MQ-TAG.TXT Y A O H Ú S H U A MGA KATANGIANG KINAKAILANGAN NG ISANG MESSIAS Marami na tayong napatunayang huwad na Tagapagligtas noong nakaraan, at marami na ring nabiktima at nalinlang nito. Hanggang sa mga araw na ito, marami pa ring nagpapanggap na sila raw ay totoong Tagapagligtas. Papaano malalaman ng isang tao ang kaibahan ng isang huwad sa tunay o orihinal na Tagapagligtas? Ano ang batayan upang mapatunayan niya sa kanyang sarili ang isang tunay na Tagapagligtas? Naririto ang batayan sa Molyao-Ul o Banal na Kasulatan na dapat gawing batayan ng bawat isa, sangguniin, tiyakin at patunayan sa kanyang sarili ang tungkol sa Katauhan at gawain ng totoong Tagapagligtas, na dapat isaalang-alang ng isang tao patungkol sa kanyang pananampalataya, ang tiyak at walang hanggang kaligtasan. Higit sa lahat, batay sa Molyao-Ul (Banal na Kasulatan) sa wikang Hebreo ang konseptong 'messias' ay si YÁOHU UL mismo, ang ating Maykapal, na Siyang nagsugo sa Messias, isang Israelita, na Siyang magpapalaya, magliligtas sa bawat isa mula sa kapahamakan at kasamaan. Kung gayon, hindi isinama ng Molyao-Ul (Banal na Kasulatan) ang bawat taong hindi Yaohúdiy bilang Messias. Walang pag-aalinlangan na ang Messias ay isang Yaohúdiy o Israelita, dahil maliwanag na sinasabi ng Molyao-Ul o Banal na Kasulatan. Sinomang nagpapanggap o nag-aangkin sa kaniyang sarili na siya raw ang Messias at hindi naman isang Yaohúdiy o Judio ay maituturing at masasabing isang huwad, isang pandaraya, panlilinlang, palso at palsipikado, matapos malaman ang sinasabi sa Molyao-Ul o Banal na Kasulatan. Gayunman, maging sa mga Yaohúdim (mga Judio) ay marami pa ring nagpapanggap at nagsasabing sila raw ang tunay na Messias. Paano natin malalaman ang tunay na kaibahan ng isang tunay sa huwad? Ang 'acid test' na dapat gamitin upang maiwasan ang linlang at daya ng kaaway, si satir, ay ang pagsisiyasat sa bawat nag-aangkin sa gawain ng Messias, sa kaliwanagan ng sinasabi sa Molyao-Ul o Banal na Kasulatan at ang hula patungkol sa totoong Tagapagligtas na malapit nang dumating. Alalahanin na unang naihayag sa Molyao-Ul o Banal na Kasulatan ang orihinal na konsepto ng 'messias' kung kaya dapat ding ang Molyao-Ul (Banal na Kasulatan) lamang ang ating gamitin sa pagsasangguni, paglilinaw at pagpapatunay sa sinomang nag-aangkin sa siya raw ang Messias. Bukod dito, ang Molyao-Ul ni YÁOHU UL, ang ating Maykapal, ay Siya lamang tiyak na batayan para sa pananampalataya ng bawat isa, yamang ang Kanyang Molyao (Salita) ay totoo, mapagkakatiwalaan, at pang walang hanggan. (YÁOHU UL - binibigkas ng 'yao-hoo' at 'ool') Sino sa mga nag-aangkin o naghahangad sa tanggapan ng Tagapagligtas ang nakatupad sa nakahula sa Banal na Kasulatan? Sino sa kanila ang nagtataglay ng LAHAT sa mga katangiang kinakailangan at hinihingi sa Banal na Kasulatan? Anu-ano ang mga katangiang kailangan at ano ang mga hulang dapat isakatuparan ng Messias na nakasulat sa Banal na Kasulatan upang Siya's mapatunayang totoo ngang ang Messias na ipinangako ng ating Maykapal na YÁOHU UL, ang Banal ng Israel. Ang mga sumusunod ay mga detalyado at mahahalagang hulang ginawa ni YÁOHU UL mismo, sa pamamagitan ng mga propeta, at kasunod ng mga ito nito ay ang mga katuparan. Tiyak na mapapatunayan mo sa iyong sarili na tanging si Molkhiúl YAOHÚSHUA hol-MEHUSHKHÁY lamang ang Tagapagligtas, na gumanap ng LAHAT ng mga inihula sa Banal na Kasulatan. Hindi 10%, hindi 40% ni hindi rin 95% ng mga inihula ay Kanyang nagawa o natupad, kundi LAHAT ng inihula ni YÁOHU UL ay pawang natupad at tinupad ni Molkhiúl YAOHÚSHUA hol-MEHUSHKHÁY! (binibigkas ng: 'yao-hoo-shua' - diin sa ikalawang pantig) Ngayon, sa pamamagitan ng inyong bukas na kaisipan na malaya na mula sa anomang religious evil spirit o mga masasamang espiritung may kaugnayan sa mga relihiyon, siyasatin o suriin pong mainam ang mga sumusunod na katotohanan, hindi pagsasapalaran, kundi mga katotohanang batay sa Banal na Kasulatan ukol sa inihulang orihinal at totoong Messias: Mga Hula Tungkol sa Kapanganakan ng Messias KINAKAILANGANG ANG MESSIAS AY ISINILANG NG ISANG BABAE HULA: 'Kayo ng babae'y laging mag-aaway, binhi mo't binhi niya'y laing maglalaban. Ito ang dudurog ng ulo mong iyan, at ang sakong niya'y ikaw ang tutuklaw.' - Genesis 3:15 KATUPARAN: 'Ngunit nang dumating ang takdang panahon sinugo ni YÁOHU UL ang Kanyang Anak. Isinilang Siya ng Siya ng babae, at namuhay sa ilalim ng Kautusan. - Galacia 4:4 KINAKAILANGANG ANG MESSIAS AY ISINILANG NG ISANG DALAGA HULA: 'Kaya nga't si YÁOHU UL ang magbibigay ng palatandaan: Ang dalaga ay magdadalang-tao at manganganak ng isang lalaki, at Siya'y tatawaging Immanu-ul.' - Isaias 7:14 KATUPARAN: 'Ganito ang pagkapanganak kay Molkhiúl YAOHÚSHUA, ito'y sa pamamagitan ng 'RÚKHA hol-HAODSHUA' - ngunit hindi ginalaw ni Jose si Merriam hanggang sa maipanganak nito ang isang sanggol lalaki na pinangalanan nga niyang 'YAOHÚSHUA.'' - Man-YÁOHU (Mateo) 1:18,24-25 Sa dalawang salita inilalarawan o binibigyang kahulugan ang dalaga: 1. 'bethula' - ibig sabihin ay isang dalaga. (Gen. 24:16; Lev. 21:13; Deut. 22:14,23,28; Hukom 11:37; 1 Hari 1:2.) Hindi taliwas ang nasa Joel 1:8 dahil ito'y tumutukoy sa pagkamatay ng kanyang mapapangasawa, ngunit hindi pa sila kasal. 2. 'almah' - (may belo) babaeng may edad na maari nang pakasal. Ang salitang ito ang ginamit sa Isaias 7:14. Hindi ginamit ng RÚKHA hol-Haodshua sa pamamagitan ni Propeta Isaias ang salitang bethulah, dahilan ang parehong ideya ng pagiging dalaga at ng isang babaeng may edad na maaari nang pakasal ay matatagpuan sa isang salita upang tagpuin ang kasaysayan at inihulang katayuan patungkol sa pagsisilang ng isang dalaga sa Messias. Sa salitang Griego naman ang ibig sabihin ng salitang Dalaga ay: 'parthenos' - isang dalaga, maaari nang pakasal na babae, o batang ikinasal na babae, dalagang dalaga. (Mateo 1:23; 25:1,7,11; Lucas 127; Gawa 21:9; 1 Corinto 7:25,28,33; 2 Corinto 11:2) KINAKAILANGANG ANG MESSIAS AY ANAK NG YÁOHU UL HULA: 'Ganito ang sabi ng lingkod ni YÁOHU UL na hari ng Sion: 'Aking ihahayag ang ipinag-uutos nitong YÁOHU UL, Ikaw ang Anak kong pinakamamahal at magmula ngayon, Ahnee naman ang giliw mong ABÚ (Ama) sa habang panahon.'' - Awit 2:7 KATUPARAN: 'Ito ang lahi ni Molkhiúl YAOHÚSHUA na mula sa angkan ni Dóud na mula naman sa lahi ni Abruhám. Man-YÁOHU (Mateo) 1:1 'Ngayon, nangako si YÁOHU UL kay Abruhám at sa kanyang inapo. Hindi sinabing sa kanyang mga inapo na nangangangahulugang marami, kundi at sa iyong inapo, na iisa ang kahulugan at ito'y si Molkhiúl YAOHÚSHUA hol-MEHUSHKHÁY.' - Galacia 3:16 Tinitiyak ng nabanggit sa itaas na si Molkhiúl YAOHÚSHUA ay mula sa lahing Hebreo. KINAKAILANGANG ANG MESSIAS AY MULA SA ANGKAN NI ISAAC HULA: 'Ngunit sinabi ni YÁOHU UL kay Abruhám: ...dahil kay YÁOHUtz-kaq magmumula ang lahing sinabi Ko sa iyo.' - Genesis 21:12 KATUPARAN: 'Si YAOHÚSHUA...mula sa lipi ni YÁOHUtz-kaq...' - Lucas 3:23,34 KINAKAILANGANG ANG MESSIAS AY MULA SA ANGKAN NI YAOCAF (YÁOHU-caf) HULA: 'Nakikita ko ngunit hindi ngayon, Siya'y ang namamalas ngunit hindi sa malapit. Isang tala ay sisikat mula sa lahi ni YÁOHU-caf. Lilitaw ang isang hari mula sa lipi ni Israel. Ito ang dudurog sa ulo ni Moab lilipulin Niyang lahat ang mga anak ni Set.' - Bilang 24:17 KATUPARAN:KATUPARAN: 'Si YAOHÚSHUA...mula sa lipi ni YÁOHU-caf...' - Lucas 3:23,34 Dalawa ang anak ni YÁOHUtz-kaq, sina YÁOHU-caf at Esau. Hiniwalay ni YÁOHU UL ang kalahati sa angkan ni YÁOHUtz-kaq upang siyang pagmulan ng Messias. KINAKAILANGANG ANG MESSIAS AY MULA SA LIPI NI JUDAH HULA: 'Hawak Niya'y setrong tuon sa paanan, sagisag ng lakas at kapangyarihan; ito'y tataglayin hanggang sa dumatal ang tunay na Haring dito'y magtatangan.' - Genesis 49:10 (ref. Micah 5:2) KATUPARAN: 'Si YAOHÚSHUA...mula sa angkan ni Judah...' - Lucas 3:23,33 Sabi ni Targum Jonathan sa Genesis 49:10,11a ay: 'Ang mga hari'y hindi titigil, ni ang mga pinuno, mula sa sambahayan ni Judah, ni ang mga sepharim na nagtuturo ng kautusan na mula sa kanyang lipi o binhi, hanggang sa dumating ang Messias... Napakarilag ng Hari at Messias na magmumula sa sambahayan ni Judah!' Si YÁOHU-caf ay may labindalawang anak na siyang naging pinuno ng labindalawang lipi sa Israel. Hindi ibinilang o inalis ni YÁOHU UL ang ibang mga lipi upang sa isang tiyak na lipi magmumula ang Messias. Walang liping isinunod sa ngalan ni Yaosaf, subalit mayroon siyang dalawang anak, sina Efroím at Menasyé, na naging pinuno naman ng kanilang lipi. KINAKAILANGANG ANG MESSIAS AY MULA SA ANGKAN NI JESSE (Yaoshai) HULA: Ang paghahari ng angkan ni Dóud ay nalagot na parang punongkahoy na naputol. Ngunit sa lahi niya'y lilitaw ang isang hari, tulad ng supling sa isang tuod.' - Isaias 11:1 KATUPARAN: 'Si YAOHÚSHUA...mula sa angkan ni Jesse (Yaoshai)...' - Lucas 3:23,32 KINAKAILANGANG ANG MESSIAS AY MULA SA ANGKAN NI DAVID HULA: 'Nalalapit na ang araw, sabi ni YÁOHU UL na pasisibulin Ko mula sa lahi ni Dóud ang isang sangang matuwid, isang hari na buong karunungang maghahari. Paiiralin Niya sa buong lupain ang batas at katarungan.' - Jeremiah 23:5 KATUPARAN: 'Si YAOHÚSHUA...na mula sa lahi ni Dóud...' - Lucas 3:23,31 Ang Messias na tinatawag ring 'Anak ni Dóud' ay laganap sa lahat ng mga