaaway, pakanin mo; kung nauuhaw, painumin mo; sa gayon, mapapahiya siya sa kanyang sarili.' 'Huwag kang padaig sa masama, kundi daigin mo ng mabuti ang masama.' - Roma 12:17-21, Banal na Kasulatan. 'Ang tiwangwang na bukid ay may pangakong kasaganaan, ngunit humahadalng ang masama para ito ay mabungkal.' - Kawikaan 13:23 'Ang pagkiling sa may sala ay hindi mainam ganoon din ang pagkakait ng katarungan.' - Kawikaan 18:5 'Narito pa ang ilang mahalagang kawikaan: Hindi dapat magtangi sa pagpapairal ng katarungan. Ang hukom na nagpapawalang-sala sa may kasalanan ay itinatakwil ng tao at isinusumpa ng bayan. Ang nagpaparusa sa masama ay mapapabuti at pagpapalain.' - Kawikaan 24:23-25 'Marami ang lumalapit sa hari upang humingi ng tulong ngunit sa yaohod (lahat) ng bagay, ang nagpapasiya'y ang YÁOHU UL.' - Kawikaan 29:26 'Ang unang salita ay kinikilalang tama hanggang hindi nasusuri at nakikitang balintuna.' - Kawikaan 18:17 'Di maaaring di magdusa ang saksing hindi tapat at ang nagsisinungaling, tiyak na mapapahamak.' - Kawikaan 19:9 'Ang kahinahunan ay nagpapakilala ng katalinuhan ang di pagpansin sa masamang ginawa sa kanya ay ay kanyang karangalan.' - Kawikaan 19:11 'Ang marangal na tao'y umiiwas sa kaguluhan ngunit ang ibig ng mangmang ay laging pag-aaway.' - Kawikaan 20:3 'Huwag mong gantihin ng masama ang masama tutulungan ka ng YÁOHU UL, sa Kanya ka magtiwala.' - Kawikaan 20:22 'Huwag kang sasaksi sa iyong kapwa nang walang sapat na dahilan ni magsasabi ng kasinungalingan laban sa kanya.' - Kawikaan 24:28 Palagiang maging positive at huwag magtatanim ng sama ng loob laban sa mga gumawa sa inyo ng kasamaan. Ibigin sila, ipanalangin sila at pagpalain; tiyak na malaking gantimpala ang iyong tatamuhin mula kay YÁOHU UL! Dito mahahayag ang tunay na pag-uugali ng isang tao sa ganitong uri ng mga pagkakataon, dahil ito'y nagaganap lamang sa panahon ng mga pressures at mahihirap na mga pangyayari, dito rin niya matutuklasan pati na ang mga tao sa kanyang paligid kung anong uri ng pag-uugali mayroon siya. Kung ang napili ng iba ay ang luwalhatiin ang gawa ni satanas sa pamamgitan ng pagsasagawa ng di kaaya-aya, kinakailangang ikaw sa kabilang banda ay ang luwalhatiin ang YÁOHU UL sa pamamagitan ng iyong kaamuan at pagiging matiisin. 'Kung kayo ay nagdurusa dahil sa paggawa ng mabuti, higit kayong pagpapalain....' Patawarin sila, ipanalangin sila, pagpalain at huwag susumpain. Umalis na lamang at maghanap ng ibang mapapasukang trabaho na maaari nang ibigay sa iyo ang iyong sahod na nararapat mo lamang tanggapin kapalit ng serbisyong iyong ginawa nang may katapatan. Pag-ingatang huwag hahayaang magkaroon ng anumang uri ng kapaitan sa iyong puso laban doon sa mga hindi nagbigay ng iyong kaukulang sahod. Isaalang-alang mo rin ang mga pangyayari noong nakaraan, baka naman mayroon ka ring naipagpalibang sahod sa mga dapat tumanggap ng kanilang kaukulang kabayaran. Ang pangyayari ay nagsisilbing isang pagsubok o isang binhing inani dahil sa masamang binhing inihasik noong nakaraan. Malalaman at matutuklasan mo lamang ang tunay na kasagutan kung iyong susuriing mainam ang iyong sarili at ang pananalangin nang taus puso. Minsang may mga taong umalis sa isang samahan o kumpanya, hindi niya dapat sisiraan ang dati niyang amo, dahil para mo nang sinuklian ng kasamaan ang kabutihang iginawad nila sa iyo. Nagpapakita ito ng kawalan ng utang na loob at kataksilan, dahil kung alam lang ng kanyang pinaglilingkuran na gayon nga ang kanyang gagawin ay hindi na sana siya pagkakatiwalaan bilang kasapi sa kanilang samahan. Kinakailangang igalang ng subordinate ang pagtitiwala na iginawad sa kanya ng kanyang dating pinuno na kanyang pinagtrabahuhan, pagtitiwala sa kanyang katapatan, maging siya'y wala na o nandoroon pa sa samahang iyon. Iyon ang kaaya-ayang pag-uugali na tiyak gagantimpalaan ni YÁOHU UL ng nag-uumapaw na mga pagpapala, pagtatagumpay, karangalan at karangyaan! 'Batid ng Molkhiul YAOHÚSHUA ang kanilang iniisip kaya't sinabi niya, 'Babagsak ang bawat kahariang nahahati sa magkakalabang pangkat. At mawawasak ang alinmang bayan o bahay na nagkakabaha-bahagi at nagkakalaban-laban. Kung si satanas ang nagpapalayas kay satanas, kinakalaban niya ang kanyang sarili! Paano ngang makapananatili ang kanyang kaharian? Kung Ahnee'y nagpapalayas ng mga demonyo sa pamamagitan ni Baalzebub, sino naman ang nagbigay ng kapangyarihan sa inyong mga tagasunod na makagawa ng gayon? Sila na rin ang nagpapatunay na maling-mali kayo! 'Kung ang 'RÚKHA-YAOHÚSHUA' ang nagbigay sa Akin ng kapangyarihang agpalayas ng mga demonyo, nangangahulugang dumating na sa inyo ang paghahari ni YÁOHU UL. Paanong mapapasok ang bahay ng isang malakas na tao kung hindi siya gagapusin? Kung gapos na, saka pa lamang malolooban ang bahay niya. Ang hindi panig sa Akin ay laban sa Akin, at ang hindi tumutulong sa Aking mag-ipon ay nagkakalat.' - Man-YÁOHU 12:25-30 'Ipalagay ninyong mabuti ang punongkahoy kung mabuti ang bunga nito, at ipalagay naman ninyong masama ang punongkahoy kung masama ang bunga nito. Dahil sa bunga nakikilala ang puno.' - Man-YÁOHU 12:33, Banal na Kasulatan. 'Lumapit noon si Kepas (Pedro) at nagtanong sa kanya, 'Odmorul, makailan kong patatawarin ang aking kapatid na paulit-ulit na nagkakasala sa akin? Makapito po ba?' Sinagot siya ng Molkhiul YAOHÚSHUA, 'Hindi ko sinasabing makapito, kundi pitumpung ulit pa nito.' 'Dahil ang paghahari ni YÁOHU UL ay katulad nito: ipinasiya ng isang hari na pagbayarin ang kanyang mga lingkod na may utang sa kanyua. Unang dinala sa kanya ang isang may utang na sampung milyon. Dahil sa siya'y walang ibayad, iniutos ng hari na ipagbili siya, ang kanyang asawa, mga anak, at yaohod ng ari-arian, upang makabayad. Nanikluhod ang taong ito sa harapan ng hari at nagmakaawa: 'Bigyan pa ninyo ahnee (ako) ng panahon, at babayaran ko sa inyo ang yaohod.' Naawa sa kanya ang hari kaya ipinatawad ang kanyang mga utang at pinayaon siya.' 'Ngunit pagkaalis niya roon ay nakatagpo niya ang isa sa kanyang kapwa lingkod na may utang na limang-daan sa kanya. Sinunggaban niya ito at sinakal, sabay wika: 'Magbayad ka ng utang mo!' Naglumuhod iyon at nagmakaawa sa kanya: 'Bigyan mo pa ahnee (ako) ng panahon at babayaran kita.' Ngunit hindi siya pumayag; sa halip ipinabilanggo niya ang kanyang kapwa lingkod hanggang sa ito'y makabayad.' 'Nang makita ng kanyang kapuwa lingkod ang nangyari, sila'y labis na nagdamdam; pumunta sila sa hari at isinumbong ang nangyari.' 'Kaya't ipinatawag siya ng hari. 'Ikaw - napakasama mo!' sabi niya. 'Pinatawad kita sa utang mo dahil nagmakaawa ka sa akin. Nahabag ahnee sa iyo; hindi ba dapat ka ring mahabag sa kapwa mo? ' 'At sa galit ng hari, siya'y ipinabilanggo hanggang sa mabayaran niya ang kanyang utang.' 'Gayon din ang gagawin sa inyo ng aking YÁOHU ABÚ (Ama) na nasa langit kung hindi ninyo patatawarin ang inyong kapatid.' 