GIFTS-TAG.TXT Y A O H Ú S H U A 'ANG REGALONG WALANG BAYAD' Shua-oléym ol Shúam Gaúl YAOHÚSHUA hol-MEHUSHKHÁY! Nagpapasalamat kami kay YÁOHU UL, ang ating Maykapal, dahil sa inyong pakikipag-ugnayan sa amin at nasisiyahan kami sa inyong pagiging tapat sa inyong pag-aaral ng Banal na Kasulatan at ibayong pagsasaliksik ukol sa Kanya, sa pag-gagabay sa inyo palagian ng 'RÚKHA-YAOHÚSHUA' at sa Ngalan ng Molkhiúl YAOHÚSHUA, ang iisa na totoong Messias at Tagapagligtas! Bilang karagdagang kaalaman, inyong unawain at bulay-bulayin ang mga sumusunod na paghahayag ng kaliwanagan, sa aming paniniwala na ang 'RÚKHA-YAOHÚSHUA' ang Siyang palagiang nagtuturo at nagdadala sa inyo tungo sa ganap na katotohanan, dahil sa yaman ng biyaya, habag at pag-ibig sa inyo ni YÁOHU UL, ang iisang totoong Maykapal, ang Banal ng Israel: Q. Bakit maling tawagin ang Maykapal na 'Yahweh'? A. Hindi ito tutugma sa ibang mga katibayan sa Kasulatan. Isa pa, ang tawag sa mga Judio ay 'Yaohúdim' at sila ang bansang tinawag sa Kaniyang Ngalan. Kung ang Ngalan ng tunay na Maykapal ay 'Yahweh' - dapat sana'y tawaging 'Yahwedim' ang mga Judio. Kaya nga 'Judio' sa Tagalog, at hindi 'Wehdio.' Kaya ang talagang tama at tumpak at iisang Ngalan ng ating Maykapal na nasa langit ay 'YÁOHU.' Kaya nga mga Judio ang tawag sa kanila dahil sa 'YAO-HUDIO' at hindi 'Yah-wehdio.' Maliwanag na maliwanag! Ang kalipunan ng mga tao na kabilang sa bayang hinirang ng YÁOHU UL, na Maykapal, sa salitang Hebreo, ang tawag nila sa kanilang kalipunan ay maliwanag na magpapahayag ng iisa at totoong Ngalan ng Maykapal, kapag inalis ninoman mula sa kanyang isipan ang mga maling aral, kinagisnan, at mga maling akala. Madaling tuklasin ang totoong Ngalan at kung Sino ang totoong Maykapal ang nasa likuran ng pinakadakilang Ngalang: YÁOHU. Ang tamang paraan ng pagbigkas sa Ngalang ito ay 'YAO-HOO' na ang pantig ay nasa unang kataga. Q. Bakit hindi 'Yahshua' o 'Yehshua'? A. Ang kahulugan sa wikang sinaunang Hebreo ng mga katagang 'az' o 'ez' ay kambing. Kaya't kapag tinawag ninoman ang mga ngalang 'yahshua' o 'yehshua,' ang tooong tinatawag niya ay 'ang kambing na tagapagligtas.' At alam naman ninyo sa Banal na Kasulatan, ang tinutukoy na kambing ay si ha-satán, na lumilinlang sa maraming tao. Ang katotohanang ito ay madaling mapatunayan kapag inyong sinuri at sinaliksik ang anomang Hebrew-Chaldee Dictionary o kaya'y anomang mahusay na Bible Concordance. Tingnan ninyo sa Concordance ang salitang tinutukoy sa bilang 5796. Dapat din ninyong malaman na, sa larangan ng di-nakikitang espiritwal, ang pagkakasulat o spelling ng mga ngalan ay hindi mahalaga, kundi ang tunog ng lumalabas sa bibig na sinasambit kapag binibigkas ninoman. Ang nagkakabisa ay kung ano ang ating sinasabi, binibigkas, tinatawag at binabanggit at kung kaninong espiritu tumutukoy ang mga salitang ito, kahit ano pa ang spelling mga ito. Dahil sa ang tawag sa kambing sa antigong Hebreo ay 'az' at 'eyz' - ang kambing pa rin ang tutukuyin kahit na isulat pa ng 'aazz,' 'ahz,' 'aiza' o kaya'y 'eyza,' lalo na kung nananalangin sa mga di-nakikitang mga espiritu! Alamin din ninyo na ang mga salitang 'deus,' 'diyos,' 'theos,' at 'zeus' ay lahat tumutukoy sa iisang di-nakikitang espiritu, kahit ano pa ang spelling basta't magkahalintulad na mga tunog ang lumalabas sa bibig at ang mga ito'y tumutukoy sa iisang masamang espiritu. Si 'zeus' ang masamang espiritu ng mga sakuna ng kalikasan tulad ng bagyo, lindol, daluyong nga malalaking baha, lahar, mga kidlat na pumupuksa, atbp. Sinomang tumawag sa kanya ay para na ring humihiling nga mga sakunang nabanggit. Tandaan ninyo, kapag dalawa o higit pang mga salita ay binigkas at halos walang pagkakaiba ang posisyon o kinalalagyan ng dila sa ngala-ngala at labi kapag binibigkas ang mga ito, magkatulad ang mga salitang iyon, kung ang pag-uusapan ay ang pagtawag sa mga nilalang sa di-nakikitang larangang espiritwal! Halimbawa, kapag may tumawag sa ngalan ni satanas, siya ay tutugon, kahit na ang spelling pa ng binabasa mo ay 'zeytan,' 'z-tahn' o 'zheytan.' Samakatuwid kapag tinawag ninoman ang ngalang 'yahshua' o kaya'y 'yehshua,' laking kaluguran ng kambing na tutugon bilang iyong huwad na tagapagligtas! Ito ang katuparan ng kanyang layunin: ang manlinlang ng mga walang muwang upang siya'y gawaing kanilang kunwa'y tagapagligtas at manunubos. Si ha-satán ang pinakatusong mapagpanggap at mapagkunwari! Samakatuwid, talagang malaking pagkakamali ang tawagin ang totoong Messias na 'yahshua' o kaya'y 'yehshua' - dahil hindi Siya ang tinutukoy ng mga ngalang ito kundi si ha-satán! Ang tama at totoong Ngalan ng Messias ay: YAOHÚSHUA (binibigkas ng 'yao-hoo-shua'). Ang payak na kahulugan ng totoo at iisang Ngalang ito ay, ANG KAPANGYARIHAN NG YÁOHU UL NA MAGLIGTAS! Ang totoong Ngalang ito ng Messias ay ang totoo ring nagdadala at nagpapakita ng Ngalan ng Maykapal, ng Ama, na walang iba kundi si YÁOHU UL! Ito ang iisang orihinal na Ngalan ng totoong Messias - YAOHÚSHUA! Q. Tama bang gamitin ang titulong 'El Shaddai'? A. Hindi! Ito ay mali. Isang madaling pagsisiyasat sa anomang Encyclopedia o Dictionary kaya upang alamin kung sino ang tinutukoy ng ngalang 'El' ang magpapatunay sa inyo na ang luma nang ngalang ito ay tumutukoy sa dati'y sikat na rebulto o huwad na maykapal ng mga taga Phoenicia at Babilonia. Si 'El' ay ang paganong rebulto na naghihikayat sa kanyang mga mananamba tungo sa kahalayan, kalibugan, pagtataksil, pakikipagtalik sa malapit na kamag-anak at imoralidad. Ang salita namang 'Shaddai' ay tumutukoy sa mga masasamang espiritung nambibihag o mapambihag (seducing spirits) sa larangan ng kadiliman. Ang pagbanggit sa mga salitang ito ay nagpapakilos ng mga masasamang espiritu na may kinalaman sa iba't-ibang uri ng kahalayan, imoralidad, at iba pang tulad nito, na bumibihag sa maraming walang-malay tungo sa pagkakaalipin sa paganong pagsamba sa mga huwad na maykapal. Maski na ang mga mangkukulam at mga manggagaway ay alam ang katotohanang ito, at madalas pa nga nilang ginagamit ang mga salitang ito sa kanilang pang-eengkanto, faith healing at pagsamba sa mga demonyo. Kaya't ang mga naglalaganap ng pagsamba sa mga paganong espiritung si 'El' at si 'Shaddai' ay ang mga pinunong engkantador na tinutukoy sa aklat ng Pahayag (Apokalipsis) sa Banal na Kasulatan, na mga parurusahan sa lawa ng kumukulong asupre magpasawalang-hanggan. Karimarimarim ang sasapitin ng mga nadaya ng mga masasamang espiritung ito. Kaya mag-iingat kayo, huwag kayong padadaya kailanman kay 'El Shaddai'! Palagian muna ninyong sisiyasatin! Maiiwasan ninyo ang mga bitag, mga pakana at mga di-halatang panlilinlang ni ha-satán, ang kaaway. Huwag kayong basta na lang sumasabay o nakikiayon kaya sa marami. Maluwag at madali ang daan patungo sa kamatayan at MARAMI ang tumatahak doon! Kahit na ang mga ibon ay sinisiyasat muna ang bawat butil bago nila lunukin, at tiyak namang higit pa kayong marunong kaysa mga ibon. Magpakarunong kayo sa piling ni Molkhiúl YAOHÚSHUA! Siya ang katotohanan, ang ilaw at ang iisang daan patungo sa buhay na walang-hanggan! Ang tamang titulo ng orihinal na Maykapal na ang ating YÁOHU UL, batay sa antigong Hebreo, ay 'UL SHUAODAI' - na nangangahulugang 'ang Pinaka-Makapangyarihan at Pinaka-Mapagbiyaya na Higit pa sa Sapat' - walang iba kundi si YÁOHU UL, ang Banal ng Israel! Tandaan ninyo na manipis lamang na hibla ang pagitan ng katotohanan at ng huwad o palsipikado. Wala kayong makikitang palsipikadong salaping papel na buong tatlong piso dahil walang tatlong pisong totoong salaping papel! Ganoon rin sa larangang espiritwal, ang mga palsipikado ay halos katulad rin ng mga totoo o genuine, at tanging ang mainam na pagsusuri lamang ang magpapakita ng kaibhan at magsisiwalat ng kasinungalingan! Higit pa kapag sa larangan ng mga hindi nakikitang mga espiritu. Mag-iingat kayong mabuti dahil iisa lamang ang inyong kaluluwa at buhay