Talmuds. Itataguyod ni YÁOHU UL si Dóud, isang pangako o yao-ad sa angkan ang darating. Maraming anak si Jesse, ngunit tukoy na sinabi ni YÁOHU UL na ang Messias ay magmumula sa lahi ni Dóud. KINAKAILANGANG ANG MESSIAS AY ISINILANG SA BETLEHEM HULA: 'Betlehem, Efrata, bagaman pinakamaliit ka sa mga angkan ni Judah ay sa iyo magmumula ang isang maghahari sa Israel. Ang pinagmula'y buhat pa nang una, mula pa nang una, mula pa noong unang panahon.' - Micas 5:2 KATUPARAN: 'Si YAOHÚSHUA ay pinanganak sa Betlehem ng Judea...' - Man-YÁOHU (Mateo) 2:1 Malinaw na sinabi ni YÁOHU UL dito na ang Messias ay kailangang sa Betlehem isilang, at hindi sa alinmang ibang lugar sa buong mundo. Si Micas ay isang propeta sa Banal na Kasulatan o Tanakh sa Hebreo. Si Micas at ang Tanakh ay hindi maaaring magkamali sa kanilang mga nilalaman. SA PAGSILANG, KINAKAILANGANG HANDUGAN O REGALUHAN ANG MESSIAS HULA: 'Ang mga hari sa Tarsis at sa malalayong dalampasigan ay magbabayad sa Kanya ng buwis na pananagutan; ang mga hari sa Sheba at Seba ay magreregalo sa Kanya.' - Awit 72:10 KATUPARAN: '...dumating naman sa Jerusalem ang ilang Pantas mula sa Silangan... Lumapit sila at nagpatirapa at sinamba ang bata. Binuksan nila ang kanilang mga sisidlan at inihandog sa Kanya ang dala nilang ginto, kamanyang at mira.' - Man-YÁOHU (Mateo) 2:1,11 Tandaan na maraming sinasabi sa Banal na Kasulatan ay may kaugnayan sa kasaysayan, lalo na ang tungkol sa mga inihula. Ibig sabihin, kahit na ang pangyayaring iyon ay nangyari noon sa actual na kalagayan, may taglay pa rin itong hula lalo na't patungkol sa Messias. SA KAMUSMUSAN O KASANGGOLAN NG MESSIAS, IPAPAPATAY ANG MGA BATANG LALAKI HULA: 'Sinabi pa rin ni YÁOHU UL: Narinig sa Rama ang tinig - panaghoy at malakas na panambitan. Tinatangisan ni Raquel ang kanyang mga anak. Hindi siya maaliw dahil patay na sila.' - Jeremiah 31:15 KATUPARAN: 'Galit na galit si Herodes nang malamang siya'y napaglalangan ng mga pantas kaya't ipinapatay niya ang mga batang lalaki sa Betlehem at mga palibot na pook - lahat ng may gulang na dalawang taon pababa, alinsunod sa panahon ng paglitaw ng tala na natiyak niya sa mga Pantas.' - Man-YÁOHU (Mateo) 2:16 Mga Hula Tungkol sa Katauhan ng Messias KINAKAILANGANG ANG MESSIAS AY WALANG HANGGAN, ANG SIMULA AT ANG WAKAS HULA: 'Betlehem, Efrata, bagaman pinakamaliit ka sa mga angkan ni Judah ay sa iyo magmumula ang isang maghahari sa Israel. Ang pinagmula'y buhat pa nang una, mula pa nang una, mula pa noong unang panahon.' - Micas 5:2 KATUPARAN: 'Siya'y una sa lahat, at sa Kanya nasasalalay ang kaayusan ng lahat ng bagay.' - Colosas 1:17 Sabi ni Targum sa Isaias 9:6, 'Ang sabi ng propeta tungkol sa sambahayan ni Dóud, 'Sapagkat isinilang ang isang sanggol na lalaki, na siyang ibinigay sa atin; na Siyang mamamahala at magpapatupad ng kautusan, at ang Kanyang Ngalan ay mula pa nang una, Siya ang Kahanga-hangang Tagapayo, Makapangyarihang UL, Walang Hanggang UL, ang Tagapagligtas, na kung saan walang katapusang kapayapaan ang paiiralin.'' KINAKAILANGANG ANG MESSIAS AY TATAWAGING 'ODMAOR' (Tagapamahalang Guro) HULA: 'Sinabi ni YÁOHU UL, sa Hari Ko't Odmaor; Maupo Ka sa kanan Ko, hanggang ang kaaway Mo ay lubos na mapasuko, dahil Iyong matatalo.' - Awit 110:1 KATUPARAN: 'Sapagkat isinilang ngayon sa bayan ni Dóud ang inyong Tagapagligtas, si Molkhiúl YAOHÚSHUA hol-MEHUSHKHÁY.' Lucas 2:11 'Kung gayon, bakit tumawag sa Kanya ng Odmaor si Dóud nang kasihan ito ng 'RÚKHA' (Espiritu)? Ang sabi niya, sinabi ng YÁOHU UL sa aking Odmaor, maupo ka sa Aking kanan, hanggang lubusan Kong mapasuko sa Iyo ang mga kaaway Mo.' - Man-YÁOHU (Mateo) 22:43-45 Sinabi ni R. Rabba Ben Cahana (200-300 BCE) na: ang Ngalan Niya ay 'YÁOHU TZAODOQNU (si YÁOHU UL ang ating Katwiran), at ito'y mapapatunayan na 'Ito ang Kaniyang Ngalan.'' - Jeremiah 23:6 ANG KANYANG TITULO AY KINAKAILANGANG IMMANU-UL (kasama natin ang UL) HULA: 'Kaya nga't si YÁOHU UL na rin ang magbibigay ng palatandaan: Maglilihi ang isang dalaga at manganganak ng lalaki at ito'y tatawaging Immanu-UL.' - Isaias 7:14 KATUPARAN: 'Maglilihi ang isang dalaga at manganganak ng isang lalaki, at tatawagin itong Immanu-UL (ang kahuluga'y kasama natin ang UL).' - Man-YÁOHU (Mateo) 1:23 KINAKAILANGANG ANG MESSIAS AY ISANG PROPETA HULA: 'Kaya pipili Ahnee ng propetang tulad mo, sa Kanya Ko ipasasabi ang ibig Kong sabihin sa kanila.' - Deuteronomio 18:18 KATUPARAN: 'Si Molkhiúl YAOHÚSHUA ang propetang taga Nazareth, Galilea, sagot naman ng karamihan.' - Man-YÁOHU (Mateo) 21:11 Isinulat ni Maimonides sa kanyang liham sa pamayanan ng Yemen na 'ang Messias ay isang napakadakilang Propeta, higit na dakila kaysa sa lahat ng mga propeta maliban kay Mehushúa na ating Guro... Higit na mataas ang Kanyang katayuan kaysa sa alinmang mga propeta at higit na kagalang-galang, maliban kay Mehushúa lamang. Pinagpala Siya ng ating Maykapal, Siya lamang ang binigyan ng katangiang wala kay Mehushúa; sinasabing 'Kagalakan Niya ang tumalima kay YÁOHU UL; hindi Siya hahatol ayon sa nakikita o batay sa narinig sa iba.'' - Isaias 11:3. Kung kaya ang Messias ay may taglay na mga matang nakakikita at taingang nakaririnig. Hinahadlangan nito ang mga taong patuloy na nag-aangkin sa kanilang sarili na sila raw ay Messias, sang-ayon mismo kay Maimonides. Subalit mas paniniwalaan natin nang higit ang sinasabi sa Molyao-Ul o mga Salita ni YÁOHU UL, at pati mga palagay mula sa Targums at iba pang sipi na kasama rito upang magsilbing suporta. Tandaan din natin na sina Mehushúa (Moises) at Caleb ay nanatiling malulusog kahit na sila'y matanda na. Si Molkhiúl YAOHÚSHUA at si Mehushúa ay magkahawig sa ilang bagay: kapuwa silang himalang nailigtas noog panahon ng kanilang kasanggolan, pareho silang propeta, kapuwa silang tagapamagitan, kapuwa silang malapit kay YÁOHU UL, at higit sa lahat, kapuwa silang ginamit ng YÁOHU UL upang iligtas ang sangkatauhan. ANG MESSIAS AY KINAKAILANGANG MAGING ISANG SASERDOTE AYON SA PAGKASASERDOTE NI MELQUISEDEK HULA: 'Si YÁOHU UL ay may pangako na ito'y tiyak na mangyayari, ganito ang Kanyang saysay: Katulad ni Melquisedek, gagawin Kang saserdote na hindi na mawawakasan.' - Awit 110:4 KATUPARAN: 'Mga kapatid sa pananampalataya at kasama sa pagkakatawag ng YÁOHU UL, alalahanin ninyo si Molkhiúl YAOHÚSHUA, na sinugo ng YÁOHU UL upang maging Dakilang Saserdote ng ating pananampalataya.' - Hebreo 3:1 'Gayon din naman, hindi si Molkhiúl YAOHÚSHUA ang nagtaas ng Kanyang sarili sa pagiging Dakilang Saserdote. Siya'y hinirang ng YÁOHU UL na nagsabi sa Kanya, Ikaw ang Aking Anak, Ahnee ang Iyong ABÚ. Sinasabi rin Niya sa ibang bahagi ng Kasulatan, Ikaw ang Saserdote magpakailanman ayon sa pagkasaserdote ni Melquisedek.' - Hebreo 5:5-6 ANG MESSIAS AY KINAKAILANGANG MAGING HUKOM NG LAHAT HULA: 'Dahil si YÁOHU UL ang ating Hukom, Siya ang mamamahala, Siya rin ang Haring sa ati'y magliligtas.' - Isaias 33:22 KATUPARAN: 'Wala Akong ginagawa sa sarili Ko lamang. Humahatol Ahnee ayon sa sinasabi sa Akin ng ABÚ, kaya't matuwid ang hatol Ko; hindi ang sarili Kong kagustuhan ang Aking sinusunod kundi ang kagustuhan ng nagsugo sa Akin.' - Yaokhanam 5:30 ANG MESSIAS AY KINAKAILANGANG MAGING ISANG HARI NG MGA HARI HULA: 'At tungkol sa Akin ang Kanyang sinabi, sa bundok Kong mahal, sa tuktok ng Sion, Aking iniluklok ang Haring marangal.' - Awit 2:6 KATUPARAN: 'Nakasulat sa Kanyang ulunan ang sakdal laban sa Kanya: Ito'y si Molkhiúl YAOHÚSHUA na Hari ng mga Hudio.' - Man-YÁOHU (Mateo) 27:37 KAILANGANG NANANAHAN ANG 'RÚKHA hol-HODSHÚA' SA MESSIAS HULA: 'Mananahan sa Kanya ang 'RÚKHA-YÁOHU,' bibigyan Siya ng katalinuhan at pagkaunawa, ng kaalaman at kapangyarihan, ng karunungan at Takot kay YÁOHU UL.' - Isaias 11:2 KATUPARAN: 'Nang mabinyagan si Molkhiúl YAOHÚSHUA, umahon Siya sa tubig. Nabuksan ang langit at nakita Niya ang 'RÚKHA-YÁOHU,' bumababa sa Kanya, gaya ng isang kalapati. At isang tinig mula sa langit ang nagsabi, 'Ito ang minamahal Kong Anak na lubos Kong kinalulugdan.'' - Man-YÁOHU (Mateo) 3:16-17 KINAKAILANGANG ANG MESSIAS AY MASIGASIG PARA SA GAWAIN NG YÁOHU UL HULA: '...dahil nagsusumigasig Ahnee dahil sa pagmamalasakit Ko sa Iyong Templo, at ang mga upasalang iniuukol nila sa Iyo ay sa Akin bumagsak.' - Awit 69:9 KATUPARAN: 'Gumawa Siya ng isang panghagupit na lubid at ipinagtabuyang palabas ang mga mangangalakal ...alisin ninyo rito ang mga iyan! Huwag ninyong gawing palengke ang bahay ng Aking YÁOHU ABÚ (Ama)!' - Yaokhanam 2:15-17 Mga Hula sa Molyao-Ul Ukol sa Gawain Niyang Pagliligtas KAILANGANG MAUNA ANG BANAL NA MENSAHERO BAGO DUMATING ANG MESSIAS HULA: 'May tinig na sumisigaw: Ipaghanda si YÁOHU UL ng daan sa ilang; isang patag at matuwid na lansangan para sa ating YÁOHU UL.' - Isaias 40:3 KATUPARAN: 'Nang panahong iyon, si Yaokhanam Bautista'y dumating sa ilang ng Judea at nagsimulang mangaral. Sinabi niya, 'Pagsisihan ninyo't talikdan ang inyong mga kasalanan, dahil malapit nang dumating ang Kaharian ni YÁOHU UL.'' - Man-YÁOHU (Mateo) 3:1-2 ANG PAGLILIGTAS NG MESSIAS AY KAILANGANG MAGSIMULA SA GALILEA, ISRAEL HULA: 'Nahawi na ang dilim sa bayang malaon nang namimighati. Sa mga nakaraang araw, inilagay niya sa kahihiyan ang lupain ng Zabulon at panahong ang lupain ng Neftali. Ngunit sa darating, dadakilain