'Si YAOHÚSHUA sa Walang-Hanggang Trayun....'


You may click to DOWNLOAD THEN SAVE the FULL TEXT Tagalog version now....

'LIKHAIN NATIN ANG TAO NA KAWANGIS NATIN....'

'LIKHAIN NATIN ANG TAO NA KAWANGIS NATIN....'

May ilang Persona mayroon sa Ulong-Maykapal natin?

Totoo at tama ba ang doktrina o aral ukol sa Tatlong Persona, o ito ba'y aral na gawa-gawa lamang ng mga relihiyosong tao?

Ano ang kabuluhan kung maniwala ahnee o hindi sa aral na ito, ano ang kahihinatnan nito sa aking pansariling kaligtasan at katayuan sa kabilang buhay pangwalang-hanggan?

Si Molkhiúl YAOHÚSHUA ba na Messias ay tao lamang o Siya ba'y walang-hanggan rin naman?

Kung si Molkhiúl YAOHÚSHUA ay walang-hanggan ngunit ahnee ay mapaniwalang Siya'y tao lamang, ano ang kabuluhan nito sa aking pansariling kaligtasan?

Ang mga ito ang mga madalas na itanong ng marami ukol sa ating Ulong-Maykapal, kaya't atin ngayong susuriin kung ano ang sinasabi ng Banal na Kasulatan bilang mga tugon sa mga katanungang ito. Mahalagang magkaroon kayo ng bukas na pag-iisip at isantabi muna ang mga dating mga paniniwala ukol sa katayuan ng ating Ulong-Maykapal, at hayaang ang mga Salita ng Maykapal, si YÁOHU UL, sa pagtuturo ng 'RÚKHA-YAOHÚSHUA' (Banal na Espiritu ng Molkhiúl YAOHÚSHUA) ang magdala sa inyo sa mga katotohanan, sa pamamagitan ni Molkhiúl YAOHÚSHUA, na Siyang totoong daan, ang katotohanan at ang buhay....

Ang paghahayag ni YÁOHU UL sa sangkatauhan ay 'progressive' o unti-unti, hakbang-hakbang, mula sa kaluwalhatian tungo sa kaluwalhatian, hanggang sa maganap ang sakdal at ganap. Ang mainam na halimbawa ng paraang ito ay ang paghahayag ng Messias o Tagapagligtas sa sangkatauhan sa takdang panahon na nakahulang pagdating Niya. Ang pagdating at pagkakakilanlan ni Molkhiúl YAOHÚSHUA, bagama't libo-libo nang taon ang nakalipas matapos ipaalam sa Banal na Kasulatan, ay nahayag lamang nang ang takdang panahon para sa Kanyang kahayagan ay sumapit na.

Hindi nangangahulugang hindi kapani-paniwala ang Messias YAOHÚSHUA dahil sa Siya'y dumating libo-libong taon na matapos ihula ang Kanyang pagdating. Iya'y magiging mali at likong paraan ng pag-iisip, at tiyak na maling pangangatwiran.

Isa pang halimbawa ay ang pagbibigay ng Sampung Utos kay Mehushúa. Hindi nangangahulugang dahil sa ang mga ito'y daan-daang taon na mula sa lahi nila Noah bago naihayag, na ang mga ito'y hindi dapat paniwalaan o tanggapin. Muli, ito'y maling uri ng pag-iisip, likong paraan ng pangangatwiran.

Ganoon rin naman kapag ang aral ukol sa Tatlong Persona ang pinag-uusapan. Hindi dahil sa ang aral na ito'y inihayag sa sangkatauhan matapos ang halos tatlong daang taon matapos maglingkod si Molkhiúl YAOHÚSHUA dito sa lupa, hindi nangangahulugang ito'y hindi makatotohanan.

Marami kasing mga kulang pa sa espiritwal na pang-unawa ang nagsasabing hindi dapat paniwalaan ang aral ukol sa Tatlong Persona dahil sa ito'y naging tanggap na aral lamang ng mga naunang mga matatanda daang taon na makalipas ang paglilingkod ng Molkhiúl YAOHÚSHUA dito sa lupa. Maliwanag na ito'y mali at likong paraan ng pangangatuwiran dahil sa nasabi na ngang ang paraang ng paghahayag ni YÁOHU UL sa sangkatauhan ay unti-unti, hakbang-hakbang o 'progressive' sa wikang Ingles.

Sa bawat paghahayag ni YÁOHU UL sa iba't-ibang panahon ng mga katotohanan at mga kahulugan na nilalaman ng Banal na Kasulatan, hindi nangangahulugang ang mga ito'y kasinungalingan dahil sa katuwirang hindi naman ito pinaniwalaan o kaya'y alam ng mga naunang saling lahi. Ito'y maling pangangatuwiran na nauuwi sa maling mga paniniwala at pasya. Ang liwanag kapag iwinaksi ay nagiging matinding kadiliman.

Bagama't ang mga salitang 'Tatlong Persona' ay talang hindi makikita na nakasulat sa Banal na Kasulatan, ang katibayan at katotohanan nito ay maliwanag na hayag sa maraming paraan sa mga Salitang nakasulat dito. Muli, hindi dahil hindi nakasulat ang isang bagay o diwa sa Banal na Kasulatan, hindi nangangahulugang ito'y hindi makatotohanan.

Isang malinaw na halimbawa nito ay ito: hindi makikitang nakasulat sa Banal na Kasulatan na nilikha ni YÁOHU UL ang 'orangutan' dahil wala kayong makikitang nakasulat na ganitong salita sa Banal na Kasulatan, samakatuwid, hindi ito isa sa mga hayop na nilikha ng Maykapal. Ito'y malinaw na likong paraan ng pag-iisip at pangangatuwiran. Samakatuwid, hindi dahil sa ang isang salita o diwa ay hindi makikitang aktual na nakasulat sa Banal na Kasulatan, hindi nangangahulugang ito'y hindi katotohanang dapat paniwalaan.

Ganoon rin sa aral at katotohanan ukol sa 'Tatlong Persona' na maliwanag na itinuturo at walang-alinlangang ipinababatid sa Banal na Kasulatan, kung pananatilihin lamang ninoman ang kanyang bukas na pag-iisip at talagang aalamin ang mga katotohanan sa mga nakasulat dito. Sa tamang pagbibigay kahulugan, malinaw at tamang pangangatuwiran at malinaw na pag-iisip, tiyak na madaling maunawaan at matanggap ang katotohanan ukol dito, ng walang halong alinlangan, na maliwanag kasing patutunayan ng Banal na Kasulatan, sa pagliliwanag na mula sa 'RÚKHA-YAOHÚSHUA' o Banal na Espiritu, na Siyang ating Tagapagturo tungo sa ganap na katotohanan.

Ano ang kahulugan ng mga salitang 'triune' o 'trinity'? Nangangahulugang may tatlong iba-iba, magkakahiwalay na Persona, ngunit ganap sa pagkakaisa, at sa lahat ng bagay at layunin, ay itinuturing na iisang Ulong-Maykapal.

Upang magkamit ng lubusang pagkaunawa sa totoong kahulugan ng salitang 'triune' (bigkasing: 'tra-yun') at sa ganoon makilala ang Tatlong Persona sa ating Ulong-Maykapal, kinakailangang burahin, alisin, iwaksi na ngayon mula sa isipan ang mga sumusunod na mga KASINUNGALINGAN na hindi kailanman itinuturo sa buong Banal na Kasulatan:

1. Na mayroon lamang iisang Persona o iisang Maykapal na Siyang lumalang sa buong sangnilikha at Siya lamang ang nag-iisang walang-hanggan, walang pinagmulaan, walang katapusan.

2. Na ang Maykapal ay Siya lamang ang iisang walang-hanggang Ama na lumikha sa Anak, at ang Anak naman ang lumikha sa Banal na Espiritu ('RÚKHA-YAOHÚSHUA') - ang tawag sa Ingles sa hidwang paniniwalang ito ay 'Arianism.'

3. Na ang Ama, ang Anak at ang Banal na Espiritu ay tatlong Persona sa iisang walang-hanggang Persona na Siyang Maykapal.

4. Na ang Ama, ang Anak at ang Banal na Espiritu ay tatlong bahagi ng iisang Persona, tulad ng tao na may katawan, kaluluwa at espiritu.

5. Na ang katotohanan ukol sa Tatlong Persona ay hindi mapapatunayan sa bahagi ng Lumang Tipan sa Banal na Kasulatan.

6. Na ang Ulong-Maykapal ay walang mga bahagi ng pangangatawan tulad ng mata, tenga, mga kamay, mga paa, at iba pa.

7. Na ang Maykapal ay isa lamang diwa, tulad ng pag-ibig, katuwiran, kapangyarihan at ang mga ito ang lumulukob sa buong sangnilikha.

8. Na si Molkhiúl YAOHÚSHUA, sa totoo lang, ay Siya rin ang Ama, at Siya pa rin ang Banal na Espiritu, samakatuwid, iisang Persona na pumapapel o gumaganap sa tatlong iba't-ibang kaanyuan at kahayagan.

9. Na si Molkhiúl YAOHÚSHUA ay Siya rin ang Maykapal na tinutukoy sa bahaging Lumang Tipan sa Banal na Kasulatan.

10. Na ang Hebreong salitang 'ekhad' ay maaari lamang mangahulugang iisa sa bilang kaya't hindi maaaring magkaroon ng iisang Maykapal na binubuo ng Tatlong magkakahiwalay na Persona.

11. Na ang Ama ay ang 'senior' na Maykapal, at si Molkhiúl YAOHÚSHUA naman ay ang 'junior' na Maykapal, na higit na mababa ang likas na katayuan kaysa sa Ama; na ang Ama ang tinutukoy na 'Almighty' at si Molkhiúl YAOHÚSHUA naman ay 'Mighty' lamang ang tag-uri.

12. Na ang maniwala sa aral ukol sa Tatlong Persona sa Ulong-Maykapal ay salungat sa katotohanang mayroon lamang iisang Maykapal.

13. Na ang Ulong-Maykapal ay walang totoong damdaming tulad ng sa tao, kayat kapag may tinutukoy na damdamin, ang mga ito'y mga bulaklak lamang ng pananalita.

Muli, ang mga ito'y mga KASINUNGALINGAN na kinakailangang dagliang iwaksi, burahin, alisin mula sa inyong isipan, kung mayroon mang mga ganitong mga agiw ang nakasapot sa loob ng inyong isipan.

Si Molkhiúl YAOHÚSHUA ang katotohanang nagpapalaya sa inyo ngayon at palagian mula sa lahat ng kasinungalingang mula kay ha-satán, na siyang ama ng kasinungalingan.

Isantabi muna dapat ang anomang ginuguni-guning mga hiwaga daw, at ngayo'y unawain ang mga maliliwanag na nilalaman ng Banal na Kasulatan, na magpapaalam sa inyo ng malinaw ukol sa katotohanan na pagkakaroon ng tatlong magkakaibang Persona, ngunit ganap na nagkakaisa, sa ating Ulong-Maykapal.

Atin munang alamin ang mga sumusunod na mga talata na matatagpuan sa bahaging Lumang Tipan ng Banal na Kasulatan:

1. Genesis 3:22 - 'Ang tao ay naging katulad na Natin.' (Kailanma'y hindi itinuturing ni YÁOHU UL na ang mga kerubin, serafim, at mga arkanghel na kahalintulad Niya, kaya't ang salitang 'Natin' ay hindi maaaring tumukoy kay YÁOHU UL at ang mga anghel).

2. Genesis 19:24 - 'Nagpaulan si YÁOHU UL sa Sodoma at Gomorah ng asupre at apoy mula kay YÁOHU UL mula sa langit.'

3. Genesis 1:26 - 'Likhain Natin ang tao ayon sa Ating anyo, tulad ng Ating wangis.'

4. Zacarias 1:7-21 - Dalawang Tagapamuno ang binabanggit na nag-uusap, hanggang sa Zacarias 13:6-7 na kung saan ang dalawang Tagapamuno ay tinutukoy na kapuwa magkatulad.

5. Genesis 11:7 - 'Tayo'y bumaba, at doo'y Ating guluhin ang kanilang wika, upang huwag silang magkaintindihan.'

6. Daniel 7:13 - 'Ang Anak ng Tao ay dumating lakip ang mga alapaap ng langit, at lumapit sa Matanda ng mga Araw, at Siya'y inilapit sa Kanya.'

7. Genesis 20:13 - 'Ang ULHIM ang sanhi ng aking paggagala' (pangmaramihan ang Hebreong salitang 'ULHIM')

8. Genesis 35:7 - 'Nagpakita ang ULHIM sa kanya...' (ang ginamit na pandiwa sa Hebreo ay pangmaramihan)

9. Mga Awit 110:1 - 'Sinabi ni YÁOHU UL sa aking UL'

10. Isaias 9:6 - 'Ang Sanggol ay tatawaging UL GABOR (Makapangyarihang Maykapal)'

Batay sa pamantayang isinaad sa Banal na Kasulatan, sa bibig ng dalawa o tatlong nagpapatotoo, ang bawat salita o aral ay matatatag. Inyong nalaman na sa Banal na Kasulatan, sila Moses, Daniel, Zacarias, Isaias at Dóud ay nagpatotoo ukol sa katotohanan ng pagkakaroon ng Tatlong Persona sa ating Ulong-Maykapal, kahit pa sa bahaging Lumang Tipan nito.

Pabatid: Ang makalumang Hebreong salitang 'ULHIM' ay isang salitang maramihan ngunit iisa ang pagtukoy nito, tulad ng salitang Ingles na 'sheep' na maaaring gamitin ang ganoon ring salita maging pang-isahan o pangmaramihan ang paggamit sa pangungusap. Ganoon rin ang Hebreong salitang 'ekhad' na maaaring tumukoy sa iisa ang bilang, at maaari rin namang tumukoy sa maramihan ngunit iisa ang pagtuturing sa mga ito, tulad ng pagkakagamit nito sa Bilang 14:23 sa Banal na Kasulatan.