ninyo ang nakataya dito gayundin sa kabilang buhay! Ano ang napala ninoman makamit man niya ang lahat ng kayamanan dito sa sanlibutan kung ang kapalit nama'y ang kawalan ng kanyang kaluluwa? Ano ang napala ninoman magtagumpay man siya sa lahat ng uri ng debate't pakikipagtalo kung ang kapalit naman ay walang-hanggang kaparusahan sa impyerno? Q. Tama bang gamitin ang titulong 'Elohim'? A. Mali pa rin. Mali na naman. Bakit? Dahil ang salitang 'Elohim' ay ang pang-maramihan ng salitang 'El' - at ipinaliwanag na nga sa unahan nito kung bakit mapanganib ang salitang ito na tumutukoy sa mga paganong rebulto noong sinauna sa Phoenicia at Babilonia. Ang tama ay 'ULHIM' (ool-heem, pantig sa huling kataga) sa 'Archaic Hebrew' o makalumang Hebreo, hindi 'modern Hebrew' o pangkasalukuyang Hebreo na pangkaraniwang ginagamit ngayon sa Israel. Ang maling pagkakasalin at pagbabago ng titulong ito ay ang isa sa tinutukoy ni Propeta Jeremias noong kanyang isulat sa Jeremias 8:8 sa Banal na Kasulatan: 'Papaano ninyong masasabing marurunong kayo kahit na nasasainyo pa ang Kasulatan gayong hinalinhan, pinalitan na ng mga eskriba ang nilalaman nito?' Q. Tama bang tukuyin ang Banal na Espiritu na 'Ruach ha-Qodesh'? A. Ito ay isang malaking pagkakamali! At delikadong pagkakamali! Dapat tayong maging napakaingat kapag ang tinutukoy ay ang Banal na Espiritu ni YÁOHU UL, dahil ang paglapastangan sa Banal na Espiritu ay kasalanang walang kapatawaran, sa panahong ito maging sa kabilang buhay pa. Sinabi ito ni Molkhiúl YAOHÚSHUA sa Man-YÁOHU (Mateo) 12:31-32 sa Banal na Kasulatan. Sa sinauna, makaluma at original na Hebreo, ang ibig sabihin ng 'ruah' ay masama, makasalanan (Hebrew-Chaldee Dictionary Entry #7455, by Gesenius or Strong). Iyon namang salitang 'akko' ay nangangahulugang 'ligaw na kambing' - (Hebrew-Chaldee Dictionary Entry #689). Nangangahulugang kapag iyong binanggit ang titulong 'Ruach ha-Qodesh' - sa larangan ng di-nakikitang espiritwal, ang totoong espiritung tutukuyin ng titulong ito ay ang matandang kambing, na walang iba kundi si satur, o sa pangkaraniwan, ay si ha-satán (ang dragon, ang ulupong, ang ahas, ang manlilinlang, ang mapagpanggap). Ang tama at matuwid na paraan ng pagtukoy at pagtawag sa Espiritu ni YÁOHU UL ay: 'RÚKHA HOL-HODSHÚA' (bigkasin: roo-ka hol-hod-shoo-ah, pantig sa mga katagang 'roo' at 'shoo'). Maaari rin namang 'RÚKHA-YAOHÚSHUA.' Muli, maaaring talagang nasasaisip mo ay isang bagay ngunit iba ang sinasambit ng iyong bibig. Isang malinaw na halimbawa nito ay ito: Sakaling ikaw'y nagpunta sa isang restawran upang kumain. Bago ka pa pumunta doon ay talagang balak mo nang umorder ng pansit-Malabon, tiyak na tiyak ang ibig mo at buong-buo ang pasya mo dahil talagang ito ang hilig mo. Ngunit dahil sa iyong pagmamadali at dahil marami ka ring ibang iniisip sa iyong utak, ang nasabi mo bilang order mo ay 'pansit canton' - nagkamali ka ng hindi mo namamalayan. Ano ngayon ang ihahatid sa iyo ng waiter sa hapag kainan, ang pansit-Malabon o pansit canton? Natural ang darating sa iyo ay pansit canton dahil sa iyon ang sinabi mo, kahit na iba ang balak mo sa isip mo! Kung ano ang sinabi mo, iyon ang darating sa iyo! Maliwanag pa sa sikat ng araw! Higit na nga kapag ang tinatawag mo ay mga hindi-nakikitang mga espiritu! Kung sino ang tinatawag mo at tinutukoy ng bibig mo ang tutugon sa iyo, kahit na ang iniisip mo ay mga banal na espiritu pa. Maaaring talagang sa puso mo ay nais mong lumapit sa Kabanal-banalang YÁOHU UL, ngunit kung ang tinatawag mo ay ang matandang ahas, dahil nga sa kakulangan ng muwang, tiyak ang lalapit sa iyo ay kung sino ang tinatawag mo, hindi ang kung sino ang iniisip mo! Mag-iingat ka dahil mayroong batikang impostor o mapagpanggap ang nagtatago sa kadiliman na ang tanging layunin ay linlangin ang marami upang makasama niya sa lawa ng kumukulong asupre magpasawalang-hanggan. Naghahanap ng damay.... Kaya gumising ka at huwag kang padaya! 'Ang Aking bayan ay napupuksa dahil sa kawalan ng kaalaman!' sabi nga ni YÁOHU UL sa Hosea 4:6 sa Banal na Kasulatan. Ngunit ngayo'y gising ka na! Alam mo na kaya't malaya ka na mula sa lahat ng pandaraya at panlilinlang ni ha-satán sa karamihan! Nilay-nilayin ninyo ang mga salitang ito mula kay YÁOHU UL, na binigkas ng Sugong si Shaúl o San Pablo, sa Banal na Kasulatan: 'Ang mga bagay na ito'y nangyari dahil sa ilang bulaang kapatid na nakihalubilo sa amin upang tiktikan ang kalayaan namin kay YAOHÚSHUA hol-MEHUSHKHÁY, at gawin kaming mga alipin ng Kautusan. Hindi kami napailalim sa kanila kahit isang saglit, upang ang katotohanan ng Mainam na Pahatid ay manatili sa inyo.' - Galacia 2:4-5 Banal na Kasulatan. 'Kung habang pinagsisikapan nating tayo'y mapawalang-sala kay hol-MEHUSHKHÁY YAOHÚSHUA ay nahahayag namang tayo'y makasalanan, nangangahulugan bang si Molkhiúl YAOHÚSHUA ay nagtataguyod ng kasalanan? Hinding-hindi! Kung itatayo kong muli ang aking winasak, ako na rin ang nagpapatunay na nilalabag ko ang Kautusan. Sapagkat sa pamamagitan ng Kautusan, namatay na ako sa Kautusan upang mabuhay para kay YÁOHU UL. Napako ahnee sa poste na kasama ng hol-MEHUSHKHÁY, at hindi na ako ang nabubuhay kundi ang hol-MEHUSHKHÁY, na nabubuhay sa akin. Ang buhay na aking ibinubuhay sa Katawan ay ibinubuhay ko sa pananampalataya sa Anak ni YÁOHU UL, na Siyang umibig sa akin at nagbigay ng Kanyang sarili para sa akin. Hindi ko pinawawalang halaga ang biyaya ni YÁOHU UL, dahil kung ang pagiging matuwid ay matatamo sa pamamagitan ng pagtupad ng Kautusan, samakatuwid pala'y si Molkhiúl YAOHÚSHUA ay namatay ng walang kabuluhan.' - Galacia 2:17-21 Banal na Kasulatan. 'Ang lahat ng umaasa ng kaligtasan at mga biyaya ni YÁOHU UL sa pamamagitan ng pagsunod sa Kautusan ay nasa ilalim ng sumpa, dahil nakasulat, 'Sumpain ang sinumang hindi tumutupad sa LAHAT ng nakasulat sa Aklat ng Kautusan.'' Maliwanag na walang sinomang pawawalang-sala sa harapan ng YÁOHU UL sa pamamagitan ng pagtupad ng Kautusan, dahil 'Ang matuwid ay mabubuhay sa pamamagitan ng pananampalataya. Ang Kautusan ay di nakasalalay sa pananampalataya, manapa, ang sumusunod sa hinihingi ng Kautusan ay mabubuhay sa pamamagitan nito.' Tinubos tayo ni Molkhiúl YAOHÚSHUA mula sa sumpa ng Kautusan sa pamamagitan ng Kanyang pagiging isang isinumpa dahil sa atin, dahil nakasulat, 'Sumpain ang sinomang binitay sa punong kahoy.'' - Galacia 3:10-13, Banal na Kasulatan 'Pinalaya tayo ni Molkhiúl YAOHÚSHUA upang manatiling malaya. Magpakatatag nga kayo, at huwag nang paaalipin pang muli sa mga alituntunin ng Kautusan! Akong Apostol o Sugong si Pablo ang nagsasabi sa inyo: Kapag napatuli kayo, pinawawalang-kabuluhan ninyo si Molkhiúl YAOHÚSHUA! Kinakailangang sundin niya ang buong Kautusan. Ang nagsisikap maging matuwid sa paningin ng YÁOHU UL sa pamamagitan ng pagtupad sa Kautusan ay NAPAHIWALAY na mula kay Molkhiúl YAOHÚSHUA hol-MEHUSHKHÁY at wala nang karapatan sa habag ni YÁOHU UL. Ngunit umaasa kami na sa pamamagitan ng 'RÚKHA-YAOHÚSHUA' (Espiritu ni YAOHÚSHUA) ay aariin kaming matuwid sa pamamagitan ng pananampalataya. Sa mga nakipag-isa kay YAOHÚSHUA hol-MEHUSHKHÁY, wala nang halaga ang pagtutuli o di pagtutuli. Ang mahalaga'y ang pananampalatayang nakikita sa gawang udyok ng pag-ibig!' - Galacia 5:1-6, Banal na Kasulatan 'Kung kayo'y pinapatnubayan ng 'RÚKHA-YAOHÚSHUA,' wala na kayo sa ilalim ng Kautusan.' - Galacia 5:18, Banal na Kasulatan 'Ang tumutupad sa buong Kautusan ngunit lumabag sa isa ay lumabag na sa lahat.' - Santiago (YÁOHU-caf) 2:10 Bagong Tipan, Banal na Kasulatan. Ulitin natin, 'Ang tumutupad sa buong Kautusan ngunit lumabag sa isa ay lumabag na sa lahat.' - Santiago (YÁOHU-caf) 2:10 Ang kaligtasan ay walang bayad na kaloob o regalo ni YÁOHU UL dahil Siya'y mapagbiyaya, ibig sabihin, nagbibigay Siya ng mga biyaya at pagpapala sa sangkatauhan kahit na hindi karapat-dapat, kahit na walang kapalit, walang bayad. Hindi ito libre kung ito'y kailangang pagpaguran; ngunit ito (ang kaligtasan) ay libre, samakatuwid: walang bayad! Kahibangan ang tangkain ninoman na maligtas siya sa pamamagitan ng pagtupad sa mga kautusang ibinigay kay Mehushúa. Imposible! Tanging si Molkhiúl YAOHÚSHUA lamang ang nakatupad ng lahat ng Kautusan, ni minsa'y hindi nagkasala! Tandaan, sumpain ang sinomang magtangkang maligtas sa pamamagitan ng pagtupad sa mga Kautusan ni Mehushúa! Nakasulat na maliwanag sa Banal na Kasulatan. Mamuhay kayo sa ilalim ng walang-bayad na biyaya ni YÁOHU UL, hindi sa ilalim ng Kautusan ni Mehushúa! Kaya nga sinasabing: si Molkhiúl YAOHÚSHUA ANG DAAN, walang makaparoroon sa Ama (YÁOHU UL) maliban sa pamamagitan Niya lamang, at hindi ng kung sinong iba pa. YAOHÚSHUA IS THE WAY, THE ONLY WAY! Siya lamang ang daan, wala nang iba pa! Sa bundok kung saan nagbagong anyo si Molkhiúl YAOHÚSHUA, nagpakita sa Kanya sina Mehushúa (na kumakatawan sa Kautusan) at si Uli-YÁOHU (na kumakatawan sa mga sinaunang propeta) ng Tanakh o Banal na Kasulatan. At ano ang ipinahayag ni YÁOHU UL mula sa langit? 