Niya ang lupaing ito, mula sa Dagat Meditereneo hanggang sa ibayo ng Jordan, ang Galilea ng mga Hentil.' - Isaias 9:1 KATUPARAN: 'Nabalitaan ni Molkhiúl YAOHÚSHUA na ibinilanggo si Yaokhanam Bautista, kaya't bumalik siya sa Galilea. Ngunit hindi na Siya sa Nazaret nanirahan kundi sa Capernaum. Ang bayang ito'y nasa baybayin ng Lawa ng Galilea, sa mga hangganan ng Zabulon at Neftali. Magmula noon ay nangaral na si Molkhiúl YAOHÚSHUA. Ang sabi Niya, 'Pagsisihan ninyo't talikdan ang inyong mga kasalanan, dahil malapit na ang Kaharian ni YÁOHU UL.'' - Man-YÁOHU (Mateo) 4:12,13,17 KINAKAILANGANG ANG MESSIAS AY MAY KAKAYAHANG GUMAWA NG MGA HIMALA HULA: 'Ang mga bulag ay makakikita, at makaririnig ang mga bingi; katulad ng usa, ang pilay ay lulundag, aawit sa galak ang mga pipi.' - Isaias 35:5-6a KATUPARAN: 'Nilibot ni Molkhiúl YAOHÚSHUA ang mga bayan at nayon at nagturo sa mga sinagoga. Ipinangaral Niya ang Mabuting Balita tungkol sa paghahari ni YÁOHU UL, at pinagaling ang mga maysakit, anoman ang kanilang karamdaman.' - Man-YÁOHU (Mateo) 9;35 Note: Ang Messias na inihula sa Banal na Kasulatan ay may supernatural na kakayahang gumawa ng mga himala, lalo na ang pagpapagaling sa lahat ng uri ng sakit at karamdaman at pagpapalayas ng mga rukot ha raot o masasamang espiritu sa mga sinasapian nito. Isa sa mga titulo ni Molkhiúl YAOHÚSHUA ay 'Dakilang Manggagamot.' Sinomang nag-aangking siya ang Messias subalit nagdurusa naman sa kaniyang sariling karamdaman, na hindi kayang pagalingin ang kanyang sarili, ay hindi maituturing na isang Messias. KAILANGANG ANG MESSIAS AY GUMAGAMIT NG TALINGHAGA HULA: 'Itong Aking sasabihin ay bagay na talinghaga, nangyari pa noong una, kaya ito'y mahiwaga.' - Awit 78:2 KATUPARAN: 'Sinabi ni Molkhiúl YAOHÚSHUA sa mga tao ang lahat ng ito sa pamamagitan ng mga talinghaga at wala Siyang sinabi sa kanila nang hindi gumagamit ng talinghaga.' - Man-YÁOHU (Mateo) 13:34 KAILANGANG ANG MESSIAS AY PUMASOK SA TEMPLO HULA: '...at si YÁOHU UL na inyong hinahanap ay biglang darating sa Kanyang templo...' - Malakias 3:1 KATUPARAN: 'Pumasok si Molkhiúl YAOHÚSHUA sa templo. Ipinagtabuyan Niyang palabas ang mga nagbibili at namimili roon at ipinagtauban ang hapag ng mga mamamalit ng salapi...' - Man-YÁOHU (Mateo) 21:12 SA PAGPASOK SA JERUSALEM, KAILANGANG NAKASAKAY SA ISANG BISIRONG ASNO HULA: 'Sion, magalak ka at magdiwang! Umawit ka nang malakas, O Jerusalem! Dahil ang Hari mo ay dumarating na, mapagwagi at mapagtagumpay. Mapagpakumbaba Siya at nakasakay sa isang bisirong asno.' - Zacarias 9:9 KATUPARAN: 'Dinala nila kay Molkhiúl YAOHÚSHUA ang asno, at matapos isapin sa likod nito ang kanilang mga balabal, Siya'y pinasakay nila. Nagpatuloy si Molkhiúl YAOHÚSHUA sa Kanyang paglalakbay at sa Kanyang daraanan nama'y inilalatag ng mga tao ang kanilang mga balabal. Nang malapit na Siya palusong na sa libis ng mga Olibo...' - Lucas 19:35,36,37a ANG MESSIAS ANG BATONG KATITISURAN NG MGA YAOHUDIM (Israelita) HULA: 'Ang batong natakwil ng nangagtatayo ng tirahang-bahay, sa lahat ng bato'y higit na mahusay.' - Awit 118:2 KATUPARAN: 'Kaya nga, mahalaga Siya sa inyong mga may pananalig. Ngunit sa mga walang pananalig natutupad ang nasa Kasulatan ng mga tagapagtayo ay siyang naging batong panulukan.' - 1 Pedro 2:7 KAILANGANG ANG MESSIAS AY ILAW SA MGA HENTIL HULA: 'Sa ningning na iyong taglay na liwanag, yaong mga bansa, sampu ng mga hari'y lalapit na kusa.' - Isaias 60:3 KATUPARAN: 'Sapagkat ganito ang iniutos sa amin ni YÁOHU UL: Inilagay kita na maging ilaw ng mga Hentil upang maibalita mo ang kaligtasan hanggang sa dulo ng daigdig. Nagalak ang mga Hentil ng marinig ito, at nagpuri kay YÁOHU UL dahil sa salita Niya...' - Mga Gawa 13:47-48a Mga Inihula sa Banal na Kasulatan Patungkol sa Pagkabuhay na Mag-uli ng Messias KAILANGANG MAMATAY ANG MESSIAS ALANG-ALANG SA MAKASALANAN AT MABUHAY NA MAG-ULI HULA: 'Dahil di Mo tutulutang ang mahal Mo ay malagak, sa balon ng mga patay upang doon ay maagnas.' - Awit 16:10 KATUPARAN: '...hindi Siya pinabayaan sa daigdig ng mga patay; at hindi itinulot na mabulok ang Kanyang katawan.' - Mga Gawa 2:31 PAGKATAPOS MABUHAY NA MAG-ULI, ANG MESSIAS AY UMAKYAT SA LANGIT HULA: 'At sa dakong matataas doon Siya nagpupunta...' - Awit 68:18a KATUPARAN: 'Pagkasabi nito, Siya'y iniakyat sa langit samantalang nakatingin sila sa Kanya at natakpan Siya ng ulap.' - Mga Gawa 1:9 ANG MESSIAS AY LULUKLOK SA KANAN NG YÁOHU UL HULA: 'Sinabi ni YÁOHU UL, sa Hari Ko't Odmaor; Maupo ka sa kanan Ko, hanggang ang kaaway mo ay lubos na mapasuko, dahil iyong matatalo.' - Awit 110:1 KAGANAPAN: '...pagkatapos Niyang linisin tayo sa ating mga kasalanan, Siya'y lumuklok sa kanan ni YÁOHU UL, ang makapangyarihan sa lahat.' - Hebreo 1:3 Iba't-ibang lingkod ni YÁOHU UL ang nagpahayag ng ukol sa mga pangyayaring ito, na talaga namang nangyari sa buhay ng Odmorul YAOHÚSHUA noong araw ng Paskuwa, 33 C. E. Nangyari ang lahat ng ito sa iisang araw, araw ng Paskuwa na ipinagdiriwang ng mga mananampalataya kay Molkhiúl YAOHÚSHUA, noong araw ding iyon nang hanguin o iligtas ang mga Israelita at inialis sa Ehipto, sa pamamagitan ni Mehushúa o Mehushúa, yaon din ang unang araw kung saan ipinagdiriwang ang kauna-unahang Paskuwa. Lingid sa kaalaman ng marami, si Molkhiúl YAOHÚSHUA hol-MEHUSHKHÁY ang Siyang nagligtas sa lahat, sa pamamagitan ng pag-aalay ng Kanyang buhay o pagsasakripisyo noong araw ng Paskuwa 33 C. E. Tunay na naisakatuparan ni Molkhiúl YAOHÚSHUA ang pagliligtas sa buong sangkatauhan noong pista ng Paskuwa. Narito pa ang ibang mahahalagang katuparan ng mga inuhula sa Molyao-Ul o Banal na Kasulatan. ANG MESSIAS AY IPINAGKANULO NG ISANG KAIBIGAN HULA: 'Lubos Akong nagtiwala sa tapat Kong kaibigang kasalo Ko sa tuwina't sa anoman ay karamay; ngunit ngayon, lubos siyang naging taksil na kaaway.' - Awit 41:9 KATUPARAN: '...at si Judas Ish-Keriot ang nagkanulo kay Molkhiúl YAOHÚSHUA.' - Man-YÁOHU (Mateo) 10:4 KAILANGANG ANG MESSIAS AY IPAGBILI SA HALAGANG 30 PIRASONG PILAK HULA: 'Sinabi ko sa kanila, 'Kung ibig ninyong ibigay ang sahod ko, salamat; kung ayaw ninyo, huwag.' At binigyan nila ako ng tatlumpung pirasong pilak bilang sahod.' - Zacarias. 11:12 KATUPARAN: 'Ano po ang ibibigay ninyo sa akin kung tulungan ko kayong madakip si Gaúl YAOHÚSHUA? tanong niya. Noon din ay binilangan nila siya ng tatlumpung salaping pilak.' - Man-YÁOHU (Mateo) 26:15 ANG KABAYARAN NG PAGKAKANULO AY INIHAGIS SA TEMPLO NG YÁOHU UL HULA: 'Sinabi sa akin ni YÁOHU UL, ilagay mo iyan sa kabang-yaman ng templo. At gayon nga ang ginawa ko.' - Zacarias. 11:13b KATUPARAN: 'Inihagis ni Judas ang mga salaping pilak sa loob ng templo saka siya umalis at nagbigti.' - Man-YÁOHU (Mateo) 27:5a ANG KABAYARAN NG PAGKAKANULO AY IBINAYAD SA BUKID NG MAGPAPALAYOK HULA: 'Sinabi sa akin ni YÁOHU UL, ilagay mo iyan sa kabang-yaman ng templo. At gayon nga ang ginawa ko.' - Zacarias. 11:13b KATUPARAN: 'Nagkaisa sila na ang salapi ay ibayad sa bukid ng magpapalayok upang gawing libingan ng mga dayuhan.' - Man-YÁOHU (Mateo) 27:2 ANG MESSIAS AY KAILANGANG IWANAN NG KANYANG MGA TAGASUNOD HULA: '...tabak kumilos ka laban sa tagapangalaga ng Aking tupa, laban sa sa Aking Pastol. Patayin mo Siya upang mangalat ang mga tupa lilipulin Ko naman pati maliliit.' - Zacarias. 13:7 KATUPARAN: 'Nagsitakas ang mga alagad at iniwan Siya.' - Marcos 14:50 MGA SAKSING SINUNGALING ANG NAGPARATANG SA MESSIAS HULA: 'Ang mga masama'y nagpatotoo at nagpaparatang ng hindi totoo, sa pagkakasalang walang malay Ahnee.' - Awit 35:11 KATUPARAN: 'Naghahanap naman ang mga punong saserdote at ang buong Sanedrin ng saksing magsisinungaling laban kay Molkhiúl YAOHÚSHUA, upang maipapatay Siya. Ngunit wala silang matagpuan, bagama't maraming humarap at nagsabi ng kabulaanan tungkol sa Kanya.' - Man-YÁOHU (Mateo) 26:59-60 KAILANGANG ANG MESSIAS AY TAHIMIK HABANG PINARARATANGAN HULA: 'Siya ay binugbog at pinahirapan, ngunit di tumutol kahit kaunti man...' - Isaias 53:7 KATUPARAN: 'Ngunit nang paratangan Siya ng mga punong saserdote at ng matatanda ng bayan, hindi na Siya sumagot.' - Man-YÁOHU (Mateo) 27:12 KAILANGANG ANG MESSIAS AY HINAGUPIT AT NASUGATAN HULA: 'Dahil sa ating mga kasalanan kaya Siya nasugatan; Siya ay binugbog dahil sa ating kasamaan. Tayo ay gumaling dahil sa mga sugat na tinamo Niya at sa hampas na Kanyang tinanggap.' - Isaias 53:5; Zac. 13:6 KATUPARAN: 'At pinalaya niya si Barabas, ngunit ipinahagupit si Molkhiúl YAOHÚSHUA at ibinigay sa kanila upang bitayin sa poste.' - Man-YÁOHU (Mateo) 27:26 KAILANGANG ANG MESSIAS AY BINUGBOG AT NILURHAN SA MUKHA HULA: 'Hindi Ahnee tumutol nang bugbugin nila Ahnee, hindi Ahnee kumibo nang Ako'y kanilang insultuhin. Pinabayaan Ko silang bunutin ang buhok Ko at balbas, gayon din nang lurhan nila Ahnee sa mukha.' - Isaias 50:6 KATUPARAN: 'Siya'y nilurhan nila sa mukha at pinagsusuntok. Sinampal naman Siya ng iba at ang sabi, hulaan Mo nga kung sino ang sumampal sa Iyo.' - Man-YÁOHU (Mateo) 26;67 KAILANGANG ANG MESSIAS AY KUTYAIN AT INSULTUHIN HULA: 'Nilalait Ahnee ng lahat ng makakita sa Akin; dinudusta nila Ahnee, at iiling-iling pa ang mga ulo. Nagtiwala Siya sa YÁOHU UL; bayaang iligtas Siya ni YÁOHU UL. Bayaang Siya'y iligtas Niya, yamang nalulugod Siya sa