(Kung nais ninyong ibayo pang maliwanagan ukol sa mga Titulo at Ngalan ng Maykapal, mangyari lamang na hilingin daglian ang aming walang-bayad na ipinamamahaging babasahing 'YAOHÚSHUA' - Ang Messias.)

Sa Tatlong Persona ng ating Ulong-Maykapal, kahit na mayroong magkakaiba at magkakahiwalay (ngunit ganap na nagkakaisa!) na mga Persona, bunga na rin ng Kanilang nagkakaisang kusang-loob, Kanilang pinagpasyahang manungkulan sa tatlong baytang ng pamamahala o tungkulin sa Kanilang nagkakaisang pagkilos upang iligtas ang sangkatauhan mula sa kasalanan at mga kaparusahan nito.

Kaya't si YÁOHU UL ang kusang-loob na nanunungkulan bilang ang Ama, samantalang si Molkhiúl YAOHÚSHUA naman ang kusang-loob rin namang nanunungkulang bilang ang Anak at Tagapagligtas, at ang 'RÚKHA-YAOHÚSHUA' naman ang kusang-loob ring nanunungkulan bilang Tagaagapay (Comforter) ng mga mananampalataya. Unawaing mainam: magkakatulad ng kalikasan bilang walang-hanggan, ngunit magkakaibang tungkulin ang ginagampanan, na kanilang kusang-loob at may ganap na pagkakaisang isinasagawa sa kanilang iisang layuning mailigtas ang sangkatauhang nasadlak sa kasamaan.

Huwag paghahaluin ninoman ang Persona sa tungkuling kanilang ginagampanan. Ang Persona ay iba kaysa sa tungkuling Kanyang ginagampanan. Silang tatlo ay may iisang kalikasan bilang Walang-Hanggan, ngunit sila rin nama'y nanunungkulan sa magkakaibang tungkulin at ang mga tungkuling ito ay may kanya-kanyang baytang ng pamamahala at gawain sa pagliligtas sa sangkatauhan.

Isang maliwanag na halimbawa nito ay ito: Sakaling mayroong tatlong ganap na magkakamukhang magkakapatid o 'triplets' na isinilang, at silang tatlo ay ganap ang pagkakamukha, wala halos kaibhan sa isa't-isa. Sa kanilang layuning makatulong sa kanilang barangay, ang isa ay nagkusang-loob at napili rin namang maging Mayor, iyong isa naman ay nagkusang-loob at nahirang din namang Hukom, at iyong isa nama'y naging Pinuno ng Pulisya.

Iba't-iba ang kani-kanilang mga tungkulin, ngunit kung ang pag-uusapan ay kanilang pagkatao, silang tatlo ay ganap na magkakamukha, bagama't sa tungkulin, ang ginagampanan ng isa ay maaaring higit kaysa sa ginagampanan rin naman noong ikalawa. Maaaring sabihin noong Pinuno ng Pulisya na: 'Si Mayor ay higit kaysa sa akin.' At sa iba namang pagkakataon ay maaari rin niyang sabihing: 'Si Mayor at ahnee ay iisa.'

Sa unang pangungusap, ang kanyang tinutukoy ay ang kanyang sariling panunungkulan sa kanyang ginagampanang tungkulin. Sa ikalawang pangungusap naman ay tinutukoy niya ang kaniyang kalikasan at pagkatao. Magkaiba ang pagkatao kaysa sa tungkuling ginagampanan ninoman. Maaari rin namang sabihin sabay-sabay noong tatlo na: 'Kami talaga ay iisa!' Sa papaanong pakahulugan? Sa pakuhulugang sila'y magkamukhang-magkamukha, mula sa iisang ina, na sila'y magkaisa sa layuning tulungan ang kanilang barangay, na sila'y halos may iisang damdamin at isipan! Lahat ng mga pangungusap na kani-kanilang binanggit ay pawang mga katotohanan, kung uunawain sa tamang pakahulugan at ipaliliwanag sa tamang pananaw!

Isa sa mga luma nang paraan ng pandaraya ni ha-satán (ang dragon, ulupong) ay ang papiliin ang sinoman sa pagitan ng dalawang bagay na magkatulad na sa kanya na pala, upang kapag siya'y napadaya't pumili ng isa, tulad na rin na siya'y nanakawan noong isa, dahil kung ang pinili niya ay ang dalawa, hindi siya mananakawan, dahil kanya talaga lahat at totoo pala ang dalawang pinagpipilian.

Halimbawa, sa testamentong iniwan ng iyong yumaong tiyuhin, nakasulat doon na ipinamamana sa iyo ang kanyang bukirin kasama na ang lahat ng mga hayupan sa loob nito. Upang madaya ka at manakawan, papipiliin ka ng tusong abogado ng tiyahin mo kung alin ang higit mong aangkinin, ang bukirin o ang mga hayupan dito. Kapag nagkamali ka, at pumili alinman sa dalawa, kung hindi ka andap, ay madadaya at magogoyo ka! Alin ang pipiliin mo ang bukirin o ang mga hayupan? Ang tamang sagot ay: 'Lumayas ka sa harapan ko, ha-satán, nakasulat sa testamento na ang bukirin KASAMA ang lahat ng hayupan nito ay ipinamamana sa akin!'

Ganoon rin naman, sa pag-unawa ng Walang-Hanggang Kalikasan ng ating Ulong-Maykapal, kapag may nagtanong sa iyo: 'Ilang Persona mayroon sa ating Maykapal, isa o tatlo?' Ang tamang sagot ay: 'Tatlo ngunit isa!' Ito ang kahulugan ng salitang 'TRIUNE' (bigkasing: 'tra-yun'). Muli, ang makalumang Hebreong salitang 'ULHIM' ay ginagamit ng pang-isahan at ginagamit rin namang pang-maramihan sa Banal na Kasulatan! Magkatulad na tama: tatlong Persona, isang Maykapal! Iyan ang totoong katayuan ng ating Ulong-Maykapal!

Si Molkhiúl YAOHÚSHUA ba ay tao lamang o Siya ba'y Walang-Hanggan tulad ng Ama? Muli, ang tamang sagot: 'Ang Molkhiúl YAOHÚSHUA ay 100% na Tao at Siya rin nama'y 100% na Walang-Hanggan!'

Hindi kalahating tao at kalahating Walang-Hanggan, kundi ganap (100%) na Tao at ganoon rin naman, ganap (100%) na Walang-Hanggan, kaya nga Siya ang UL na nagkatawang tao! Maliwanag na maliwanag po! Purihin at pasalamatan natin ngayon si YÁOHU UL KAOKÁM (Marunong) na Siyang nagbibigay ng karunungan, kaalaman, liwanag at katotohanan sa inyo, ngayon at palagian, sa pagkilos sa inyo ng 'RÚKHA-YAOHÚSHUA.' Haolalyaohu Orulyao!

Ang Ama ba ay higit kaysa Anak o Sila ba'y iisa? Muli, ang tamang sagot ay: 'Sa mga tungkuling kanilang ginagampanan, ang Ama ay talagang higit kaysa Anak, ngunit sa Walang-Hanggang Kalikasan, Sila ay iisa!'

Itinakwil na ninyo ang luma nang paraan ng panlilinlang at pagnanakaw ni ha-satán, ang paraang 'pumili ka upang madaya' dahil ang ating pinipili ay lahat ng malilinaw na mga katotohanang inihahayag sa Banal na Kasulatan!

Mga talata sa Banal na Kasulatang nagpapatunay na ang Molkhiúl YAOHÚSHUA ay Walang-Hanggan ang kalikasan, tulad rin ng kalikasan ng Ama:

1. Si Molkhiúl YAOHÚSHUA ay sinamba tulad ng pagsamba sa Ama, kahit na Siya'y sanggol pa lamang - Man-YÁOHU (Mateo) 2:11

2. Sa buong paglilingkod sa lupa ni Molkhiúl YAOHÚSHUA, tumanggap Siya ng pagsamba na dati'y sa Amang YÁOHU UL lamang nararapat iukol ng mga tao -Marcos 5:22; Lucas 5:8; Lucas 17:16; Yaokhanam 11:32; Marcos 5:33; Marcos 7:25; Lucas 5:12; Lucas 8:28.

3. Si Molkhiúl YAOHÚSHUA ay hinatulan dahil itinuturing Niya na Siya'y KAPANTAY ng Amang YÁOHU UL - Yaokhanam 5:18; Yaokhanam 8:53-59; Yaokhanam 10:33; Hebreo 1:5-14; Yaokhanam 1:1-2

'Ang mga taga Judea ay ibayong nagnais na Siya'y patayin dahil sa bukod sa nilalabag Niya ang Araw ng Sabbat, sinabi pa Niyang si YÁOHU UL ay Kaniyang Ama, samakatuwid ay IPINAPANTAY Niya ang Kanyang sarili kay YÁOHU UL na Maykapal!' - Yaokhanam 5:18

4. Nasa katawan ni Molkhiúl YAOHÚSHUA ang kabuoang kapuspusan ng Ulong-Maykapal - Colossas 2:9

5. Ginamit ni Propeta Isaias ang titulong 'UL GABBOR' (UL - nangangahulugang Walang-Hanggan ang kalikasan; ang Pinaka-Makapangyarihan) noong Siya'y humula ukol kay Molkhiúl YAOHÚSHUA - Isaias 9:6

6. Inamin ni Molkhiúl YAOHÚSHUA na Siya at ang Ama ay iisa - Yaokhanam 10:30

7. Sinabi ni Molkhiúl YAOHÚSHUA na Siya ang alef at ang tav, ang pasimula at ang wakas - Pahayag 22:13

8. Ang pinagmulaan ni Molkhiúl YAOHÚSHUA ay mula sa walang-hanggang nakalipas - Mikas 5:2

9. Si Molkhiúl YAOHÚSHUA ay higit kaysa kina Mehushúa at mga propeta sa Lumang Tipan - Man-YÁOHU (Mateo) 17:5

10. Si Molkhiúl YAOHÚSHUA ay dalisay, walang pagkakasala, na katangian ng Walang-Hanggang Ulong-Maykapal - Hebreo 4:15

11. Lahat ng kapamahalaan sa langit at sa lupa ay nasa kamay ni Molkhiúl YAOHÚSHUA - Man-YÁOHU (Mateo) 28:18

12. Sa pasimula ay ang Salita at ang Salita ay kasama ng YÁOHU UL, at ang Salita ay UL (Walang-Hanggan, Pinaka-Makapangyarihan), at ang Salita ay nagkatawang tao at nanirahang kasama natin - Yaokhanam 1:1; 1:14

13. Siya na nasa kalikasan bilang Walang-Hanggang UL, ay hindi hinangad ang sarili Niyang katanyagan - Filipos 2:6-7

14. Tatawagin Siyang 'Immanu-UL' (nangangahulugang ang Walang-Hanggang UL ay kapiling natin) - Man-YÁOHU (Mateo) 1:23

15. Hindi itinuring ni Molkhiúl YAOHÚSHUA na ang pagiging KAPANTAY ni YÁOHU UL ay isang pananapaw - Filipos 2:6

16. Si Molkhiúl YAOHÚSHUA ang Kapwa-Manlilikha ng buong sangnilikha - Yaokhanam 1:3

17. Ang mga titulong nauukol lamang para sa Walang-Hanggang Maykapal ay iniuukol kay Molkhiúl YAOHÚSHUA sa buong Banal na Kasulatan!

Ang mga iniluluwal ng tao ay tao rin, ang mga iniluluwal ng mga isda ay mga isda rin, ang mga iniluluwal ng mga ibon ay mga ibon rin; ang mga bunga ng mangga ay mangga rin, ang bunga ng mansanas ay mansanas rin; ang bawa't buhay ay nagbubunga o nagluluwal ng ayon sa kalikasan ng pinagmulaan. Samakatuwid, ang Anak ng Tao ay tao rin, at ang Anak ng UL ay UL rin naman! Ang Anak ng Walang-Hanggan ay Walang-Hanggan rin naman! Si Molkhiúl YAOHÚSHUA ang iisang Anak ni YÁOHU UL, na may kalikasang tulad rin ng sa Amang YÁOHU UL, Walang-Hanggan!

Kapag ginagamit sa Banal na Kasulatan ang titulong 'Anak ng Tao,' nangangahulugang ang umiiral sa Persona ni Molkhiúl YAOHÚSHUA ay ang Kanyang pagka tao; kapag ang ginagamit namang titulo sa Kanya ay 'Anak ng UL' ang umiiral naman sa Kanyang Persona ay ang Kanyang pagiging UL - Walang-Hanggang Pinaka-Makapangyarihan! Malinaw na malinaw! Purihin at pasalamatan natin ngayon si YÁOHU URNU (Ang Liwanag). Haolul-YÁOHU Urnu!

Ngayon, kayo'y sukdulang nakatitiyak na si Molkhiúl YAOHÚSHUA ay Walang-Hanggan ang kalikasan, at Siya ang iisa, totoo at orihinal na Messias, Tagapagligtas at Manunubos ng sangkatauhan! Wala nang ibang ngalang pa kundi YAOHÚSHUA lamang!

Marami rin namang talata sa Banal na Kasulatan na nagsasabing si Molkhiúl YAOHÚSHUA ay Tao. Totoo rin naman, dahil nga sa Siya'y 100% na tao, at 100% rin namang Walang-Hanggan. Kaya nga isa sa Kanyang mga titulo ay 'Anak ng Tao.' Tandaan, hindi kalahating tao at kalahating Walang-Hanggan si Molkhiúl YAOHÚSHUA, kundi siyento porsiyentong Tao (100%) AT GANOON RIN NAMAN, siyento porsiyentong (100%) Walang-Hanggan! Maliwanag pa rin!