'Ito ang minamahal Kong Anak. Pakinggan ninyo Siya.' Kaya kung sakaling may pag-aalinlangan kayo sa inyong isipan kung sino ang dapat pakinggan at sundin, kung si Mehushúa ba at ang Kautusan o ang mga sinaunang mga propeta, si YÁOHU UL, ang Kataas-taasan, ang nagsasabi sa iyo: 'Ito ang minamahal Kong Anak, pakinggan ninyo Siya!' Malinaw na ipinapakita, ng walang pag-aalinlanganan, sundin si Molkhiúl YAOHÚSHUA hol-MEHUSHKHÁY! Si YÁOHU UL, sa pamamagitan ni Propeta Jeremias ay nagpahayag: 'Darating ang panahon,' pahayag ni YÁOHU UL, 'na Ahnee ay gagawa ng Bagong Tipan sa sambahayan ni Israel at sa sambahayan ni Judah. Hindi iyon matutulad sa tipang ginawa Ko sa kanilang mga ninuno nang hawakan Ko sila sa kamay at pangunahan paalis sa Egipto, dahil umalis sila sa Aking tipan bagaman Ako'y lumagay na Asawa nila,' pahayag ni YÁOHU UL. 'Ito ang tipang gagawin Ko sa sambahayan ni Israel pagkaraan ng panahong 'yon,' pahayag ni YÁOHU UL. 'Ang Kautusan Ko'y ilalagay Ko sa kanilang isipan at isusulat sa kanilang puso. Ako ay magiging Ul niya at sila'y magiging bayan Ko. Hindi kailangang turuan ng isang tao ang kanyang kapuwa, o ang kanyang kapatid na sasabihin, 'kilalanin mo si YÁOHU UL, dahil Ako ay makikilala nilang lahat, mula sa pinakaaba hanggang sa pinakadakila,' pahayag ni YÁOHU UL. 'Dahil ipatatawad Ko ang kanilang kasamaan at hindi na aalalahanin pa ang kanilang mga kasalanan.'' - Jeremias 31:31-34, Tanakh o Hebreong Banal na Kasulatan. Ang sabi ni Molkhiúl YAOHÚSHUA: 'Hindi ang isinusubo ng tao ang nakapagpaparumi sa kanya, kundi ang lumalabas sa tao ang nakapagpaparumi sa kanya.' - Marcos 7:14-23, Banal na Kasulatan. 'Nasa lunsod ako ng Yaffó at nananalangin nang magkaroon ako ng pangitain. Mula sa langit ay inihugos sa kinaroroonan ko ang isang tila malaking kumot na nakabitin sa apat na panulukan. Pinagmasdan ko itong mabuti at nakita ko roon ang lahat ng uri ng hayop: lumalakad at gumagapang sa lupa, pati maiilap at lumilipad sa himpapawid. At narinig ko ang isang tinig na nagsabi, 'Tumindig ka, Pedro, magpatay ka't kumain!' Subalit sinabi ko, 'hinding-hindi ko magagawa iyo, Molkhiúl. Hindi ako kumakain ng anomang bagay na itinuturing na marumi o di karapat-dapat (di malinis).' Muli kong narinig ang tinig mula sa langit, 'huwag mong ituring na marumi ang mga nilinis ni YÁOHU UL!' Tatlong ulit na nangyari ito at pagkatapos ay binatak na pataas sa langit ang bagay na iyon.' - Mga Gawa 10:9-16, Banal na Kasulatan. Ang Lumang Tipan ay pakikipag-tipan ni YÁOHU UL sa mga Israelita at hindi sa mga Hentil. Ang tanging daan ng mga Hentil at maging mga Judio pa man patungo sa pakikipag-tipan kay YÁOHU UL ay si Molkhiúl YAOHÚSHUA, at hindi sa pamamagitan ng pagsunod sa Kautusan. Maging sa lumang tipan, ang mga Judio ay hindi naman napapawalang-sala sa pamamagitan ng pagtupad ng kautusan kundi sa pamamagitan ng paghahandog ng dugo upang matakpan ang kanilang mga kasalanan, dugong sumasagisag at kumakatawan sa dugo ng ipinangakong Messias at Tagapagligtas - Molkhiúl YAOHÚSHUA hol-MEHUSHKHÁY. Kung walang ibinubong dugo, walang kapatawaran sa kasalanan, dahil sa ang buhay ay nasa dugo. 'Hindi ko ikinahihiya ang Mainam na Pahatid dahil ito ang kapangyarihan ni YÁOHU UL sa ikaliligtas ng sinumang sumasampalataya, una sa mga Judio, saka sa mga Hentil. Dahil sa pamamagitan ng Mainam na Pahatid inihahayag ang pagiging matuwid mula sa YÁOHU UL, sa pamamagitan ng pananampalataya mula simula hanggang sa wakas, tulad ng nakasulat: 'Ang matuwid ay mabubuhay sa pamamagitan ng pananampalataya.' Mula sa langit ay inihahayag ang poot ni YÁOHU UL laban sa lahat ng kalapastangan at kasamaa ng mga taong sumisikil sa katotohanan sa pamamagitan ng liko nilang pamumuhay. Ang dapat malaman tungkol sa YÁOHU UL ay maliwanang na sa kanila dahil inihayag na ito ni YÁOHU UL. Dahil mula pa nang likhain ang sanlibutan, ang mga hindi nakikitang katangian ni YÁOHU UL - ang walang-hanggang kapangyarihan at banal na kalikasan - ay maliwanang na nakita at nauunawaan mula sa mga bagay na nilikha. Kaya wala nang maidadahilan ang tao. Dahil bagaman kilala nila si YÁOHU UL, hindi nila Siya niluluwalhati bilang Maykapal ni pinasasalamatan man. Sa halip, naging masama ang kanilang pag-iisip at nadimlan ang mangmang nilang isipan. Ipinalalagay nilang sila'y matalino ngunit lumabas na mga mangmang. Ang kaluwalhatian ni YÁOHU UL na walang kamatayan ay pinalitan nila ng mga larawan ng taong may kamatayan, ng mga ibon, hayop na lumalakad at mga hayop na gumagapang. Kaya hinayaan na sila ni YÁOHU UL sa kanilang masasamang pita hanggang sa magumon sa paggawa ng kahalayan sa isa't-isa. Ang katotohanan ukol sa YÁOHU UL ay pinalitan nila ng kasinungalingan. Sinamba nila at pinaglingkuran ang mga bagay na nilalang sa halip na ang Lumalang na Siyang dapat papurihan magpakailanman. Am-nám. Dahil dito, hinayaan sila ni YÁOHU UL sa mga nakahihiyang pita. Pinalitan ng mga babae ang natural na pakikipagtalik ng hindi natural. Iniwan din ng mga lalaki ang likas na pakikipagtalik sa mga babae, at nag-alab ang kanilang maruming pita sa isa't-isa. Nakipagtalik sila sa kapuwa nila lalaki, at tinanggap na nila ang parusang angkop sa kanilang kasamaan. Bukod doon, yamang di nila ibig pahalagahan ang kaalam tungkol sa YÁOHU UL, sila'y hinayaan na Niya sa buktot nilang isipan upang gawain ang mga bagay na hindi dapat gawain. Napuspos sila ng lahat ng uri ng kasamaan, kalikuan, kasakiman at kabuktutan. Sila'y mainggitin, mamamatay-tao, mapaghimagsik, mandaraya, ma y masasamang isipan at masisitsit. Sila'y mapanirang-puri, namumuhi sa YÁOHU UL, walang pakundangan, mapagmataas. Sanay silang gumawa ng mga paraan sa paggawa ng masama, at masuwayin sa magulang. Sila'y walang budhi, taksil, walang puso at di marunong lumingap sa kapuwa. Alam nila ang utos ni YÁOHU UL na ang mga gumagawa nito ay dapat patayin. Gayunman, hindi lang sila patuloy sa paggawa ng mga bagay na ito, natutuwa pa sila pag may nakita silang ibang gumagawa rin nito! Kaya wala kang maidadahilan, sino ka mang humahatol sa iba. Dahil sa paghatol mo sa iba ay hinahatulan mo rin ang iyong sarili yamang gumagawa ka rin ng gayon. Alam nating matuwid ang hatol ni YÁOHU UL sa mga taong gumagawa ng gayon. Ikaw na tao lamang ay humahatol ngunit gumagawa rin niyon, akala mo ba'y makaiiwas ka sa hatol ni YÁOHU UL? O binabale-wala mo ba ang kabaitan, pagpipigil at katiyagaan ni YÁOHU UL? Hindi mo ba alam na pinagtitiyagaan ka Niya para bigyan ng pagkakataong magsisi? Ngunit dahil sa katigasan ng ulo mo at di pagsisisi, lalo mong pinabibigat ang parusang ipapataw sa iyo sa paghahayag ng Kanyang poot sa Araw ng Kanyang Paghatol. Si YÁOHU UL ang gaganti sa tao batay sa kanyang mga ginawa. Sa mga nagtiyaga sa paggawa ng mabuti sa paghahanap ng kapurihan, karangalan at kawalang-kamatayan, ang ipagkakaloob Niya'y buhay na