Ito ay sipi ng liham ni Yarmi-YÁOHU sa mga taga-Yaohúshua-oléym (Jerusalem)
bago sila dinala sa Babilonia bilang mga bihag ng hari ng Babilonia.
Sinulat niya ito upang ipaabot sa kanila ang mensahe ni YÁOHU UL,
ang totoong Walang-Hanggang Maykapal.
Ganito ang Kanyang ipinapasabi:
Nagkasala kayo laban kay YÁOHU UL, ang totoong Walang-Hanggang Maykapal,
kaya ipinahintulot Niyang kayo ay mabihag ni haring Nebucadnezar ng Babilonia.
Mananatili kayong bihag sa Babilonia sa loob ng mahabang panahon,
hanggang sa ikapitong salinlahi.
Pagkatapos, palalayain kayo ni YÁOHU UL, ang totoong Walang-Hanggang Maykapal,
at payapang pauuwiin sa inyong lupain.
Makakakita kayo sa Babilonia ng mga rebultong yari sa kahoy, ginto at pilak.
Ang mga rebultong iyon na pinapasan ng mga tao ay labis na kinatatakutan ng mga pagano.
Huwag kayong tutulad sa kanila. Huwag kayong matatakot sa mga rebultong iyon
kahit makita ninyong ipinagpuprusisyon at sinasamba nila ang mga ito.
Sa halip, ganito ang isaisip ninyo: 'YÁOHU UL, aming Walang-Hanggang Maykapal,
Ikaw lamang ang aming sasambahin at dadalanginan.'
Sasamahan kayo ng Aking anghel at kayo ay iingatan niya.
Ang mga rebulto nila ay balot ng ginto at pilak at may dilang hinugis ng mag-uukit.
Ngunit hindi sila makapagsalita dahil sila'y hindi tunay na Walang-Hanggang Maykapal.
Iginagawa at pinuputungan sila ng mga tao ng koronang ginto na parang mga babaing mahilig sa alahas.
Kung minsan, ang ginto't pilak na handog sa kanila'y kinukuha ng mga pari
at ginugugol para sa kanilang sarili.
Kung minsan ay ibinabayad pa sa mga babaing nagbibigay ng panandaliang aliw sa paligid ng simbahan.
Ang mga rebultong iyon na yari sa kahoy, ginto at pilak ay binibihisang parang tao.
Ngunit kahit sila'y bihisan ng magagarang damit na kulay ube na tulad ng mga hari,
kinakain pa rin sila ng bukbok at kalawang.
Napupuno rin sila ng alikabok sa simbahan at kailangang may magpunas ng kanilang mukha.
May hawak rin silang setro tulad ng mga hukom, ngunit wala naman silang kapangyarihang
humatol sa mga humahamak sa kanila.
Mayroon pang may hawak na palakol at punyal, ngunit hindi naman maipagtanggol ang sarili
para hindi masira sa digmaan o madala ng magnanakaw.
Nangangahulugan lamang ang mga ito na hindi sila Walang-Hanggang Maykapal.
Kaya, huwag ninyo silang sasambahin.
Hindi naiiba sa isang sirang pinggan na wala nang pakinabang ang mga rebultong iyon
na nakalagay sa kanilang mga simbahan.
Ang mga mata nila'y puno ng alikabok na dala ng mga paa ng mga taong nagsisimba roon.
Ikinakandado pa ng mga pari ang mga pintuan ng simbahan upang hindi mapasok ng magnanakaw.
Kaya't nakakulong ang mga rebulto na parang mga bilanggong nakatakdang patayin
dahil sa pagtataksil sa pangulo.
Ipinagsisindi sila ng mga pari ng maraming kandila — higit pa sa kanilang kailangan.
Ngunit isa man sa mga ito ay hindi nakikita ng mga rebulto at mga imaheng iyon.
Ang loob nila'y kinakain na ng mga anay at bukbok, tulad ng mga poste ng simbahan.
Ang mga damit nila'y nasisira ngunit hindi nila ito namamalayan.
Nangingitim na ang kanilang mga mukha dahil sa usok na galing sa simbahan.
Dinadapuan sila ng mga paniki, ng mga layang-layang at ng iba pang mga ibon,
at inuupuan pa ng mga pusa.
Ang yaohod ng ito ay nangangahulugang sila'y hindi Walang-Hanggang Maykapal.
Kaya, huwag ninyo silang sasambahin ni dadalanginan.
Ang mga rebultong iyon ay balot nga ng lantay na ginto para gumanda,
ngunit kung hindi kukuskusin ay hindi kikinang.
Hindi nila naramdaman nang sila'y tunawin at buuin.
Napakalaking halaga ang ibinayad sa kanila ngunit wala naman silang hininga.
Mayroon nga silang paa, ngunit hindi naman makalakad.
Kailangan pang sila'y buhatin at pasanin ng tao.
Talagang wala silang kabuluhan!