Mga talata naman sa Banal na Kasulatan na nagpapatunay na ang Banal na Espiritu o 'RÚKHA-YAOHÚSHUA' ay isa sa Tatlong Personang Walang-Hanggang sa ating totoong Ulong-Maykapal, at hindi walang-buhay na puwersa lamang, at hindi rin pangkaraniwang tulak lamang:

1. Ang 'RÚKHA-YAOHÚSHUA' ay napaiiyak - Efeso 4:30.

2. Ang 'RÚKHA-YAOHÚSHUA' ay nagtuturo - Luke 12:12; 1 Corinto 2:13; at Yaokhanam 14:26

3. Ang 'RÚKHA-YAOHÚSHUA' ay gumigiyagis sa puso ng mga tao - Yaokhanam 16:8

4. Kanyang inaagapayan at inaaliw ang mga mananampalataya sa Molkhiúl YAOHÚSHUA - Yaokhanam 16:7; Mga Gawa 9:31

5. Siya'y napagsisinungalingan - Mga Gawa 5:3

6. Siya'y nagsasalita sa pamamagitan ng mga tao - Mga Gawa 1:16; 13:2; 21:11 at 28:25.

7. Nagbibigay Siya ng pagpapahid ng langis (anointing) at kapangyarihan - Mga Gawa 10:38; Roma 15:13.

8. Ang 'RÚKHA-YAOHÚSHUA' ay nagpapasya - Mga Gawa 15:28

9. Siya ay nagbibigay ng direksyon - Mga Gawa 15:28

10. Ang 'RÚKHA-YAOHÚSHUA' ay nakikipag-isa sa mga tao - 1 Corinto 13:14

11. Siya ang nagpapabanal o lumilinis sa mga mananampalataya - Roma 15:16

12. Kanyang inuudyukan ang mga tao at sila'y dinadala sa lahat ng katotohanan - Yaokhanam 16:13

13. Nagsusugo ang 'RÚKHA-YAOHÚSHUA' ng mga kinatawan - Mga Gawa 13:4

14. Maaari Siyang lapastanganin - Mate 12:31-32

15. Siya'y nagpapatotoo - Mga Gawa 5:32; 20:23; Roma 9:1; Hebreo 10:15

16. Ang 'RÚKHA-YAOHÚSHUA' ay nagbibigay ng mga kaloob - 1 Corinto 12

17. Tinutulungan Niya ang mga mananampalataya sa pananalangin - Roma 8:26; Judas 1:20

18. Ang 'RÚKHA-YAOHÚSHUA' ay nagbibigay ng mga utos - Mga Gawa 1:2

19. Maaari Siyang salungatin - Mga Gawa 7:51

20. Siya'y nagbibigay ng kapayapaan at kagalakan sa mga sumasampalataya kay Molkhiúl YAOHÚSHUA - Roma 14:17; 1 Tessalonica 1:6

21. Kanyang ipinakikita sa mga mananampalataya ang mga pangyayari sa hinaharap - Yaokhanam 16:13

22. Kanyang ipinaala-ala sa mga mananampalataya ang mga Salita ni Molkhiúl YAOHÚSHUA - Yaokhanam 14:26

23. Siya ang nagtatalaga ng mga tagabantay - Mga Gawa 20:28 24. Ang 'RÚKHA-YAOHÚSHUA' ay nananahan sa puso ng mga mananampalataya - 1 Corinto 6:19; 2 Timoteo 1:14

25. Siya ang nagpapasya kung katanggap-tanggap ang mga tao - 2 Corinto 6:6

26. Ang pagsisinungaling sa Kanya ay pagsisinungaling sa Walang-Hanggan Maykapal - Mga Gawa 5:1-4

Sa pangwakas na pananalita ni emisario Shaúl (Apostol Pablo) sa aklat ng 2 Corinto, sinabi niya: 'Ang biyaya ni Molkhiúl YAOHÚSHUA at ang pag-ibig ni YÁOHU UL, at ang pakikiisa ng 'RÚKHA-YAOHÚSHUA' ay sumainyong lahat....'

Sinabi rin naman ni Molkhiúl YAOHÚSHUA: 'Binyagan ninyo sila sa Ngalan ng Ama, at ng Anak, at ng Banal na Espiritu.' - Man-YÁOHU (Mateo) 28:19

Pansinin ninyo na sinabing 'sa Ngalan' at hindi sinabing 'sa mga Ngalan' na nangangahulugang mayroong iisa lamang na pangkaraniwang Ngalan sa tatlong Persona na bumubuo ng ating Ulong-Maykapal.

Sa pagbibinyag sa tubig na isinagawa ni Evangelista Yaokhanam sa Molkhiúl YAOHÚSHUA, nakasulat: 'Matapos mabinyagan si Molkhiúl YAOHÚSHUA, umahon Siya mula sa tubig at narito, nabuksan ang kalangitan sa Kanya, at nakita Niya ang Espiritu ni YÁOHU UL na bumababa sa Kanya na nasa anyong kalapati. Narito, isang tinig mula langit ang narinig na nagsasabing: 'Ito ang Aking Anak na iniibig, kung Kanino Ahnee ay nasisiyahan!' - Man-YÁOHU (Mateo) 3:16-17

Ang talatang ito ang isa sa pinakamahusay na katibayan ng pagkakaroon ng Tatlong Persona sa iisang Ulong-Maykapal. Unawain ninyong mainam ang mga naganap. Si Molkhiúl YAOHÚSHUA ay bininyagan at Siya'y naririto noon sa ibabaw ng lupa, ang 'RÚKHA-YAOHÚSHUA' naman ay bumaba sa Kanya na nasa anyo ng kalapati, at ang tinig ng Amang YÁOHU UL ay narinig mula sa langit na nagsasabing: 'Ito ang Aking Anak....' Hindi sinabing 'Iyang bininyagang Iyan ay Ahnee rin iyan' - hindi! Ang sinabi ay: 'Ito ang Aking Anak!'

Hindi rin ang Espiritu na nasa anyong kalapati ang bininyagan ni ang nagsalita man. Maliwanag na makikita sa talatang ito ang Walang-Hanggang Tatlong Persona sa iisang Ulong-Maykapal! Kung ito'y hindi pa sapat na katibayan para sa iba, magkakatotoo sa kanila ang kasabihang: 'sa sinomang di nais maniwala, walang katibayan ang sapat, ngunit sa mga ibig maniwala, walang katibayan ang kinakailangan.'

Pansinin ninyo na wala talagang kalapati ang nagpakita, kundi anyo lamang ng kalapati! At kahit na totoo pang may nagpakita ngang kalapati, hindi pa rin ito sapat na pahintulot upang ang mga tao'y sumamba sa mga anyo at larawan ng kalapati dahil sa ang gawaing ito'y mahigpit na ipinagbabawal ni YÁOHU UL, at maliwanag na nakasulat sa Banal na Kasulatan.

'Huwag kayong magkakaroon ng anomang idolo (lo-ulhim); huwag kayong magkakaroon ng mga anyo't imahen ng mga hayop, mga IBON, o kaya'y mga isda. Huwag ninyong yuyukuran ni sasambahin man ang mga ito sa anomang paraan!' - Exodo 20:4

Ang salitang 'mga IBON' sa nasabing talata ay tiyak na lakip rin ang imahen, larawan, anyo o estatwa kaya ng kalapati dahil ang kalapati ay IBON rin! Ang pagsamba sa kalapati ay karumaldumal sa paningin ni YÁOHU UL, at tiyak na parurusahan ang sinomang gumagawa ng katampalasanang ito! Sakuna na siya sa kalendaryo ng langit, hinihintay na nga lamang kung kailan at sa papaanong paraan gaganapin.

Ano ang dapat gawain? Magsisi daglian at magtigil sa kahibangan ng pagsamba sa mga imahen, mga larawan, mga rebulto at mga anyo ng mga tao, ibon, mga hayop at mga isda, upang matanggap ang mga pagpapala't biyaya mula kay YÁOHU UL, at maiwasan ang mga parusa ng kasamaang iyon. Magbalik tayo ngayon sa paksa ng ating pag-aaral....

Nakasulat pa rin sa Banal na Kasulatan:

'Mayroong tatlo ang nagpapatoo sa langit: ang Ama, ang Salita, at ang Banal na Espiritu; at ang tatlong ito ay iisa!' - 1 Yaokhanam 5:7, maliwanag na nakasulat sa Banal na Kasulatan.

Alam nating lahat na si Molkhiúl YAOHÚSHUA ang Salitang nagkatawang tao.

Ipagpapalagay natin, ngunit hindi naman sinasabing totoo kundi pagpapalagay lamang, na si Molkhiúl YAOHÚSHUA ay Siya rin pala ang Walang-Hanggang Ama, at talagang iisang Persona lamang ang kumikilos at gumaganap sa tatlong tungkulin ng Maykapal bilang Ama, Anak at Banal na Espiritu, mangangahulugang dapat ring aminin ang mga sumusunod na mga ibubungang KASINUNGALINGAN ng maling pagpapalagay na nabanggit:

1. Na si Molkhiúl YAOHÚSHUA ay nagsinungaling sa pagsasabing Siya'y isinugo ng Ama, ganoong alam Niyang isinugo pala Niya ang sarili Niya;

2. Na si Molkhiúl YAOHÚSHUA ay nagsinungaling noong sabihin Niyang hindi Niya alam kung kailan Siya tiyak na magbabalik, iyon pala'y alam rin Niya;

3. Na Siya'y magbabalik raw sa Ama, ganoong Siya pala'y magbabalik sa sarili Niya;

4. Na ang mga salitang Kanyang sinabi ay hindi mula sa Kanya kundi mula sa Ama, ganoong sa totoo pala'y ang mga ito'y mula rin sa Kanya;

5. Na Siya'y mula sa Ama samantalang Siya pala'y isinilang Niya ang Kanyang sarili;

6. Na Siya ang Anak daw sa sambahayan ng Kanyang Ama, ganoong Siya pala ay ang Ama't Anak;

7. Na Kanyang iaalay daw ang Kanyang sariling buhay upang patayin, ganoong alam pala Niyang ang Ama ang totoong papatayin;

8. Nang si Molkhiúl YAOHÚSHUA ay isinilang, ang Sanggol ay nasa lupa at pinuri ng mga tao at ng mga anghel ang Ama na nasa langit, samantalang iyong palang Sanggol na isinilang sa lupa ay ang Ama, na talagang wala palang sinomang Persona na nasa langit habang si Molkhiúl YAOHÚSHUA ay nasa lupa;

9. Sa mga pagkakataong ang Ama at ang Anak ay nag-uusap, at maraming mga nakarinig na mga saksi, ipinakikita lamang ng Molkhiúl YAOHÚSHUA ang Kanyang galing sa 'ventriloquism' o pag-iitsa ng tinig sa ibang dako o bagay, na kabilang sa mga gawa ng mga magicians o nagma-magic;

10. Na nagsinungaling si Molkhiúl YAOHÚSHUA noong Kanyang sabihing Siya'y uupo sa kanan ng Ama ganoong sa totoo pala'y uupo Siya sa kanan ng sarili Niya;

11. Samakatuwid, si YÁOHU UL ay hindi na ang Ama ng Molkhiúl YAOHÚSHUA kundi si Molkhiúl YAOHÚSHUA na rin ang magiging Ama ng sarili Niya;

12. Inililigaw ni Molkhiúl YAOHÚSHUA ang mga alagad noong Kanyang utusan silang huwag mananalangin sa Kanya kundi sa Amang YÁOHU UL na nasa langit ganoong sa totoo lang sila pala'y mananalangin sa Kanya rin;

13. Lalabas na sinungaling si Molkhiúl YAOHÚSHUA noong Kanyang sabihing Siya'y magpapadala ng kahaliling Mang-aaliw, gayong alam pala Niyang isusugo Niya ang Kanyang sarili rin mismo, at marami pang ibang kasinungalinang matitipon bunga nga ng maling pagpapalagay na iisang Persona lamang ang Ama at ang Anak!

Maliwanag na halimbawa ng isang kamalian at maling aral na nagbubunga ng libo-libong kasinungalingan at hidwang paniniwala. Bunga nga ng maling pag-unawa sa katotohanan na maling haka ng mga liko ang isipan. Salungat sa katotohanan at malaking kabaliwan ang maling doktrinang 'unitarian' o 'oneness' kung tawagin sa Ingles. 'Heresy' ang tawag sa Ingles sa mga hidwang pananampalatayang tulad ng nabanggit na 'oneness' false doctrine. Sa Banal na Kasulatan, ang tawag sa mga ganoong uri ng maling doktrina o aral ay 'doctrine of demons' o 'aral ng mga demonyo' na galing sa kaibuturan ng impyerno ang pinagmulaan! Huwag kayong padaya!

Hindi natin tinutuligsa ang mga tao kundi ang mga maling aral, dahil sa hindi mga tao ang ating kalaban kundi ang mga aral ng demonyo. Hindi rin natin ibig saktan ang damdamin ninoman kundi kinakailangan lamang talagang maipaalam sa marami ang mga katotohanang isinasaad sa Banal na Kasulatan. At ang lahat namang pagbibigay ng mga araling ito ay lakip ang aming taus-pusong pagpapakumbaba, pag-ibig at habag sa mga nalalabuan ng pang-unawa, kaya nga isinasagawa ang paglalathalang mga ito. Si Molkhiúl YAOHÚSHUA ang Ilaw ng buong daigdig!

Sa layuning ito nahayag ang Anak ni YÁOHU UL, upang wasakin ang mga gawa ni ha-satán, ang manlilinlang (batayan ang 1 Yaokhanam 3:8).

Lahat ng mga anghel sa langit, masasama man o mga mabubuting mga anghel, ay kumikilala sa Amang YÁOHU UL na iba kaysa sa Anak na nasa lupa noon!

Tapatan lang, ang aral at katotohanang ito na tumutukoy sa Tatlong Persona sa iisang Ulong-Maykapal ay napakadaling paniwalaan at matanggap ninoman. Kaya lamang para bagang mahirap maunawaan para sa karamihan na nasa kadiliman pa ay sa dahilang pinipilit nilang lagyan ng hiwaga ang napaka-simpleng katotohanang ito, sa pamamagitan ng pagpupumilit na mayroon lamang iisang Persona, iisang Buhay ang kumikilos sa tatlong iba't-ibang tungkulin o papel.