Kanya.' - Awit 22:7-8 KATUPARAN: 'At matapos kutyain, kanilang inalisan Siya ng balabal, sinuotan ng sariling damit at inilabas upang ibitin sa poste.' - Man-YÁOHU (Mateo) 27:31 NANGHINA ANG MESSIAS DAHIL SA PASANG POSTE HULA: 'Mahina na ang tuhod Ko, dahilan sa kagutuman, payat na ang katawan Ko, buto't balat kung pagmasdan. Ang sinomang makakita sa Akin ay nagtatawa, umiiling silang lahat kapag Ahnee ay nakikita.' - Awit 109:24,25 KATUPARAN: 'At lumabas Siya na pasan ang Kanyang poste, patungo sa lugar na kung tawagi'y Dako ng Bungo.' - Yaokhanam 19:17 'Nang dala na nila si Molkhiúl YAOHÚSHUA upang bitayin, nasalubong nila ang isang lalaking galing sa bukid. Ito'y si Simon na taga Cirene. Pinigil nila ito at ipinapasan sa kanya ang poste, kasunod si Molkhiúl YAOHÚSHUA.' - Lucas 23:26 Note: Kailangang ang Messias ay payat at hindi mataba. KAILANGANG ANG MGA KAMAY AT PAA NG MESSIAS AY GINAPOS HULA: 'May pangkat ng mga buhong na sa Aki'y pumaligid, para Ahnee na nasa gitna niyong asong mababangis; mga kamay Ko at paa'y parang gapos na ng lubid.' - Awit 22:16; Zacarias 12:10 KATUPARAN: 'Nang dumating sila sa dakong tinatawag na Bungo binitay nila sa poste si Molkhiúl YAOHÚSHUA, binitay rin ang dalawang salarin, isa sa gawing kanan at isa sa gawing kaliwa.' - Lucas 23:33 ANG MESSIAS AY BINITAY KASAMA NG MGA SALARIN HULA: '...dahil kusang-loob Niyang ibinigay ang sarili at nilasap ang kaparusahan ng masama. Inako Niya ang mga makasalanan at idinalanging sila'y patawarin.' - Isaias 53:12 KATUPARAN: 'Dalawang tulisan ang kasabay Niyang binitay sa poste - isa sa kanan at isa sa kaliwa.' - Man-YÁOHU (Mateo) 27:38 Sa batas ng mga Romano, ang pagbibitin sa punongkahoy ay bahagi na ng kanilang pagpaparusa. Subalit ang pamamaraang inihula kung paano papatayin ang Messias ay naisulat na ng mga propeta makailang daang taon na ang lumipas bago pa dumating ang mga Romano. Nakasulat sa Isaias 53, Awit 2 at Awit 22 kung paanong papatayin ang Messias, pag-aalay ng buhay o pagsasakripisyo para sa kasalanan ng sangkatauhan, ang Kordero sa pista ng Paskuwa. IDINALANGIN NG MESSIAS NA PATAWARIN ANG MGA MAKASALANAN SA KABILA NG KANYANG PAGDURUSA HULA: '...at nilasap ang kaparusahan ng masasama. Inako Niya ang mga makasalanan at idinalanging sila'y patawarin.' - Isaias 53:12 KATUPARAN: '...YÁOHU ABÚ (Ama), patawarin Mo sila, dahil hindi nila alam ang kanilang ginagawa.' - Lucas 23:34 KAILANGANG ANG MESSIAS AY ITAKWIL NG MISMONG KABABAYAN NIYA HULA: 'Hinamak Siya ng mga tao at itinakwil, nagdanas Siya ng sakit at hirap. Wala man lamang nagtapon ng sulyap sa Kanya. Hindi natin Siya pinansin, para Siyang walang kabuluhan.' - Isaias 53:3 KATUPARAN: 'Maging ang mga kapatid ni YAOHÚSHUA ay hindi sumampalataya sa Kanya. Mayroon bang pinuno o Pariseong naniniwala sa Kanya?' - Yaokhanam 7:5,48 ANG MESSIAS AY KINAMUMUHIAN NANG WALANG DAHILAN HULA: 'Ang nangamumuhi nang walang dahilan, higit na marami sa buhok Kong taglay.... - Awit 69:4 KATUPARAN: 'Datapuwat nangyari ito upang matupad ang nasasaad sa kanilang Kautusan: Napoot sila sa Akin nang walang kadahilanan.' - Yaokhanam 15:25 NASAKSIHAN NG KANYANG MGA KASAMAHAN ANG KANYANG PAGKAMATAY HULA: 'Mga kaibiga't mga kapitbahay ay nagsisilayo, ayaw nang dumalaw dahil sa sugat Ko sa Aking katawan; lumalayo pati Aking sambahayan.' - Awit 38:11 KATUPARAN: 'Nakatayo naman sa di kalayuan ang mga kaibigan ni Molkhiúl YAOHÚSHUA, pati ang mga babaing sumunod sa Kanya mula sa Galilea, at nakita rin nila ang mga bagay na ito.' - Lucas 23:49 BAWAT MAKAKITA SA KANYA'Y UMIILING AT TATANGU-TANGO HULA: 'Ang sinomang makakita sa akin ay nagtatawa, umiiling silang lahat kapag Ahnee ay nakikita.' - Awit 109:25 KATUPARAN: 'Nililibak Siya ng mga nagdaraan at tatangu-tango.' - Man-YÁOHU (Mateo) 27:39 MINAMASDAN SIYA NG MGA MANONOOD HULA: 'Ang buto ng katawan Ko, sa masid ay mabibilang, minamasdan nila Ahnee niyang tinging may pag-uyam.' - Awit 22:17 KATUPARAN: 'Ang mga tao'y nakatayo roon at nanonood...' - Lucas 23:35 ANG KANYANG KASUOTAN AY PINAGHATI-HATIAN AT DINAAN SA SAPALARAN HULA: 'Pinaghati-hatian nila ang damit Ko sa katawan, ang hinubad na tunika'y dinaan sa sapalaran.' - Awit 22:18 KATUPARAN: 'Nang maibitin na sa poste ng mga kawal si Molkhiúl YAOHÚSHUA, kinuha nila ang Kanyang kasuotan at pinaghati-hatian ng apat. Kinuha rin nila ang Kanyang tunika; ito'y walang tahi at hinabi nang buo mula sa itaas hanggang sa ibaba. Nag-usap-usap ang mga kawal, huwag nating punitin ito: magsapalaran tayo para malaman kung kanino ito mauuwi...' - Yaokhanam 19:23-24 NAUHAW NG HUSTO ANG MESSIAS HULA: 'Sa halip na pagkain, nang Ahnee ay magutom, ang dulot sa Aki'y mabagsik na lason. Suka at tubig ang pinainom.' - Awit 69:21 KATUPARAN: 'Pagkatapos nito, alam ni Molkhiúl YAOHÚSHUA na naganap na ang lahat ng bagay; at bilang katuparan Kasulatan ay sinabi Niya, 'Nauuhaw Ahnee!'' - Yaokhanam 19:28 SUKA AT APDO ANG PINAIINOM SA KANYA HULA: 'Sa halip na pagkain, nang Ahnee ay magutom, ang dulot sa Aki'y mabagsik na lason. Suka at di tubig ang pinainom.' - Awit 69:21 KATUPARAN: 'Binigyan nila si Molkhiúl YAOHÚSHUA ng alak na hinaluan ng apdo. Ngunit nang matikman Niya ay hindi ininom.' - Man-YÁOHU (Mateo) 27:34 SUMIGAW ANG MESSIAS NA BAKIT SIYA PINABAYAAN SA GITNA NG PAGDURUSA HULA: 'Uli, Uli, bakit Mo Ahnee hinayaan?... - Awit 22:1a KATUPARAN: 'Nang mag-iikatlo ng hapon, sumigaw si Gaúl YAOHÚSHUA, Uli, Uli, lama sabachthani? ibig sabihi'y Uli, Uli bakit Mo Ahnee pinabayaan?' - Man-YÁOHU (Mateo) 27:46 INIHABILIN NG MESSIAS ANG KANYANG KALULUWA SA YÁOHU UL HULA: 'Kupkupin Mo Ahnee at Iyong ingatan, ang pagliligtas Mo sa aki'y pakamtan; Ikaw ang UL, na tapat at tunay.' - Awit 31:5 KATUPARAN: 'Sumigaw nang malakas si Molkhiúl YAOHÚSHUA, ABÚ (Ama), sa mga kamay Mo'y ipinagtatagubilin Ko ang Aking 'RÚKHA!'' - Lucas 23:46 SA KANYANG PAGKAMATAY, KAHIT ISANG BUTO AY DI MAGAGALAW O MABABALI HULA: 'Kukupkupin Siya nang lubus-lubusan, kahit isang buto'y hindi magagalaw.' - Awit 34:20 KATUPARAN: 'Ngunit pagdating nila kay Molkhiúl YAOHÚSHUA at makitang patay na siya, hindi na nila binali ang Kanyang mga binti.' - Yaokhanam 23:46 TIGIB NG HIRAP ANG NARANASAN NG MESSIAS HULA: 'Parang tubig na tumapon, ang lakas Ko ay tumakas, ang lahat Kong mga buto sa wari Ko ay nalinsad; sa dibdib Ko ay naghari ang malaking pagkasindak parang pagkit ang puso Ko, natutunaw naaagnas!' - Awit 34:20 KATUPARAN: 'Subalit inulos ng sibat ng isa sa mga kawal ang tagiliran ni Molkhiúl YAOHÚSHUA at biglang dumaloy ang dugo at tubig.' - Yaokhanam 19:34 INULOS NG SIBAT ANG TAGILIRAN NG MESSIAS HULA: '...sa gayon, pagtingin nila sa kanilang sinibat ay tatangisan nila itong parang kaisa-isang anak o anak na panganay.' - Zacarias 12:10 KATUPARAN: 'Subalit inulos ng sibat ng isa sa mga kawal ang tagiliran ng Molkhiúl YAOHÚSHUA...' - Yaokhanam 19:34 NAGDILIM SA BUONG LUPAIN NOONG SIYA'Y NAMATAY HULA: 'Sa araw na yaon, lulubog sa katanghalian ang araw at magdidilim sa buong maghapon. Akong si YÁOHU UL ang nagsasabi nito.' - Amos 8:9 KATUPARAN: 'Mula sa tanghaling tapat hanggang sa ikatlo ng hapon ay nagdilim sa buong lupain.' - Man-YÁOHU (Mateo) 27:45 INILIBING ANG MESSIAS SA LIBINGANG PAG-AARI NG ISANG MAYAMAN HULA: 'Itinakda sa Kanya ang isang libingan, kasama ng masasama at kasama ng mayayaman sa Kanyang Kamatayan. Siya ay pinatay bagaman wala Siyang ginawang karahasan, o kinasumpungan man ng daya sa Kanyang bibig.' - Isaias 53:9 KATUPARAN: 'Bago magtakipsilim, dumating ang isang mayamang taga-Arimatea, na ang ngala'y Jose...at hiningi ang bangkay ni Molkhiúl YAOHÚSHUA...kaya't kinuha ni Jose ang bangkay at binalot ng mabangong kayong lino. Inilagay niya ito sa sariling libingan na di pa nalalaunang ipinauka niya sa bato...' - Man-YÁOHU (Mateo) 27:57-60 Ang mga pangyayaring ito ay totoong nangyari sa buhay ni Molkhiúl YAOHÚSHUA at hindi nagkataon lamang o kaya'y binalak dahil maraming pangyayari ang hindi Niya saklaw, tulad noong Kanyang pagsilang, pagkakatawang-tao, pagkakanulo sa Kanya, paraan ng Kanyang pagkamatay at ang eksaktong halagang ibinayad sa nagkanulo sa Kanya tulad ng mga inihula ng mga propeta sa Molyao-Ul o Banal na Kasulatan. Mahalaga ring pansinin ang inihula sa Daniel 9:25. Maaaring mangilan-ngilan lang sa mga pangyayari sa Molyao-Ul ang nagkataong nangyari sa ilan subalit ang lahat ng ito ay nangyari sa Gaúl YAOHÚSHUA, LAHAT ng inihula sa tamang panahon ay nangyari o nagkatotoo. Isang impostor ang nag-aangking siya raw ang Messias na hindi naman dumating sa tamang panahong itinakda na nakasaad sa mga inihula sa Molyao-Ul. Walang sinoman ang nabuhay sa buong kasaysayan ng mundo ang nakatupad maging kalahati nito. Si Molkhiúl YAOHÚSHUA hol-MEHUSHKHÁY lamang ang 100% na nakatupad ng lahat ng mga inihula sa Molyao-Ul, tanging Siya lamang, wala nang iba! Sa mga ibig maniwala walang katibayan ang kailangan, subalit doon sa mga hindi ibig maniwala at di ibig tumanggap ng katotohanan ay walang sapat na katibayan! Hindi dahil sa anumang argumento o mga puna kung kaya nabubuo ang katotohanan kundi sa pamamagitan ng kaliwanagang ibinigay ni YÁOHU UL sa bawat isa dahil sa Kaniyang mayamang habag at awa. Sa pamamagitan lamang ng Kaniyang pag-ibig, habag at awa sa patnubay ng RÚKHA-YAOHÚSHUA. Totoong