'Pagkatapos sabihin ng Odmorul YAOHÚSHUA ang mga bagay na ito, Siya'y umalis sa Galilea, at nagtungo sa lupain ng Judea, sa kabila ng Ilog Jordan. Sinundan Siya ng napakaraming tao, at sila'y pinagaling Niya roon.' 'May mga Pariseong lumapit sa Kanya at tinangkang siluin siya sa pamamagitan ng tanong na ito: 'Naaayon ba sa Kautusan na hiwalayan ng lalaki ang kanyang asawa sa kahit na anong kadahilanan?' Sumagot si Odmorul YAOHÚSHUA, 'Hindi pa ba ninyo nababasa sa Kasulatan na sa pasimula'y nilalang sila ng Maykapal, lalaki at babae? At sinabi, 'Dahil dito, iiwan ng lalaki ang kanyang ama't ina, at magsasama sila ng kanyang asawa, at sila'y magiging isa. Kaya't hindi na sila dalawa kundi isa.' 'Ang pinagsama ni YÁOHU UL ay huwag paghiwalayin ng tao.' Tinanong siya ng mga Pariseo, 'Bakit iniutos ni Mehushua na bigyan ng lalaki ang kanyang asawa ng kasulatan sa paghihiwalay bago hiwalayan iyon?' Sumagot si Odmorul YAOHÚSHUA, 'Dahil sa katigasan ng inyong ulo kaya ipinahintulot ni Mehushua na hiwalayan ninyo ang inyong asawa. Subalit hindi gayon sa pasimula.' 'Kaya sinasabi Ko sa inyo: sinumang lalaking humiwalay sa kanyang asawa sa anumang dahilan liban sa pakikiapid, at mag-asawa sa iba, ay nangangalunya.' - Man-YÁOHU 18:21-19:9 IKAWALONG BAHAGI Ang isang matalinong nanunungkulan ay madaling nakakikita ng maiinam na pag-uugali sa kanilang nasasakupan. Sila rin ay nag-iingat laban sa mga subordinates na nagsasalita ng masasama o laban sa kanilang dating tagapamuno dahil kung nagagawa ng isang subordinate ang gayong uri ng kasamaan, na sa loob ng maraming taong ang dati niyang tagapamuno ang ginamit ni YÁOHU UL upang siya ay pagpalain at upang magkaroon ng panustos sa kanyang pamilya na sa kabila nito'y nakuha pa niyang pagsalitaan ng masama ay hindi nakapagtataka kung gawin rin niya iyon paglipat niya sa ibang samahan pagdating ng araw. Ang gayong uri ng kawalan ng utang na loob, kataksilan at pagtatraidor laban sa mga tagapamunong nakatulong sa subordinate noong nakaraan ay itinuturing na isang pagganti ng masama sa kabutihang ibinigay ni YÁOHU UL. Kinakailangang kabutihan ang palagian iginaganti o ibinabalik ng isang subordinate sa kabutihan, at kapag kasamaan ay gantihan pa rin niya ng kabutihan, kung nais niyang magkaroon ng mahaba, pinagpapala, matagumpay at maligayang pamumuhay. 'Kapag masama ang iginanti sa mabuting ginawa, ang kapahamakan o sumpa sa buhay ay di mawawala.' T. KUNG SINUSUNOD NG ISANG SUBORDINATE ANG UTOS NG KANYANG MGA TAGAPAMUNO, ANG AUTHORITY BA ANG MANANAGOT SA GAGAWIN NG KANILANG SUBORDINATE? S. Kahit na sundin ng isang subordinate ang isang lehitimong utos mula sa kanyang mga pinuno, ang subordinate mismo ang mananagot batay sa kanyang ikinilos. Ang subordinate lamang ang siyang may pananagutan sa pagsasagawa ng utos, pati na ang pamamaraan ng kanyang pagsunod. Bagamat sa authority ibinigay ang lehitimong utos, pananagutan naman nilang pangalagaan at alalayan ang kanilang nasasakupan upang matagumpay na maisagawa ang utos at sila ay pumapangalawa lamang sa pananagutan. Yaon namang mga ikinikilos at isinasagawa ng mga subordinates na hindi na sakop pa ng ipinag-uutos, ang subordinate lamang ang siyang mananagot nito lalo na kung ito ay isang uri ng paglabag sa utos, babala at kautusang na ibinigay ng authority. Halimbawa, inutusan ng kanyang amo ang isang mensahero na maghulog ng sulat may dalawang kanto ang layo mula sa kanilang opisina, subalit sa kanyang paglalakad ay naakit siyang panoorin ang ilang malalaswang palabas sa may liwasan, habang sa kanyang panonood ay nagkaroon ng gulo at siya ngayon ay kasama sa mga nasaktan. Ang amo ba niya ang siyang may papanagutan sa sakunang nangyari? Hindi po. Hindi kabilang sa utos ng kanyang amo na manood ng ilang malalaswang panoorin at iyon muna ang unahing gawin. Iyon ang kalikuang nagawa ng mensahero, sarili niyang ibig at hindi kasama sa ipinag-utos sa kanya. Tatanggapin lamang ng mensahero ang nararapat sa kanya. 'Ang masamang tagapagbalita ay lumilikha ng kaguluhan, ngunit ang mabuting tagapamagitan ay lumulutas ng alitan.' - Kawikaan 13:17 'Ipinapahamak ng tao ang kanyang sarili pagkatapos kay YÁOHU UL ang bagsak ng sisi.' - Kawikaan 19:3 (O kaya'y ganito: gumagawa ng kasalanan at kamangmangan ang isang tao pagkatapos ang YÁOHU UL, ang kanyang mga authorities at ang iba ang kanyang sisisihin dahil sa kanyang kamangmangan.) 'Sa landas ng masama ay naghalang ang patibong, ang nagmamahal sa sarili ay umiiwas doon.' - Kawikaan 22:5 'Ang magpadala ng balita sa mangmang na tao ay parang kumuha ng batong ipinukpok sa sariling ulo.' - Kawikaan 26:6 Kung ang yaohod (lahat) ng mga ikinikilos at isinasagawa ng isang subordinate ay sagutin ng kanyang authority, dapat sana'y ang YÁOHU UL ang siyang mananagot sa yaohod ng kasamaang ginagawa ng tao sa mundong ito? Kabaliwan di po ba? Ang totoo nito ay ang bawat subordinate ang siyang may pananagutan at mananagot, ang siyang magbibigay-sulit sa mga bagay na ginawa niya. Ang matuwid ay ginagantimpalaan samantalang ang masama ay pinarurusahan. Iyan ang paraan ng paglalapat ni YÁOHU UL ng kanyang katarungan at pamamalakad ng katuwiran. Anumang palakasan o kaya'y pagpapasa ng sariling tungkulin sa iba ay hindi pinapayagan sa kaharian ni YÁOHU UL. T. IPINAGBABAWAL BA NG YÁOHU UL ANG PAGSAPI SA MGA UNYON O MGA KOOPERATIBA NG MGA MANGGAGAWA? S. Hindi po, kung ang layunin at gawain ng samahang ito ay tungo sa isang kaaya-aya at may pagkakaisang nagtuturo ng katuwiran at kabutihang asal. Ngunit hindi pinahihintulutan ang isa ay umanib sa malawakang paghihimagsik laban sa pamunuang kanyang pinagtatrabahuhan. Hindi tinawag ang isang mananampalataya upang maghimagsik laban sa kanyang pinuno. Hayaang ang mga masasama ang siyang gumawa ng papel bilang mga kambing, subalit ang mga mananampalataya sa Mihushuayao YAOHÚSHUA ay kinakailangang manatiling sumusunod sa Kanyang Molyao-Ul o Salita, bilang mga maaamong tupa sa ilalim ng pangangalaga ng kanilang Punong Tagapagbantay O Roeh. Ang mga anak ng kambing na naririto sa lupa ay may sariling gawaing ginagampanan, subalit yaon namang hinirang at pinili ng YÁOHU UL ay mayroon ring mahahalagang tungkuling dapat gampanan. Hayaang gawin ng mga kambing ang kanilang gawain, subalit ang mga mananampalataya naman ay kinakailangang kumilos bilang tupa nang may kaamuan, kapakumbabaan, at may buong pagtitiwala sa kanilang Punong Tagapagbantay o Roeh. Ang mga tupa ay hindi naghihimagsik at hindi lumalaban, na karaniwang ginagawa ng mga kambing. 