Kahit na ang mga nag-aasikaso sa kanila ay napapahiya dahil kapag bumagsak ang mga iyon ay hindi makatayong mag-isa.
At kung may magtayo naman, hindi makakilos ang mga iyon.
At kung tumagilid ay hindi na maiayos ang kanilang sarili.
Ang paghahandog sa kanila ng mga handog ay parang pagbibigay ng handog sa mga patay.
Ibinibenta ng mga pari ang mga handog sa mga rebultong iyon at ginugugol para sa kanilang sarili ang pinagbilhan.
Ang iba naman ay iniimbak ng mga kabit o mga asawa ng mga pari, sa halip na ipamahagi sa mahihirap.
Pati ang mga babaing bagong panganak o nireregla ay hinahayaang humipo sa mga handog.
Ang yaohod ng ito ay nagpapatunay na sila'y hindi tunay na Walang-Hanggang Maykapal.
Kaya, huwag na huwag ninyo silang sasambahin ni dadalanginan man!
Paanong matatawag na Walang-Hanggang Maykapal ang mga rebultong iyon na yari sa kahoy, ginto at pilak?
Pati babae'y pinahihintulutang mag-alay sa kanila ng mga handog.
Sa panahon ng pagluluksa, umuupo sa loob ng simbahan ang mga paring punit ang damit,
ahit ang balbas, at walang takip ang ulo.
Sumisigaw sila at nananangis sa harap ng mga rebultong iyon
tulad ng mga upahang mananaghoy sa harap ng bangkay.
Kung minsan naman, kinukuha ng mga pari ang damit ng mga rebultong iyon
at ipinapasuot sa kanilang mga babae at mga kabataan.
Paglingkuran man o laitin ang mga rebultong iyon ay hindi sila makakaganti.
Hindi sila makakapaglagay o makakapagpaalis ng pinuno.
Hindi rin nila mapapayaman ang sinuman.
Kung may mamanata o mangako sa kanila ngunit hindi tumupad, ito ay hindi nila mapipilit.
Hindi nila maililigtas ang sinuman sa kamatayan at hindi nila maipagtatanggol ang naaapi.
Hindi nila mabibigyan ng paningin ang bulag at hindi nila masasaklolohan ang nasa kagipitan.
Hindi sila maaawa sa biyuda at wala silang malasakit sa mga ulila.
Ang mga rebultong iyon na yari sa kahoy at binalot ng ginto at pilak
ay walang iniwan sa batong galing sa bundok.
Mapapahiya lamang ang mga sumasamba sa kanila.
Paano nga sila maituturing o matatawag na Walang-Hanggang Maykapal?
Sa ginagawa ng mga taga-Babilonia, ipinapahiya nila ang kanilang mga rebulto.
Halimbawa, dinadala nila sa templo ni Bel ang isang pipi upang idalanging
makapagsalita na para bang si Bel ay nakakaunawa.
Kahit alam nilang hindi makakatulong ang kanilang mga rebulto,
sinasamba pa rin nila ang mga ito dahil sa kanilang kahangalan.
May mga relihiyosang babaing nakahanay sa tabing daan,
may mga taling kurdon sa baywang at nagsusunog ng ipa kapalit ng insenso,
at inihahandog nila ang kanilang sarili bilang babaing nagbebenta
ng panandaliang aliw para sa mga nagsisimba.
Kapag may lalaking pumili sa kanya, ipinagmamalaki niya ito
at kinakantyawan ang mga kasama na ang mga ito ay hindi kaakit-akit tulad niya,
kaya walang kumuha sa kanila.
Yaohod ng may kinalaman sa mga rebultong ito ay pandaraya at kahibangan.
Paano sila maituturing o matatawag na Walang-Hanggang Maykapal?
Likha lamang sila ng mga karpintero at panday.
Kung ano lamang ang nais palabasing hugis ng mga ito ay siyang mangyayari.
Kahit na ang mga may gawa sa kanila ay hindi mabubuhay nang matagal.
Paano magiging Walang-Hanggang Maykapal ang kanilang ginawa lamang?
Ang iiwan ng mga taong iyon sa mga susunod na salinlahi ay pawang pandaraya at kahihiyan.
Kapag may digmaan at kalamidad, ang mga pari ang nag-iisip kung saan itatago ang mga rebultong iyon.
Wala silang magagawa sa harap ng digmaan at panganib.
Bakit kaya hindi maunawaan ng mga tao na hindi maaaring
maging Walang-Hanggang Maykapal ang mga rebultong iyon?
Ang mga rebultong iyon ay yari lamang sa kahoy, bato, semento o eskayola
at binalot ng ginto at pilak.
Darating rin ang panahon na mapapatunayang sila'y hindi tunay na Walang-Hanggang Maykapal.
Makikilala rin ng yaohod ng pinuno at bansa na ang mga rebultong iyon ay likha lamang ng kamay ng tao
at walang kapangyarihang tulad ni YÁOHU UL, ang totoong Walang-Hanggang Maykapal ng Yaoshorul o Israel.