Walang anomang hiwaga sa araling Tatlong Persona sa iisang Ulong-Maykapal! Walang-wala! Ang aral ukol sa Tatlong Persona ay sinlinaw ng pinakamalinaw kung paniniwalaan at tatanggapin lamang ninoman ang maliliwanag na nakasulat sa Banal na Kasulatan, at huwag lamang pipiliting lagyan ng kung ano pa mang hiwaga raw. Muli, WALANG HIWAGA sa katotohanang pagkakaroon ng Tatlong Persona sa iisang Maykapal! Walang hiwaga, kaya't huwag pipiliting lagyan ninoman!

Kapag ang kahulugan ng sinasabi sa bawat talata ay malinaw, tiyak at maliwanag, huwag pipiliting lagyan ng hiwaga dahil ito'y pagpipilipit ng mga nakasulat, na nauuwi nga sa mga 'heresies' o mga hidwang pananampalataya.

Sinabi ni Molkhiúl YAOHÚSHUA na hindi Siya nag-iisang nagpapatotoo kundi may isa pang nagpapatotoo ukol sa Kanya, ang Amang YÁOHU UL! - Yaokhanam 5:36-38

Maliwanag rin na sinabi ni Molkhiúl YAOHÚSHUA na isusugo ng Ama ang isa pang Mang-aaliw, na Siyang ang 'RÚKHA-YAOHÚSHUA.' - Yaokhanam 14:16

Ang kahulugan ng salitang 'another' ay isa at iba pa.

Basahing mainam, unawaing mabuti, isiping mahusay at tanggapin ang mga Salitang sumusunod na pawang mula sa Banal na Kasulatan, at habang inyong binabasa ay bigyang mahalagang pansin ang mga sinasabi ni Molkhiúl YAOHÚSHUA ukol sa Kanyang sarili, sa Amang YÁOHU UL, at ukol rin naman sa Ngalan, at ang pagkakagamit Niya ng salitang 'iisa' na hindi nangangahulugang iisa kung bibilangin kundi marami nga ngunit nagkakaisang ganap, at sa lahat ng pakahulugan ay maituturing talagang isa bagama't kung bibilangin ay marami.

'Compound unity' ang tawag rito sa Ingles. Para na ring sinabi ang salitang 'isang pamilya' - isa ngunit kung bibilangin ang mga kaisa rito o mga sangkap nito ay marami, ngunit iisang pamilya pa rin! Basahin pong mainam, narito na:

'Pagkatapos masabi ito ni Molkhiúl YAOHÚSHUA, tumingala Siya sa langit at nanalangin:

'YÁOHU ABÚ (Ama), dumating na ang oras. Luwalhatiin Mo ang Iyong Anak upang maluwalhati Ka ng Iyong Anak. Sapagkat binibigyan Mo Siya ng kapangyarihan sa sangkatauhan upang magbigay ng walang hanggang buhay sa lahat ng ibinigay Mo sa Kanya. At ito ang buhay na walang-hanggan: ang makilala Ka nila na iisang tunay na Maykapal, at si YAOHÚSHUA na isinugo Mo. Niluwalhati Kita sa lupa sa pamamagitan ng lubos na pagganap sa ipinagagawa Mo sa Akin. At ngayon, Ama, luwalhatiin Mo Ahnee sa Iyong harapan ng kaluwalhatiang taglay Kong kasama Mo bago pa likhain ang sanlibutan.

Inihayag Kita sa mga ibinigay Mo sa Akin mula sa sanlibutan. Sila'y sa Iyo; ibinigay Mo sila sa Akin at sinunod nila ang Iyong Salita. Ngayon, alam na nila na ang lahat ng ibinigay Mo sa Akin ay nanggaling sa Iyo. Sapagkat ibinigay Ko sa kanila ang mga Salitang ibinigay Mo sa Akin at ang mga ito'y tinanggap nila. Natitiyak nilang Ako'y mula sa Iyo, at naniniwala silang isinugo Mo Ahnee. Idinadalangin Ko sila. Hindi ko idinadalangin ang sanlibutan, kundi ang mga ibinigay Mo sa Akin dahil sila'y Iyo. Lahat ng Akin ay Iyo, at lahat ng Iyo ay Akin. At naluluwalhati Ahnee sa pamamagitan nila.

Hindi na Ahnee magtatagal sa sanlibutan, ngunit nasa sanlibutan pa sila, at papunta na Ahnee sa Iyo. YÁOHU ABÚ HODSHÚA (Banal na Ama), ingatan Mo sila sa kapangyarihan ng Iyong Ngalan - ang Ngalang ibinigay Mo sa Akin - upang sila'y maging isa, TULAD NATING IISA. Nang Ahnee ay kasama nila, iningatan Ko sila sa pamamagitan ng Ngalang ibinigay Mo sa Akin. Inalagaan Ko sila at wala ni isa sa kanilang napahamak; maliban sa isang anak ng kapahamakan upang matupad ang Kasulatan.

Ngayon, pupunta na Ahnee sa Iyo, ngunit sinasabi Ko ang mga bagay na ito habang nasa sanlibutan pa Ahnee upang lubos nilang madama ang Aking kagalakan. Ibinigay Ko na sa kanila ang Iyong Salita at kinapootan sila ng sanlibutan dahil hindi na sila taga-sanlibutan tulad Kong hindi taga-sanlibutan. Ang dalangin Ko'y hindi upang sila'y alisin Mo mula sa sanlibutan, kundi ingatan sila mula sa masama. Hindi sila taga-sanlibutan, tulad Kong hindi taga-sanlibutan. Pakabanalin Mo sila sa pamamagitan ng Katotohanan; ang Salita Mo'y katotohanan. Kung paanong sinugo Mo Ahnee sa sanlibutan, sinugo Ko rin sila sa sanlibutan. Dahil sa kanila'y binanal Ko ang Aking Sarili, upang sila man ay maging ganap na banal.

Ang panalangin Ko'y hindi lamang para sa kanila. Idinadalangin Ko rin ang mga sasampalataya sa Akin sa pamamagitan ng kanilang Mensahe. Sa gayon, YÁOHU ABÚ (Ama), silang lahat ay magiging isa, kung paanong nasa Akin Ka at Ako'y nasa Iyo. Nawa'y maging isa sila sa Atin, upang sumampalataya ang sanlibutan na Ako'y sinugo Mo. Ibinigay Ko na sa kanila ang kaluwalhatiang ibinigay Mo sa Akin, upang sila'y maging isa, TULAD NATING IISA. Ahnee ay nasa kanila, at Ikaw ay nasa Akin. Nawa'y lubos silang maging isa upang malaman ng sanlibutan na Ahnee ay sinugo Mo at inibig Mo sila tulad ng pag-ibig Mo sa Akin.

YÁOHU ABÚ (Ama), nais kong ang mga ibinigay Mo sa Akin ay makasama Ko sa Aking kinaroroonan at makita nila ang Aking kaluwalhatian, ang kaluwalhatiang ibinigay Mo sa Akin, dahil Ako'y inibig Mo bago pa likhain ang sanlibutan.

YÁOHU ABÚ HODSHÚA (Amang Banal), bagaman hindi Ka nakikilala ng sanlibutan, nakikilala Kita at alam nilang sinugo Mo Ahnee. Ipinakilala ko ang Iyong Ngalan sa kanila, at patuloy Kong ipakikilala upang ang pag-ibig Mo sa Akin ay mapasa-kanila at Ahnee man, sa Aking Sarili ay mapasa-kanila!' - Yaokhanam 17, Banal na Kasulatan

Si Molkhiúl YAOHÚSHUA ang katotohanan, at wala ni isa mang kasinungalingan sa Kanyang mga sinabi.

Lahat ng mga pangungusap ni Molkhiúl YAOHÚSHUA na isinaad ay kinakailangang paniwalaan at tanggapin bilang pawang mga katotohanan, dahil kung hindi ay malalagay ang sinoman sa ilalim ng kaparusahan ni YÁOHU UL dahil para na ring tinawag na sinungaling si Molkhiúl YAOHÚSHUA. Samakatuwid, sa bawat pagsasabi ni Molkhiúl YAOHÚSHUA ng mga salitang 'Atin' at 'Natin' maliwanag na Kanyang ipinahahayag na ang Amang YÁOHU UL ay ibang Persona kaysa sa Kanya, at silang dalawa ang Kanyang tinutukoy sa bawat pagsasabi Niya ng mga salitang 'Atin' at 'Natin.' Huwag pipiliting lagyan ng hiwaga dahil maliwanag at makatotohanan ang kahulugan ng malinaw na sinasabi!

Ang tamang patakaran sa pagpapaliwanag ng nilalaman ng Banal na Kasulatan, ay: kapag ang nakasulat at malinaw ang isinasaad at makatotohanan, makabuluhan ang 'literal' na kahulugan nito, huwag pipilitin ninoman na lagyan ng mga kung anu-anong maling haka at mga hiwaga daw. Talaga namang mayroong mga bahagi ng Banal na Kasulatan ang maliwanag rin namang sinasabing ang mga iyon ay may lakip na hiwaga o hula kaya, dahil malinaw na sinasabi na mayroon nga, tulad ng pagkakakilanlan sa anti-messias na isinasaad sa Pahayag 13.

Ngunit kapag ang mga talata ay malilinaw ang kahulugan at wala namang pakahulugan na mahiwaga ang mga sinabi, hindi maaaring piliting lagyan ng hiwaga ang mga ito. Iyan po ang tamang pamamaraan ng pagbibigay kahulugan sa mga nakasulat sa Banal na Kasulatan. Halimbawa, sinabing: 'nawa'y sila'y maging isa tulad NATING IISA' - kailangang paniwalaan at bigyang kahulugan ang sinabing ito sa payak na paraan, simple ang kahulugan at huwag nang pipilitin pang haluan ng hiwaga, dahil makatotohanan ang nagsalita, malinaw ang kahulugan ng sinabi at walang anomang hiwaga ang ipinakakahulugan. Kapag pinilit ninoman na lagyan ng mga hiwaga daw ang mga payak at makatotohanang mga pangungusap sa Banal na Kasulatan, ang maling paraang iya'y magbubulid sa mga maling aral at mauuwi sa kamangmangan.

'Nawa'y sila'y maging isa, tulad NATING iisa.' Ang kahulugan ng salitang 'Natin' ay higit sa isa ang tinutukoy! Napansin rin malamang ng karamihan sa inyo, sa isinaad na mga talatang mga pangungusap ni Molkhiúl YAOHÚSHUA, na noong Siya'y narito pa sa lupa't naglilingkod sa madla, ang karamihan ng tao, pati na ang mga magigiting na mga pangunahing mga tagapagturo ng relihiyon noong panahong iyon, ay hindi rin nakikilala ni nalalaman man ang Ngalan ng Maykapal na sumasa langit. Dahil kung kilala nila ang Amang YÁOHU UL at alam nila ang Ngalan Niya, tiyak hindi nila kamumuhian ang sinomang dumarating na dala ang Kanyang Pinaka-Sagradong Ngalan.

Ngunit sa hindi nga nila alam ang Ngalan at kung Sino ang totoong Maykapal, kaya't kanilang itinakwil ang isinugo na ka-Ngalan ng Amang YÁOHU UL, walang iba kundi si Molkhiúl YÁOHU-SHUA! Kaya't huwag na kayong magtaka kung bakit sa ngayon ay ganoon rin ang mga pangyayari. Walang bago sa mundong ibabaw, lahat ay may katulad na ring nangyari noong sinauna! Napansin rin malamang ng iba sa inyo na sa pananalangin ni Molkhiúl YAOHÚSHUA, Siya'y tumingala sa langit at hindi nakapikit, magkadaiti ang mga palad, at hindi rin nakayuko, di tulad ng paraan ng pananalangin ng mga hentil (o mga walang kinikilalang totoong Maykapal).

Si Molkhiúl YAOHÚSHUA talaga ang Ilaw ng Sanlibutan! Pinupuri at pinasasalamatan natin ngayon si YÁOHU UL na sumasalangit! Haolalyaohu ABÚ! Siya ang nagbibigay sa inyo ngayon ng liwanag, ilaw, unawa, kaalaman at karunungan, dahil sa Kanyang matinding pag-ibig sa bawat isa sa inyo! Na walang kahalong hiwaga. Simple, payak, YÁOHU UL loves you! And we love YÁOHU UL also!

Naririto naman ang mga talatang nagpapatibay at nagpapatunay na ang 'RÚKHA-YAOHÚSHUA' (o Banal na Espiritu) ay isa pa at iba namang Persona sa ating Ulong-Maykapal, na Siya'y isa pang Persona, bukod sa Amang YÁOHU UL at Molkhiúl YAOHÚSHUA:

1. Ang 'RÚKHA-YAOHÚSHUA' ay palagiang itinuturing na isa pang Persona, at hindi Siya ang Ama o ang Anak kaya (Yaokhanam 5:32; 14:16-17, 26; 15:26; 16:7-15)

2. Ang 'RÚKHA-YAOHÚSHUA' at si Molkhiúl YAOHÚSHUA ay dalawang magkahiwalay ng Persona sa harapan ng Amang YÁOHU UL (Pahayag 1:4-5; 3:1; 4:5; 5:6)

3. Ang 'RÚKHA-YAOHÚSHUA' ay isinugo ng Amang YÁOHU UL patungo kay Molkhiúl YAOHÚSHUA, ang Anak, upang Siya'y mapuspos ng kapangyarihan. Sa pangyayaring ito ay kinakailangan ang Tatlong Persona upang maganap: ang nagsusugo, ang isinusugo at ang pinagsusuguang tumatanggap nito! (Mga Gawa 10:38; Isaias 11:2; 42:1-7 at 61:1-2)

4. Ang 'RÚKHA-YAOHÚSHUA' ay isinugo mula sa dalawang Amang YÁOHU UL at Molkhiúl YAOHÚSHUA;

5. Ang 'RÚKHA-YAOHÚSHUA' ay ang Menakem (Comforter - Tagaapay) at hindi Siya ang Messias at hindi rin Siya ang Ama; 6. Ang paglapastangan sa Anak ay maaaring mapatawad ngunit ang paglapastangan sa 'RÚKHA-YAOHÚSHUA' ay kasalanang walang kapatawaran, sa panahong ito kahit na sa kabilang buhay pa - (Mateo 12:31-32; Marcos 3:29-30; Lucas 12:10)

7. Tinanggap na ng mga Samaritano si Molkhiúl YAOHÚSHUA ngunit ang 'RÚKHA-YAOHÚSHUA' ay hindi pa nila tinatanggap - (Mga Gawa 8:5-17)

8. Isinagawa ni Molkhiúl YAOHÚSHUA ang Kanyang paglilingkod sa lupa, sa kapangyarihan at tulong ng 'RÚKHA-YAOHÚSHUA' - (Yaokhanam 2:11; Mga Gawa 10:38)

9. Matapos muling mabuhay si Molkhiúl YAOHÚSHUA, sinabi Niyang Siya'y hindi Espiritu, di tulad ng Amang YÁOHU UL at ng 'RÚKHA-YAOHÚSHUA' na nasa espirituwal ng mga kalikasan at katayuan - (Lucas 24:39; Yaokhanam 4:24)

10. Sa mga huling yugto sa aklat ng Pahayag, makikitang ang Tatlong Persona sa iisang Ulong-Maykapal ay magkakaisa at magkakasamang kumikilos sa huling paghahango sa mga mananampalataya mula sa kasamaan, sa paghatol kay ha-satán at sa mga makasalanan.