walang-hanggan. Ngunit sa mga mapaghanap sa sarili, at sumunod sa kasamaan sa halip na sa katotohanan, ang ibabagsak Niya'y poot at kagalitan. Kaguluhan at kapighatian ang daranasin ng bawat gumagawa ng masama, una sa mga Judio, saka sa mga Hentil. Ngunit karangalan, kapurihan at kapayapaan sa lahat ng gumagawa ng mabuti, una sa mga Judio, saka sa mga Hentil. Dahil si YÁOHU UL ay hindi nagtatangi. Mangyayari ito sa araw na ang mga lihim ng mga tao'y hahatulan ni YÁOHU UL sa pamamagitan ni Molkhiúl YAOHÚSHUA hol-MEHUSHKHÁY, tulad ng isinasaad sa Mainam na Mensahe na ipinangangaral sa inyo. Ang pagiging Judio ay hindi panlabas na anyo lamang, at ang tunay na pagtutuli ay hindi lang sa mga bagay na pisikal. Ang tunay na Judio ay iyong nabago at tinuli sa espiritu - hindi ng nakasulat na kautusan - ang puso't kalooban. Ang papuri sa gayong tao ay di mula sa kapuwa tao, kundi mula sa YÁOHU UL. Kaya kung paanong ang kasalanan ng isang tao ay nagdulot ng kaparusahan sa lahat, ang pagiging matuwid naman ng isang Tao ay nagbunga ng kapatawaran at nagbigay ng buhay sa lahat ng tao. Dahil kung dahil sa pagsuway ng isang tao ay marami ang naging makasalanan, sa pamamagitan naman ng pagsunod ng isang tao ay marami ang ibibilang na matuwid. Dahil ang kabayaran ng kasalanan ay kamatayan, ngunit ang kaloob o regalo ni YÁOHU UL ay buhay na walang hanggan sa Molkhiúl YAOHÚSHUA hol-MEHUSHKHÁY. (Hango mula sa Aklat ng Roma, Banal na Kasulatan) Sapagkat dahil sa biyaya ni YÁOHU UL kayo ay naligtas, sa pamamagitan ng pananampalataya - at ito'y hindi mula sa inyong sarili, ito'y regalo ni YÁOHU UL - hindi sa pamamagitan ng mga gawa, upang walang sinomang magmayabang - Efeso 2:8-9, Banal na Kasulatan. Ang Liham ng Konsilyo sa Jerusalem sa mga Hentil na Sumasampalataya: 'Binabati namin kayo: Nabalitaan namin na may ilang mga kasamahang wala namang pahintulot mula sa amin ang nagpunta riyan. Ginugulo nila kayo at binabagabag ang inyong kaisipan sa mga bagay na kanilang sinasabi. Kaya nagkaisa kaming humirang ng ilang lalaki at suguin sila sa inyo, kasama ng matatalik nating kaibigang Bernabe at Shaúl. Sila ay mga taong sumusuong sa panganib dahil sa Ngalan ng ating Molkhiúl YAOHÚSHUA hol-MEHUSHKHÁY. Kaya sinusugo namin sina Yahuda at Silas upang patunayan sa inyo ang nasasaad sa aming liham. Minabuti ng 'RÚKHA-YAOHÚSHUA' at namin na huwag kayong bigyan ng anomang pasanin maliban sa mga sumusunod: Huwag kayong kakain ng anomang inihandog sa mga huwad na maykapal, huwag rin kayong kakain ng dugo, ng mga hayop na binigti, at huwag kayong makikiapid. Makabubuti ito sa inyo kung inyong susundin. Paalam sa inyo.' - Mga Gawa 15:23-29, Banal na Kasulatan. Kaya't ano ang ating pasya na batay sa Banal na Kasulatan? Ang kaligtasan ay isang kaloob o regalong walang bayad na mula sa YÁOHU UL dahil sa tindi ng Kanyang pag-big, biyaya at habag sa mga nawawalang tupa. Hindi makapapasok sa langit ang isang tao dahil sa pagsunod ng Kautusan o Ten Commandments dahil ang Molkhiúl YAOHÚSHUA lamang ang nakasunod sa lahat ng ipinag-uutos nito, ng walang pagkakasala simula isilang hanggang ipinako. Walang sinomang pangkaraniwang tao lamang ang makatutupad sa lahat ng hinihiling ng mga Kautusan ni Mehushúa. Ang tanging daan patungo sa Amang YÁOHU UL sa langit sa pamamagitan lamang ni Molkhiúl YAOHÚSHUA hol-MEHUSHKHÁY, na Siyang daan, katotohanan at buhay. Tandaan: kapag nilabag mo ang anomang pinakamaliliit na utos ng Kautusan, para mo na ring nilabag ang lahat ng ito! - Santiago (YÁOHU-caf) 2:10 Ano ang kalutasan? Sumampalataya, magpasakop at tupdin ang Molkhiúl YAOHÚSHUA hol-MEHUSHKHÁY at tiyak na ikaw'y maliligtas! Sigurado! Hindi ka papasok sa langit dahil sa kumakain o di ka kumakain ng kung anu-anong bagay. Hindi pagkain ang batayan ng kaligtasan, kundi kung SINO ang iyong Tagapagligtas at Pinuno! Hindi pagkain.... Q. Ganoon palang hindi bawal ang kumain ng kahit na ano, samakatuwid maaari na palang kainin ang dugo, ipis, lamok, langaw at iba pang mga nakadidiring nilalang? A. Totoo na talagang hindi bawal kumain ng kahit na anong PAGKAIN! Ngunit ang dugo ay HINDI PAGKAIN na itinuturing sa Banal na Kasulatan. Ipinagbabawal sa Banal na Kasulatan ang pagkain ng dugo dahil sa ang dugo ay hindi pagkain (Mga Gawa 15). Sa Pilipinas na lamang makakikita sa ngayon, at iba pang mangilan-ngilang mga tribung 'cannibal' (kumakain ng laman ng tao) sa Africa na lamang sa ngayon kung saan ay marami pa rin ang kumakain ng dugo. Ito ang isang malaking dahilan kung bakit maraming salot at kalamidad ang dinadanas ng maraming hanggang ngayo'y animo'y mga 'cannibals' pa rin - dahil nga sa pagkain ng dugo. Kaya't dagliang itigil na nga ang kasamaang ito na kinamumuhian ni YÁOHU UL. Tinawag tayo sa kalayaan, ngunit hindi kalayaan upang gumawa ng masama kundi kalayaang tumahak at lumakad sa katuwiran at kabanalan. Si Evangelista Yaokhanam ay mga balang at pulot-pukyutan ang kinakain at siya'y itinuring na isang banal na propeta ng YÁOHU UL. Sinabi naman ni emisario Shaúl (Apostol Pablo) na lahat ay maaari nating gawain ngunit hindi lahat ay makabubuti. Maaari kang kumain ng uod, ipis o ano pa mang nais mo, ngunit ang tanong ay: ito ba'y makabubuti sa iyo? Sinabi pa rin na gawain ninyo ang lahat ng bagay sa ikaluluwalhati ni YÁOHU UL. Ang pagkain mo ba ng mga nabanggit ay makapagbibigay luwalhati kay YÁOHU UL? Ang bawat mananampalataya kay Molkhiúl YAOHÚSHUA ay magpasya ukol sa bagay na ito sa ganang kanyang sariling ibig at layunin, dahil ang Kaharian naman ni YÁOHU UL ay hindi batay sa mga pagkain at inumin kundi batay katuwiran, katotohanan, pagiging-banal, pag-ibig at kabutihan. Kaya't iwasan ninyo ang pakikipag-debate at pakikipagtalo dahil lamang sa mga pagkain at inumin, dahil hindi naman sumasayad ang mga iyon sa puso ng tao. Ang nagpaparumi sa tao, ayon sa Molkhiúl YAOHÚSHUA, ay ang pagkainggit, maruruming pag-iisip laban sa kapuwa, kalibugan, pagseselos, pagkamuhi sa kapuwa, kayabangan, pagmamataas, pakikiapid, pagsamba sa kuwarta, artista, ari-arian at diploma, at iba pang tulad nito - ang mga ito ang iwasan at huwag matuon ang pansin sa mga walang-katapusang pagtatalo ukol sa mga iba't-ibang uri ng pagkain. Muli, ang dugo ay HINDI PAGKAIN! (Basahin ang 1 Corinto Chapters 8 at 10 sa Banal na Kasulatan). Mapapansin ninyo sa Banal na Kasulatan, sa buhay ng mga banal sa paningin ni YÁOHU UL, sila'y hindi maluluho sa pagkain. Kahit na si Molkhiúl YAOHÚSHUA at ang mga alagad, tinapay lamang at kaunting isda ay sapat na. Nakasulat, kung tayo'y may pagkain at daramtin ay makuntento na tayo. Walang masamang kainin kung ito'y makabubuti sa iyo at hindi naman makatitisod sa iyong kapuwa mananampalataya. Do everything in love for YÁOHU UL at pag-ibig pa rin lalo na sa iyong kapuwa mananampalataya kay Molkhiúl YAOHÚSHUA! Faith working itself through love.... Q. May mga ibang nagsasabing masama raw ang magpasalin ng dugo, tutoo bang salungat si YÁOHU UL sa pagpapasalin ng dugo, lalo na nga't kung may nag-aagaw buhay? A. Ang buhay ay nasa dugo. Life is in the blood. Kaya nga kailangang maghandog ng dugo bilang pamawi ng kasalanan dahil ang kabayaran ng kasalanan ay kamatayan. Sa pagiging makatarungan ng YÁOHU UL, upang hindi masira ang Kanyang kabanalan at pagiging Matuwid, ang bawat kasalanan ay dapat lapatan ng parusang kamatayan. Ngunit dahil sa Siya'y YÁOHU UL rin naman ng habag, kapatawaran at pag-ibig, katanggap-tanggap pa rin sa Kanya na sa halip na ang nagkasala ay maaari siyang maghandog ng buhay ng isa niyang kahalili o kapalit (substitutionary sacrifice) at ano ang katibayan na may buhay ngang kinitil bilang kaparusahang kamatayan sa kasalanan? Ang dugo ang katibayan na mayroong namatay at nawalan ng buhay, bilang kabayaran nga. Sa ganitong paraan, napapanatili ni YÁOHU UL ang Kanyang pagiging Makatarungan, Mapagpatawad, Mahabagin at Matuwid rin naman. Muli, ang buhay ay nasa dugo. Ano ba ang pinakamahalagang