'Huwag makikisama sa karamihan sa paggawa ng kasamaan....' Bakit kinakailangang lumaban at maghimagsik, kung maaari ka namang manalangin at mag-ayuno? Walang bagay na mahirap gawain para kay YÁOHU UL, ang Kanyang mga mata ay palagiang nakatuon sa yaohod (lahat) ng pook upang mahayag ang Kanyang kadakilaan para sa kapakanan ng mga may pusong malinis para sa Kanya. Subalit maaaring itanong ng isa: 'Paano kung ang isang pinuno dahil sa kanyang ginagawang kasamaan ay nararapat lang na tanggalin sa kanyang tungkulin, hindi ba makatuwirang sumama sa karamihan upang siya ay paalisin? Kung nais talaga ni YÁOHU UL na alisin sa tungkulin ang isang masamang pinuno, ipaubaya na lamang ito sa mga kamay ng masasama at hindi na kailangan pa sa pamamagitan ng mga banal na kamay ng mga mananampalataya. Pansinin na lamang noong pinagaling ng Mihushuayao YAOHÚSHUA ang tainga ng isang kawal habang Siya ay dinarakip. Sinumang nagtuturo patungkol sa tagapagligtas na rebelde naman sa kanyang pinuno o kaya'y isang tagapagligtas na tumatakbo sa halalan bilang pangulo o kaya'y isang tagapagligtas na isang radical labor leader o kaya'y isang tagapagligtas na hinihikayat ang mga tao na sumamba sa mga rebulto at mga idolo, ay nagtuturo ng ibang palsipikadong tagapagligtas at tiyak na ito ay hindi si YAOHÚSHUA, ang nag-iisang Mihushuayao o Tagapagligtas! Tiyak na ito ay ay espiritu ng anti-messias na si 'gee-zeus' na kilala sa pagsasagawa ng mga nabanggit na gawain. Kung ang mga tao ay kay YÁOHU UL lamang tumatawag at sa Kanya lamang nananalangin, at hindi sa mga rebulto, maraming paghihimagsik, pakikipaglaban, paghihimagsik, kalupitan at karahasan ang maiiwasan ng buong sangkatauhan. Si YAOHÚSHUA lamang ang Katotohanang magpapalaya sa buhay ng isang tao upang makapaglingkod, sambahin at paglingkuran at sundin ang ganap na ibig ni YÁOHU UL, ang nag-iisang UL o Maykapal. T. Naghimagsik ba si Hudas Ish-Kerioth laban sa ganap na ibig ng authority, sa Mesias na si YAOHÚSHUA? S. Opo. Ang Mesias na si YAOHÚSHUA ay ganap at sakdal sa yaohod (lahat) ng larangang Kanyang ginawa, hindi nagkasala at dalisay. Subalit ang isa sa kanyang tagasunod ay naghimagsik laban sa Kanya. Bakit? Dahil ba sa Siya ay nagtanim ng paghihimagsik noong nakaraan o Kanyang kinunsinti ang paghihimagsik ng iba? Hindi. Wala sa mga ito ang kasagutan. Ang paghihimagsik at pagtataksil na ginawa ni Hudas Ish-Kerioth sa kanyang Authority at Tagapamuno ay pinahintulot na mangyari dahil sa ito ay nakasulat na mangyayari, upang matupad ang inihula patungkol sa Mesias at dahil sa higit ibig pa ni Hudas Ish-Kerioth na sundin ang kanyang totoong ama na kanyang kinabibilangan. Kinakailangang ang Mesias na si YAOHÚSHUA ay magdusa ng kaparusahan ng mga masama upang ang sinumang sumampalataya sa Kanya ang ituring na makatarungan at matuwid sa paningin ni YÁOHU UL. Ang matuwid para sa di matutuwid. Siya ang ating Kahalili. T. ANO ANG MANGYAYARI SA MGA TAGASUNOD NA NANINIRA LABAN SA KANILANG KAPWA SUBORDINATES SA PAMAMAGITAN NG MGA MALING PARATANG, TSISMIS, O KAYA'Y PANINIRA? S. Ang galit ng kanilang pinuno ay maibabaling sa sinumang gumagawa ng kasamaan lalo na sa ikapapahamak ng kanilang kapwa subordinates. Ang sinumang nagtitiyaga sa pagdurusa ang magwawagi sa kinalaunan. 'Sinisikap ng matalino na masiyahan ang kanyang authority, pagka nagalit ang hari, may buhay na masasawi.' - Kawikaan 16:14 'Ang kagandahang-loob ng hari ay parang ulap na makapal, may dalang ulan at taglay na buhay.' - Kawikaan 16:15 'Higit pa sa ginto ang karununga't kaalaman, mahalaga kaysa pilak ang unawang tinataglay.' - Kawikaan 16:16 'Ang landas ng matuwid ay palayo sa kasamaan, ang maingat sa paglakad ay nag-iingat sa kanyang buhay.' - Kawikaan 16:17 'Ang kapalalua'y humahantong sa pagkawasak at ang mapagmataas na isipan ay ibabagsak.' - Kawikaan 16:18 'Ang nais ng masama'y paghihimagsik kaya ipadadala sa kanya'y isang sugong malupit.' - Kawikaan 17:11 'Kapag masama ang iginanti sa mabuting ginawa ang kapahamakan sa buhay ay di mawawala.' - Kawikaan 17:13 'Ang humahatol sa walang kasalanan at ang umaayon sa kasamaan, kay YÁOHU UL ay kapwa kasuklam-suklam.' - Kawikaan 17:15 'Ang saksing masama ay sumisira sa takbo ng katarungan, ang bibig ng liko ay nagbubunga ng kasamaan. May hatol na nakalaan sa mga mapanuya at sa mga mangmang ay may hagupit na nakahanda.' - Kawikaan19:28-29 'Ang poot ng hari ay parang leong umuungal, ang gumalit sa kanya'y nanganganib ang ang buhay.' - Kawikaan 20:2 'Kapag ang masamang tagapayo'y naalis sa paligid ng hari, ang katarungan ang mamamalagi.' - Kawikaan 25:5 'Ang gumagawa ng patibong ay siya ring mahuhuli noon. Ang nagpapagulong ng bato ang siyang tatamaan nito.' - Kawikaan 26:27 'Marami ang lumalapit sa namumuno upang humingi ng tulong ngunit sa yaohod ng bagay, ang nagpapasiya'y ang YÁOHU UL.' - Kawikaan 29:26 T. ANO ANG SINASABI SA MOLYAO-UL NA TUNGKULIN NG ISANG TATAY NG PAMILYA? S. Bilang kinatawan ng Mesias na si YAOHÚSHUA, na siyang hindi nakikitang Ulo ng sambahayan at ang mga kasapi nito ay siyang nananalig sa Kanya, kinakailangang gampanan ng isang lalaki ang tungkulin ng isang propeta, saserdote at hari - muli, bilang kinatawan ng Mihushuayao YAOHÚSHUA hol-MEHUSHKHÁY mismo. Bilang isang propeta, siya ang tagapagsalita ni YÁOHU UL, tungkulin ng isang tatay ang pagsasabi ng Molyao-Ul o Salita ng YÁOHU UL saanman naangkop ang salita sa bawat pangyayari sa kanyang sambahayan. Taglay dapat ng tatay ang sapat na kaalaman sa Molyao-Ul (salita) upang siya ay turuan at gabayan ng 'RÚKHA-YAOHÚSHUA' patungkol sa mga salitang naaangkop sa bawat isa at sa bawat pangyayari. Bilang isang saserdote, kinakailangang ilapit at gabayan ng tatay ang kanyang sambahayan patungo kay YÁOHU UL sa pamamagitan ng pagbabasa ng Molyao-Ul, sa pananalangin, sa paglilingkod sa Odmorul YAOHÚSHUA, maging sila'y nakikipamayan sa sanlibutan at sa pakikisalamuha sa kapwa nila mananampalataya, at sa iba pang larangang espiritwal. Bilang isang hari, kinakailangang may nakatatag na pamantayan, patakaran sa pagdidisiplina, batas at tagubilin na batay yaohod (lahat) sa nakasulat na Molyao-Ul ni YÁOHU UL. Katungkulan naman ng babae na sundin at ilapat ang bawat patakaran at titiyakin niyang sinusunod ng kanyang mga anak ang utos ng kanyang asawang lalaki. Muli, kinakailangang gawin ng isang tatay ang kanyang tungkulin bilang siyang kinatawan ng Mihushuayao YAOHÚSHUA na siyang totoong Ulo ng sambahayan, at ang mga kasapi nito ang siyang nananalig sa Kanya. Sa ibang pangyayaring hindi naman mga nananalig sa Mihushuayao YAOHÚSHUA, ay hindi maaaring gampanan ng mga lalaki ang mga katungkulang ito nang mabisa dahil wala sa kanila ang totoong Ulo ng sambahayan. T. ANO NAMAN ANG TUNGKULIN NG MGA BABAE NA NAAAYON SA MOLYAO-UL O BANAL NA KASULATAN? S. Ang tungkulin ng isang babae ay may pagkakahawig sa gawain ng 'RÚKHA-YAOHÚSHUA' (Holy Spirit) sa Kanyang mga tungkulin kay YÁOHU ABÚ (Ama) at sa Kanyang Anak na walang iba kundi ang ating Odmorul YAOHÚSHUA. Kinakailangang ang nanay ay napakamatulungin sa kanyang asawa at siya mismo ang magpapatupad, maghihikayat at palagiang titiyakin na ang mga patakaran, pamantayan na iniwan ng kanyang asawa ay mailalapat sa buhay ng kanyang mga anak at subordinates. Kinakailangan ring siya ay maging masunurin at mapagpasakop sa kanyang asawa, muli kung ang mga ito ay nananalig sa Gaúl YAOHÚSHUA. Kung hindi mananampalataya ang nanay, mahihirapan siyang mabisang isakatuparan ang mga ito dahil sa sila ay hiwalay sa totoong Ulo ng sambahayan. 