si Molkhiúl YAOHÚSHUA ang nag-iisang Messias na kung saan makasisigurado ka sa iyong pananampalataya, kaligtasan, kalayaan, kapatawaran at katubusan. Siya lamang ang tanging ligtas at pangwalang hanggang batayan na dapat sampalatayanan. Sinabi ni Molkhiúl YAOHÚSHUA, 'Ahnee ang Daan, ang Katotohanan at ang Buhay; walang makapupunta sa YÁOHU ABUHÚL kundi sa pamamagitan Ko!' - Yaokhanam 14:6 Basahin natin ngayon ang ibang nasasaad sa Tanakh o Banal na Kasulatan at pansinin ang pagkamatay ni Molkhiúl YAOHÚSHUA, namatay Siya sa ikapagpapatawad ng ating mga kasalanan at ito'y nakasulat ng ilang daang taon bago Siya isinilang: Uli, Uli, bakit Mo Ahnee binayaan? Masidhi ang pagtaghoy Ko upang Ahnee ay tulungan, ngunit hindi dumarating ang saklolong hinihintay. Araw gabi'y dumaraing, tumatawag Ahnee, O Uli, hindi Ahnee mapanatag, di ka pa rin sumasagot. Ikaw yaong panuntungang tanging Banal, walang iba, dinadakila ng Yaoshorul (Israel), pinupuri sa tuwina; sa Iyo ang lahi nami'y nagtiwala at umasa, nagtiwala silang lubos, iniligtas Mo nga sila. Noong sila ay tumawag ang panganib ay nawala, lubos silang nagtiwala at di naman napahiya. Tila ahnee ay isang uod at hindi na isang tao, kung makita'y inuuyam, nagtatawa kahit sino; bawat taong makakita'y umiiling, nanunukso, palibak na nagtatawa't sinasabi ang ganito: 'nagtiwala Siya kay YÁOHU UL ngunit hindi Siya pansin, kung talagang minamahal, bakit hindi intindihin? Noong ahnee ay iluwal, Ikaw o YÁOHU UL ang patnubay, magmula sa pagkabata, Ahnee ay Iyong iningatan; kaya naman mula noon, sa Iyo na umaasa. Sapul noon, Ikaw na lang ang UL na kinilala.' Huwag Mo Ahneeng lilisanin, huwag Mo Ahneeng tatalikdan, dahil walang sasaklolo sa panganib na daratal. Akala mo'y mga toro, pumaligid sa kaaway, mabangis na mga hayop na balitang turong-Basan; parang leong naninila, walang tigil ang atungal. Parang tubig sa dibdib Ko ay naghari ang malaking pagkasindak parang pagkit ang puso ko, natutunaw naaagnas! Itong aking lalamunan tuyong abo ang kapara, ang dila ko'y dumidikit sa bubong ng ngala-ngala, sa alabok, halos patay na ako ay iniwan. May pangkat ng mga buhong na sa Aki'y pumaligid, para Ahneeng nasa gitna niyong asong mababangis; mga kamay Ko at paa'y parang gapos na ng lubid. Ang buto ng katawan Ko, sa masid ay mabibilang, minamasdan nila Ahnee niyong tinging may pag-uyam. Pinaghati-hati nila ang damit Ko sa aking katawan, ang hinubad na tunika'y dinaan sa sapalaran. Huwag Mo akong ulilahin, huwag talikdan, YÁOHU UL, O Aking Tagapagligtas, bilisan Mo ang pagtulong. Huwag Mo akong babayaang sa talim ay mapahamak, at sa mga asong iyon, ang buhay ko ay iligtas. Sagipin sa mga leon, iligtas Mo at ingatan, wala Ahneeng magagawa, sa harap ng torong-ligaw. Ang lahat ng ginawa Mo'y ihahayag Ko sa lahat, sa gitna ng kapulunga'y pupurihin kitang ganap. Purihin si YÁOHU UL ng lahat ang kanyang lingkod, Siya'y inyong dakilain, kayong angkan ni YÁOHU-caf; ikaw bayan ng Israel ay sumamba at maglingkod. Hindi Siya tumatangging tangkilikin ang mahirap, handa Siyang sumaklolo, hindi Siya umiiwas; tinutugon agad Niya yaong mga kapus-palad. Ginawa Mo'y sasambitin sa dakilang kapulungan sa harap ng masunuring mga lingkod Mong hinirang, ang handog na panata Ko ay doon Ko iaalay. Magsasawa sa pagkain yaong mga nagdarahop; aawit ng pagpupuri ang kay YÁOHU UL ay dudulog; buhay nila ay uunlad, sasagana silang lubos. Sa dakilang YÁOHU UL, ang lahat ay magbabalik, ang lahat ng mga lahi ay sasambang may pag-ibig. Si YÁOHU UL ay UL, Hari Siya ng nilikha, maghahari sa daigdig, sa lahat ng mga bansa. Mangangayupapang lahat ang palalo't mayayabang ang lahat ng mga tao ay yuyuko sa Maykapal, ang narito sa daigdig na nilikhang mamamatay. Maging lahing susunod pa ay sasamba't maglilingkod, at mayroong mangangaral sa kanila tungkol kay YÁOHU UL. Sa lahat ng isisilang pa'y ganito ang ihahayag, 'Sa hinirang Niyang bansa ay si YÁOHU UL ang nagligtas.' - Tehilim o Awit 22, Tanakh. 'Sinong naniniwala sa aming mensahe at kanino ipinahayag ni YÁOHU UL ang Kaniyang Sarili? Siya'y lumaki tulad ng isang usbong at tulad ng isang ugat mula sa tuyong lupa. Wala Siyang angking kagandahan o katangiang makatawag pansin, wala Siyang taglay na pang-akit para lapitan Siya. Siya'y itinakwil at hinamak ng mga tao, nagdanas ng sakit at hirap. Hindi man lang Siya pinapansin, para Siyang walang kabuluhan, tiniis Niya ang hirap na tayo dapat ang magbata, Siya ay binugbog dahil sa ating kasamaan, dahil sa ating mga kasalanan kaya Siya nasugatan, subalit inakala pa nating pinabayaan Siya ni YÁOHU UL subalit tayo ay nagkamit ng kapatawaran noong Siya'y ibinitin, tayo ay gumaling dahil sa pahirap na tinamo Niya, sa hampas na Kaniyang tinanggap tayo ay gumaling at nagkaroon tayo ng kapayapaan ng isip. Tayong lahat ay parang mga tupang naligaw, nagkanya-kanya tayo ng lakad ngunit inibig ni YÁOHU UL na sa Kaniya ipataw ang parusang tayo ang dapat tumanggap. Siya ay binugbog at pinahirapan, ngunit di tumutol kahit kaunti man; tulad ng korderong hatid sa patayan, parang mga tupang hindi tumututol kahit na gupitan, ni hindi umimik kahit gaputok man. Siya'y hinuli at hinatulan. At sinong mangangahas na Siya'y ipagsanggalang? Dahil Siya talaga ay inihiwalay sa mga buhay; Siya ay pinatay dahil sa sala ng sangkatauhan. Siya'y inilibing kasama ng masasama at mayayaman, bagaman wala Siyang kasalanan o nagsabi man ng kasinungalingan. Subalit kagustuhan ni YÁOHU UL ang paghihirap Niya, inihandog Niya ang Kaniyang sarili upang sa pamamagitan noon ay magkaroon ng kapatawaran, dahil dito'y mabubuhay Siya nang matagal, makikita ang lahing susunod sa Kanya. At sa pamamagitan Niya'y maisasagawa ang Aking panukala. Pagkatapos ng pagdurusa, lalasap Siya ng ligaya, malalaman Niyang hindi nawalan ng kabuluhan ang Kanyang pagtitiis. Ang Aking tapat na Lingkod at lubos Kong kinalulugdan ang siyang tatanggap sa parusa ng marami at alang-alang sa Kanya sila'y Aking parurusahan. Dahil dito Siya'y Aking pararangalan, kasama ng mga dakila; dahil kusang-loob Niyang ibinigay ang sarili at nilasap ang kaparusahan ng masasama. Pinasan Niya ang mga makasalanan at idinalanging sila'y patawarin.' - Isaias 53 Tanakh o Banal na Kasulatan Paalala: Ang sinasabing 'Tapat na Lingkod' ay hindi kailanman tumutukoy sa Israel dahil hindi inako ng Israel ang kasalanan ng lahat ng tao, kundi ang kani-kanilang kasalanan lamang. Ang hol-MEHUSHKHÁY lamang ang siyang naghandog ng Kanyang buhay upang mapatawad ang lahat ng tao. Basahing mainam - sinabi ni YÁOHU UL: 'Ang lunsod na ito at ang iyong mga kababayan ay binigyan ng 490 taon upang tigilan ang pagsalangsang, layuan ang kasamaan at pagsisihan ang kasalanan. Pangkatapos, iiral na ang katarungan at magaganap na ang kahulugan ng pangitain. Itatalaga na ang Dakong Kabanal-banalan.' 'Unawain mo ito: mula sa pagkabigay ng utos na muling itindig ang Jerusalem hanggang sa pagdating ng hol-MEHUSHKHÁY na hinirang ng YÁOHU UL ay lilipas ang apatnapu't siyam na taon. Muling itatayo ang Jerusalem. Aayusin ang mga lansangan at muog at mananatiling gayon sa loob ng 434 na taon. Ngunit ang panahong iyon ay paghaharian ng kaguluhan. Pagkalipas ng 434 na taon, ang hol-MEHUSHKHÁY ay papatayin. Ang Lunsod ng Templo'y wawasakin ng hukbo ng isang makapangyarihang hari. Ang pagkawasak ay darating na parang baha at magkakaroon ng digmaan hanggang sa wakas na itinakda ni YÁOHU UL. Ang pinunong ito ay gagawa ng isang matibay na pakikipagkasundo sa makapal na tao sa loob ng pitong taon. Pagkaraan ng tatlong taon at kalahati, pipigilin niya ang paghahandog. Itataas niya sa templo ang kalapastangang Walang Kapantay at mananatili siya roon hanggang sa ang naglagay sa kanya ay parusahan ni YÁOHU UL ayon sa itinakda sa kanya.' - Daniel 9:24-27, Tanakh o Banal na Kasulatan Paalala: Ang unang 'pito' ay katumbas ng pitong taon. Ang ibig sabihin ng 'BCE' ay 'Before Common Era.' Simula nang ibigay ni Artaxerxes kay Nehemias ang utos na muling itayo ang templo ng Jerusalem noong Nisan 1, 444 BCE (Nehemias 2:1-8) hanggang Nisan 10, 33 CE (Common Era), ang araw nang pumasok si Molkhiúl YAOHÚSHUA sa Jerusalem na sakay ng isang bisirong asno ay katumbas sa inihula ni Daniel. Sinumang nag-aangking siya raw ang Messias at hindi naman saklaw ng panahon na nabanggit sa Daniel ay isang impostor na Messias! Tiyak na tinutukoy si Molkhiúl YAOHÚSHUA sa mga hula mula sa YÁOHU UL, ang Maykapal, na nakasulat sa Tanakh o Banal na Kasulatan, siyang Tunay, Totoo, walang katulad at genuine na hol-MEHUSHKHÁY o Messias. Walang ibang tao ang nagtataglay ng mga katangiang kailangan noong nakaraan, sa kasalukuyan at maging sa hinaharap. 'Sa Molkhiúl YAOHÚSHUA lamang matatagpuan ang kaligtasan, dahil sa silong ng langit ang Kanyang Ngalan lamang ang ibinigay ni YÁOHU UL sa ikaliligtas ng tao.' - Mga Gawa 4:12 Banal na Kasulatan 'At kung paanong itinaas ni Mehushúa ang ahas doon sa ilang gayon din naman, kailangang itaas ang hol-MEHUSHKHÁY (Messias), upang ang sinomang sumampalataya sa Kanya ay magkakaroon ng buhay na walang hanggan. 'Gayon na lamang ang pag-ibig ni YÁOHU UL sa sanlibutan, kaya ibinigay Niya ang Kaniyang bugtong na Anak, upang ang sumampalataya sa Kaniya ay hindi mapahamak, kundi magkaroon ng buhay na walang hanggan. 