utos ni YÁOHU UL? Ang ibigin Siya ng buong puso, buong pag-iisip, buong kaluluwa at buong kakayahan; at ang ikalawa ay ang ibigin ang iyong kapuwa tulad ng iyong sarili. Nakasulat pa rin na wala nang hihigit pang pag-ibig kaysa ang ialay ang ating buhay para sa ating kapuwa, tulad ng pag-aalay ni Molkhiúl YAOHÚSHUA ng Kanyang buhay (dugo) para sa atin. Kung mayroong nag-aagaw buhay at nangangailangan ng dugo (buhay) natural lamang, bunga ng ating pag-ibig sa ating kapuwa, na ialay natin ang ating buhay (dugo) kung kinakailangan. Ito nga ang pinakadakilang pananampalatayang may lakip na gawa na kumikilos sa diwa ng pag-ibig, una kay YÁOHU UL, ikalawa ay sa ating kapuwa. Nasusukat ang pag-ibig ninoman kay YÁOHU UL sa pamamagitan nang kung gaano niya iniibig ang kanyang kapuwa na nilikha ayon sa larawan ni YÁOHU UL. Nakasulat pa rin na: 'Huwag kang titindig ng walang ginagawa habang ang iyong kapuwa ay nag-aagaw buhay o nasa matinding panganib!' Sa Ingles: 'Do not remain idly by the blood of your brethren!' Samakatuwid, ang ipagkait ang ating buhay (dugo) sa nangangailangan ay hindi pag-ibig sa YÁOHU UL at sa kapuwa na maituturing, kundi ito'y isang paglabag pa nga! Bawal bang magsalin o magpasalin ng dugo? Maliwanag na hindi, kung ginagawa tulak ng pag-ibig. Muli, ang DUGO AY HINDI PAGKAIN! Q. Ano ang ibig sabihin ng 5770 na aming nakikita sa paglalathala ninyo ng petsa? A. Sa kalendaryo ng mga Judio na ibinatay sa itinatag ng YÁOHU UL na taunang kalendaryo para sa Kanyang kalipunan sa Banal na Kasulatan, ang mga buwan at araw at taon ay batay sa pagsibol ng bagong buwan (new moon). Ang pangkaraniwang taon ay binubuo ng labing-dalawang (12) buwan, at minsan nama'y labing-tatlong (13) buwan. Iba ang siglo o ikot ng kalendaryong ito kaysa sa Gregorian calendar na pangkaraniwang ginagamit sa sanlibutan. Iba rin ang mga tawag sa bawat buwan. Ang taon sa ngayon ay 5770 na nangangahulugang 5,770 taon na ang nakalilipas simula noong si Adám at si Khavyáo (Eba) ay likhain, hindi simulang likhain ang buong sangnilikha. Ibinatay ang bilang na ito sa mga nilalaman ng aklat ng Cronica sa Banal na Kasulatan na doo'y nakatala ang mga bilang ng taon ng mga ninuno at iba pang mga detalye. Sa kalendaryo naman ng mga muslim ay batayan naman nila ay kung ilang taon na ang nakalilipas simula ng panahon ni mohammed na kanilang sinasamba. Sa kalendaryo naman ng mga kristiyano ay kung ilang taon na simula nang pagkasilang ng Messias. May nagsasabing isinilang ang Molkhiúl YAOHÚSHUA noong buwan ng Abril, 4 B.C. at mayroon namang nagsasabing noong buwan ng Setyembre, 7 B.C. Ang ibig sabihin ng B.C. para sa mga taga sanlibutan ay 'Before Christ' at ang A.D. naman ay ang mga salitang latin na nangangahulugang 'anno domini' o sa taon ng kanilang puno. Dahil sa hindi nga naniniwala ang mga Judio kay kristo, kaya hindi ginagamit ng mga Judio ang mga titik ng B.C. o kaya'y A.D. Sa halip ang ginagamit sa kalendaryong Judio ay ang mga titik ng B.C.E (Before Common Era) at C.E. (Common Era). Samakatuwid, ang taong ito ay 5770 C.E., o Common Era. Ang kahulugan ng 'Era' ay panahon. Hindi mahalaga kung kailan tiyak na petsa ipinanganak ang Molkhiúl YAOHÚSHUA dahil ang Banal na Kasulatan ay hindi naman ibinigay upang maglaman ng kumpletong talambuhay ni Molkhiúl YAOHÚSHUA kundi upang malaman mo ang paraan patungo sa Amang YÁOHU UL, at kung papaano kang maliligtas! Hindi kailangan para sa kaligtasan mo ang petsa kung kailan siya tiyak na petsang isinilang. Ang hinihingi ng Banal na Kasulatan ay ang iyong pagsisisi at pagbabalik loob kay YÁOHU UL, at ang pagsampalataya't pagsunod kay Molkhiúl YAOHÚSHUA hol-MEHUSHKHÁY upang ikaw'y maligtas, hindi ang petsa.... Q. Kayo ba'y naniniwala sa 'speaking in tongues' o pagsasalita sa iba't-ibang wika at sa 'immersion in the RÚKHA' o pagbibinyag sa 'RÚKHA-YAOHÚSHUA'? A. Nakasulat: 'Huwag ninyong ipagbabawal ang pagsasalita sa iba't-ibang wika!' - 1 Corinto 14:39. Nakasulat rin: 'Lahat ba'y binigyan ng kaloob na pagsasalita sa iba't-ibang wika?' Ang sagot na 'hindi' ay mababasa ninyo sa 1 Corinto 12:30 sa Banal na Kasulatan. Nakasulat pa rin: 'Ang mga tandang ito ay lalakip sa mga sumasampalataya sa Aking Ngalan.... sila'y magsasalita ng ibang mga wika!' - Marcos 16:17 Sinabi ni Molkhiúl YAOHÚSHUA na sa kalipunan ng mga mananampalataya sa Kanyang Ngalan ay magkakaroon ng palatandaan at kapangyarihang pagsasalita sa ibang wika. Sinabi naman ni emisario Shaúl (Apostol Pablo) na hindi lahat sa kalipunan ng mananampalataya (Oholyao) ay mayroong ganoong kaloob o regalo mula sa 'RÚKHA-YAOHÚSHUA.' Hindi tayo pipili kung alin ang tama sa dalawang talatang nabanggit dahil parehong tama ang sinasabi basta't buhat sa Banal na Kasulatan. Samakatuwid, ang ibig sabihin ni Molkhiúl YAOHÚSHUA ay sa kalipunan ng mga mananampalataya ay makikita ang mga palatandaang iyon. Ngunit tama pa rin si emisario Shaúl noong kanyang sabihing hindi lahat sa kalipunan ng mananampalataya ay may ganoong kaloob ng pagsasalita sa mga bagong o iba't-ibang wika. Iba't-iba nga kasi ang kaloob na ibinibigay ng 'RÚKHA-YAOHÚSHUA' sa bawat mananampalataya sa Oholyao (kalipunan ng mga mananampalataya) at hindi lahat ay pare-pareho ang kaloob na tinatanggap mula sa Kanya, ngunit tiyak na ang mga palatandaang binanggit naman ni Molkhiúl YAOHÚSHUA sa Marcos 16:17-18 ay matatagpuan sa kabuoang kalipunan ng mga mananampalataya o 'Oholyao' dahil sinabi Niyang: Ang mga tandang ito ay lalakip sa 'MGA SUMASAMPALATAYA' sa Aking Ngalan.' Sa madaling salita, lalakip daw sa kalipunan ng mga mananampalataya, dahil nga sa paggamit ng mga salitang: 'mga mananampalataya' na maramihan ang bilang - samakatuwid ay ang talagang tinutukoy na kahulugan ay ang mga mananampalataya bilang isang kalipunan o samahan o isang katawan. Hindi ibig sabihin ay sa bawat isang mananampalataya dahil sasalungat naman sa nilalaman sa 1 Corinto na mga isinulat ni emisario Shaúl. Wala pong magkasalungat na mga talata sa buong Banal na Kasulatan, kung hihingi ng liwanag, karunungan, kaalaman at unawa mula sa May-Akda ng mga ito, si YÁOHU UL sa langit, upang ganap na maunawaan ang mga katotohanang isinasaad sa mga Kasulatan. Higit na mauunawaan kung uunawain ng ganito: Ang mga tandang ito ay lalakip sa KANILANG MGA SUMASAMPALATAYA sa Aking Ngalan. Totoo rin naman na kung nais ng ibayo pang kapangyarihan ng sinomang mananampalataya kay Molkhiúl YAOHÚSHUA, at kung ibig ng YÁOHU UL, ay maaari ring asamin at matanggap ng mananampalataya ang 'Pagbibinyag sa 'RÚKHA-YAOHÚSHUA'' upang maging ibayo ang kanyang kapangyarihan sa pagpapatotoo at paglalaganap ng Mainam na Pahatid. Ang 'Pagbibinyag sa 'RÚKHA-YAOHÚSHUA'' ay ibinibigay sa layuning magkaroon ng kapangyarihan ang mananampalataya upang maging masilakbo at puspos ng tapang ang kanyang paglilingkod sa Molkhiúl YAOHÚSHUA! Upang magkamit ng kapangyarihan at kakayahan. (Mga Gawa 1) Tinanggap na ng mga mananampalataya ang 'RÚKHA-YAOHÚSHUA' na mababasa sa Yaokhanam 20:22, ngunit iba pa rin ang 'Pagbibinyag sa RÚKHA-YAOHÚSHUA' na kanila pa ring naranasan na nakasaad naman sa Mga Gawa Chapter 1, na ibinigay bilang pampasilakbo sa kanilang pagpapatotoo at pagsasagawa ng mga pangangaral at mga himala, sa Ngalan ni Molkhiúl YAOHÚSHUA hol-MEHUSHKHÁY! Hindi kinakailangang magsalita sa iba't-ibang wika upang maisilang na muli ang sinoman. Ang pagsasalita sa iba't-ibang wika ay kaloob o regalo na ibinibigay ng 'RÚKHA-YAOHÚSHUA' matapos o habang tumatanggap ng espiritwal na pagsisilang na muli ang bagong mananampalataya. Dahil sa ang pagbibinyag na ito ay isang regalo o kaloob, hindi ito kinakailangang pagpawisan, pagpaguran o pagtrabahuhan dahil hindi na magiging regalo o kaloob kung gayon. Free gift kaya't hindi kailangang pagpaguran at paglupasayan.... Nakakamit alin mang walang-bayad na regalo sa pamamagitan lamang ng simpleng pananampalataya, pananalig, paniniwala at pansariling pag-angkin, pagtanggap ng mga ito ng may pagtitiwala sa nangako. 