'Kung kayo'y hiwalay sa Akin, wala kayong magagawa,' sabi ng Mihushuayao YAOHÚSHUA. T. ANU-ANO ANG MGA TUNGKULIN NG MGA MAGULANG SA KANILANG MGA ANAK NA WALA PANG ASAWA? S. Ituro sa kanila ang Molyao-Ul o Salita - 'Ituro ninyo ito sa inyong mga anak; sa loob at labas ng inyong tahanan, sa oras ng paggawa at pamamahinga, sa yaohod ng pook at sa yaohod ng panahon.' - Deuteronomio 6:7 Sanayin sila sa maiinam na pag-uugali - 'Ituro sa bata ang daang dapat niyang lakaran, at hanggang sa paglaki'y di niya ito malilimutan.' - Kawikaan 22:6 Punuan ang 'rukhaól' (espiritwal) at materyal na pangangailangan - 'Ang mga magulang ang dapat mag-impok para sa mga anak, at hindi ang mga anak para sa mga magulang.' - 2 Corinto 12:14 Pangalagaan at palakihin sa maiinam na aral - 'Mga magulang, huwag ninyong ibuyo sa paghihimagsik laban sa inyo ang inyong anak dahil sa malabis ninyong kahigpitan; sa halip, palakihin sila sa tuntunin at aral ni YÁOHU UL.' - Efeso 6:4 Supilin sila - 'Kailangang siya'y mahusay mamahala sa sariling sambahayan, iginagalang at sinusunod ng kanyang mga anak.' - 1 Yaotom (Timoteo) 3:4 Mahalin sila - 'Upang maakay nila ang mga kabataang babae na magmahal sa sariling asawa at mga anak. Ang mga babaing ito'y kailangang din nilang turuang maging mahinahon, malinis ang isipan, masipag, mabait at masunurin sa kani-kanilang asawa upang walang masabi laban sa salita ni YÁOHU UL.' - Tito 2: 4-5 Ipakita ang tama at dalisay na halimbawa upang pamarisan ng mga anak - 'At alang-alang sa kanila'y itinalaga Ko ang Aking sarili, upang maitalaga rin sila sa pamamagitan ng katotohanan.' - Juan 17:19 T. ANU-ANO ANG MGA KATANGIAN NG MGA TAMAD AT BATUGAN NA SUBORDINATE? S. Hayaang ang Molyao-Ul (Salita) ang magsabi ng katugunan: 'Ang taong batugan ay sinsama ng taong mapanira.' - Kawikaan 18:9 'Kung paanong ang suka ay nakangingilo, ang usok ay nakaluluha, gayon ang tamad na alipin, laging walang ginagawa.' - Kawikaan 10:26 'Ang kamay na tamad ay tiyak na magdarahop, ngunit nagbubunton ng yaman ang kamay na masinop.' - Kawikaan 10:4 'Tingnan mo yaong langgam, ikaw taong ubod tamad, pamumuhay niya'y masdan mo at nang ikaw ay mamulat. Kahit siya'y walang punong sa kanila'y nag-uutos, walang tagapamahala o tagamasid na sinusunod ngunit nag-iimbak ng pagkain sa tag-araw, kailanga'y iniipon kung panahon ng anihan.' 'Hanggang kailan taong tamad mananatili sa higaan, kailan ka babalikwas sa iyong pagkakahimlay?' 'Sandaling tulog, kaunting idlip na lang, sandaling paghalukipkip, pag-iinin sa higaan. At itong kahirapan sa iyo ay daratal, katulad ng mandarambong, para bagang magnanakaw.' - Kawikaan 6:6-11 'Ang kamay na tamad ay tiyak na magdarahop, ngunit magbubunton ng yaman ang kamay na masinop.' - Kawikaan 10:4 'Kung paanong ang suka ay nakangingilo, ang usok ay nakaluluha gayon ang tamad na alipin, laging walang ginagawa.' - Kawikaan 10:26 'Ang taong masipag ay sagana sa yaohod (lahat) ngunit ang hangal ay laging nasasalat.' - Kawikaan 12:11 'Ang kakamtin ng tao ay batay sa gawa o salita, bawat isa ay tatanggap ng kaukulang gantimpala.' - Kawikaan 12:14 'Balang araw ang masikap ang mamamahala, ngunit ang tamad ay mananatiling alila.' - Kawikaan 12:24 'Hindi makakamit ng tamad ang kanyang hinahangad, ngunit ang masikap ay laging may magandang hinaharap.' - Kawikaan 12:27 'Ang tamad ay nangangarap ngunit hindi natutupad, ang hangarin ng masikap ay laging nagaganap.' - Kawikaan 13:4 'Ang bawat pagsisikap ay may pakinabang. Ngunit sa hangin mauuwi ang basta salita lang.' - Kawikaan 14:23 'Ang landas ng batugan ay punung-puno ng tinik, ngunit patag na lansangan ang daan ng matuwid.' - Kawikaan 15:19 'Ang taong batugan ay sinsama ng taong mapanira.' - Kawikaan 18:9 'Ang taong tamad ay laging nakatihaya kaya't siya'y magugutom, walang panlagay sa sikmura.' - Kawikaan 19:15 'Ang magsasakang tamad magbungkal ay walang maaani pagdating ng anihan.' - Kawikaan 20:4 'Magtulog ka nang magtulog at ikaw'y maghihirap ngunit kung magsisikap ka, maganda ang iyong bukas.' - Kawikaan 20:13 'Ang mabuting pagbabalak ay pakikinabangan ngunit ang dalus-dalos na paggawa'y walang kahihinatnan.' - Kawikaan 21:5 'Ang taong maluho at mahilig sa alak ay di yayaman, sa hirap masasadlak.' - Kawikaan 21:17 'Ang bahay ng matalino'y napupuno ng kayamanan ngunit yaohod ay winawaldas ng taong mangmang.' - Kawikaan 21:20 'Kagutuman ang papatay sa taong batugan pagkat ayaw niyang igawa ang kanyang mga kamay. Ang taong tamad ay nanghihingi araw-araw ngunit ang matuwid ay di nagsasawa ng kabibigay.' - Kawikaan 21:25-26 'Ang tamad ay di nais lumabas ng bahay, ang idinadahila'y may leon sa daan.' - Kawikaaan 22: 13 'Ang mahusay magtrabaho ay higit kanino man, hindi alangang isama sa mga namumuno.' - Kawikaan 22:29 'Ihanda mo muna ang iyong bukid para mayroon kang tiyak na pagkakakitaan bago ka magtayo ng bahay at magtatag ng tahanan.' - Kawikaan 24:27 'Napadaan ahnee sa bukid at ubasan ng isang tamad. Ito'y puro dawag at mahalagang damo. Naguho na ang bakod nito. Pinag-isipan ko itong mabuti at may nakuha ahneeng magagadang aral: Kaunting tulog, bahagyang idlip, sandaling pahinga at paghalukipkip, samantalang namamahinga ka ang kahirapa'y darating na parang magnanakaw upang kunin ang yaohod ng kailangan natin.' - Kawikaan 24: 30-34 'Ano ang idinadahilan ng taong batugan? 'May leon sa daan, may leon sa lansangan.' 'Kung lumalapat ang pinto sa hamba, ang batugan naman ay sa kanyang kama.' 'Ang kamay ng tamad ay nadidikit sa pinggan, ni hindi mailapit sa bibig dahil sa katamaran.' 'Ang palagay ng tamad siya ay higit marunong kaysa pitong taong wasto kung tumugon.' - Kawikaan 26:13-16 'Mga kapatid, iniuutos namin sa inyo sa ngalan ng Odmorul YAOHÚSHUA hol-MEHUSHKHÁY, na layuan ang mga tamad at ayaw mamuhay ayon sa mga tagubilin namin sa inyo. Nang kasama pa ninyo kami, ito ang tagubiling ibinigay namin sa inyo: 'Huwag ninyong pakanin ang sinumang ayaw gumawa.' - 2 Tesalonica 3:6;10 Sa madaling salita ay ang di ibig gumawa, huwag ring pakakanin. T. ANO ANG PINAKAMAINAM NA ANYO NG PAMAHALAAN NA SINASABI SA MOLYAO-UL? S. 