'Sapagkat sinugo ni YÁOHU UL ang Kaniyang Anak, hindi upang hatulang maparusahan ang sanlibutan, kundi upang iligtas ito sa pamamagitan Niya.' 'Hindi hinatulang maparusahan ang nananampalataya sa bugtong na Anak ni YÁOHU UL ngunit hinatulan nang parusahan ang hindi nananampalataya sa Kanyang Ngalan.' 'Hinatulan sila dahil naparito sa sanlibutan ang Ilaw, ngunit inibig pa ng mga tao ang dilim kaysa liwanag, dahil masama ang kanilang gawa. Ang gumagawa ng masama ay ayaw sa Ilaw, at hindi lumalapit dito upang hindi mahayag ang kanyang mga gawa. Ngunit ang namumuhay sa katotohanan ay lumalapit sa Ilaw, sa gayon, nahahayag na ang kanyang mga ginagawa'y pagsunod kay YÁOHU UL.' - Yaokhanam 3:14-21 Ang pinakamahalagang katangian ng hol-MEHUSHKHÁY YAOHÚSHUA na siguradong Siya nga ang tunay na Messias ay ang Kaniyang pagiging walang kasalanan, ang kalinisang moral at ang pagsunod sa lahat ng ipinag-uutos ni YÁOHU UL! Ang ibang impostor na Messias ay nagkakasala mula noong sila'y isilang hanggang sa kanilang kamatayan. Walang ibang namuhay nang walang sala, malinis, dalisay na pamumuhay sa lupa kundi si Molkhiúl YAOHÚSHUA hol-MEHUSHKHÁY lamang! Ito ang panghuling acid test ng Kanyang pagiging hol-MEHUSHKHÁY o Messias. Walang anomang rebulto o impostor kaya ang nagtataglay ng ganitong napakahalagang katangian ng isang hol-MEHUSHKHÁY. Si Molkhiúl YAOHÚSHUA lamang ang hindi nagkasala, Siya'y walang kasalanan. Siya ay ganap o perfect sa lahat ng bagay: sa pananalita, sa asal, pag-iisip, paniniwala, ugali, kalusugan, pangangatawan, karunungan, pag-ibig. Totoo na si Molkhiúl YAOHÚSHUA hol-MEHUSHKHÁY lamang ang tangi at nag-iisang hol-MEHUSHKHÁY! Para sa anomang karagdagan kaliwanagan patungkol kay YÁOHU UL at Molkhiúl YAOHÚSHUA, kayo po ay inaanyayahang magkaroon ng sipi ng mga sumusunod na babasahing YAOHÚSHUA: 'YAO-HOO-SHUA' - Ang Totoong Messias Walang-Bayad na Kaloob sa Iyo Kagulat-gulat Ngunit Katotohanan YAOHÚSHUA sa Walang-Hanggang Triune Mga Pagbubunyag ni Molkhiúl YAOHÚSHUA YAOHÚSHUA - Ang Dakilang Manggagamot at Tagapagpalaya YAOHÚSHUA - Pakikitungo sa mga Authorities & Subordinates Higit na marami pang nakakagulat at pagsisiwalat ng katotohanan sa mga walang-bayad na babashing mga ito na tiyak na makatutulong sa inyong paglago at pananampalataya sa Maykapal, YÁOHU UL, ang Hodshúa o Banal ng Israel, at ang Tagapagligtas na si YAOHÚSHUA. Tiyakin lamang na magkaroon kayo ng mga sipi nito sa lalong madaling panahon, upang makatulong sa inyong paglagong rukhaol o espirituwal at makatulong rin sa inyong kaliwanagan at pagkaunawa. Tiyak na kailangan mong malaman ang bawat nilalaman ng mga siping ito. Maaari rin po kayong lumiham upang magkamit nito ng walang bayad. Nawa'y palagian kayong biyayaan ni YÁOHU UL ng kaliwanagan, kahayagan, kaalaman, insight, discernment at pagkaunawa sa rukhaol (espitritwal) na bagay, ayon sa Kanyang mayayamang habag, awa at pag-ibig, ngayon at magpawalang hanggan. Ang lahat ng ito ay ibinibigay sa inyo sa paggagabay at pagtuturo ng 'RÚKHA-YAOHÚSHUA' na pinaniniwalaan nating palagiang naggagabay sa atin tungo sa katotohanan, na naghayag ni Molkhiúl YAOHÚSHUA sa atin, at siyang tumutulong sa pang-araw-araw na paglakad sa larangang espirituwal patungo sa kabuoang pag-ibig at pagtitiwala kay YÁOHU UL, ang ating Maykapal. Kayong lahat ay malaya na ngayon sa anomang uri ng panlilinlang, pandaraya at gawa ng kaaway! Kayo ngayon ay nasa Liwanag - kaliwanagan ng buhay - Molkhiúl YAOHÚSHUA! 'Sa Ngalang YAOHÚSHUA, ang lahat ng tuhod ay luluhod, sa langit, sa lupa at sa ilalim ng lupa, at lahat ng dila ay magsasabing si Molkhiúl YAOHÚSHUA hol-MEHUSHKHÁY ang Pinunong dapat tupdin ng lahat, sa ikaluluwalhati ni YÁOHU UL sa langit!' Ngayon, aming kayong tinatalian sa pagsunod, pagluhod at ganap na pagpapasakop kay Molkhiúl YAOHÚSHUA hol-MEHUSHKHÁY at kinakalagan mula sa lahat ng uri ng pandaraya, pambibihag kasinungalingan at lahat ng gawa ni satir at ng kanyang masasamang espiritu, sa pamamagitan ng 'DAM' o dugo ni Molkhiúl YAOHÚSHUA hol-MEHUSHKHÁY at ng Kaniyang Ngalang - YAOHÚSHUA! You are free, you are delivered and you are whole! Tayo ay nagpapasalamat at nagpupuri kay YÁOHU UL dahil sa Kaniyang mayamang habag, awa, pag-ibig at karunungan na patuloy Niyang ibinibigay sa BAWAT isa sa atin! Si YÁOHU UL ay Pag-ibig. OL SHÚAM GAÚL YAOHÚSHUA hol-MEHUSHKHÁY, am-nám! ============================ Naniniwala po kami dahil sa mayamang awa at habag ni YÁOHU UL, na ang 'RÚKHA-YAOHÚSHUA' ang ngayon at palagiang nagbibigay liwanag sa inyong isipan, nagtuturo, nagdadala patungo sa katotohanan, umaagapay at nagpapaala-ala ng mga Molyao-Ul na sinabi ni Molkhiúl YAOHÚSHUA, na siyang nagpapakilala sa bawat isa inyo sa tunay na Messias, si Molkhiúl YAOHÚSHUA at palagiang tinitiyak ni YÁOHU UL na magkakabisa ang bawat salita na kanyang sinabi, kasama na rin ang gawain ng 'RÚKHA-YAOHÚSHUA na paggigiyagis sa inyong mga puso patungkol sa kasalanan, katwiran at kahatulan, habang tinatalian namin ang bawat isa sa inyo sa pagsunod at lubusang pagtalima kay Molkhiúl YAOHÚSHUA hol-MEHUSHKHÁY, at ang lahat ay magsabi ng am-nám! Tandaan, ang lahat ng tuhod ay kinakailangang lumuhod sa Ngalang YAOHÚSHUA at lahat ng labi ay magsasabing si YAOHÚSHUA ang Odmorul ng lahat, sa ikaluluwalhati ni YÁOHU UL na Makapangyarihan! At anoman ang talian namin dito sa lupa ay tatalian rin sa langit! 'Naparito ang Anak ni YÁOHU UL upang wasakin ang mga gawa ng diyablo!' - 1 Yaokanam 3:8, Banal na Kasulatan. Kayo'y amin ngayong kinakalagan mula sa yaohod (lahat) ng uri pagkakabihag ni ha-satán at ng kanyang mga kampong mga masasamang espiritu ng pagkalito, mga masasamang espiritu ng kasinungalingan, nambibihag na mga rukot ha-raot, at amin ngayong pinatitigil, pinapalayas at winawalang-bisa ang lahat ng uri ng masasamang impluwensiya, mga kasinungalingan, mga kapangyarihan at pinalalaya mula sa pagkakabihag ng mga rukot ha-raot! At tinatalian namin kayo sa lubusang pagsunod at pagtalima kay Molkhiúl YAOHÚSHUA ngayon at magpakailanman! Anoman ang aming kalagan dito sa lupa at kakalagan rin sa langit, anoman ang aming talian dito sa lupa ay tatalian rin sa langit! OL SHÚAM GAÚL YAOHÚSHUA hol-MEHUSHKHÁY, am-nám! Tandaan na si Molkhiúl YAOHÚSHUA ang Siyang namatay para sa ikapagpapatawad ng inyong mga kasalanan at hindi ang anomang relihiyon. Hindi Tagapagligtas ang relihiyon. Si Molkhiúl YAOHÚSHUA hol-MEHUSHKHÁY lamang ang nag-iisa at ang tanging Messias na Siyang makatutulong, makapagpapalaya, makapagpapagaling at makapagliligtas sa bawat isa. Dahil ang sandata ng aming pakikibaka ay hindi ukol sa laman kundi ang mga ito'y may kapangyarihan sa pamamagitan ni YÁOHU UL Gabór (Mandirigma) na gumiba ng mga kuta ng kaaway. Ating binubuwag ang bawat maling pangangatuwiran at bawat bagay na nagmamatayog laban sa karunungan ni YÁOHU UL KAOKÁM, at ating binibihag ang bawat pag-iisip upang ipasakop kay Molkhiúl YAOHÚSHUA. At atin na ngayong pinagwagian si ha-satán, sa pamamagitan ng 'DAM' (dugo), at ng pananalita, at dahil sa ating sinagupa na nga si ha-satán, siya'y lumayas na mula sa lahat ng Yaohúshuahim, at tayo'y higit pa sa mapagwagi! Maraming papuri at pasasalamat kay YÁOHU UL GAVÓHA (Pinakamataas) na Siyang tumiyak na tayo'y palagiang nagwawagi kaisa ni Molkhiúl YAOHÚSHUA. Hindi natin pinapayagang nakawin sa anomang paraan ni ha-satán ang mga Salita ni YÁOHU UL na ngayo'y natanim sa inyong mga puso't isipan, magpakailanman! Anomang hindi natin payagan dito sa lupa ay hindi papayagan sa langit. OL SHÚAM GAÚL YAOHÚSHUA hol-MEHUSHKHÁY, am-nám! ======================= PANALANGIN NG PAGSISISI NG MAKASALANAN Ngayon na kayo ay sumasampalataya na sa Kanyang Ngalan at tinanggap ang tunay na Messias lakip ng mga katotohanang mula sa kanya, sabihin, bigkasin, uulitin ko pong muli, kailangang inyong bigkasin ng taus puso ang panalanging ito: YÁOHU UL na sumasalangit, ang UL ni Abruhám, YÁOHUtz-kaq at YÁOHU-caf, akin po Kayong kinikilala ngayon, inaamin at sinasampalatayanan bilang aking nag-iisang totoong Manlilikha, Maykapal at wagas na Makapangyarihan sa yaohod (lahat); Kayo po si YÁOHU UL, ang Banal ng Israel, na Siyang aking pinagmulaan at iisang Maykapal; Inaamin ko po sa Inyong harapan ngayon, na ahnee ay labis na nagkasala laban sa Inyo at ngayo'y humihingi ng kapatawaran, habag, awa at paglilinis mula sa yaohod ng aking mga nagawang kasamaan, at sa mga labis-labis na paglabag sa Inyong mga kautusan; Hugasan Nyo po ahnee ngayon sa pamamagitan ng banal na 'DAM' o dugo ni Molkhiúl YAOHÚSHUA hol-MEHUSHKHÁY; Akin po ngayong ginagawa at kinikilalang nag-iisang pansarili kong Molkhiúl (Tagapamuno) at Mihushuayao (Tagapagligtas) ngayon at magpakailanman ang Gaúl (Manunubos) YAOHÚSHUA hol-MEHUSHKHÁY, ang Inyong Messias na isinugo; Naniniwala po ahnee na walang ibang ngalan sa silong ng langit ang Inyong ibinigay upang ikaligtas ng tao maliban sa Ngalang YAOHÚSHUA hol-MEHUSHKHÁY; at YÁOHU UL ang Inyong iisang Ngalan na aming gugunitain at itatawag sa Inyo sa yaohod ng salinlahi, ayon sa mga nakasulat sa Inyong Banal na Kasulatan; Naniniwala po ahnee na si Molkhiúl YAOHÚSHUA hol-MEHUSHKHÁY ay namatay bilang aking kahalili at kapalit, Siya na walang kasalanan ay hinatulang masama