Mayroon pa kayang hindi nakakaalam sa bagay na ito?
Hindi nila magagawang pangulo ang sinuman, ni hindi sila makakapagpaulan.
Hindi sila makakapagpasya tungkol sa sariling suliranin,
o makapagbibigay katarungan sa sinumang naaapi.
Tulad ng mga uwak na nagliliparan, wala silang silbi!
Kapag nagkasunog sa simbahan, magtatakbuhan ang mga pari
at maiiwan ang mga rebultong kahoy na balot ng ginto at pilak.
Masusunog silang parang mga haliging kahoy.
Hindi sila makakalaban sa mga hari o makakalusob sa sinumang kaaway.
Sino ang maniniwalang sila ay mga Walang-Hanggang Maykapal?
Ang mga rebultong iyon na yari sa kahoy, bato, semento o eskayola
at binalot ng ginto at pilak ay hindi makakatutol sa mga magnanakaw at tulisan.
Wala silang magagawa kunin man ng mga ito ang kanilang ginto, pilak at mga damit.
Mas mabuti pa sa mga rebultong iyon ang isang haring matapang,
o ang isang kapaki-pakinabang na gamit sa tahanan.
Mas mabuti pa kaysa kanila ang pinto ng isang bahay na nakapinid
upang hindi manakaw ang laman niyon.
Mas mabuti pa ang isang haliging kahoy sa bahay ng hari kaysa mga rebultong ito.
Nilikha ni YÁOHU UL, ang totoong Walang-Hanggang Maykapal, ang araw, ang buwan
at ang mga bituin upang magbigay ng liwanag, at Siya'y sinusunod nila.
Gayon din ang kidlat at ang hangin.
Ang kislap ng kidlat ay abot sa magkabilang dulo ng langit.
Ang hangin ay umiihip sa yaohod ng dako.
Kapag inutusan ni YÁOHU UL, ang totoong Walang-Hanggang Maykapal,
ang ulap na mangalat sa daigdig, ito ay sumusunod rin.
Kapag inutusan ni YÁOHU UL, ang totoong Walang-Hanggang Maykapal,
ang apoy na bumaba mula sa langit upang tupukin ang mga bundok
at kagubatan, sumusunod ito daglian.
Ngunit hindi magagawa ng mga rebulto ang alinman sa mga iyon.
Ni hindi nila iyon matutularan.
Bakit sila ituturing na Walang-Hanggang Maykapal gayong hindi naman
nila tayo kayang hatulan o gawan ng kabutihan?
Alam nyong sila'y hindi totoong Walang-Hanggang Maykapal,
kaya huwag ninyo silang sambahin; huwag nyo silang paglilingkuran!
Ang mga rebultong iyon ay walang kapangyarihan sa mga pinuno;
wala silang kapangyarihang sumpain o pagpalain ang mga ito.
Ngunit ang mga masasamang espirito (mga demonyo) na naninirahan sa mga ito
ay nakapipinsala kaya't dapat durugin daglian ang mga rebultong iyan at
itapon sa malayong lugar, upang maging malayo rin sa inyo ang mga sumpa
at kamalasang dulot ng mga demonyong kaakibat nila.
Hindi rin nila mabibigyan ang mga bansa ng anumang palatandaan mula sa langit;
hindi sila makapagbibigay-liwanag tulad ng araw at ng buwan.
Mabuti pa sa kanila ang maiilap na hayop dahil ang mga ito
ay nakakalayo sa panganib, o nakakapagtanggol sa sarili.
Maliwanag pa sa sikat ng araw na sila'y hindi Walang-Hanggang Maykapal.
Kaya huwag ninyo silang sasambahin, ni dadalanginan!
Ang mga rebultong iyon na yari sa kahoy, bato, semento at eskayola
na binalot ng ginto at pilak ay katulad lamang ng panakot ng ibon sa bukid.
Tulad ng halamang matinik sa isang hardin, sa halip na katakutan ng mga ibon ay nagiging dapuan.
Ang mga rebultong iyon ay parang bangkay na itinapon sa kadiliman.
Ang magagara nilang mga damit na marupok na at nagkapunit-punit sa katawan
ay nagpapatunay na sila'y hindi totoong Walang-Hanggang Maykapal.
Sa wakas, pati ang kanilang katawan ay uubusin ng anay at bukbok
at magiging katawa-tawa sila sa buong lupain.
Mapalad ang taong may paggalang sa totoo na Walang-Hanggang Maykapal na si YÁOHU UL.
Hindi siya sumasamba sa mga rebulto, kaya hindi siya malilinlang o mapapagtawanan.
Dulot sa inyo sa diwa ng pag-ibig at pagpapakumbaba,
ol Shúam (sa Ngalan ni) YAOHÚSHUA ang Messias, am-nám!