'Ang kaloob ay para sa inyo at sa inyong mga anak at para sa mga nasa malalayong mga bansa!' - Mga Gawa 2:38-39, Banal na Kasulatan Ang lahat pong mga araling ito ay ibinibigay sa inyo sa diwa ng ganap na pagpapakumbaba, pag-ibig, katotohanan at katapatan - OL SHÚAM GAÚL YAOHÚSHUA hol-MEHUSHKHÁY, am-nám! (Sa Ngalan ni Molkhiúl YAOHÚSHUA hol-MEHUSHKHÁY, siya nawa....) Naniniwala po kami dahil sa mayamang awa at habag ni YÁOHU UL, na ang 'RÚKHA-YAOHÚSHUA' ang ngayon at palagiang nagbibigay liwanag sa inyong isipan, nagtuturo, nagdadala patungo sa katotohanan, umaagapay at nagpapaala-ala ng mga Molyao-Ul na sinabi ni Molkhiúl YAOHÚSHUA, na siyang nagpapakilala sa bawat isa inyo sa tunay na Messias, si Molkhiúl YAOHÚSHUA at palagiang tinitiyak ni YÁOHU UL na magkakabisa ang bawat salita na kanyang sinabi, kasama na rin ang gawain ng 'RÚKHA-YAOHÚSHUA na paggigiyagis sa inyong mga puso patungkol sa kasalanan, katwiran at kahatulan, habang tinatalian namin ang bawat isa sa inyo sa pagsunod at lubusang pagtalima kay Molkhiúl YAOHÚSHUA hol-MEHUSHKHÁY, at ang lahat ay magsabi ng am-nám! Tandaan, ang lahat ng tuhod ay kinakailangang lumuhod sa Ngalang YAOHÚSHUA at lahat ng labi ay magsasabing si YAOHÚSHUA ang Odmorul ng lahat, sa ikaluluwalhati ni YÁOHU UL na Makapangyarihan! At anoman ang talian namin dito sa lupa ay tatalian rin sa langit! 'Naparito ang Anak ni YÁOHU UL upang wasakin ang mga gawa ng diyablo!' - 1 Yaokanam 3:8, Banal na Kasulatan. Kayo'y amin ngayong kinakalagan mula sa yaohod (lahat) ng uri pagkakabihag ni ha-satán at ng kanyang mga kampong mga masasamang espiritu ng pagkalito, mga masasamang espiritu ng kasinungalingan, nambibihag na mga rukot ha-raot, at amin ngayong pinatitigil, pinapalayas at winawalang-bisa ang lahat ng uri ng masasamang impluwensiya, mga kasinungalingan, mga kapangyarihan at pinalalaya mula sa pagkakabihag ng mga rukot ha-raot! At tinatalian namin kayo sa lubusang pagsunod at pagtalima kay Molkhiúl YAOHÚSHUA ngayon at magpakailanman! Anoman ang aming kalagan dito sa lupa at kakalagan rin sa langit, anoman ang aming talian dito sa lupa ay tatalian rin sa langit! OL SHÚAM GAÚL YAOHÚSHUA hol-MEHUSHKHÁY, am-nám! Tandaan na si Molkhiúl YAOHÚSHUA ang Siyang namatay para sa ikapagpapatawad ng inyong mga kasalanan at hindi ang anomang relihiyon. Hindi Tagapagligtas ang relihiyon. Si Molkhiúl YAOHÚSHUA hol-MEHUSHKHÁY lamang ang nag-iisa at ang tanging Messias na Siyang makatutulong, makapagpapalaya, makapagpapagaling at makapagliligtas sa bawat isa. Dahil ang sandata ng aming pakikibaka ay hindi ukol sa laman kundi ang mga ito'y may kapangyarihan sa pamamagitan ni YÁOHU UL Gabór (Mandirigma) na gumiba ng mga kuta ng kaaway. Ating binubuwag ang bawat maling pangangatuwiran at bawat bagay na nagmamatayog laban sa karunungan ni YÁOHU UL KAOKÁM, at ating binibihag ang bawat pag-iisip upang ipasakop kay Molkhiúl YAOHÚSHUA. At atin na ngayong pinagwagian si ha-satán, sa pamamagitan ng 'DAM' (dugo), at ng pananalita, at dahil sa ating sinagupa na nga si ha-satán, siya'y lumayas na mula sa lahat ng Yaohúshuahim, at tayo'y higit pa sa mapagwagi! Maraming papuri at pasasalamat kay YÁOHU UL GAVÓHA (Pinakamataas) na Siyang tumiyak na tayo'y palagiang nagwawagi kaisa ni Molkhiúl YAOHÚSHUA. Hindi natin pinapayagang nakawin sa anomang paraan ni ha-satán ang mga Salita ni YÁOHU UL na ngayo'y natanim sa inyong mga puso't isipan, magpakailanman! Anomang hindi natin payagan dito sa lupa ay hindi papayagan sa langit. OL SHÚAM GAÚL YAOHÚSHUA hol-MEHUSHKHÁY, am-nám! ======================= PANALANGIN NG PAGSISISI NG MAKASALANAN Ngayon na kayo ay sumasampalataya na sa Kanyang Ngalan at tinanggap ang tunay na Messias lakip ng mga katotohanang mula sa kanya, sabihin, bigkasin, uulitin ko pong muli, kailangang inyong bigkasin ng taus puso ang panalanging ito: YÁOHU UL na sumasalangit, ang UL ni Abruhám, YÁOHUtz-kaq at YÁOHU-caf, akin po Kayong kinikilala ngayon, inaamin at sinasampalatayanan bilang aking nag-iisang totoong Manlilikha, Maykapal at wagas na Makapangyarihan sa yaohod (lahat); Kayo po si YÁOHU UL, ang Banal ng Israel, na Siyang aking pinagmulaan at iisang Maykapal; Inaamin ko po sa Inyong harapan ngayon, na ahnee ay labis na nagkasala laban sa Inyo at ngayo'y humihingi ng kapatawaran, habag, awa at paglilinis mula sa yaohod ng aking mga nagawang kasamaan, at sa mga labis-labis na paglabag sa Inyong mga kautusan; Hugasan Nyo po ahnee ngayon sa pamamagitan ng banal na 'DAM' o dugo ni Molkhiúl YAOHÚSHUA hol-MEHUSHKHÁY; Akin po ngayong ginagawa at kinikilalang nag-iisang pansarili kong Molkhiúl (Tagapamuno) at Mihushuayao (Tagapagligtas) ngayon at magpakailanman ang Gaúl (Manunubos) YAOHÚSHUA hol-MEHUSHKHÁY, ang Inyong Messias na isinugo; Naniniwala po ahnee na walang ibang ngalan sa silong ng langit ang Inyong ibinigay upang ikaligtas ng tao maliban sa Ngalang YAOHÚSHUA hol-MEHUSHKHÁY; at YÁOHU UL ang Inyong iisang Ngalan na aming gugunitain at itatawag sa Inyo sa yaohod ng salinlahi, ayon sa mga nakasulat sa Inyong Banal na Kasulatan; Naniniwala po ahnee na si Molkhiúl YAOHÚSHUA hol-MEHUSHKHÁY ay namatay bilang aking kahalili at kapalit, Siya na walang kasalanan ay hinatulang masama upang ahnee naman na makasalanan ay maituring na matuwid sa Inyong paningin, sa aking pagsampalataya kay Molkhiúl YAOHÚSHUA hol-MEHUSHKHÁY; Naniniwala po ahnee na si Molkhiúl YAOHÚSHUA hol-MEHUSHKHÁY ay namatay para sa akin, inilibing, nabuhay na mag-uli, umakyat sa langit, ngayo'y nakaupo sa kanan ni YÁOHU UL, at muling magbabalik, di maglalaon, upang maghari't hatulan ang mga makasalanan; Naniniwala po ahnee sa muling pagkabuhay ng mga matuwid tungo sa buhay na walang hanggan sa piling Ninyo; at ang mga masasama naman ay tungo sa walang hanggang kaparusahan; Akin pong hinihiling ngayon at tinatanggap ang 'RÚKHA YAOHÚSHUA' sa aking puso, upang ahnee ay turuan, dalhin sa ganap na katotohanan, tulungan at paalalahanan, ngayon at magpakailanman; kasama na rin ang pagbibinyag sa 'RÚKHA-YAOHÚSHUA' at ang mga biyayang mula sa Kanya, na akin ring hinihiling at tinatanggap ngayon ng may buong pananalig at pasasalamat sa Inyo, YÁOHU Ulhím. Maraming salamat po sa Inyong kapatawaran, habag, awa at paglilinis, pagbibinyag sa 'RÚKHA-YAOHÚSHUA' at ang mga biyayang ibinigay, na akin na ngayong tinatanggap ng may ganap na pananalig at pasasalamat; Nakasulat po na sinomang tumawag sa Inyong tunay na Ngalang YÁOHU UL ay maliligtas; at ito po'y aking taus-pusong pinaniniwalaan; Ginagawa ko po ang yaohod (lahat) ng ito ngayon sa Ngalan ni Molkhiúl YAOHÚSHUA hol-MEHUSHKHÁY, am-nám! ======================== Ngayon ikaw ay malaya na at ganap na! Ngayon, luwalhatiin natin si YÁOHU UL, magkasama nating itaas ang Kanyang Ngalan! Simulan mo ngayon ang iyong bagong buhay na kasama si YÁOHU ABÚ (Ama) sa pamamagitan ng pagsasabi sa iba tungkol sa Kanyang PAG-IBIG at sa Kanyang NGALAN at magsimulang ibigin at tulungan ang iyong kapuwa! 