'Ulocracy' na tinatawag (o sa sanlibutan ito ay tinatawag na 'theocracy') ang siyang sinasabi sa Molyao-Ul na anyo ng pamahalaan na ninanais ni YÁOHU UL. Ang ibig sabihin ng 'Ulocracy' ay ang YÁOHU UL ang siyang Hari ng kanyang mamamayan. Ang YÁOHU UL ang siyang ginagawang Pinakamataas at Pinaka-Makapangyarihang Pinuno ng bansa at ang Kanyang Salita o Molyao-Ul, batas, mga kahatulan at mga pasya ay sinusunod ng yaohod (lahat) ng Kanyang nasasakupan. Sa pamamahalang 'Ulocracy,' ang YÁOHU UL ang siyang namamahala at nangunguna sa yaohod (lahat) ng bagay lalo na ang patungkol sa pamamahala o pangangasiwa sa mga tao at sa buong kapuluan. Ang Kanyang ibig ang siyang sinusunod ng yaohod (lahat). Ipinapaalam ni YÁOHU UL ang Kanyang kautusan, batas, mga patakaran, mga hatol at mga pasya sa pamamagitan ng Kanyang tagapagsalita (mga propeta) at Siya ay may mga saserdote na siyang naglilingkod sa mga tao patungkol sa kanilang pangangailangang 'rukhaól' o espiritwal. Sa ganitong uri na pamahalaan, ay walang haring kinakailangan ni pangulo dahil ang YÁOHU UL ang Siyang Hari at Pangulo ng buong bayan. Siya ang Pinuno ng bansa. Wala ring tagagawa ng batas dahil ang YÁOHU UL ang Siyang Tagapagbigay ng utos. Ang mga propeta ang siyang tumatayo bilang mga hukom sa pagpapatupad ng mga kautusan ni YÁOHU UL sa mga tao. Tuklasin natin kung paanong hiniling ng mga Israelita ang pamunuan sila ng tao sa halip na ang YÁOHU UL mismo ang Siyang mamahala sa kanila; 'Nang tumanda si Samuel, itinalaga niya ang kanyang mga anak bilang hukom ng Israel. Ang panganay niya ay si Joel at sumunod si Abias. Sila'y kapwa naging hukom sa Beersheba. Ngunit hindi sila sumunod sa bakas ng kanilang ama. Naging gahaman sila sa salapi, tumanggap ng suhol, at hindi pinairal ang katarungan. Dahil dito, ang matatanda ng Israel ay nagsadya kay Samuel sa Rama at kanilang sinabi, 'Matanda na kayo. Ang mga anak naman ninyo'y di ibig sumunod sa inyong mga bakas.' 'Ang mabuti'y ipili ninyo kami ng isang haring mamamahala sa amin tulad sa ibang bansa. Nalungkot si Samuel dahil sa kahilingan ng mga tao, kaya't dumalangin siya kay YÁOHU UL.' Sinabi naman sa kanya ni YÁOHU UL, 'Sundin mong yaohod ang sinasabi nila dahil hindi ikaw kundi Ahnee ang itinatakwil nilang mamahala sa kanila. Ang ginagawa nila sa iyo ngayon ay ginagawa na nila sa Akin buhat pa nang ilabas ko sila sa Egipto. Noon pa'y tumalikod na sila sa Akin, at naglingkod sa mga rebulto. Kaya, sundin mo sila. Ipagpauna mo lang sa kanila kung ano ang gagawin ng hari na ibig nilang mamahala sa kanila.' 'Lahat ng sinabi ni YÁOHU UL kay Samuel ay sinabi nito sa mga Israelita. Ito ang sabi niya: 'Ganito ang gagawin sa inyo ng magiging hari ninyo: Kukunin niya ang mga anak ninyong lalaki upang gawing kawal; ang iba'y sakay ng karwaheng pandigma, ang iba'y mangangabayo at ang iba nama'y lakad na mangunguna sa pagsalakay. Ang iba'y gagawin niyang pinuno para sa libu-libo at sa lima-limampu. Ang iba'y itatalaga niya sa kanyang burikin at sa gawaan ng mga kagamitan at karwaheng pandigma.' 'Ang inyong mga anak na babae naman ay gagawin niyang manggagawa ng pabango, tagapagluto at tagagawa ng tinapay. Kukunin din niya ang pinakamagaganda ninyong bukirin, ubasan, taniman ng olibo at paaalagaan sa kanyang mga tauhan.' 'Kukunin din niya ang ikasampung bahagi ng inyong ani sa bukid at ubasan para ibigay sa kanyang mga pinuno at mga katulong sa palasyo.' 'Kukunin niya pati ang inyong mga alila, babae't lalaki, ang pinakamagaganda ninyong baka, kabayo at asno.' 'Kukunin din ang ikasampung bahagi ng inyong kawan at kayo'y gagawin niyang alipin. Pagdating ng araw na yaon, idadaing ninyo kay YÁOHU UL ang inyong hari na kayo na rin ang pumili ngunit hindi Niya kayo pakikinggan.' 'Hindi rin pinansin ng mga Israelita ang sinabi ni Samuel.' Sa halip, sinabi nila, 'Kahit ano ang gawin sa amin ay ibig pa rin naming hari ang mamahala sa amin. Sa gayon, matutulad kami sa ibang bansa, pamamahalaan kami ng isang haring magtatanggol sa amin laban sa mga kaaway.' 'Ang yaohod ng ito'y sinabi ni Samuel kay YÁOHU UL.' Sinabi naman sa kanya ni YÁOHU UL, 'Sundin mo ang ibig nila. Bigyan mo sila ng hari.' Kaya sinabi niya sa mga Israelita, 'Umuwi na muna kayo at ipipili ko na kayo ng hari.' - 1 Samuel 8, Banal na Kasulatan T. MAYROON PA BANG PAG-ASANG MAKAPAMUMUHAY TAYO SA ILALIM NG PAMAMAHALA NG ISANG GANAP NA PANGULO SA MUNDONG IBABAW? S. Opo, sa ilalim ng pamamahala ng Hari ng mga hari at Pinuno ng mga pinuno na si - YAOHÚSHUA - na siyang Totoong Mesias! 'Sa araw na iyo'y parurusahan ni YÁOHU UL ang hukbo ng kasamaan sa himpapawid, pati mga hari dito sa daigdig. Sama-sama silang ihuhulog sa kalalimang walang hanggan at parurusahan pagkaraan ng maraming araw. Lalamlam ang liwanag ng araw at buwan. At maghahari ang YÁOHU UL, ang Makapangyarihan, sa Bundok ng Sion, sa harapan ng matatandang hinirang mahahayag ang Kanyang kaluwalhatian.' - Yaoshua-YÁOHU (Isaias) 24:21-23 'Ang sabi ni YÁOHU UL: Ahnee (Ako) ay lilikha isang bagong lupa't isang bagong langit; mga pangyayaring pawang lumipas na ay di na babalik! Kaya naman kayo'y dapat na magalak sa Aking nilalang, yamang nilikha Ko itong Yaohushua-oleym (Jerusalem) na ang Aking pakay maging kagalakan ng mga hinirang. Ahnee mismo'y magagalak dahil sa Yaohushua-oleym (Jerusalem) at sa kanyang mamamayan. Doo'y walang panambitan o kaguluhan.' 'Doon ay wala nang sanggol na papanaw. Yaohod ng titira roon ay mabubuhay nang matagal. Ituturing pa rin na kabataan pa ang edad sandaan. Ang hindi umabot ng gulang na ito ay pinarusahan. Magtatayo sila ng mga tahanang kanilang titirhan, sa tanim na ubas ay sila ang aani. Di tulad noong una, sa bahay na ginawa'y iba ang tumira.' 'Sa tanim na halama'y iba ang nakinabang. Tulad ng punongkahoy hahaba ang buhay ng aking mga hinirang, lubos nilang pakikinabangan ang kanilang pinagpagalan. Anumang gawaing pagpagalan nila'y tiyak magbubunga, hindi magdaranas ng mga sakuna yaong mga anak nila; pagpapalain Ko yaong lahi nila, maging susunod pa, magpakailanma'y iingatan sila. Ang dalangin nila kahit di pa tapos ay Aking diringgin, ibibigay Ko na yaong hinihiling.' 'Dito magsasalong parang magkapatid, ang lobo at tupa, kakain ng damo pati ang leon, tulad ng baka. At ang ahas namang pagkai'y alabok kahit tapakan mo'y di ka mangangamba. Magiging panatag, wala nang masama sa Banal na Bundok. Sa Bundok ng Sion ay walang pinsala o anumang masama.' - Yaoshua-YÁOHU (Isaias) 65:17-25 T. ANO ANG NARARAPAT MONG GAWIN NGAYON? S. Magsisi at manalig sa Mihushuayao YAOHÚSHUA, tanggapin Siya sa iyong puso at buhay bilang iisa at tanging Tagapamuno at Tagapagligtas, at ikaw ay maliligtas, ikaw at ang buo mong sambahayan. Magsimula nang mamuhay sa panibagong buhay na Siya lamang ang makapagbibigay nito habang ikaw ay tumatahak nang naaayon sa Kanyang Molyao-Ul o Salita at kautusan. Ito lamang ang uri ng pamumuhay na siyang karapat-dapat at napakahalaga. Si YAOHÚSHUA hol-MEHUSHKHÁY lamang ang tanging pag-asa ng sandaigdigan! Kung iyo nang nabatid ang iyong mga pagkakasala, pagkakamali at kasamaan na iyong nagawa noong nakaraan, lalong higit na laban sa iyong mga tagapamuno, ay iyong ipahayag, ikumpisal at aminin kay YÁOHU UL, at hingin ang Kanyang kapatawaran at paglilinis sa pamamagitan ng 'DAM' o dugo ng Mihushuayao YAOHÚSHUA hol-MEHUSHKHÁY. Pinuputol ng tamang pasyang ito ang yaohod ng uri ng mapapait na bungang iyong inihasik noong nakaraan. Ikaw ngayon ay isa nang bagong nilalang sa piling ng Mihushuayao YAOHÚSHUA, ang mga nakaraang pangyayari ay nakalipas na, yaohod ay nabago na! Dahil sa lubos at ganap mo nang pinagsisihan ang iyong mga kasalanan, handa ka na ngayong humingi ng tawad sa mga pinuno na iyong nagawan ng