Pansinin dito na ang pagkapuspos at pagbibinyag sa 'RÚKHA-YAOHÚSHUA' (o Banal na Espiritu) ay hindi kinakailangan munang makamit bago tumanggap ng bagong kapanganakan at ng 'RÚKHA-YAOHÚSHUA' sa puso ng sinomang sumasampalataya.

Makikita sa Yaokhanam 20:22 na tinanggap na ng mga alagad ang 'RÚKHA-YAOHÚSHUA' sa kanilang mga puso bago pa sila mabinyagan at mapuspos ng 'RÚKHA-YAOHÚSHUA' na isinasaad naman sa Mga Gawa 2:1-24. Muli, ito'y maling aral na dapat dagliang iwaksi.

Ang pagtanggap ng 'RÚKHA-YAOHÚSHUA' sa inyong puso ay katibayan ng inyong bagong kapanganakan sa Kaharian ni YÁOHU UL, ngunit ang pagkapuspos at pagbibinyag sa 'RÚKHA-YAOHÚSHUA' ay ibinibigay bilang kaloob upang mapuspos ng KAPANGYARIHAN ang mga mananampalataya.

Naririto naman ang mga talata sa Banal na Kasulatan na nagpapakita ng paggamit sa salitang 'isa' sa paraang pangkalupunan o 'compound' na paraan, at hindi nangangahulugang isa lamang sa bilang ang mga bumubuo nito:

1. 'Ang lalaki at ang babae ay nagiging isang katawan' - Genesis 2:24

2. 'Ang tao ay naging katulad na Natin' - Genesis 3:22

3. 'Naririto: ang mga tao'y iisa, at silang lahat ay iisa ang pananalita' - Genesis 11:6

4. 'Isang sanga na may isang kumpol ng ubas' - Bilang 13:23

5. Ang mga 'Yaohúshuahim' (mananampalataya kay Molkhiúl YAOHÚSHUA) ay ganap na nagkakaisa at itinuturing na iisa - Galacia 3:28

6. Ang Israel at Judah ay naging isa o magkaisa - Ezekiel 37:22

7. Ang gabi at ang araw ay isang araw - Genesis 1:5

8. Ang mga Judio at mga Hentil ay iisa kay Molkhiúl YAOHÚSHUA - Efeso 2:14-16

9. 'Magkaroon kayo ng iisang isipan!' - 1 Pedro 3:8

10. 'Si YÁOHU ULHIM ay iisa.' - Deuteronomy 6:4

Ang makalumang Hebreong salitang 'ULHIM' ay isang 'uni-plural' na salita, sa wikang Ingles, bilang isa sa mga titulo ng ating Ulong-Maykapal. Hindi ito nangangahulugang isang Persona lamang, kundi tatlong Persona ngunit sakdal ang pagkakaisa at magkakatulad, at sa maraming pagkakataon ay itinuturing na ganap na iisa lamang. Ang makalumang Hebreong salitang ito ay nangangahulugang isang magkakumpol o magkakaanib, at hindi ito nangangahulugang isa sa bilang ng bumubuo o mga sangkap nito.

Ano ngayon ang ating panghuling pasya?

Na si YÁOHU ULHIM, ang ating Walang-Hanggan at may likas na sariling buhay na Ulong-Maykapal ay binubuo ng tatlong magkakaiba, magkakahiwalay at iba't-ibang Persona, ngunit ganap, sakdal ang Kanilang pagkakaisa: ang Amang YÁOHU UL, ang Anak na si Molkhiúl YAOHÚSHUA, at ang 'RÚKHA-YAOHÚSHUA' na Siyang Banal na Espiritu - at ang tatlong Personang ito ay iisa!

Na ang aral at katotohanan ukol sa Tatlong Persona sa ating Ulong-Maykapal ay maliwanag na maliwanag na isinasaad sa Banal na Kasulatan at walang anomang hiwaga ang maaaring ipilit na ipatungkol dito.

Inyo ring natiyak ngayon na si Molkhiúl YAOHÚSHUA ay bukod sa Siya'y Tao, ay isa rin sa mga Persona sa ating Ulong-Maykapal at Siya'y 100% na Tao, at Siya rin nama'y 100% na walang-hanggan, tulad ng Amang YÁOHU UL.

'Dinggin mo O Israel, YÁOHU ULHIM, ang ating ULHIM ay iisa!' - Deuteronomio 6:4

Ang biyaya ni Molkhiúl YAOHÚSHUA, at ang pag-ibig ni YÁOHU UL, at ang pakikipag-niig ng 'RÚKHA-YAOHÚSHUA' ay sumainyo, ngayon at palagian.

Sinabi ni Molkhiúl YAOHÚSHUA:

'Humayo kayo at gawain ninyong mga alagad ang nasa lahat ng mga bansa; binyagan ninyo sila sa Ngalan ng Ama, at ng Anak, at ng Espiritu Santo, at pagkatapos ay turuan ninyo ang mga bagong alagad na tupdin ang lahat ng mga utos na Aking ibinigay sa inyo; at makatitiyak kayo na Ahnee ay palagiang makakasama ninyo, hanggang sa wakas ng kasalukuyang daigdig!' Man-YÁOHU (Mateo) 28:19-20

Q. Ano naman kung maniwala ahnee o hindi sa aral ukol sa Tatlong Persona, ano ang kabuluhan nito sa aking pansariling kaligtasan at katatayuan sa kabilang buhay?

A. Sinomang hindi naniniwala sa katotohanan ng pagkakaroon ng Tatlong Persona sa iisang Ulong-Maykapal, siya ay nananalig pala na ang Ama ang namatay para sa kanyang kaligtasan, na ang Ama ang Messias, at ang Ama ang binuhay na mag-uli mula sa kamatayan. Namatay pala ang Amang YÁOHU UL, kung ganoon. Samantalang ang maliwanag na nakasulat ay ganito:

'Kung ipahahayag ng iyong mga bibig na si Molkhiúl YAOHÚSHUA ang iyong Tagapamuno, at mananalig ka sa iyong puso na Siya'y binuhay na mag-uli ni YÁOHU UL mula sa kamatayan, ikaw'y maliligtas!' - Roma 10:9, Banal na Kasulatan

Ang maling aral ng 'Unitarian' o 'Oneness' kung tawagin sa Ingles ay iba ang paniniwala: na ang Ama ang namatay at binuhay na mag-uli ng Ama ang sarili Niya mula sa kamatayan. Taliwas sa maliwanag na nakasulat. Maliligtas kaya ang naniniwala sa maling aral ng mga demonyo?

Delikadong labagin ang maliwanag na nakasulat sa Roma 10:9 dahil kaligtasan ng kaisa-isang buhay at kaluluwa ninoman ang nakataya! Babala!

Q. Kung si Molkhiúl YAOHÚSHUA ay Walang-Hanggan, tulad rin ng kalikasan ng Amang YÁOHU UL, ngunit ahnee ay nadaya nga at napaniwala na Siya raw ay tao lamang, o isang propeta na tagapagsalita lamang ni YÁOHU UL, ano naman ang kabuluhan nito sa aking pansariling buhay at kaligtasan?

A. Masamang babawasan ang halaga at uri ng handog na inilaan ni Molkhiúl YAOHÚSHUA sa ikalilinis ng kasalanan ninoman, ang Kanyang sariling 'DAM' o dugo na nabubo bilang pampalubag-loob sa poot ni YÁOHU UL laban sa kasamaan. Ang handog o 'sacrifice' na inilaan ni Molkhiúl YAOHÚSHUA ay di pangkaraniwang handog lamang, di tulad noong pangkaraniwan sanang handog na ipinag-utos ni YÁOHU UL kay Abruhám na kanyang isagawa, sa pag-aalay ng buhay na kanyang sariling anak na si YÁOHUtz-kaq, na lumalabas ngang isang pangkaraniwang handog ng isang buhay na tao, alay sa YÁOHU ULHIM. Ang inilaan ni Molkhiúl YAOHÚSHUA para sa kaligtasan ng lahat ay ang dalisay Niyang dugo, dugo ng isang walang-bahid, malinis at puro, dahil nga sa si Molkhiúl YAOHÚSHUA lamang ang nag-iisang Taong nabuhay sa mundo na kailanma'y hindi nagkasala.

Tanging ang dalisay, puro at malinis na 'DAM' o dugo lamang ang katanggap-tanggap kay YÁOHU UL bilang pampalubag-loob, handog sa ikalilinis ng mga kasalanan ninoman at upang maalis rin ang poot ni YÁOHU UL laban sa mga makasalanan. Ang mga dugo ng mga baka, tupa at kambing ay hindi nakapag-aalis ni nakapaglilinis man ng puso ng tao mula sa mga kasalanan, kundi ang mga ito'y panakip-butas lamang habang hinihintay ang totoong banal, malinis, dalisay at purong 'DAM' o dugo ng ipinangakong Messias na Siyang Kordero ni YÁOHU UL.

Sinomang hindi naniniwala na ang Walang-Hanggan at Walang-Bahid na Persona ng Messias YAOHÚSHUA, kundi ng isang di pangkaraniwang tao lamang, ang inilaan bilang pamawi ng kasalanan ng sangkatauhan, kung gayon ang handog na iyon ay HINDI magiging katanggap-tanggap sa harapan ni YÁOHU UL, ang Banal ng Israel. Samakatuwid, ang magiging handog ninoman bilang pamawi ng kanyang mga kasalanan at bilang pampalubag-loob para kay YÁOHU UL ay inilaan lamang ng isang tao rin lamang, at ang pamawing-kasalanang handog na ito ay bawas na sa uri at sa bisa. Ganyan ang kalalabasan ng madaya sinoman ng maling aral na tinatawag na 'Unitarian' o 'Oneness' na doktrina.

Mag-iingat ka! Iisa lamang ang iyong buhay at kaluluwa na kinakailangan mong tiyaking matiwasay ang kalalagyan dito sa buhay na ito at lalo na sa kabilang buhay, na wala rin namang katapusang iyong lalasapin sa langit, o kaya'y sa impyerno para naman sa mga nadaya ng kaaway na si ha-satán (ang kambing).

Ano ang napala ninoman makamit man niya ang lahat ng kayamanan, karangyaan, kasikatan at kapangyarihan ng sanlibutan, at magwagi man siya sa lahat ng uri ng pakikipagtalo at mga diskurso, kung ang kapalit nama'y ang kanyang walang-hanggang pagdurusa? Hindi magagasta ang salapi sa impyerno. Doo'y walang sikat at makapangyarihan kundi ang 'superstar' lamang na si ha-satán (star o satar o satir - tumutukoy kay satanas ang mga salitang ito!)

Si Molkhiúl YAOHÚSHUA ang Siyang naging iyong karunungan, katuwiran, pagiging-banal at katubusan! Haolalyaohu UL Kaokam, ang iisang Pinaka-Marunong na Walang-Hanggan!

Muli, ang ating pasya at nalamang mga katotohanan ay: Na si YÁOHU ULHIM, ang ating Walang-Hanggang at may likas na sariling buhay na Ulong-Maykapal ay binubuo ng tatlong magkakaiba, magkakahiwalay at iba't-ibang Persona, ngunit ganap, sakdal ang Kanilang pagkakaisa: ang Amang YÁOHU UL, ang Anak na si Molkhiúl YAOHÚSHUA, at ang 'RÚKHA-YAOHÚSHUA' na Siyang Banal na Espiritu - at ang tatlong Personang ito ay iisa!

Na ang aral at katotohanan ukol sa Tatlong Persona sa ating Ulong-Maykapal ay maliwanag na maliwanag na isinasaad sa Banal na Kasulatan at walang anomang hiwaga ang maaaring ipilit na ipatungkol dito.

Inyo ring natiyak ngayon na si Molkhiúl YAOHÚSHUA ay bukod sa Siya'y Tao, ay isa sa mga Persona sa ating Ulong-Maykapal at Siya'y 100% na Tao, at Siya rin nama'y 100% na walang-hanggan, tulad ng Amang YÁOHU UL.

'Dinggin mo O Israel, YÁOHU ULHIM, ang ating ULHIM ay iisa!' - Deuteronomio 6:4

Ang lahat ng ito ay ibinibigay sa inyo ngayon sa diwa ng katotohanan, pag-ibig, kapakumbabaan at taus-pusong paglilingkod kay Molkhiúl YAOHÚSHUA hol-MEHUSHKHÁY, am-nám!

OL SHÚAM GAÚL YAOHÚSHUA hol-MEHUSHKHÁY, am-nám!