upang ahnee naman na makasalanan ay maituring na matuwid sa Inyong paningin, sa aking pagsampalataya kay Molkhiúl YAOHÚSHUA hol-MEHUSHKHÁY; Naniniwala po ahnee na si Molkhiúl YAOHÚSHUA hol-MEHUSHKHÁY ay namatay para sa akin, inilibing, nabuhay na mag-uli, umakyat sa langit, ngayo'y nakaupo sa kanan ni YÁOHU UL, at muling magbabalik, di maglalaon, upang maghari't hatulan ang mga makasalanan; Naniniwala po ahnee sa muling pagkabuhay ng mga matuwid tungo sa buhay na walang hanggan sa piling Ninyo; at ang mga masasama naman ay tungo sa walang hanggang kaparusahan; Akin pong hinihiling ngayon at tinatanggap ang 'RÚKHA YAOHÚSHUA' sa aking puso, upang ahnee ay turuan, dalhin sa ganap na katotohanan, tulungan at paalalahanan, ngayon at magpakailanman; kasama na rin ang pagbibinyag sa 'RÚKHA-YAOHÚSHUA' at ang mga biyayang mula sa Kanya, na akin ring hinihiling at tinatanggap ngayon ng may buong pananalig at pasasalamat sa Inyo, YÁOHU Ulhím. Maraming salamat po sa Inyong kapatawaran, habag, awa at paglilinis, pagbibinyag sa 'RÚKHA-YAOHÚSHUA' at ang mga biyayang ibinigay, na akin na ngayong tinatanggap ng may ganap na pananalig at pasasalamat; Nakasulat po na sinomang tumawag sa Inyong tunay na Ngalang YÁOHU UL ay maliligtas; at ito po'y aking taus-pusong pinaniniwalaan; Ginagawa ko po ang yaohod (lahat) ng ito ngayon sa Ngalan ni Molkhiúl YAOHÚSHUA hol-MEHUSHKHÁY, am-nám! ======================== Ngayon ikaw ay malaya na at ganap na! Ngayon, luwalhatiin natin si YÁOHU UL, magkasama nating itaas ang Kanyang Ngalan! Simulan mo ngayon ang iyong bagong buhay na kasama si YÁOHU ABÚ (Ama) sa pamamagitan ng pagsasabi sa iba tungkol sa Kanyang PAG-IBIG at sa Kanyang NGALAN at magsimulang ibigin at tulungan ang iyong kapuwa! 'Ibigin mo si YÁOHU UL ng buong puso, buong kaluluwa, buong kakayahan at buo mong pag-iisip!' at 'Ibigin mo ang iyong kapuwa tulad ng iyong pag-ibig sa iyong sarili!' Hindi namin ipinakikilala sa inyo ang aming mga sari-sarili, ni ang aming Samahan man, kundi ang mga PERSONA ni YÁOHU ABUHÚL, Molkhiúl YAOHÚSHUA, at ang 'RÚKHA-YAOHÚSHUA' - ang Tatlong Persona sa iisang Ulong-Maykapal! Kami nama'y mga walang-kabuluhang alipin lamang ni Molkhiúl YAOHÚSHUA, na Siyang tumubos sa amin, at ginagawa lamang namin ang nararapat naming gawain bilang paglilingkod ng pag-ibig sa Kanya. Kami'y mga dati ring mga makasalanang nakakilala, nanalig at tumanggap kay Molkhiúl YAOHÚSHUA hol-MEHUSHKHÁY! Marami ang naniniwala, ngunit ang higit na mahalaga ay ang tanggapin Siya sa puso at magpasakop sa Kanyang mga alituntunin, bilang Kanyang mga alagad o mag-aaral. Sa mga nais tumanggap ng 'Pagbibinyag sa 'RÚKHA-YAOHÚSHUA'' narito ang isang mainam na paraan ng pananalangin upang ito'y makamit, ayon sa yaman ng habag, pag-ibig at biyaya ni YÁOHU UL sa inyong mga sumasampalataya kay Molkhiúl YAOHÚSHUA hol-MEHUSHKHÁY. Idalangin ang mga sumusunod: ============================= DALANGIN UPANG TUMANGGAP NG PAGBIBINYAG SA 'RÚKHA-YAOHÚSHUA' YÁOHU ABÚ, sumasalangit Ka, sambahin ang Ngalan Mo, mangyari ang ibig Ninyo, dito sa lupa gaya ng sa langit; Sinabi po ninyo na ang kaloob o regalo ng 'RÚKHA-YAOHÚSHUA' ay nakalaan para aming mga sumasampalataya kay Molkhiúl YAOHÚSHUA hol-MEHUSHKHÁY, at ibinibigay po naman ng 'RÚKHA-YAOHÚSHUA' sa amin ayon sa Kanyang nilalayon sa katawan ni Molkhiúl YAOHÚSHUA na Siyang aming Oholyao; Akin pong hinihiling ngayon na ahnee ay binyagan Ninyo sa 'RÚKHA-YAOHÚSHUA' upang ahnee ay mapuspos ng kapangyarihang magpatotoo ukol sa Inyo at sa Mainam na Mensahe, at akin rin Kayong mapaglingkuran ng buong kakayahang sa Inyo lamang nagmumula; Sinabi po ninyo na Kayo ang UL ng 'am-nám' at 'oo' sa yaohod ng Inyong mga ipinangako sa nakasulat, kaya't akin na pong tinatanggap ngayon pa man ang pagbibinyag sa 'RÚKHA-YAOHÚSHUA' ng may ganap na pananalig, pagtitiwala at pananampalataya na Inyong iginagawad, ayon sa yaman ng Inyong pag-ibig, pagpapala at habag sa aming Inyong mga anak na dalisay Ninyong iniibig; Ibinibigay ko sa Inyo ang taus-pusong pasasalamat, papuri, parangal, pagdadakila at pagsamba, ngayon at magpakailanman. OL SHÚAM GAÚL YAOHÚSHUA hol-MEHUSHKHÁY, am-nám! ============================= Maniwala kayong inyo nang tinanggap at magsimulang kumilos at tumahak ayon sa kapangyarihan at kung ano mang kaloob ang ipinasya at ibinigay sa inyo ngayon, ayon sa nakasulat sa 1 Corinto Chapter 12 sa Banal na Kasulatan. Maging mapaniwalain kayo sa nakasulat at huwag maging mapag-alinlangan! You are believers, and NOT doubters! Ang mahigpit na kalaban ng pananampalataya sa puso't isipan ninoman ay ang 'doubt' o pag-aalinlangan. Nakasulat na sinomang nagdadala-dalawang isip ay walang tatanggaping anoman mula kay YÁOHU UL - Santiago (YÁOHU-caf) 1:6-8. You must always believe! Palagiang paniwalaan at angkinin ang mga nakasulat at iwinaksi na nga ninyo ang pagiging mapag-alinlangan, ngayon at magpakailanman! Tandaan, kapag nakasulat, paniwalaan! Wala nang pag-aagam-agam o pagdadala-dalawa pa.... You are believers, you are NOT doubters! Kayo ang mga nananalig, hindi ang mga mapag-alinlangan! Sapagkat ang sandata ng ating pakikibaka ay hindi ukol sa laman, kundi ang mga ito'y may kapangyarihan sa pamamagitan ni YÁOHU UL GABOR (Mandirigma) na gumiba ng mga kuta ng kaaway. Ating binubuwag ang bawat maling pangangatuwiran at bawat bagay na nagmamatayog laban sa karunungan ni YÁOHU UL KAOKÁM, at ating binibihag ang bawat pag-iisip upang ipasakop kay Molkhiúl YAOHÚSHUA. Naniniwala po kami na ang 'RÚKHA-YAOHÚSHUA' ang ngayon at palagiang nagbibigay sa bawat isa sa inyo ng liwanag, karunungan, kaalaman, unawa, paghahayag, katotohanan, pananalig at kapakumbabaan, at Siya rin ang palagiang nagdadala sa inyo sa buong katotohanan, nagtuturo sa inyo, umaagapay at nagpapaala-ala ng mga Salita ni Molkhiúl YAOHÚSHUA hol-MEHUSHKHÁY, kasama na rin ang gawain ng 'RÚKHA-YAOHÚSHUA' sa pag-gigiyagis sa inyong puso ukol sa kasalanan, katuwiran at kahatulan, ngayon at palagian, ayon sa yaman ng pag-ibig, habag, biyaya at pagpapala ni YÁOHU UL sa inyong yaohod, sa Ngalan naman ni Molkhiúl YAOHÚSHUA hol-MEHUSHKHÁY, am-nám! Tandaan: hindi relihiyon ang namatay para sa inyong kaligtasan, hindi rin relihiyon ang Tagapagligtas, kundi ang iisang Walang-Hanggani Manunubos: YAOHÚSHUA hol-MEHUSHKHÁY! Hindi namin ipinakikilala sa inyo ang aming mga sari-sarili, ni ang aming Samahan man, kundi ang mga PERSONA ni YÁOHU ABÚ, Molkhiúl YAOHÚSHUA, at ang 'RÚKHA-YAOHÚSHUA' - ang Tatlong Persona sa iisang Ulong-Maykapal! Kami nama'y mga walang-kabuluhang alipin lamang ni Molkhiúl YAOHÚSHUA, na Siyang tumubos sa amin, at ginagawa lamang namin ang nararapat naming gawain bilang paglilingkod ng pag-ibig sa Kanya. Kami'y mga dati ring mga makasalanang nakakilala, nanalig at tumanggap kay Molkhiúl YAOHÚSHUA hol-MEHUSHKHÁY! Marami ang naniniwala, ngunit ang higit na mahalaga ay ang tanggapin Siya sa puso at magpasakop sa Kanyang mga alituntunin, bilang Kanyang mga alagad o mag-aaral. Dahil ang sandata ng ating pakikibaka ay hindi ukol sa laman, kundi ang mga ito'y may kapangyarihan sa pamamagitan ni YÁOHU UL GABÓR (Mandirigma) na gumiba ng mga kuta ng kaaway. Ating binubuwag ang bawat maling pangangatuwiran at bawat bagay na nagmamatayog laban sa karunungan ni YÁOHU UL KAOKÁM, at ating binibihag ang bawat pag-iisip upang ipasakop kay Molkhiúl YAOHÚSHUA. At atin na ngayong pinagwagian si ha-satán, sa pamamagitan ng 'DAM' (dugo), at mga pananalita, at dahil sa ating sinagupa na nga si ha-satán, siya'y lumayas na mula sa yaohod ng Yaohúshuahim, at tayo'y higit pa sa mapagwagi! Maraming papuri at pasasalamat kay YÁOHU UL GAVÓHA (Pinakamataas) na Siyang tumiyak na tayo'y palagiang nagwawagi kaisa ni Molkhiúl YAOHÚSHUA. Hindi natin pinapayagang nakawin sa anomang paraan ni ha-satán ang mga Salita ni YÁOHU UL na ngayo'y natanim sa inyong mga puso't isipan, magpakailanman! Anomang hindi natin payagan dito sa lupa ay hindi papayagan sa langit. Alalahanin pong dumalo sa bawat pagtitipon at mga gawain ng inyong Oholyao at ipaaalam po sa inyo kung saan at kung kailan ginaganap ang mga ito. Magsimula po kayong magbasa ng Banal na Kasulatan at mananalangin araw-araw upang magpasalamat, magbigay papuri at mangumpisal kay YÁOHU ABÚ dahil sa mga kasalanang nagagawa pa araw-araw. At mahalaga rin namang magsimulang humiling at ilagak kay YÁOHU ABÚ ang yaohod ng inyong mga problema o suliranin sa buhay, sa kalutasan ng mga ito sa paraan ni YÁOHU UL. Unahin po muna ninyo ang Kaharian ni YÁOHU ABÚ at ang yaohod ng iba pang bagay ay idaragdag sa inyo (Man-YÁOHU (Mateo) 6:33). Amin po kayo ngayong inilalagak sa tiyak na pangangalaga ni YÁOHU ABÚ, sa inyong paglago sa Kanyang Kaharian hanggang sa maging kawangis ninyo ang pag-uugali ni Molkhiúl YAOHÚSHUA hol-MEHUSHKHÁY, hanggang sa Kanyang nalalapit nang pagbabalik! Nakasulat na anoman ang aming talian dito sa lupa ay tatalian rin naman sa langit; anoman ang aming kalagan dito sa lupa ay kakalagan rin naman sa langit. Ngayon, aming kayong tinatalian sa pagsunod, pagluhod at ganap na pagpapasakop sa Molkhiúl YAOHÚSHUA hol-MEHUSHKHÁY, magpakailanman! Amin rin kayo ngayong kinakalagan mula sa yaohod ng uri ng pandaraya, pagsamba sa mga lo-ulhim (huwad na maykapal), at mula sa yaohod