kasalanan noong nakaraan, maging sa iyong mga magulang at sa dati mong pinagtrabahuhan. Bakit? Upang maalis at mawala ang mapait na bunga na maaari mong anihin sa iyong buhay at sa paglilingkod mo sa iyong bagong pinuno na si Gaúl YAOHÚSHUA, ang nag-iisang Totoong Messias! Pakatandaan po ninyo na hangga't wala ang Mihushuayao YAOHÚSHUA sa inyong buhay ay hindi ninyo magagampanan nang mabisa at matagumpay ang mga tungkulin bilang isang pinuno. At hindi ninyo lubusang mabibigyang kasiyahan ang inyong mga pinuno bilang isang tagapaglingkod kung kayo ay may pakikipaghidwaan kay YÁOHU UL, ang nag-iisang Banal ng Israel. Ang yaohod (lahat) ng ito ay ibinibigay sa inyo sa diwa ng tunay na pag-ibig at kapakumbabaan, OL SHÚAM (sa Ngalan ni) YAOHÚSHUA hol-MEHUSHKHÁY, am-nám! Naniniwala po kami dahil sa mayamang awa at habag ni YÁOHU UL, na ang 'RÚKHA-YAOHÚSHUA' ang ngayon at palagiang nagbibigay liwanag sa inyong isipan, nagtuturo, nagdadala patungo sa katotohanan, umaagapay at nagpapaala-ala ng mga Molyao-Ul na sinabi ni Molkhiúl YAOHÚSHUA, na siyang nagpapakilala sa bawat isa inyo sa tunay na Messias, si Molkhiúl YAOHÚSHUA at palagiang tinitiyak ni YÁOHU UL na magkakabisa ang bawat salita na kanyang sinabi, kasama na rin ang gawain ng 'RÚKHA-YAOHÚSHUA na paggigiyagis sa inyong mga puso patungkol sa kasalanan, katwiran at kahatulan, habang tinatalian namin ang bawat isa sa inyo sa pagsunod at lubusang pagtalima kay Molkhiúl YAOHÚSHUA hol-MEHUSHKHÁY, at ang lahat ay magsabi ng am-nám! Tandaan, ang lahat ng tuhod ay kinakailangang lumuhod sa Ngalang YAOHÚSHUA at lahat ng labi ay magsasabing si YAOHÚSHUA ang Odmorul ng lahat, sa ikaluluwalhati ni YÁOHU UL na Makapangyarihan! At anoman ang talian namin dito sa lupa ay tatalian rin sa langit! 'Naparito ang Anak ni YÁOHU UL upang wasakin ang mga gawa ng diyablo!' - 1 Yaokanam 3:8, Banal na Kasulatan. Kayo'y amin ngayong kinakalagan mula sa yaohod (lahat) ng uri pagkakabihag ni ha-satán at ng kanyang mga kampong mga masasamang espiritu ng pagkalito, mga masasamang espiritu ng kasinungalingan, nambibihag na mga rukot ha-raot, at amin ngayong pinatitigil, pinapalayas at winawalang-bisa ang lahat ng uri ng masasamang impluwensiya, mga kasinungalingan, mga kapangyarihan at pinalalaya mula sa pagkakabihag ng mga rukot ha-raot! At tinatalian namin kayo sa lubusang pagsunod at pagtalima kay Molkhiúl YAOHÚSHUA ngayon at magpakailanman! Anoman ang aming kalagan dito sa lupa at kakalagan rin sa langit, anoman ang aming talian dito sa lupa ay tatalian rin sa langit! OL SHÚAM YAOHÚSHUA hol-MEHUSHKHÁY, am-nám! Tandaan na si Molkhiúl YAOHÚSHUA ang Siyang namatay para sa ikapagpapatawad ng inyong mga kasalanan at hindi ang anomang relihiyon. Hindi Tagapagligtas ang relihiyon. Si Molkhiúl YAOHÚSHUA hol-MEHUSHKHÁY lamang ang nag-iisa at ang tanging Messias na Siyang makatutulong, makapagpapalaya, makapagpapagaling at makapagliligtas sa bawat isa. Dahil ang sandata ng aming pakikibaka ay hindi ukol sa laman kundi ang mga ito'y may kapangyarihan sa pamamagitan ni YÁOHU UL Gabór (Mandirigma) na gumiba ng mga kuta ng kaaway. Ating binubuwag ang bawat maling pangangatuwiran at bawat bagay na nagmamatayog laban sa karunungan ni YÁOHU UL KAOKAM, at ating binibihag ang bawat pag-iisip upang ipasakop kay Molkhiúl YAOHÚSHUA. At ating ngayong pinagtagumpayan na si ha-satán, sa pamamagitan ng 'DAM' (dugo), at ng pananalita, at dahil sa ating sinagupa na nga si ha-satán, siya'y lumayas na mula sa lahat ng Yaohushuahim, at tayo'y higit pa sa mapagwagi! Maraming papuri at pasasalamat kay YÁOHU UL GAVOHA (Pinakamataas) na Siyang tumiyak na tayo'y palagiang nagwawagi kaisa ni Molkhiúl YAOHÚSHUA. Hindi natin pinapayagang nakawin sa anomang paraan ni ha-satán ang mga Salita ni YÁOHU UL na ngayo'y natanim sa inyong mga puso't isipan, magpakailanman! Anomang hindi natin payagan dito sa lupa ay hindi papayagan sa langit. OL SHÚAM YAOHÚSHUA hol-MEHUSHKHÁY, am-nám! ======================= PANALANGIN NG PAGSISISI NG MAKASALANAN Ngayon na kayo ay sumasampalataya na sa Kanyang Ngalan at tinanggap ang tunay na Messias lakip ng mga katotohanang mula sa kanya, sabihin, bigkasin, uulitin ko pong muli, kailangang inyong bigkasin ng taus puso ang panalanging ito: YÁOHU UL na sumasalangit, ang UL ni Abruhám, YÁOHUtz-kaq at YÁOHU-caf, akin po Kayong kinikilala ngayon, inaamin at sinasampalatayanan bilang aking nag-iisang totoong Manlilikha, Maykapal at wagas na Makapangyarihan sa yaohod (lahat); Kayo po si YÁOHU UL, ang Banal ng Israel, na Siyang aking pinagmulaan at iisang Maykapal; Inaamin ko po sa Inyong harapan ngayon, na ahnee ay labis na nagkasala laban sa Inyo at ngayo'y humihingi ng kapatawaran, habag, awa at paglilinis mula sa yaohod ng aking mga nagawang kasamaan, at sa mga labis-labis na paglabag sa Inyong mga kautusan; Hugasan Nyo po ahnee ngayon sa pamamagitan ng banal na 'DAM' o dugo ni Molkhiúl YAOHÚSHUA hol-MEHUSHKHÁY; Akin po ngayong ginagawa at kinikilalang nag-iisang pansarili kong Molkhiúl (Tagapamuno) at Mihushuayao (Tagapagligtas) ngayon at magpakailanman ang Gaúl (Manunubos) YAOHÚSHUA hol-MEHUSHKHÁY, ang Inyong Messias na isinugo; Naniniwala po ahnee na walang ibang ngalan sa silong ng langit ang Inyong ibinigay upang ikaligtas ng tao maliban sa Ngalang YAOHÚSHUA hol-MEHUSHKHÁY; at YÁOHU UL ang Inyong iisang Ngalan na aming gugunitain at itatawag sa Inyo sa yaohod ng salinlahi, ayon sa mga nakasulat sa Inyong Banal na Kasulatan; Naniniwala po ahnee na si Molkhiúl YAOHÚSHUA hol-MEHUSHKHÁY ay namatay bilang aking kahalili at kapalit, Siya na walang kasalanan ay hinatulang masama upang ahnee naman na makasalanan ay maituring na matuwid sa Inyong paningin, sa aking pagsampalataya kay Molkhiúl YAOHÚSHUA hol-MEHUSHKHÁY; Naniniwala po ahnee na si Molkhiúl YAOHÚSHUA hol-MEHUSHKHÁY ay namatay para sa akin, inilibing, nabuhay na mag-uli, umakyat sa langit, ngayo'y nakaupo sa kanan ni YÁOHU UL, at muling magbabalik, di maglalaon, upang maghari't hatulan ang mga makasalanan; Naniniwala po ahnee sa muling pagkabuhay ng mga matuwid tungo sa buhay na walang hanggan sa piling Ninyo; at ang mga masasama naman ay tungo sa walang hanggang kaparusahan; Akin pong hinihiling ngayon at tinatanggap ang 'RÚKHA YAOHÚSHUA' sa aking puso, upang ahnee ay turuan, dalhin sa ganap na katotohanan, tulungan at paalalahanan, ngayon at magpakailanman; kasama na rin ang pagbibinyag sa 'RÚKHA-YAOHÚSHUA' at ang mga biyayang mula sa Kanya, na akin ring hinihiling at tinatanggap ngayon ng may buong pananalig at pasasalamat sa Inyo, YÁOHU ULHIM. Maraming salamat po sa Inyong kapatawaran, habag, awa at paglilinis, pagbibinyag sa 'RÚKHA-YAOHÚSHUA' at ang mga biyayang ibinigay, na akin na ngayong tinatanggap ng may ganap na pananalig at pasasalamat; Nakasulat po na sinomang tumawag sa Inyong tunay na Ngalang YÁOHU UL ay maliligtas; at ito po'y aking taus-pusong pinaniniwalaan; Ginagawa ko po ang yaohod (lahat) ng ito ngayon sa Ngalan ni Molkhiúl YAOHÚSHUA hol-MEHUSHKHÁY, am-nám! ======================== Ngayon ikaw ay malaya na at ganap na! Ngayon, luwalhatiin natin si YÁOHU UL, magkasama nating itaas ang Kanyang Ngalan! Simulan mo ngayon ang iyong bagong buhay na kasama si YÁOHU ABÚ (Ama) sa pamamagitan ng pagsasabi sa iba tungkol sa Kanyang PAG-IBIG at sa Kanyang NGALAN at magsimulang ibigin at tulungan ang iyong kapuwa! 