Naniniwala kami dahil sa mayamang awa at habag ni YÁOHU UL, na ang 'RÚKHA-YAOHÚSHUA' ang ngayon at palagiang nagbibigay liwanag sa inyong isipan, nagtuturo, nagdadala patungo sa katotohanan, umaagapay at nagpapaala-ala ng mga Molyao-Ul na sinabi ni Molkhiúl YAOHÚSHUA, na siyang nagpapakilala sa bawat isa inyo sa tunay na Messias, si Molkhiúl YAOHÚSHUA at palagiang tinitiyak ni YÁOHU UL na magkakabisa ang bawat salita na kanyang sinabi, kasama na rin ang gawain ng 'RÚKHA-YAOHÚSHUA na paggigiyagis sa inyong mga puso patungkol sa kasalanan, katwiran at kahatulan, habang tinatalian namin ang bawat isa sa inyo sa pagsunod at lubusang pagtalima kay Molkhiúl YAOHÚSHUA hol-MEHUSHKHÁY, at ang lahat ay magsabi ng am-nám!

Tandaan, ang lahat ng tuhod ay kinakailangang lumuhod sa Ngalang YAOHÚSHUA at lahat ng labi ay magsasabing si YAOHÚSHUA ang Odmorul ng lahat, sa ikaluluwalhati ni YÁOHU UL na Makapangyarihan! At anoman ang talian namin dito sa lupa ay tatalian rin sa langit!

'Naparito ang Anak ni YÁOHU UL upang wasakin ang mga gawa ng diyablo! ' - 1 Yaokanam 3:8, Banal na Kasulatan.

Kayo'y amin ngayong kinakalagan mula sa yaohod (lahat) ng uri pagkakabihag ni ha-satán at ng kanyang mga kampong mga masasamang espiritu ng pagkalito, mga masasamang espiritu ng kasinungalingan, seducing rukot ha-raot, at amin ngayong pinatitigil, pinapalayas at winawalang-bisa ang lahat ng uri ng masasamang impluwensiya, mga kasinungalingan, mga kapangyarihan at pinalalaya mula sa pagkakabihag ng mga rukot ha-raot! At tinatalian namin kayo sa lubusang pagsunod at pagtalima kay Molkhiúl YAOHÚSHUA ngayon at magpakailanman! Anoman ang aming kalagan dito sa lupa at kakalagan rin sa langit, anoman ang aming talian dito sa lupa ay tatalian rin sa langit!

Ol Shúam Gaúl YAOHÚSHUA hol-MEHUSHKHÁY, am-nám!

Tandaan na si Molkhiúl YAOHÚSHUA ang Siyang namatay para sa ikapagpapatawad ng inyong mga kasalanan at hindi ang anomang relihiyon. Hindi Tagapagligtas ang relihiyon. Si Molkhiúl YAOHÚSHUA hol-MEHUSHKHÁY lamang ang nag-iisa at ang tanging Messias na Siyang makatutulong, makapagpapalaya, makapagpapagaling at makapagliligtas sa bawat isa.

Sapagkat ang sandata ng aming pakikibaka ay hindi ukol sa laman kundi ang mga ito'y may kapangyarihan sa pamamagitan ni YÁOHU UL Gabor (Mandirigma) na gumiba ng mga kuta ng kaaway. Ating binubuwag ang bawat maling pangangatuwiran at bawat bagay na nagmamatayog laban sa karunungan ni YÁOHU UL KAOKÁM, at ating binibihag ang bawat pag-iisip upang ipasakop kay Molkhiúl YAOHÚSHUA. At ating ngayong pinagtagumpayan na si ha-satán, sa pamamagitan ng 'DAM' (dugo), at ng pananalita, at dahil sa ating sinagupa na nga si ha-satán, siya'y lumayas na mula sa lahat ng Yaohúshuahim, at tayo'y higit pa sa mapagwagi!

Maraming papuri at pasasalamat kay YÁOHU UL GAVÓHA (Pinakamataas) na Siyang tumiyak na tayo'y palagiang nagwawagi kaisa ni Molkhiúl YAOHÚSHUA. Hindi natin pinapayagang nakawin sa anomang paraan ni ha-satán ang mga Salita ni YÁOHU UL na ngayo'y natanim sa inyong mga puso't isipan, magpakailanman! Anomang hindi natin payagan dito sa lupa ay hindi papayagan sa langit.

Ol Shúam Gaúl YAOHÚSHUA hol-MEHUSHKHÁY, am-nám!

PANALANGIN NG PAGSISISI
NG MAKASALANAN

Ngayon na kayo ay sumasampalataya na sa Kanyang Ngalan at tinanggap ang tunay na Messias lakip ng mga katotohanang mula sa kanya, sabihin, bigkasin, uulitin ko pong muli, kailangang inyong bigkasin ng taus puso ang panalanging ito:

YAOHU UL, Ikaw na naninirahan sa shamulyáo (sa langit),

Ahnee (ako) ngayo'y sumasampalataya na Ikaw ang tunay na may gawa ng lahat, ang aking Manlilikha;

Ahnee (ako) ay naniniwala na Ikaw ang Tunay na Banal ng Israel, wala ng iba pa;

Ikaw ang UL ni Abruhám, YÁOHUtz-kaq at YÁOHU-caf;

Inaamin ko na ahnee (ako) po ay nagkasala laban sa Iyo, at akin ngayong pinatatawad ang lahat ng nagkasala sa akin noong nakaraan;

Ahnee (ako) ay nagsisisi sa Inyong harapan;

Pakiusap, patawarin Mo po ahnee (ako) sa lahat ng aking mga kasalanan at linisin Mo ahnee (ako) ngayon sa pamamagitan ng 'DAM' (Dugo) ni Molkhiúl YAOHÚSHUA hol-MEHUSHKHÁY, namatay dahil sa akin, bilang aking pansariling kahalili;

Akin ngayong ginagawa si Molkhiúl YAOHÚSHUA hol-MEHUSHKHÁY bilang aking iisa at pansariling Molkhiúl (Tagapamuno) at 'Mi-hu-shua-yao' (Tagapagligtas);

Ahnee (ako) ay sumasampalataya na Siya'y namatay bilang kabayaran sa lahat ng aking mga kasalanan, inilibing, at muling binuhay, umakyat sa piling ni YÁOHU UL, at muling magbabalik sa lalong madaling panahon upang mamuno bilang Hari ng mga hari;

Ahnee (ako) ay sumasampalataya ng may ganap na pananampalataya sa pagbabalik ni Molkhiúl YAOHÚSHUA hol-MEHUSHKHÁY;

Nakasulat: 'Ang sinomang tumawag sa Ngalan ni YÁOHU UL ay maliligtas.'

Ahnee (ako) ay naniniwala sa muling pagkabuhay ng mga matuwid para sa walang hanggang gantimpala, at ang sumpa sa masasama sa walang hanggang kapahamakan;

Pakiusap, ibigay Mo po sa akin ngayon ang 'RÚKHA-YAOHÚSHUA' upang manahan sa akin, ahnee (ako) bilang Iyong bagong anak sa Inyong kaharian ng Katwiran at Kabanalan; at pakibinyagan rin po ahnee ngayon sa 'RÚKHA-YAOHÚSHUA' upang aking matamo ang buong kapuspusan ng 'RÚKHA-YAOHÚSHUA' at mga walang-bayad na regalo upang ahnee ay masilakbong makapaglingkod sa Inyo ngayon magpakailanman;

Ahnee (ako) ay sumasampalataya na Siya'y akin nang tinanggap ngayon sa aking puso, bilang Tagapamuno ng aking buhay at ahnee (ako) ay naniniwala rin na akin namang tinanggap ngayon ang Iyong habag, kapatawaran, paglilinis at kaligtasan; kasama na ang pagbibinyag sa 'RÚKHA-YAOHÚSHUA' at ang mga lakip na mga walang-bayad na regalo sa aking ikapagpapasilakbo;

Maraming pasasalamat at papuri ang aking ibinibigay sa Inyo ngayon; maraming salamat po at purihin Kayo sa Inyong iginawad na kapatawaran, paglilinis, katubusan, pagbibinyag, kagalingan at kaligtasan, ngayon magpakailanman;

Aking ginagawa ang panalanging ito ol Shúam Gaúl YAOHÚSHUA hol-MEHUSHKHÁY - am-nám!

Ngayon kayo ay malaya na at ganap na! Ngayon, luwalhatiin natin si YÁOHU UL, magkasama nating itaas ang Kanyang NGALAN!

Simulan mo ngayon ang iyong bagong buhay na kasama si YÁOHU ABÚ (Ama) sa pamamagitan ng pagsasabi sa iba tungkol sa Kanyang PAG-IBIG at sa Kanyang NGALAN at magsimulang ibigin at tulungan ang iyong kapuwa!

'Ibigin mo ang YÁOHU UL nang BUONG puso, nang BUONG kaluluwa, BUONG kakayahan at nang BUONG pag-iisip; at ibigin mo ang iyong kapuwa na tulad ng iyong pag-ibig sa iyong sarili!'

Iyan ang mga pinakamahahalagang mitzvot o mga utos!

Kaya simulan na pong ibigin si YÁOHU UL at ang inyong mga kapuwa ngayon!

'Kaya naparito ang Anak ni YÁOHU UL upang wasakin ang mga gawa ng diyablo!' - 1 Yaokanam 3:8, Banal na Kasulatan.

Tandaan na si Molkhiúl YAOHÚSHUA ang Siyang namatay para sa ikapagpapatawad ng iyong mga kasalanan, at hindi ang relihiyon. HINDI ka maililigtas ng relihiyon. Si Molkhiúl YAOHÚSHUA hol-MEHUSHKHÁY ang nag-iisang Tagapagligtas na Siyang makatutulong, makapagpapalaya, makapagpapagaling at makapagliligtas sa iyo!

Kung wala pa po kayo ng sipi o kopya ng 'Biblia Hebraica' o ng Banal na Kasulatan, ay kinakailangan po na magkaroon na kayo nito sa lalong madaling panahon upang masimulan na ninyong basahin ang Molyao-Ul! Para po sa inyong paglagong espiritwal o rukhaol. Ngayong alam na po ninyo ang katotohanan ay kayo na ang magbago noong nalaman ninyong katotohanan. Pakatandaan po ninyo na kinakailangang palagian nating pinag-aaralan ang Molyao-Ul upang marami pa ang matutuklasan ninyong mga katotohanan para sa inyong ikadadalisay, ikasasagana, ikatutuwid at ikaiinam sa pamumuhay!

Simulan na ninyong basahin ang Molyao-Ul ngayon! Palagian ring mananalangin kay YÁOHU UL at gamitin ang Ngalan ni Molkhiúl YAOHÚSHUA hol-MEHUSHKHÁY, dahil sinabi Niya na anoman ang ating hilingin kay YÁOHU UL ay hingin natin sa Ngalan ni Molkhiúl YAOHÚSHUA hol-MEHUSHKHÁY! Nakatitiyak na makatatanggap ng totoong resulta, katugunan, kapakinabangan, kalutasan at mga pagpapala! Huwag po ninyong subukan kundi isagawa ngayon at paniwalaan!

Kung mayroon po kayo o sino pa mang nasa kapaligiran ninyo ang may anomang uri ng pangangailangan, espiritwal, man o materyal, o kaya nama'y mayroon po kayong mga katanungan, maaari po kayong tumawag o lumiham sa amin. Bukas po ang aming puso't palad sa pagtulong sa inyo, bilang alipin ni Molkhiúl YAOHÚSHUA hol-MEHUSHKHÁY kaya't huwag po kayong mahihiya dahil iniibig kayo nang lubusan ni YÁOHU UL! At kayo ay iniligtas na ni Molkhiúl YAOHÚSHUA! Sa sandaling tanggapin ninyo si Molkhiúl YAOHÚSHUA hol-MEHUSHKHÁY bilang inyong Molkhiúl at Mihushuayao, kayo ngayon ay nasa sa makipot na daan.

Kung nais po ninyong tumanggap ng mga walang bayad na babasahin tulad ng Bibliyang Tagalog o kaya'y bilingual Hebrew Holy Scriptures, New Covenant portion, lahat ay Hebreo, mga isinalin sa wikang Alemanya, Arabo, Portuguese, Ruso, French, Dutch, Romanian, Espanol, at iba pang wika tulad ng Ingles, ay sumulat at makipag-ugnay lang po kayo sa amin direkta at ipapadala po namin sa inyo ng libre, walang bayad.

Wala po kayong dapat bayaran, ang pamamahagi po ng walang bayad ay bahagi ng aming paglilingkod kay Molkhiúl YAOHÚSHUA hol-MEHUSHKHÁY bilang Kanyang mga alipin upang ipakilala sa inyo Siya nang lubusan at ang Kanyang Salita o Molyao-Ul. Walang-bayad naming tinanggap mula sa YÁOHU ABÚ ay walang-bayad rin naman po naming ibibigay sa inyo, utos sa Kanyang Banal na Kasulatan.

Totoo, tiyak at walang alinlangang si Molkhiúl YAOHÚSHUA lamang ang nagpapalaya sa inyo mula sa lahat ng kasinungalingan, pandaraya, pambibihag, mga sumpa at salot na mula kay ha-satán. Si Molkhiúl YAOHÚSHUA ang Liwanag ng Buhay! Pinangangalagaan ka ni Molkhiúl YAOHÚSHUA mula sa tatak ng halimaw. Naparito ang kaaway upang pumatay, magnakaw at manira subalit si Molkhiúl YAOHÚSHUA ay naparito upang magbigay ng buhay, at higit na masaganang pamumuhay!

Nakikiisa ka na ngayon, hindi sa panibagong relihiyon, kundi sa Persona ni Molkhiúl YAOHÚSHUA hol-MEHUSHKHÁY, na Siyang ganap na nagpalaya sa inyo mula sa kaharian ng kadiliman tungo sa Kaharian ng Kaliwanagan! Si Molkhiúl YAOHÚSHUA hol-MEHUSHKHÁY na ngayon ang inyong Tagapagligtas, Manunubos, Sanggalang, Tagapagbigay at Pinunong Tagabantay ng inyong kaluluwa. Sa makapangyarihan at mapagmahal na YÁOHU UL ngayon amin kayong inilalagak, magpakailanman!