'Ibigin mo si YÁOHU UL ng buong puso, buong kaluluwa, buong kakayahan at buo mong pag-iisip!' at 'Ibigin mo ang iyong kapuwa tulad ng iyong pag-ibig sa iyong sarili!' Hindi namin ipinakikilala sa inyo ang aming mga sari-sarili, ni ang aming Samahan man, kundi ang mga PERSONA ni YÁOHU ABUHÚL, Molkhiúl YAOHÚSHUA, at ang 'RÚKHA-YAOHÚSHUA' - ang Tatlong Persona sa iisang Ulong-Maykapal! Kami nama'y mga walang-kabuluhang alipin lamang ni Molkhiúl YAOHÚSHUA, na Siyang tumubos sa amin, at ginagawa lamang namin ang nararapat naming gawain bilang paglilingkod ng pag-ibig sa Kanya. Kami'y mga dati ring mga makasalanang nakakilala, nanalig at tumanggap kay Molkhiúl YAOHÚSHUA hol-MEHUSHKHÁY! Marami ang naniniwala, ngunit ang higit na mahalaga ay ang tanggapin Siya sa puso at magpasakop sa Kanyang mga alituntunin, bilang Kanyang mga alagad o mag-aaral. Sa mga nais tumanggap ng 'Pagbibinyag sa 'RÚKHA-YAOHÚSHUA'' narito ang isang mainam na paraan ng pananalangin upang ito'y makamit, ayon sa yaman ng habag, pag-ibig at biyaya ni YÁOHU UL sa inyong mga sumasampalataya kay Molkhiúl YAOHÚSHUA hol-MEHUSHKHÁY. Idalangin ang mga sumusunod: ============================= DALANGIN UPANG TUMANGGAP NG PAGBIBINYAG SA 'RÚKHA-YAOHÚSHUA' YÁOHU ABÚ, sumasalangit Ka, sambahin ang Ngalan Mo, mangyari ang ibig Ninyo, dito sa lupa gaya ng sa langit; Sinabi po ninyo na ang kaloob o regalo ng 'RÚKHA-YAOHÚSHUA' ay nakalaan para aming mga sumasampalataya kay Molkhiúl YAOHÚSHUA hol-MEHUSHKHÁY, at ibinibigay po naman ng 'RÚKHA-YAOHÚSHUA' sa amin ayon sa Kanyang nilalayon sa katawan ni Molkhiúl YAOHÚSHUA na Siyang aming Oholyao; Akin pong hinihiling ngayon na ahnee ay binyagan Ninyo sa 'RÚKHA-YAOHÚSHUA' upang ahnee ay mapuspos ng kapangyarihang magpatotoo ukol sa Inyo at sa Mainam na Mensahe, at akin rin Kayong mapaglingkuran ng buong kakayahang sa Inyo lamang nagmumula; Sinabi po ninyo na Kayo ang UL ng 'am-nám' at 'oo' sa yaohod ng Inyong mga ipinangako sa nakasulat, kaya't akin na pong tinatanggap ngayon pa man ang pagbibinyag sa 'RÚKHA-YAOHÚSHUA' ng may ganap na pananalig, pagtitiwala at pananampalataya na Inyong iginagawad, ayon sa yaman ng Inyong pag-ibig, pagpapala at habag sa aming Inyong mga anak na dalisay Ninyong iniibig; Ibinibigay ko sa Inyo ang taus-pusong pasasalamat, papuri, parangal, pagdadakila at pagsamba, ngayon at magpakailanman. OL SHÚAM GAÚL YAOHÚSHUA hol-MEHUSHKHÁY, am-nám! ============================= Maniwala kayong inyo nang tinanggap at magsimulang kumilos at tumahak ayon sa kapangyarihan at kung ano mang kaloob ang ipinasya at ibinigay sa inyo ngayon, ayon sa nakasulat sa 1 Corinto Chapter 12 sa Banal na Kasulatan. Maging mapaniwalain kayo sa nakasulat at huwag maging mapag-alinlangan! You are believers, and NOT doubters! Ang mahigpit na kalaban ng pananampalataya sa puso't isipan ninoman ay ang 'doubt' o pag-aalinlangan. Nakasulat na sinomang nagdadala-dalawang isip ay walang tatanggaping anoman mula kay YÁOHU UL - Santiago (YÁOHU-caf) 1:6-8. You must always believe! Palagiang paniwalaan at angkinin ang mga nakasulat at iwinaksi na nga ninyo ang pagiging mapag-alinlangan, ngayon at magpakailanman! Tandaan, kapag nakasulat, paniwalaan! Wala nang pag-aagam-agam o pagdadala-dalawa pa.... You are believers, you are NOT doubters! Kayo ang mga nananalig, hindi ang mga mapag-alinlangan! Sapagkat ang sandata ng ating pakikibaka ay hindi ukol sa laman, kundi ang mga ito'y may kapangyarihan sa pamamagitan ni YÁOHU UL GABOR (Mandirigma) na gumiba ng mga kuta ng kaaway. Ating binubuwag ang bawat maling pangangatuwiran at bawat bagay na nagmamatayog laban sa karunungan ni YÁOHU UL KAOKÁM, at ating binibihag ang bawat pag-iisip upang ipasakop kay Molkhiúl YAOHÚSHUA. Naniniwala po kami na ang 'RÚKHA-YAOHÚSHUA' ang ngayon at palagiang nagbibigay sa bawat isa sa inyo ng liwanag, karunungan, kaalaman, unawa, paghahayag, katotohanan, pananalig at kapakumbabaan, at Siya rin ang palagiang nagdadala sa inyo sa buong katotohanan, nagtuturo sa inyo, umaagapay at nagpapaala-ala ng mga Salita ni Molkhiúl YAOHÚSHUA hol-MEHUSHKHÁY, kasama na rin ang gawain ng 'RÚKHA-YAOHÚSHUA' sa pag-gigiyagis sa inyong puso ukol sa kasalanan, katuwiran at kahatulan, ngayon at palagian, ayon sa yaman ng pag-ibig, habag, biyaya at pagpapala ni YÁOHU UL sa inyong yaohod, sa Ngalan naman ni Molkhiúl YAOHÚSHUA hol-MEHUSHKHÁY, am-nám! Tandaan: hindi relihiyon ang namatay para sa inyong kaligtasan, hindi rin relihiyon ang Tagapagligtas, kundi ang iisang Walang-Hanggani Manunubos: YAOHÚSHUA hol-MEHUSHKHÁY! Hindi namin ipinakikilala sa inyo ang aming mga sari-sarili, ni ang aming Samahan man, kundi ang mga PERSONA ni YÁOHU ABÚ, Molkhiúl YAOHÚSHUA, at ang 'RÚKHA-YAOHÚSHUA' - ang Tatlong Persona sa iisang Ulong-Maykapal! Kami nama'y mga walang-kabuluhang alipin lamang ni Molkhiúl YAOHÚSHUA, na Siyang tumubos sa amin, at ginagawa lamang namin ang nararapat naming gawain bilang paglilingkod ng pag-ibig sa Kanya. Kami'y mga dati ring mga makasalanang nakakilala, nanalig at tumanggap kay Molkhiúl YAOHÚSHUA hol-MEHUSHKHÁY! Marami ang naniniwala, ngunit ang higit na mahalaga ay ang tanggapin Siya sa puso at magpasakop sa Kanyang mga alituntunin, bilang Kanyang mga alagad o mag-aaral. Dahil ang sandata ng ating pakikibaka ay hindi ukol sa laman, kundi ang mga ito'y may kapangyarihan sa pamamagitan ni YÁOHU UL GABÓR (Mandirigma) na gumiba ng mga kuta ng kaaway. Ating binubuwag ang bawat maling pangangatuwiran at bawat bagay na nagmamatayog laban sa karunungan ni YÁOHU UL KAOKÁM, at ating binibihag ang bawat pag-iisip upang ipasakop kay Molkhiúl YAOHÚSHUA. At atin na ngayong pinagwagian si ha-satán, sa pamamagitan ng 'DAM' (dugo), at mga pananalita, at dahil sa ating sinagupa na nga si ha-satán, siya'y lumayas na mula sa yaohod ng Yaohúshuahim, at tayo'y higit pa sa mapagwagi! Maraming papuri at pasasalamat kay YÁOHU UL GAVÓHA (Pinakamataas) na Siyang tumiyak na tayo'y palagiang nagwawagi kaisa ni Molkhiúl YAOHÚSHUA. Hindi natin pinapayagang nakawin sa anomang paraan ni ha-satán ang mga Salita ni YÁOHU UL na ngayo'y natanim sa inyong mga puso't isipan, magpakailanman! Anomang hindi natin payagan dito sa lupa ay hindi papayagan sa langit. Alalahanin pong dumalo sa bawat pagtitipon at mga gawain ng inyong Oholyao at ipaaalam po sa inyo kung saan at kung kailan ginaganap ang mga ito. Magsimula po kayong magbasa ng Banal na Kasulatan at mananalangin araw-araw upang magpasalamat, magbigay papuri at mangumpisal kay YÁOHU ABÚ dahil sa mga kasalanang nagagawa pa araw-araw. At mahalaga rin namang magsimulang humiling at ilagak kay YÁOHU ABÚ ang yaohod ng inyong mga problema o suliranin sa buhay, sa kalutasan ng mga ito sa paraan ni YÁOHU UL. Unahin po muna ninyo ang Kaharian ni YÁOHU ABÚ at ang yaohod ng iba pang bagay ay idaragdag sa inyo (Man-YÁOHU (Mateo) 6:33). Amin po kayo ngayong inilalagak sa tiyak na pangangalaga ni YÁOHU ABÚ, sa inyong paglago sa Kanyang Kaharian hanggang sa maging kawangis ninyo ang pag-uugali ni Molkhiúl YAOHÚSHUA hol-MEHUSHKHÁY, hanggang sa Kanyang nalalapit nang pagbabalik! Nakasulat na anoman ang aming talian dito sa lupa ay tatalian rin naman sa langit; anoman ang aming kalagan dito sa lupa ay kakalagan rin naman sa langit. Ngayon, aming kayong tinatalian sa pagsunod, pagluhod at ganap na pagpapasakop sa Molkhiúl YAOHÚSHUA hol-MEHUSHKHÁY, magpakailanman! Amin rin kayo ngayong kinakalagan mula sa yaohod ng uri ng pandaraya, pagsamba sa mga lo-ulhim (huwad na maykapal), at mula sa yaohod ng uri ng pambibihag, kasinungalingan at mga gawa ni ha-satán at ng kanyang mga masasamang espirito, sa pamamagitan ng 'DAM' o dugo ng Molkhiúl YAOHÚSHUA hol-MEHUSHKHÁY, at ng Kanyang mga anghel, at ng Kanyang Ngalang - YAOHÚSHUA! You are free, you are delivered, you are whole, and you are blessed now and forever! Kung mayroon po kayo o sino pa mang nasa kapaligiran ninyo ang may anomang uri ng pangangailangan, espiritwal man o materyal, o kaya'y kailangan ninyo ng walang bayad na babasahin, lalo na ng Tagalog na Banal na Kasulatan o kaya'y Biblia Hebraica, makipag-ugnay lamang po sa amin direkta o kaya'y sa pamamagitan ng inyong mga Bokir-Shuaney o Alalay na Nangangalaga. Ipadala lamang sa amin ang kanilang mga kumpletong ngalan at tiyak na mga addresses at amin silang padadalhan ng mga walang-bayad na mga babasahing tiyak na kanilang ikasisiya, ikaliligtas at ikatitiwasay! Narito ang inyong iba pang walang-bayad na babasahing maaaring hilingin daglian: Q. Bakit tayo naniniwalang ang orihinal na Hebreong Banal na Kasulatan ang mga totoong Salita ni Maykapal? Q. Ano ang kahulugan ng kapanganakang mula sa itaas o mag-uli? Q. Bakit tayo naniniwalang si Molkhiúl YAOHÚSHUA ang totooni Messias? Q. Ano-anong uri ng pagbibinyag ang itinagubilin upang ating isagawa? Q. Bakit maling gamitin ang mga titulong 