ng uri ng pambibihag, kasinungalingan at mga gawa ni ha-satán at ng kanyang mga masasamang espirito, sa pamamagitan ng 'DAM' o dugo ng Molkhiúl YAOHÚSHUA hol-MEHUSHKHÁY, at ng Kanyang mga anghel, at ng Kanyang Ngalang - YAOHÚSHUA! You are free, you are delivered, you are whole, and you are blessed now and forever! Kung mayroon po kayo o sino pa mang nasa kapaligiran ninyo ang may anomang uri ng pangangailangan, espiritwal man o materyal, o kaya'y kailangan ninyo ng walang bayad na babasahin, lalo na ng Tagalog na Banal na Kasulatan o kaya'y Biblia Hebraica, makipag-ugnay lamang po sa amin direkta o kaya'y sa pamamagitan ng inyong mga Bokir-Shuaney o Alalay na Nangangalaga. Ipadala lamang sa amin ang kanilang mga kumpletong ngalan at tiyak na mga addresses at amin silang padadalhan ng mga walang-bayad na mga babasahing tiyak na kanilang ikasisiya, ikaliligtas at ikatitiwasay! Narito ang inyong iba pang walang-bayad na babasahing maaaring hilingin daglian: Q. Bakit tayo naniniwalang ang orihinal na Hebreong Banal na Kasulatan ang mga totoong Salita ni Maykapal? Q. Ano ang kahulugan ng kapanganakang mula sa itaas o mag-uli? Q. Bakit tayo naniniwalang si Molkhiúl YAOHÚSHUA ang totooni Messias? Q. Ano-anong uri ng pagbibinyag ang itinagubilin upang ating isagawa? Q. Bakit maling gamitin ang mga titulong 'El' at 'Elohim' kapag ang tinutukoy ay ang totoong Ulong-Maykapal? Sino ba talaga ang tinutukoy at tinatawag na 'El' at 'Elohim' at 'El Shaddai'? Q. Sino ba talaga sila 'god,' 'ha-shem' at 'adonay' na tinatawag ng marami bilang kanilang 'maykapal' daw? Q. Ang mga salita bang 'zeus' - 'diyos' - 'theos' at 'deus' ay tumutukoy sa iisang espiritong idolo sa di-nakikitang larangang espiritwal? Q. Bakit hindi mabigyan ng mga 'atheists' (di naniniwalang mayrooni Maylalang) ng tamang katugunan ang mga tanong ukol sa pinakaunang nagtulak o nagpagalaw sa buong sangnilikha, saan patungo at magwawakas ang yaohod sa sansinukob, sino ang lumikha ng mga 'atoms' at mga pinakamaliliit na sangkap ng yaohod ng nilikha? Q. Ang pagpapalaglag ba ng sanggol ay itinuturing ni YÁOHU UL na 'infanticide' o pagkitil ng buhay ng sanggol? Q. Itinuturing ba ni YÁOHU UL na pakikiapid ang pakasalan ang isang taong hiniwalayan na ng kanyang dating asawa? Q. Bakit marami ang mahirap at marami rin naman ang mayayaman? May lihim ba sa likod ng mga kaganapang ito? O baka naman nakasalalay ang yaohod sa pasya ng tatlong personang 'kuwarta-pera at salapi'? Totoo ba ang tinatawag na 'suwerte' at 'malas'? Q. Bakit sinasamba ng maraming kabataan sa sanlibutan ang mga damo, dahon at iba pang mga damong-ligaw, sa pagiging sugapa sa mga ito? Q. Talaga bang milyon-milyon ang tumatahak sa maluwag at madaling daan patungo sa kamatayan at kapahamakan, ngunit kakaunti lamang ang nakakikita at tumatahak sa makipot at mahirap na daan patungo sa buhay na walang hanggan? Q. Anu-ano ang mga 'occult objects and symbols' at ano naman ang kamalasang dulot ng mga ito sa mga mayroon ng mga ito? Q. Totoo bang ang mga pangkaraniwang sagisag na ginagamit tulad ng bituin, kidlat, bahaghari, mga hugis puso, ay mga sagisag ng kambing na si ha-satán, at ang mga ito'y gamit ng mga mangkukulam at mga engkatandor? Q. Ipinagbabawal ba talaga ni YÁOHU UL sa Banal na Kasulatan ang pagsasagawa ng 'seance' at mga pagkonsulta sa mga manghuhula, mga 'faith healers' at mga 'mediums' kasama na rin ang pakikipag-usap sa mga patay (necromancy) at paggamit ng mga 'orasyon'? Ano ang mga parusa at salot sa mga nakikiisa sa mga gawa ng kadilimang ito? Totoo, tiyak at walang alinlangang si Molkhiúl YAOHÚSHUA lamang ang nagpapalaya sa inyo mula sa yaohod ng kasinungalingan, pandaraya, pambibihag, mga sumpa at salot na mula kay ha-satán. Si Molkhiúl YAOHÚSHUA ang Liwanag ng Buhay! Pinangangalagaan ka ni Molkhiúl YAOHÚSHUA mula sa tatak ng halimaw. Si Molkhiúl YAOHÚSHUA ay naparito upang magbigay ng buhay, at higit na masaganang pamumuhay! Nakikiisa ka na ngayon, hindi sa panibagong relihiyon, kundi sa Persona ni Molkhiúl YAOHÚSHUA hol-MEHUSHKHÁY, na Siyang ganap na nagpalaya sa inyo mula sa kaharian ng kadiliman tungo sa Kaharian ng Kaliwanagan! Si Molkhiúl YAOHÚSHUA hol-MEHUSHKHÁY na ngayon ang inyong Tagapagligtas, Manunubos, Sanggalang, Tagapagbigay at Pinunong Tagabantay ng inyong kaluluwa. Sa makapangyarihan at mapagmahal na YÁOHU Ulhím ngayon amin kayong inilalagak, magpakailanman! Sinabi ni Molkhiúl YAOHÚSHUA: 'Huwag nyong guni-gunihin na naparito Ahnee (Ako) upang magdala ng kapayapaan sa daigdig! Hindi kapayapaan, kundi tabak! Ahnee ay naparito upang paglabanin ang anak sa kanyang ama, ang anak na babae laban sa kanyang ina, ang manugang na babae laban sa kanyang biyenang babae - ang magiging pinakamahigpit na kaaway ng tao ay mismong ang kanyang mga kasambahay! Kung mamahalin mo ang iyong tatay o nanay nang higit kaysa sa Akin, ikaw'y hindi karapat-dapat maging Akin; o kung mamahalin mo ang iyong anak na lalaki o babae kaya ng higit kaysa iyong pag-ibig sa Akin, hindi ka karapat-dapat maging Akin. Kung iyong tatanggihan ang Aking ipinapapasan sa iyo't di ka sumunod sa Akin, hindi ka karapat-dapat maging Akin. Kung iyong ipagkakait sa Akin ang iyong buhay, ito'y mawawala; ngunit kung iyong isusuko ang iyong sariling buhay dahil sa Akin, maililigtas mo ito!' - Man-YÁOHU (Mateo) 10:34-39, Banal na Kasulatan. Lumiham po kayo o kaya'y tumawag sa telepono, anoman po ang inyong pangangailangan, handa po kaming tumulong, bilang aming paglilingkod kay Molkhiúl YAOHÚSHUA na ating Manunubos at Sanggalang. Huwag po kayong mahihiya. Bukas po ang aming puso't palad sa pagtulong sa inyo, bilang mga alipin ni Molkhiúl YAOHÚSHUA hol-MEHUSHKHÁY sa Kanyang katawan, ang Oholyao Molkhiúl YAOHÚSHUA hol-MEHUSHKHÁY. Ipabasa rin ninyo ito sa mga nasa inyong kapaligiran sa bahay, sa gawain o saan pa man, at magpakopya nito upang maipamahagi sa marami. Ang pinakadakilang pamana na inyong maihahabilin sa inyong mga anak ay hindi ang diploma kundi ang makilala nila ang iisa, totoo at orihinal na Maykapal, si YÁOHU UL, at ang iisa, totoo at orihinal na Messias: YAOHÚSHUA hol-MEHUSHKHÁY! Higit pa Sila kaysa yaohod ng kayamanan o diploma kaya sa buong sanlibutan! Nakasulat: si YÁOHU UL ang Siyang nagbibigay ng kapangyarihan upang umunlad sa buhay sa matuwid at malinis na paraan! Si YÁOHU UL ang masasaligang katiyakan sa buhay, hindi ang salapi, mga ari-arian o diploma kaya. Tandaan: Walang ibang ngalan ang ibinigay sa silong ng langit sa sangkatauhan upang ikaligtas kundi ang iisang Ngalang: YAOHÚSHUA! Walang ibang ngalan.... Nawa'y ang pagpapala ni YÁOHU UL ay sumainyo lagi; Nawa'y ang Kanyang mukha ay laging ibaling sa inyo upang kayo'y lingapin at pangalagaan; Nawa'y kayo'y palagiang puspusin ng kapayapaan, biyaya, kalusugan at walang hanggang pag-ibig at kasiyahan, ngayon at magpakailanman; Haolul-YÁOHU UL Shua-oléym, UL Gavóha, UL Khanyao-ám! OL SHÚAM GAÚL YAOHÚSHUA hol-MEHUSHKHÁY, am-nám! Shua-oléym po! Magkasama nating luwalhatiin si YÁOHU UL, ating itaas ang Kanyang Ngalan! YÁOHU, YÁOHU anong pinakamahusay ang Iyong Ngalan sa buong daigdig! OL SHÚAM GAÚL YAOHÚSHUA hol-MEHUSHKHÁY, am-nám! (Sa Ngalan ni YAOHÚSHUA hol-MEHUSHKHÁY, siya nawa.) Makipag-ugnay sa amin ngayon din! FTP Mirror Sites: ftp://ftp.wr.com.au/pub/yaohush ftp://ftp.yaohushua.org/pub/yaohush ftp://ftp.Yaohushua.org.za/pub/yaohush Home WWW URL: http://www.YAOHUSHUA.org/index.html E-mail Address: Cohanul@YAOHUSHUA.ORG.IL WWW Mirror Sites: http://www.yahushua.org/index.html http://Yaohushua.org.za/index.html http://Ohol-Yaohushua.Org/index.html http://www.yaohushua.org.uk/index.html http://Yaohúshua.wr.com.au/yaohush/index.html http://www.lava.net/ohol_yaohushua/index.html Microsoft Network (MSN) - Religious Resources Library America Online (AOL) - Religion & Ethics Forum - Interfaith Library Microsoft E-Mail Address: YAOHUSHUA@email.msn.com Post Mailing Address: OHOL YAOHUSHUA P. O. BOX 1482, JERUSALEM, ISRAEL 91014 ======================== Tandaan! 'Walang ibang ngalan ang ibinigay sa silong ng langit upang ikaligtas ng tao liban sa nag-iisang Ngalang: YAOHÚSHUA!' - Mga Gawa 4:12, Banal na Kasulatan. Walang ibang ngalan, walang ibang ngalan, walang ibang maliban, liban sa Ngalang: YAOHÚSHUA! Ito ay hindi 'copyrighted' na aklat. Ang mga bahagi o ang kabuoan nito ay maaaring kopyahin sa anomang paraan ng sinomang nagnanais na luwalhatiin si Molkhiúl YAOHÚSHUA hol-MEHUSHKHÁY. Ang pinakadakilang pamana na inyong maipamahagi sa inyong mga anak ay hindi ang diploma kundi ang makilala nila ang iisa, totoo at orihinal na Messias: YAOHÚSHUA hol-MEHUSHKHÁY! Higit pa Siya kaysa lahat ng kayamanan o diploma sa buong sanlibutan! Ibigay sa kanila ang Salita na nagkatawang tao, na Siyang namatay upang tayo'y maligtas. Magkasama nating luwalhatiin si YÁOHU UL, ating itaas ang Kanyang Ngalan! YÁOHU, YÁOHU, anong pinakamainam ang Iyong Ngalan sa buong daigdig! YAOHÚSHUA - ang nag-iisang pag-asa sa buong daigdig! Ang yaohod ng ito ay ibinibigay sa inyo ngayon sa diwa ng katotohanan, pag-ibig, kapakumbabaan at taus-pusong paglilingkod kay Molkhiúl YAOHÚSHUA hol-MEHUSHKHÁY, am-nám! Ang yaohod ng tuhod ay luluhod sa Ngalang: YAOHÚSHUA! OL SHÚAM GAÚL YAOHÚSHUA hol-MEHUSHKHÁY, am-nám! === Tapos ===