Ang Totoo at Kumpletong Sampung Utos

 

 

1.   Anee (o Ako) si YÁOHU Ulhím, ang iyong Walang-Hanggang Gumawa,

na humango sa iyo mula sa lupain ng Egipto, sa lugar ng iyong pagkakaalipin. 

 

Huwag kang magkakaroon ng mga palsipikadong maykapal sa harapan Ko.

 

2.  Huwag kang magkakaroon ng mga estatua, mga rebulto, imahen,

monumento at iba pang mga nililok na kawangis ng anyo  ng anomang

nasa langit, o ng nasa ibaba sa lupa, o ng nasa tubig sa ilalim ng lupa:

 

Huwag mong yuyukuran sila ni paglilingkuran man sila!

 

Dahil Anee,  si YÁOHU Ulhím, ang iyong Walang-Hanggang Gumawa,

ay isang mapanibughuing Gumawa, at Aking pinarurusahan ang kasamaan

ng mga magulang sa kanilang mga anak, hanggang sa ikatlo at sa ikaapat

na salinlahi ng mga napopoot sa Akin;

 

Ngunit pinagpapakitaan Ko naman ng kahabagan ang libu-libong umiibig

sa Akin at tumutupad ng Aking mga utos.

 

3.  Huwag mong babanggitin ang Shúam o Ngalan ni YÁOHU Ulhím,

ang iyong Walang-Hanggang Gumawa, sa walang kabuluhan;

dahil hindi ituturing ni YÁOHU Ulhím, ang Walang-Hanggang Gumawa,

na walang sala ang sinomang bumanggit ng kaniyang Shúam o Ngalan

sa walang kabuluhan.

 

4.  Iyong ipagdiriwang ang araw ng Shábbos o Sábado, upang ito ay ipangilin,

tulad ng iniuutos sa iyo ni YÁOHU Ulhím, ang iyong Walang-Hanggang Gumawa.

 

Magtatrabaho ka dapat sa anim na araw sanlinggo,

at iyong isasagawa ang yaohod (o lahat) ng mga dapat mong tapusin!

 

Nguni't ang ikapitong araw ay Shábbos o Sábado para kay YÁOHU Ulhím,

ang iyong Walang-Hanggang Gumawa: sa araw na iyan ay huwag kang

gagawa ng anomang gawa, ikaw, ni ang iyong anak na lalake ni babae,

ni ang iyong mga tauhang lalake ni babae, ni ang iyong baka, ni ang iyong asno,

ni anoman sa iyong hayop, ni ang iyong taga ibang lupa na nasa loob ng iyong

mga bakuran; upang ang iyong mga tauhang lalake at babae ay makapagpahinga

rin namang tulad mo.

 

At iyong gugunitain na ikaw ay naging alipin rin sa lupain ng Egipto,

at ikaw ay inilabas ni  YÁOHU Ulhím, ang iyong Walang-Hanggang Gumawa,

mula roon sa pamamagitan ng isang makapangyarihang kamay at unat na bisig.

 

Kaya't iniutos sa iyo ni YÁOHU Ulhím, ang iyong Walang-Hanggang Gumawa,

na ipangilin mo ang araw ng Shábbos o Sábado.

 

5.  Igalang mo ang iyong tatay at ang iyong nanay, tulad ng iniutos

sa iyo ni YÁOHU Ulhím, ang iyong Walang-Hanggang Gumawa:

upang ang iyong mga araw ay lumawig at upang ikabuti mo

sa lupain na ibinibigay sa iyo ni YÁOHU Ulhím, ang iyong

Walang-Hanggang Gumawa.

 

6.  Huwag kang papatay (Do not murder!).

 

7.  Huwag kang makikiapid.

 

8.  Huwag kang magnanakaw.

 

9.  Huwag kang sasaksi sa di katotohanan laban sa iyong kapuwa.

 

10.  Huwag mong iimbutin ni pagnanasaan man ang asawa ng iyong kapuwa;

ni huwag mong pagnanasaan ang bahay ng iyong kapuwa,

ang kaniyang bukid, ni ang kaniyang katulong lalake, o babae,

ni ang kaniyang baka, ni ang kaniyang asno, ni anomang bagay ng iyong kapuwa.

 

 

                                            - Debarím (Deuteronómio)  5:6-21, Banal na Kasulatan

 

 

'YÁOHU' - ito ang Aking Shúam o Ngalan magpawalang-hanggan na itatawag

sa Akin at Anee ay gugunitain sa bawat sali't-salinlahi. - Éxodo 3:15,  Banal na Kasulatan

 

 

'Sa panahong iyon, Aking dadalisayin patungo sa purong Hebreo ang pananalita

ng Aking mga tauhang nagsisipanumbalik sa Akin, upang sila ay sama-samang

makatawag sa Shúam o Ngalan ni YÁOHU Ulhím at Siya’y kanilang sambahin

ng may pagkakaisa.' - Zafna-YÁOHU (Sofonias) 3:9, Banal na Kasulatan

 

 

'Ang kaligtasan ay hindi matatagpuan kanino pa man dahil walang ibang ngalan

ang ibinigay sa silong ng langit upang tayo ay maligtas maliban sa iisang

Ngalang: YAOHÚSHUA!'  - Mga Gawa 4:12, Banal na Kasulatan

 

 

 Tandaan pong lagi:

 

 Kapag ang samahang relihiyon ay itinatago mula sa inyo ang kumpletong

 Sampung utos (lalo na iyong ikalawang utos), binura at itinatago, yan maliwanag

 na katibayan na nililinlang kayo ng mga religious evil spirits, dahil sila mismo

 ay nadaya rin, nilinlang rin, at naghahanap pa ng mga damay, kaya gumising

 kayo at talikdan daglian ang mga rebulto, mga santo, imahen at mga lara-larawang

 nasa anyo ng anomang nasa langit, sa lupa at sa ilalim ng karagatan.) 

 

 Kaluluwa at buhay nyo at ng mga anak nyo (hanggang ikatlo at ikaapat

 na salinlahi) ang nakataya.  Mantakin nyo yan!

 

 Ang dapat sambahin ay ang Lumikha at hindi ang mga bagay na nilikha lamang ng tao.

 

 Ang taong may hininga ay mainam pa kaysa mga rebultong walang-hininga,

 kaya’t hindi siya tapat dumadalangin sa mga walang-hiningang bagay na gawa

 lamang ng mga panday at mga karpintero.

 

 Ang ating totoong Walang-Hanggang Gumawa na si YÁOHU UL ay Espirito,

 kaya’t Siya’y dapat sambahin sa espirito at sa katotohanan, nakasulat po yan

 sa Banal na Kasulatan.

 

 Pinalaya na po kayo mula sa panlilinlang ng mga religious evil spirits

 kasama ng kanilang mga inilalakong mga rebulto, estatuwa at mga imahen.

 

 Ol  Shúam  Gabrúl  YAOHÚSHUA  hol-MEHUSHKHÁY, am-nám!

 

 Magbalik po sa pahina principal YAOHÚSHUA ngayon….