'El' at 'Elohim' kapag ang tinutukoy ay ang totoong Ulong-Maykapal? Sino ba talaga ang tinutukoy at tinatawag na 'El' at 'Elohim' at 'El Shaddai'? Q. Sino ba talaga sila 'god,' 'ha-shem' at 'adonay' na tinatawag ng marami bilang kanilang 'maykapal' daw? Q. Ang mga salita bang 'zeus' - 'diyos' - 'theos' at 'deus' ay tumutukoy sa iisang espiritong idolo sa di-nakikitang larangang espiritwal? Q. Bakit hindi mabigyan ng mga 'atheists' (di naniniwalang mayrooni Maylalang) ng tamang katugunan ang mga tanong ukol sa pinakaunang nagtulak o nagpagalaw sa buong sangnilikha, saan patungo at magwawakas ang yaohod sa sansinukob, sino ang lumikha ng mga 'atoms' at mga pinakamaliliit na sangkap ng yaohod ng nilikha? Q. Ang pagpapalaglag ba ng sanggol ay itinuturing ni YÁOHU UL na 'infanticide' o pagkitil ng buhay ng sanggol? Q. Itinuturing ba ni YÁOHU UL na pakikiapid ang pakasalan ang isang taong hiniwalayan na ng kanyang dating asawa? Q. Bakit marami ang mahirap at marami rin naman ang mayayaman? May lihim ba sa likod ng mga kaganapang ito? O baka naman nakasalalay ang yaohod sa pasya ng tatlong personang 'kuwarta-pera at salapi'? Totoo ba ang tinatawag na 'suwerte' at 'malas'? Q. Bakit sinasamba ng maraming kabataan sa sanlibutan ang mga damo, dahon at iba pang mga damong-ligaw, sa pagiging sugapa sa mga ito? Q. Talaga bang milyon-milyon ang tumatahak sa maluwag at madaling daan patungo sa kamatayan at kapahamakan, ngunit kakaunti lamang ang nakakikita at tumatahak sa makipot at mahirap na daan patungo sa buhay na walang hanggan? Q. Anu-ano ang mga 'occult objects and symbols' at ano naman ang kamalasang dulot ng mga ito sa mga mayroon ng mga ito? Q. Totoo bang ang mga pangkaraniwang sagisag na ginagamit tulad ng bituin, kidlat, bahaghari, mga hugis puso, ay mga sagisag ng kambing na si ha-satán, at ang mga ito'y gamit ng mga mangkukulam at mga engkatandor? Q. Ipinagbabawal ba talaga ni YÁOHU UL sa Banal na Kasulatan ang pagsasagawa ng 'seance' at mga pagkonsulta sa mga manghuhula, mga 'faith healers' at mga 'mediums' kasama na rin ang pakikipag-usap sa mga patay (necromancy) at paggamit ng mga 'orasyon'? Ano ang mga parusa at salot sa mga nakikiisa sa mga gawa ng kadilimang ito? Totoo, tiyak at walang alinlangang si Molkhiúl YAOHÚSHUA lamang ang nagpapalaya sa inyo mula sa yaohod ng kasinungalingan, pandaraya, pambibihag, mga sumpa at salot na mula kay ha-satán. Si Molkhiúl YAOHÚSHUA ang Liwanag ng Buhay! Pinangangalagaan ka ni Molkhiúl YAOHÚSHUA mula sa tatak ng halimaw. Si Molkhiúl YAOHÚSHUA ay naparito upang magbigay ng buhay, at higit na masaganang pamumuhay! Nakikiisa ka na ngayon, hindi sa panibagong relihiyon, kundi sa Persona ni Molkhiúl YAOHÚSHUA hol-MEHUSHKHÁY, na Siyang ganap na nagpalaya sa inyo mula sa kaharian ng kadiliman tungo sa Kaharian ng Kaliwanagan! Si Molkhiúl YAOHÚSHUA hol-MEHUSHKHÁY na ngayon ang inyong Tagapagligtas, Manunubos, Sanggalang, Tagapagbigay at Pinunong Tagabantay ng inyong kaluluwa. Sa makapangyarihan at mapagmahal na YÁOHU Ulhím ngayon amin kayong inilalagak, magpakailanman! Sinabi ni Molkhiúl YAOHÚSHUA: 'Huwag nyong guni-gunihin na naparito Ahnee (Ako) upang magdala ng kapayapaan sa daigdig! Hindi kapayapaan, kundi tabak! Ahnee ay naparito upang paglabanin ang anak sa kanyang ama, ang anak na babae laban sa kanyang ina, ang manugang na babae laban sa kanyang biyenang babae - ang magiging pinakamahigpit na kaaway ng tao ay mismong ang kanyang mga kasambahay! Kung mamahalin mo ang iyong tatay o nanay nang higit kaysa sa Akin, ikaw'y hindi karapat-dapat maging Akin; o kung mamahalin mo ang iyong anak na lalaki o babae kaya ng higit kaysa iyong pag-ibig sa Akin, hindi ka karapat-dapat maging Akin. Kung iyong tatanggihan ang Aking ipinapapasan sa iyo't di ka sumunod sa Akin, hindi ka karapat-dapat maging Akin. Kung iyong ipagkakait sa Akin ang iyong buhay, ito'y mawawala; ngunit kung iyong isusuko ang iyong sariling buhay dahil sa Akin, maililigtas mo ito!' - Man-YÁOHU (Mateo) 10:34-39, Banal na Kasulatan. Lumiham po kayo o kaya'y tumawag sa telepono, anoman po ang inyong pangangailangan, handa po kaming tumulong, bilang aming paglilingkod kay Molkhiúl YAOHÚSHUA na ating Manunubos at Sanggalang. Huwag po kayong mahihiya. Bukas po ang aming puso't palad sa pagtulong sa inyo, bilang mga alipin ni Molkhiúl YAOHÚSHUA hol-MEHUSHKHÁY sa Kanyang katawan, ang Oholyao Molkhiúl YAOHÚSHUA hol-MEHUSHKHÁY. Ipabasa rin ninyo ito sa mga nasa inyong kapaligiran sa bahay, sa gawain o saan pa man, at magpakopya nito upang maipamahagi sa marami. Ang pinakadakilang pamana na inyong maihahabilin sa inyong mga anak ay hindi ang diploma kundi ang makilala nila ang iisa, totoo at orihinal na Maykapal, si YÁOHU UL, at ang iisa, totoo at orihinal na Messias: YAOHÚSHUA hol-MEHUSHKHÁY! Higit pa Sila kaysa yaohod ng kayamanan o diploma kaya sa buong sanlibutan! Nakasulat: si YÁOHU UL ang Siyang nagbibigay ng kapangyarihan upang umunlad sa buhay sa matuwid at malinis na paraan! Si YÁOHU UL ang masasaligang katiyakan sa buhay, hindi ang salapi, mga ari-arian o diploma kaya. Tandaan: Walang ibang ngalan ang ibinigay sa silong ng langit sa sangkatauhan upang ikaligtas kundi ang iisang Ngalang: YAOHÚSHUA! Walang ibang ngalan.... Nawa'y ang pagpapala ni YÁOHU UL ay sumainyo lagi; Nawa'y ang Kanyang mukha ay laging ibaling sa inyo upang kayo'y lingapin at pangalagaan; Nawa'y kayo'y palagiang puspusin ng kapayapaan, biyaya, kalusugan at walang hanggang pag-ibig at kasiyahan, ngayon at magpakailanman; Haolul-YÁOHU UL Shua-oléym, UL Gavóha, UL Khanyao-ám! OL SHÚAM GAÚL YAOHÚSHUA hol-MEHUSHKHÁY, am-nám! Shua-oléym po! Magkasama nating luwalhatiin si YÁOHU UL, ating itaas ang Kanyang Ngalan! YÁOHU, YÁOHU anong pinakamahusay ang Iyong Ngalan sa buong daigdig! OL SHÚAM GAÚL YAOHÚSHUA hol-MEHUSHKHÁY, am-nám! (Sa Ngalan ni YAOHÚSHUA hol-MEHUSHKHÁY, siya nawa.) Makipag-ugnay sa amin ngayon din! FTP Mirror Sites: ftp://ftp.wr.com.au/pub/yaohush ftp://ftp.yaohushua.org/pub/yaohush ftp://ftp.Yaohushua.org.za/pub/yaohush Home WWW URL: http://www.YAOHUSHUA.org/index.html E-mail Address: Cohanul@YAOHUSHUA.ORG.IL WWW Mirror Sites: http://www.yahushua.org/index.html http://Yaohushua.org.za/index.html http://Ohol-Yaohushua.Org/index.html http://www.yaohushua.org.uk/index.html http://Yaohúshua.wr.com.au/yaohush/index.html http://www.lava.net/ohol_yaohushua/index.html Microsoft Network (MSN) - Religious Resources Library America Online (AOL) - Religion & Ethics Forum - Interfaith Library Microsoft E-Mail Address: YAOHUSHUA@email.msn.com Post Mailing Address: OHOL YAOHUSHUA P. O. BOX 1482, JERUSALEM, ISRAEL 91014 ======================== Tandaan! 'Walang ibang ngalan ang ibinigay sa silong ng langit upang ikaligtas ng tao liban sa nag-iisang Ngalang: YAOHÚSHUA!' - Mga Gawa 4:12, Banal na Kasulatan. Walang ibang ngalan, walang ibang ngalan, walang ibang maliban, liban sa Ngalang: YAOHÚSHUA! Ito ay hindi 'copyrighted' na aklat. Ang mga bahagi o ang kabuoan nito ay maaaring kopyahin sa anomang paraan ng sinomang nagnanais na luwalhatiin si Molkhiúl YAOHÚSHUA hol-MEHUSHKHÁY. Ang pinakadakilang pamana na inyong maipamahagi sa inyong mga anak ay hindi ang diploma kundi ang makilala nila ang iisa, totoo at orihinal na Messias: YAOHÚSHUA hol-MEHUSHKHÁY! Higit pa Siya kaysa lahat ng kayamanan o diploma sa buong sanlibutan! Ibigay sa kanila ang Salita na nagkatawang tao, na Siyang namatay upang tayo'y maligtas. Magkasama nating luwalhatiin si YÁOHU UL, ating itaas ang Kanyang Ngalan! YÁOHU, YÁOHU, anong pinakamainam ang Iyong Ngalan sa buong daigdig! YAOHÚSHUA - ang nag-iisang pag-asa sa buong daigdig! Ang yaohod ng ito ay ibinibigay sa inyo ngayon sa diwa ng katotohanan, pag-ibig, kapakumbabaan at taus-pusong paglilingkod kay Molkhiúl YAOHÚSHUA hol-MEHUSHKHÁY, am-nám! Ang yaohod ng tuhod ay luluhod sa Ngalang: YAOHÚSHUA! OL SHÚAM GAÚL YAOHÚSHUA hol-MEHUSHKHÁY, am-nám! === Tapos ===