'Ol Shúam' Gaúl YAOHÚSHUA hol-MEHUSHKHÁY, am-nám!
(Sa Ngalan ni YAOHÚSHUA hol-MEHUSHKHÁY, siya nawa....)

Sinabi ni Molkhiúl YAOHÚSHUA:

'Huwag ninyong guni-gunihin na naparito Ahnee (Ako) upang magdala ng kapayapaan sa daigdig! Hindi kapayapaan, kundi tabak! Ahnee ay naparito upang paglabanin ang anak laban sa kanyang ama, ang anak na babae laban sa kanyang ina, ang manugang na babae laban sa kanyang biyenang babae - ang magiging pinakamahigpit na kaaway ng tao ay mismong ang kanyang mga kasambahay! Kung mamahalin mo ang iyong tatay o nanay nang higit kaysa sa Akin, ikaw'y hindi karapat-dapat maging Akin, o kung mamahalin mo ang iyong anak na lalaki o babae kaya ng higit kaysa iyong pag-ibig sa Akin, hindi ka karapat-dapat maging Akin.

'Kung iyong tatanggihan ang Aking ipinapapasan sa iyo at di ka sumunod sa Akin, hindi ka karapat-dapat maging Akin. Kung iyong ipagkakait sa Akin ang iyong buhay, ito'y mawawala; ngunit kung iyong isusuko ang iyong sariling buhay dahil sa Akin, maililigtas mo ito!' - Manyaohu 10:34-39, Banal na Kasulatan.

Nawa'y ang pagpapala ni YÁOHU UL ay sumainyo lagi; Nawa'y ang Kanyang mukha ay laging ibaling sa inyo upang kayo'y lingapin at pangalagaan; Nawa'y kayo'y palaging puspusin ng kapayapaan, biyaya, kalusugan at walang hanggang pag-ibig at kagalakan, ngayon at magpakailanman!

Ol Shúam Gaúl YAOHÚSHUA hol-MEHUSHKHÁY, am-nám!
(Sa Ngalan ni YAOHÚSHUA hol-MEHUSHKHÁY, siya nawa....)

Olkem shua-oléym....

Narito po ang inyong iba pang walang-bayad na babasahing maaaring hilingin daglian:

Q. Bakit tayo naniniwalang ang orihinal na Hebreong Banal na Kasulatan ang mga totoong Salita ng Maykapal?
Q. Ano ang kahulugan ng kapanganakang mula sa itaas o mag-uli?
Q. Bakit tayo naniniwalang si Molkhiúl YAOHÚSHUA ang totoong Messias?
Q. Ano-anong uri ng pagbibinyag ang itinagubilin upang ating isagawa?
Q. Bakit maling gamitin ang mga titulong 'El' at 'Elohim' kapag ang tinutukoy ay ang totoong Ulong-Maykapal? Sino ba talaga ang tinutukoy at tinatawag na 'El' at 'Elohim' at 'El Shaddai'?
Q. Sino ba talaga sila 'god,' 'ha-shem' at 'adonay' na tinatawag ng marami bilang kanilang 'maykapal' daw?
Q. Ang mga salita bang 'zeus' - 'diyos' - 'theos' at 'deus' ay tumutukoy sa iisang espiritong idolo sa di-nakikitang larangang espiritwal?
Q. Bakit hindi mabigyan ng mga 'atheists' (di naniniwalang mayroong Maylalang) ng tamang katugunan ang mga tanong ukol sa pinakaunang nagtulak o nagpagalaw sa buong sangnilikha, saan patungo at magwawakas ang lahat sa sansinukob, sino ang lumikha ng mga 'atoms' at mga pinakamaliliit na sangkap ng lahat ng nilikha?
Q. Ang pagpapalaglag ba ng sanggol ay itinuturing ni YÁOHU UL na 'infanticide' o pagkitil ng buhay ng sanggol?
Q. Itinuturing ba ni YÁOHU UL na pakikiapid ang pakasalan ang isang taong hiniwalayan na ng kanyang dating asawa?
Q. Bakit marami ang mahirap at marami rin naman ang mayayaman? May lihim ba sa likod ng mga kaganapang ito? O baka naman nakasalalay ang lahat sa pasya ng tatlong personang 'kuwarta-pera at salapi'? Totoo ba ang tinatawag na 'suwerte' o 'luck'?
Q. Bakit sinasamba ng maraming kabataan sa sanlibutan ang mga damo, dahon at iba pang mga damong-ligaw, sa pagiging sugapa sa mga ito?
Q. Talaga bang milyon-milyon ang tumatahak sa maluwang at madaling daan patungo sa kamatayan at kapahamakan, ngunit kakaunti lamang ang nakakikita at tumatahak sa makipot at mahirap na daan patungo sa buhay na walang hanggan?
Q. Anu-ano ang mga 'occult objects and symbols' at ano naman ang kamalasang dulot ng mga ito sa mga mayroon ng mga ito?
Q. Totoo bang ang mga pangkaraniwang sagisag na ginagamit tulad ng bituin, kidlat, bahaghari, mga hugis puso, ay mga sagisag ng kambing na si ha-satán, at ang mga ito'y gamit ng mga mangkukulam at mga engkantador?
Q. Ipinagbabawal ba talaga ni YÁOHU UL sa Banal na Kasulatan ang pagsasagawa ng 'seance' at mga pagkonsulta sa mga manghuhula, mga 'faith healers' at mga 'mediums' kasama na rin ang pakikipag-usap sa mga patay (necromancy) at paggamit ng mga 'orasyon'? Ano ang mga parusa at salot sa mga nakikiisa sa mga gawa ng kadilimang ito?

Maaari po kayong humingi ng mga walang bayad na mga babasahing ito o kaya'y sa pamamagitan ng electronic text transmissions upang maipadala po sa inyo sa pamamagitan ng koreo, o kaya'y fax, sa diskette o kaya'y sa computer modems sa Internet, maging sa pamamagitan ng WWW, E-Mail o kaya'y FTP.

Gawin ninyo ngayon din!

Simulan na ninyong ipagsabi at gawing patotoo sa iba ang tungkol kay Molkhiúl YAOHÚSHUA na Siya ninyong Tagapamuno at Sanggalang!

Maaari rin po ninyo itong i-download ito, pagkatapos ay i-print, at magpakopya ng marami upang maipamahagi ninyo sa inyong mga kasambahay, kamag-anak, mga kapitbahay, mga kaibigan, mga kasamahan sa trabaho. Maaari rin ninyong ipadala sa amin ang mga ngalan at addresses ng mga inaakala ninyong nangangailangan ng tulong, kagalingan, kalayaan, kahayagan, kaalaman ukol sa mga ito at aming silang padadalhan ng mga aklat na ito nang walang bayad.

Magpatotoo sa kanila na inyo nang natagpuan, nakilala at tinanggap si Molkhiúl YAOHÚSHUA bilang inyong sariling Tagapamuno at Tagapagligtas! Ipagmalaki at ipamalita ninyo palagian sa lahat si Molkhiúl YAOHÚSHUA! Dahil sa Siya ang tunay, totoo, orihinal at nag-iisang Mihushuayao (Tagapagligtas)!

YAOHÚSHUA - ang nag-iisang pag-asa sa buong daigdig!

Tiyakin rin ninyong basahin ang iba pang walang-bayad na babasahing YAOHÚSHUA para sa inyong pagkamulat at paglagong espiritwal! Ang mga babasahing ito ay maaari ninyong makamit sa TEXT o kaya'y HTML, sa mga Pilipino versions, at ang lahat ay wala pong bayad:

Pamagat

'YAOHÚSHUA' - Ang Orihinal Messias!
'YAOHÚSHUA sa Walang-Hanggang Triune!'
'Kagulat-gulat Ngunit Totoo'
'Mga Katangian ng Messias'
'YAOHÚSHUA - Manggagamot at Tagapagpalaya'
'Walang Bayad na Regalo'
'Pakikitungo sa mga Authorities'
'YAOHÚSHUA - Mga Pagbubunyag!'

Filenames

YAO-TAG.TXT
TRI-TAG.TXT
TAGALOG.TXT
MQ-TAG.TXT
EXOR-TAG.TXT
GIFTS-TAG.TXT
BOSS-TAG.TXT
FALSETAG.TXT

 

FTP Mirror Sites:

ftp.wr.com.au/pub/yaohush
ftp.yaohushua.org/pub/yaohush
ftp.Yaohushua.org.za/pub/yaohush

 

Home Webpage:

http://www.YAOHUSHUA.org/index.html

 

E-mail Address:

Cohanul@YAOHUSHUA.ORG.IL

 

WWW Mirror Sites:

http://www.yahushua.org/index.html
http://www.yawhushua.org/index.html
http://Ohol-Yaohushua.Org/index.html
http://www.Yaohushua.org.za/index.html
http://www.yaohushua.org.uk/index.html
http://www.lava.net/ohol_yaohushua/index.html

Ang mga walang-bayad na babasahing YAOHÚSHUA ay inyo ring matatagpuan sa Internet sa mga sumusunod:

Microsoft Network (MSN) - Religious Resources Library
America Online (AOL) - Religion & Ethics Forum - Interfaith Library

Microsoft E-Mail Address:

YAOHUSHUA@email.msn.com

Post Mailing Address:

OHOL YAOHUSHUA
P. O. BOX 1482,
JERUSALEM, ISRAEL 91014

Tandaan!

'Walang ibang ngalan ang ibinigay sa silong ng langit upang ikaligtas ng tao liban sa nag-iisang Ngalang: YAOHÚSHUA!' - Mga Gawa 4:12, Banal na Kasulatan.

Walang ibang ngalan, walang ibang ngalan, walang ibang maliban, liban sa Ngalang: YAOHÚSHUA!

Ito ay hindi 'copyrighted' na aklat. Ang mga bahagi o ang kabuoan nito ay maaaring kopyahin sa anomang paraan ng sinomang nagnanais na luwalhatiin si Molkhiúl YAOHÚSHUA hol-MEHUSHKHÁY.

Ang pinakadakilang pamana na inyong maipamahagi sa inyong mga anak ay hindi ang diploma kundi ang makilala nila ang iisa, totoo at orihinal na Messias: YAOHÚSHUA hol-MEHUSHKHÁY! Higit pa Siya kaysa lahat ng kayamanan o diploma sa buong sanlibutan! Ibigay sa kanila ang Salita na nagkatawang tao, na Siyang namatay upang tayo'y maligtas.

Magkasama nating luwalhatiin si YÁOHU UL, ating itaas ang Kanyang Ngalan!

O YÁOHU, YÁOHU, anong pinakamahusay ang Iyong Ngalan sa buong daigdig!

YAOHÚSHUA - ang nag-iisang pag-asa sa buong daigdig!

Ang yaohod ng ito ay ibinibigay sa inyo ngayon sa diwa ng katotohanan, pag-ibig, kapakumbabaan at taus-pusong paglilingkod kay Molkhiúl YAOHÚSHUA hol-MEHUSHKHÁY, am-nám!

Ang yaohod ng tuhod ay luluhod sa Ngalang: YAOHÚSHUA!

OL SHÚAM GAÚL YAOHÚSHUA hol-MEHUSHKHÁY, am-nám!

Appendix A:

Mga Titulo at Mga Katungkulan ng
Tatlong Persona sa Iisang Ulong-Maykapal

YAOHU UL


ULHIM - Genesis 1:1
YÁOHU UL - Genesis 2:4-22
Pinakamataas na UL - Genesis 14:18-22
Pinakamakapangyarihang UL - Genesis 17:1; Pahayag 19:15
Walang-Hanggang UL - Genesis 21:33
UL ng Langit - Genesis 24:3
UL ng Lupa - Genesis 24:3; Pahayag 11:4
YÁOHU UL ng Langit - Genesis 24:7
Pinakamakapangyarihang Walang-Hanggan - Genesis 28:3; 43:14; 48:3
Malakas na UL - Genesis 49:24
UL ni Abruhám - Exodo 3:6
UL ni YÁOHUtz-kaq - Exodo 3:6
UL ni YÁOHU-caf - 2 Samuel 23:1
Ahnee ay - Exodo 3:13-15
UL ng mga Hebreo - Exodo 5:3
YÁOHU - Exodo 6:3; Mga Awit 83:18
UL ng Israel - Exodo 24:10
Mapanibughuing Tagapaghiganti - Exodo 34:14
UL ng mga Espiritu ng Lahat ng Laman - Bilang 16:22; 27:16
UL ng mga Ulhim - Deuteronomio 10:17
Walang-Hanggang UL - Deuteronomio 33:27
Ang Buhay na UL - Josue 3:10
YÁOHU UL ng Israel - Josue 22:16; 24:2
YÁOHU ULHIM ng mga Ulhim - Josue 22:2
Kapangyarihan ng Israel - 1 Samuel 15:29
Bato - 2 Samuel 22:32
UL ng Aking Bato - 2 Samuel 22:3
Muog ng Israel - 2 Samuel 23:3
UL ni Dóud - 2 Cronica 34:3
Makatuwirang UL - Mga Awit 7:9
Muog - Mga Awit 18:2; 91:2
Tagapagpalaya - Mga Awit 18:2; 91:3
Kapangyarihan - Mga Awit 18:2
Helmet - Mga Awit 18:2; 91:4
Shofar ng Kaligtasan - Mga Awit 18:2
Mataas na Tore - Mga Awit 18:2
UL ng Aking Kaligtasan - Mga Awit 18:46
UL ng Kaluwalhatian - Mga Awit 29:3
UL ng Katotohanan - Mga Awit 31:15; Isaias 65:16
YÁOHU - Mga Awit 68:4
Kataas-taasan - Mga Awit 91:1, 9
Kublihan - Mga Awit 91:2, 9
Ang Banal ng Israel - Isaias 30:15
Maluwalhating YÁOHU - Isaias 33:21
Maykapal - Isaias 40:28
YÁOHU UL ng Mga Hukbo - Isaias 22:5
YÁOHU UL, ang Iyong Tagapagligtas at Tagapagpalaya - Isaias 60:16
Makapangyarihan ni YÁOHU-caf - Isaias 60:16
YÁOHU, ang Pinuno ng Hukbo ng Langit - Jeremias 7:3, 21
Totoong UL - Jeremias 10:10; Yaokhanam 17:3
Dakila at Makapangyarihang UL - Jeremias 32:18
UL ng Lahat ng Laman - Jeremias 32:27
Matanda ng mga Araw - Daniel 7:9, 22
UL ng Kahatulan - Malakias 2:17
UL ng Mga Buhay - Marcos 12:27
Dimadudungisang UL - Roma 1:23
UL ng Tiyaga at Lubag - Roma 15:5
UL ng Pag-asa - Roma 15:13
UL ng Kapayapaan - Roma 16:20
UL ng Ginhawa - 2 Corinto 1:3
UL ng Pag-ibig at Kapayapaan - 2 Corinto 13:11
Buhay at Totoong UL - 1 Tessalonica 1:9
Iisang Marunong na UL - 1 Timoteo 1:17
Pinagpala at Iisang Pinuno, Hari ng mga hari, Pinuno ng mga pinuno - 1 Timoteo 6:15-16
Dakilang UL - Tito 2:13; Pahayag 19:17
UL na Hukom ng Lahat - Hebreo 12:23
UL na ABÚ - 1 Pedro 1:2; 2 Yaokhanam 3
UL ng Lahat ng Biyaya - 1 Pedro 5:10
Iisang YÁOHU UL - Judas 4
YÁOHU ang Makapangyarihan sa Lahat - Pahayag 4:8; 11:17; 15:3; 16:17; 21:22
YÁOHU UL Omnipotente - Pahayag 19:6
YÁOHU UL ng Mga Banal na Propeta - Pahayag 22:6