'Ibigin mo si YÁOHU UL ng buong puso, buong kaluluwa, buong kakayahan at buo mong pag-iisip!' at 'Ibigin mo ang iyong kapuwa tulad ng iyong pag-ibig sa iyong sarili!' Dahil sa kayo po ay bagong mananampalataya kay Molkhiúl YAOHÚSHUA hol-MEHUSHKHÁY, kinakailangan po kayong magpabinyag sa tubig sa Kanyang Ngalan bilang pagsunod sa Kanyang utos sa mga Gawa 2:38. Makipag-ugnay lamang po sa amin ukol sa bagay na ito at sa iba pa ninyong mga lalahukang gawain sa katawan ni Molkhiúl YAOHÚSHUA hol-MEHUSHKHÁY. Naniniwala kami na ang 'RÚKHA-YAOHÚSHUA' ang ngayon at palagiang nagbibigay sa bawat isa sa inyo ng liwanag, karunungan, kaalaman, unawa, paghahayag, katotohanan, pananalig at kapakumbabaan, at Siya rin ang palagiang nagdadala sa inyo sa buong katotohanan, nagtuturo sa inyo, umaagapay at nagpapaala-ala ng mga Salita ni Molkhiúl YAOHÚSHUA hol-MEHUSHKHÁY, kasama na rin ang gawain ng 'RÚKHA-YAOHÚSHUA' sa pag-gigiyagis sa inyong puso ukol sa kasalanan, katuwiran at kahatulan, ngayon at palagian, ayon sa yaman ng pag-ibig, habag, biyaya at pagpapala ni YÁOHU UL sa inyong yaohod, sa Ngalan naman ni Molkhiúl YAOHÚSHUA hol-MEHUSHKHÁY, am-nám! Tandaan: hindi relihiyon ang namatay para sa inyong kaligtasan, hindi rin relihiyon ang Tagapagligtas, kundi ang iisang Walang-Hanggani Manunubos: YAOHÚSHUA hol-MEHUSHKHÁY! Hindi namin ipinakikilala sa inyo ang aming mga sari-sarili, ni ang aming Samahan man, kundi ang mga PERSONA ni YÁOHU ABÚ, Molkhiúl YAOHÚSHUA, at ang 'RÚKHA-YAOHÚSHUA' - ang Tatlong Persona sa iisang Ulong-Maykapal! Kami nama'y mga walang-kabuluhang alipin lamang ni Molkhiúl YAOHÚSHUA, na Siyang tumubos sa amin, at ginagawa lamang namin ang nararapat naming gawain bilang paglilingkod ng pag-ibig sa Kanya. Kami'y mga dati ring mga makasalanang nakakilala, nanalig at tumanggap kay Molkhiúl YAOHÚSHUA hol-MEHUSHKHÁY! Marami ang naniniwala, ngunit ang higit na mahalaga ay ang tanggapin Siya sa puso at magpasakop sa Kanyang mga alituntunin, bilang Kanyang mga alagad o mag-aaral. Dahil ang sandata ng ating pakikibaka ay hindi ukol sa laman, kundi ang mga ito'y may kapangyarihan sa pamamagitan ni YÁOHU UL GABÓR (Mandirigma) na gumiba ng mga kuta ng kaaway. Ating binubuwag ang bawat maling pangangatuwiran at bawat bagay na nagmamatayog laban sa karunungan ni YÁOHU UL KAOKAM, at ating binibihag ang bawat pag-iisip upang ipasakop kay Molkhiúl YAOHÚSHUA. At atin ngayong pinagtagumpayan na si ha-satán, sa pamamagitan ng 'DAM' (dugo), at mga pananalita, at dahil sa ating sinagupa na nga si ha-satán, siya'y lumayas na mula sa yaohod ng Yaohúshuahim, at tayo'y higit pa sa mapagwagi! Maraming papuri at pasasalamat kay YÁOHU UL GAVÓHA (Pinakamataas) na Siyang tumiyak na tayo'y palagiang nagwawagi kaisa ni Molkhiúl YAOHÚSHUA. Hindi natin pinapayagang nakawin sa anomang paraan ni ha-satán ang mga Salita ni YÁOHU UL na ngayo'y natanim sa inyong mga puso't isipan, magpakailanman! Anomang hindi natin payagan dito sa lupa ay hindi papayagan sa langit. Alalahanin pong dumalo sa bawat pagtitipon at mga gawain ng inyong Oholyao at ipaaalam po sa inyo kung saan at kung kailan ginaganap ang mga ito. Magsimula po kayong magbasa ng Banal na Kasulatan at mananalangin araw-araw upang magpasalamat, magbigay papuri at mangumpisal kay YÁOHU ABÚ dahil sa mga kasalanang nagagawa pa araw-araw. At mahalaga rin namang magsimulang humiling at ilagak kay YÁOHU ABÚ ang yaohod ng inyong mga problema o suliranin sa buhay, sa kalutasan ng mga ito sa paraan ni YÁOHU UL. Unahin po muna ninyo ang Kaharian ni YÁOHU ABÚ at ang yaohod ng iba pang bagay ay idaragdag sa inyo (Mateo 6:33). Amin po kayo ngayong inilalagak sa tiyak na pangangalaga ni YÁOHU ABÚ, sa inyong paglago sa Kanyang Kaharian hanggang sa maging kawangis ninyo ang pag-uugali ni Molkhiúl YAOHÚSHUA hol-MEHUSHKHÁY, hanggang sa Kanyang nalalapit nang pagbabalik! Nakasulat na anoman ang aming talian dito sa lupa ay tatalian rin naman sa langit; anoman ang aming kalagan dito sa lupa ay kakalagan rin naman sa langit. Ngayon, aming kayong tinatalian sa pagsunod, pagluhod at ganap na pagpapasakop sa Molkhiúl YAOHÚSHUA hol-MEHUSHKHÁY, magpakailanman! Amin rin kayo ngayong kinakalagan mula sa yaohod ng uri ng pandaraya, pagsamba sa mga lo-ulhim (huwad na maykapal), at mula sa yaohod ng uri ng pambibihag, kasinungalingan at mga gawa ni ha-satán at ng kanyang mga masasamang espirito, sa pamamagitan ng 'DAM' o dugo ng Molkhiúl YAOHÚSHUA hol-MEHUSHKHÁY, at ng Kanyang mga anghel, at ng Kanyang Ngalang - YAOHÚSHUA! You are free, you are delivered, you are whole, and you are blessed now and forever! Kung mayroon po kayo o sino pa mang nasa kapaligiran ninyo ang may anomang uri ng pangangailangan, espiritwal man o materyal, o kaya'y kailangan ninyo ng walang bayad na babasahin, lalo na ng Tagalog na Banal na Kasulatan o kaya'y Biblia Hebraica, makipag-ugnay lamang po sa amin direkta o kaya'y sa pamamagitan ng inyong mga Bokir-Shuaney o Alalay na Nangangalaga. Ipadala lamang sa amin ang kanilang mga kumpletong ngalan at tiyak na mga addresses at amin silang padadalhan ng mga walang-bayad na mga babasahing tiyak na kanilang ikasisiya, ikaliligtas at ikatitiwasay! Narito ang inyong iba pang walang-bayad na babasahing maaaring hilingin daglian: Q. Bakit tayo naniniwalang ang orihinal na Hebreong Banal na Kasulatan ang mga totoong Salita ni Maykapal? Q. Ano ang kahulugan ng kapanganakang mula sa itaas o mag-uli? Q. Bakit tayo naniniwalang si Molkhiúl YAOHÚSHUA ang totooni Messias? Q. Ano-anong uri ng pagbibinyag ang itinagubilin upang ating isagawa? Q. Bakit maling gamitin ang mga titulong 'El' at 'Elohim' kapag ang tinutukoy ay ang totoong Ulong-Maykapal? Sino ba talaga ang tinutukoy at tinatawag na 'El' at 'Elohim' at 'El Shaddai'? Q. Sino ba talaga sila 'god,' 'ha-shem' at 'adonay' na tinatawag ng marami bilang kanilang 'maykapal' daw? Q. Ang mga salita bang 'zeus' - 'diyos' - 'theos' at 'deus' ay tumutukoy sa iisang espiritong idolo sa di-nakikitang larangang espiritwal? Q. Bakit hindi mabigyan ng mga 'atheists' (di naniniwalang mayrooni Maylalang) ng tamang katugunan ang mga tanong ukol sa pinakaunang nagtulak o nagpagalaw sa buong sangnilikha, saan patungo at magwawakas ang yaohod sa sansinukob, sino ang lumikha ng mga 'atoms' at mga pinakamaliliit na sangkap ng yaohod ng nilikha? Q. Ang pagpapalaglag ba ng sanggol ay itinuturing ni YÁOHU UL na 'infanticide' o pagkitil ng buhay ng sanggol? Q. Itinuturing ba ni YÁOHU UL na pakikiapid ang pakasalan ang isang taong hiniwalayan na ng kanyang dating asawa? Q. Bakit