YAOHUSHUA hol-MEHUSHKHÁY


Binhi ng Babae - Genesis 3:15
Shiloh - Genesis 49:10
Bituin Mula Kay YÁOHU-caf - Bilang 24:17
Propeta - Deuteronomio 18:15; Lucas 24:19
Bato ng Kaligtasan - Deuteronomio 32:15
Tagapamagitan - Job 9:33
Pinahiran ng Langis (Messias) - Mga Awit 2:2
Ang Anak - Mga Awit 2:12; Hebreo 3:6
Santuario - Isaias 8:14
Batong Katitisuran - Isaias 8:14
Batong Nakasasakit - Isaias 8:14
Kamangha-mangha - Isaias 9:6
Tagapayo - Isaias 9:6
Makapangyarihang UL - Isaias 9:6
Ugat ng Buhay na Walang-Hanggan - Isaias 9:6
Prinsipe ng Kapayapaan - Isaias 9:6
Tungkod Mula Kay Yishai o Jesse - Isaias 11:1
Ang Sanga (Nazareno) - Isaias 11:1; Zacarias 3:8; 6:12
Sagisag ng Madla - Isaias 11:10
Aking Lingkod - Isaias 42:1; Man-YÁOHU (Mateo) 12:18
Aking Hinirang - Isaias 42:1
Pinakintab na Tungkod - Isaias 49:2
Manunubos - Isaias 59:20
Anghel ng Kanyang Presencia - Isaias 63:9
YÁOHU Aming Katuwiran - Jeremias 23:6
Punla ng Kasikatan - Ezekiel 34:29
Messias (MEHUSHKHÁY) - Daniel 9:25; Yaokhanam 4:25
Hukom ng Israel - Mikas 5:1
Pagnanasa ng Lahat ng Mga Bansa - Hageo 2:7
Siyang Aking Kasamahan - Zacarias 13:7
Tagapagdalisay at Tagapaglinis - Malakias 3:3
Araw ng Katuwiran - Malakias 4:2
YAOHÚSHUA hol-MEHUSHKHÁY - Man-YÁOHU (Mateo) 1:1
Anak ni Abruhám - Man-YÁOHU (Mateo) 1:1
Anak ni Dóud - Man-YÁOHU (Mateo) 1:1; 9:27
hol-MEHUSHKHÁY - Man-YÁOHU (Mateo) 1:17; 2:4
YAOHÚSHUA - Man-YÁOHU (Mateo) 1:21
Immanu-UL - Man-YÁOHU (Mateo) 1:23
Hari ng Mga Judio - Man-YÁOHU (Mateo) 2:2; 21:5
Gobernador - Man-YÁOHU (Mateo) 2:6
Nazareno (Sanga) - Man-YÁOHU (Mateo) 2:23
Anak ng UL - Man-YÁOHU (Mateo) 4:3
Pinuno - Man-YÁOHU (Mateo) 8:19
Anak ng Tao - Man-YÁOHU (Mateo) 8:20
Manggagamot - Man-YÁOHU (Mateo) 9:12
Ang Lalaking Ikakasal - Man-YÁOHU (Mateo) 9:15
Kaibigan ng Mga Makasalanan - Man-YÁOHU (Mateo) 11:19
Ang Iniibig - Man-YÁOHU (Mateo) 12:18
Maghahasik ng Binhi - Man-YÁOHU (Mateo) 13:3
Anak ng Kataastaasan - Lucas 1:32
Shofar ng Kaligtasan - Lucas 1:69
Dayspring - Lucas 1:78
hol-MEHUSHKHÁY YAOHÚSHUA - Lucas 2:11
Tagapagligtas - Lucas 2:11
Lubag ng Israel - Lucas 2:25
Kaligtasan - Lucas 2:30
YAOHÚSHUA na taga Nazareth - Lucas 4:34
Banal ng UL - Lucas 4:34
Ang Salita - Yaokhanam 1:1-2
UL - Yaokhanam 1:1-3; 20:28; Hebrew 1:8
Tunay na Ilaw - Yaokhanam 1:9
Bugtong na Anak - Yaokhanam 1:18; 3:16
Kordero ng UL - Yaokhanam 1:29; Pahayag 5:6
Hari ng Israel - Yaokhanam 1:49
Guro - Yaokhanam 3:2
Kaloob ng UL - Yaokhanam 4:10
Tagapagligtas ng Sanlibutan - Yaokhanam 4:42
Tinapay ng UL - Yaokhanam 6:33
Tinapay ng Buhay - Yaokhanam 6:35; 48-51
Ilaw ng Sanlibutan - Yaokhanam 8:12
Pintuan ng Kawan - Yaokhanam 10:7
Mabuting Tagabantay - Yaokhanam 10:11
Daan, Katotohanan at Buhay - Yaokhanam 14:6
Sanga - Yaokhanam 15:1-8
Pinuno at UL - Yaokhanam 20:28
Banal at Makatarungan - Mga Gawa 3:14
Banal na Sanggol YAOHÚSHUA - Mga Gawa 4:27
Prinsipe at Tagapagligtas - Mga Gawa 5:31
Pinuno ng Lahat - Mga Gawa 10:36
Pampalubag-loob - Roma 3:25; 1 Yaokhanam 2:2
YAOHÚSHUA hol-MEHUSHKHÁY Ating Pinuno - Roma 6:23
Tagapagpalaya - Roma 11:26
MEHUSHKHÁY YAOHÚSHUA - 1 Corinto 1:2; 1 Timoteo 2:5
Kapangyarihan ng UL - 1 Corinto 1:24
Karunungan ng UL - 1 Corinto 1:24
Pagiging-Banal - 1 Corinto 1:30
Pinuno ng Kaluwalhatian - 1 Corinto 2:8
Ating Pascua (Pesak) - 1 Corinto 5:7
Espiritwal na Bato - 1 Corinto 10:4
Unang Bunga - 1 Corinto 15:23
Huling Adan - 1 Corinto 15:45
Ikalawang Tao (Adan) - 1 Corinto 15:45-47
Larawan ng UL - 2 Corinto 4:4
Binhi ni Abruhám - Galacia 3:29
Batong Panulukan - Efeso 2:20
Pinuno ng Kapatiran - Colosas 1:18
Pangunahin Mula sa Kamatayan - Colosas 1:18
Tagapamagitan - 1 Timoteo 2:4-5
Ang Tao na si MEHUSHKHÁY YAOHÚSHUA - 1 Timoteo 2:5
Panubos ng Lahat - 1 Timoteo 2:6
Binhi ni Dóud - 2 Timoteo 2:8
YAOHÚSHUA hol-MEHUSHKHÁY na Ating Tagapagligtas - Tito 1:4
Liwanag ng Kanyang Kaluwalhatian - Hebreo 1:3
Larawang Maliwanag ng Kanyang Persona - Hebreo 1:3
Tagapanatili ng Lahat ng Bagay - Hebreo 1:3
Kapitan ng Kaligtasan - Hebreo 2:10
Apostol at Pinunong Saserdote ng Ating Ipinapahayag - Hebreo 3:1
Pangunahin - Hebreo 6:20
Saserdote ng Santuario - Hebreo 8:2
Nagpamana - Hebrew 9:16-17
Pinagmulaan at Magtatapos ng Ating Pananampalataya - Hebreo 12:2
Dakilang Tagabantay ng Mga Tupa - Hebreo 13:20
Tagabantay at Obispo ng Kaluluwa - 1 Pedro 2:25
Pinunong Tagabantay - 1 Pedro 5:4
Pinuno at Tagapagligtas YAOHÚSHUA hol-MEHUSHKHÁY - 2 Pedro 1:11
Tala sa Araw - 2 Pedro 1:19
Tagapagtanggol - 1 Yaokhanam 2:1
YAOHÚSHUA hol-MEHUSHKHÁY ang Matuwid - 1 Yaokhanam 2:1
Buhay na Walang-Hanggan - 1 Yaokhanam 5:20
Tapat na Saksi - Pahayag 1:5
Unang Supling Mula sa Mga Patay - Pahayag 1:5
Prinsipe ng Mga Hari sa Daigdig - Pahayag 1:5
Alef at Tav, Pasimula at Wakas - Pahayag 1:8; 21:6; 22:13
Pasimula at Ang Katapusan - Pahayag 1:8
Tala sa Umaga - Pahayag 2:28
Am-nám - Pahayag 3:14
Tapat at Totoong Saksi - Pahayag 3:14
Pasimuno sa Sangnilikha - Pahayag 3:14; Efeso 3:9; Colossas 1:15-18
Leon ng Tribu ni Judah - Pahayag 5:5
Ugat ni Dóud - Pahayag 5:5
Salita ni YÁOHU UL - Pahayag 19:13
Hari ng Mga Hari, Pinuno ng Mga Pinuno - Pahayag 19:16
Ugat at Supling ni Dóud - Pahayag 22:16
Maliwanag na Tala sa Umaga - Pahayag 22:16

'RUKHA-YAOHUSHUA' (o Banal na Espiritu)


RÚKHA ng UL - (22 ulit) Genesis 1:2; 41:38; Mateo 3:16; 1 Corinto 2:11-14
RÚKHA ng Karunungan - Exodo 28:3; Deuteronomio 34:9; Isaias 11:2; Efeso 1:17
RÚKHA - (113 ulit) Bilang 11:17, 25; Ezekiel 1:20; 2:2; Galacia 6:8; Efeso 2:22
Kanyang RÚKHA - Bilang 11:29; Mga Awit 106:33; Isaias 48:16; Roma 8:11; 1 Corinto 2:10
Iyong RÚKHA - 2 Hari 2:9; Mga Awit 104:30; 139:7
Aking RÚKHA - Isaias 42:1; Mga Gawa 2:17-18
RÚKHA ni YÁOHU UL - (30 ulit) Mga Hukom 3:10; 6:34; 11:29; 13:25; 14:6, 19; 15:14; Lucas 4:18; 2 Corinto 3:17-18
RÚKHA ni Uli-YÁOHU (Elias) - 2 Hari 2:15; Lukas 1:17
Iyong Mabuting RÚKHA - Nehemias 9:20
Iyong Malayang RÚKHA - Mga Awit 51:12
RÚKHA ng Paghuhukom - Isaias 4:4; 28:6
RÚKHA ng Pagsusunog - Isaias 4:4
RÚKHA ng Karunungan at Unawa - Isaias 11:2
RÚKHA ng Payo at Kapangyarihan - Isaias 11:2
RÚKHA ng Kaalaman at Pagkatakot kay YÁOHU UL - Isaias 11:2; 2 Timoteo 1:7
RÚKHA ng Mga Banal na ULHIM - Daniel 4:8-9, 18; 5:11
Pinakamahusay na RÚKHA - Daniel 5:12; 6:3
RÚKHA ng ULHIM - Daniel 5:14
RÚKHA ng Biyaya at Mga Pagsusumamo - Zacarias 12:10; Hebreo 10:29
Banal na RÚKHA - (89 ulit) Mateo 1:18-20; 3:11-32; 28:19; 1 Yaokhanam 5:7
RÚKHA ng Iyong ABÚ - Man-YÁOHU (Mateo) 10:20
Kapangyarihan ng Kataastaasan - Lucas 1:35
Ang Banal na RÚKHA - Lucas 11:13
Tagaapay - Yaokhanam 4:14, 16; 15:26
RÚKHA ng Katotohanan - Yaokhanam 14:17; 15:26; 16:13; 1 Yaokhanam 4:6; 5:6
RÚKHA ng Kabanalan - Roma 1:4
RÚKHA ng Buhay - Roma 8:2
RÚKHA ng MEHUSHKHÁY - Roma 8:9; 1 Pedro 1:11
RÚKHA ng Pagkakaampon - Roma 8:15
RÚKHA ng Buhay ng UL - 2 Corinto 3:3
RÚKHA ng Kanyang Anak - Galacia 4:6
Banal na RÚKHA ng Pangako - Efeso 1:13
RÚKHA ng Karunungan at Kahayagan - Efeso 1:17
Banal na RÚKHA ng UL - Efeso 4:30
RÚKHA ng YAOHÚSHUA hol-MEHUSHKHÁY - Filipos 1:19
Walang-Hanggang RÚKHA - Hebreo 9:14
RÚKHA ng Kaluwalhatian - 1 Pedro 4:14
RÚKHA ng Hula - Pahayag 19:10

'Nawa'y sila'y maging isa, TULAD NATING iisa....'

Tayo'y magbalik sa YAOHÚSHUA Home Page ngayon....