marami ang mahirap at marami rin naman ang mayayaman? May lihim ba sa likod ng mga kaganapang ito? O baka naman nakasalalay ang yaohod sa pasya ng tatlong personang 'kuwarta-pera at salapi'? Totoo ba ang tinatawag na 'suwerte' at 'malas'? Q. Bakit sinasamba ng maraming kabataan sa sanlibutan ang mga damo, dahon at iba pang mga damong-ligaw, sa pagiging sugapa sa mga ito? Q. Talaga bang milyon-milyon ang tumatahak sa maluwag at madaling daan patungo sa kamatayan at kapahamakan, ngunit kakaunti lamang ang nakakikita at tumatahak sa makipot at mahirap na daan patungo sa buhay na walang hanggan? Q. Anu-ano ang mga 'occult objects and symbols' at ano naman ang kamalasang dulot ng mga ito sa mga mayroon ng mga ito? Q. Totoo bang ang mga pangkaraniwang sagisag na ginagamit tulad ng bituin, kidlat, bahaghari, mga hugis puso, ay mga sagisag ng kambing na si ha-satán, at ang mga ito'y gamit ng mga mangkukulam at mga engkatandor? Q. Ipinagbabawal ba talaga ni YÁOHU UL sa Banal na Kasulatan ang pagsasagawa ng 'seance' at mga pagkonsulta sa mga manghuhula, mga 'faith healers' at mga 'mediums' kasama na rin ang pakikipag-usap sa mga patay (necromancy) at paggamit ng mga 'orasyon'? Ano ang mga parusa at salot sa mga nakikiisa sa mga gawa ng kadilimang ito? Totoo, tiyak at walang alinlangang si Molkhiúl YAOHÚSHUA lamang ang nagpapalaya sa inyo mula sa yaohod ng kasinungalingan, pandaraya, pambibihag, mga sumpa at salot na mula kay ha-satán. Si Molkhiúl YAOHÚSHUA ang Liwanag ng Buhay! Pinangangalagaan ka ni Molkhiúl YAOHÚSHUA mula sa tatak ng halimaw. Si Molkhiúl YAOHÚSHUA ay naparito upang magbigay ng buhay, at higit na masaganang pamumuhay! Nakikiisa ka na ngayon, hindi sa panibagong relihiyon, kundi sa Persona ni Molkhiúl YAOHÚSHUA hol-MEHUSHKHÁY, na Siyang ganap na nagpalaya sa inyo mula sa kaharian ng kadiliman tungo sa Kaharian ng Kaliwanagan! Si Molkhiúl YAOHÚSHUA hol-MEHUSHKHÁY na ngayon ang inyong Tagapagligtas, Manunubos, Sanggalang, Tagapagbigay at Pinunong Tagabantay ng inyong kaluluwa. Sa makapangyarihan at mapagmahal na YÁOHU ULHIM ngayon amin kayong inilalagak, magpakailanman! Sinabi ni Molkhiúl YAOHÚSHUA: 'Huwag nyong guni-gunihin na naparito Ahnee (Ako) upang magdala ng kapayapaan sa daigdig! Hindi kapayapaan, kundi tabak! Ahnee ay naparito upang paglabanin ang anak sa kanyang ama, ang anak na babae laban sa kanyang ina, ang manugang na babae laban sa kanyang biyenang babae - ang magiging pinakamahigpit na kaaway ng tao ay mismong ang kanyang mga kasambahay! Kung mamahalin mo ang iyong tatay o nanay nang higit kaysa sa Akin, ikaw'y hindi karapat-dapat maging Akin; o kung mamahalin mo ang iyong anak na lalaki o babae kaya ng higit kaysa iyong pag-ibig sa Akin, hindi ka karapat-dapat maging Akin. Kung iyong tatanggihan ang Aking ipinapapasan sa iyo't di ka sumunod sa Akin, hindi ka karapat-dapat maging Akin. Kung iyong ipagkakait sa Akin ang iyong buhay, ito'y mawawala; ngunit kung iyong isusuko ang iyong sariling buhay dahil sa Akin, maililigtas mo ito!' - Mateo 10:34-39, Banal na Kasulatan. Lumiham po kayo o kaya'y tumawag sa telepono, anoman po ang inyong pangangailangan, handa po kaming tumulong, bilang aming paglilingkod kay Molkhiúl YAOHÚSHUA na ating Manunubos at Sanggalang. Huwag po kayong mahihiya. Bukas po ang aming puso't palad sa pagtulong sa inyo, bilang mga alipin ni Molkhiúl YAOHÚSHUA hol-MEHUSHKHÁY sa Kanyang katawan, ang Oholyao Molkhiúl YAOHÚSHUA hol-MEHUSHKHÁY. Ipabasa rin ninyo ito sa mga nasa inyong kapaligiran sa bahay, sa gawain o saan pa man, at magpakopya nito upang maipamahagi sa marami. Ang pinakadakilang pamana na inyong maihahabilin sa inyong mga anak ay hindi ang diploma kundi ang makilala nila ang iisa, totoo at orihinal na Maykapal, si YÁOHU UL, at ang iisa, totoo at orihinal na Messias: YAOHÚSHUA hol-MEHUSHKHÁY! Higit pa Sila kaysa yaohod ng kayamanan o diploma kaya sa buong sanlibutan! Nakasulat: si YÁOHU UL ang Siyang nagbibigay ng kapangyarihan upang umunlad sa buhay sa matuwid at malinis na paraan! Si YÁOHU UL ang masasaligang katiyakan sa buhay, hindi ang salapi, mga ari-arian o diploma kaya. Tandaan: Walang ibang ngalan ang ibinigay sa silong ng langit sa sangkatauhan upang ikaligtas kundi ang iisang Ngalang: YAOHÚSHUA! Walang ibang ngalan.... Nawa'y ang pagpapala ni YÁOHU UL ay sumainyo lagi; Nawa'y ang Kanyang mukha ay laging ibaling sa inyo upang kayo'y lingapin at pangalagaan; Nawa'y kayo'y palagiang puspusin ng kapayapaan, biyaya, kalusugan at walang hanggang pag-ibig at kagalakan, ngayon at magpakailanman; Haolul-YÁOHU UL Shua-oléym, UL Gavóha, UL Khanyao-am! OL SHÚAM YAOHÚSHUA hol-MEHUSHKHÁY, am-nám! Shua-oléym po! Magkasama nating luwalhatiin si YÁOHU UL, ating itaas ang Kanyang Ngalan! YÁOHU, YÁOHU anong pinakamahusay ang Iyong Ngalan sa buong daigdig! OL SHÚAM YAOHÚSHUA hol-MEHUSHKHÁY, am-nám! (Sa Ngalan ni YAOHÚSHUA hol-MEHUSHKHÁY, siya nawa.) Makipag-ugnay sa amin ngayon din! FTP Mirror Sites: ftp://ftp.wr.com.au/pub/yaohush ftp://ftp.yaohushua.org/pub/yaohush ftp://ftp.Yaohushua.org.za/pub/yaohush Home WWW URL: http://www.YAOHUSHUA.org/index.html E-mail Address: Cohanul@YAOHUSHUA.ORG.IL WWW Mirror Sites: http://www.yahushua.org/index.html http://Yaohushua.org.za/index.html http://Ohol-Yaohushua.Org/index.html http://www.yaohushua.org.uk/index.html http://Yaohushua.wr.com.au/yaohush/index.html http://www.lava.net/ohol_yaohushua/index.html Microsoft Network (MSN) - Religious Resources Library America Online (AOL) - Religion & Ethics Forum - Interfaith Library Microsoft E-Mail Address: YAOHUSHUA@email.msn.com Post Mailing Address: OHOL YAOHUSHUA P. O. BOX 1482, JERUSALEM, ISRAEL 91014 ======================== Tandaan! 'Walang ibang ngalan ang ibinigay sa silong ng langit upang ikaligtas ng tao liban sa nag-iisang Ngalang: YAOHÚSHUA!' - Mga Gawa 4:12, Banal na Kasulatan. Walang ibang ngalan, walang ibang ngalan, walang ibang maliban, liban sa Ngalang: YAOHÚSHUA! Ito ay hindi 'copyrighted' na aklat. Ang mga bahagi o ang kabuoan nito ay maaaring kopyahin sa anomang paraan ng sinomang nagnanais na luwalhatiin si Molkhiúl YAOHÚSHUA hol-MEHUSHKHÁY. Ang pinakadakilang pamana na inyong maipamahagi sa inyong mga anak ay hindi ang diploma kundi ang makilala nila ang iisa, totoo at orihinal na Messias: YAOHÚSHUA hol-MEHUSHKHÁY! Higit pa Siya kaysa lahat ng kayamanan o diploma sa buong sanlibutan! Ibigay sa kanila ang Salita na nagkatawang tao, na Siyang namatay upang tayo'y maligtas. Magkasama nating luwalhatiin ang YÁOHU UL, ating itaas ang Kanyang Ngalan! YÁOHU, YÁOHU, anong pinakamainam ang Iyong Ngalan sa buong daigdig! YAOHÚSHUA - ang nag-iisang pag-asa sa buong daigdig! Ang yaohod ng ito ay ibinibigay sa inyo ngayon sa diwa ng katotohanan, pag-ibig, kapakumbabaan at taus-pusong paglilingkod kay Molkhiúl YAOHÚSHUA hol-MEHUSHKHÁY, am-nám! Ang yaohod ng tuhod ay luluhod sa Ngalang: YAOHÚSHUA! OL SHÚAM YAOHÚSHUA hol-MEHUSHKHÁY, am-nám! === Tapos ===